My Unfinished story

By Rainneyy

138 11 7

Kuwento ng babaeng babad sa pag-aaral, gustong-gusto niyang magsulat ng kuwentong siya mismo ang umisip. Pero... More

Disclaimer

Prologue

27 6 7
By Rainneyy

Prologue

"Alam mo ba Ayah , may idea na ako sa storyang isusulat ko"

Sabi ko sa isa sa matalik kong kaibigan.

Halos sabay na kaming lumaki nito parang kapatid ko na kung tratuhin namin ang isa't-isa, maganda siya, at friendly. Habang ako hindi na nga kagandahan ang tahimik pa.

Maingay naman ako kapag kami-kami lang ng mga kaibigan ko pero talagang tahimik ako sa mga taong hindi ko gaanong kilala.

Nandito kami sa canteen ng school namin, Nakaupo kami sa bandang entrance para kapag nagbell na madali lang makalabas, para kasing mga zombie tong mga kaschoolmates namin dumog ng dumog parang nasa rally. Hindi naman kataka-taka ang ganitong scenario sa school nato hindi kasi kalakihan dahil pareho-pareho lang naman kaming nag-aaral sa public school.

"What it is all about?"

"Well, storya siya ng dalawang babae na mula sa magkaibang panahon"

Matagal ko na talagang gustong simulan ang storyang ito, matagal ko ng napag-isipan ang mga plot twist na gagawin pero pano, sa tuwing humaharap na ako sa computer parang may nararamdaman akong mali. Gusto kung simulan, gusto kong isulat at gusto kong tapusin.

"So, anong takbo ng storya kung ganon? Sila ba ang magkakatuluyan"

"Ewww, hindi nohhh basta isusulat ko nalang at tatapusin para mabasa mo"

"Tskk. Matagal kanang nagsasabi ng mga ideas mo tungkol diyan sa mga storyang isusulat mo pero hindi mo pa naman nasisimulan"

"Like duhhh, di ba nasabi ko naman sayo kaya hindi ko natutuloy kasi parang may mali sa mga ideas ko at syaka nalilimutan ko kasi ang daloy ng storya ng mga 'yon"

"Sabihin mo nalang na tinatamad ka, at syaka paano mababasa ng buong mundo ang likha mo kung mismong ikaw nalilito sa mga daloy ng storya mo o baka kulang ka lang sa experience sa pag-ibig"

Pinanlakihan ko siya ng mata bago kurutin, totoo nga naman hindi ko pa sigurado ang daloy ng storya, wala pa akong experience sa love, may naging boyfriend naman ako pero hindi yung seryoso talaga. Siguro kailangan ko munang hintayin na magkaroon ng experience sa pag-ibig bago magsulat ng love story.

"Alam mo may point ka, so hindi muna ako magsusulat ng love story ang isusulat ko ay 'yong pang pamilya, pang kaibigan, at pang estudyante yung mga scenario na naexperience ko na. What do you think?"

"Duhh whatever, Ylla". Ginagaya ang tono ng boses ko

Tuwang-tuwa ako sa napag-usapan namin ngayon minsan kasi puro mga ex niya ang napag-uusapan, hindi naman sa naiinggit ako pero maswerte kasi siya at sinusuportahan siya ng mga magulang niya sa pakikipagrelasyon sa murang edad. Mabuti pa tong kaibigan ko at nakaexperience na sa pag-ibig habang ako ito tunganga pa rin. May mga pumuporma din naman sakin pero hindi ko na pinapansin masyado, focus kasi ako sa pag-aaral dahil gusto kong mamaintain yung mga grades ko para walang madissappoint isa sa mga magulang ko.

At natatakot akong magmahal, ay hindi natatakot akong masaktan, alam ko naman na parte ng pagmamahal ang masaktan pero masyado akong duwag para gustohing maranasan yun, ayokong madistract sa pag-aaral ko, ayokong mabaliw para lamang sa isang lalaki, at lalong-lalo na ayokong dumating sa puntong malalaman kong pinaglalaruan lang ng isang lalaki ang feelings ko.

