THE AWESOME HEIRESS Road to A...

By Sweetmagnolia

2.1M 80.2K 24K

Great parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are thos... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 33

55K 1.8K 1.8K
By Sweetmagnolia


"Andito na ako sa labas," kaswal na sabi ni Harry habang kausap si Natalie sa cellphone. Nakasandal at nakatayo siya sa labas ng kotse nang walang anumang planong pumasok sa loob ng bahay ng sinusundo. Nakabihis siya ng semi-formal na puting long sleeve at medyo cream na pantalong may itim na sinturon. Inibabawan niya ng navy blue na coat ang kanyang puting pantaas at sa bulsa ng coat ay may nakausling tinuping printed na panyong may shade din ng asul.

"In a minute andiyan na ako,"nagmamadali at sabik na sagot ng dalaga.

Wala pang isang minuto ay lumabas na ng gate si Natalie. Tumakbo siya mula sa terrace kung saan kanina pa siya nag-aabang. Hindi alintana ang kanyang poise basta ang mahalaga'y huwag paghintayin ang lalaki. Nawala naman ang pagod niya sa pagtakbo nang nakatakong dahil pinagbinuksan siya ni Harry ng pinto ng sasakyan.

"Salamat," ika niya habang sinusubukang ikubli ang pansamantalang pagkakilig sa pagiging gentleman ng lalaki.

Pagkasara sa pinto, pormal namang bumalik sa loob ng sasakyan si Harry at nagmaneho. Wala itong imik. Hindi seryoso ngunit hindi rin maaliwalas ang mukha subalit halatang wala sa katabi ang tinatakbo ng isipan. Ni hindi nga nagawang pansinin ang hitsura ng dalaga na pinaghandaan pa namang mabuti ang party na dadaluhan dahil nagbabaka-sakaling may maramdaman uli sa kanyang kahit konting atraksiyon ang ex-boyfriend.

"Pasensiya ka na sa istorbo. Nag-abala ka pang sunduin ako. Pwede naman akong dumiretso na lang sa party," sabi ni Natalie nang medyo hindi pa nakakabawi sa paghabol ng hininga.

Kumurap si Harry nang tila may narinig siyang nagsalita. Saka lang siya lumingon sa kasama. Nakatingin sa kanya ang babae nang may malapad na ngiti. 

"D-Did you say something?" tanong niya.

Asiwang tumawa ang dalaga. "Sabi ko hindi mo naman ako kailangang sunduin. Pwede naman akong dumiretso na lang sa party."

"I can't be that rude. Ako na nga ang nakaistorbo tapos hahayaan pa kitang pumunta mag-isa. Alam kong nahirapan ka lang humindi kay Tita Marianne," may payak na ngiting tugon ni Harry.

Bumilog ang mga mata ni Natalie sabay masayang ngumiti. "That's not true! I'm actually excited to attend. I can't wait to meet your family again." Napansin niyang nawala ang ngiti ng binata at medyo nailang sa sinabi niya. "W-Welcome pa naman akong makihalubilo sa pamilya mo di ba? T-Tutal magkaibigan pa rin naman tayo," tila humihinging permisong tono niya.

"O-Oo naman," napapalunok na sagot nito pero ramdam niyang hindi ito komportable sa ideya.

"How do I look? I wonder if I'm overdressed or under dressed for the party," kunway masiglang pag-iba niya sa usapan. Mas nasasaktan siya kapag napapansing napipilitan lang ito sa mga sinasagot sa kanya.

Ngumiti ang lalaki pero alam niyang pilit pa rin iyon. Nilingon siya nito nang di man lang tumagal ng isang segundo ang pagbaling ng mga mata sa kanya. "You're Natalie. Whatever you wear, people will always find you pretty."

"T-Thank you," kiming sagot niya. Bagamat maganda ang sinabi ng kausap pero hindi sapat iyon para madagdagan ang sigla niya. Ang nais niya kasing marinig ay kung ano ba ang hitsura niya sa paningin nito. Subalit kahit malamig pa rin ang trato sa kanya ng binata, masaya na siyang nabigyan na ulit sila ng pagkakataong magkasama. Kaya hindi niya alintana kung sa buong oras na tumatakbo ang sasakyan ay hindi man lang siya nito kusang kinausap.

Pagdating sa five star hotel sa Makati kung saan ginaganap ang party, kalmadong bumaba si Harry ng sasakyan at binigay ang susi sa valet parking na sumalubong sa kanila. Pinagbuksan niya ng pinto si Natalie at inalalayan ito sa pagbaba. Maginoong inalok niya ang kanyang braso sa dalaga at kiming humawak naman ito sa kanya. Tahimik silang nagtungo sa banquet hall kung saan marami ng mga bisita. Karamihan ay mga kilalang taong imbitado ng kanyang Tita Marianne. 

Sa entrada pa lamang, nakuha na nila ang atensiyon ng karamihan. Di na siya nagtataka, iyon naman ang madalas na reaksiyon ng mga tao kay Natalie lalo pa't nakaayos ito at maganda ang kasuotan. Hindi siya naapektuhan ng mga matang nakatingin sa kanila sa halip ay kaswal siyang naglakad papasok nang nahakahawak pa rin sa braso niya ang dalaga habang ito naman ay kiming nginingitian ang sinumang nahuhuling nakatingin sa kanya. 

Hinanap ni Harry ang kanyang tiyahin at tiyuhing nagdiriwang ng kaarawan. Nakita niya ang mga iyon na nakatayo malapit sa dessert bar at parehas may hawak na wine glass. May dalawang kausap ang mga iyon ngunit mga likod lamang ng mga kahalubilo ang kanyang nakikita. Balak niyang kawayan na lamang ang tiyahin upang ipaalam na naroroon na sila at saka na lamang lumapit para batiin ang kanyang Tito Lucas pag libre na ang dalawa. Napakunot siya ng noo nang unti-unting mamukhaan ang pangangatawan at tindig ng mga nakatalikod na kausap. Eksaktong natanaw naman siya ng kanyang tiyahin.

"Harry! You're here!" kaway nito nang may malapad na ngiti. "Halika!"

Nanlaki ang mga mata niya nang lumingon din ang mga kausap nito. Si chairman at Mrs. Monteverde! Biglang nagising ang kanina lang ay kalmadong dugo niya. Habang lumalapit, pasimple at kabadong dinistansiya niya ang braso kay Natalie subalit nanatiling nakakapit pa rin nang mahigpit dito ang babae.

"Happy birthday Tito Lucas," bati niya nang nakangiti habang tila nanginginig ang kanyang mga labi.

"Thank you Harry," tugon ng may kaarawan.

"Oh you're very beautiful friend is here! Salamat sa pagpunta iha!" masayang wika ni Marianne na sa mga oras na yun ay nakasuot ng kumikinang na silver tube gown na pinatungan ng puting faux fur shawl. Agaw-atensiyon ang malalaking brilyantes na hikaw nito. Bineso-beso nito ang dalaga.

