BS03: Hidden Son Of Mr. Santf...

By riedel_angelica

557K 13.5K 530

Vandeon Brix Santford Ver. 0.2. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Author's Note
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 11.1
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Almika Sheen Monteverdi
What happened?
Future
Sleep
Falling
Society Clan
Billionaire Series
Billionaire Series 05
Special Chapter
My POV

Chapter 36

10K 258 9
By riedel_angelica

Almika's POV

"Have you heard the news?" tanong ni Riley. Kumunot naman ang noo ko, anong klaseng news naman ang sinasabi niya? Hindi ako mahilig manood ng tv, at mas lalong wala akong pakialam sa mga bali-balita na 'yan.

"What news?" tanong ni Freena. Kakarating lang. Mukhang galing sa trabaho ang isang ito, naka formal outfit pa kasi at naka-bun ang kanyang buhok. Pansin ko ang pag galaw ni Carmela sa kinauupuan niya, halatang hindi sila komportable sa balitang 'to ah. Ano ba kasi 'yon?

"What is it?" walang gana kong tanong sabay kuha ng tinapay sa ibabaw ng mesa. Mamaya pa naman ang pasok ko sa kompanya kaya susulutin ko muna ang mga oras na 'to. Masyado kasing tahimik sa office ko, minsan may mga meeting din pero tinatamad ako magpakita. Naiirita ako sa mga mukhang perang businessman.

Napansin kong umiling si Carmela kay Riley. Mukhang wala talaga silang balak na sabihin ang balita. Well, kung ano man 'yon, ano naman ang pakialam ko?

"Spill it out."

"Vandeon and Yeena is getting married."

"RILEY!"

"WHAT?!"

Nabitawan ko ang tinapay na isusubo ko na sana sa bibig ko. Inangat ko ang tingin ko para makaharap si Riley, hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaksyon ko. But, ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at ang panginginig ng kamay ko. What the hell is happening to me?

"He's getting married next week, inimbitahan pa nga ako ni Yeena."

Hindi niya sinabi sa akin. 3 weeks kaming magkasama sa loob ng bahay ko pero ni isa ay wala siyang binanggit tungkol sa kasal na 'to. What the hell is this? Ano ako sa'yo, Vandeon!

"Riley, stop it!"

Married? With Yeena?

Umiling ako sa kanilang dalawa. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko, hindi ko pinakitang naaapektuhan ako. But, I know deep inside nasasaktan ako, pero bakit...

Akala ko ba mahal niya ako? Sinungaling naman pala ang dalawang iyon! Fvck!

"I'm full, I gotta go. Thanks for the company."

Mabilis akong lumabas ng mansyon nina Riley. Hindi na lumingon pang muli. Pumasok ako sa sasakyan ko.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong humahagolgol sa loob ng kotse. Why am I feeling this way? Bakit ako nasasaktan sa balitang 'yon? Para akong pinagtaksilan.

But, why am I hurting? Gusto ko na ba si Vandeon? Fvck it! Fvck it! Hindi ko na alam ang gagawin, nasasaktan ako. Hindi ko matanggap ang balitang narinig.

*Ring! Ring!*

"I'm fvcking insane..." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na darating ako sa puntong 'to. Pagkatapos niyang gumaling, lumayas din naman agad siya sa bahay ko at ilang araw din siyang hindi nagpapakita sa akin. Tapos ito ang maririnig ko?

What about those nights we shared to each other? Palabas lang ba 'yon? Tangina! Am I falling for him?

*Ring! Ring!*

Kahit nanginginig ang mga kamay ko, inabot ko parin ang phone ko. Hindi ko tiningnan ang caller, sobrang sakit ng pakiramdam ko ngayon. I don't know hanggang kailan 'to but I want to ease this pain right now. I don't want this. Sakit lang talaga ang binibigay mo sa akin, Vandeon. You fvcking monster. Sana pala siya na lang ang inanakan mo kung sa huli ay pakakasalan mo!

Mahal niya raw ako pero tangina niya...

"Almika, are you still there?"

Pinunasan ko ang luha ko. "Kace? Why did you call? And are you feeling okay now? Balita ko malala--"

"I'm okay, Almika. Did you already hear the news?"

Ngumiti ako ng mapakla. "Bakit naman? Anong meron?" pwede bang magsinungaling ka na lang sa kin Kace, ang sakit na eh. Ayoko nang marinig, Kace. Ewan ko na talaga.

"Nah. Take care of yourself 'kay? By the way, where are you? Can I pick you up?"

"Inside my car, why?"

"Let's eat together, wala akong pasok ngayon sa trabaho. Saan ka?"

"Nasa labas ng mansyon nina Riley."

"Wait for me! I'm coming."

Thanks, Kace, for being there for me. Hindi mo sinabi ang totoo dahil alam mong masasaktan ako? Pero bakit nga ba ako nasasaktan? Normal lang ba talagang masaktan? Baka nga mahal ko na talaga si Vandeon.

