With All Might

By Thinkerbil

146K 4.5K 733

Tanya Zaccary Fuentabella grow up in a rich and respected family. Her great-great grandfather establish the p... More

With All Might
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Note

Panimula

8.4K 196 40
By Thinkerbil

Zaccarrio

Humagikgik ako habang nagsusuot sa loob ng garden. Tumakbo ako ng tumakbo habang umiindayog ang kulot kong buhok kasabay ng hangin.

"Zaccary! Nakung bata ka talaga! Lumabas ka na riyan, Zaccary!" Tawag ni Yaya Aida.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa. Sumiksik ako sa likod ng mga bulaklak ng gumamela at yumuko habang nagtatago.

"Zaccary! Lumabas ka na at hinahanap ka na ng iyong abuelo! Naghihintay na si Don Zaccarriano sa'yo."

Sumilip ako at nakita si Yaya Aida na pawisan na at humihingal. Ibinaba ko ang kamay ko at suminghap ng hangin. Dahan dahan akong lumabas mula sa likod ng mga gumamela at ginulat si Yaya Aida.

"Yaya!"

"Ay anak ng kalabaw ka!" Tili nito.

Mas lalo lang akong natawa. Napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang pag sakit nito dahil sa kakatawa.

Kinurot ni Yaya Aida ang tagiliran ko. Mas lalo lang akong natawa. Hindi naman kasi masakit ang pagkakakurot niya. Tama lang para parusahan ako. Hindi naman din ako kayang saktan ng kung sino dahil takot lang nilang paiyakin ako.

"Pinagod mo pa ako bata ka! Marami ng bisita at tingnan mo nga 'yang suot mong bestida. Nadumihan na." Lumapit si Yaya Aida saka sinimhot ang tuktok ng ulo ko. "Aba'y saan ka ba nagsusuot at kakaligo mo pa lang, amoy araw ka na naman. Halika na't paliliguan uli kita."

Ngumuso ako habang hinayaan si Yaya Aida na hatakin ako papasok sa loob hanggang sa makarating kami sa'king silid sa ika-dalawang palapag ng aming mansyon.

Pinaliguan uli ako ni Yaya Aida sa bath tub na may gatas. Shinampoo at sinabonan niya din ako ng mamahaling shampoo at sabon. Matapos ay binihisan niya ako ng bago at malinis na kulay pulang bestida.

"Ayan, maganda at malinis ka na uli. Huwag ka ng maglalaro muna sa ilalim ng init ng araw at mangangamoy ka na naman. May mga bisita na ang lolo mo at nakakahiya." Ani Yaya Aida.

"Ano po ba ang meron at kay daming bisita, Yaya?" Tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin.

Abala naman si Yaya sa pag-tirintas ng mahaba at kulot kong buhok. Tinalian niya ito ng kulay pula na ribbon at ng matapos ay ini-spray niya ako ng Victoria Secret's perfume.

"Yaya, tama na po."

"Dapat maganda at presentable ka dahil araw ng Zaccarrio ngayon. Maraming bisita ang Mama at Papa mo pati na sina Don Zaccarriano at Don Zaccarius."

"Ano naman ngayon? Sila naman ang ipinunta ng mga bisita at hindi ako." sagot ko at kinuha ang manika ko sa ibabaw ng lamesa, sa harap ng malaking salamin sa harapan namin.

"Aba'y hindi pwedeng makita ng taga Zaccarrio na hindi ka presentable lalo pa't ikaw lang ang nag-iisang apong babae nila Don Zaccarriano at Don Zaccarrius."

"Ganoon po ba kami ka importante sa mga taga Zaccarrio?" tanong ko habang sinusuklayan ang buhok ni Melody, ang paborito kong manika.

"Ilang beses ko na bang kwenento sa'yo ang kwento ng pamilya mo, Zaccary?"

Umismid ako. "Kahit na po. Wala na naman po sa politika sina Lolo."

Umiling ito saka binaba ang suklay. "Basta, huwag mong kalimutan na isa kang Fuentabella. Hindi ka pwedeng hawakan o kausapin nino. At dapat palagi kang presentable sa mga mata ng tao."

Iyan ang palaging pangaral sa'kin ni Yaya Aida maging nina Mommy, Daddy at Lolo Zaccarrius ko. Ang iba lang sa kanilang lahat ay si Lolo Zaccarriano.