Masyado pa akong bata para maranasan ang mga ganyang bagay, isa lamang akong hamak na grade 10 student at wala pang napapatunayan sa sarili.

"Woii natahimik ka?"

"Duhh naisip ko lang ang mga scenario na isusulat ko, bakit ba?"

"Duhh ka din, kanina ka pa tinatawag ni Lance ohh"

"Huh?"

Nginuso niya ang labi sa may entrance at nandon nga si Lance ang striktong President namin sa classroom.

Tumayo ako at lumapit sakanya gusto kong hangaan ang taglay nitong maamong mukha para siyang anghel.......na hinulog ng langit , pwee ang ugali, i don't know sa iba masayahin, palatawa, at mabait naman to. Ewan ko lang bakit ang init ng ulo sakin, parang nireregla palagi.

"Yes? President?"

"What? Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag nakailang ulit na. Tinawag ako sa faculty,"

"What? "

"Don't what, what me, bantayan mo yung mga kaklase natin"

"Duhhh anong akala mo sakin yaya ng mga kaklase natin at saka malalaki na sila they know what they're doing."

"Whatever Ms. Medina , responsibility ng vice president ang maghandle ng mga kaklase nito habang wala ang president ,and also check the attendance kapag magsisimula na ang klase mamaya"

"What? Hindi ko na trabaho ang magcheck ng attendance noh! trabaho na iyan ng secretary,"

"Our secretary is busy, marami siyang ginagawa bukod sa pag-aatendance kaya ikaw nalang kasi andami mong libreng oras para sa iniutos ko"

Striktong sabi nito saka nakapamulsang umalis, woaahhh that was kind of him. Letche siya ang panget ng ugali okay naman yung pag approach ko sakanya kanina ahh

Tinignan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, padabog akong bumalik sa upoan ko sakto naman na nagbell na, bwesit na buhay to ohh hindi pa naman ako tapos sa kinakain ko kaya wala akong choice kundi bitbitin ang mga yun saka kinain habang naglalakad patungong classroom.

"Letche siya anong akala niya sakin utusan niya?! "

Naglalakad na kami paakyat sa classroom nandoon kasi sa fourth floor ang room namin wala namang elevator, kasi nga public.

"Bakit ba hindi kayo magkasundo ni Lance, "

"Ewan. Siguro dahil sa magkaibang-magkaiba kami ng ugali, akala mo yun pinagbantay pako sa mga kaklase natin na akala niya siguro na mga bata pa kung umasta , at hindi pa dun ako pa ang inutusan niyang mag-atendance , alam ko naman hindi big deal ang mag-atendance pero kung nakiusap sana siya ng matino papayag siguro ako ng may bukal sa loob. Pero dahil ang yabang niya hindi niya magawa iyon ng tama."

Pinanlakihan niya ako ng mata at saka parang may narealize,

"Hindi kaya may gusto 'yon sayo , ayyyiieeeee"

sinapak niya ang braso ko na tila may nakakakilig na nangyari sa bigla ko nahulog yung juice na dala ko sa taong nasa likod ko na paakyat din.

" Hala! Hala! Sorry , sorry Mr. Villin , I'm sorry talaga"

Aligaga ako sa pagpunas sa nabasa niyang braso, Isa ito sa mga kaibigan ni lance, kaklase din namin pero hindi ko masyadong kinakausap. Masyado kasi itong palabiro at babaero, hindi ko type maging kaibigan ang mga ganitong mga tao.

"Okay lang Ylla, hindi mo naman sinasadya sa susunod mag-ingat ka nalang at baka mahulog ka sakin"

Nabigla ako sa sinabi niya alam ko namang biro pero talagang nakakapanindig balahibo ang mga salita niya. Nang makitang nabigla ako bigla nalang siyang tumawa at naglakad na paakyat, at nung makarating na siya sa tuktok lumingon siya muli sa amin.

"Joke lang, hahaha wag mo ng sabihin kay Lance at paniguradong makakatikim ako. I still love my life you know what i mean, right? "

Kumindat siya sa akin bago tuluyang tumalikod papuntang classroom , hindi naman siya panget at hindi naman siya gaanong gwapo, sadyang lapitin lang ng babae dahil sa taglay nitong ugali na palabiro at madaling pakisamahan.

