KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm...

By oaxygenknight

1.2M 36.4K 8K

Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and lov... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue

Prologue

62.2K 1.1K 188
By oaxygenknight

Prologue
Knights 4: Distinct Rhythm

•••

"Yaya Solis naman, e. Nakakahiya nga!" Halos mangiyak-ngiyak na akong nagmamakaawa sa yaya ko, huwag lang akong pababain sa sala.

"Ikaw Reign sumusobra ka na, ha! Baba na sa kusina!" banta niya at pinanlakihan pa talaga ako ng mata.

Napayakap ako bigla sa sarili habang umiiling. "Maawa ka naman sa akin, ya. Ayokong magpakita sa soul mate ko, it's too early for that!"

"Anong irli irli? Anong sulmit? Hindi ka pa kumakain simula kagabi, kaya kumain ka ngayon sa tamang oras. Hala baba!" Nagsimula na naman siya sa paghila sa akin kaya tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.

Gumuho ang lahat ng pader na itinayo ko para sa sarili. How dare her betray me like I'm not her alaga!

Ayoko pang mamatay sa kilig! Nasa baba ang pinakamamahal kong Bullet, at kapag bumaba ako ay makikita niya ako.

Kahit alam kong hindi niya ako mapapansin, nakakahiya pa rin!

"Maxreign Ezriel, bumaba ka na rito!" Rinig na rinig ko ang boses ni mommy mula sa sala.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa frustration. Bakit niya binanggit ang pangalan ko? Bakit mom?

Anong kasalanan ko sa pamilyang 'to? Bakit nila ako tinatraydor?!

"Ikaw bata ka, ang bigat-bigat mo, nagpapahila ka pa." Naiiyak na dumaing ako nang kurutin ako ni yaya sa baywang.

"Yaya naman, e! Bakit n'yo ba ako ginaganito? Alam ninyong hindi pa puwedeng magkita ang bride at groom bago ang kasal dahil malas 'yon!" pang-uuto ko.

Lagi kasing suki ng pamahiin at mga malas-malas itong yaya Solis ko, paniguradong madadala siya sa sinabi ko.

"Reign, hindi kayo ikakasal ng kras mo kaya hindi ako kinakabahan diyan." Mas lalong gumuho ang mundo ko sa sinabi ni yaya.

Parang isang malaking dilubyo ang hagdanan nang makita ko ito.

Hindi ako bababa! Hindi ako bababa kahit kailan!

"Maxreign Adalee Ezriel! Get down!" Napatalon ako nang marinig ang boses na 'yon.

Walanghiya ka, kuya Max. Ibabaon kita sa hukay pagkatapos ng lahat ng 'to.

Pagpipira-pirasuhin ko lahat ng mga damit mo, isang traydor!

Mabilis akong kumawala kay yaya Solis nang mawala ang atensyon niya sa akin.

Patakbo na sana ako pabalik sa kuwarto nang bigla na lang may humila sa akin.

"Kuya, demonyo ka talagang impakto ka!" naiiyak na sigaw ko sa pagmumukha niya.

Tinawanan niya lang ako. "Matagal na, pumpkin!"

Kinaladkad niya ako pababa sa hagdan na para bang isa lang akong sako ng bigas.

Kung hindi lang ako nag-training baka patay na ako dahil sa pagkakahulog.

Itinakip ko ang mahaba kong buhok sa gilid ng mukha ko para hindi ako makita ng mga kabanda ni kuya.

Especially my babe, my sweetheart, my bunnybaby, Bullet.

Ginamit ko na rin ang kamay para matakpan ang mukha ko habang hila-hila ako ni kuya papuntang kusina.

"Pakyu ka Max Arazon. Mumurahin kita nang paulit-ulit hanggang sa mahimatay ka," naiiyak na bulong ko sa kaniya.

Minukhaan niya lang ako at umirap na parang bakla. "Hindi ka naman mapapansin ni Bullet kaya huwag mo nang takpan mukha mo. Ayaw niya sa mga manok."

"Ulol! Anong manok?" gigil na tanong ko.

Tanaw na tanaw ko na ang sala kaya mas tinakpan ko pa ang mukha ko.

"Manok, ang daldal mo kasi, ang ingay-ingay," pang-aasar niya.

Mabilis ko siyang tinuhod sa hita na ikinadaing niya.

Halos labas na ang ugat niya sa leeg para lang mapigilan ang pagsigaw sa sakit.

Ang galing ko talagang manakit!

"Trainee Max Arazon and trainee Maxreign Adalee."

Isang linya ang tuluyang nagpabagsak sa buong mundo ko. Ang boses ng aking ama, na hindi dapat balewalain.

Kitang-kita ko kung paano tumayo nang tuwid si kuya sabay saludo. "Sir, goodmorning, sir!"

No! I cannot!

