Learn to Love | Aiago Series...

By avivienx

761 22 0

ON HOLD: I HAVE ONLINE CLASS | REVISING BEFORE PROCEEDING Athena Leighvienne is the description of a perfect... More

1
2
3

4

66 7 0
By avivienx

4

Sweet.



"Thank you for this, really." I looked at Andro in the eye after reading his letter. "But I really see you only as a friend, nothing more." He was seated right beside me. The building was empty yet I know the news about this will still somehow spread.

Silence spread within us. His honey-like eyes became a shade darker. It seemed scarier yet it draws me to look at it more.

"Kaya nga 'ko nanliligaw, Vienne." Sagot niya sa akin, hindi inaalis ang titig sa akin. "Makukuha rin kita."

"Hindi ka papaatinag, 'no?" I asked. Umiling siya sa akin at ngumiti.

"Hindi ako sumusuko sa pangarap ko. Gaya nga ng sinulat ko, isa ka sa mga pangarap ko."

"Sana marunong ka tumanggap ng denial, Andro. Kapag ayaw, ayaw." I warned.

"I know when to stop, I know to back off when I've crossed the line. Rerespetuhin ko rin naman 'yung desisyon mo." He assured.

"Nagbibiro rin lang ako tuwing sinasabi ko na makukuha rin kita na tila isang materyal na bagay. You are worth more than material things." He said looking at me straight in the eye, I felt my cheeks getting warmer. Damn, am I blushing? He's really good with words!

He wasn't finish yet.

"At pasensiya na kung sa tingin mo ngayon pa lang ay mapilit na 'ko. I know me being attracted to you is not a valid excuse. I'm sorry if it makes you uncomfortable, I'm just really boastful." He smiled, he was somehow telling me that it's one of his flaws.

"Mayabang ako as a person, confident too. Sorry if that bothers you, it's part of the package." Amin niya.

Scam naman pala 'yung hindi niya 'ko titigilan dahil pangarap niya 'ko. Men and their fragile ego. That's a good sign, too. Hindi naman pala mapilit.

He was somehow giving me both red and green flags.

Akala ko rin noong una ay hindi ako nito tatantanan. Mukhang iba ata ang ibig sabihin sa kanya ng 'hindi susukuan'.

At ngayon sa pag-amin niya ng damdamin para sa akin, at pag-amin sa pagkakamali, naiiba nga talaga siya.

Maybe Alijah was right after all?

But still, it's too early to tell.

"Tangina mo, Amirandro! Nasa tapat building natin, bat napadpad ka rito?" His friend, Nico, said. His gaze never leaving Andro's. He looked around and saw me in an instant, malapit lang kasi ako kay Andro.

"Ay, kaya naman pala narito!" Nico teased. "Vienne, ikaw pala. Nico nga pala," naglahad ng kamay ang kaibigan ni Andro sa akin. Kinuha ko iyon at ngumiti sa kanya.

"Pasensiya na sa abala pero putangina naman, Andro! 10 minutes na lang bago next class." His gazed now fixed on Andro again.

"Vacant natin!" Andro answered back and stood up. Sumulyap sa wrist watch niya at halos ilabas ang mata.

"Oo, vacant time natin matatapos na sa sampung minutos, Andro." Sagot ng kaibigan niya habang umiiling. "Pasalamat ka sa 'kin, concerned ako para sa 'yo! Hintayin kita sa kiosk."

Humarap sa akin ngayon si Nico. "Vienne." Tumango siya at ngumiti, ngumiti rin ako kay Nico.

Naglakad na paalis si Nico. Tinatanaw ko siya habang si Andro naman ay nakatitig sa akin.

"Pasensiya na kay Nico." He smiled apologetically. "Una na 'ko, next class ko na." Ngumiti siya sa akin at inayos ang bitbit na backpack. Binalik ko ang ngiti at tinanaw ang kumikinang na mata.

Mukhang namamag-asa. Naturally friendly lang ako, kaibigan.

Umalis na siya at pinuntahan si Nico sa malapit na kiosk.

'Yun na ang huli naming paguusap sa loob ng dalawang linggo.

Naiintindihan ko rin naman.

Ako nililigawan pero ako umiintindi. Mahusay!

Sa loob ng dalawang linggong nagdaanan ay parang nasa karagatan kaming lahat. Halos malunod na sa rami ng requirements dahil patapos na ang unang sem.

Ilang araw ako halos walang tulog, kahit na hindi nagccram ay mayroon pa rin kailangan gawin. Dalawang linggo kaming nakikipaghabulan sa oras. Sa loob din ng linggo na ay napagtanto kong hindi sapat ang bente quatro oras para sa iisang araw.

