IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

Von Lorenzo_Dy

165K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... Mehr

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Chapter 44

3.1K 81 3
Von Lorenzo_Dy

Selfish. (Egoista.)

"G-gusto mo bang l-lumayo ako? Do you want me to disappear, darling? G-gagawin ko para h-hindi na kita masaktan."

Ang bawat paintings sa loob ng kwarto ni Primo ay hindi ko akalain na may kuwento pala. At lalong hindi ko lubos akalain ang mga naging pinagdaanan niya sa loob ng walong taon.

Ang paglandas ng mga luha ko ay lalong tumindi matapos ibigay sa'kin ni nanay Carlotta ang librong L'amore Dimenticato na tinago at iningatan daw ni Primo matapos na ibigay iyon ni Zendy sa kanya sa hospital noon.

"B-bakit hindi niya po sa'kin sinabi?"

Nanginginig at humihikbi kong tanong kay nanay Carlotta habang naka-upo sa dulo ng kama dito sa loob ng kwarto ni Primo.

"Dahil ayaw ni Señorito Primo na sisihin mo ang sarili mo, matapos naming malaman mula sa iyong ama ang naging kondisyon mo dahil sa mga nangyari noon sa Casa Bel Palazzo, ayaw niya na pati siya ay iisipin mo."

Aniya ni nanay Carlotta habang hinahaplos ang likod ko. Si papa pala ang nagsasabi sa mga konseho at kay Primo sa mga nangyayari noon sa akin at sa mga kambal. Nalaman nila ang naging kondisyon ko, ang Post-traumatic stress disorder na nagpahirap sa'kin sa mahabang panahon.

Pero mas mabigat pala ang pinagdadaanan ni Primo. Hindi ko man lang inaalam ang side niya. Hindi ko siya nagawang pakinggan!

"Paulit-ulit na binabasa ni Señorito Primo ang L'amore Dimenticato habang nakakulong dahil alam niya na paborito mo ang librong iyon kahit pa nabasa niya na ito bago ka pa niya nakilala. Sa tuwing dinadalaw namin siya sa Casa Karsero, ang kulungan ng mga maharlikang lumabag sa batas ng palasyo, naabutan namin siya na abala sa pagpipinta ng iyong huwangis at paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa iyong mukha na siya mismo ang nagpinta.."

Napapikit ako dahil sa sakit na umukit sa dibdib ko para kay Primo.

"Inakala niya na patay ka na, inakala niya na namatay ka sa pagkahulog sa bangin katulad sa sinapit ng kanyang ama at kakambal noon. Ang sabe sa'kin ng kanyang ina na ayaw raw  lisanin noon ni Señorito Primo ang Casa Bel Palazzo hanggat hindi ka niya natatagpuan. Dahil din sa mga isinulat mo noon sa likod ng libro ay nabigyan ng linaw ang lahat matapos itong mabasa ni Señorito Primo. At bago siya mapapayag ng kanyang ina na bumalik dito sa italia ay inamin ng mga kaibigan mo kay Señorito Primo na buhay ka pero hindi nila alam kung nasaan ka. Kaya sinisi niya ng husto ang sarili niya..."

"W-wala naman siyang kasalanan e, si m-mang Karding! Bakit siya ang ipinakulong ng mga konseho?!"

Tumango si nanay Carlotta bago hawakan ang mga kamay ko at wala ring patid sa paglandas ang masasagana kong luha.

"Wala ngang kasalanan si Señorito Primo sa mga nangyari noon pero siya ang pumasan sa responsibilidad sa pagkamatay ni Señor Freigo sa hindi maayos na paraan, kaya pinatawan siya ng konseho ng kapabayaan na may katumbas na apat na taon na pagkakakulong at bukod pa don ay tinanggihan niya rin ang pasiya ng mga konseho na pagpapakasal sa nag-iisang anak ng mga La Fuenta na si Venice, kaya muling dinagdagan ng apat na taon ang kanyang pagkakakulong."

Sunod-sunod ang pagsinghot ko dahil sa matinding pag-hikbi.

"Ginawa niya 'yon dahil sa ayaw niyang matali sa taong hindi naman niya mahal. Mas pipiliin niyang mapatawan ng parusa keysa matali sa iba. Gano'n katapat ang pagmamahal niya sa'yo anak, na handa siyang isuko ang lahat ng meron siya para lang sayo."

Kahit punasan ko ang mga luha ko ay patuloy pa rin ito sa pagbagsak, ayaw magpaawat.

