Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

29K 1.4K 104

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 61

353 19 0
By gazery

RC's POV

Matamlay ako paggising ng umaga, gano'n din ang tamlay ko pagpasok. Feeling ko kasi magiging tahimik kami ng mga bakla. 

Habang naglalakad ako ng tahimik ay napalingon na lang ako bigla doon sa isang bench sa may bandang likod na C.R kung saan sinabunutan ng Jona ang Tubercio. 

Napanguso tuloy ako nung makita kong magkakasama sila pero pare-parehong nakayuko. Ako naman ay naglakad papunta doon at dahn-dahan naman silang napatingala sa akin na ikinahaba lalo ng nguso ko.

"MGA BAKLAAAA!" sabay-sabay naming tili at nagyakapan na habang nagtitinalon pa na parang mga tanga.

Si Jp ay umakto pa kunwaring umiiyak na ikinatawa ko ng mahina. Mahigpit kong binigyan ng yakap si Rj at isinubsob ang pisnge sa dibdib niya na tinanggap niya din..

"Bakla, sorry kung sinabunutan kita, ha? Saka yung mga sinabi ko? Sorry talaga doon.. Mali yun.." sinsero kong paghingi ng tawad at tumingala pa sakaniya pero ngumiti lang siya at tumango.

"Oki lang.. Sorry din kasi sinolo ko si Tomboy. Hindi naman dapat talaga gawin yun.."

"Hindi, bakla.. Wala sa'yo yung problema, nasa amin.. Well, nagselos kami and hindi naman dapat! So sorry sa mga sinabi ko.. Hindi mo man makakalimutan yun, pero sorry talaga.." si Jp naman ang nag-sorry.

"Hays.. Mga bakla, tama na ha?" ngusong ani naman ni Jona kaya napangiti kami. "Okay lang namang mag-away pero 'wag naman yung sobrang seryoso. Mag-away tayo sa lafangs o kaya sa make-ups pero yung ganitong situation? No.. If possible sana, pigilan na natin yung sarili natin. Okay?"

"Yeah, tama tama!"

"'Wag din nating hayaan na maagkasiraan ang friendship natin dahil lang sa babae or lalaki. Okay? We promised to stick together no matter what happened to us, right? Hindi babae o lalaki ang makakapagpatibag sa atin, okii?"

"Yesss!" sabay-sabay naming sigaw at nagtawanan pa..

Magsasalita pa sana ako para sana magbiro nung kalabitin ako ni Alline. Kaya napalingon ako sakaniya.

Nakita kong nakatitig siya sa harapan at gano'n din ang mga bakla kaya taka kong binalingan ng atensyon iyong tinitignan nila.

'Anella..'

Halos manlamig ang buong katawan ko nang makita si Tubercio na nakatitig sa aming mga bakla, suot-suot ang blangkong mukha niya. May nakakabit na itim na wired earphones sa tenga niya habang nakapamulsa siya.

Ilang minuto niya kaming tinitigan hanggang sa tumalikod na siya at naglakad papalayo.

Nagkatinginan kaming mga bakla after non..

"Oh, you're here, Kuya! Si Kuya Albir ay mamaya na lang daw sasabay 'pag lunch break. Nag-aaral pa, eh!" bungad agad sa amin ni Baklang Alrine. Nandito kami sa cafeteria kung saan kami madalas na. After ng ilang oras naming pag-papractice, deserve naman namin ng pahinga.

"Nag-aaral? Are you serious, Alrine Mathelson?" sarkastikong ani ni Fafa Aldrin.

"Do I look like I'm kidding, Kuya?" sarkastikong bawi sakaniya ng bakla na nagpatawa sa akin ng mahina.

"Parang hindi naman kasi kapani-paniwala 'yan, Alrine. Simula kahapon ay practice for linggo ng wika--walang klase! Pinagloloko mo ba ako?"

"You know Kuya Albir... right, Kuya?"

"Pst, oy," tawag ni Meane, napatingin ako sakaniya.

'Napakainosente talaga ng mukha neto!'

"Why?"

"Anong ginawa niyo at wala sa mood si Bi?"

Napatigil ako doon sa tanong niya at napabuntong-hininga.