Sinanay na ako simula pagkabata kong paano dapat kumilos sa harap ng mga tao. Kilala kasi ang pamilya ko bilang isa sa pinaka-mayaman at pinaka-respetado sa probinsya ng Zaccarrio.

Zaccarrio... Ito ay pangalan ng probinsya namin na kinuha pa sa ama ni Lolo Zaccarriano na si Lolo Zaccarrio. Apo na ako sa tuhod ni Lolo Zaccarriano. Anak ni Lolo Zaccarriano si Lolo Zaccarrius at anak naman ni Lolo Zaccarrius si Daddy.

Si Lolo Zaccarrio diumano ang unang nagtatag ng probinsya Zaccarrio pagkatapos ng World War II. Siya din ang kauna-unahang Gobernador ng probinsya. Mula sa kanya ay pinasa na ito sa lahat ng lalaki ng mga Fuentabella hanggang kay Lolo Zaccarrius.

Bago may del Carmen at Amante, ang mga Fuentabella ang unang namuno sa Zaccarrio. Pero dahil sa hidwaan nina Luciano del Carmen at Avenido Amante na kapwa mahal na mga estudyante ni Lolo Zaccarriano ay pinatigil niya sa pagtakbo ang mga Fuentabella sa politika. Hanggang sa naipasa na nga ang Zaccarrio sa dalawang kilalang pamilya.

Bukod sa kilala ang aming pamilya sa mga nagawa at na establish namin dito sa probinsya ng Zaccarrio, kilala din kami bilang nagmamay-ari ng malawak na lupain. Bawat bayan ng Zaccarrio ay may pinanghahawakan na titulo ng lupa ang mga Fuentabella.

May dalawang anak si Lolo Zaccarriano, sina Lola Zaccarriana na ang buong pamilya ay nakatira na isa iba't-ibang panig ng mundo at may sarili ng mga pamilya at negosyo. Si Lolo Zaccarrius lang ang nanatili dito sa Zaccarrio.

Dalawa naman ang anak ni Lolo Zaccarrius at pawang mga lalaki. Si Daddy ang panganay at dalawa din kaming magkapatid, ako at si Kuya Zac. Ang kapatid naman ni Daddy ay si Tito Zaccarrius III at may dalawa naman siyang anak na puro mga lalaki. Lahat ng naging apo ni Lolo Zaccarriano at Lolo Zaccarrius ay puro lalaki at ako lang ang nag-iisang babae kaya doble ang pagbabantay sa'kin.

Maswerte ako dahil kailanman ay hindi ako nakaramdam ng hirap. Puro masasarap ang pagkaing nakakain ko araw-araw. Lahat ng gamit at damit ko ay mga mamahalin at imported. Daig ko pa ang isang prinsesa.

Pero sa likod ng karangyaan ng buhay ko, pakiramdam ko ay may kulang parin sa'kin. Hindi sa nagrereklamo pero lahat ng gusto ko ay nakukuha ko ng walang kahirap-hirap pero ang isang bagay na gustong-gusto ko ay tila isang bituin sa kalangitan na kay hirap abutin.

Kalayaan...

Dahil sa pagiging Fuentabella, maraming bagay akong hindi nagagawa. Katulad nalang ang makipagkaibigan. Ipinagbabawal sa'kin na makipagkaibigan sa kung sino maliban nalang kung aprobado nila Mommy, Daddy at Lolo Zaccarrius. Hindi din ako pwedeng makipaglaro sa putik o makipaglaro ng normal tulad ng ibang bata.

Dapat bawat kilos ko ay mahinhin at may diksyon. Ni hindi ako pwedeng dumura sa kung saan at kung tatawa man, dapat takpan ko ng panyo ang aking bibig.

Nasa twentieth century na ako pero para parin akong nasa panahon ng kastila kung mamuhay.

"Hija, halika rito at may ipapakilala kami sa'yo." malumanay na sabi ni Mommy pagkababa ko sa engradeng hagdan namin.

Ngumiti ako at tumakbo pero agad akong sininyasan ni Mommy na magdahan sa pagkilos. Ngumuso ako at naglakad ng maayos saka lumapit sa kanila ni Daddy.

