Pathways of Forever (SERIES 3...

By PecheaL

16.8K 667 172

[BX5 SERIES 3] In this Endless Reality world, you don't know where or when it will lead yourself to a certai... More

Author's Note:
Prologue
Pathway~[01]
Pathway~[02]
Pathway~[03]
Pathway~[04]
Pathway~[05]
Pathway~[06]
Pathway~[07]
Pathway~[09]
Pathway~[10]
Pathway~[11]
Pathway~[12]
Pathway~[13]
Pathway~[14]
Pathway~[15]
Pathway~[16]
Pathway~[17]
Pathway~[18]
Pathway~[19]
Pathway~[20]
Pathway~[21]
Pathway~[22]
Pathway~[23]
Pathway~[24]
Pathway~[25]
Pathway~[26]
Pathway~[27]
Pathway~[28]
Pathway~[29]
Pathway~[30]
Epilogue
Authors Note:
Series 4

Pathway~[08]

297 15 8
By PecheaL


BAND-AID

Hazelle's POV,

Nagpaalam na ko kay Lia at agad umalis ng apartment niya pagtapos ng Bridal Shower namin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip na ikakasal na siya bukas pero hindi niya pa alam. Alam kong atat na atat na siya pakasalan si Kuya Evan, ewan ko ba kay Kuya kung bat natagalan siya.

Lumabas na ko ng elevator at dumaretso sa parking lot at agad hinanap ang kotse ko. Agad ako sumakay rito at pinaandar na ito. Napabuntong hininga ako ng biglang pumasok sa isip ko ang mga trabaho ko bukas, palapit na ng palapit ang pagbubukas ko ng shop kaya mas lalo akong na iistress. Parang napapansin ko na rin na nawawalan na ko ng oras kay Dylan, baka nagtatampo na siya sakin. Kahit sabihin niya lagi na naiintindihan niya, alam kong may parte sakanya na nalulungkot siya.

Bigla ko rin naiisip, paano kapag kinasal na kami? Baka maging workaholic naman ako at hindi na siya maasikaso bilang asawa niya? Paano kapag nag ka anak na kami, baka hindi ko magawang maging ina sa mga anak ko? Alam kong malaki na ang sinisweldo ni Dylan sa trabaho niya pero ayoko naman na hindi rin ako kumakayod para sa pamilya namin, pero alam kong sasabihin niya na maging house wife nalang ako. Hayst bahala na hindi pa nga siya nag po-propose ang dami ko na agad iniisip. Para akong si Lia na atat na atat narin maikasal. Mabuti at hindi gaano ka traffic kaya nakauwi agad ako ng bahay.

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sakin si Mama habang umiinom ng tubig.

"Ma gising pa po pala kayo, pasensya na po ginabi ako galing pa po kasi ako sa shop tsaka Bridal Shower namin ni Lia" Paliwanag ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"Ayos lang anak naiintindihan ko. Mukhang pagod na pagod ka nga ah, sayang at hindi mo naabutan si Dylan dumalaw siya dito pero sabi ko wala ka pa. Alam kong mawawala agad ang pagod mo pag nakita mo siya" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pumunta si Dylan dito?

"P..po? Bakit daw po siya napadaan dito?" Tanong ko.

"Gusto ka lang niya kamustahin...nagbiro pa nga na mag po-propose na daw siya dapat ngayon sayo pero wala ka pa. Matagal tagal din siya nag intay dito pero sabi niya masyado ng gabi at baka daw nakaka abala na siya samin ng Papa mo kaya umuwi na siya" Paliwanag ni Mama kaya kumunot ang noo ko.

Kainis naman! Bakit hindi niya tinotoo yung biro niya? Napasimangot tuloy ako at natawa naman bigla si Mama.

"Na dissapoint ka ba anak? Ayos lang yon siguro hindi pa talaga ngayon ang tamang panahon para yayain ka niya magpakasal. Tsaka diba sabi naman niya malapit na, magtiwala ka lang sa salita niya anak ang isipin mo sa huli... ikakasal kayo" Sabi ni Mama at linapitan ako para himasin ang buhok ko. Napabuntong hininga naman ako.

"Alam ko naman po yun Ma, pero para na kasi siyang sirang plaka sa 'malapit niya eh... malapit na talaga ako mapagod kakahintay ng proposal niya. Pag hindi na ko nakapagpigil ako na magyaya sakanya" Sabi ko at muling humalakhak si Mama.