"Wala n-naman,"

"Are you sure? Simula kaninang umaga,  bago kami pumasok ay wala na siya sa mood.. Wala naman akong matandaan na ginawa namin sakaniya," nalilitong sabi niya, ngumiti ako ng pilit.

"'Wag mo na lang pansinin. You said naman 'di ba? Lagi siyang wala sa mood, kilalang-kilala niyo naman siya.."

"Oo nga, kaya nga ako nagtatanong sa'yo. Hindi siya mawawala sa mood nang walang dahilan pero sige! Hayaan ko na lang, baka nga wala lang sa mood.." ngiting sabi niya, ngumiti din ako...

Nakakahawa lang yung smile niya dahil sumasama pa ang dimple niya, ang cute pa ng mata niya saka ng bunny teeth niya hihi! Naalala ko nanaman tuloy si Kuneho ko!

"By the way, where's Anella?" tanong ni Fafa Aldrin

"Ayon, oh!" nguso ni Irene.

Tumingin kami sa nginunguso niya at nakita si Tubercio na may kinakausap sa cellphone habang naglalakad papalapit sa amin..

Doon ko na hindi napigilan ang madiing lumunok nang makita kung gaano kaangas at kaganda ang postura niya. Habang naglalakad siya papunta sa amin ay sumasabay naman ang mahabang buhok niya na akala mo nasa isang teen-drama siya.

"Hindi, hindi... Ayosin niyo lang--nako naman Madrigal! Kahit kelan ay sakit ka sa ulo!" inis na sabi niya pero malumanay pa rin, napatitig naman kami sakaniya. "Mga kalokohan mo kasi--since, malapit na nga... Yung mga designers para don sa pool, 'wag mong hahayaan na kumilos sila Tanda, malilintikan ka sa akin."

Napapangiti ako habang nakatitig sakaniya, seryosong-seryoso ang mukha niya pero napakaprettyness niya pa rin. Hayst..

'Lord.. Bakit ba sobrang bait mo't gumawa ka ng gan'yang klaseng nilalang? Kahit saang anggulo, walang palpak!'

"Isend mo sa akin.. Oo, ngayon mismo.. Narinig mo ako... Tss, isesend mo o pasasabugin ko ang kotse mo?!" banta niya.

Makailang minuto lang ay pinindot niya ang kwintas na ikinakunot ng noo ko at doon din napalitan iyon ng gulat nang may lumabas na ilaw at parang screen!

"P-paano---?!"hindi makapaniwalang sabi ko, ang mga bakla ay nakabuka ang bibig.

"Kilala sa Anella sa pamilya nila na may angking malikhain pagdating sa technologies. Sinundan niya ang propesyon na meron ang mga magulang nila at siya na ang nagpatuloy ng ibang gawain doon." bulong na kwento sa akin ng Meane, pero tumango ako nang wala sa sarili.

Nakatitig lang ako kay Tubercio na inilapag ang cellphone sa may lamesa saka kunot ang noo na inayos ang upo at may pinindot na files na biglang lumitaw. Lumabas naman doon ang parang designs for Birthday.

"Ito lang, Madrigal?" tamad na tanong niya, doon sa kausap niya.

"[Yes, Miss.. Naghahanap pa rin sila Villaroel ng mga designs..]"

"Sige, ito muna, salamat."

[Thanks din, Miss.. So, pwede na ako makipagdate kay Elyzza babe?]" tanong nung kausap niya kaya napatingin kami kay Tubercio para abangan ang isasagot niya.

Napatigil siya doon sa pagpindot sa screen at tumaas ang isang kilay na nakatitig sa cellphone. Pinindot niya ang kwintas para mawala yung screen at mapabuntong-hininga.

"Bahala ka sa buhay mo, 'wag mong kakalimutan si Lotlot mamayang tanghali saka yung baon ni Letlet," maawtoridad na sabi ni Tubercio at binaba ang tawag.

"Para sa'n ang mga iyon, Anella Maene?" tanong kaagad ni Fafa Aldrin.

"Malapit na ang birthday ni Litlit, remember?"

'Oo nga, 'no??'

"Aww, shet! Nakalimutan ko, ah! 1st birthday niya pala 'no?!"