"Iyan na ba ang unica hija niyo, Veronica?" tanong ng isang matanda na may kumikinang na kwentas ng diyamante sa leeg.

"Opo, Madam. Zaccary, bumati ka sa ating bisita, siya si Donya Heliria Amante." Ani Mommy.

Nag bow ako at ngumiti. "Magandang umaga po."

Marahang tumawa iyong matanda. Nilingon nito ang nasa likod at lumapit naman ang isang batang lalaki.

"Magandang umaga hija. Kay ganda mong bata. Batid ko na paglaki mo ay mas gaganda kang isang dilag." anang matanda.

"Kayo talaga, Madam." ngumiti si Mommy.

"Oh, iyan na ba ang apo mo?" tanong naman ni Daddy.

Napatingin ako sa batang kasama ni Madam Heliria. Tumango at ngumiti naman ito.

"Ito pala ang apo ko, si Hercules. Hercules, greet the Fuentabellas."

Magalang na yumuko ang batang lalaki. Batid ko ay mas matanda siya sa'kin ng ilang taon. Matangkad kasi ito at may mahabang buhok na hanggang balikat. Ang labi niya ay kurbado at natural na mapupula. Makapal ang kanyang kilay at sakto naman itong bumagay sa itim niyang mga mata.

Namangha ako sa mukha niya na hindi ko namalayan na kanina pa ako nakatitig at naka awang pa ang aking bibig.

Itinikom ko ito at nag iwas ng tingin ng tumitig din siya sa'kin. Pakiramdam ko'y nag init ang pisngi ko dahil nahuli niya ako.

"Good morning Ma'am Veronica." anya kay Mommy at nag mano. "Good morning Senyor." nagmano din siya kay Daddy saka siya tumingin sa'kin at nag lahad ng palad.

Suminghap ako at humigpit ang paghawak ko sa dalawang kamay ko. Marahil napansin ito ni Mommy kaya hinawakan niya ang balikat ko.

"It's okay, Zaccary. Hercules is a good boy. You can be friends with him. Come on, accept his hand my dear." ani Mommy.

Tumingin pa ako kina Mommy at Daddy at ngumiti naman sila saka tumango.

Binalik ko ang tingin sa batang ang pangalan ay Hercules. Kinakabahan man ay nag abot din ako ng palad at tinanggap ang kamay niya.

"Hello..." I said in my shaking voice.

Tipid itong ngumiti. "Hello, Zaccarry. You can simply call me Hex."

Pagkatapos ng pagkamayan namin noon ay naging malapit kami ni Hex. Lagi ko na siyang nakikita sa bahay lalo na kapag may party. Pero sa tuwing dadalo din ang del Carmen, hindi nagpapakita ang mga Amante.

Magulo nga ang mundo ng politika pero kahit papaano ay napanatili parin ni Lolo Zaccarriano ang pakikipag-kaibigan sa dalawang pamilya.

"Lolo!" Tumakbo ako kay Lolo Zaccarriano na ngayon ay naka upo sa rocking chair niya at naka tingin sa malawak naming lupain mula dito sa aming teresa sa ika-dalawang palapag ng aming bahay.

"Zaccarry..." Tumawa si Lolo at niyakap ko naman siya.

"Bakit po kayo nakatulala sa tanawin lolo?" tanong ko at umupo sa hita niya.

Kulubot na ang balat ni Lolo, tanda na matandang-matanda na siya. He is already 95 years old while I'm just 7.

"Wala, marami lang akong alaala sa tanawing ito." anya at ngumiti.

"Ano naman po 'yon, lo?"

Mas close ako kay Lolo Zaccarriano dahil sa lahat ng pamilya ko, siya lang and hindi mahigpit at strikto. Mababait naman ang pamilya ko pero hindi naaalis na may mga ugali ding hindi maganda. Mahigpit at strikto si Lolo Zaccarrius na namana ni Daddy. Si Mommy naman ay mataray at maarte. Ganoon din ang ugali ni Tito Zaccarrius III o mas tinatawag kong Tito Arius. Ang asawa naman niya na si Tita Dahlia e matapobre at masungit. Halos lahat sila e mapagmataas sa sarili. Kami lang yata ni Kuya Zac ang mapagkumbaba katulad kay Lolo Zaccarriano.

"Itong nasa harapan mo, Zaccarry... Lahat 'yan ipapamana ko sa'yo."

