She's With Me

By ThatsMich

5.5K 299 163

Book 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
A/N
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
A/N
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36 [END]
Author's Note

CHAPTER 3

165 6 1
By ThatsMich

RED'S POV


Nang makarating sa bahay from school ay agad akong nagpunta sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit na dala dala ko kanina. Masayado kasing marami.

Nang matapos na ay huminga ako ng malalim. I did it.


I survived the day 1 and luckily got a friend, a nice one.


Mom and Sky isn't here. Asa US pa sila pero susunod sila dito next month so kaya eto ako mag isa sa bahay namin.

I could tell, madaming nangyari these passed 2 years.


Napahawak ako ng maigting sa paldang suot ko habang nakaupo ako sa harap ng salamin ko.


Ngumiti ako ng isang napakagandang ngiti saka tumango tango na parang kinukumbinse ang aking sarili.


"Fake it until you make it.." Mahinang sabi ko sa sarili ko.


And here I am, finally in college and starting to pursue my dream. I'm claiming my life again.


But there's one thing that I haven't done since i got here. I haven't seen Blue and Yn. I was so nervous earlier that I might meet Blue, but he wasn't there.


They didn't know na nandito na ko. Maybe to surprise them? Or maybe I'm just not ready to see Blue.



Wala kaming contact for two years. I cut out everything, why? Because I want to focus on myself.


Everything that happened two years ago sa akin ay mananatiling pinakamapait na parte ng buhay ko.


The last time I saw Blue was when I came to say goodbye at the same time to admit my feelings for him to myself pero apart from that, I don't know kung paano ako makakalapit sa kanya ng hindi susubukang umiwas.


Gayunpaman, I stopped school for a year. Unfortunately for me, hindi ako nakagraduate noon dahil sa dami ng absents ko kaya sa states ako nagtapos. Bumalik ako dito para harapin ulit ang realidad ng mundo ko. Ang pilipinas.



Mommy took over sa businesses na naiwan ni Daddy, afterall sa kanya pa din naman talaga yon kasi magkasama sila ni Daddy nagsimula noon. While Sky on the other hand, she's already on her 3rd grade at napakagaling sa school.

And me?...



Wala, eto pa din ako. Lonely girl pa din na trying hard maging matatag at masayahin. Hindi na siguro dadating yung panahon na mao-overcome ko na huwag matakot mahawakan ng ibang tao.


I sighed and smile again. I will be free, i promise.


After that ay bumaba na ako sa may kusina para kumain na.


Nandito pa din sina Manang at Stella syempre. Ganon na din si Manong Edd, parte na sila ng pamilya.



"Iha, kamusta ang unang araw?" Masayang tanong sakin ni Manang habang naghahanda ng makakain sa mesa.


"Ayos naman po Manang, nagkaroon ako ng kaibigan." Nakangiti kong sagot


"Abay maigi yan at hindi ka na mag iisa." Anang ni manang saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.


Otomatiko naman akong nagitla dahil doon.


Bumuntong hininga si Manang.



"Iha, alam kong mahirap hindi isipin ang nakaraan ngunit huwag mong hayaan itong sanggahan ang iyong mga magiging kaligayahan." Anang ni Manang saka nakangiti akong pinakatitigan.



Tumango ako kay Manang saka sya inayang kumain ngunit tumanggi ito dahil nauna na daw sya.


"Ay Manang, nasaan po ai Stella? Hindi pa ho ba nakakauwi?" Tanong ko.


"Nandito na kooooo!!" Biglang may nagsalita sa likod ko.


At doon ay nakita ko si Stella na kakauwi lang sa bahay, may dalang backpack at mga gamit galing eskwela.


Yes, nag aaral na sya. Nadinig ko ang usapan nila ni Manang tungkol sa pag aaral nito. Umiiyak si Stella dito dahil hindi daw sya nakakapag aral at gusto nyang magpatuloy kaya I insist to help and finally, 1st year college na din sya kagaya ko pero nursing ang kinukuha nya.


"Good. Tara dito, kain tayo." Casual kong anyaya sa kanya.


"Ayos yan Red. Hahahaha! kamusta naman first day mo?" Masaya nyang pang uusisa.


I chuckled. "I have a friend, mas kalog sayo." Sagot ko.



Tumawa sya, "Mabuti yon at parati kang magiging masaya." Aniya.


"Ikaw?" Pagbabalik ko ng tanong.


"Ayos lang. May dalwa akong naging kaibigan. Ang saya mag aral hayyy." Magiliw nyang sabi na ikinatuwa ko.



Hindi ako nagkamali sa pagtulong sa kanya.


