Unknown Universe

By ihrskye

1.8K 57 93

Living in space is magical . . . Rhae is a high school girl who is very curious about astronomy -- about the... More

Dedication
Epigraph
First
Second
Third
Fifth
Sixth
Seventh
Eighth
Ninth
Tenth
Eleventh
Last
Note

Fourth

86 2 5
By ihrskye


"SAAN nanggaling pangalan mo?" tanong ko kay Keigo na nasa tapat ko. Kumuha muna ako ng slice of pizza sa pizza na nasa table sa pagitan namin habang nag-aantay ng sagot niya. Nakabalot ang pizza, nakadikit sa lamesa para hindi lumutang. Lahat ng pagkain dito ay naka-package at nakabalot. Sa lamesa, may mga tape para dumikit doon ang mga pagkain at hindi lumutang.

Inihulog ko ang slice of pizza na hawak ko, pero hindi siya nahulog! Lumutang siya! Ang cool, 'di ba? Dati sa videos ko lang napapanood ang mga 'to—'yung tipong lumulutang ang mga pagkain sa space, tapos ngayon ako na mismo ang gumagawa.

Kinuha ko ang slice of pizza na lumulutang, saka kumagat doon. May orasan dito sa spaceship, Philippine time pa rin ang sinusunod namin. Ang galing nga nung clock, digital tapos ang laki ng size. Sa may control/communication system nakalagay.

Bale, gabi na dito't naghahapunan kami ng pizza. Kasalukuyan kaming nasa kitchen/dining room. In-oven muna namin ang pizza bago kainin para mainit. Walang ref dito, kaya ang mga pagkain namin ay nakalagay sa locker trays. Ang cool, may mga pinipindot sa machine, ang galing. May kanin din na nakalagay sa locker trays, pero sabi ko pizza na lang ang gawin naming hapunan. Kasi una: nag-c-crave ako sa pizza. Pangalawa: feeling taga-ibang bansa kasi ako. Sa ibang bansa kasi—sa America kung saan doon nakatira ang tita ko, hindi sila masyadong nagkakanin. Hindi tulad sa Pinas na may kanin sa almusal, kanin sa tanghalian, kanin sa hapunan—may kanin lahat.

"Nagsisimula sa R pangalan ni Papa, kaya R din nagsisimula pangalan ko," kwento ko kay Keigo, saka kumagat ulit sa pizza ko. Hindi ko alam kung bakit Rhae ang sinabi kong pangalan sa kaniya. Mas kilala naman talaga ako as Abby. Pero siguro kasi . . . gusto ko Rhae ang gamitin kong pangalan kung maging astronaut man ako in the future—na sobrang imposible dahil hindi naman kami mayaman. At siguro din kasi, gusto ko iba ako kapag nasa space, at iba rin kapag nasa Earth. At ewan . . . siguro gusto ko ring makilala niya ako bilang Rhae, hindi bilang Abby.

"Sa Japanese," sagot ni Keigo, saka kumuha rin ng slice of pizza.

"Anong Japanese?" tanong ko't nilagyan ng ketchup ang pizza ko. Ang galing kasi parang naging solid 'yung ketchup habang ibinubuhos ko, pero malambot. Parang jelly ang hitsura habang ibinubuhos ko sa pizza ko, ganoon yata talaga ang hitsura kapag lumulutang ang ketchup.

Tumingin sa akin si Keigo. Kumagat muna siya sa pizza niya bago sumagot, "Respectful language."

Napatango-tango na lang ako kahit hindi ko naman talaga gets. Bakit ba kasi ang iksi niya sumagot? "Keigo . . . oo nga, 'no? Parang Japanese," sabi ko. "Mahilig siguro sa anime family mo."

Hindi siya sumagot, kumagat lang ulit siya sa slice of pizza niya, saka tinitigan ang pizza na nasa mesa.

Ang tahimik talaga niya! Paano ko kaya siya mapapadaldal?

"Pero parang may similarity din 'yung Keigo sa Keid," sabi ko sa kaniya. "Pangalan 'yon ng star. Ang ganda, 'di ba?"