Wala akong masyadong maintindihan sa sinabi ni lolo dahil sa murang edad ang nasa isip ko lang naman ay puro laro.

"Alin po diyan, lolo? Iyan po bang puno ng manga?"

Natawa naman si lolo sa sinabi ko. Napasimangot ako habang tinitingnan ang malawak na lupa sa harapan namin.

"Iyong kalabaw po ba, lo?"

Mas lalong natawa si lolo. Natatakot na akong manghula dahil baka atakihin siya sa puso sa sobrang pag tawa.

Tumahimik nalang ako at tiningnan ang papalubog na araw.

"Ang ibig kong sabihin, lahat... Lahat ng nakikita mo sa harapan mo Zaccarry ay ipapangalan ko sa'yo."

Namilog naman ang mga mata ko. "Papangalanan niyo po ng Zaccarry iyong kalabaw at puno ng manga, lolo?"

Umiling at tumawa uli si lolo. Nagmaktol na ako at wala talaga akong maintindihan.

"Balang araw, kapag nasa tamang edad ka na Zaccarry, gusto kong pangalagaan mo ang lupain natin sa Zaccarrio. Aalis ka man pero gusto kong bumalik ka at dito ka tumira. Gusto kong ikaw ang magmana ng lahat ng mayron ako." ani Lolo Zaccarriano.

"Eh paano po si Lolo Zaccarrius? Si Daddy? Si Tito Arius? Lahat po ng anak at apo niyo pati sa tuhod?" tanong ko.

Ngumiti uli si lolo at inihilig nito ang ulo ko sa balikat niya.

"Mayron din naman..." anya. "Ngunit itong lupa sa Almendra ang ipapamana ko sa'yo. Lahat ng mayron ako dito ay magiging iyo."

"Talaga po?"

Tumango naman siya at pumikit. "Ang bayan ng Almendra ang naging buhay ko. Lahat ng pinaghirapan ko noon ay dito ko ibinuhos. Kaya ang Almendra ang may pinakamalaking pagmamay-ari ko."

"E bakit niyo po sa'kin ibibigay?"

"Dahil alam kong mamahalin mo rin ang lupa natin dito tulad ng pagmamahal ko dito. Alam kong hindi mo pababayaan ang Hacienda Fuentabella at ang mansyon."

"Bata pa po ako lolo. Paano ko po ito aalagaan e hindi nga po ako marunong paliguan ang sarili ko."

Humalakhak uli si lolo. "Pagdating ng panahon e matututo ka rin. Kaya pwede ba, Zaccarry?"

"Ano po 'yon, lo?"

"Pwede mo bang ipangako sa'kin na mamahalin at aalagaan mo ang Hacienda Fuentabella at ang mansyon? Ipangako mo sa'king hindi mo iiwan ang lupa natin sa Zaccarrio?"

Humiwalay ako kay Lolo at pinakatitigan ang kulubot niyang mukha.

"Bakit niyo po 'to sinasabi sa'kin ngayon, lolo?"

"Mangako ka sa'kin Zaccarry... Ito lang ang tanging huling hiling ko bago ako sumama sa Lola Hermina mo."

Wala man akong masyadong naintindihan sa gustong ipahiwatig ni lolo pero buong puso at tapat akong tumango.

"Opo, Lolo... Pangako po."

Ngumiti si Lolo. "At ipangako mo rin sa'king lalaki ka bilang Tanya Zaccary Fuentabella."

"Lo, lalaki naman po talaga akong bilang ako. Hindi po ako magiging tomboy." biro ko.

"Ang ibig ko'y lumaki ka na sinusunod ang dikta ng isip at puso mo... Ipangako mo sa'kin na lalaki kang papaniwalaan mo ang sarili mong prinsipyo."

Tumango ako sa sinabi ni Lolo Zaccarriano. "Pangako po, lolo."

Wala man masyadong naintindihan pero isinaulo ko ang huling mga sinabi niya. Dahil pagkatapos ng pag-uusap namin noon sa harap ng papalubog na araw, tuloyan ng namaalam sa lupang sinilangan niya si Lolo Zaccarriano.

Continue Reading

You'll Also Like

129K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
53.8K 1K 49
An Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad r...
173K 5.5K 43
Being ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the b...