Autumn Sonata (*COMPLETED*)

Bởi pRincessGold24

11.3K 448 103

Akala ni Erika ay makakalimutan na nya si Adrian sa bagong school na papasukan nya. Pero nagkamali sya nang... Xem Thêm

Part 1- Losing you killed me
Part 2 - Forgetting Adrian...
Part 3- You were there for me
Part 4- A new love
Part 5 - I just can't leave you
Part 7- Autumn Sonata
Part 8- If I lose you again...
Part 9 - Winter

Part 6 - Regrets

749 46 3
Bởi pRincessGold24

September 1996

                   

Pero nang makauwi ako ng Korea ay doon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

                   

I miss him. At hindi si Adrian ang nami-miss ko kundi si Tristan mismo. Nami-miss ko ang pagiging insensitive nya. Nami-miss ko ang pagiging mainitin ng ulo nya. Nami-miss ko ang lahat-lahat sa kanya.

                   

Sa sampung buwan na nanatili ako sa Korea ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya. At doon ko narin naramdaman ang kakaibang pagbabago sa katawan ko. Madalas na akong manghina at lagi nalang sumasakit ang tyan ko kaya nagpa-check up na ako sa doctor.

                  

“You have a colon cancer Ms. Eun-joh” ang balita ng doctor na yun na halos nagpatigil na sa mundo ko.

                   

Nanlamig ako sa narinig ko pero nagsalita parin ako. “May chance pa ba doc na maka-survive ako?”

                   

Tinanggal ng doctor ang eyeglasses nya at napahinga ng malalim. “Nasa stage two palang ang cancer kaya may chance pa na maka-survive ka. Kaya lang…kailangan mo ng advance treatment sa America. If you want, I can recommend you to a friend na doctor din doon at bihasa sa pang-gagamot ng cancer. Kaya lang Ms. Eun-joh, hindi ko masasabi na makaka-survive ka talaga dahil umaakyat na ang sakit mo sa stage three”

                  

Nanghihina akong lumabas sa hospital nung araw na yun. Siguro nga ay wala ng chance pero pinapalakas lang ng doctor ang loob ko. And that day, I decided to see him.

                  

Gusto kong makita uli ang lalaking mahal ko.

September 17, 1996

                   

Walang pinagbago ang Japan. Ganito rin kaganda ang autumn nung una akong tumapak dito pati narin ngayong bumalik na ako. Nag-desisyon akong pumasok sa Japan Music Academy kung saan nalaman kong nag-aral si Tristan. Hindi ko nga rin alam kung bakit nya pinili ang music.

                   

Pero matagal din akong nawala kaya siguro mas napamahal na sya sa music.

                   

 “Wala na akong narinig na balita kay Tristan simula nung umalis ka. Hindi narin kasi sya pumupunta dito” ang malungkot na balita sa akin ni Ate nang makarating na ako sa bahay.

                   

Nakaramdam ako ng disappointment sa narinig kong iyon. Siguro dahil sa sobra ko syang nasaktan sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. At hindi ko narin sinabi kay ate kung ano ang pinagdaraanan ko ngayon.

                   

I decided to keep it to myself hindi dahil sa selfish ako. Pero dahil ayokong maging selfish. Ayokong masaktan ang mga taong mahal ko ng dahil sa akin…

                   

Semptember 19, 1996

                   

Umuulan ng mga lagas na dahon nang pumasok ako sa academy na yun. At lumilingon-lingon ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ko sya. Pero hindi ko parin sya mahanap.

                   

Minsan ko nalang din nararamdaman ang sakit sa tyan ko dahil sa mga gamot na binigay ng doctor ko sa Korea.

                   

Natapos ang klase ko nung hapun na iyon pero hindi ko parin sya nakikita. Nag-iba narin sya ng cellphone number dahil hindi na makontak ang dating number nya. Pero napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng tugtog ng piano sa loob ng music room na yun.

                   

Sinilip ko kung sino ang tumutugtog at nakita kong isang lalaki yun. At alam ko kung kanino ang likod na yun. Dahil kahit nakatalikod sya ay nasa isip ko na ang gwapo nyang mukha.

                   

Pakiramdam ko ay may bahagi ng puso ko ang humahapdi habang tinititigan sya. Paano ko nagawa yun? Paano ko nagawang iwan ang lalaking ‘to na walang paalam?

                   

Nag-iisip palang sana ako kung anong sasabihin ko nang bigla nalang syang tumigil sa pagtugtog at napalingon sa akin.

                   

Walang nagbago sa gwapo nyang mukha. Maliban sa wala ng red-highlights ang buhok nya at nakasuot na sya ngayon ng eyeglasses. Maayos narin ang pananamit nya at hindi na sya mukhang gangster.