Nagtuloy ang tawanan naming dalawa hanggang sa magsipagpaalaman na kami na magbabalikan na sa kwarto.


Nang makabalik sa kwarto ay nag shower muna ako. Everytime na magsho-shower ako, I can't help but to look at my back tapos hahawakan ko yon. The scars he gave me, tinabunan ko na.



A pair of tears slide on my cheeks and I immidiately wiped them at saka madaling tinapos ang panliligo.


Humiga ako sa kama at doon nag isip ng mga posibleng mangyari sa akin dito sa pagbabalik kong to.


Should I tell them that I'm here and face them?


Alam nyo yung pinakamahirap balikan? Yung mga taong naging kasama nyo sa mapait na nakaraan.



I want to see them but for now, I'll let the destiny do it dahil alam ko, magkikita at magkikita pa din kami.


After that ay natulog na ako dahil may pasok pa ako bukas ng 8 a. m.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nagising ako ng 6, medyo inaantok pa ako pero pinilit ko ang sarili kong tumayo dahil maaga ang first class at saka babyahe pa ko.


Agad akong nag ayos ng sarili at bumaba na sa kusina para kumain saka naman nagmamadali akong umalis kasi ginagahol na ako sa oras.


Nang maipark ko ang aking sasakyan ay madali dali akong naglakad at nagpunta sa assigned room ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit inabot ako ng time ay wala pa yung teacher.


Nasa pinto pa lang ay kita ko na ang kakaway kaway na si Tanya na nasa malapit sa window side.


Natawa naman ako sa kanya at nakangiting umupo sa tabi nya na itinuturo pa nya. She save a seat for me. That's sweet.


"Thanks." Sabi ko rito.


"I thought malelate ka na naman ay, halos kahapon nga wala ka ng naabutan."

Natawa ako lalo sa sinabi nya. "Naligaw kasi ako kahapon kaya ako nalate." Maikli kong sagot sa kanya.


Napakunot naman ako ng noo ko nang binigyan ako ni Tanya ng tingin, yung titig na titig talaga.


"W-why? May dumi ba ko sa mukha?" Nagtataka kong tanong.


Napakibit lang ng balikat si Tanya saka nag cross arms at umayos ng upo.


"I'm just wondering, bakit wala kang social accounts? Naloka ako kakasearch sayo kahapon pero wala akong nakita." Aniya.


Nakahinga naman ako ng maluwag.


"It's because I'm not into it. Hahaha. Di ko lang trip ang social media and besides of that, if you want to contact me, I'll give you my number." Sagot ko dito.


Napangiti naman sya, "That's better." Saglit syang tumahimik at muling nagsalita.


"Pero ang weird mo ha, bakit ayaw mo ng social accounts? I mean atleast for communications." Mapagdudang tanong nya.


Medyo napangiti ako ng mapait dahil dito. Exactly, ayaw ko ng communications dahil mas tahimik ang takbo ng buhay ko this way.

Tumawa ako,"I hate seeing other's people problem you know. When I have my accounts before, it always irritates me kapag nakakakita ako ng irrelevant and toxic things. Saka mas better na wala ako non, tahimik buhay ko." Mahaba kong paliwanag.


Tinaasan nya ako ng kilay," Ang weird mo talaga, akin na nga number mo." Nakapout nyang sabi at nangiti naman ako don.


Binigay ko sa kanya yung number ko at saglit lang kami nagdaldalan ay dumating na yung teacher namin.


Lalaki ito. Sya yung kahapon na hindi ko man lamang nalaman kung ano ang pangalan.


Nang makapasok sya ay nagsitahimikan kami.


"Okay Class, I am Architect Jericho and I will be your instructor for your Theory of Architecture." Pakilala nya agad as soon na makarating sya sa lamesa nya.

"I want you all to be aware that you have to pay attention to my class kasi kung hindi, mahihirapan kayo sa design nyo and also, makakatulong ang klase ko para mapadali ang subject nyo sa Building Tech." Muli nyang paliwanag.


"Yes Sir." Sabay sabay naming sagot.


At kagaya ng ginawa samin ni Miss Ruth kahapon ay isa isa nyang tinanong kung ano ang mga pangalan namin.


Hindi ako kumportable. Mukhang kilala ako ni Miss Ruth at alam nya ang background ko.


At todo ang kaba ko nung ako na ang tinanong nya. Iniisip ko kasi na baka makilala nya din ako.


