Forced Marriage - COMPLETE

By whateverrr004

64.6K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 10

1.4K 35 2
By whateverrr004

Sandara sighed.

"Almost two months na lang graduation na." sabi niya habang pinapanood si Andrei na naglalaro.

Nandito kami ngayon sa gym dahil nandito ang basketball team dahil naglalaro nga sila. Hindi namin kasama si Shantelle dahil kasama niya ngayon si Kelvin. Monthsary kasi nila.

"Why sigh?"

Sumandal siya sa balikat ko. "I still don't have plans."

Wala pa siyang plano pero ang parents niya meron na. Gusto nilang siya ang mag-manage ng kompanya nila. Pero ano nga ba kasing alam ni Sandara sa pag manage ng kompanya.

Nagbuntong-hininga rin ako. Matapos kasi ang volleyball season ay susunod na doon ang graduation.

Kami ay nasa second round na ng volleyball ngayon at wala pa kaming game. Sa wednesday pa, pero siyempre kahit sa wednesday pa ang game namin ay everyday pa rin ang training. Pangalawa kami sa standing at Ateneo ang pang-first. Third ang FEU at pang-apat ang UST.

Lumipas ang mga araw na patuloy kami sa pakikipaglaban sa ibang school. Nanatili kami sa pangalawa. Ilang days nalang ay final four na and then next ay finals na. Sana lang manatili kami sa pangalawa para talagang ligtas kami at may laban.

Sa mga araw din na may game kami ay palaging nanonood ang parents ni Ricci kahit siya ay nanonood din. Ang parents ko naman ay hindi nakalimot na i-message ako to congratulate me and to say that they are proud of me and I'm thankful for that. I'm also looking forward to the day na maipapakilala ko ang parents ko sa parents ni Ricci. I'm sure na magugulat sila Mommy kasi they didn't know naman na close na ako sa Rivero family. Alam nila Mommy na patay na patay ako sa pangatlong Rivero eh, kaya I'm sure na matutuwa sila.

After the game ay nagpunta kami sa dugout. Nagshower lang din ako saglit after mamahinga at saka ako nagpaalam sa teammates ko and kay Coach.

Dumeretso agad ako sa parking lot at hindi ko inaasahan ang makikita ko sa gilid, sa madilim na parte ng parking lot. Ricci and Grace, kissing. Alam kong sila 'yon dahil sasakyan ni Ricci ang sinasandalan ni Grace.

Ang puso ko..

"Zoey, 'nak.."

Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko sila Tita na naglalakad papunta sakin. Agad ko silang nilapitan para hindi nila makita si Ricci at Grace.

"Hello po, Tita, Tito.." bati ko at bumeso sakanila. "Thank you po sa pagpunta!" I added.

They smiled at me. "Congratulations, 'nak.. Ang galing talaga." sabi ni Tita na ikinangiti ko. Sobrang gusto ko ang pagiging supportive niya kaya sobrang swerte ng mga anak nila sakaniya.

"Nakita mo ba si Ricci, 'nak?" Tito asked.

Yeah. Kissing his girlfriend. "No, Tito--"

"I'm here, Dad.." mahina ang boses sa likod ko. Hindi ako lumingon.

"Ahm, Tita, Tito, I have to go na po so I can rest." paalam ko.

Kumunot ang noo ni Tita, "Why, 'nak? Let's eat muna. Let's celebrate!" sabi niya na ikinagulat ko. "Nasaan pala ang parents mo?"

I smiled at her, "They live abroad, Tita, pero don't worry po, ipapakilala ko po sila sainyo soon. Kapag po may time na sila." nakangiting sabi ko.

"Okay, sure, 'nak. But please, let's celebrate? Panalo kayo oh." Sabi niya bago lumingon kay Tito na parang nanghihingi ng tulong.

Ngumiti si Tito sakin, "Pagbigyan mo na, 'nak."

Ayoko talagang pumayag dahil kabastusan 'yon kay Grace na malamang ay isasama ni Ricci. Pero hindi ko rin kayang tanggihan ang napaka supportive na nanay niya.

I sighed and smiled at her, "Sige po, Tita."

Tuwang tuwa si Tita dahil sa sagot ko at niyakap ako ng mahigpit na ginantihan ko naman. Para na siyang pangalawang ina sakin at mahal ko sila ng pamilya niya na tumanggap sakin ng buo kahit hindi naman nila ako kaano-ano.

"Mommy, hindi na kami sasama." sabi ni Ricci. Baka itutuloy ang ginagawa kanina.

Ngumiti ng alanganin si Tita, "Okay, 'nak. Hatid mo muna siya and then sa bahay ka deretso. Doon tayo magcelebrate."

