Chasing Lifetime (Chasing #5)

By Pezzaaa

6.9K 274 89

Kim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that... More

Chasing Lifetime
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Chasing Lifetime

Chapter 18

96 6 4
By Pezzaaa

Akala ko ay nagbibiro lang si Brixel nang sabihin niya na dito siya matutulog pero mukhang totoo nga dahil alas nuebe nang gabi ay nandito pa rin siya. Naawa naman ako nang makitang pumipikit-pikit na siya sa may sofa. Mukhang antok na antok siya, siguro ay hindi siya nakakatulog ng maayos habang nasa Maynila, no? Tapos dumadagdag pa ako sa isipin niya kahit ayoko naman.

Umakyat na muna ako sa kwarto para ayusin ang kama. Hindi ko rin maaatim na patulugin si Brixel sa sahig kahit pa ilang patong ng conforter ang ilatag ko.

Nang matapos akong maglatag ay naligo na muna ako bago ko babain si Brixel. He's now sleeping.

Napangiti naman ako.

Akala ko ba ay panonoodin mo 'ko habang natutulog, Brixel Jayden?

Nang lumapit ako sa kanya ay bigla niya akong niyakap. Nagulat ako kaya impit akong napatili. Sakto pa namang kabababa lang din ni Briana kaya binigyan niya ako ng mapanuksong tingin.

"You smell so good," he said huskily.

"Tara na sa taas."

Nagmulat siya at ngumiti.

Damn! I will be forever mesmerized by his smile. Ang gwapo! Sa oras na ngitian ka ni Brixel ay mawawala ang pagod mo.

"Thank you." He smiled.

Kumunot naman ang noo ko. "Para saan?"

"For letting me stay tonight, for trusting me," sagot niya.

Nangiti naman ako. "Tara na."

Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan niya ang kamay ko.

"Mukhang magkakapamangkin na ako, ah?"

Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi ni Briana habang si Brixel ay sinaway ang kapatid niya. Humagalpak lang sa tawa si Briana.

Baliw talaga 'yon!

"Brixel," tawag ko nang nasa kwarto na kami.

"Hmm?"

"You can sleep here." Tinapik ko pa ang tabi ko. "I don't mind."

Ngumisi siya. "Alam ko. 'Di ka naman naglatag sa sahig, e."

Mukhang nang-aasar din ang isang 'to!

"Pwede naman akong maglatag ngayon."

He chuckled. "I'm just kidding."

This is the second time that we were sleeping together. Una ay noong nasa Celestina lake kami pero ito ang unang beses na kaming dalawa lang talaga magkatabing matutulog.

Naunang humiga si Brixel. Tinapik niya ang braso niya.

"Dito ka umunan," utos niya.

Medyo nag-init pa ang pisngi ko pero sinunod ko rin naman ang sinabi niya.

Nang makahiga ako sa braso niya ay hinaplos niya ang buhok ko.

"We will stay like this forever," he whispered.

Napangiti ako. Habang ang nasa isip ko ay sana, siya ay siguradong-sigurado na mananatili kaming ganito habang-buhay. I trust his words no matter what happens.

I really love this man.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at pagkamulat na pagkamulat ko ay ang gwapong mukha ni Brixel ang nakita ko. He's holding a tray of food.

Kumunot naman ang noo ko nang makitang bihis na bihis siya.

"Nakauwi ka na?" Nang tignan ko ang orasan ay mag-aalas sais palang nang umaga.

He smiled at me. "Yup. Aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Itutuloy natin 'yong bakasyon natin."

Namilog naman ang mga mata ko. "Agad agad?"

He smiled. "Surprise!"

"Brixel!" Agad akong tumayo at tatakbo na sana papunta sa c.r. para maligo nang hawakan ni Brixel ang braso ko.

"Kumain ka muna. Hindi naman kita minamadali."

Naningkit ang mga mata ko. "Anong hindi? E, bihis na bihis ka na nga! Ready ka nang umalis!"

Humagalpak siya sa tawa.

"Kumain ka na muna, I can wait. Alam mo 'yan."

Hindi ko man maipakita ay sa loob-loob ko ay para akong bata dahil sa sobrang excited ko!

Magbabakasyon kami ni Brixel?

Nakaayos naman na 'yong mga dadalhin ko. Noong nakaraan kasi ay hindi ko pa naman naibabalik iyong mga damit na inempake ko.

Tulog pa sila nang umalis kami ni Brixel. Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero siguro ay malayo dito sa Montreal. 'Di naman siguro kami magtatagal ng isang linggo kung hindi e.

"I'm so excited," sabi ni Brixel tsaka pinisil ang kamay ko.

Nasa backseats kami at ang pinsan nila ni Briana ang nagdadrive.

"Matulog ka muna. Matagal pa ang byahe bago tayo makarating sa airport."

Kumunot naman ang noo ko. "Airport?"