Makikita ni baby ang mukha ko. Ayoko. Ayokong sumaludo kahit kailan!

"Pumpkin, why are you covering your face?" malambing pero matapang na tanong ni daddy.

Joke lang, syempre sasaludo ako. Takot ko lang diyan kay daddy.

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nahihiyang ngumiti.

"Hi daddy, good morning. Welcome back to our house," magiliw kong sabi kahit pasimple na akong nanginginig.

Tanaw na tanaw ko sa active kong peripheral vision ang pagsulyap ng mga kabanda ni kuya sa akin.

"Good morning too, pumpkin, how sweet of you." Daddy smiled at me.

Pasimple ko siyang pinandilatan ng mata at bahagyang ginalaw ang eyeballs patungo sa direksyon ng baby ko.

Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin kaya nakahinga ako nang maluwag.

Father's and daughter's connection is the best!

Patalikod na sana ako at handa nang tumakbo papunta sa kusina nang biglang magsalita ang daddy ko.

"How rude of you, Adalee. Salute to your father, now!" sigaw niya.

Isa ka pa daddy. Pagbaba-barilin ko kayong dalawa ni kuya ng batok mamaya.

Mabilis akong umikot at sumaludo sa tatay kong wala atang ibang magawa sa buhay kung hindi asarin ako.

"Sir, good morning, sir!" sigaw ko at ibinaba ang kamay ko.

Ngumisi ang magaling kong daddy sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin, 'yung tipong matutumba siya sa takot.

"By the way, Max, you brought your friends with you." Sobrang lapad ng ngiti ng tatay ko.

Ang bright ng ngiti nilang tatlo nila mommy habang nang-aasar na nakatingin sa akin.

Napanguso ako at isa-isa silang binigyan nang mala-laser sa talas na tingin.

"Yes, dad. Dito kasi nag-aya si Niccolo," kuya answered.

Bahagya niya pa akong nilingon kaya umangat ang tingin ko sa kaniya at tinitigan siya nang masama.

"Yes, dad! I miss you daddy Haides!" Feeling close na sabi ng isang lalaki na talagang lumapit pa sa daddy ko.

Natatawang tinanggap ni daddy ang pakikipagkamay rito.

Nagulat pa ako nang tumigil ang tingin ng lalaking 'yon sa akin.

"Actually dad, nandito ako para umakyat ng ligaw. Ang cute kasi ng anak ninyo, e." Ngumiti siya nang matamis sa akin pero hindi ko siya sinuklian.

Binelatan ko siya at sinamaan ng tingin.

Inakbayan ako ni kuya Max at itinago sa likod niya. "Hindi available ang pumpkin namin para sa kalandian mo, Niccolo."

Humagalpak ng tawa ang lalaking 'yon bago itaas ang dalawang braso. "Okay, pre. Dad, sorry. Off-limits nga pala kami dahil sa bro codes."

Daddy smirked at me playfully. "Ayos lang, ijo. Pagsisisihan mo rin naman kapag pinagpatuloy mo."

Humakbang ang paa ko para sana pektusan ang ama ko pero naagapan agad ni kuya ang mga braso ko.

"Bakit mo ako sinisiraan, dad?" I mouthed to him.

He mouthed back. "Because you're annoying, pumpkin."

"I'm not," I mouthed back.

Kuya interrupted. "Enough, Adalee. Kumain ka na sa kusina, hindi ka pa kumakain simula kagabi."

Nakangiting tumango ako bago humalik sa pisngi niya. Lumapit din si daddy at humalik sa pisngi ko.

Itinutok ko ang hintuturo at gitnang daliri sa dalawang mata ko bago ito ituro sa kanila habang papalayo ako. Hinahamon ko silang dalawa nang matinding bakbakan mamaya.

"Adalee, baby, come on. Kain ka na," malambing na sabi ni mommy na kasabay ko.

Bago pa kami tuluyang makalayo sa sala ay lumanding ang mga mata ko sa honeybunchybaby ko.

Pero ang hindi ko inaasahan... Nakatingin din siya sa akin!

At alam kong ako ang tinititigan niya dahil nakasunod ang tingin niya sa akin habang naglalakad ako.

Nang mawala siya sa paningin ko, 'saka ko nilabas ang lahat ng frustration na napagdaanan ko.

Bakit kaya ganoon makatingin ang baby ko sa akin?

Dibale, Bullet, magp-propose din ako sa 'yo. Not now, but soon!

•••

Continue Reading

You'll Also Like

352K 13.3K 30
As the King and Lord of Elityian's Empire, Avenight has to fulfill his responsibility and find a woman to marry before his ceremony. As their whole c...
6.6K 107 14
Republished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess w...
10.2M 131K 22
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
3.3K 246 27
This is about racing... This is new to me because I'm not familiar in racing i hope you like this guy's.