Naiilang ako. Kasi harap-harapan si Tita. Hindi ako komportable lalo na sa iniisip ni Grace at ni Ricci ngayon dahil sa mga sinasabi ni Tita.

Kahit hindi ako lumingon ay alam kong masama ang tingin sakin ni Grace.

Bumeso sila kila Tita at umalis na. Kami naman ay umalis na rin. Kotse nila ang ginamit nila at ako naman ay kotse ko.

Nang makarating kami sa bahay nila ay nagulat ako dahil may mga ingredients na sa table. Mukhang pinaghandaan nga ni Tita.

"Zoey! Congrats! Galing natin, ah!" sabi ni Rasheed nang makita ako.

I raised my brow, "Natin? Bakit? Naglaro ka din ba kasama ko?" pabirong tanong ko na ikinanguso niya habang sila Tita at mga kapatid ni Rasheed ay malakas na mga natawa sa sinabi ko. Natawa nalang din ako.

"Hi, Zoey!" bati ni Kuya Prince bago ginulo ang buhok ko.

"Kuya!" inis na sabi ko at tinanggal ang kamay niya. Tumawa lang siya.

Binati ako ng mga kapatid nila at tuwang tuwa talaga ako kay Ashton. Nakasundo ko naman na silang lahat maging si Raegan pero kay Ashton talaga ako tuwang tuwa. Napakagwapo. Manang mana sa pangatlo.

Tinutulungan ko sila Tita na magluto nang biglang maalala sila Sandara.

"Bakit, 'nak?" tanong ni Tita.

I bit my lower lip, "Yung friends ko po kasi na sila Sandara at Shantelle ay nasa bahay ko."

"Edi invite mo rin sila dito." sabi niya.

"Ahm, okay lang po ba?" nag-aalangan kong tanong sakaniya.

Ngumiti siya at tumango. Nginitian ko rin siya bago tumakbo sa living room at pinuntahan si Rasheed.

"Sheedy! Sheedy!" pasigaw na tawag ko.

"Ano? Ang ingay." reklamo niya habang nakatingin pa rin sa pinapanood. Nanonood kasi sila ng movie ngayon eh, silang magkakapatid maliban sa pangatlo.

"Sabi ni Tita papuntahin daw dito sila Shan!" masayang sabi ko. Nanlalaki mata siyang lumingon sakin.

"What?!"

Natatawa akong sumagot sakaniya, "Oo! Oo! Kaya sunduin mo na bilis! Bilis!"

Natawa si Kuya Prince sa reaksyon ni Rasheed na hindi mapakali. Lumabas siya ng bahay at maya maya ay bumalik din.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Yung susi ng kotse!" nagmamadaling sagot niya at mabilis na umakyat sa itaas para kuhanin ang susi niya.

Humagalpak naman kami ng tawa dahil sa pagkataranta niya. Susunduin lang ah? Susunduin. Pero akala mong magde-date na sila.

Almost one hour bago dumating sila Rasheed kasama na yung dalawa. Ilang minuto naman ay si Ricci na ang dumating at nagulat ako dahil kasama si Grace.

"Oh, hi Sahia." sabi lang ni Tita at inaya na silang maupo at kumain.

Masaya kaming kumain maliban sa dalawang magkasintahan na hindi ko na pinakealaman ngunit kapansin-pansin ang tingin sakin ni Ricci maging ang masamang tingin sakin ni Grace.

"Okay, cake naman! Sahia yung cake." biglang sabi ni Tita.

Umawang ang labi ko nang makitang may inilabas na cake si Ricci at tumayo sa tabi ko.

"Wait, Tita. Bakit may cake pa?" nagtataka kong tanong. Oo, masaya ako pero hindi ko maiiwasan siyempre ang magtaka.

"Congratulations sa game mo kanina!" masayang sabi niya.

Tumingin naman ako kay Tito na nakangiti lang at tumango. Ganoon din sila Rasheed. Sila Allen at Riley naman ay halatang gusto na kumain ng cake. Habang si Ashton ay tumayo sa upuan ko kaya halos nagpantay kaming dalawa at ang cake. Lamang pa rin siyempre ang height ni Ricci. Wait.

"Bakit ikaw ang may hawak niyan?" bulong ko sakaniya. Nasa likod ni Ashton ang mukha ko habang tinatanong si Ricci.

"I bought this.." bulong niya rin pero narinig ni Sandara at Shantelle kaya impit silang napatili.