"Sa araw-araw na pagbisita ko sa kanya sa Casa Karsero ay nasaksihan ko kung paano siya lumuha ng tahimik at paulit-ulit niyang sinasabe sa'kin na  nasaktan niya raw ang taong pinakamamahal niya, na nasaktan ka niya. Halos mawalan na rin siya ng pag-asa..

Lumuluha akong napayuko sa mga sinabi ni nanay Carlotta dahil parang pinipiga at kinukurot ng husto ang dibdib ko.

"Kaya ipanahanap ka ng reyna hanggang sa nalaman ng palasyo at konseho na anak ka ni Alejandro, ang dating punong heneral at nalaman din namin ang tungkol sa kambal na anak niyo ni Señorito Primo."

Ngumiti si nanay Carlotta habang nagbablik-tanaw sa lahat.

"Kitang-kita ko kung paano bumalik ang sigla ni Señorito Primo matapos kong ipagtapat sa kanya na may anak kayo. At sa tuwing nagpapadala ang iyong ama ng mga larawan niyong mag-iina ay agad ko itong dinadala sa Casa Karsero dahil alam kong matutuwa ng husto si Señorito Primo. Hanggang sa malaman namin ang naging kondisyon mo at sobra ang naging epekto non kay Señorito Primo, mas lalo niyang sinisisi ang sarili niya at nakiusap siya sa'min na h'wag ipaalam sayo na nakakulong siya dahil ayaw niyang dagdagan pa ang mga pinagdadaanan mo noon."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sitwasyon ko pa rin pala ang iniisip niya kahit siya itong higit na nagdudusa.

"Dinaan ni Señorito Primo sa pagpipinta ang pagka-sabik niya sayo at sa mga anak niya habang nakakulong siya. Hindi na rin siya makapaghintay na mawalan ng bisa ang mga parusang ipinataw sa kanya ng konseho."

Aniya ni nanay Carlotta kaya napadako ang luhaan kong mga mata sa paintings na nasa dingding. Kaya pala gano'n kadetalyado at kaganda ang bawat paintings dahil sa may pinanghuhugutan siya habang ipinipinta ang mga iyon. Muling nagsalita si nanay Carlotta na ngayon ay nasa harapan ko na at nakangiti.

"Hanggang sa dumating na nga ang araw na pinakahihintay niya, ang paglaya mula sa Casa Karsero. At kasabay ng kanyang paglaya ay ang nakatakda namang paglitis ng konseho sa mga anak niyo na isa sa mga tradisyon ng palasyo. Ang konseho kasama ang reyna at si Señorito Primo ang sumundo sa kambal sa pilipinas at sinadya nilang ilihim ito sayo dahil nakasaad sa batas ng palasyo na walang karapatan ang isang ina sa mga anak nito mula sa may dugong maharlika hanggat hindi ito kasal sa ama ng kanyang mga anak."

Marahan kong pinahid ang mga luha ko. At inayos ko rin ang mga takas na buhok sa gilid ng tainga ko.

"A-ano pong gagawin ko?"

Garagal kong tanong kay nanay Carlotta. Malalim na ang gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ng kawal si Primo at wala ring palatandaan na lumabas ito ng palasyo.

"Mahal mo pa ba si Señorito Primo, anak?"

Hindi ko inaasahan ang naging tanong ni nanay Carlotta kaya muling bumagsak ng tahimik ang mga luha ko.

"Masaya ako na masaya ang taong mahal ko kahit pa pinapaalis niya na ako."

Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa tila tinatarakan ng libo-libong mga karayom ang puso ko. Mas doble pala ang sakit kapag nakikita mong nasasaktan mo ang taong mahal mo kaya naiintindihan ko na ngayon ang nararamdaman ni Primo.

"N-nasaktan ko po s-siya ng sobra-sobra. Naging makasarili po ako."

Humihikbi kong saad kay nanay Carlotta na walang tigil sa paghagod sa likod ko.

"Mahal mo pa siya."

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni nanay Carlotta. Alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko para kay Primo kahit pa nagalit ako rito ng sobra na hunantong din sa pagkamuhi ko sa kanya pero ang totoo ay lalo ko lang siyang minahal nang dumating sa buhay ko ang mga anak namin.

Ikinulong ko ang sarili ko sa lungkot dulot ng mga pagkabigo ko. Hinayaan ko na mas manaig ang galit at pagkamuhi sa puso ko dahil lang sa gusto ko na siyang makalimutan pero sa huli mas lalo ko lang siyang minahal.