"Salamat din po sa pag-imbita," malumanay na sagot ni Natalie at pagkakuway nakangiting tumingin sa may kaarawan. "Happy birthday po." 

"Thank you," ngiti ni Lucas.

Tinaasan ni Marianne ng kilay ang pamangkin. "Bakit ngayon ka lang? Naunahan ka pa ng boss mo. Pinaabot ko na lang sa mommy mo ang invitation nila kasi ang hirap mo laging hagilapin," kunway sita nito.

Saka lamang napapalunok na tumingin nang diretso si Harry sa mag-asawang Monteverde. Wala siyang ideya na dadalo rin pala ang mga ito sa party. "H-Hi Chairman. H-Hi Tita Alex."

"Hi Harry," may pagkapormal at banayad na tono ni Alex. Inangkla nito ang kamay sa braso ng asawa gaya nang kung paano ang pagkakakapit ng dalaga sa braso ng binata. Bagamat nakangiti ngunit mapanuring naglakbay ang mga paningin nito sa mukha ni Natalie, pababa hanggang paa at saglit na napako sa mga kamay na nakahawak sa binata.

"Who's this beautiful partner of yours?" malugod na tanong ni Blake.

"S-Si Natalie po kaibigan ko. Natalie sina Tita Alex at Chairman Monteverde."

Namilog ang mga mata ni Natalie at ilang sandaling napaawang ang bibig. "Oh my... You're the owner of Golden Pacific. K-Kayo po ang mga magulang ni Cassandra. Hello po nice to meet you!" ubod ng excited na nakipagkamay siya sa mag-asawa.

"Nice to meet you Natalie," ani Blake.

"Just friends?" nakangiti pa rin pero tila may lamang tanong ni Alex.

"Opo Tita," mabilis at siguradong sambit ni  Harry.

"Kilala rin po ako ni Cassandra. Nakasama ko na rin ho siya ng ilang beses sa mga lakad namin dati ni Harry," nagagalak na wika ni Natalie nang di alam kung kaninong mukha ng mag-asawa ipapako ang mga paningin. Parehas kasing maganda at gwapo kahit may mga edad na lalo na ang chairman ng Golden Pacific na sa hitsura pa lang ay alam na kung sa anong antas ito ng lipunan nabibilang.

Lakad nila ni Harry? Napaisip si Alex. Bakit sa pananalita ng dalaga ay parang ang anak niya ang nagmimistulang sabit lang sa tinutukoy nitong mga lakad? Pasimple niyang kinilatis ang magandang dilag na nakasuot ng floor length na nude lace. Maiksi ang manggas at naka v-neck na labas ang malalim na collarbone. May gold at maipis na sinturon na kapares ng hawak nitong gold na clutch bag. Nakataas ang buhok na may kaunting nakalugay sa gilid. May manipis na headband na gawa sa mga puting crystals. Mula mukha, pangangatawan at pagdadala ng damit, wala siyang makitang anumang kapintasan.

Samantala buong paghanga ring pinagmasdan ni Natalie si Mrs. Monteverde. Napaka classy at elegante nito kahit simpleng turtle neck gown lamang ang suot. Pero sa suot nitong mga alahas na pulos mga diyamante ay batid niyang milyones na ang mga halaga niyon. Napakasimple lamang ng ayos ng ginang ngunit sa kabila nito ay napakalakas pa rin ng dating. Yung pag nakaharap mo ito ay wala kang ibang mararamdaman kundi paghanga at respeto. Napansin niyang mas malaki ang hawig dito ni Cassandra. Pati ekspresyon ng mga mata ay may pagkakatulad din. 

"Naku di ko pa rin makontak si James! Ayaw sagutin ang telepono. Siguro may emergency meeting na naman to!" reklamo ni Margareth habang naglalakad papalapit sa umpukan nang nakatingin sa cellphone.

Tumabi nang bahagya sina Harry at Natalie para makalapit ang ginang kina Alex nang di sila nababangga.

"Baka may biglaang importanteng meeting o kasong pinag-uusapan," ani Alex sa kaibigan na maya't mayang tinatawagan ang asawa at lumalabas ng venue para maghanap ng magandang signal.

"Hay naku. Ewan ko ba dito sa asawa kong ito! Sinabi ko namang kahit ngayon lang ay ipagpaliban muna yung trabaho niya. Huwag niyang sabihing nakalimutan niya ang birthday ng bayaw niya!" medyo nababarinong ika ni Margareth. Nagliwanag lamang ang mga mata niya at pagkakuway gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi nang mapansin ang panganay at ang kasama nito. "Oh my... Natalie you're here! What a surprise!"

"Good evening po Tita. Kumusta po? Good to see you again," mahinhing wika ni Natalie.

Nakangangang tiningnan ni Margareth ang dalaga't binata. Palipat-lipat ang kanyang mga mata sa mukha ng mga ito. "Oh my! Anong ibig sabihin nito? Nagkabalikan na ba kayo?" tuwang-tuwang tanong niya.

"Nagkabalikan?" sabay na bulalas nina Alex at Marianne.

"Oo! Dating magkasintahan tong dalawang to tapos bigla na lang di na napapasyal tong si Natalie sa bahay kaya hula ko agad na nagkahiwalay na sila," masiglang kwento ni Margareth. Wala na siyang mahihiling pa para sa anak. Nung kelan lang nagdala ito ng kabarkada sa bahay ngayon naman ay kasama na ulit nito ang dating girlfriend. Bumabalik na sa normal ang buhay nito.

Hindi agad maibuka ni Harry ang bibig. Batid niyang kung anu-anong espekulasyon na ang tumatakbo sa isipan ng mga kaharap pero nalilito siya kung saan mag-uumpisang magpaliwanag.

"Harry don't waste your golden chance to have a wonderful, sweet and extremely beautiful girlfriend. Magbalikan na kayo!"mariing suhestiyon ni Marianne.

"Oo nga anak. Hindi man ako nagsasalita pero kahit paano na-miss ko rin si Natalie," ani Margareth.

"That's right Harry. Natalie is a great girl and you two really look good together," nakikisali na ring sabi ni Lucas.

"Ah siya pala ang ex-girlfriend na dahilan kung bakit madalas lumilipad ang isip mo noon sa trabaho. Now I understand why you can't get over with her. Sino bang hindi manghihinayang kung ganyan kaganda ang pinakawalan mo," hirit naman ni Blake.

Namula si Harry sa tinuran ng chairman. Iyon lang ang agad na nakapagpasalita sa kanya. "That's not true!" mariing tanggi niya na agaran din namang kinalma ang sarili nang mapagtantong lumakas ang boses niya. "H-Hindi si Natalie ang dahilan kung bakit marami akong iniisip noon. Maluwag ho sa loob ko na tinanggap ang paghihiwalay namin. Kaya ho kami magkasama ngayon kasi nagkataon lang na naimbitahan siya ni Tita Marianne dito sa party at hindi ho dahil may posibilidad na magkabalikan kami."

Walang naging silbi ang paliwanag niya. Kumibit lamang ng mga balikat ang mga kausap.

