ZEPETO's WORLD (The unreal st...

By shayiehhhh

139 13 1

Short Story Kwento ng isang babae na pilit tinatakasan ang totoong mundo. Isang araw natuklasan nya ang isang... More

Online World
ZEPETO'S Couple

Real World

76 4 1
By shayiehhhh

"AY LINTEK NA BUHAY ITO... LAHAT NA LANG KAYO MGA PABIGAT, PALAMUNIN WALANG IBANG GINAWA KUNDI PAHIRAPAN AKO MGA WALA KAYONG KWENTA"

Hahahahahaha malutong ba? Mas malutong sa chicharon na kinakain mo ano? Hhaha

Curious ba kayo kung sino yon, nanay ko lang naman galit na naman kasi sya kasi na talo na naman sya sa sugal, sanay na kaming ganyan sya imbes na magalit sa sarili nya dahil boba syang mag laro ng tongits ay samin nya binubunton ang galit nya

Kung nagtatanong kayo kung galit ako sakanya, OF COURSE YESSSS hahaha dose lang naman kami magkakapatid ika lima ako at ako ang pinaka nahihirapan dito

Yung unang apat mga nagtatrabaho na dalawang babae, dalawang lalaki. Mga elementary lang ang natapos nila wala kasi pampa-aral yung magaling kong magulang na walang ibang ginawa kundi ang mag-anak lang ng mag-anak. Di ko alam kung anong raket ang pinapasok nung dalawa kong ate basta ang alam ko Di ito legal. Yung dalawa kong kuya construction worker lang na seventy pesos lang naman ang sahod

Ako nag-aaral pa ako high school di yun alam nina mama at papa maging mga kapatid ko, ang alam nila nagtatrabaho ako may inuuwi kasi akong pera sa kanila

Di ko yun ninanakaw mga judgemental kayo, galing yun sa mga kaklase kong tamad at bobo, sakin pinapagawa ang assignment nila at project, hindi man sa pagmamayabang pera lang meron sila wala silang utak, ako meron hahaha matalino ako nag mana ako sa papa ko

"HOY BEBANG ANONG TINUTUTUNGANGA MO JAN? BOBA KA TALAGA LINISAN MO YUNG DUMI NG TATAY MO DON, MGA DIMUNYO KAYO. PABIGAT SA BUHAY KO" sigaw sakin nung nanay ko sabay batok sakin

Aba kasalanan pa namin kung bakit ganyan buhay nya ha. Ang galing nya talaga manisi ng ibang tao eh kasalanan nya naman lahat ng ito kung hindi dahil rin naman sa ka adikan nya sa pagsusugal di kami mababaon sa hirap. Mas mahirap pa kami sa daga eh letseng buhay ko

Nilapitan ko na si papa na nakahiga. Nalumpo si papa dahil na bagsakan sya ng gumuhong pader sa pinagtatrabahuhan nya, yung tipong mahirap na nga kami noon lalo kami nag hirap pano yung one hundred fifty na sinusweldo ni papa sa isang araw nawala kaya talaga napilitan sina ate at kuya magtrabaho

Pare parehas sila nasa gitna na ng high school non ayon tumugil sila para di kami kumain ng daga dito sa bahay

"Pa linisan lang kita ha, wag malikot" habang nililinisan ko si papa umiyak yung bunso kong kapatid

"HOY HULYO YUNG KAPATID MO PA TAHANANIN MO.... PAG DI YAN TUMIGIL PAPATAYIN KO YAN" sigaw na naman ng nanay ko na sitting pretty don sa sofa namin na puro anay na

Nakita kong agad naman dinaluhan ni Hulyo si Bunso... Hayssstt ang sarap na lang mamatay kung ganito ang buhay na meron ka ay

Matapos kong linisan si papa nilapitan ko si Hulyo para kunin sa kanya si Bunso, "Akin na yan si Bunso, Ituloy mo na yang ginagawa mo" nagawa kasi ng assignment si Hulyo eh bawal syang abutan ng dilim kasi wala kaming kuryente baka di na nga makita yon pag nagkataon

Tinimplahan ko na ng sabaw ng sinaing si Bunso, wala kaming pambili ng gatas kaya sabaw na lang ng sinaing na lalagyan lang asukal ang gatas nya

1year old palang ito si bunso, kung nag tataka kayo kung pano nagkaanak at nagkaron ng Bunso ehhh dahil yon sa magaling kong nanay, nalumpo lang ang tatay eh ayun naghanap ng lalaki kung saan sya nagpabuntis

Five years ng lumpo si papa, twelve years old ako non. 13 yung isa kong ate si ate Linda na ngayon 18 na, yung mas matanda sa kanya 19 si kuya David, 20 si ate Maria, 21 si kuya John

Oo kada taon nanganganak nanay ko, haha daig kayo ng nanay ko

Sumunod sakin 16 years old lalaki ngayon ay wala na dito sa puder namin, pano nakipagtanan, okay na rin yun at least Di sya mag hihirap dito samin. Sumunod 15 years old lalaki ulit di na yon nag aaral tamad eh pati mas gusto kumita ng pera kaya hinayaan ko na. 14 years old babae wala rin sya dito, pinaampon ni mama, mas okay na rin yun sumunod 13 si Ginging. Sya ang huling anak ni mama kay papa. Yung tatlo ay age of 9 si Hulyo, sumunod 3 si Tutoy at 1 si Bunso.

