2nd week na ngayon ng 1st yr namin ng highschool kaya medyo abala na din kami paminsan minsan, patuloy pa din ang irapan at taasan namin ng kilay ni Killian.
"So class for today I will make you in pairs because I will give you all a report about our lessons let's see if you can do it by pair" naexcite naman ako dahil alam ko na agad sino kapartner, edi si Ria.
"Ma'am are we gonna choose our partners or your decision?" sabat naman ni Delancy, ang president namin.
"My decision dear. Now when I call your names please sit beside your partner" kabado naman ako dahil di ko alam kung sino sa kanila,
"Montereal and Mendoza" nagkatinginan naman kami at nag-irapan.
Di na kami lumipat dahil magkatabi naman kami.
Si Azaria naman ayun katabi yung crush niya sa unahan kaya naman napabuntong hininga nalang ako dahil wala na ako makakausap.
"So we're all done, now tomorrow we will start at the back, class dismiss" binati na namin si Ma'am at nagsitayo na para sa lunch break.
Papalapit na si Azaria ng biglang nagsalita sa aking gilid si Killian.
"Doon na tayo sa bahay gumawa ng presentation pag umangal ka sasabihin ko nalang kay Ma'am na individual na tayo" boring na saad niya habang nakatitig sakin ng matiim.
"Oo na oo na sige na bukas nalang natin pag usapan iyan malayo pa naman tayo" tumango na siya at nakapamulsang naglakad.
"Bes napaka naman talaga diba isipin mo yung kaaway mo pa the more you hate the mo-" tinakpan ko naman ang bibig niya at hinila na siya papuntang cafeteria.
"Anong the more more nako nakakainis gusto niya sa bahay niya pa wala naman ako choice baka magalit pa si Ma'am" tumango tango naman siya at pumila na kami.
"Ang saya ko isipin mo nakapartner ko si crush" nakangiti pa siya ng abot langit dahil sa kilig.
"Wag ka na malungkot, kanina nga narinig ko yung mga inggrata sabi di ka daw bagay kay Killian kaya pag narinig ka daw nila nag inarte sasabunutan ka daw".
"Kala naman nila mabait yang pinagkakaabalahan nila hayaan mo na isang presentation lang naman".
Tumango naman siya at umorder na.
Dun kami kumain ulit sa may fountain.
Napagitla ako ulit ng makita ko si Killian na naka headset habang nakain ng sandwich.
Mas maigi nga kung ganyan lang siya di mo napagkakamalang masama ugali tapos ang po-
"Damn kaurat naman" napatingin naman sakin si Azaria ng nagtataka.
"Ano nangyayari sayo baliw ka na talaga kung si Killian nanaman nasa isip mo tanggapin mo nalang na crush mo siya" umirap naman ako at umiling sa kanya.
never ko talaga magiging crush yan.
Pagkatapos bumalik na din kami at naupo na sa aming mga silya, di ko napansin na nandyan na pala siya.
"I saw you a while ago staring at me, do you have a crush on me?" sabay lapit niya sakin.
"A-anong crush feeling mo naman dun ka na nga" sabi ko sabay tulak sa kanya.
Ngumisi naman siya at napahalukipkip.
"Bakit ka nauutal kung hindi mo ko gusto" umirap naman ako bago siya sinagot.
"Bakit ka lumalapit sakin crush mo ko?" ako naman ngayon ang napangisi.
"Paano kung sabihin kong oo ano gagawin mo" napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.
"Pfft... ang pangit mo, look at your reaction so priceless as if naman magkakagusto ako sayo".
"Same to you dyan ka na nga nakakasira ka ng araw".
Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya naman mas lalo akong nainis.
Nawala din naman iyon ng dumating na ang aming teacher kaya naman nagfocus nalang ako sa aralin.
Alas kwatro na ngayon ng hapon kaya naman nagligpit na kami para makauwi na.