Ngumiti siya. "You'll see."

Saan kaya kami pupunta?

Brixel never let go of my hand until we arrived at Ninoy Aquino International Airport.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ulit.

Siguro naman ay dito lang sa Pilipinas. Wala naman kasi akong passport.

May nilabas siyang dalawang ticket.

"Japan?" Namilog ang mga mata ko.

"The country you want to visit first." Ngiting-ngiti si Brixel.

"Hala! Wala akong passport at visa!"

He chuckled. May inabot siya sa akin na passport.

"What?" Nagulat ako nang makitang sa akin 'yon.

"Paano mo 'to nalakad nang hindi ko nalalaman?"

"Basta. Tara na!"

Oh, My God! Wala nga akong dalang mga jacket at pang-OOTD, ika nga nila.

"Brixel," nag-aalangan na tawag ko sa kanya.

"Bakit?" he asked.

Ngumuso ako. "I don't think I'm ready for Japan. Hindi mo ako hinayaan mag-ready!"

"Surprise!" Ang laki pa ng ngisi niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Ako na ang bahala sa lahat, I want you to enjoy Japan."

It took us almost 5 hours to reach Tokyo. Gusto ko mang ienjoy agad ang Tokyo ay grabe ang jet lag ko. First time ko lang din kasi sumakay ng eroplano.

Sa isang luxury hotel dito sa Tokyo kami nagcheck in. Sa laki ba naman nitong suite na kinuha ni Brixel ay siguradong ilang libo rin ang nagastos niya!

"Sana 'yong mas maliit na lang ang kinuha mong suite. Dalawa lang naman tayo, e."

He pinched my cheek. "I want you to experience the best."

Ngumuso naman ako.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko at bumibigay na ang mga mata ko. Bago pa ako tuluyang lamunin ng antok ay naramdaman ko pa na kinumutan ako ni Brixel.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang topless na si Brixel. Mukhang kakatapos niya lang maligo 'cause the water is dripping from his hair down to his strong pecs and abs.

"Ganda ba ng gising mo?" He smirked.

"Kapal mo!" Nag-init ang mukha ko. Binato ko naman siya ng unan.

He chuckled.

"Magbihis ka nga!" saway ko nang tumabi siya sa akin para yumakap.

"Hindi ka ba natutuwa na nakikita mo ang abs ko? Marami kayang gustong makita 'yan."

Umangat ang sulok ng labi ko. "Edi sa kanila mo ipakita!"

Humagalpak naman siya sa tawa tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"I'm so in love with you, Kianna."

Inamoy-amoy niya pa ang buhok ko.

"I will be forever in love with you, no doubt."

Lumundag naman ang maharot kong puso.

"Araw-araw kitang pipiliin," hirit niya pa.

I smiled. "Ako rin, Brixel."

Nang bumitaw sa pagkakayakap si Brixel ay bumangon na rin ako para mag-ayos ng sarili. Ang gusto niya ay magparoom service na lang kami ng pagkain para sa dinner namin pero mas gusto kong bumaba sa buffet restaurant nitong hotel. Sa mahal ng ginastos ni Brixel ay dapat lang na sulitin namin.

I'm wearing a maong jeans, plain sky blue shirt, white sneakers and a simple jacket. Malamig dito sa Japan pero hindi ko naman alam na dito kami pupunta! Nakakainis 'tong si Brixel! Iba pa naman ang iniimagine kong susuotin ko once na makapunta ako dito sa Japan. Kahit naman hindi ako kasing fashionista nila Andrea ay maganda rin naman ang taste ko, no!

Matapos namin magpakabusog ng mga Japanese food sa buffet restaurant ay nagyaya si Brixel sa mall. May kailangan daw kasi siyang bilhin.

Pagdating sa mall ay pumasok kami ni Brixel sa isang mukhang mamahaling girl boutiqe.

"Anong bibilhin mo?" tanong ko.

"Buy anything you want." He smiled.

"Ha?" gulat na tanong ko.

Oo May pera naman ako kaya lang ay ayoko namang gastusin lang 'yon para dito. Baka mamaya kulang pa ang ipon ko para sa ilang pirasong damit lang, e.

"Hindi na-"

"That's the reason why we came here. Sige na. Please enjoy Japan."

I shook my head immediately. "Okay lang. Maeenjoy ko naman kahit hindi na ako magshopping. 'Di rin naman ako materialistic na tao."

"I know, Kim. I know."

I smiled at him. "So tara na?" Wala naman pala kasing bibilhin 'tong si Brixel.

Tinignan niya nang masama. "Pipili ka ng gusto mo o bibilhin ko lahat ng nandito?"

"What?" Nanlaki ang mga mata ko. "Are you serious?"

"Do I look like I'm not?" He smirked.

I rolled my eyes. "My God, Brixel!"