Tumango lang siya, hindi pa rin inaalis ang titig sa pizza na nasa mesa. Napanguso na lang ako't kumagat ng pizza ko. Wala na yata talagang pag-asa na mapadaldal siya.

Pagkatapos naming kumain, tinanong ko siya kung pwede niya akong i-spaceship tour. Pumayag naman siya—P.S. 'yung payag niya, ibig sabihin no'n tango.

At wala na yatang mas c-cool pa sa nakita ko rito sa spaceship! Ang daming rooms dito. Bukod sa may C. R., kitchen/dining room, at control/communication system. May sleeping room din, fire control, maintenance facility, reactor, gym, engine room. Meron ding mga compartment na nakatago't mga vault. At ang cool ng cargo bay! Para bang nagsisilbing storage area't inventory—actually, lahat cool. May library din, at gaming/entertainment room.

At mayroon ding Laboratory Research Room—sabi ni Keigo, sa Papa niya raw talaga 'yung room na 'yon. Scientist daw kasi ang Papa niya. Ang cool, 'di ba? May mga chemical nga roon sa laboratory, siguro gumagawa 'yung Papa niya ng experiment doon.

Tapos may Planetarium/Star Chart Map room kung saan puro connected sa Astronomy ang nandoon, parang astronomy exhibition. Ang ganda pa nga noong malaking solar sytem na figure, pati 'yung milky way galaxy na may mga stars na figure—parang totoo lahat!

At last but not the least, may living room—'yon lang ang nag-iisang room kung saan walang free fall. May gravity doon kung paanong may gravity rin sa Earth! Ibig sabihin, hindi lumulutang kapag pumunta roon. Nung pumunta nga kami kanina ro'n, hindi kami lumutang, at kakaiba 'yung feeling. Sinasanay ko na rin kasi ang sarili kong nakalutang lang. Kaya nung pumunta kami ro'n sa living room, nakalimutan kong may binti pa pala ako na dapat ginagamit sa paglalakad.

Napahikab ako, mamasa-masa ang mga mata ko. Inaantok na ako, pero hindi ako makatulog. Kasalukuyan ako ngayong nakabalot ng sleeping bag, ang sleeping bag ay nakatali sa pader, izinipper ko paitaas sa katawan hanggang sa dibdib ko ang sleeping bag. Nandito ako ngayon sa sleeping room ko, dahil oras na sa pagtulog kung nasa Pilipinas. Madilim dito dahil pinatay ko ang ilaw, pero dahil napapalibutan ng mga glow in the dark stars at moon at planet stickers ang buong pader dito, lumiliwanag. Ang weird kasi hindi nakahiga kapag natutulog dito—parang nakatayo ganun. Wala ring unan at higaan or kama, pero ayos pa rin naman dahil lumulutang ako. Sa paglutang pa nga lang, parang nakakapagpahinga na kasi hindi na kailangang maglakad.

Pero siguro kasi hindi pa ako sanay. Pinagmasdan ko ang mga glow in the dark moon, stars, planet stickers na nakadikit sa pader sa tapat ko. . . ang ganda. Ang nostalgic.

Pumikit ako para matulog na. Pero maya-maya, ramdam ko na lang bigla ang pagtaas ng mga balahibo ko, namumuo ang mga luha ko. Feeling ko inatake ako bigla ng kalungkutan. Na-h-homesick ako, miss ko na ang bahay . . . at sina mama, papa't ang mga kapatid ko. Kung nasa bahay ako, siguradong nagpupuyat ako kakanood at kakabasa ng Astronomy sa kuwarto, tapos papagalitan ako nina mama dahil late na ako natutulog. Nakaka-miss din pala 'yon.

Naisip ko . . . saan kaya kami pupunta ni Keigo? Dito lang ba kami sa space?

Kailangan kong i-embrace kung paano ang buhay dito sa space—kung paano manirahan dito kasi hindi ko na ulit magagawa ang mga 'to sa Earth kapag nakabalik ako ro'n, pero . . . makakabalik pa kaya akong Earth? Napabuntong-hininga na lang ako.

