Forced Marriage - COMPLETE

Galing kay whateverrr004

64.6K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... Higit pa

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 11

1.3K 39 18
Galing kay whateverrr004

"Mom, may kakausapin lang ako. Una na po kayong umuwi. I have my car naman po eh." paalam ko kay Mommy nang nasa parking lot na kami ng restaurant.

Nakita ko si Ricci na papasok na sa kotse niya kaya nagmadali ako para maabutan siya. Sakto namang paalis na siya nang makalapit ako.

Kinatok ko ang bintana ng driver's seat. Agad niya namang binuksan 'yon at tumingin sakin. Hindi naman agad ako nakapagsalita. Tila bigla akong nawalan ng sasabihin.

"What?" tanong niya saka bumaba ng sasakyan niya.

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin niya.

"Ano bang problema? Bakit hindi ka na namamansin?" Kunot-noo kong tanong sakaniya.

Bahagya niyang itinaas ang kanang kilay niya kagaya ng palagi niyang ginagawa, nagsusungit.

"Bakit ba ang sungit mo na?" dagdag na tanong ko pa. Sumandal ako sa hood ng kotse niya, "Ah, masungit ka nga pala tala—"

"Isn't it obvious that I'm avoiding you?" biglang tanong niya na ikinatigil ko sa pagsasalita.

Humarap ako sakaniya habng nakasandal pa rin sa kotse niya.

"Why?"

He sighed and looked away, "Muntik na kaming maghiwalay."

Muntik lang?

"Bakit?"

Tumingin siya deretso sa mga mata ko kaya nagtaas ako ng kilay, naghihintay ng sagot.

Nagbuntong-hininga siya bago nagsalita, "Because of you."

Obviously.

"Bakit ako?" taka kong tanong. Ayaw nalang kasing deretsuhin yung pagsasabi, hindi yung tinatanong ko pa siya.

"Nagseselos siya, okay? Sobra. To the point na she asked me to choose between you and her."

Tumikhim ako at nag-tanong kahit alam ko naman na ang sagot dahil nga iniiwasan niya ako ngayon.

"I chose her. Because I love her.." mahinang sabi niya.

Sa sandaling 'yon ay pinag-pasalamat ko ang dilim ng paligid dahil hindi niya makikita kung paanong nangilid ang mga luha ko sa sinagot niya.

Tanggap ko. Tanggap ko naman eh..

"Ayoko na siyang saktan pa kaya please, layuan nalang natin ang isa't isa." sabi niya, nangungusap.

Mapait akong ngumiti at tumango bago siya tinalikuran. Sa pagtalikod ko ay siyang pagpatak ng pinipigilan kong mga luha.

Kailan ba ako mananalo sa ganiyan? Palagi akong talo. Palagi akong hindi pinipili. Pati ba naman sayo talo ako?

I wiped my tears when I saw his family looking at me.

Lumapit sakin si Tita Abi, "Bakit, anak?" tanong niya bago inalis sakin ang paningin at itinuon sa likod.

Ngumiti ako ng tipid at umiling.

"Thank you po sainyo, Tita and Tito sa pagsama namin nila Mommy." nakangiti kong sabi.

Ngumiti rin si Tita pero hindi kagaya ng normal na ngiti niya. Isang simple at tipid na ngiti ang ipinakita niya.

Bumeso ako sakanila at nagpaalam din kila Kuya Prince. Humalik naman si Rasheed sa noo ko kagaya ng palagi niyang ginagawa.

Nagpaalam na ako sakanila at wala sa sariling naglakad palapit sa kotse ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang may biglang humila sakin at bumagsak kami sa sahig.

Gulat na gulat kong tiningnan kung sino 'yon at nakita ko si Ricci.

Tumingin ako sa gilid at kita ang gulat sa mga mukha ng pamilya niya.

"Ayos ka lang? May masakit ba?"

Hindi ako nakasagot. Nakatulala lang ako sakaniya. Napakabilis ng pangyayari, hindi ko na nasundan. Anong nangyari..

"Hey, Zoey. Are you okay?" tanong niya ulit at tumayo saka ako inalalayan, tulala pa rin.

Pansin ko ang paglapit samin nila Tita. Agad akong tinanong kung maayos lang ba ako. Siguro hindi, kung hindi ako nahila agad ni Ricci.

Nasapo ko ang sariling noo. Bakit ba kasi wala ako sa sarili? Ang tanga tanga.

Lumingon ako kay Ricci na bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha.

"I-Ikaw? Ayos ka lang ba?" tanong ko saka pinasadahan ng tingin ang katawan niya. May sugat siya sa may siko niya.

"Ikaw ang tinatanong ko kaya sumagot ka. Wala bang masakit sayo?" pasigaw niyang tanong.