"I'll be glad though if you get back together. You're in the right age to date basta may usapan na tayo pagdating sa trabaho," malugod na wika ni Blake.

"M-Me too. I'm happy for both of you," sabi naman ni Alex nang hindi malaman kung ngingiti nang simple o malapad.

Mataas ang itinalon ng puso ni Natalie nang nalaman buhat sa chairman na dinamdam din ni Harry ang kanilang paghihiwalay. Nakakita siya nang kaunting pag-asa na posibleng mahulog ulit sa kanya ang binata. Bahagyang bumagsak lang ang mga balikat niya nang pinabulaanan din agad ng lalaki ang sinabi ng boss nito pero ganun pa man ay natutuwa pa rin siya dahil boto ang pamilya nito pati na rin ang mga magulang ni Cassandra na magkakabalikan sila.

Bumalik ang mag-asawang Monteverde sa VIP table nila. Sina Marianne naman ay nakihalubilo sa iba pang mga bisita. Si Margareth ay lumabas ulit para tawagan ang asawa. Sina Harry at Natalie naman ay naupo sa kung saan kasama nila ang buong pamilya ng mga Corpuz na katabi lamang ng mesa ng mag-asawang Monteverde.

Nanahimik si Alex at seryosong uminom ng wine. Napapabuntong-hininga habang ang kilalang asawa ay abala sa maya't mayang pagganti ng bati sa mga taong lumalapit sa mesa nila para kunin ang atensiyon nito.  Nasira ang mood niya nang kumustahin kanina ni Marianne ang pagiging housewife niya. Kahit na ni minsan ay di naging isyu sa kanya ang pagiging housewife pero sa paraan ng pagkakatanong sa kanya ay para bang may halong pagmamaliit ito. Tapos walang tigil pa sa pagyayabang kung paano nito natulungan ang asawa na mapalawak pa ang negosyo sa Amsterdam. Mas lalong nawalan siya ng gana nang dumating pa si Harry na kasama ang napakagandang ex-girlfriend nito.

"Hay naku!" buntong-hininga niya kasabay ng paglapag ng baso sa mesa.

"Hon whats wrong?" lingon sa kanya ng mister.

"W-Wala naalala ko lang ang mga bata sa bahay. N-Natutulog na kaya ang mga yun? Baka si Gavin ay panay laro na naman sa cellphone. Baka si Catherine ay nakababad na naman sa TV."

"Hindi mo ba ibinilin sa mga maids na bantayan sila?"

"I did. Pero kaming mga housewives ay mayroong mas malakas na maternal instinct. Pakiramdam ko ay kayang-kayang bolahin nung dalawa ang mga yaya nila."

Nakahalata si Blake sa tono ng misis. "Hon bakit parang may bitterness ang pagkakabanggit mo ng housewife?"

"Ako bitter? Hah! Bat naman ako magiging bitter? Kahit kailan ay ipinamamalaki ko na naalagaan kita at ang mga anak natin. Hindi ko yan ipagpapalit sa anumang trabaho. Ang sinasabi ko lang naman ay nag-aalala ako sa mga anak natin na baka nagpupuyat na naman ang mga yun," sabay irap nito at inom ng wine.

Tatawa-tawang umiling siya at uminom. Kutob niyang kaya tila nagmamaltol ang asawa ay dahil naapektuhan ito sa sinabi ni Marianne. Anong magagawa niya kung pagiging housewife lang ang kaya niyang maalok na papel sa misis. Wala siyang ibang negosyo o trabahong maibibigay dito dahil alam niya naman kung anong klaseng trabaho lang ang makakapagpasaya dito.

Nahuli ni Alex na napalingon si Marianne kay Blake. Mabilis siyang dumikit sa mister at mahigpit na humawak sa braso nito.

"Bakit hon?" taka ng mister.

"Your ex is staring at you."

Tumawa si Blake. "Hon that was an ancient story. Hindi ka pa ba nakakamove on? May kanya-kanya na tayong masasayang buhay ngayon."

"I know. But I told you I have exceptional instinct. Iba pa rin ang mga tingin niya sayo eh. May sparks pa rin yung mga mata."

"People usually look at me with sparks in their eyes."

Napaingus si Alex sa may kahanginang sagot ng asawa. "I bet if given a chance, may natitira pa rin siyang feelings sayo. Kanina nga nang dumating tayo di na agad makapaghintay na makausap ka parang nakalimutan ata na may asawa't anak na siya," duda pa rin niya.

"Hon if you came here just to be jealous, sana hindi na lang tayo umattend. Ikaw tong pumilit sa akin na pumunta dito tapos magkakaganyan ka lang naman pala."

Bumitaw siya sa mister at medyo natatauhang lumunok. "Even if I don't want to attend, but you know I can't ignore their invitation since they are Margareth's family," maamo nang sagot niya.

"Ate Natalie ! You're here! I missed you!"

Napalingon si Alex kay Chloe. Tuwang-tuwang niyakap nito ang kasama ng kanyang kuya. Nagkumustahan ang dalawa at sa paraan nang pag-uusap ng mga iyon ay di maikakailang naging malapit din si Natalie sa pamilya ni Harry.

"Hon, sinong mas maganda? Si Natalie o si Cassandra?" bulong niya sa asawa.

Nagulat na naman si Blake sa di inaasahang tanong ng misis. " Why are you asking that kind of question?"

"Ah basta. Can you just answer without asking question too."

"There's no need to compare because they are both beautiful in their own way."

"Hindi mo man lang ba papaboran ang anak mo?"

"As a parent, of course I'll say to myself that Cass and Catherine are the most beautiful daughters in the world pero Hon realistically speaking kapag itinabi mo ngayon si Cass diyan sa ex ni Harry, hindi mapapansin ang anak natin."

"Siyempre hon, gupit lalaki at babad sa araw si Cass ngayon," ingus ni Alex.

"Precisely so why compare here to that lady?" iling ni Blake.

Bumuntong-hininga muli nang malalim si Alex at humalukipkip. Ninakawan niya muli ng sulyap sina Harry at Natalie. Di niya maintindihan ang sarili kung bakit nagkakaganito siya. Dapat ay masaya siya para kay Harry dahil may napakaganda at sopistikadang babaeng nagkakagusto dito. Siya itong nagbigay payo sa binata na maging masaya sa sarili nitong buhay pero bakit parang nasasaktan siya para sa anak na makitang may iba ng importanteng babae sa buhay ang matalik nitong kaibigan. Naninibago siyang makitang hindi na si Cassandra ang babaeng kasa-kasama nito.

Walang ganang uminom siya ng wine. Paglingon niya sa entrada ay biglang naglaho ang pananamlay niya. Namilog ang mga mata niya nang matanaw na dumarating si James at may kasama ito. Napatayo siya sa tuwa.

"Tama ba ang nakikita ko? Si Brandon ba ang kasama ni James?" nakangiting sambit niya sa sarili.

Habang papalapit ang dalawang bagong dating, mas nakokompirma niyang tama nga ang hinala niya. Buong siglang tinapik-tapik niya sa braso ang asawa. "Hon, hon! Si Brandon oh!"