Hanggang ngayon nang aasar pa rin yung mokong na yun na gusto ko daw siya.
"Anong mukha yan kanina ka pa nakabusangot tapos para ka pang dragon na ready na bugahan kakausap sayo" napatingin naman ako kay Azaria at inirapan siya.
"Nakakainis kasi yung mayabang na yun crush ko daw siya feeling niya" natawa naman si Azaria at inakbayan ako.
"Bes alam mo masyado kang halata nako kaya ka nahuhuli agad" napatingin naman ako sa kanya.
"Kahit ano pang sabihin mo di ko talaga siya crush ayoko na talaga" iniwan ko naman siya kaya naman hinabol na niya ako pero sa di ko inaasahan nakabangga ako ng lalaki.
"Miss are you alright, I'm sorry" tinulungan niya naman ako tumayo at pinagpagan ang damit ko.
"Miss!" saad niya sabay kaway kaya naman nabalik na ako sa realidad.
"S-sorry I was spacing out" napangiti naman siya at binitawan na ako.
"Are you okay? Next time be attentive so that you will not bump to anyone okay?" napatango naman ako at napatulala muli dahil sa ngiti niya.
"I'm leaving now, be safe" nakatulala lang ako dahil sa nangyari.
"OMG! nakabingwit ka ng famous tapos super pogi pa, ikaw na talaga" sabay sampal niya sakin kaya naman nagising ako muli sa katotohanan.
"Tulungan mo ko pano malaman name niya" umirap naman sa akin si Azaria at may pinakitang papel.
Hades Anderson Thompson
"Greek name?, senior pala natin siya" tumango tango naman si Azaria at binasa din yung nasa papel.
Isa pala siya sa mga founder ng school kaya pala kilala siya tapos mabait pa gentleman din daw.
"I smell love is in the air, nako halika na uwi na tayo baka magalit na s-" napatigil kami ng bigla kami harangan ng mga queen kuno ng campus.
"Reese right?" sabay hawak niya ng mahigpit sa buhok ko at lapit sa tenga ko.
"Once I heard na lumapit ka nanaman kay Killian better transfer na dahil pag hindi gagawin kong impyerno ang buhay mo" nilayo niya ang mukha niya at ngumisi.
"Cassy what did you said to her" saad ng mga alipores niya.
"It's just a warning better back off bitch" sabay alis niya napahawak naman ako agad sa aking buhok.
"Okay ka lang Reese? nako may araw din satin yang Cassy na yan kala mo sinong maganda mukha namang espasol" galit na saad ni Ria.
Si Cassy Ylonna De Vera ay isa ding founder sa school isa din siyang kilala dahil sa mga tanyag na kompanya ng pamilya niya.
"Tita ano ulam ang sarap naman ng amoy" bungad ko habang papunta sa kusina.
Nagmano naman ako at tumulong na sa paghain.
"Paborito mo sinigang na hipon" napangiti naman ako at sumandok agad kahit mainit pa ito.
Pagkatapos kumain ako na ang nagligpit dahil madami pang aasikasuhin si tita sa kanyang business.
Nakita ko naman sila mama na nagtext kung kamusta na daw kami ni tita sinagot ko naman ito at umakyat na din para magpahinga.
Pagkadating sa kwarto inayos ko muna yung mga kalat saka ginawa ang night routine.
Habang naglalagay ako ng facial mask napansin ko may nag text na unknown number.
Unknown number:
Goodnight sweetdreams.
Baka na-wrong send lang.
Nilapag ko ulit ang cellphone at inayos na muli ang facial mask pero nagitla ako ng muling magbeep ang aking phone at iniluwa ang mensahe nung unknown number.
Unknown number:
By the way nakita kita kanina two timer ka pala sa crush.
Nahinuha ko na sino ang unknown number na ito.
Irita kong inayos ang mask at inoff na ang phone pagkatapos pinatay ko na ang ilaw at natulog na.
Humanda ka sakin Killian montereal...