"Anak mahalay sa babae ang siya ang magyaya ng kasal, bukod sa batas ng angkan natin na buong respeto dapat hingiin ng ating makaiisang dibdib ang ating kamay ay tradisyon na ng karamihan na lalaki ang magaalok ng kasal. Maaaring yoong iba ay yoon nga ang ginagawa, pero nababase naman ito sa tao o dahilan" Aniya.

"May punto po kayo don Ma. Sige ho magpapahinga na po ako marami pa po ako aasikasuhin bukas. Magpahinga narin po kayo Mama" Ani ko at hinalikan siya sa pisnge.

Pumasok na ko sa kwarto at linapag sa lamesa ang bag ko. Dumaretso agad ako sa banyo para maligo at mag toothbrush. Habang pinapatuyo ko ng twalya ang buhok ko ay sinubukan ko tawagan si Dylan. Naka ilang tawag na ko pero nag ri-ring lang ito at walang nasagot.

Nagtatampo na ata talaga siya sakin. Kailan kaya ako makakabawi? Anong klaseng pagbawi ang gagawin ko? Ayoko naman ng cheesy, ayoko rin na parang jeje... ayoko rin naman nung in a seductive way, baka kung saan pa kami mapunta. Gusto ko yung simple lang at puno ng sinseridad.

Tinext ko nalang siya, sana basahin niya.

TO: HUN

Hun, I'm sorry kung nawawalan na ko ng time para sayo, I'm really trying my best to free up,my schedule but since the grand opening of the shop is near I'm too hectic in time. Don't worry babawi ako sayo promise. I love you

Humiga na ko sa kama at dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako agad.

***

Alas otso na ng umaga ng magising ako, kaagad ako naligo at nag ayos ng sarili. Habang naglalagay ako ng hikaw sa tenga ay nakalinya na lahat sa isip ko ang mga gagawin ko, iniisip ko pa lang nasakit na ulo ko. Kailangan ko ng maraming tasa ng kape ngayong araw. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto pababa sa dining.

Saktong hinahanda na ni Mama ang almusal namin, si Papa ay naka upona habang nagbabasa ng dyaryo. Agad sila napalingon ng makita ako. Mukhang ang ganda ng umaga nila.

"Magandang umaga anak, ang ganda ganda mo talaga" Pagpuri sakin ni Papa. Napangiti naman ako at lumapit sakanya para halikan siya sa pisnge.

"Kayo po talaga Papa ang aga aga binibola niyo ko. Magandang umaga din po, mukhang ang saya saya niyo ngayon may okasyon ho ba o may exciting kayong nalalaman? Share niyo naman po sakin" Pagpuna ko at tumawa naman sila pareho ni Mama.

"Wala naman okasyon anak, bakit kailangan ba may okasyon o dahilan para maging masaya? Narinig ko sa radyo na maganda ang panahon ngayon kaya natural lang na dapat maganda din ang araw nating lahat" Pagdadahilan naman ni Mama kaya napatango naman ako.

Umupo na ko at kumuha na ng pagkain. Kahit naman na madami ako trinatrabaho ay hindi ako nagpapalipas ng gutom. Habilin din kasi sakin nila Mama at syempre ni Dylan.

"Kamusta na po kaya si Lia ngayon? Sigurado ako nagbubuga na ng apoy yon ngayon, hindi niya lang alam ang totoong dahilan ng pag alis ni Kuya Evan ay pakakasalan na siya nito ngayon sa Bohol. Gusto ko sana siya samahan papunta doon kaso hindi ko maiwan ang trabaho ko dito" Ani ko habang kumakain ng pandesal.

"Masaya ako para sakanila Hazelle, sa wakas ay nahanap na ng Kuya mo ang babaeng habang buhay niya makakasama at mamahalin. Gustuhin man namin masaksihan ng Papa mo ang kasalan nila ngunit nag aalala ang Kuya mo na baka mapagod lang kami sa byahe, ipapanood na lang daw niya sa amin ang video ng kasalan nila pati ang mga litrato" Sagot naman ni Mama.

"Nagagalak na ko na makita ang apo natin sakanila, binalaan ko na si Evan na huwag namang isang dosenang apo ang ibigay niya sa atin Mahal, alam mo naman ang lalaking yon. Tsaka magkakaroon pa naman tayo ng apo sa ating uniqa iha... hindi Hazelle?" Nasamid naman ako bigla sa sinabi ni Papa.

Hindi pa nga ko inaalok ng kasal apo na agad nasa isip nila?

"P..Papa naman syempre po Oo, p..pero hindi pa po sa ngayon. Alam niyo naman na hindi pa po nag po-propose sakin si Dylan" Sagot ko habang pinupunasan ang bibig ko.