"Mm.. kaya pinapaasikaso ko na kila Imperial yung catering para hindi na kumikilos sila Manang Reyk," paliwanag niya at binigay kay Baklang Alrine ang itim na tali habang nagsasalita pa din. "Ang sabi ko sakanila ay dapat sila ang kumilos, walang kikilos sa Repzimo. Ayoko namang kakauwi lang nila, tapos ay patutulungin ko. Siguro, ay hahayaan ko na lang sa pag-aalaga doon sa mga bata."

"Wala ka sa mood.." biglang sabi ni Dairsy, ngumangatngat pa sa chips niya. Tinanong niya yun na para bang sanay na siya. Hindi nga patanung iyon, eh.

"Mm."

"Bakit? May nangyari ba?"

"Wala.." pinutol niya ang sasabihin nang dahan-dahang tumingin sa amin na ikinalunok namin. "..naman."






Anella's POV

Sa nakita ko, maayos naman na ang lagay nung mga bakla. Kasi kung hindi pa sila maayos, hindi magtatabi-tabi 'yan. Mahilig sila sa silent treatment, eh. Pero mabilis ding magbati.

Alam ko ding naiilang sila sa akin dahil akala nila ay sila ang dahilan nang pagkawala ko sa mood. Kahit hindi naman sila.

Medyo nadismaya lang ako kasi nag-away sila nang dahil lang sa akin. Tama ba na pamuntikan na masira ang pagkakaibigan nila nang dahilan sa akin? Ayoko non.. Kung ang dahilan niyan ay ang pagkalagusto nila sa akin, pwes itataboy ko sila. Ayaw ko na may nasisirang pagkakaibigan..

Lumipas pa ang ilang oras ay naging tahimik lang ako. Magsasalita lang ako kapag tatanungin nila Julzia para s'yempre sumagot. Bastos naman kung tignan kung hindi ko sagutin.. Hindi naman ako ganoon. Kapag badtrip o kaya wala ako sa mood, hindi ako nandadamay ng ibang tao. Kaya kong gawin iyon. 

THURSDAY. FRIDAY.

S A T U R D A Y

Napabuntong-hininga ako at napahawak sa likod ng ulo ko habang nakatayo sa harap ng mga kaklase kong nagpapractice na. Ako 'tong tulala at lumilipas ang isip dahil sa nangyari nung nakaraan. Hindi ko pa din masikmura na iyong apat na beki ay may gusto sa akin.

Imposible..

Hindi naman pwede yun. Akala ko ba magkakaibigan na kami? Bakit lumagpas naman yata sila? Ni hindi ko sila makausap dahil naiilang ako sa bawat titig na ibinibigay nila. Noong hindi ko pa nga lang nalalaman na may gusto sila sa akin ay ilang na ako, ngayon pa kayang alam ko na?

Shit..

Nung bigyan ko ng iilang minutong break yung mga kalase ko ay palihim akong umalis doon at huminto sa may bandang hardin dahil doon ako dinala ng katawan ko. At bilib din ako dahil maganda siya pumili ng mapagtatambyan.

Tahimik. Mahangin. Payapa.

Umupo ako doon sa malaking puno at sinandal ang ulo ko. Since nakasuot naman ako ng jogging pants dahil nagpratice din ako kanina sa Indayog ay inunat ko ang mga binti at tinukod ang kanang paa saka ginawang unan ang mga braso ko at pumikit.

Napakacommon na nito pero sobrang sarap talaga sa pakiramdam na may lugar kang napupuntahan para mahanap mo yung katahimikan na gusto mo.

Puno ang mundo ko ng mga mata dahil sa mga admirasyon na nararamdaman ng mga tao para sa akin.. Masasabi man na iba na nakakaproud na may nagkakagusto sakanila at nakakatuwa iyon pero para sa akin ay parusa iyon. Imagine na lang na sinusundan ka sa kahit na saan at wala kang privacy. Lahat ng galaw mo ay pinapanood nila, at ang malupit pa ay malakas ang pandama ko.

Ayos lang sana kung hindi ko nararamdaman, eh pero ramdam ko. Sobrang-sobra. Ang sabi nila, sobrang nakakatuklaw ang angkin kong kagandahan. Ang mukha na ito ay hinihiling ng iba..