Maya-maya, nang hindi pa rin ako makatulog. Nag-decide na akong bumaba muna sa sleeping bag ko't lumabas ng sleeping room ko. May tatlong sleeping room dito, kay Keigo ang isa—'yung katabi kong room. Sarado ang pinto ng sleeping room niya, baka tulog na siya. 'Yung pinto ng mga sleeping room namin ay 'yung normal na pinto, 'yung binubuksan at sinasara, hindi siya 'yung automatic na parang sa elevator.

Kapag lumabas ka ng sleeping room, ang sasalubong sa 'yo ay ang kitchen/dining room.  Umupo ako sa upuan, pero hindi actually upo dahil lumulutang talaga ako. Nakakatuwa nga, parang hindi rin kasi nagagamit ang mga upuan dito dahil hindi naman kami nakakaupo talaga. Nag-iisip-isip lang ako, nakatulala. Nakalutang na nga ako, tapos lutang pa ang isip ko.

Maya maya, dumating si Keigo, pero hindi siya galing sa sleeping room niya.

Pumunta siya sa machine kung saan nandoon ang mga drinks. Napabuntong-hininga na lang ako, iinom yata siya—hindi ko alam kung ano. Habang naghahanda siya ng iniinom niya ro'n, nagsalita siya, "Pupunta tayo sa ISS."

Tumango ako kahit hindi naman niya ako makikita dahil nakatalikod siya sa akin. "Cool . . . kaso . . . ewan."

ISS. International Space Station—orbiter siya, kung saan located siya sa low Earth orbit. Isang habitable artificial satellite mula sa mga space agencies—NASA (United States), Roscosmos (Russia), JAXA (Japan), ESA (Europe), at CSA (Canada). Collaborative project nila gano'n.

The fact na ginawa 'yon ng homosapiens—nating mga tao, ay cool. Ang talino nila, hindi natin sure ano nang next na maiimbento.

Itinuturing ang space station na space habitat. Dahil pwede ka roon tumira hanggang kahit kailan mo gusto—e 'di parang nakatira ka na rin sa space. Science laboratory 'yon, na tumutulong sa mga tao na matuto kung paano manirahan sa space. At kung paano rin nakakaapekto ang space environment sa mga tao. Umiikot 'yon sa Earth since 1998. Sabi raw, kapag may clear night skies ka, pwede mong makita ang ISS sa langit. Mukha raw siyang bright star—na gumagalaw ng mabilis sa langit, bigla bigla na lang sumusulpot at nawawala. Iniisip ko tuloy, posible kayang ISS 'yung nakita ko kanina habang naglalakad ako pauwi ng bahay? O star talaga? Ang cool isipin mapa-star man o mapa-ISS.

Pangarap ko na talagang makapunta sa ISS dati pa, doon ko rin halos napapanood ang mga videos about sa space dahil kadalasan nandoon ang mga astronauts naninirahan at nagtatrabaho. Pero dahil malungkot ako ngayon, hindi ko feel ang pagka-excite.

Tinitingan ko ang mesang may mga tape, tila ba nag-s-space out. "Keigo . . . 'di mo ba naiisip family mo? 'Yung mga naiwan mo sa Earth?"

Naiangat ko ang tingin kay Keigo nang bigla siyang pumwesto sa tapat ko't inabutan ako ng isang beverage/drink pouch ng iniinom din niyang color brown na mainit, transparent ang pouch. Sa space, ito talaga ang gamit namin pang-inom. "Thank you," sabi ko't kinuha 'yon sa kaniya. Ang bait din naman talaga ni Keigo, hindi naman niya ako kailangang bigyan porke umiinom siya ng kaniya, pero binigyan niya pa rin ako.

Hinigop ko ang inumin gamit ang straw no'n para tikman, masarap sa pakiramdam, mainit sa lalamunan. "Masarap, ano 'to?"

"Tsaa," sagot niya't hinigop din ang kaniya.

Napatango-tango ako, saka nagbuntong-hininga't tinitigan ang mesa.