"Sinong Brandon?" kunot-noong tanong ni Blake.

"Si Brandon Aldovar yung nagligtas noon kay Cassandra!" 

Nilingon ni Blake ang tinutukoy ng misis. Agad niya ring namukhaan ang lalaki. Dumiretso ang mga iyon sa kinaroroonan ng hosts ng party. Tatayo na sana ang asawa para lumapit sa mga bagong dating pero agad niyang pinigilan ang kamay nito at hinila papabalik sa upuan. " Where are you going?" tiim bagang sambit niya.

"Mangungumusta."

"Are you that excited to greet the man whom we haven't met for more than a decade?"

"Kaya nga excited ako dahil sobrang tagal ko siyang hindi nakita," rason ng misis.

"Were you that close back in the old days para ma-miss mo siya nang ganyan?" sarkastikong tugon uli ng chairman.

Natigilan si Alex saka unti-unting ngumisi "Hey are you jealous? Akala ko ba andito tayo hindi para magselos?"

Tumikhim si Blake at niluwagan ang kurbata. "I'm not jealous. Sinasabi ko lang na hintayin mong batiin ka niya at lapitan." Eksaktong pagkasabi niya noon ay siyang lingon naman nina James sa mesa nila at lumapit agad sa kanila.

Nagningning ang mga mata ni Alex. Tumayo na siya at hindi inintindi ang pagpapakaistrikto ng asawa. Kusa niyang sinalubong ang dalawang pulis na naglalakad papalapit sa kanilang mesa. "Brandon Aldovar! It's you! I can't believe it. It's been how many years since we saw each other! Kumusta ka na?" walang pagsidlan ng tuwa na ika niya.

"Mabuti ho. Kumusta rin Mrs. Monteverde. Hindi ko akalaing makikita ko ho ulit kayo," medyo nahihiyang sabi ni Brandon kahit pa ang totoo ay natutuwa siyang nakilala agad siya ni Alex.

"Just call me Alex, masyado ka namang pormal," tawa ng ginang.

"You're always welcome to call her Mrs. Monteverde," biglang sabat ng nakalapit na ring si Blake.

Nataranta si Brandon at agad na nakipagkamay sa chairman. "Hello Sir Monteverde. Kumusta po? Good to see you again."

"Good to see you too," taas noo at nakataas ang isang sulok ng bibig na sagot ng chairman.

"Isinama ko dito si Major Aldovar dahil gustong bilhin nina Marianne ang binebenta niyang resort. Hindi ko sinabing andirito rin kayo para masurpresa," tatawa-tawang saad ni James.

"Wow it's been how many years but look at you! Ang pogi mo pa rin! Parang di tayo tumatanda ah!" walang pag-aalinlangang komento ni Alex sanhi para masamid ang mister. "Saka tama ba ang dinig ko? You're a major now?"

"Yes," mapagkumbabang tono n Brandon.

"We're working in a huge case now kaya mas madalas kaming magkakasama," masayang balita ni James.

"Congratulation sa mga naging promotions mo Major Aldovar! Sana maging matagumpay ang kasong hinahawakan niyo ngayon ni Coronel Corpuz," ani Alex nang may kakaibang sigla ang mga mata.

"Where have you been Major Aldovar? How's your family?" tanong ni Blake.

Mapaklang ngumiti si Brandon. Biglang nahiya ulit nang maalala ang masalimuot at kumplikadong nakaraan niya sa mga Monteverde. Ang dahilan kung bakit nagpakalayo-layo siya. "Sa probinsiya ako nadestino nang matagal. Mag-aapat na buwan pa lang ulit akong nakakabalik dito sa Maynila."

"How's your wife?" usisa ulit ni Blake.

Napalunok ang major. "S-She's gone. Mahigit dalawang taon na akong biyudo."

Napanganga si Alex. Dagli niyang tinakpan ng palad ang bibig. "I-Isabelle died?" di makapaniwalang sambit niya.

Umiling si Brandon. "Not Isabelle. I was married to another woman. But my wife died from cancer two years ago."

"That's why he's selling the resort they owned in the province because he's planning to settle  permanently here in Manila," dagdag ni James.

Ilang sandaling di nakaimik ang mag-asawa. Pasimpleng hinawakan ni Blake ang palad ng misis at hinatak papalapit sa kanya upang idistansiya sa biyudo. "I'm sorry for your loss," ika niya.

"Ganyan talaga ang buhay. Una-una lang," matamlay na ngiti ng pulis.

"How about your children?" tanong ni Alex.

"Wala kaming naging anak. And my son with Isabelle is living with her in states. Nakakasama ko lang sa tuwing nagbabakasyon dito. Isabelle is also married and has two daughters with his American husband."

"Ay salamat at dumating ka rin!" biglang sulpot ni Margareth sanhi para mabasag ang malungkot na usapan. Tiningnan niya nang masama ang asawa ngunit agad din namang ngumiti nang makita si Brandon. "Ay andito ka pala Major Aldovar. Alex, remember him? The handsome inspector before. Di ba ang pogi pa rin at parang mas gumuwapo pa nang nagmature," hagikhik ng ginang.

"Oo nga eh," nakangiting sagot ni Alex.

Nagkatinginan sina James at Blake at parehas sabay na nagtagpo ang mga kilay.

Samantala, naghahanap naman si Harry ng tiyempo na makalapit kay Major Aldovar. Gusto niya itong batiin at makakuwentuhan kapag libre na ito.

"Kuya," tawag ni Chloe.

"Bakit?"

"Dad invited a friend. Ikaw wala ka bang inimbita?"ika ng dalaga nang may matamis na ngiti.

"I-I'm here. Kaibigan din naman ako ng kuya mo," ani Natalie nang nakamwestra ang kamay sa sarili.

"Pwera sayo," sagot ni Chloe.

"Sino namang iimbitahan ko? You're Ate Cass is in PNPA," kaswal na sagot ni Harry.

"Pwera rin kay Ate Cass. Yung ibang kabarkada mo." Inipit ng dalaga ang buhok sa tenga. "For example, yung inaya mo minsan mag-inuman sa bahay."

"Nasa PNPA din," matigas na sagot ni Harry.

"Whom are you referring to?" interesadong tanong ni Natalie.

"Wala. Di mo kilala," kunway pakipot pero lihim na kinikilig na sagot ni Chloe.

"If that person is in PNPA too, I think I have an idea," excited na sabi ni Natalie.

"Talaga kilala mo rin?"

"Is it Dominic? Don't tell me you have a crush on him?"

Hindi nakasagot si Chloe sa halip ay namula ang mga pisngi sa prangkang tanong sa kanya.

"Dad si Ate may crush!" biglang sigaw ni Forlorn na nasa likod lang pala ng dalawang nag-uusap na dalaga. "Si Dom-..."

Tarantang tumayo si Chloe at mabilis na tinakpan ang bibig ng bunsong kapatid.  "Tumahimik ka!"

"Dad si ate!" hinigpitan niya pa lalo ang pagkakatakip sa bibig nito.