"Alam ko naman yon anak, hindi ko naman kayo minamadali. Tsaka alam ko na malapit na siya mag propose sayo, kaunting tiis nalang anak. Intindihin mo na lamang siya kung naiinip ka na, gusto niya lang talaga masiguro na ma pasasagot ka niya ng Oo sa oras na hingiin na niya ang kamay mo" Ani naman ni Papa kaya napangiti ako.

"Hindi ho ako mapapagod na maghintay sakanya... buo ang tiwala ko na darating ang araw na yon. Sige po Ma at Pa mauna na po ako marami pa po akong gagawin" Pagpapaalam ko sakanila.

"Siya nga pala anak, pagtapos mo sa trabaho dumaan ka muna sa bahay nila Drianne, may ibibigay daw siya sayo at importante yon" Habilin sakin ni Mama kaya tumango ako. Lumabas na ko ng bahay at sumakay sa kotse ko. Ano kaya ang ibibigay sakin ni Ate Drianne? Mabuti narin siguro na dumalaw ako don para makamusta ko rin ang pamangkin ko, papasalubungan ko narin siya ng damit na galing sa shop ko, pati sandals na sigurado ako magugustuhan niya.

Nakarating na ko sa opisina at agad ako binati ng aking mga empleyado. Katulad nila ay mukhang maliligaya ang mga araw nila, parang hindi hadlang ang katambak naming trabaho sa puno ng kaligayahan ang mukha nila.

"Good Morning po Maam! May nagpadala nga po pala ng kape sa inyo, hindi sinabi kong galing kanino pero sabi sabi special daw po. Grabe Maam ano na po kaya nangyayari sa kasal nila Maam Lia at Sir Evan noh? Hayst sana oll nalang po ako" Bungad sakin ng aking sekretarya na si Maidelyn, Maidelyn Bochoa ang buong pangalan niya, 27 years old at nakatira sa Tondo Manila. Lumaki siya sa mahirap na pamilya pero hindi ito naging hadlang para hindi siya magtapos ng pag aaral, sa ngayon ay working student siya at graduating na siya ngayong taon. Humahanga ako sa kasipagan niya.

"Good Morning Maide, pakisabi nalang sa nagbigay ng kape ay salamat. Kahit ako ay sobrang saya para kela Lia at Kuya Evan, sa dami ng hirap na pinagdaanan nila, deserve nila ang saya at pagmamahal na nararamdaman nila ngayon. Ano ka ba sa ganda at talino, idagdag mo pa ang kasipagan mo maraming lalaki ang magkaka gusto sayo... hintayin mo lang si Mr. Right darating din siya" Ani ko at tumawa naman siya na parang kinikilig.

"Salamat po Maam, sana nga po dumating na siya, ilang taon nalang po nasa 30s na ko pero hanggang ngayon wala parin akong boyfriend, hayst paano kung maaga ako mag meno pause? Paano pa kami mag kaka anak?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba huwag ka nga magmadali, tsaka bata parin naman ang 30s ah? Huwag ka ngang nega dyan, magtrabaho ka nalang" Sabi ko at tumango naman siya.

Pumasok na ko sa personal kong opisina at umupo sa swivel chair. Binuksan ko na ang computer ko at nagsimula ng magtrabaho.
Nakita ko naman ang cup ng kape at napangiti ako ng may smiley face itong nakasulat at heart pa ang hugis ng mata nito. Ininom ko na ito at tamang timpla ng kape ang lasa. Napatingin naman ako sa labas ng makitang nag kakagulo ang empleyado ko. Kaagad ako lumabas at nakitang nagsasagutan sila Jonathan at Maidelyn. Nakita ko pa na basag ang salamin ni Maide.

"Ikaw lalaki ka sabi ng busy si Maam Hazelle kaya hindi ka pwede pumasok sa opisina niya! Tsaka ano ba kailangan mo sakanya? May dala ka pang bulaklak para sabihin ko sayo taken na ang boss ko kaya hindi mo na siya pwede ligawan! Tignan mo pa tong ginawa mo sa salamin ko, alam mo bang simula bata ko pa to gamit tapos ikaw lang ang magsisira? Paltan at bayaran mo to kung hindi ipakukulong kita!" Sigaw sakanya ni Maidelyn.

"Sino ka bang babae ka? Ka ano ano ka ni Hazelle? Katulong? Janitress ka ba dito? Ah alam ko na security guard? Tsaka kilala ako ng boss mo sigurado akong mapapagalitan ka niya kapag nalaman niya ang ginagawa mo sakin ngayon. And this flowers? Pinabibigay lang to ng kaibigan ko na BOYFRIEND niya sakin. About your glasses, its not my fault na nabasag yan, ikaw ang bumangga sakin and you don't have a right to put me in jail" Sagot naman ni Jonathan kaya lalo naningkit ang mata ni Maidelyn.