                   

Nabigla pa ako nang ngumiti sya sa akin. “Bagong estudyante ka ba dito?”

                    

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko…bakit kung makapagsalita sya…ay parang hindi nya ako kilala?

                   

“Pasensya na sa pagtatanong…” ang nakangiti nyang sabi. “…ngayon lang kasi kita nakita dito kaya naisip ko yun. Kung gusto mong tumugtog ng piano, aalis nalang ako. Kanina pa kasi ako nandito eh at may pupuntahan din kami ng girlfriend ko”

                    

Nanlamig ako sa sinabi nya. G-Girlfriend…?

                   

Saka sya tumayo at magsasalita pa sana ako nang may biglang sumulpot sa pintuan.

                  

“Tristan! Nandito na ako!” ang wika ng pamilyar na boses na yun.

                   

Nakita ko ang pagsungaw ng matamis na ngiti sa labi ni Tristan. Bakit…? Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan…

                    

Lumingon ako sa bagong dating. At nakita ko ang pamilyar na mukha na yun.  

                   

Si Gale.

               

>>>>>>>>>>> 

                 

"Magkakilala pala kayo” ang nakangiting wika ni Tristan at magkaharap kami sa isang restaurant noon. Pero nanatili lang kaming tahimik ni Gale na waring naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

                   

Malaki na ang ipinagbago ng ugali ni Tristan. Lagi na syang ngumingiti…at hindi ko alam kung bakit parang hindi nya ako kilala…

                  

“Iiwan ko muna kayo. Pipila lang ako para maka-order na tayo” ang nakangiting paalam ni Tristan dahilan para maiwan kaming magkaharap ni Gale.

                   

Nang maiwan kami ay tinignan ko sya ng nagtatanong na tingin.

                  

“May amnesia si Tristan…” ang wika nya sa mababang tinig.

                   

Nanlamig ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung joke lang ba ang lahat ng ‘to o di kaya ay nasa isang masamang panaginip ako.

                  

“P-Paano…?” ang nanginginig na tanong ko.

                  

 Nakita ko ang pamumula ng gilid ng mga mata ni Gale at parang maiiyak sya. “Nung araw na umalis ka…sinundan ka nya sa airport pero nakaalis ka na…”

                  

Nakaramdam ako ng pagbabara ng lalamunan at parang maiiyak narin ako.

                  

 “Ilang araw na wala sa sarili noon si Tristan. Hindi narin sya pumapasok sa school” ang dagdag nya at nakikita ko ang sakit na idinulot nun kay Gale ngayon. “Hindi na sya kumakain. Lagi syang tulala at napapaaway…hanggang sa…”

                   

 Doon ko nakita ang isa-isang pagpatak ng mga luha sa pisngi nya. “…hanggang sa isang araw…bigla nalang syang nawala…ilang araw syang hinanap hanggang sa nakita sya ng mga mangingisda sa mga batuhan sa tabing dagat. Halos wala ng buhay at may sugat sa ulo…”

                   

Nahawakan ko ang bibig ko nang dahil sa narinig ko at doon ako napaiyak.

                  

“…ang sabi ng mga nakakita sa kanya nung araw na nawala sya ay nakita syang naglalakad sa tabing-dagat. At pagkatapos nun ay hindi na sya nakita. Suspetsa nila ay sinubukan nyang magpakamatay…ilang araw syang nasa ICU noon. Na-comatose sya ng dalawang buwan at pagkagising nya ay wala na syang maalala…”

                    

Parang winasak ang puso ko nung mga oras na yun. At nararamdaman ko na naman ang panghihina at pananakit ng tyan ko. Kasalanan ko kung ba’t sya nagkaganun…kasalanan ko ang lahat…

                   

I made him suffer.

                   

Tinignan ako ni Gale. “At ginawa ko ang pangako ko sa’yo…inalagaan ko sya at minahal…pero ngayon, bumalik ka…please Erika, hayaan mo na sya. Hayaan mo na kaming dalawa. Masaya na kami...masaya na sya. Wag mo ng ibalik ang mga masasakit na alaala nya na yun.”

                   

“Nandito na ang order ninyo” ang nakangiting sulpot ni Tristan pero nawala ang ngiti nya nang makita ang mga luha sa pisngi naming dalawa ni Gale. “Anong nangyayari?”

                   

Tinitigan ko ang gwapong mukha nya. At napatitig din sya sa akin pero mukhang naguguluhan din sya sa nangyayari.

                   

Tumayo ako at nanginginig ang mga kamay kong inabot ang mukha nya. Lumuluha kong hinaplos ang mga pisngi nya habang nanatili lang syang nakatitig sa akin na para bang na-sorpresa sa ginawa ko.

                   

At maya-maya ay natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo papalayo sa restaurant habang bumubuhos parin ang mga luha sa pisngi ko.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

397K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
34K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...