Pwes, ako ay hindi.

Dahil ayoko.

Insulto man para sa mga magulang ko pero naging parusa na ito sa akin. Wala naman akong ginagawa pero bakit maraming nahuhumaling sa akin? Hindi sa pagmamayabang dahil nagpapakatotoo lang ako..

Ang kagandahang pinapangarap nila na mayroon ako ay isang sumpa sa akin.

Pabuntong-hininga akong umayos ng upo at tumikhim. "Nararamdaman ko kayong nakatitig sa akin..." mahina ngunit sapat para marinig nila, saka ko iminulat ang mata.. "..mga bakla."

Ayan ang sinasabi ko. Sobrang lakas ng pandama ko na hanggang dito ay nadala ko.. Kanina ko pa nararamdaman ang mga mata'ng nakatuon sa akin, simula nung pumikit ako.

Mula malayo palang. At pamilyar din sa akin ang pakiramdam ng mga mata na iyon.

Napatitig ako sakanila at doon naman sila nagsiiwasan ng tingin. Apat lang sila dahil wala si Bading at mas naiilang ako doon. Knowing na silang apat mismo ang may gusto sa akin.

Pero kahit ganoon, hindi ko naman hahayaang mailang din sila sa akin. Ayos na, na ako lang iyong naiilang.

"Bakit hindi kayo maupo?" tanong ko, agad silang napatingin sa akin. "Nakakangalay kung tatayo lang kayo d'yan magdamag,"

Pagkasabi ko non ay umupo naman silang apat sa harap ko nang tahimik lanh.

"Anong ginagawa niyo dito?" malumanay na tanong ko at umayos ng upo, indian seat.

"N-nakita ka kasi namin, p-plano lang sana naming tignan ka---!!!"

"Kaso nauwi sa titig?"

Nakita ko ang palihim nilang pagnguso at hindi na makatingin sa akin. Gusto kong matawa sa mga itsura nila dahil para silang mga bibeng iniwan ng leader nilang kumakwak-kwak.

"Mukha kayong mga bibeng iniwan ng leader na may pakpak sa likod at nagsasabi ng kwak-kwak."

Agad silang napatingin sa akin at lalong tumulis ang mga nguso. Iniwas ko ang tingin sakanila dahil kapag tumagal pa akong tignan sila, baka humagalpak na ako sa tawa.

Huminga ako ng malalim para hindi maibuga ang tawa ko. Magmumukha akong tanga, nakakatanggal angas yun.

"S-sorry, Anella.."

Napatingin ako sakanila nang magsalita sila.  "Ano?"

"Sorry," nakatungong sabi nila.. Nakatingin sila sa akin at kita ko sa mga mata nila na sinsero sila.

"Para sa'n?"

Alam kong nagsosorry sila sa nangyari nung Lunes pero wala naman nang magagawa ang mga sorry nila sa nangyari na. Ang nangyari ay nangyari na, wala nang magagawa.

"N-nung Monday, sorry.."

"Bakit kayo nagsosorry sa akin? Dapat nagsosorry kayo sa isa't isa.." seryosong sabi ko, hindi ako nakatingin sakanila dahil inaayos ko ang sintas ng sapatos ko.

"T-tapos na.."

"Edi mabuti,"

Bumalik nanaman kami sa pagiging tahimik, ayan nanaman yung nakakailang na pagdarama ko tss, Bumuntong-hininga ako para kahit papaano ay matanggal ang ilang ko saka tumingin nanaman sakanila.

"Ano bang dahilan niyo.. at nagkagusto kayo sa akin?" tanong ko kaya sabay-sabay silang tumingin sa akin. At dahil apat sila ay hindi ko kayang isa-isahin ang mga mata nila para hanapin ang sagot, bibig na lang nila ang mapapakinabangan ko. "Hindi ko alam kung dahil ba sa kagandahan ng mukha ko.. o ano.."

"Wow.." hindi inaasahang ani ni Rj. "Kapal neto."

"Seryoso ako, Ranze Jowzep. Alam ko namang maganda ako, hindi ko nakakalimutan iyon.. Pero gusto kong malaman.. Paano? Bakit ako?"