Kahit na lahat ng estyudante ng Aiago State University ay busy, mapa-Engineering, mapa-Medicine, mapa-Education, at lahat ng kurso, may isang hindi nakalimutan ang panliligaw.

Sa loob ng labing isang araw, siyam na araw na may pasok at dalawang weekend, may siyam na letra rin akong natanggap. Hindi kami nag-uusap ng personal pero laging may nakalagay sa locker ko.

It's like I'm a high school student all over again.

Every day of class, I would return to my locker with a letter in it. Hindi naman nagbago 'yun, even way before I would receive anonymous letters from admirers but most of them stops during the finals week.

It happened for nine consecutive days, besides the weekends. Wala naman siya sa paaralan para isuksok ang letter at wala rin ako para makuha 'yun.

"Buti hindi nawawalan ng isusulat 'yun sa 'yo? Baka kung ako 'yun ay ichat na lang kita." Aniya ni Jonas.

Nandito kaming magkakaibigan sa usual kiosk, last day of class na namin at kinailangan pa namin pumasok para sa finalization ng grades namin. We were all eating lunch while they were excited for Andro's letter later. They're updated about my love life, but I keep most of the content of the letters to myself.

"Kaya nga, ang persistent. Boto na talaga ako riyan!" Rhey exclaimed after swallowing a spoonful of rice.

"Nakakapagtaka nga how persistent he is. Gano'n ka niya kagusto, gumagawa ng oras at paraan para sa'yo!" Si Kiel naman bago uminom sa tubig niya.

"Boto agad kayo sa kanya, ah?" I asked jokingly and laughed.

"He has our vote!" Xien said.

"And support!" Jonas who seconds the motion.

"Ikaw ba, hindi ka pa ba boto sa kanya?" Kiel asked me in between chews.

"Too early to decide." I answered and left the topic. We continue talking about school and org stuff.

Halos isang oras lang kaming nag-uusap. Kung ano ang plano nila sa sembreak at kailan mageenroll para sa second sem.

Kiel and their family has plans on spending the break out of the country, Xien's plans on spending it in the nearby province.

Si Rhey at Jonas ay magtatrabaho sa break. Hindi naman gano'n kahirap si Jonas ngunit gipit lalo na enrollment na naman. Tutulungan niya ang mga magulang na nagtatrabaho sa piggery ng mga Senorra.

Si Rhey naman ay nagpapart time na noon pa man sa business namin, buong araw siya ngayon magtatrabaho ngayo'y walang pasok. Ang ina niya ay isa sa sekretarya ni Tita Lucy. Ang tatay naman niya ay sekretarya rin ni Tito Miguel sa law firm namin sa syudad. Tumutulong si Rhey sa opisina nina Tita Lucy.

Ako naman ay baka rito sa probinsya ng ilang araw at tumungo sa law firm ni Tito Miguel para tumulong sa opisina. Gano'n naman ang aking gawain kapag walang pasok, o kaya ay nagpupunta sa lugar lugar kasama ang pamilya.

Nagligpit na kami sa kiosk. Iinom sana ako ng tubig kaso hindi ko nga pala nadala tubigan ko.

"Una na 'ko, bibili pa 'ko tubig sa canteen." Sambit ko at tumayo na.

"Tara samahan na kita, bibili rin ako." Tayo ni Kiel.

Nauna na kami sa mga kaibigan at tumungo na sa canteen.

"Ikaw, ha! Baka mahulog ka na roon." He joked about Andro. "Dalaga na siya, ih!" Biro niya. Umakbay siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

Tumawa ako sa sinabi niya at umiling ako sa kanya habang inaayos ang buhok.

"Gago, puta." I said jokingly after he ruffled my hair.

"Kaya baka hindi mo 'ko sinagot noon kasi hindi tayo para sa isa't isa. Ayan na 'yung para sa 'yo." He said seriously, his arm still on my shoulders. "Mukha ang ginawa sa atin ng mundo ay talaga magkaibigan lang para magbigay daan sa totoong para sa atin."

"Paano mo naman nasabi na si Andro na dapat hanggang dulo?" I asked, both of us still walking to the canteen. Kaya madalas kami napapaghalataan magjowa, e. Walang malisya 'tong akbay at sabay na paglakad.

"I just have a good feeling for him. Hindi ka sinusukuan, e. Pero sa bagay simula pa lang." He answered.

"Ikaw, walang tamang tao para sa 'yo. Habang buhay kang mag-iisa." I joked and laughed at him. He rolled his eyes, halatang naasar.