Hinawakan siya ni Tita sa braso. "Anak."

Muntik na akong mabangga ng isang sasakyan na mabilis ang takbo. Ano kayang nangyari sakin kung hindi ako niligtas ni Ricci..

Tumingin ako kila Tito na nag-aalala pa rin at humingi ng sorry dahil sa sariling kapabayaan.

"Uuwi na po ako.." paalam ko sakanila.

"Hatid nalang kita.." sabi ni Rasheed na inilingan ko agad.

"Hindi na. Ayos lang ako." kahit ang totoo ay natatakot ako.

Sino namang hindi? Kung yung sasakyan na mabilis kanina ay hindi huminto. Ayaw kong mag-isip ng kung ano, pero paano kung sinadya 'yon? Pero nino? Sinong gagawa sakin non kung wala naman akong kaaway?

Yumakap ako kila Tita at nagpasalamat kay Ricci na titig na titig sakin.

Habang nasa byahe ako ay sinadya kong bagalan ang pagd'drive para tumingin-tingin sa paligid. Heto na naman ang takot ko nang makita ang sasakyang muntik nang bumangga sakin kanina, na nakasunod sakin ngayon.

Maingat kong kinuha ang cellphone ko sa bag na suot ko pa rin saka ko tinawagan si Rasheed.

"Rasheed.." hindi ko na naitago ang takot sa boses ko.

["Alam ko. Nakasunod kami ni Ricci sayo."] sabi niya.

Tila nabawasan ang kaba ko nang malamang nasa likod lang din sila.

"S-Salamat.."

["Don't patay the phone, okay?"] rinig kong sabi ni Ricci.

Sa kabila ng kaba ay nagawa ko pang tumawa. Sa ganitong sitwasyon ay nadala niya pa ang kaartehan niya sa pagsasalita.

"Okay. Thank you.."

Hindi ko pinatay ang tawag habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Tumingin ako sa salamin at nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala doon ang sasakyan na sumusunod sakin. Malapit na rin ako sa bahay ko.

"Nasaan kayo?" tanong ko sa kabilang linya pero ilang segundo na ay wala pang sumasagot?

"Rasheed? Ricci? Nasaan na kayo?" ulit ko. Tumingin ako sa likod pero wala ang sasakyan ni Ricci o ni Rasheed.

["Fvck!"] boses ni Ricci 'yon.

Kumunot ang noo ko.

["Nasaan na siya?"] tanong niya, panigurado kay Rasheed.

["I don't know. Fucking stop light!"] sagot naman ni Rasheed.

Patuloy ako sa pagd'drive habang nakikinig sakanila kahit wala akong maintindihan. Pero isa lang ang hula ko, sinundan nila yung sumusunod sakin dahil wala rin naman sila ni Rasheed sa likuran ko.

"Hello? Nasaan ba kayo?"

Pinarada ko ang kotse ko sa harapan ng bahay ko at saka ako sumandal sa hood ng kotse ko, hinihintay silang sumagot.

["Lapit na."] sagot ni Ricci. Lapit?

"Lapit saan?"

["Sayo."]

Halos dalawang minuto bago sila huminto sa harapan ko.

"Sinundan niyo?" tanong ko agad, palipat lipat sakanilang dalawa ang tingin.

Si Rasheed ang tumango sakin habang si Ricci ay nakasandal sa kotse at nagbuntong hininga.

Hindi ko naman maiwasan ang mapaisip. Sabi niya kanina ay layuan na namin ang isa't isa. Pero ngayon nandito siya sa harapan ko, sinundan ako para masiguradong ligtas ako.

Paniguradong nag-iisip siya ngayon kung paano iiwas dahil sa nangyayari. Hindi ko naman siya balak pahirapan. Kung gusto niya talagang mag-iwasan na kami, kahit labag sa loob ko, okay fine. Ako mismo iiwas.

Lumingon ako kay Rasheed.

"Salamat sa paghatid."

Nagbuntong hininga si Rasheed at tumango.

Paano ko kaya masisigurado na ligtas ako sa mga susunod na araw? Kailangan kong malaman kung sino siya at kung bakit niya 'yon ginagawa sakin. Isip ako nang isip kung sino siya pero wala talaga pumapasok na tao sa isip ko dahil wala naman nga akong kaaway.

Hindi ko na masabi ngayon na aksidente lang yung nangyari kanina dahil bukod sa hindi naman niya ako hinintuan, sinundan niya pa ako ngayon.

"Pahinga ka na. Anong oras na din." sabi ni Rasheed. "I-double check mo kung naka-lock na ba lahat ng pinto at bintana bago ka mag-sleep, okay?" paalala niya.

Sinimangutan ko siya, "Tinatakot mo ba ako?"