Nilingon sila nang ama at kumunot ang noo nito.

"Dad. Sinasaway ko lang si Forlorn sa paglalaro," nakangiting paliwanag niya nang hindi inaalis ang kamay sa bibig ng kapatid.

"Will you stop," matigas na saway ni Harry. "We're not in our house."

Natatamemeng sumunod ang dalawang nakababatang kapatid. Umalis si Forlorn at pinuntahan ang pinsang si Jenesis samantalang kiming naupo ulit si Chloe.

"Do you personally know Dominic?" mahinang tanong na lamang ni Chloe kay Natalie.

"Yes he's a very cool guy."

"Saka sobrang gwapo rin di ba?" nagpipigil ng kilig na sambit ni Chloe.

Tiim-bagang nilingon ulit ni Harry ang kapatid. "Stop talking about him. Act your age. No guys will be interested to you if you keep acting like you're still in high school."

Magkasabay na itinikom ng dalawang babae ang bibig.

Bumuntong-hininga si Harry. Dahil sa pagkakabanggit sa pangalan ni Dominic at sa presensiya ni Major Aldovar, naalala niya tuloy ang nalamang konektado si General Funtanar sa pagkakakidnap kay Dominic noon. Hindi niya pa ito nasasabi sa kaibigan dahil baka mas lalo lang umigting ang galit nito at madaliin ang plano laban sa heneral. Maghahanap muna siya ng magandang tiyempo. Isa pa ay wala pa rin naman siyang matinong impormasyong nakukuha tungkol sa heneral.

Inilabas niya ang cellphone at sinubukang igoogle ulit ang naturang opisyal. Wala naman siyang makitang negatibong mga write ups kundi pawang mga papuri at achievements lamang.

"Huh? Why are you googling about General Funtanar?"

Nagulat siya sa tanong ni Natalie na nakatingin din pala sa cellphone niya. "Ah... b-balak ko sanang alukin ng sasakyan. I-I wonder if he's collecting luxury cars too."

Ngumiti ang dalaga. "I know him. Do you want me to help you?"

"You know him?"

"Yes." Nawala ang ngiti nito at ngumiwi. "He used to send me flowers when I was having my OJT as hotel receptionist. I think he's a dirty old man who likes to give indecent proposals to young women. Pero kung gusto mo bobolahin ko siya para mabentahan mo ng sasakyan."

Ilang sandaling nag-alinlangan si Harry. "O-Okay lang ba na tulungan mo ako?" Nagdadalawang-isip man siya pero mahalaga ang bawat bagay na magbibigay sa kanya ng direktang koneksiyon sa heneral.

"Oo naman. I'll help you," siguradong sagot ni Natalie.

                                                                                           ******

"Seryoso ako! Papatayin ko ang hostage na to kapag di niyo pinagbigyan ang demand ko!" sigaw ng hostage-taker.

"Ano ho ba ang mga hinaing niyo? Sabihin niyo at pakikinggan ko. Ipaparating ko lahat sa kumpanya niyo," maamong salita ni Zeline sa megaphone.

"Gusto ko ay ipasara niyo ang hayup na kumpanyang iyon. Limang taon akong nagpakaalipin sa kanila tapos umabsent lang ako ng ilang araw dahil nagkasakit ang anak ko ay sinisante na nila ako! Asan ang katarungan doon! Mga wala silang awa! Ano ngayon ang ipapakain at ipapagamot ko sa anak ko?! Mga demonyo ang may-ari non!"

"Sir huwag ho kayong mag-alala. Irereklamo ho natin sila sa DOLE at sasampahan ng kaso. Hindi niyo ho kinakailangan kumitil ng buhay para mapasara ang kumpanya meron naman hong tamang proseso para diyan nang hindi kayo magiging kriminal."

"Hindi ako naniniwala sa proseso na yan! Mayayaman ang mga yun! Tatapatan lang nila ng pera ang bulok na hustisya natin tapos burado na ang reklamo ko. Ipasara niyo yun ngayon din at bigyan niyo ako ng sapat na pera para sa ipampapagamot at ibubuhay ko sa anak ko! Bibigyan ko kayo ng limang oras na taning kundi ay papatayin ko lahat ng mga hostage ko."

Sinenyasan ni Zeline si Cassandra na lumapit sa kanya at sumunod naman ang huli. "Sir andito po yung kaisa-isa niyong anak na babae. Gusto daw po kayong makausap." Binigay niya ang megaphone sa kasama.

"Papa umuwi na po tayo. Di bale hong wala tayong pera basta huwag lang ho kayong maging masamang tao. May awa naman ho ang Diyos at tiyak na hindi niya tayo pababayaan. Ayoko pong makulong kayo. Gusto ko pong makasama kayo araw-araw hanggang sa paglaki ko," akting ni Cassandra.

"Pasensiya na anak! Ginagawa to ni papa para sayo. Di baleng masira ang buhay ko o mamatay ako basta gumaling ka lang at lumaki nang may komportableng pamumuhay. Hindi uuwi si Papa hanggat di nila sinusunod ang gusto ko!"

Inis na inagaw ni Zeline ang megaphone kay Cadette Monteverde. "Ah ayaw mo talagang makinig ha!" Kunway bumunot siya ng baril. Ipinulupot ang kanyang braso sa leeg ng umaarteng anak at itinutok sa ulo nito ang baril. "Pwes kung hindi mo pakakawalan yang mga hostage, papataying ko rin tong anak mo! Ano mamili ka?! Ang hirap mong kausap, gusto mo ata takutan eh! Buhay sa buhay! Huwag mo akong subukan, papatayin ko rin tong anak mo! Tingnan ko lang kung may silbi pa yang pinaglalaban mo! Ano sumagot ka! Isa...dalawa..."

Habang naglalakad papuntang library, pinipigilan ni Cassandra ang paghagalpak sa tawa sa tuwing naalala ang performance ng kasama sa kanilang practical training sa art of negotiation.

"Hay ano ba yan bagsak na naman ako sa activity natin kahapon. Ang baba na nga ng nakuha kong result sa exam natin sa psychology tapos eto pa," problemadong buntong-hininga ni Cadette Funtanar.

Yumugyog ang mga balikat ni Cassandra na hindi na napigilan ang isang mahinang tawa. "Paanong hindi ka babagsak, i-hostage mo rin ba naman ang anak ng hostage-taker eh."

"Ginawa ko lang kung ano ang practical. But of course in reality , I won't kill the daughter. It was my last strategy. Logically speaking, bakit ba ng hostage ang tatay niya? Di ba dahil sa anak niya. Gusto niya itong mabigyan ng magandang buhay. Ngayon kung pagbabantaan mo ang buhay ng pinakaimportanteng tao sa kanya eh ano pang silbi ng panghohostage niya?"

"Ewan ko sayo. Meron ka namang itinitagong katalinuhan eh. Mas nangingibabaw lang ang pagkapilosopo mo," tugon ni Cassandra.

"Di bale babawi na lang ako sa exam natin sa Lunes sa socio-anthropology. Mag-aaral akong mabuti,"masigla nang sabi ni Cadette Funtanar.