"Tanginamo, kiss kita diyan, e!" He threatened, gano'n kami mag-asaran. Ngumuso siya at nagkunwaring hahalikan ako. Tinulak ko siya ng bahagya kaya naalis ang akbay at napaatras siya. Patuloy kaming tumawa ngunit napawi ang ngiti ni Kiel nang may naatrasan.

May nabunggo siya ng mahina lamang. Malapit na kasi kami sa canteen kaya marami rami na rin ang tao.

"Sorry, pre!" Kiel apologized in an instant.

"Ayos lang. Sweet naman, pre." I looked at who Kiel bumped into and saw Nico. He was smiling at us with sad eyes, his eyes turned to me and I saw bitterness. Umalis na siya agad at nagpatuloy sa paglalakad.

Ba't gano'n naman 'yun makatingin? Akala niya ba jowa ko si Kiel? Natawa ako sa inisip at winalang bahala ang iniisip. Nagpatuloy kami sa canteen at bumili ng tubig.

Mabilis ang oras, buong hapon at inaayos ko ang grade ko. Wala naman akong hindi naipasa na requirement ngunit sinisigurado ko bawat prof na wala akong incomplete.

Tutungo ako sa kanikanilang silid-aralan at magtatanong sa mga requirements at grade. Halos ikutin ko rin ang buong campus, buti na lang at naka sweatpants, cropped top, at sneakers lang ako.

Alas tres na nang makabalik sa building. Tumungo ako sa locker ko at nakitang nakatayo sa tapat ng locker ko si Andro.

Napansin niya 'kong naglalakad kaya hindi niya naisuksok ang letter. Nakakapagtaka nga noong una paano niya nalaman ang locker ko, marami rin pa lang kaibigan sa department ko.

"Letter for today, huh?" I asked and smiled. Binuksan ko ang locker ko nagayos ng gamit.

"Susuksok ko na sana, sakto dumating ka." He said and smiled. Binalik ko ang ngiti at hindi muna tinanggap at letra dahil may inaayos pa sa locker.

"Baka ito na huli kong letter." He said and pursed his lips.

"Bakit naman?" I said after closing my locker, fixing my tote bag on my shoulder with the things from the locker.

"May jowa ka na raw, e. Kalat din sa campus nitong nakaraang mga araw. Nakakahiya rin mangligaw kung may iba ka na palang iniibig." He smiled sadly.

"Weird naman no'n? 'Di ko kilala sarili kong jowa," I said and started walking, he was following beside me.

"Si Ezekiel Delgado raw."

"Saan mo naman napulot 'yan?" I chuckled.

"Kalat naman, sinabi lang sa akin ni Nico kanina na totoo kasi nakita niya raw kayo." Aniya.

Anak ng puta, kwinento nga ni Nico.

Tumawa ako sa sinabi niya. Nagtaka tuloy siya ba't ako tumigil sa paglalakad at natawa.

"Misleading information kwinikwento sa 'yo ng kaibigan mo." I laughed again.

"Hindi kayo?" He asked shocked while I continued walking.

"Dalawang taon na 'kong walang jowa." I confirmed and laughed at his confused face.

"Tangina naman ni Nico, fake news amputa."

Nakarating na kami sa gate, sabi kasi ni Alijah ay hintayin ko siya rito ngayon. Nag-abang ako sa gate habang nasa gilid si Andro.

"Wala ka naman pa lang boyfriend ngayon," sabi ni Andro at tumingin sa akin.

"Wala nga." Sambit ko at tiningnan na rin siya.

"Hindi muna ako magbibigay ng sulat ngayon. Halos umiyak ako habang sinusulat 'yun," he joked while he was holding his fist to his chest, indicating that he was hurt.

I laughed at him and continued walking.

"Aayain sana kita lumabos ngayong break." Sabi niya at tiningnan ako sa mata. "Kaso may trabaho ako sa Senorra at wala ka naman lagi tuwing bakasyon."

"May tatlong araw ako rito bago tumungo sa syudad." I replied.

"Pwede ka sa Lunes?" He asked.

"Oo naman." I smiled.

"Labas tayo sa Lunes." He said with hope. "Sa Martes pa simula ng trabaho ko sa babuyan."

"Sige, pwede naman." Sambit ko at narinig ang busina ng sasakyan. Napagtanto kong nandiyan na si Alijah. Nagpaalam na 'ko kay Andro at pumasok sa sasakyan.

Alijah was smiling from ear to ear, probably happy with my interaction with Andro.

"Buti naman at nagpakita na ulit 'yun?" He said and started driving.

"Date raw kami sabi niya." I said and shrugged my shoulders.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
95.2K 1.5K 15
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
248K 16.7K 80
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...