Tumawa siya, "Just trying to keep you safe."

Ngumiti naman ako sakaniya.

"Sige na, umuwi na kayo. Salamat ulit." sabi ko bago lumingon kay Ricci na salitan kaming tinitingnan ni Rasheed, kunot-noo. "Salamat. Don't worry, sa susunod na mangyayari 'to hindi ka na madadamay pa. Pasensya na.." dagdag ko pa at tipid na ngumiti. Mas kumunot naman ang noo niya.

Lumapit sakin si Rasheed at hinalikan ako sa noo, "Mag-ingat ka. Tawagan mo ko pag may nangyari, okay?"

Ngumiti ako, "Yes, Sir.." pabiro kong sabi at tumalikod na nang hindi tinitingnan si Ricci.

Binuksan ko ang gate at sumakay sa kotse ko para ipasok. Bumusina muna ako at inilabas ang kamay ko sa bintana saka kumaway.

Habang sinasara ko ang gate ay nakita kong nakatingin sakin si Ricci—nakatitig pala. Ngumiti lang ako ng tipid bago tuluyang tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.

Gaya ng sinabi ni Rasheed ay ni-lock ko ng maayos ang mga bintana pati ang pintuan sa harap at likod, sa may kitchen.

Tinext ko sila Mommy para ipaalam na nakauwi na ko, pero hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa nangyari kanina dahil ayaw kong mag-alala pa sila. Baka kapag sinabi ko ay ilang oras lang ay nandito na sila at kinakamusta ako. Sapat na sakin ang ligtas pa rin ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para tingnan ang lote na nabili nila Mommy sakin dati para patayuan ko ng restaurant.

Gusto nila Mommy na sa kompanya namin ako magtrabaho dahil hindi naman daw magtatagal ay sakin din naman 'yon mapupunta dahil ako lang naman ang anak nila. Pero ipinilit ko pa rin sakanila na gusto kong magtayo ng restaurant kaya hindi na sila tumutol pa. Bagkus ay sinuportahan ako at sila ang bumili ng lote para sakin, na sobra kong ikinatuwa.

Unang una ay mas matatagalan bago ako makapagpatayo kung ako pa ang bibili ng lote kaya ipinaubaya ko na 'yon sakanila.

Sa katunayan ay noong nag third year college ako nasimulan ko nang patayuan 'yon. Kaya ngayong graduate na ko ay patapos na 'yon. May ilan nalang na aayusin. Siguro isang buwan nalang pwede nang buksan 'yon.

Infinity Restaurant ang pangalan niya.

I was talking to someone when my phone rang. It's Sandara.

"Hello, babe?"

Pansin ko ang paglingon sakin ng lalaking kausap ko. Si Engr. Luke Valderama.

["Hi, babe! Let's go to mall, please?"]

Nagbuntong hininga ako. Tumanggi ako o hindi ay paniguradong mapipilit niya pa rin ako.

"Sige. Kita nalang tayo sa mall before 1PM."

Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 12:30 na ng tanghali. I still have 30 minutes to go there. Malapit lang naman so kaya na.

Nagpaalam ako kay Luke na siyang nag-aasikaso ngayon dito.

Matapos non ay umalis na ako at nagpunta sa mall na siyang napag-usapan na pupuntahan.

Pagkarating ko don ay nagulat ako nang makita si Shantelle at Sandara na kasama ang mga boyfriend nila. Si Kelvin at si Andrei. Wow.

"Wow. Nahiya naman ako sainyo, 'no? Dapat hindi niyo na ako niyaya eh. Mga bastos." sabi ko at inirapan sila na ikinatawa nila.

"Bakit ba kasi ayaw mong mag-boyfriend, Zoey?" nang-aasar na tanong ni Kelvin.

Sumabat naman si Andrei, "Paano magbo-boyfriend eh may girlfriend na yung lalaki?" nakangising dagdag niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Magsasalita na sana ako nang may mauna sakin.

"I'm here naman eh.." sabi ni..

"Luke?!" literal na nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita siya. "What are you doing here?"

Ngumiti siya sakin, "Sinundan kita."

Tumingin ako kila Sandara na nakataas ang kilay sakin.

"Ahm. Si Engr. Luke Valderama. Siya yung sa restaurant ko."

Ngumiti naman sila Sandara pati ang mga boyfriend nila at nagpakilala kay Luke, ganon din naman si Luke sakanila.

Actually, mabait naman si Luke. Gwapo, mayaman. Sa pagkakaalam ko rin ay habulin 'to ng mga babae. Kung wala siguro akong Ricci ngayon baka si Luke na ang nagustuhan ko. Dahil ang bait niya talaga. Uunahin niya ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya.