"Mabuti naman."

Tumahimik ang dalawa nang papasok na sa library. Nagkanya-kanya sila ng istanteng pinuntahan para hanapin ang mga librong kailangan. Si Cassandra ay libro tungkol sa mga baril samantalang si Zeline ay libro sa socio-anthropology. Nagkasama na lang ulit sila nang naupo na sa iisang mesa.

Seryosong nagbasa si Cassandra at nagsaulo ng mga parte ng iba't ibang uri ng baril hanggang sa napansin niyang hindi naman nagbabasa ang kasama. Abala ito sa pagdrawing sa notebook ng mga nakadamit na mannequin. Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa.

"What?" ubod nang hina ngunit nakangiwing bulong ni Cadette Funtanar.

"Akala ko ba mag-aaral ka?" anas niya.

"I'm taking a break. Inaantok ako."

"Wala ka pang isang oras nagbabasa, inaantok ka na agad. Kapag ganyan ka nang ganyan di malayong bumagsak ka sa exam sa Lunes."

"Ang sakit sa braincells eh. Ang hirap intindihan," reklamo ng kaharap ngunit walang nagawang ibinalik ang atensiyon sa pagbabasa bagama't humihikab-hikab pa. "Cadette Monteverde baka naman pwede mo akong pakopyahin sa lunes," biglang hirit nito.

"Gusto mong ma-expel nang wala sa oras?"

Lulugo-lugong umiling ito.

Itinuloy niya ang pagbabasa at nagseryoso sa pagsusulat ng notes. Maya-maya lang ay naramdaman niyang si Cadette Funtanar naman ang sumisipa sa paa niya.

"Bakit?" medyo inis na bulong niya sa pang-iistorbo nito.

Ngumuso ito. "Look."

Lumingon siya sa kanyang likuran upang tingnan ang tinuturo ng bibig ng kasama. Nabuhay lahat ng mga ugat niya kasabay ng pagtahip ng dibdib nang matanaw sa isang nasa sulok na mesa si Dominic. Seryosong nagbabasa ito. Patay malisyang tinakpan niya nang libro ang mukha upang ikubli ang mga ngiti.

"Palit tayo ng pwesto," kunway natural na suhestiyon niya sa kasama.

"Bakit?" taka ni Cadette Funtanar.

"Titingnan-tingnan ko si Sir Carvajal para pag lumingon dito, sasaludo tayo."

"Ako na lang."

"Ako na. You need to focus on reading. Mas kailangan mo yan," giit niya.

Wala na namang nagawa si Zeline kundi ang pumayag. Gusto niya pa naman doon sa pwesto niya kasi istante lang ang nasa likuran niya. Walang makakapansin kung magdrawing man siya.

Kunway bumalik sa seryosong pagbabasa si Cassandra. Ngunit ilang sandali lang ay itinayo niya ang nakabuklat na libro. Tinakpan ang mukha habang nagbabasa ngunit maya't maya namang sumisilip upang nakawan ng tingin ang training officer. Hinihintay niyang lingunin sila nito pero tila may sariling mundo ito sa sobrang seryoso sa pagbabasa. Pabor din naman na huwag itong lumingon, at least marami siyang pagkakataong nakawan ito ng tingin.

Sinipa na naman siya ng kasama.

"Ano na?" bulong nito.

"Hindi pa rin lumilingon," kaswal na iling niya.

"Sana umalis na. Di ako makapagconcentrate."

Nagtagpo ang kanyang mga kilay. "Ba't mo naman paalisin? Di ka lang makapagdrawing eh."

"Ikaw kasi nakipagpalit ka pa ng pwesto."

"He's standing up," tarantang salita niya.

"Talaga? Sana umalis na."

Tumayo ang binata at tahimik na ibinalik ang libro sa estante.

"I'm done reading this book. Maghahanap lang ako ng ibang babasahin pa," sabi ni Cassandra sa kasama. Dali-daling tumayo siya at ibinalik ang libro sa kung saang estante ito kinuha. Pagkatapos ay lumapit siya estanteng pinuntahan ni Dominic. Nakatayo pa roon ang binata at nagtitingin-tingin ng iba pang libro. Umasa siyang mapapansin nito ngunit nang makalapit siya ay biglang alis naman nito. Dumiretso ito sa pinto. Kumuha siya ng kahit anong libro at natanaw sa labas ng pintuan ang training officer na may kausap sa telepono. Nagduda siyang baka si Ms. Gozon na naman ang kausap nito. Pasimple siyang naglakad sa pintuan nang kunway binubuklat-buklat ang librong hawak. Sumandal sa dingding na katabi ng pintuan at umarteng seryoso sa pagbuklat ng mga pahina.

"Yes sir. Okay sir. Pupuntahan na lang ho kita," dinig niyang sabi ni Dominic.

Napangiti siya sa isipan nang malamang hindi si Ms. Gozon ang kausap nito. Tiniklop niya ang libro at inakap ito. Humakbang siya patungo sa mismong pintuan upang silipin kung saang direksiyon patungo si Dominic subalit laking gulat niya nang papasok pa rin pala ito sa loob ng library. Nagkabungguan sila. Napayakap sa kanya ang binata at aksidenteng dumapo ang mga labi nito sa kanyang noo. Magkasabay na nawalan siya ng balanse at nanghina ang mga tuhod niya. Mabuti na lamang ay napahigpit ang yakap sa kanya ng lalaki kaya hindi siya natumba. Pasalamat din siya na nakaharang ang libro sa pagitan ng mga dibdib nila kundi tiyak na malalaman nito kung gaano ang inilakas ng kabog ng dibdib niya.

Nakanganga siya habang nakatitig sa mukha ng binatang nakaakap pa rin sa kanya. Parang ayaw niya pang matauhan ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay binatawan na siya ni Dominic. Gulat na gulat din ito sa nangyari.

"What's wrong with you? Where is that instinct of yours? Hindi mo ba nararamdaman kung may tao kang mababangga?" supladong sabi nito. Pinagpagan pa nito ang damit na para bang isa siyang malaking dumi. 

"S-Sorry sir." namumulang wika niya. Tumabi siya at hinayaang makapasok ang training officer. Bumalik lamang ito sa mesang inukupa para kunin ang naiwang headset. Bago lumabas, binigyan lamang siya nang isang seryosong sulyap. Di na siya nagtangkang habulin pa ito ng tingin baka kung ano na naman ang mangyari.

Bumalik siya sa kanilang mesa na tila nakalutang sa ulap. Kahit naabutang nagdadrawing ulit si Cadette Funtanar ay hindi na ito sinita. Natutulalang naupo siya sabay haplos sa kanyang noo. Kahit aksidenteng halik lamang iyon ay binalot pa rin ng gumagapang na napakatamis na pakiramdam ang buong kalamnan niya.

"You're blushing."

Natauhan siya sa puna ng kaharap. Kunway ipinaypay niya ang kamay sa sarili. "Mainit kasi."

