South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 5

224K 12.8K 5.9K
By JFstories


"ILANG TUHOG KERI MO?"


Mahinang tinampal ko ang bibig ni Arkanghel. "Para akong lilitsunin diyan sa salitaan mo, ah!"


"Sorry, boss!" 


Tumuhog na ulit ako ng fishball sa kawali. Dinamihan ko ang kuha since ako naman magbabayad. Actually, pangatlong balik ko na ito. Wala akong dapat ikahiya dahil nga libre ko naman 'to.


Nang una lang talaga ay medyo awkward pa na kumain ng street food with Arkanghel pero katagalan, galit-galit na. Di ko na siya inintindi kahit pa titingin-tingin siya sa 'kin habang nakain kami. Bahala siya sa buhay niya basta dapat mabusog ako.


"Bili ko pangtulak," paalam niya matapos isubo nang isang buo iyong huli niyang kwek-kwek.


"Ok." Pinanood ko si Arkanghel nang umalis siya dala ang stick at plastic can niya. Natawa pa ako nang makitang ini-straight niya ng inom ang natirang suka sa baso bago itapon.


So ayun nga. Bilang pambawi sa nagawa kong pang-aalipusta sa gusot niyang polo ay inilibre ko siya after class. Saka mukhang mabait naman yata talaga itong si Arkanghel. Maligalig lang talaga.


Another reason, nakonsensiya kasi talaga ako lalo pa't ako yata ang dahilan kung bakit napahamak siya sa parents niya kahapon. Hindi naman kasi siya maga-guidance kung hindi dahil kay Hugo. Wala siyang atraso kay Hugo maliban na lang dahil binangga niya nga ito dahil sa akin. Yup dahil sa akin. Haba ng bangs ko kahit chubby cheeks.


Pagbalik ni Arkanghel ay bibit niya na ang tag isang plastic ng palamig. Inabot niya sa akin ang isa. "Palamig ka muna kahit cold ka na talaga."


Pinandilatan ko siya pero pinandilatan niya rin ako. Attitude!


"Kuya, magkano lahat?" he asked the street food vendor.


"Sixty, 'Toy."


"Anak ng! Nakailan ka?!" baling niya sa akin.


"Ako naman magbabayad! Maka-react 'to!" Namumualan pa ako habang nagsasalita dahil may laman pa iyong bibig ko.


"Basta last mo na 'yan!" Kinuha niya ang wallet niya sa bulsa ng school pants niya saka binayaran ang bill namin kay kuya.


"Ako ang magbabayad!"


"Heh!" Hinila niya na ako sa pulso. "Manahimik ka at ubusin mo na 'yan."


Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Onti na lang papunta na iyon sa mismong kamay ko kaya nawiwindang ako. Big deal sa akin ang holding hands. Sinabi ko na di ba? Hanggang crush pa lang talaga ang kaya ng power ko.


Mabuti na lang at binitiwan niya na rin ako nang makabalik kami sa loob ng school. Sa bench na katapat ng saradong canteen kami huminto. Kaunti na lang ang estudyante sa loob at sarado na halos lahat ng classroom. Nauna akong naupo sa bench habang nakapamewang siya sa harapan ko at pinapanood ako sa pagkain ko.


Nang maubos ko ang fishball ko ay kinuha ni Arkanghel sa akin ang stick at plastic can para itapon sa basurahan. Bumalik siya at naupo sa tabi ko pagkatapos. "Ano busog ka na?"


"Oo."


"Wag ka na magdinner mamaya, ah? Baka sikmurahin ka na andami mo nakain e."


Aawayin ko sana siya kaso mukhang concerned naman talaga siya kaya wag na. Next time na lang.


Sisipol-sipol siya sa tabi ko. Siguro bored na rin. Hindi ko alam kung ano na ang next na gagawin namin. Awkward na dahil tapos na kaming magmeryenda. Saka iyon lang naman talaga ang promise ko na kakain kami ng street foods. Wala kaming usapan if sabay ba kaming uuwi after.