Hindi ako nagkamali. Malagkit ang tingin sa akin ni Sir. Yung tipong habang nagpapakilala ako, kita sa mata nya na may gusto syang itanong sa akin kaya imbis na magpadala sa reaksyon nya, nginitian ko sya ng maganda nang matapos akong magsalita.


Napabuntong hininga si Sir and he decided to proceed na lang sa katabi ko.


Saglit pa ay natapos na kaming lahat makipagkilala sa kanya saka sya nagsimula sa klase.


Matalino si Sir, lahat ng tanong namin ay nasasagot nya and binibigyan kami ng satisfaction sa sagot nya. I wonder, ano kayang mga libro ang ginamit nya?. I want some too.


Mabilis naubos ang dalawang oras namin kay sir dahil nakakaaliw syang magturo. Kaya nang matapos ay sabay sabay na sana kami lalabas kasi mamaya pang after lunch ang next class namin nang biglang tawagin ni Sir ang pangalan ko.


"Ms. Fernavrino, may I have a word with you?" Nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Sir.


Nagkatinginan kami ni Tanya. Kahit sya ay nag dududa.


Napabuntong hininga ako, "Intayan mo na lang ako sa labas." Sabi ko sa kanya.


Kahit confused ay nakakaintindi syang tumango at umalis na.


Kinakabahan akong muling humarap kay Sir pero pinanatili kong mukha akong kalmado habang papalapit sa kanya.


"Yes Sir? Bakit po?" Magalang kong tanong sa kanya.


Napabuntong hininga si Sir.


"First, I want to know if it's okay sayo to open some sensitive topic about you before we start. Is it okay?" Malumanay nyang tanong.


At doon nagsunod sunod ang pagtambol ng dibdib ko at makailang beses din akong napalunok.


Mabigat ang loob kong tinignan si Sir at para malaman na din kung para saan pa ito ay tumango na ako sa kanya.


He smiled a little," I heard about your background and issues. I'm talking to you now dahil napagkasunduan naming faculties na magbigay ng proteksyon sa iyo kung sakali mang may kumalat sa mga pangyayari noon."


Hindi ako umimik kay Sir at nanatiling nakatungo. Hindi ko maiwasang maguluhan kung bakit kailangan pa nilang pakielaman yon.


He sighed again,"If you are wondering kung bakit kami concern kasi it's a sensitive topic for you. And we would like to take actions kung sakaling may ibang nakakaalam ng tungkol sayo para na din hindi pa ito makagulo sa academic performance mo."


"I... I think I can manage Sir." Tinignan ko sya at sinagot.


Napabuntong hininga muli sya, "Are you sure na you don't want us to help you?"


Medyo napangiti ako sa sinabing yon ni Sir. They are concern for me.


I smiled kay Sir, "Maraming salamat po sa concern nyo Sir. Pero... I came back here to face the truth. If it didn't spread, it's way better but kung sakaling kumalat man po, I'll find out kung paano ko na ito sosolusyunan." Magalang na sagot ko.


Napangiti sa akin si Sir, "I respect your decision Miss Fernavrino. You can go now, take care."


"Thank you so much Sir."


Yun lamang at umalis na ako. Nababagabag pa din ang isip ko ng dahil don. Ano nang gagawin ko kapag nalaman nila yung past ko? Hindi malabong mangyari yon, it was on the news before.


Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla akong matigil dahil sa nakita ko sa kabilang bintana.


Masayang nakangiti ni Tanya habang nakikipag usap sa isang lalaki.


Napakunot ang noo ko at nagtatatambol na naman ang dibdib ko.


"You haven't face him?" Nagulat ako nang makita ko si Sir sa likod.


Umiling ako.


"He's the best student we have on his batch." Biglang sabi ni sir.


Napangiti ako ng mapait kay Sir saka sya binalingan ng tingin.


"Sir, pwede ho bang wag nyo munang sabihin kay Blue na narito ako?"

Continue Reading

You'll Also Like

124 8 8
"Where you from?" "From earth, isn't it obvious?" "Tsk! don't be sarcastic! im serious here!" "ehh engot ka rin pala! malamang taga earth ako, di nam...
84.6K 2.7K 86
Sa hindi inaasahang pangyayari, ay pagtatagpuin ang dalawang taong hindi mapagkakasundo. Ngunit malalim pala ang dahilan at punot dulo ng lahat ng '...
70.9K 1.2K 56
Kung nakukuha sa isang tingin lamang ang kabuuhan ng paghuhusga, ano na lang kaya kung kikilalanin ang babaeng bukod tangi sa lahat ng nilalang. Min...
She's Red By Mich

Teen Fiction

678K 23.4K 48
Leave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest...
Wattpad App - Unlock exclusive features