"Naka aircon mainit? Baliktad ba reaksiyon ng balat mo? Pag aircon namumula, pag nakabilad sa araw, normal lang?"

"Bakit nagdadrawing ka na naman?" ganting puna niya rin.

"Huwag mong ibahin ang usapan. Umamin ka may gusto ka kay Sir Carvajal no?"

Nagulat at nagtaka siya sa walang prenong tanong ng kasama. Pinandilatan niya ito ng mga mata sabay tingin sa paligid upang tiyaking walang nakakarinig sa kanila. "Hey watch your mouth. Baka may makarinig sayo, akalain nila totoo."

"Ba't parang natunaw ka nung aksidenteng napayakap sayo si Sir Carvajal?"

"N-Nakita mo yun?"

"Yes," pilyang ngiti ng kausap.

"Hindi sinasadya yun. And can you please stop being noisy. Sige ka pag nasita tayo dito, tiyak na may palo na naman tayo mamayang gabi."

Umepekto ang pananakot niya dahil tumahimik agad si Cadette Funtanar. Buong akala niya ay isinantabi na nito ang nakita matapos bumalik  sa seryosong pag-rereview. Subalit pagkalabas na pagkalabas nila ng library, nagdududang tiningnan ulit siya nito.

"Ano na Cadette Monteverde. May gusto ka kay Sir Carvajal?" ungkat muli nito.

"Wala," mariing tanggi niya. "Yung nakita mo kanina aksidente lang yun. Sobrang napahiya ako kay Sir Carvajal kaya ako namula. Napagsabihan pa nga ako na di daw ako marunong makiramdam kung may mababangga o wala."

"Kunsabagay parang imposible ring magkagusto ka sa kanya kasi ikaw na ata sa lahat ang pinakapaborito niyang pag-initan tapos sunod ako," napapakibit balikat na sambit ni Cadette Funtanar. "Kung ako man kahit gwapo siya at trending ngayon ang nahuhulog sa mga supladong lalaki, matatakot pa rin akong magkacrush sa kanya kasi baka pati yun ay may kaukulang parusa pag nalaman niya," iiling-iling pang dagdag nito. "Akala ko pa naman ay nagtataksil ka na sa boyfriend mo."

Biglang huminto si Cassandra sa paglalakad. "A-Anong sabi mo? Nagtataksil? Boyfriend? Ako may boyfriend?" litong salita niya.

"Oo. Di ba may boyfriend ka?" nanunuksong siniko siya ng kausap sa braso. "Kitang-kita ko pa nga noong Incorporation Rite na binigyan ka ng bulaklak. Para kayong nagsho-shooting ng pelikula na nagkatitigan sa gitna ng daan habang sumusuka ng mga puso-puso ang inyong mga mata."

Kung pwede lang siyang humagalpak sa tawa dahil sa narinig ay ginawa niya na. Baka umalingawngaw pa iyon sa buong academy. "Are you referring to Harry?"

"Malay ko kung ano pangalan nun. Kakilala ko ba yun?" pilosopong sagot nito.

"Hindi ko boyfriend yun. Best friend ko yun."

Litong tumingin sa kanya si Cadette Funtanar. "Bestfriend? Pero yung mga mata eh inlove na inlove sayo. Ikaw naman noong nakita mo siya ay daig pa ang maiiyak sa tuwa. Music na lang ang kulang pwede ng pang happy ending ang eksena."

"You have such multiple personalities. Ngayon naman umiiral yang pagiging artistic mo na may halong pagka tsismosa at malisyosa."

"Gurl alam ko yung mga tingin ng lalaki kapag in love siya sa babae. Hindi lang friend ang tingin sayo ng kaibigan mong yun. Pustahan tayo."

"Huwag mong pino-pollute ang utak ko. Sisirain mo pa ang pagkakaibigan namin eh."

Gulat na tumingin sa kanya si Cadette Funtanar. "You mean kapag totoo ngang in love sayo yung bestfriend mo, ayaw mo na siyang maging kaibigan? Iiwasan mo na siya?"

"Wala akong sinabing ganun," mabilis na depensa niya. "Ayoko lang isipin ang isang bagay na imposibleng mangyari."

"Gurl hindi siya imposible and it's already a fact kaya umpisahan mo na siyang isipin. Believe me. Ipupusta ko ang future ko bilang designer kapag totoo ang intuition ko."

Sinamaan niya ng tingin ang kasama. "Isa pang tawag mo sa akin ng gurl, isusumbong na kita. Kung makaasta ka para kang nasa normal na university."

"Kaya mo? Kaya mo?" mas nanghahamon pang sabi nito.

"Oo. Dare me. Kaya ang baba mo sa mga exam dahil kung ano-anong mga ini-entertain mong ideas diyan sa utak mo. Wala kang focus."

Nagbaba ng mga paningin si Cadette Funatanar at dagling lumamlam ang mga mata. "Anong magagawa ko kung hindi ko talaga kayang ikulong ang utak ko sa apat na sulok ng academy na to? Sana lahat trainings na lang tayo para kahit papaano ay medyo nai-enjoy ko pa. Sa totoo lang mas namimimiss ko yung 45-day training natin." Tumingin ito sa kanya. " Pwede ba sa next na free time natin iba naman ang gawin natin, huwag naman puro aral na lang."

"Okay then what do you suggest?" kibit balikat na sagot niya.

"Mag-train tayo ng aikido sa gym. Di ba lagi kang napapagalitan ni Sir Carvajal diyan sa PE nating yan? Tuturuan kita para naman di ka na nalalait lagi. Bakit kasi kung ano ang mga weaknesses mo ay doon naman natin nagiging teacher si Sir Carvajal."

Sumigla ang kanyang mga mata nang nabanggit ang paboritong klase.  Ayaw niya na ring nadidisappoint si Dominic sa kanya kahit dati ay ki purihin o sitahin siya nito ay wala siyang pakialam basta masaya siya na nakuha ang atensiyon nito.  "Talaga? Willing kang turuan ako?"

"Oo. Ewan ko ba sayo. Napatulog mo nga ako sa suntukan natin dati pero sa mga martial arts class natin biglang hirap ka."

"It's because I didn't have proper basic knowledge. Dito lang talaga ako sa academy nag-uumpisa from the scratch."

"Dapat yata sayo ginagalit muna ng todo para gumaling at magbagong-anyo. Para kang si incredible hulk."

"Uy hindi ah. Kahit papaano maganda pa rin naman ako kahit nagagalit ako," may konting arteng pagkakasabi niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Zeline. "O ba't bigla kang nagpapa-girl?  Mabalik ako sa lovelife mo. I have a very important question. Kung sakaling ligawan ka nung Harry at ni Sir Carvajal, sinong sasagutin mo?"

"Sinabi ko naman sayong wala akong gusto kay Sir Carvajal. Nakakahiya pag may makarinig. Saka ilang beses ko rin bang sasabihin na walang gusto sa akin si Harry."

"Ba't ka namumula? Come on you can tell me the truth. Your secret will be safe with me."