"Ewan." kibit-balikat nilang apat. "Siguro kasi.. ang kakaiba mo. Sobra.."

"Mm.." tango ni Rc doon sa dinahilan ni Jp. "Sobrang attractive mo din."

"Matalino at kahit labag sa akin, mabait.."

"Mabango pa." pagsiko kunwari sa akin ni Alline kaya mahina akong natawa saka sumandal sa puno.

"Mga loko-loko kayo.."

Natawa silang apat pero bumuntong-hininga din. Nung magangat ako ng tingin sakanila ay nagtitinginan sila hanggang sa kalabitin na ako ni Alline.

"A-anella."

"Uhmm?"

"Since.. nasabi na namin at naamin n-na namin sa'yo yung f-feelings namin.." pinutol ni Alline ang sasabihin at lumunok, umaabante.. "Pwede ka ba naming l-ligawan?"

Pagkasabi niya non ay napatulala ako nung biglang kumabog ang dibdib ko na para bang pinagsama na ang lahat ng emosyon! 

'L-ligawan? Seryoso ba siya?'

"Ha?" parang tanga na sabi ko..

"Pwede ka ba naming ligawan?" deretsong tanong pa, pero this time.. Hindi na si Alline lang, apat na sila mismo.

Napaangat ko ang isang kilay sa bigla nanaman at hindi pinahalata sakanila na sobra akong nagugulat at pakiramdam ko ay tatagos na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtalon non.

"Tomboy, ano?"

Lalo akong napalunok nang makita ang napakatamis na ngiti ni Rj, tumitig ako sakanila ng matagal,para bang inuusisa kung totoo ba ang pinagsasabi nila, napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita ang sinseredad sa mga mata nila.

"B-bakit?" 'yon na lang ang nasabi ko.

"Kasi.. gusto ka namin. Para saan ba ang pangliligaw.."

"Gusto ka naming ligawan kasi..." pinutol ni Rc ang sasabihin.

'Gusto nila akong maging girlfriend..'

Ako na mismo ang sumagot sa pinutol ni Rc. Napayuko ako sa tuhod ko at umiling-iling. Hindi sila nagsalita pero ramdam ko ang titig nila sa akin.

'Hindi ko matanggap, b-bakit kailangang-- hays!'

Magpaparetoke na ako, papapangitin ko na ang sarili ko.

'Lord, bakit mo ba ako binigyan ng gantong sakit sa ulo..'

"W-wala akong gusto sa inyo.." utal na sabi ko, napangiti sila.

'Ano bang nginingiti-ngiti nila?!!'






Jonathan's POV

Nakangiting naglakad ako sa canteen para bilhan ang mga bakla ng paborito naming candies, masayang-masaya ako dahil nagkaayos-ayos na rin.. Hindi talaga namin kayang hindi nagpapansinan, nasanay na kaming laging magkakasama kaya kahit anong bagyo pa ang dumating, nand'yan parin kami, kapit-kapit parin.

Nang maiabot sa akin ang ten candies ay binulsa ko 'yon, kumain ako ng isa tsaka lingon-lingon sa kabilang gilid baka sakaling makita ko sila.

Naalala kong pupunta pala sila sa may garden banda kaya agad-agad akong pumunta do'n Nakangiting dahan-dahan pa akong naglalakad, baka kasi nandyan lang sila 'di ba?

Hanggang sa napakagat ko ang labi nang makita sila, lalapit na sana ako pero.

"Pwede ka ba naming ligawan?"

Unti-unting nawala ang ngiti ko nang marinig ang tanong nila, pasimple akong sumilip at nandoon si Tibo, kaharap yung apat.. Napalunok ako at parang ang heatue ko ay--- tumututol.

Hindi ko alam kung bakit pero 'yon ang sinasabi ng heartue ko. Gusto niyang sumigaw at magwala, t-tumututol siya sa mga sinabi ng mga bakla. Napahawak ako sa dibdibers ko ng maramdaman ang napakalakas na tibok non.

"Tomboy, ano?" nakangiting sabi ni Negrita, napatingin sakaniya si  Tibo, lalong lumakas ang tibok ng puso ko, halata ang ilang kay Tibo.