Nagbuntong hininga nalang ako bago lumingon sa mga kasama namin at ngumiti. Napadaanan ko pa ng tingin ang gawi ni Grace at matalim ang tingin niya sakin. Nag-iwas nalang ako ng tingin. Hindi ko rin naman inaakalang ganito ang mangyayari.

"Blow your candle na," sabi ni Tita habang magkasalikop ang mga kamay sa ilalim ng baba niya.

Parang birthday lang eh.. Natawa ako sa naisip ko.

"Tumatawa na naman siya mag-isa." komento ni Ricci na nakatayo pa rin sa tabi ni Ashton, bale nakapagitna samin si Ashton dahil sa upuan na tinutungtungan niya.

I glared at him then rolled my eyes.

Tumingin ako sa cake bago tumingin kay Ashton na nakatingin din sakin. Kaming tatlo lang ang nasa right side ng dining table habang sila ay sa left, sa harapan namin at kinukuhanan kami ng picture. Kaming tatlo!

"Sabay tayo, baby.." sabi ko kay Ashton. Tumango naman siya at niyakap ako bago namin sabay na hinipan ang kandila. May nakalagay pa sa cake na 'Congratulations, Zoey!"

Matapos hipan ang kandila ay niyakap ako ni Ashton, nabaling naman kay Ricci ang paningin ko na nakatingin samin at nakangiti.

Nakarinig naman ako ng parang nagdabog kaya tumingin ako don, si Grace. Nagdadabog siyang lumabas ng bahay.

Tumingin naman samin ang mga kasama namin at sabay sabay silang nagsabi ng "Lagot!" maliban sa parents niya na ngumiti lang sakin ng bahagya.

Ibinaba ni Ricci sa table ang cake at sinundan si Grace.

Nagpunta kaming lahat sa living room para manood ng movie habang kumakain pa rin ng kung ano ano.

Inopen ko ang IG ko at tiningnan ang story ni Tito, Tita, Rasheed at Kuya Prince. Karamihan ay boomerang. Ang kay Tita naman ay picture naming lahat na pinost niya sa IG. Tapos may picture pa na bukod niyang pinost, picture naming tatlo ni Ricci at Ashton. May picture na yakap ako ni Ashton, mayroon naman na sabay naming hinipan yung candle tapos mayroon din na magkatinginan kami ni Ricci, ang last na picture sa pinost niya ay yung kinausap ko siya habang nasa likod ako ni Ashton, ang caption niya ay, 'zc'. Sa picture lang a 'yon kami naka-mention ni Ricci.

Grabe! Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga fans nito? Lalo na't may isang picture na kasama si Grace. Medyo malayo man dahil marami kami ay halata pa rin na siya 'yon dahil katabi ni Ricci. Grabe! Paniguradong maraming magagalit sakin nito.

Gaya ng inaasahan ko, matapos ang ilang araw eh inulan ng notifications ang accounts ko. Maraming kinikilig, oo pero marami rin ang hindi nakakaintindi sa picture. Maraming nagagalit ngunit mas marami ang natanggap kong suporta at pang-unawa. Sinasabi ng mga nagagalit na bakit ako nandoon kahit nandoon din si Grace eh alam ko naman daw na maraming may gusto samin ni Ricci para sa isa't isa. Kahit isang beses ay hindi ako nagreply. Hindi ko pinansin. Pero si Ricci nang-block ng accounts kasi blocker 'yon eh. Once na malaman niyang toxic, he'll block the account talaga kahit fan niya pa. Best blocker of the year 'yon.

Matapos ng gabing 'yon at lumipas ang mga araw ay hindi na kami masiyadong nagkikita ni Ricci—I mean, hindi ko na siya madalas makita kahit pa nasa iisang campus lang kami.

Ang mga araw ay mabilis na lumipas. Araw, linggo at naging buwan. Graduation day namin. Masaya ako dahil sa wakas ay nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Hindi lang 'yon, kami pa rin ang Champions sa volleyball kaya masaya kong iiwan ang La Salle dahil tinupad ko ang pangako ko na mananatili ang korona sa La Salle.

"Congratulations, my baby girl!" masayang sabi ni Mommy at niyakap nila ako ni Dad. Umuwi sila last week para sa graduation ko at aalis din sila next week para ulit sa business. Hindi ko naman dinaramdam pa ang bagay na 'yon dahil lahat naman ng ginagawa nila is for me naman.

"Congratulations, babe/bee!" sabay na sigaw nila Sandara at Shantelle nang makalapit samin.

Niyakap ko sila at binati rin. Hindi kumpleto ang buhay ko kung wala ang dalawa na 'to. Lumuluha ako o hindi, masaya man o hindi, kasama ko silang dalawa. Ang daming pinagdaanan pero nanatili kaming magkakasama.