"Uy di pa pala ko bayad sa 'yo!" Naalala ko.


"Hayaan mo na..." he lazily answered me.


Dumaan si Isaiah sa tapat namin. Pauwi pa lang siya dahil cleaner nga pala siya ngayon. Kay Arkanghel siya nakatingin. "'Insan, uuwi na 'ko. Di ka sasabay?" Wala siyang dalang gamit pang school. Ultimo bag, wala. Kung may bitbit man siya ngayon ay gitara lang. Napaka-uliran talaga.


"Maya na."


"Sure ka?"


"Oo. Peram na lang gitara."


Inabot ni Isaiah ang gitara sa kanya. "Ingatan mo 'yan. Isang taong allowance ko 'yan!"


"Oo hatid ko na lang sa inyo maya. Labyu."


"Labyutu."


Sakto na dumaan din sina Viviane Chanel or Vivi at ang mga kaibigan ng babae. Mga cleaners din kaya ngayon lang uuwi. Pero malamang na hindi naman talaga sila mga naglinis. Ni wala nga silang kapawis-pawis kahit kaunti tapos mga naka-curl pa buhok nila. Mukhang iyon lang ang inatupag nila sa room, ang pagkukulot.


"I love you!" sigaw ni Isaiah.


Nang lumingon si Vivi ay nakay Arkanghel na ang paningin ni Isaiah.


Tatawa-tawa naman si Arkanghel sa tabi ko.


Sumunod naman na si Isaiah kay Vivi at naiwan na kami ni Arkanghel sa bench. 


He put the guitar on his lap and placed his hands in the right direction. "Mayamaya na tayo uwi. Malamang di pa nakakabalik mga tricycle sa labas."


"Ayaw mo mag-jeep?"


"Mahiluhin ako sa jeep."


Arkanghel started strumming a few chords with his thumb and I was just staring at him. I even cocked my head so I'll have a better view of his face. His expression was so pure as he played Isaiah's guitar. Ewan ko ba pero nakaka-relax lang tingnan ng kalmado niyang grey eyes na may mahahabang lashes.


At ngayon ko lang rin napagmasdan nang ganito kalapit ang ilong niya. Ang ganda ng pagkakatangos niyon. Pati mga labi ni Arkanghel, ang ganda ng hugis at kulay. Para siyang may lip gloss sa totoo lang.


Ibinaling ko agad sa mga daliri niya na nasa strings ang aking paningin nang maramdaman ko na susulyap siya sa akin. Nagpanggap ako na roon na talaga nakatingin kanina pa.


"Di masakit sa daliri?" I asked.


"Keri lang," sagot niya.


"Di ba kasi dapat may guitar pick kapag nagi-gitara?"


"E sa wala e. Tiis-tiis."


He leaned back on the bench and strummed the first notes of "As Long As You Love me" by Backstreet Boys.


My eyes widened in surprise as I recognized the song. "You like old songs too?"


"Maka old ka naman." He was smiling. "Di ko alam pero parang close to my heart talaga mga boyband songs dati e." His long and expert fingers continued strumming the guitar strings.


"Kantahin mo. Favorite ko 'yan e..." request ko.


Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.


"Sige na. Naririnig kita sa room, marunong ka kumanta." Nag-puppy eyes ako sa kanya. Madalas ko siya marinig sa room na kumakanta ng rap saka lyrics ng mga rap songs pero never ko pa siya narinig kumanta ng pure pop.


He chuckled and shook his head but continued strumming. Excited naman akong naghintay sa kanya habang salitan ang aking paningin sa mukha niya at sa mahahaba niyang daliri sa strings.


"Although loneliness has always been a friend of mine, I'm leavin' my life in your hands."


Sabi ko na talaga bagay rin sa boses niya iyong kanta.


Tumingin siya sa akin. "People say I'm crazy and that I am blind risking it all in a glance..."


My body was now slowly swaying while I'm listening to him.


"And how you got me blind is still a mystery. I can't get you out of my head..."


Inunahan ko siya sa next lines. "'Don't care what is written in your history as long as you're here with me..."