"Maidelyn, Jonathan tumigil nga kayo nakakahiya sa iba" Pagpigil ko sakanila kaya pareho naman sila napalingon. Kaagad ako lumapit sakanila at humawak naman sa braso ko si Maidelyn.

"Maam kasi po yang lalaking yan, binangga ako kanina kaya ito po nabasag ang salamin ko. Tsaka malay ko ba na Boyfriend niyo po pala galing yong bulaklak na dala niya? Tsaka kilala niyo po pala siya, pasensya na po alam ko po kasi na busy kayo kaya ayoko po maistorbo kayo" Paliwanag ni Maide.

"Its okay Maidelyn, Jonathan sana sinabi mo nalang sakin na may balak ka pala pumunta dito. I'm sorry hindi alam ni Maidelyn na kaibigan kita, She's not one of anything that you said earlier... she's actually my Executive Secretary. About your glasses Maide, ako nalang ang magbabayad nyan, your my employee and you are my responsibility. Thank you for visiting Jonathan and pakisabi narin kay Dylan na salamat sa bulaklak" Ani ko at kinuha na kay Jonathan ang bulaklak.

"So your Secretary, I'm sorry if I've mistaken. And even if I'm really not the one who broke your glasses, I will still replace it. I'm sorry for causing a trouble Hazelle, makakarating kay Dylan ang mensahe mo. I'll be going then" Paalam ni Jonathan. Nginitian ko siya at tinanguan.

"S..Sandali" pigil sakanya ni Maidelyn.

"M..may sugat ka sa kamay, nahiwa ata sa hawak ko na folder kanina. Punta tayo sa clinic para gamutin yan, P..pasensya narin pala sa mga sinabi ko kanina" Ani ni Maidelyn.

Tinignan naman ni Jonathan ang kamay niya at ngumisi ito.

"Its okay, saan ang clinic niyo?" Sagot ni Jonathan. Tumingin naman sakin si Maidelyn, hinawakan ko ang braso niya at nginitian siya.

"Samahan mo siya sa clinic, mag usap nalang tayo ulit mamaya" Sabi ko at tumango naman siya.

***

Maidelyn's POV,

Sinamahan ko si Jonathan sa clinic. Kaagad ko siya pinaupo sa kama at kinuha ko na ang first aid kit sa cabinet. Tumabi ako sakanya at kinuha na ang bulak at betadine.

"A..Akin na yung kamay mo" Sabi ko sakanya at binigay naman niya yun sakin, dahan dahan ko nilagay sa sugat niya ang bulak... alam ko kasi na mahapdi yon.

"Your a working student huh? Interesting" Bigla niyang sambit habang nakatingin sa I.D ko, Pagkatapos ko kasi magtrabaho dito ay nadaretso na ko sa school.

"Uhm Oo. Hindi kasi sapat yung kinikita nila Mama para makapag aral ako kaya ako mismo ang nagbabayad ng tuition ko. Mabuti nalang at nakakuha ako ng scholarship" Paliwanag ko at kumuha na ng band aid para ilagay sa sugat niya.

"Your hardworking, no wonder na tinanggap ka ni Hazelle dito. Salamat nga pala sa pag gamot ng sugat ko, tungkol sa salamin mo I'll just call you kung kailan ko papaltan... I'll get your number to Hazelle" Aniya.

"Sige, walang problema. Mauna na ko marami pa kasi kaming aasikasuhin" Sagot ko at tumayo na, pero nagulat ako ng bigla niya hawakan ang kamay ko.

"Makakapag trabaho ka pa ba? Can you still see even without your glasses?" Tanong niya kaya bigla naman ako natigilan. Oo nga pala halos hindi na ko makakita ng hindi ko to suot. Napakagat labi naman ako.

"M..Medyo nakakakita pa naman ako, huwag ka mag alala ayos lang ako medyo okay pa naman yung lens niya kahit medyo basag na" Sagot ko.

"Tsk, don't fool me. Nevermind ngayon ko na papaltan yan baka ako pa sisihin mo pag naaksidente ka. Tsaka malala yang basag ng salamin mo, baka pag tuluyang nabasag yan pumasok pa sa mata mo yung bubog edi nabulag ka" Aniya kaya nanlaki ang mata ko.