'Bakit gan'to?! Ano bang nangyayari sa akin?! Bakit... bakit ko nararamdaman 'tech!'

"B-bakit?" matagal bago sabihin ni Tibo 'yon, parang tinatanong na.. bakit niyo ako liligawan???

"Kasi gusto ka namin. Para saan ba ang pangliligaw.." ngiting sabi ni Jp

"Gusto ka naming ligawan kasi..' pinutol ni Rc ang sasabihin..

Gusto nilang maging girlfriend si Tibo..

Napahawak nanaman ako sa heartue ko, parang may pagtutol, ang hirap-hirap..

'Ano naman kung liligawan siya nila bakla? Dapat nga ay matuwa ako pero bakit gan'to yung nararamdaman ko?! May pagtutol ako.. bakit???? Ano bang nangyayari sa akes!'

"W-wala akong gusto sa inyo.."

Doon umangat ang mga mata ko sa mukha ni Tibo at napalunok nung may napanatag banda sa dibdib ko sa wiz ko malamang dahilan.

"Wala naman kaming sinabing may gusto ka sa amin,kaya ka nga namin liligawan, ipaparamdam namin kung gano ka namin kagusto.." ngiting sabi ni Rj..

"Tss. Wala akong gusto sa inyo, ultimong pati si Bading ay hindi ko gusto.."

Halos mapatumba ako sa tinatayuan at tinataguan ko ngayon nang marinig sakaniya 'yon. Naiawang ko pa ang labi at doon na bumilis ang paghinga ko.

Naramdaman ko din ang pamamanhid ng ilong at mga mata ko at doon na ako mahigpit na napahawak sa dibdib ko habang tumutulo ang mga luha sa mata ko..

At hindi kapani-paniwala na ang naunang pagbagsak non ay sa bandang left side.

Agad-agad akong tumakbo paalis at hindi pinansin ang mga students na nagbubulungan nung makita nilang ngumangawa ako. Dali-dali akong pumasok sa car ko at nagdrive pauwi.

Pagdating ko.. Sinalubong ako ni Mommy at nagtatanong kung bakit ba ako umiiyak at ang aga kong umuwi, knowing na tanghali palang.. Pero hindi ko siya pinansin at dere-deretsong umakyat sa kwarto ko..

Nung naramdaman kong nanghina ang binti ko ay hindi ko na naabut pa ang kama, nasa paanan na lang ako non. At doon na ako mas umiyak ng umiyak habang napapakapit pa sa hawakan. 

"N-no.. no.." hikbi ko at gumapang pataas at nagtalukbong sa makapal kong kumot saka ko ulit binuhos ang lahat ng luha ko habang humihikbi.

'Hindi 'to pwede! Anong ibig sabihin ng nararamdaman kong 'to?! Bakit kailangang maramamdaman ko 'to!!!! Ano bang kasalanan ko at bakit ginagawa sa akin 'to..'

Napatakip ko ang parehong hands sa mukha saka mangiyak-ngiyak na iniisip ang sinabi ni Tibo kanina..

Ultimong pati si Bading ay hindi ko gusto..

'Bakit gano'n na lang ang reaksyon at nararamdaman kes nang sabihin niya 'yan! Dapay nga ay matuwa akes! Pero! Bakit! Bakit gan'to! Kabaligtaran! Hindi pwede 'tong nararamdman ko! Si Babecakes ang gusto ko, 'di ba? Si Babecakes lang!'

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na si Babecakes lang ang gusto ko pero sa twing pipikit ako ay fezlak ng Tibo ang nakikita ko, gusto kong umiyak lalo dahil talagang hindi ko maintindihan 'to.. bakit kailangang mangyari sa akin 'to !?!?!

'Bakit kailangan ikaw pa, Tibo! Bakit ikaw pa! Ayoko, please! Ayoko! Maawa ka sa akin, Tibo!'

Ayaw ko ang ugali niya masyado siyang mayabang at maangas!

"Baby?" agad kong naitanggal ang kumot nang magsalita si Mommy, nasa pintuan siya, nakasandal. Ngumiti siya saka lumapit sa akin.

"What's wrong?" tinitigan ko siya ng iilang segundo bago niyakap.. "Why? Baby.." mas niyakap ko pa si Mommy hanggang sa tumugon siya sa akin.