"I kept blushing because you're embarrassing me. What if may makarinig sayo? Hindi ako papasok ng PNPA kung nasa isip ko ang mga bagay na yan. Just to make it clear, I have no plan on having boyfriend unless marami na akong achievements bilang pulis."

"Bakit naman? Anong masama kung may boyfriend ka kahit kadete ka pa lang?" sagot ni Cadette Funtanar na tila hindi naapektuhan sa gigil na paliwanag niya.

"Why do you care so much about this thing? May boyfriend ka bang iniwan sa labas?" nagtitimping wika niya.

Ngumisi ang kasama. "How can you have a boyfriend if you have a grandfather like mine?" may pait nitong bigkas.

"Istrikto ba ang lolo mo?" biglang hinahong tanong niya.

"Hindi siya istrikto, demonyo siya."

Natigilan na naman siya sa paglalakad at magkasalubong ang kilay na hinarap ang kausap. "That's mean. How can you use that terrible word about your grandfather?"

"Oh huwag mo akong tingnan nang may nanghuhusgang mga mata. You don't know about my story," ngumisi muli ang kausap pero bakas ang pait sa mga mata nito.

"What's you're story then?"

"Saka ko na ikukuwento sayo pag-close na tayo."

Bumuntong -hininga aiya at kumibit ng mga balikat. "Ah... hindi pa pala tayo close. Ba't ka buntot ng buntot sa akin? Sana pala sina Cadette Jacinto at Cadette Santiago na lang ang niyaya ko sa library."

"What I mean kapag mag-bestfriend na tayo, saka ako magkukuwento sayo."

"That's not possible. I can only have one best friend in my life and that's Harry," taas-noong sabi niya.

"It's possible," kumpiyansang sagot rin ng kasama. "Pag naging boyfriend mo na si Harry e di ako na ang papalit sa pwesto niya bilang bestfriend."

Nanggigil na naman siya sa makulit na kausap. "How many times do I have to tell you that our relationship is purely platonic. Napakamalisyosa mo. Tigil-tigilan mo nga yang pagrereto mo sa akin sa mga lalaki. My mind and my heart only loves my ambition and nothing else."

"Huh si Sir Carvajal," tarantang sumaludo ito habang nakatingin sa bandang likuran niya.

Tarantang humarap din siya at sumaludo pero wala namang tao sa paligid maliban sa kanilang dalawa. Tiim bagang humarap ulit siya sa kasamahan. "Very funny."

"Bakit nag-blush ka na naman."

"Siyempre dahil kinakabahan ako tuwing kasama kita sapagkat kung ano-anong klaseng mga salita ang lumalabas diyan sa bibig mo."

Tarantang sumaludo ulit si Cadette Funtanar. "Si Sir Carvajal na nga."

Tumaas ang isang sulok ng bibig niya. "You can't fool me twice."

"Swear. Hindi na kita binibiro."

"You're bored with your life, aren't you?" ngisi niya pa rin. "Alam mo sa halip na designer ang ipursue mo na second career, bakit di ka na lang mag-writer tutal ang lawak ng imagination mo. 

"Si Sir Carvajal nga. Meron pa ngang kasama eh. Bilis humarap ka na at sumaludo," pabulong na sabi ng kasama.

Nagmatigas siya at pinanindigang hindi na magpapauto.

"Cadette Monteverde aren't you going to show some respect?" biglang may nagsalita mula sa likuran niya.

Nanlaki ang mga mata niya. Dali-dali siyang humarap at sumaludo sa training officer.  Nanlaki ulit ang mga mata niya nang makilala kung sino ang kasama nito. Di siya makapaniwalang nakitang muli ang isa sa mga taong naging inspirasyon niya para magpulis.

"U-Uncle Inspector?" sambit niya sa sarili.

Ngumiti ang ginoo habang titig na titig ito sa kanya.

Mabilis na sinaluduhan niya ito. Gumaya rin sa kanya si Zeline sa pormal na pagsaludo sa kasama ng training officer. Tumuloy sa paglalakad ang dalawang lalaki habang nanatili silang nakasaludo. Nang makalayo-layo ang mga iyon ay natutulalang ibinaba niya ang kamay. Hirap pa rin siyang maniwala sa nakita. Hinabol niya ang dalawa ng tingin hanggang sa hindi niya natiis ang sarili. Kahit alam niyang bawal ang gagawin, tumakbo siya nang mabilis hanggang sa maabutan ang dalawa.

Nagulat at napahinto ang mga iyon nang bigla siyang sumulpot at humarang sa daraanan. "Sir," pormal na sambit niya sa kasama ni Dominic. "Pasensiya na po sa istorbo. Gusto ko lang hong sabihin na kung sakali mang makagraduate ako dito sa PNPA, sana ho ay makatrabaho ko kayo paglabas ko," wala nang pasikot-sikot pang sabi niya.

"Ako rin sir," ika ni Zeline na sumunod din sa pagtakbo kay Cassandra.

"At anong pangalan mo binibining kadete?" ani Major Aldovar.

Sumaludo ulit ang kadete. "Cadette Zeline Funtanar sir!"

Napakunot ng noo si Brandon."Ikaw ba ang apo ni General Funtanar?"

"Sir yes sir!"

"Are you two close?"

"Yes sir! Ako po ang bestfriend niya dito sa PNPA!"

Ngumisi si Dominic. "What a turn of events. Parang kelan lang mortal enemy kayong dalawa," tatawa-tawang komento nito na tila di pa naniniwala sa sinabi ng kadete.

"Ayaw mo bang magtrabaho sa ilalim ng iyong lolo?" tanong ni Brandon.

Umiling si Zeline. "Gusto ko po kung saan magtatrabaho si Cadette Monteverde ay doon din po ako."

"Is that a sincere answer?" ani Dominic.

"Yes sir!"

"Ikaw Cadette Monteverde, gusto mo bang makatrabaho si Cadette Funtanar in the future?" tanong ni Major Aldovar.

"Yes sir," malugod na sagot ni Cassandra. "Basta natitiyak ko po na kapag kayo ang humawak sa amin ay magagabayan niyo kami na maging mabuting pulis."

"Tama po. Parehas ho naming gustong maging mabuti, marangal at magaling na pulis," segunda ni Zeline.

Umaliwalas ang mukha ng major. "Sana nga mangyari ang kahilingan niyo. I want to work with young and untarnished police officer." Lumingon ito kay Dominic. "Sana ikaw din ay makatrabaho ko pagdating ng araw. But too bad you'll be returning to America."

Saglit na nanahimik si Dominic upang mag-isip. "I-I wish to work under your wings too sir. Hindi po ako tatanggi kung sakali mang mabibigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho kayo," tugon nito sanhi para kumislap ang mga mata ni Cassandra.

Tinapik ng major sa balikat ang binata at pagkatapos ay natutuwang tiningnan ang dalawang dalagang kadete. "I'm glad to hear all your flattering words. Kung totoo lahat yang mga sinabi ninyo then I can't wait for the future to come."





Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
525K 23.4K 91
Khali Vernon took the risk and came back to TenebrΓ©s City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...
4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
540K 10.2K 38
The Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16