Hindi naman sila nahirapan sa isa't isa. Sa katunayan ay madaling nakasundo ni Luke sila Sandara pati sila Andrei. Nagpunta nga kami sa Time Zone at nagbasketball sila.

"Ano ba 'yan? Natawag na varsity pero mas nalamangan pa ni Luke. Tsk. Quit na." pang-aasar ko kay Andrei, hindi nakatingin sakaniya.

"May sinasabi ka?" tanong ni Andrei.

Tinaasan ko siya ng kilay, "May narinig ka ba?"

"Oo."

"Eh bakit nagtatanong ka pa?" sarkastikong tanong ko.

Nagtawanan sila at nginusuan niya naman ako.

"Bad mo. Sumbong kita kay Ricci." nakasimangot na sabi niya.

"Pake ko?" mataray na tanong ko.

Matapos namin mag time zone ay kumain kami at pagkatapos non ay nag ikot-ikot kami.

Habang nasa department store ay tinutulungan ako ni Luke na humanap ng mga damit. Siya ang pumipili para sakin. Siya ang nagsasabi kung bagay ba sakin 'yon o hindi and I actually find it sweet. Swerte ng magiging girlfriend niya, sa totoo lang.

Kukuhanin ko na sana ang isang black dress nang may kamay din na humablot don. Tumingin ako at nagulat nang makita si Grace.

"Nauna ako." sabi niya at nakipag-agawan sakin. Hindi naman ako nagsalita.

"Sabi nang nauna ako." patuloy siya sa paghila kaya bigla ko 'yong binitawan, dahilan para ma-out of balance siya. Kung hindi siya nasalo ni Ricci na kakalapit lang ay malamang na natumba siya.

"How dare you? Pwede mo namang ibigay ng maayos, diba?" mataray na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay bago lumingon kay Ricci na nasa likuran ko ang paningin—kay Luke. Muli kong ibinalik kay Grace ang paningin.

"Pake ko?" mas mataray kong sabi.

"Let's go, hon.." biglang aya ni Luke at hinawakan pa ako sa kamay na ikinabigla ko pero hindi ako nagsalita at nagpahila nalang saka kami nagpunta kila Sandara.

"Siya si Ricci, 'no.." nakangisi niyang sabi.

Pairap ko siyang tiningnan.

"Oh, ano naman? May pa hon hon ka pa diyan! Tss. Diyan ka na nga!" masungit na sabi ko. Rinig ko pa ang pagtawa niya saka patakbong tumabi sakin.

"Isa pa ha. Isa pa. Sisipain na kita." sabi ko.

He raised his hand saka umiling iling sakin. Inirapan ko naman siya.

Sinamahan ko siya sa may labas ng comfort room nang mag-aya siya.

Kalikot lang ako nang kalikot sa phone ko nang maramdaman kong may tumabi sakin. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ni Ricci kaya hindi ako lumingon.

"Who is he?" tanong niya.

Doon ko siya nilingon, "Pake mo?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit ang sungit mo?"

"Bakit nga ba?" balik tanong ko sakaniya.

"Time of the month mo ba?" nakangisi niyang tanong.

"What?!"

Mabilis siyang umiling, "Wala, wala.."

Inirapan ko siya at binalik sa phone ang tingin.

"So, sino nga siya?" tanong niya ulit at ngumisi.

"Akala ko ba layuan nalang natin ang isa't isa. Bakit nandito ka?" seryoso kong tanong.

Nawala ang ngisi niya kasabay ng pagkawala ng emosyon sa mukha niya.

"Oh, naalala mo na? Ikaw ang nagsabi tapos ngayon ikaw pa 'tong lumapit. Baka magselos na naman girlfriend mo niyan, ah?" sarkastikong sabi ko.

Bago pa siya makasagot ay lumabas na si Luke kaya umalis na kami nang hindi ako nagpapaalam sakaniya.

"Are you okay?"

Tumango lang ako at nagbuntong hininga.

Minsan talaga ang mga lalaki hirap kalingain. Sila yung magdedesisyon tapos biglang babawiin. Sila pa ang lumalabag sa mga bagay na sila pa mismo ang nagsabi. Nakakainis!

Labag na labag sa loob kong huwag siyang kausapin at layuan pero wala naman akong magagawa dahil hindi ako ang pinili niya. Puro si Grace. Puro nalang si Grace. Bakit nga ba naman ako ang pipiliin eh girlfriend niya 'yun?

Kailan ba kasi yung ako naman ang pipiliin diba? Nakakapagod din maghintay at umasa eh.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

597K 30.2K 59
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...
121K 4.4K 39
โ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. โž She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...
423K 10.7K 60
Lady Florence Huntingdon, daughter of the well-known and more importantly, well-respected Earl and Countess Huntingdon is stepping into the 1813 marr...
184K 6.6K 94
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...