"M-mom, bakit kailangang maranasan ko 'to?"

"Why are you crying, shhh... Baby, don't cry.. don't cry..." pag-aamo ni Mommy at hinaplos-haplos ang buhok at likod ko.

"Hindi k-ko alam k-kung bakit---hindi k-ko dapat 'to maramdaman Mommy.. Bakit kailangang magustuhan ko siya." umiiling kong hikbi at napahigpit ang kapit sa damit niya.

"Oh, my God.." naaawa nang ani ni Mommy at dinampi-dampian ng halik ang noo ko habang pinupunasan ang basa kong pisnge. 

"Narinig ko s-silang nag-uusap nila frenny, Mom.. L-liligawan daw siya nila bakla.. Parang tinusok yung h-heartue ko nang sabihin niyang hindi niya ako gusto, Mom! A-ang sabi ko kay selp.. Si Babecakes lang p-pero bakit g-gan'to?!"

"Hussh, hussh.. it's okay, it's okay. Mommy's here.."

Ilang minutes pa akong umiiyak hanggang sa pagpasyahan kong magpalit ng clothes, namumugto na ang mata ko.. Iniwan na din ako ni Mommy dahil magluluto na daw siya ng tanghalian.

Bumuntong-hininga akes at umiling.. Wiz ko tanggap.. Ayoko! Ayoko kay Tibo! Bahala siya d'yan!

*kriiiiiiiing!*  *kriiiiiing!*

Aligaga akong napatingin sa cellphone ko, at agad kinuha 'yon.. Pagkatingin ko sa caller ay parang na sad pa ako, hindi kasi si Tib--PUNYETA KANG JONA KA! ANONG SIYA?!   don..

"Bakla?"

[Where are you, Bakla? Nawala ka bigla dito sa academy, are you okay?]" alalang tanong ni Rj..

"I'm fine, Bakla.. Bukas na lang siguro tayo mag-uusap-usap nila bakla, w-wala kasi ako sa mood e. I'm not feeling well, din.."

"[Are you sure, ah? Baka may problema ka.. sinisekreto mo lang.. it's fine to keep it because it's your privacy, and you we respect that. But you know that we're always here for you.. Our ears are always open to listen.]

Bumuntong-hininga ako at ngumiti ng tipid, kahit hindi niya nakikita.. "No, I have no problems.. Just.. I'm not in the mood today.. You know? Mood swings, hehe."

"[Owkeeey! Sige na, byebye! Lovelove!]"

"Keeyy! Lovelove!" tugon ko saka na pinatay ang tawag. Nung bitawan ko ang cellphone ko, umupo ako sa kama at sumandal sa headboard.

Napayakap ako sa tuhod at napahawak sa ulo ko.. Naiiyak nanaman kasi ako. 

'Humahahulgol nanaman Mima niyo, hays.'

Kasabay non ay ang pag-ring ng cellphone ko kaya sinagot ko iyon nang walang tinginan dahil wala akong gandang magbasa pa! Naiiyak ako lalo!

"[Bading..]"

Awtomatikong napatigil ako sa pag-iyak nung marinig ang malamig ngunit naging magaan sa tenga ko. Dali-dali kong tinignan ang caller name at napalaki ang mga mata nang makita si Tibo!

"[Bading, and'yan ka ba?]"

"B-bakit?" kinakabahang sabi ko, pinipigilan ang garlgal ng boses.

"[Ayos ka lang?]"

Pagkatanong niya non ay napahawak ako sa bibig ko para hindi niya marinig ang hikbi ko, bakit ba siya gan'to?

"[Umiiyak ka ba? Naririnig ko yung hikbi mo, bakit?]"

'Bakit ba parang nag-aalala 'yang boses mo? 'Wag mo naman akong paasahin, Tibo!'

Gusto kong isigaw kay Tibo, 'yan pero dahil masyado akong naiiyak ay hindi ko magawa.

"I-I'm fine.. I'm fine! N-nakakaiyak kasi.. y-yung k-drama.."