"Tsk! How funny right? Noon ang plano ko lang patayin at maghiganti sa demonyong 'yon pero ngayon? Kinain ko na ang sarili kong plano. I fell for him, deeply. 'Yung tipong gusto ko na lang malunod kesa malunod sa sakit. He's getting married now, he's free from us."

Padabog kong tinapon ang phone ko sa labas. Walang kwenta!

"Aw!"

Mabilis akong napatingin sa labas ng may narinig akong daing. Shit!

"Are you blind or what?!" malakas na singhal niya sa akin. Pero hindi ako gumalaw sa puwesto ko. Mahigpit kong kinuyom ang mga kamao, iniiwasan ko ring manginig sa kaba.

"Where are you heading?"

"ANONG GINAGAWA MO RITONG HAYOP KA!" galit na sigaw ko sabay sipa sa pintuan ng kotse ko. Hindi ako nagdadalawang isip, mabilis ko siyang sinuntok sa mukha ng paulit-ulit hanggang sa makuntento ako. Pero kahit anong gawin ko hindi parin ako nakukuntento.

"Hayop!"

"What now huh? Ano pang plano mong gago ka! Iwan muna kami ng anak mo! Magpapakasal ka na sa babaeng 'yon!"

"Sumagot ka! Bingi ka ba ah! Napipi ka na ba huh! Bwesit ka! Bwesit ka! Anong ginawa mo sa akin! Bakit ako nasasaktan, Vandeon! Demonyo ka talaga!"

Suntok lang ako ng suntok sa kanya hanggang sa nanghihina na ang dalawang tuhod ko. Unti-unti akong dumadaudos habang humahagolgol. Ang hina-hina mo, Almika, akala ko ba trained ka pero bakit pag dating kay Vandeon nanghihina ako? Anong klaseng demonyo ba ang sumapi sa bwesit na 'to.

"Napamahal na sa'yo si Vandish, ayokong saktan ang damdamin niya. Deretsuhin muna kami, Vandeon. Sabihin mong iiwanan muna kami..."

I can't accept it...

"Almika..."

"Don't fvcking call my name, Vandeon! You bullshit!" kahit nanghihina, pinilit ko paring tumayo. Palabas lang siguro ang lahat.

Nilingon ko siya.

Napansin ko ang malaking hiwa niya sa pisnge, dumudugo parin 'to ngayon. May sugat din siya sa kabilang braso niya at dumudugo rin. Saan niya na naman nakuha ang iilang sugat nito?

Umiwas ako ng tingin. Pinapakalma ang sarili.

"Almika."

"Stop, please stop. Hayaan muna kami, Vandeon, please. Ikakasal ka na hindi ba? I'm happy for you, sa wakas ay mag-aasawa kana, sana kung magkaka-anak kayo huwag mong saktan ang asawa at anak mo, huwag mong gawin sa kanila ang ginawa mo sa amin. I know you're heartless outside but I know you're good inside." sige lang Almika, saktan mo pa ng todong-todo ang sarili mo. Happy? Happy my ass! Humakbang ako, gusto ko nang umalis sa lugar na 'to, palayo sa kanya. I'm so tired. saan na ba si Kace, I need him. Maayos na kaya ang lagay niya?

"You're wrong..." malamig na simula niya kayat napalingon ako sa kanya.

"Kung hindi lang naman ikaw ang babae, bakit pa ako magpapakasal? I don't want to marry her, Almika, hindi ko siya gustong pakasalan because she isn't you!" malakas na singhal niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Pagod na pagod na akong lumaban, Almika, ayoko na, ayoko nang lumaban pa. Pero kapag titigil ako? Mawawala kayo sa akin, ayaw kong mangyari iyon, Almika..."

"W-What are you talking about..."

"Please trust me, don't leave me."

"At sa tingin mo magpapakatanga ako! Hindi ako aso para habol ng habol, Vandeon! At mas lalong hindi ako luluhod sa'yo!"

"Hayaan mo akong habulin ka, hayaan mo akong magpapakatanga sa'yo, hayaan mo akong lumuhod sa'yo, at hayaan mo akong mahalin ka, Almika. Just don't leave me, don't leave me please..."

You are getting married, Vandeon. Mahal kita pero ayokong magpakatanga sa isang taong sigurado akong hindi magiging akin. You are bond to marry that woman, do that and leave us alone. Maybe I was the woman you've met in your miserable days, but I'm not the woman who spend days, years with you.

"Back off, Santford." malamig na sabi ko at humakbang na para umalis. Pero bago pa man ako makalayo? Hinigit niya ang kamay ko sabay yakap sa akin mula sa likuran.

"Please, don't. Don't please, Almika, I'm begging."

Huwag mo na akong pahirapan pa, Vandeon. I'm tired but I will promise that I will fight back no matter what happens.