Isang bagay lang ang napagtanto ko ngayon na naniwala ako na napatawad ko na ang sarili ko pero ang totoo ay hindi pa talaga. Sa matagal na panahon ay naghanap ako ng masisisi sa lahat imbes na tanggapin ko kung ano ang mga nangyari at patawarin ang mga taong nakasakit sa'kin maging ang sarili ko.

Naging makasarili ako. Dahil sa natakot ako. Natakot na mabigo ulit. Natakot akong tanggapin ang lahat at higit na natakot ako na magpatawad dahil sa ayaw ko nang masira pa ulit pero ang takot ko rin pala ang naka-sakit sa mga taong mahal ko, sa mga anak ko na tinaggalan ko ng karapatan na makilala ang kanilang ama na higit na nagdusa.

"Hindi pa naman huli ang lahat para sa inyong dalawa ni Señorito Primo. Mahal niyo ang isat-isa at sapat na rason na iyon para magsimula ulit kayo kasama ang mga anak niyo."

Pagpapagaan sa loob ko ni nanay Carlotta. Sana gano'n lang kadali na magsimula ulit. Sana gano'n lang din kadali na bumalik sa dati lalo na ngayon na nasaktan ko siya ng sobra.

"W-wala naman po akong dugong maharlika kaya hindi pa rin kami p'wede sa isat-isa.."

Mapait na pahayag ko. Noon pa man, ang magkaibang mundong ginagalawan namin ang humaharang sa pangarap ko na makasama siya habang buhay.

Kaya paano kami magsisimula?

Hindi ako p'wedeng pumasok sa mundo niya dahil hindi naman ako isang maharlika kagaya niya.

"Anak ka ng dating punong heneral na isa na ring konseho ngayon."

Nakangiting saad ni nanay Carlotta kaya kumunot ang noo ko. Ano naman ang kinalaman ng posisyon ng aking ama?

"Anong pong ibig niyong sabihin?"

Naguguluhan kong tanong at sabay kaming napalingon ni nanay Carlotta sa pinto ng kwarto ni Primo na bumukas at pumasok si Queen Stella kasunod si Lady Vittoria at ang aking ama.

"Binabati kita dahil sa pumasa ka."

Malapad ang pagkakangiti ng reyna at ngayon ko lang ito narinig na magsalita ng tagalog kaya nilingon ko si nanay Carlotta na nasa gilid ko.

"Bihisa ang reyna sa paggamit ng ibat-ibang lengguahe. Siya rin ang nagsalin sa wikang tagalog ng L'amore Dimenticato."

Aniya ni nanay Carlotta pero hindi iyon ang gusto kong malaman kundi ang tinutukoy ni Queen Stella na pumasa raw ako at saan naman? Dahil sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nilitis ng mga konseho, tanging ang kambal lang.

"Ako ang naglilitis sa mga mapapangasawa ng mga Señorito. Io impressionato di più di io aspettarsi. Pinahanga mo ako ng higit pa sa inaasahan ko."

Ramdam ko ang galak sa boses ni Queen Stella pero dahil sa naguguluhan pa rin ako kaya nilingon ko si papa, humihingi ng eksplenasiyon sa mga sinasabi ng reyna.

"Nakita ng mahal na reyna kung gaano ka kadetermindo pagdating sa mga anak mo. Nakita niya rin na wala kang interes sa anumang meron na kayamanan at kapangyarihan si Señorito Primo. Pumasa ka anak sa pagsubok ng reyna."

Hinawakan ni papa ang mga kamay ko at kitang-kita ko ang tuwa at pagmamalaki sa kanyang mga mata.

"But you have something to do to be part of our family, Lady Bella."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng reyna. Ano na naman ba ang sinasabi niya? Ipapakulong niya na naman ba ako sa loob ng madilim na kwarto?

"Kailangan mong pakasalan si Señorito Primo."

Literal na napa-awang ang bibig ko at namilog rin ang mga mata habang nakatitig sa reyna dahil sa hindi ko inaasahan ang sinabi niya!

Eto pala ang nais sabihin ng reyna kanina, na may kailangan akong gawin para maging parte ng pamilya nila, ang pakasalan si Primo!