"Alam mo Ylla, dahil sa mga sinabi ni Aziel parang nararamdaman ko na may gusto talaga yang si Lance sayo." Ngisi pa niya

"Tskk alam mo Ayah talagang nararamdaman ko na gusto na niya akong murahin sa galit niya, kung patuloy tayong mag-uusap dito at malate sa klase"
Ngisi ko na ginagaya ang ngisi niya kanina, syaka ako naglakad paakyat.

"Manhid mo talaga, kaya dapat hindi Ylla Jein Medina ang pangalan mo eh.
Dapat Ylla Manhid Medina, mas bagay"
Sabi pa niya saka tumakbo paakyat para masundan ako.

"Whatever"

"MS. MEDINA sabihin mo sa mga kaklase natin na sa ground tayo magpapractice ng cheerdance, alas dos ay dapat nandoon na ang lahat." Sabi ni Lance

Dali-dali akong nagnotice sa mga kaklase ko na may practice, sinabihan ko na rin na magpalit ng p.e uniform at magdala ng tubig para kung sakali man na mauhaw sila.

Nandito na kami sa labas ng classroom ala 1 na ng hapon, half day lang kasi ang klase namin dahil may second shift pa na magkaklase. May practice pa kasi kami ng cheerdance dahil sa susunod na buwan na ang competition nito.

"Uwi muna ako sa bahay Ayah , papakainin ko lang ang kapatid ko baka umalis na kasi si papa "

Tatlo kaming magkakapatid , ako yung pangalawa yung kuya ko naman ay nag-aaral ng college sa kursong engineering sa ibang eskwelahan mamayang alas 4 pa ang uwian nila , kaya wala akong choice kundi alagaan ang bunso naming kapatid na nasa grade 3 pa . Pareho kami ng oras ng uwian kaya susunduin ko nalang siya sa school nila, nasa tapat lang naman iyon kaya hindi masyadong hassle.

"Samahan na kita" Dali-dali niyang nilagay sa bag ang pulbo at liptint na ginamit.

"Naku wag na Ayah , yang pagsama mo sakin ipahinga mo nalang sa ground habang naghihintay na magsidatingan yung mga kaklase natin"

"Baka naman kasi matagalan ka dahil paniguradong magpapahinga ka pa mamaya, ikaw pa naman yung tao na hindi mahilig tumingin sa relo kahit may relo na"

Lumapit ako sa kanya ng bahagya saka ko nilagay ang kamay ko sa gilid ng bibig ko, animong nagbabadyang magsabi ng sekreto.

"Hahahaha alam mo Ayah kaya hindi ako tumitingin dito sa relo ko kasi hindi naman ito gumagana"

"What? You wear that because of fashion?"
Nangibabaw ang boses niyon sa likod ko , alam ko kung sino pero ayokong tingnan nahihiya ako dahil sa narinig niya.

"Oh eh ano naman may mga artista din naman na gumagawa nito"
Sagot ko habang nakatalikod parin sakanya at kaharap pa din si Ayah. Ito namang si Ayah parang naaaliw pa na makita akong nahihiya sa harap ni Lance.

"Alam mo ba ang relo ay ginagamit para malaman mo kung anong oras na, hindi parang bracelet na pang fashion."

"Inaano ka ba ng relo ko? Bakit nangingialam ka?"

"Humarap ka sakin"

"Ayoko ko nga"

"Harap"

"Ano ba? Nanahimik yung tao, sabat ka ng sabat sa mga uusapan na hindi ka naman kasali."

"Harap"
Saka niya ako hinawakan sa magkabilang braso at hinarap sakanya

"Ano ba ang problema mo?"

Nabigla ako nong may kung ano siyang nilagay sa pulso ko pagtingin ko yung itim na G-shock na relo niya.

Susunod...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 53.7K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
5.4M 274K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
1.8M 75.6K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
38K 1.7K 23
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...