Tinanggal ko na ang salamin ko at tinignan ito, ang lala na nga ng sira kahit yung frame sira narin... sobrang luma na kasi nito. Napansin ko naman na kanina pa nakatitig sakin si Jonathan.

"Bakit? May sasabihin ka?" Nagtataka kong tanong.

"Ang ganda mo lalo pag walang salamin..." Sambit niya na ikinagulat ko.

Parang biglang nag init ang pisnge ko sa simabi niya. Ngayon lang kasi may lalaking nagsabi sakin na maganda ako. Tumikhim naman ako.

"K..Kunin ko lang yung bag ko sa cubicle, hinatayin mo nalang ako sa labas" Sabi ko at parang patakbong pumunta ng pinto, pero dahil nga sa hindi ko na suot ang salamin ko ay aninag nalang ang nakikita ko kaya napatid ako sa paanan ng upuan.

Kaagad may sumalo sa bewang ko dahilan para mapapikit ako.

"Tignan mo, tapos ayaw mo pa agad ipapalit yang salamin mo. Ayos ka lang?" Aniya. Dumilat ako at nakita ko ang mukha ni Jonathan, siya nga ang sumalo sa kin. Ang lapit ng mukha niya sakin, kahit hindi ko malinaw nakikita ang mukha niya ay kita ko ang gwapo niyang mukha. Ang kapal ng kilay niya, medyo singkit ang mata, kulay abo ang mata niya, ang tangos ng ilong, at ang pula ng labi niya... ideal type ko sa isang lalaki.

"S..Salamat" Yoon nalang ang nasabi ko at tumayo na. Maglalakad na sana ulit ako pero pinigilan na niya ko.

"Ako na ang kukuha ng bag mo, maghantay ka nalang muna sa may entrance baka maaksidente ka nanaman" Aniya. Tinuro ko sakanya ang cubicle ko at sinunod ko ang sinabi niya, ang gentleman naman pala ng lalaking to... mas lalo tuloy ako na gu-guilty sa ginawa ko sakanya kanina.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na siya at inabot ang bag ko, nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Aalayaan na kita malayo layo yung parking" Aniya kaya naglakad nalang kami papunta sa kotse niya.

Nakarating na kami roon at sumakay na kami sa loob. Nagulat naman ako ng bigla lumapit sakin at inabot ang seatbelt at nilagay ito sa akin.

"S..Salamat" Ani ko at hindi siya nagsalita at pinaandar na ang makina ng kotse.

"Alam mo rin siguro ang planong proposal ni Dylan kay Hazelle ngayon diba?" Bigla niyang sambit kaya tumango ako.

"Oo, lahat ng mga kasamahan ko ay alam kaya nga masayang masaya kami para kay Maam Hazelle. Sigurado naman ako na Oo ang isasagot niya kay Sir Dylan. Hayst sana oll may Mr. Right na" Ani ko at bumuntong hininga. Natawa naman siya bigla.

"So single ka pa pala? Mga nerd nga naman NBSB. Don't be offended but the way you dressed and your braces added with your glasses, people will think and see you like a high school nerd" Aniya kaya nanlaki ang mata ko.

"E..Eh bakit sinabihan mo ko ng maganda kanina kung nerd naman pala tingin mo sakin? Tsaka NBSB? Tama ka don pero dahil yon sa nag po pokus muna ko sa pag aaral ko" Paliwanag ko.

"Maybe I'm just a sweet boy appreciating your beauty. And it doesn't mean that your ugly if someone told or sees you like a nerd, a lot of nerds are pretty... just like you. Your a beautiful, smart, and kind type of nerd. Kahit na sinigawan mo ko kanina, alam kong mabuti kang babae" Sabi niya habang nakatingin sakin. Napatitig naman ako bigla sakanya.

Maidelyn... Siya na ba ang Mr. Right na hinahanap mo?

***

Ano kaya ang espesyal na bagay na ibibigay ni Drianne kay Hazelle?

Ang bagong karakter na si Maidelyn Bochoa, siya na ba ang magiging laman ng puso ng isang Jonathan Aquino?

Si Jonathan na nga ba ang Mr. Right na hinahanap ni Maidelyn?

(Abangan ang kanilang libro)

Salamat po sa walang sawang pagsuporta.
Sana po ay mas abangan niyo pa ang mga susunod na kabanata.

Enjoy Reading :)

-PecheaL

Continue Reading

You'll Also Like

580K 21.1K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3K 97 16
Rianzares Series #1. "Will you please stop chasing me? I don't like that. Ayaw na ayaw ko sa babaeng naghahabol at sa babaeng desperada. Maghanap ka...
763K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...