Napalingon ako sa inginuso ni Sandara sa likuran ko at napangiti ko dahil sila Tita Abi 'yon—kasama ang mga anak niya. Si Ashton ang unang tumakbo sakin at yumakap saka bumati.

"Congrats, Ate!" he said and then kissed my both cheeks. I thanked him and kissed his forehead. Napakasweet niya!

"Zoey, 'nak, congratulations!" bati ni Tita at niyakap ako saka bumeso, ganoon din ang ginawa ni Tito at nila Kuya Prince pati si Rasheed.

Napalingon ako kay Mommy nang maradaman kong hawakan niya ang bewang ko. She smiled at me then looked at them.

Oh. "Mommy, Daddy. Si Tita Abi and si Tito Pao, parents ni Ricci." pakilala ko. Nagngitian naman sila at nagbeso. Sa ganoong simpleng gawain ay mabilis naming naagaw ang atensyon ng iba dito sa parking. Nay mga kumukuha na naman ng pictures at may mga kinikilig na naman.

Sunod kong pinakilala kila Mommy ang mga kapatid ni Ricci mula kay Kuya Prince hanggang kay Riley. Si Ashton naman ay nasa tabi ko pa rin at nakayakap sa bewang ko.

"Where's Ricci pala?" biglang tanong ni Dad kay Tito Pao. Bakit niya hinahanap?

Nagbaba ako ng tingin kay Ashton at sinuklay kunwari ang buhok niya gamit ang daliri ko nang tumingin sakin si Tita at Mommy na nagtatanong ang mga mata.

"Mom!" biglang nay tumawag kay Tita at nasisigurado kong ang pangatlo na 'yon.

"Oh, he's here." sabi ni Tito at ngumiti kay Dad.

Mabilis akong nag-angat ng tingin at bago pa ako makalingon sa likuran ko ay nakalapit na si Ricci sa may tabi ko lang. Ayan na naman ang mga tilian ng mga fans na malapit lang samin.

"Sorry, Mom, Dad. hinatid ko pa si Grace sa family niya eh.." sabi niya.

"So handsome!" tuwang tuwa na sabi ni Mommy. Nako, Mommy! Whyyy? He's mine!!!! Ako lang ang pwedeng magsabing gwapo siya!!!

Lumingon si Ricci kila Mom bago kunot noong tumingin sakin. I raised my brow, asking him why but he only shook his head. Pairap kong inalis sakaniya ang paningin.

"Sahia, Mom and Dad ni Zoey.." sabi ng Dad niya.

Ngumiti naman siya at bumeso kila Mommy. What a perfect sight!

"Ouch!" Sinamaan ko ng tingin si Sandara nang kurutin niya ang tagiliran ko.

"Feel na feel mo.." bulong niya pero mukhang hindi dahil narinig pa rin ng mga kasama namin kaya natawa sila.

Nag-aya silang mag-'celebrate'. Nagpunta kami sa isang sikat na restaurant dito sa Manila. Kami lang nila Mommy at sila Ricci, sila Shan at Sandara kasi ay kasama ng family nila so parang nakakakilig today kasi family lang namin ang magkasama. Magiging isa din naman 'to soon kaya okay na rin 'to para komportable na. Kidding.

Ang parents namin ay naupo sa harap namin. Sa tabi ni Tita si Rylie at Allen, magkatabi naman sila Raegan at Rasheed sa left side ko at sa right ko si Ashton, Ricci and si Kuya Prince sa dulo.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi ako pinapansin o kinakausap ni Ricci. Pansin ko rin na hindi siya mapakali at madalas ang tingin niya sa kung saan pero hindi ko naman matanong kasi mukhang ayaw niya naman makipag-usap. Pero hindi ko na matiis..

Kinalabit ko siya at mukhang nag-aalangan siyang tingnan ako.

"Problema mo?" tanong ko.

Umiling siya at bumalik sa pagkain. Nagbuntong hininga naman ako at kumain na rin. Nakatingin pa sakin sila Mommy at Tita pero nginitian ko nalang.

Ano kayang problema niya? Bakit ayaw niya akong kausapin?

Continue Reading

You'll Also Like

665K 24.2K 99
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
389K 18.7K 80
Kang y/n was always been the black sheep of the family. Overshadow by her extremely talented, gorgeous sister Roseanne . Who has the world revolve a...
258K 9K 104
She was a capitol elite. He was the youngest victor in history. Their friendship was frowned upon, but their love was forbidden. Extended Summary Ins...
164K 4.7K 64
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...