Wala na akong choice kung hindi pumili ng kahit isa at agad kong binitawan ang winter jacket nang makita ko ang presyo nito. God! Almost 10,000 kung icoconvert mo sa peso!

Sinubukan kong tignan 'yong simpleng blouse and to my surprise, 5,000 naman kung icoconvert mo sa peso.

Wala bang tiangge dito?

Nilingon ko si Brixel. Ngumiwi pa ako sa kanya.

"Ang mahal."

"Sumimasen!" Sumenyas siya doon sa sales lady.

"Konbanwa!" she greeted Brixel with a big smile.

"I'll take that." Tinuro ni Brixel ang jacket na una kong tinignan. "And that one." Maging ang hawak kong plain shirt.

"Brixel!"

Maging 'yong sales lady ay nagulat sa pagtaas ng boses ko.

"Kanojo o kinishinaide."

Ngumiti naman 'yong sales lady tsaka tumango kay Brixel bago kunin yung jacket.

"Brixel, naman!"

"Magsasara na sila, Kim, pero wala ka pa ring napipili. Hindi ko sinabing tignan mo 'yong price ang sabi ko bumili ka ng gusto mo."

"Ako na magbabayad!"

Naningkit ang mga mata ni Brixel. "Gusto mo bang mag-away tayo?"

Wala na akong nagawa kung hindi ngumuso na lang habang si Brixel na ang namimili ng mga damit para sa akin, may kinuha siyang boots at trench coat na mukhang grabe ang presyo.

"Wag na 'yan!" sita ko nang kukuha ulit siya ng trench coat at winter scarf.

Binitawan niya 'yong trench coat pero hindi 'yong scarf.

At sobrang daming pinamili ni Brixel!

"Isang linggo lang tayo dito, hindi isang buwan!" singhal ko nang nagbabayad na siya sa counter.

He chuckled. "Kung gugustuhin mo nga ay pwede kong bilhin 'tong buong boutique."

Umangat ang sulok ng labi ko. "Ang yabang!"

Umalingawngaw ang malakas at buong tawa ni Brixel dahilan kung bakit lumingon sa amin ang mga sales lady.

Damn! Ang sexy ng tawa!

Pagbalik namin sa hotel room ay nakatulog agad ako dahil hanggang ngayon ay may jet lag pa rin ako. Hindi ko naisip na ganito ka-worst ang mararamdaman ko!

"Good morning, sleeping beauty!" Tinadtad ako ng halik ni Brixel.

Iniwas ko naman ang mukha ko. "Hindi pa ako nagtotoothbrush!" reklamo ko.

He smiled. "I don't care, baby."

"What time is it?" I asked.

"It's 6:30."

May nagdoor bell.

"Baka 'yong food na siguro. Nagparoom service na ako para mabilis tayong makapag-asikaso."

"Saan tayo pupunta ngayon?" excited na tanong ko.

"We will explore Japan." Kumindat pa sa akin si Brixel bago magtungo sa pinto.

Para naman akong batang nabilhan ng laruan.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa Japan ngayon! It's my dream and now, I'm so ready for you, Japan!

Ilang minuto na ay hindi pa bumabalik si Brixel kaya sumunod ako sa kanya. Naabutan ko siyang may kausap na babae. The woman looks very sophisticated. Her hair is in high ponytail. Ang talim niyang tumingin with her chinita eyes.

Halatang nagulat pa siya nang makita ako.

Nilingon ako ni Brixel tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Kianna this is Yua. Yua this is Kianna, my girlfriend."

Ngumiti sa akin si Yua. "Hi! It's nice to meet you. You're name is very beautiful. Here in Japan, your name means precious."

"Thank you!" sabi ko sabay ngiti.

"Well, let me introduce myself to you. I'm Yua Himari Takahashi, the heiress of this hotel and Brixel's ex-fiancèe."

What? Ex-fiancée ni Brixel? Kelan?

"Don't worry, matagal na 'yon." Tumawa pa si Yua.

"Okay, I gotta go. I just came by when father said that you're here, Brixel. Enjoy your stay here. Sayōnara, Kianna." Lumipat ang tingin niya kay Brixel. Sayōnara, Brij."

Nakaalis na si Yua. Nagkatinginan kami ni Brixel.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Did I just really met Brixel's ex-fiancée and she's so damn hella rich?

Bigla akong nanliit lalo.

Continue Reading

You'll Also Like

925K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
5.8K 178 42
Totoo talaga ang sinasabi nilang kapag may umaalis, may bigla namang darating. Who would've thought that Gianna Clio's long time boyfriend would stil...
90.6K 1.4K 48
Untold Stories of Marriage #1: Varsha Louise Vallinova-Scott Marriage is a three ring circus: an engagement ring, a wedding ring, and suffering. Gir...
834 132 44
Suelmin Estrada never gets tired of confessing her feelings towards Ramesses Mendez even though she can no longer count how many times she got reject...