Nauubusan ako ng sasabihin! Lalo na ngayon na hindi mahagilap kung nasaan si Primo. Kailangan na nandito siya dahil hindi ako sigurado kung gugustuhin niya pa ba ang makasal sa taong sobrang nanakit sa kanya.

"K-kailangan po muna namin magka-usap ni Primo.."

Lumiit ang boses ko dahil sa hiyang nararamdaman ko para sa reyna.

Nagkatinginan naman sina Lady Vitorria at ang reyna bago nagsalita ang ina ni Primo na may nagbabadyang luha sa mga mata.

"We are still searching for him. I don't know where he is now. Sono preoccupato di mio figlio.." (Nag-aalala na ako ng sobra sa anak ko..)

Bigong pigilan ni Lady Vitorria ang mga luha niya na mabilis kumawala sa kanyang mga mata.

"He suffer a lot. He's living in pain for many years. I don't want to hear him again crying in the middle of the night and not eating his meal like what happened when his father and twin sister died years ago. I know my son is a strong person but he's a human too. He needs you, my son needs you.."

Dahil sa paghikbi ni Lady Vitorria ay kumawala na rin ang mga luha ko lalo na nang yakapin niya ako.

"Io volere ancora a vedere mio figlio contento vita." (Gusto kong makita ulit ang anak ko na masayang nabubuhay.)

Mas lalong humigpit ang mga yakap sa'kin ni Lady Vitorria na walang tigil sa paghikbi. At bilang isang ina ay naiintindihan ko ang nararamdaman niya na ayaw niyang makitang nahihirapan at nasasaktan ang anak niya.

"I'm begging you Lady Bella, please make him happy. His happiness is you, his life is you."

Sunod-sunod ang naging pagtango ko habang nakayakap at inaalu si Lady Vitorria na punong-puno ng sinseridad at pakiusap sa basag nitong boses.

"I p-promise."

Salitang binitawan ko na lalong nag paiyak kay Lady Vittoria. Kahit ang totoo ay hindi ko alam kung mapapasaya ko pa ba si Primo matapos ko siyang masaktan ng sobra.

Pumasok ang ilang kawal at may sinabi sila kay Queen Stella na mabilis na lumabas kasunod ng mga kawal.

"Grazie mille!" (Thank you!)

Nakangiting sambit ni Lady Vitorria habang pinupunasan ang mga luha niya at saglit pa ako nitong niyakap bago ito sumunod sa reyna.

"Nahanap na si Primo?"

Saad ko dahil sa nagmamadaling mga kawal na nakikita ko sa labas ng nakabukas na pinto ng kwarto ni Primo.

"Titingnan ko sa labas.."

Paalam ni nanay Carlotta bago sumunod sa paglabas ng aking ama. Susunod na rin sana ako pero dahil sa nasagi ko ang librong L'amore Dimenticato na nasa gilid ng kama kaya nahulog ito sa sahig kasunod ang isang puting sobre na humiwalay mula sa pagkakasipit sa libro.

Pinulot ko ang libro pati ang puting sobre na maayos ang pagkakatupi. Bigla akong ginapang ng takot at kaba habang nanginginig ang mga kamay ko na binubuksan ang puting sobre hanggang sa mag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko at halos mapaluhod ako sa sahig dahil sa matinding panghihina ng katawan ko matapos kong mabasa ang sulat na iniwan niya para sa akin.

"Yes. I want you to disappear, Primo. I don't want to see you anymore."

Kinakain ako ng sarili kong mga salita, mga salitang binitawan ko kanina!

To my sweet darling:

     Darling, I feel sorry to the agony that I caused you. I dont want to commit the same mistake as before. Seeing your tears broke me into pieces. I want you to live happy, tasting no pain nor suffer. I will cherish our memories forever. Take care of our twins and tell them that I love them like how much I love you. I hate saying goodbye because saying goodbye means forgetting. Remember that I'am always your Señorito, your sweet lover.

                  From: Señorito Primo.

Please, don't disappear Primo.

Bella Carina.
~My Sweet Lover~

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

208K 5K 44
Kira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist bu...
17.4K 441 38
Azaira Nicole Zamora is a great dreamer. She has a lot of ambition in her life, but it all sudden change when she found out something. She was about...
14K 217 44
Nikita Aphrodite Montello is a jolly girl who wants to be a successful nurse. One of her dreams is to be love by the person she really love, pero til...
3.8K 1.4K 45
[Completed] Serenity Garcia is following the path of her famous Fashion Designer Mom. She is doing everything to be recognized in her job as a design...