Bale 10 lang kami dito sa bahay yung dalawa kasi ate ko linguhan lang ang uwi. Na Di naman ako nagtatanong kung bakit at San sila galing

Nakatulog na si Bunso kaya si Tutoy naman ang pinatulog ko, ako na ang naging nanay nila. Kasi yung magaling namin na ina walang ginawa kundi ang magsugal ANG GALING!

Nang matapos ako nag linis ako ng bahay, actually kahit Di na pala ako mag linis kasi madumi parin naman. Ang bahay namin pinahtagpi tagpi lang ma kahoy na pag binabagyo ay parang mangangalas

Di ko na tinuloy ang pag lilinis ng makita ko si mama na naka pwesto na naman sa sugalan, agad akong pumunta sa wallet ko at nakitang one hundred na lang laman nito eh two fifty ang laman nito kanina

Walang alinlangan akong pumunta kay mama, "Ma kinuha mo na naman pera natin, pang isang lingo nating badget yan ma" Mahinahon pero madiin kong sambit sa mama ko

"Wag kang mangialam Bebang, pinaparami ko lang ang pera natin. Ohh nananalo ako oh, umalis ka jan at baka akoy malasin" sabi nya sakin ng hindi lumilingon

"Ma wala na ba kayong gagawin kundi ang magsugal? Ma may mga anak ka, dyan mo lang naman nauubos ang pera na inuuwi nina kuya eh, talo naman kayo lagi" Sumbat ko kay mama na nagsanhi ng bulung bulungan at ikinalingon naman ni mama at tumayo para harapin ako

"Wala ka palang utang na loob eh ako nanay mo ako nagbuntis saiyo. Kapal ng mukha mo kala mo kung sino. Lumayas ka dyan baka magdilim paningin ko saiyo mawalan ka ng mukha. Matatalo pa ako saiyo eh" pagpapalayas nya sakin, sabay upo ulit "ohhhh game na wag nyo yang pansinin yang batang yan.....dagdagi ang taya" tssskkkk... Parang wala syang anak kung magsaya eh

Maluha luha akong umalis don baka kung ano lang masabi ko sakanya at tuluyan na ako mawalan ng galang sakanya

Dumeretso ako sa may bangketa, mag aalasais na ng gabi kaya maraming tindahan sa gitna, pag gabi kasi nagmimistulang night Market ito, kalat ang inuman, sugalan at mga taong namimili at nagsasaya

Di ako nandito para mag saya, pumapasok akong isang waiter sa isang kainan dito kahit underage ako tinanggap ako, mababa kasi singil ko one hundred lang hanggang alas tres na ng madaling araw yun

Nag uli muna ako bago pumunta sa papasukan ko, na daanan ko ang isang motel. Aware ako na maraming bayaran dito saamin at maraming nagbabayad para sa isang gabing kaligayahan kaya di na ako nagulat ng may nakita akong naghahalikan sa dilim at lalaking nakapasok ang mga kamay sa loob ng damit ng mga babae

Unang tikim ang tawag nila don, pag natuwa ang customer saiyo edi jackpot ka pero pag di sya natuwa saiyo lilipat sya ng ibang babae

Nang mapa daan ako sa isang reluhan nakita kong malapit na mag 6:30 kaya dali dali akong naglakad pero napahinto ako ng may makita akong familiar na mukha

Si Ate Maria, tatawagin ko sana sya ng biglang may humalik sa kanyang matandang lalaki, at hinawakan sya sa bewang nito at inalalayan na makapasok sa loob ng motel. Ayaw ko sanang maniwala na yun ang trabaho ni ate pero di ko maitatanggi na baka nga bayaran din si ate kasi aware ako na di legal ang trabaho niya pero di ko akalain na ganito

Pilit kong inaalis sa isip ko si Ate para makapag trabaho ng ayos pero di ko maiwasan at mapa iyak na lang sa sitwasyon namin na ito

Ayaw ko ng ganitong buhay...

Continue Reading

You'll Also Like

705K 41.6K 73
"You should be careful, love. If I can find out about you, so can they." "I'm sorry, but I don't take advices from c*** s****." "Why don't you come s...
262 4 41
This isn't going to be a story. But just a safe place for all of us to share our problems 💘✨ As I begin posting you all will understand what this is...
240K 9.4K 63
"I don't understand you so many times..." A gameplay request from an unknown player? Accepted. It was started. Online game to online texts to voice...
1.3K 41 19
Beauty. That's the standard you grew up with. Lahat ng nakikita mo sa social media only talks about beauty that you ended up believing that's all the...
Wattpad App - Unlock exclusive features