Napangisi siya at nagpatuloy sa pag-strum at pagkanta. "I don't care who you are, where you're from, what you did as long as you love me."


Sinabayan ko siya. "Who you are, where you're from. 'Don't care what you did..."


"I don't care..." pagse-second voice niya sa akin.


"As long as you love me, baby..." we chorused.


"Whoo..." He put down the guitar. "Pwede na pala tayo bumuo ng banda e!"


Sino mag-aakala na magja-jamming kami e kaninang umaga lang asar pa ako sa kanya.


Nahihiya ko siyang hinampas nang mahina sa braso. "Pang academics lang ako."


"Humble ng biik."


"Nakakainis ka!" This time hindi na mahina ang paghampas ko sa kanya. Nakakainis kasi imbes na natutuwa na ako sa kanya, nang-asar na naman siya diyan.


He strummed the guitar again. Puro old songs kami. Halos lahat ng alam niya ay mga favorite songs ko. Nakakatuwa. Sobrang na-enjoy ko talaga at nakalimutan ko na ang oras. Pati iyong long quiz bukas, parang limot ko na rin. Papadilim na nang tumayo na kami sa bench.


"Chubs."


Sabay kaming napalingon ni Arkanghel. Nakangiti si Hugo sa akin habang nakapamulsa. Hindi pa rin pala siya umuuwi. Siguro hinihintay niya pa ang mama niya. Baka may meeting pa ang ibang teachers sa faculty.


"Bat andito ka pa? Dapat naghahapunan ka na sa inyo, ah?" Naglakad siya papunta sa akin.


Kasunod niya syempre sina Lexus at Lucky. Mga wala na silang suot na polo, mga naka shirts na lang. Wala rin silang mga dalang bag. Iisang notebook lang naman ang lagi nilang dala sa araw-araw at malamang na nasa bulsa na nila iyon nakatupi.


Pero wala pa ring tatalo kay Arkanghel, ballpen lang dala saka sarili niya.


Natigilan ako nang kusa. What?! Bakit kino-compare ko si Arkanghel? At bat proud ako? Duh! Never akong natuwa sa mga estudyanteng happy-go-lucky, so bakit ngayon parang inilalaban ko pa si Arkanghel? Hay epekto ng fishball! Hindi na ulit ako kakain nun!


Tumayo na ako dahil akala ko susunod si Arkanghel e kaso hindi. Nilapitan niya si Hugo at nakipagtagisan siya ng titig dito.


"Ano na naman bang problema mo?" tanong niya kay Hugo. Malamig ang boses niya, pero hindi naman maangas.


"Problema na namin ni Sussie iyon bat nakikisali ka?."


Problema namin? Duh? Gagong Hugo 'to, ah! Nanlaki ang mga mata ko nang humakbang pa palapit si Arkanghel.


"Anong parte ng akin 'to ang di mo naiintindihan?"


"Sigurado ka talaga na babanggain mo ako?" Napipikon na ang ngisi ni Hugo.


"Teacher mama mo, pero di ka man lang yata tinuruan sa bahay niyo kung pano umintindi?"


"Teka hoy!" Pumagitna na ako sa kanila, pero ang ligalig na ni Arkanghel. Para siyang biglang naging manok na naghahamon ng sabong e.


"I don't care pre nga di ba?"


"Arkanghel, ano ba?!" Kinapitan ko na siya sa manggas ng polo niya. "Halika ka na! Umuwi na nga tayo!" Ako na ang dumampot ng gitara sa bench.


Nagsalubong ang mga kilay ni Hugo habang papalit-palit ng tingin sa amin. "Sabay kayo?"


Hindi ko na pinansin si Hugo. Kinaladkad ko na si Arkanghel palabas ng gate. Mabuti at nagpakaladkad naman siya kundi aawayin ko na siya ulit di ko na siya friend. Ayoko kasi talaga sa lahat e basagulero.


Sa labas ng gate ko siya binitiwan. Hinarap ko siya para sermunan. "Ano ka ba? Di mo dapat patulan 'yon e. Para kang tanga!"