"[Ahh, kaya. Nga pala, napatawag ako kasi ipapaalam ko sana sa'yo na gusto ka ni Manang Peni na dumalo sa darating na birthday ni Litlit. Kung okay lang sa'yo?]"

"A-ah yes, pupunta ako.."

"[Sige, salamat. Ibababa ko na,]" paalam niya at nung maibaba na nga niya ay doon na ako napahagulgol nanaman.

'Bakit nagustuhan ko na yung boses niya.. LORD! ANO BANG PARUSA 'TOH?!'

Kinabukasan, Sunday, nandito sila bakla sa room namin sa pinakababa.. Nakatitig lang sa akin.

"Jusmiyo, Jona! Kanina ka pa d'yan tulala! Baka gusto mo namang ayusin 'yang sarili mo?! Chumachaka kang gaga ka! Ke tanghaling tapat!" singhal sa akin ng Baklang Jp, hindi ko siya pinansin at tumingin sakanila..

"Mga bakla.." tawag ko, tinaasan nila ako ng kilay.

"Mabuti naman at may balak ka pang magsalita! Juicecolored tang! Balak mo 'ata tahiin 'yang bibig mo!"

"May mga mens ba kayo? Galit na galit?! Gustong manaket?!" inis na sabi ko.

"E pano! Gaga! Kanina pa kami nakatiyig sa'yo, halos ilang oras na kaming nakatitig sa napakachaka mong mukha!"

"Chaka?! Dzuuuuh! I'm Jona Rainze Balmaceda, hindi nawawala ang kagandahan!"

"Kapal neto!"

Inirapan ko na lang sila, hindi ko alam kung frennys ko pa talaga 'tong mga baklang 'to.. kung insultuhin ako ay parang hindi ako friend!

"Mga, bakla.." awag ko ulit, "I need to tell you something." seryosong sabi ko

"Ano 'yan?!!!!" sigawan nila.

"I'm.." pinutol ko ang sasabihin.

"Oh ano?! You're--?!" atat na sabi nila.

"I'm..." pambitin ko ulit.

"Lintik na 'yan, oh! Sabihin mo na! May pabitin epek pa!" inis na na sabi nila.

"I'm pregnant!" sigaw ko, sinamaan naman nila ako ng tingin..

"Etong gagang 'to, ang sarap sampal-sampalin!"

"It's charot kaya!" sigaw ko at sumeryoso na talaga! "Seriously, I really need to tell you something.."

Umiwas sila ng tingin.

"Sabihin mo na agad, mamaya tungkol nanaman sa bago mong jowa 'yan!"

"I l-like.." bitin ko, hindi sila tumingin at nanatili paring nakatingin sa mga ginagawa.. "I like T-tibo,"

Pagkasabi ko non ay awtomatiko silang napatingin sa akin, bbakas ang bigla at gulat. Napatakip pa sa bibig saka nagkatinginan at bumalik sa pagiging mga gaga.

"Psh, alam naman na namin 'yon.." walang ganang sabi nila.

"What?!"

'All this time! Ako lang ang walang alam?!!! Kahapon ko lang nalamang may g-gusto ako kay Tibo?!?!!! Shemay na kalamay!'

"I told you this before Jona. Ilang beses ka na naming tinanong kung may gusto ka ba kay Tomboyish, but you keep saying 'Nooo! Bakit ko siya magugustuhan?! Ang chaka-chaka niya kaya'" panggagaya niya pa sa boses ko, napanguso naman ako. "Eh, ano ka ngayon !?!?!"

"Parang hindi niyo tinanggi yung ganito dati, ah !?"

"Merong one time, pero hindi all the time.. Ikaw..! Halatang-halata ka na, todo tanggi pa. Ano ka ngayon? Namumugto 'yang mga mata mo!"

...

Time check:
10:06 pm. Done. 💅✨

Continue Reading

You'll Also Like

696K 1K 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
28.6K 1K 24
Meet Ayra Park, isang simpleng babae na gusto lamang maging tahimik ang buong kapaligiran. Ayaw sa maiingay na lugar, bookworm. Isang araw napagpasa...
52.5K 118 4
Hagura is just a simple man with a simple life. Well, at least that was the case before he got kidnapped and Sold to a Mafia Boss. Therefore, his sup...
35.6K 1.6K 44
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...