Naramdaman kong dahan-dahan siyang dumadaosdos dahilan nang pagbaling ko sa kanya. "I'm begging, I'm begging, don't leave me. I love you, Almika, please trust me,"

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakaluhod na siya ngayon sa harapan ko. He's begging, nakaluhod at lumuluha.

And seeing him like this? It hurts like hell.

"Marry her, make her happy. Live happily." Binitawan ko ang kamay niya at tumakbo palayo sa kanya. Palayo sa taong natuto ko nang mahalin. Sa taong alam kong balang araw ay magbabago, sa taong sa huli ay ako parin ang masasaktan.

"I will never back down, Vandeon. My words is still my words. When I say that I will protect this family, I dare it. I will sacrifice everything if I have to, as long as it has nothing to do with my son."

I'm hurting right now, Vandeon. You also, but I think that woman really loves you. She's a good woman after all.

Tumingala ako. Tears began to fall.

Tangina. I can't take this anymore. I left my car, hindi ako bumalik dahil alam kong nandon siya. Lumapit ako sa pinakamalapit na shop at duon umiyak sa tabi.

"Are you okay?" Nag-angat ako ng tingin.

Nanlaki ang mata ng babae nang makita ang buong mukha ko. Dali-dali siyang kumuha ng tissue sa counter at nilahad iyon sa akin. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Alam kong hindi ako puwedeng makialam sa buhay ng aming mga customer, but I feel like you're losing."

Losing, me? I haven't lost yet.

"No, I'm fine. Thank you,"

"Oh alright, wanna eat something?"

"I'm fine with coffee."

Tumango siya at umalis sa harapan ko. While waiting ay iginala ko ang aking mata sa glass window ng shop. Nakita kong bumagsak na ang malakas na ulan ngayon, naramdaman ko ang panlalamig dala ng aircon at lamig panahon.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Pinunasan ko muli ang mukha ko habang pinapanood ang mga taong nagtatakbuhan sa labas, nalilito pa 'yung iba kung saan sila sisilong.

Maya maya pa ay dumating na ang order ko. Binigay ko sa kanya ang bayad tsaka sinimulan nang inumin ang kape. Tamang-tama dahil malamig ang panahon ngayon. Gusto ko munang mahismasan bago umuwi. Magtatanong na naman kasi si Vandish for sure.

And about my son, hindi na siya umaalis ngayon sa school or nagka-cutting. Dalawa sila ni Peyton. Naging mas aktibo na sila sa school. Laging umuuwing may star sa palad. Me, as a mother, proud na proud ako sa kanya. Sa kabila ng mga pagsubok na ito malalampasan ko rin ito.

With my son, I feel safe.

Pagkatapos kong mag-kape ay umaalis na kaagad ako sa shop. Kakatila lang ng ulam kayat malaya kong hinakbang ang mga paa papunta sa sasakyan ko.

Wala naman siguro si Vandeon dun hindi ba? Tsaka antanga niya naman kung mananatili siya. Malakas ang ulan kanina kahit panandalian lamang iyon.

Nang makarating ay napasinghap ako.

"A-Almika..."

Dahan-dahan siyang tumayo. What fvck is he doing here! Akala ko ay umalis na siya.

"Are you crazy?! Umalis kana, Vandeon! I don't need you!"

Damn it. Basang-basa ang kanyang katawan ngayon sa harapan ko. Gusto kong maaawa sa kalagayan niya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ayoko na, masyado na akong mabait kung tutulungan ko ulit siya at sa huli ay masasaktan muli ako.

"Almika, hear me. I don't want this to happen. I need to finish this fight, baby. Don't leave me, I can't afford to lose you..."

"Ha? Talaga ba, Vandeon? You already lost me when I heard that news, Vandeon. You are getting married! Hear that, huh? Fvck your lies! Don't ever show your face to us, Vandeon!"

"Almika, don't. Kayo nalang dalawa ni Vandish ang mayroon ako ngayon. I cannot afford to lose you again, Almika. Wala na akong kakapitan kapag mawawala kayo sa akin, wala na akong ipaglalaban, please, don't, I'm begging, Almika. Walang-wala na ako ngayon..."

He tried to reach me but I didn't let him.

"You already made your choice, Vandeon. At alam kong wala kami sa choice na pinili mo kaya lubayan mo na kami."

Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko kasabay nito ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tangina, ang sakit sakit!

***
Ay, super na nasaktan nga talaga si Almika. Anong ma-say niyo sa chapter na ito?

Don't forget to vote and leave a comment if may mga tanong kayo. Happy reading, babies!

Continue Reading

You'll Also Like

259K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
3M 69.6K 44
Jaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can prete...
71.8K 1.9K 30
THREE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH - C O M P L E T E D - At 25, he had never been in a relationship, his heart guarded by the pain of his mother's aband...
180K 5.1K 45
Meet Allicer Chain Lannister. The guy can't control his anger. When he's furious, no one can calm him down. So to prevent destruction, his grandfathe...