Kakamot-kamot naman siya ng ulo. "Nakakalalaki e."


"Tss. Ayan na naman iyong ego niyo e. Ewan sa 'yo!" Iniwan ko na siya. Nauna na akong naglakad papunta sa paradahan ng tricycle.


"So hayaan ko na lang siya bastusin ka niya?"


Inis na binilisan ko na ang lakad ko. "Ano bang masama sa tawagin niya akong chubs? Mas bastos ka nga kasi tawag mo sa akin biik!"


"Hoy anong sinasabi mo?!" habol niya.


"Wala sabi ko regaluhan kita plantsa."


"Malayo pa birthday ko!"


Nang maabutan niya ako ay hindi na siya nagsalita pa. Hindi na rin ako kumibo. Basta tahimik na lang kami hanggang sa makarating sa paradahan ng tricycle.


Siguro sampung minuto rin ang lumipas saka niya binasag ang katahimikan. "Huy galit ka?"


Hindi ko siya pinansin. Naiinis pa rin ako.


"Sorry na." Nagkamot siya ng ulo.


I faced him. "Arkanghel, hindi ko kasi gusto iyong nakikipag-away."


"Hindi na basta peace na tayo o? Layo na ng narating natin wag natin sayangin."


Tiningnan ko siya nang matalim.


He placed his right hand over his heart. "Promise! Kahit suntukin pa ako nun, di ako gaganti!"


"Hindi niya gagawin iyon. Subukan niya lang."


His face lit with delight. "Pagtatanggol mo ko?"


"Of course. Ipagtatanggol kita sa maayos na paraan. Ayoko kaya na maaagrabyado ang mga kaibigan ko lalo na kung wala naman talagang ginagawang masama."


Napaungol siya. "Bilis, ah? Kumain lang tayo, may label na agad o..."


"Ayaw mo?"


Mabait naman si Arkanghel, napatunayan ko iyon matapos ko siyang makasama ngayon. Maligalig lang talaga siya at pilyo, pero mabait siya. Oo short time lang, pero may talent kasi ako kumilatis ng tao. Sa maiksing panahon din, napalagay na ang loob ko sa kanya. Hindi masama na maging magkaibigan kami. Isa pa, kung saka-sakali na magiging magkaibigan nga kami, baka pwede ko siyang mahikayat na magtino at magsipag sa pag-aaral.


"Ayaw mo? Ayaw mo? Ayaw mo?" I glared at him. "Sige ka one-time offer lang 'to."


Umiling siya at nagkamot na naman ng ulo.


"Ano ba? May kuto ka ba?"


"Huy wala, ah!" Namula naman ang pisngi niya.


"E kanina ka pa kamot nang kamot." Though alam ko naman na mannerism niya lang iyon. Okay lang naman. Hindi naman siya mukhang haggard kahit pa messy iyong buhok niya sa kakakamot. Cute nga ang dating sa kanya lalo pa at mukhang malambot ang buhok niya. Pinagti-tripan ko lang talaga siya.


"Pero magkaibigan na nga tayo?"


"E ayaw mo ba?" Nakakatuwa ang reaction niya at nagpipigil lang talaga ako na matawa.


"Hindi naman sa ayaw." Bigla hindi na siya makatingin.


"E ano? You don't want me to be your friend?"


"Iyon nga e..." Napapanguso pa siya.


"So gusto mo more than friends?"


Dahil doon bigla siyang napalingon. "Huy sinasabi mo diyan?!"


"O? Pwede naman more than friend kita."


"Ows?" He arched his left brow and studied my face.


I grinned playfully. "Best friend!"


Bumagsak ang balikat ni Arkanghel. Sa huli ay napangiti na siya. "Ge na nga pwede na iyon."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 317K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
1.5M 34K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
778 213 46
I love you(143 and 3Words and 8Letters -Charlene and Edmon) Sa isang party nakilala ni Edmon si Charlene. Nahulog ang loob niya kay Charlene, at iyon...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...