"'Wag mo muna sila isipin." Naiangat ko ang tingin kay Keigo nang sinabi niya 'yon, nakatitig siya sa hawak-hawak niyang tsaa na nakababa sa may mesa.

"Ang pamilya ko?"

Tumingin siya sa 'kin. "Pati 'yung mga naiwan mo sa Earth."

Nagbuntong-hininga ulit ako. "Ewan . . . naiisip ko sila bigla . . . ikaw ba?" tanong ko. "Hindi mo ba sila naiisip? O na-m-miss man lang?"

Sumipsip siya ng tsaa niya. "Hindi."

Napatitig ako sa kaniya, pinanood ko siya kung paano niya ibinaba ang tsaa niya sa mesa't shinake 'yon. Iniwas ko ang tingin sa kaniya't tumitig na lang sa sahig. Ramdam ko ulit ang pamumuo ng luha ko. Bakit ganito? Ako lang ba 'yung talagang emotional na madaling ma-homesick kahit wala pang isang araw?

"'Di mo ma-e-enjoy."

Napatingin ako sa kaniya nang sinabi niya 'yon. Nakatingin din siya sa akin, ang ganda ng mga mata niya. "Huh?" taka kong tanong

"'Pag inisip mo sila . . . 'di mo ma-e-enjoy 'tong adventure," sabi niya.

Feeling ko nag-stop ang kaluluwa ko dahil do'n. Natahimik ako bigla. "Alam mo . . ." Tipid akong napangiti. "Tama ka."

Tama siya, kahit ngayon lang na nasa space ako, hindi ko muna sila iisipin. Para ma-enjoy ko 'tong adventure sa space . . . na once in a life time ko lang mararanasan . . . na baka hindi na maulit pa. Nasa space ako ngayon, kaya dapat ang iniisip ko ay tungkol muna sa space, hindi sa Earth. At adventure. Ang gandang pakinggan, 'di ba? Adventure! Adventure rito sa space . . . adventure kasama si Keigo.

"Wait, kelan tayo pupuntang ISS?" tanong ko. "Puwedeng ngayon na?" Sumipsip ako ng tsaa, ramdam ko na bigla ang pagka-excite. "Pagkaubos nito."

Tumango naman siya.

Pagkaubos namin ng tsaa, pumunta kaming control/communication system. Siguro para pumunta ng ISS. Pinanood ko siya habang busy siya sa pagpindot ng mga buttons, nakalutang siya sa may upuan niya sa tapat ng maraming buttons at monitors. Sobrang focus niya.

Napangiti ako. Ngayon ko lang na-realize, cute rin naman siya't pogi—sinasabi ko 'to with no malisya, ah. Pawang objective.

Napatingin siya sa 'kin. Napatitig. Saka ibinalik ulit ang tingin sa pagpipindot ng mga buttons.

Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko. Ano 'yon?! Baka nagtataka siya kung bakit ko siya tinititigan!

Pagkatapos niyang pumindot-pindot doon, pumunta siyang—hindi ko alam ang tawag, pero tatawagin ko na lang siyang airplane room dahil mukhang hitsura ng mga seats sa airplane.


Siyempre sinundan ko siya ro'n sa airplane room. Pa'no, lagi siyang ganun, tipong bigla bigla na lang aalis nang walang pasabi.

Pagkapasok niya sa airplane room, pumunta siya sa tapat ng bintana. Sumunod ako, tumabi ako sa kaliwa niya't sumilip din sa bintana. Feeling ko nag-s-sparkle ang mga mata ko, ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Nasisilayan ko na mula rito ang ISS! Hugis H ang ISS. Pero mas malapad kaysa sa H. Bale, parang ka-shape niya ang dash (—) na may pakpak sa magkabilang gilid. Actually, parang robot ang ISS. Robotics, sobrang modern at technological.

Noong una kong nalaman ang tungkol sa ISS, na-cool-an ako, kasi imagine?! May ganoon palang nag-e-exist sa labas ng Earth. Siguradong ang hirap gawin no'n. At ang tatalino nila dahil naisip nilang gumawa ng gano'n.

"Papasok ba tayo ro'n?" tanong ko, hindi pa rin inaalis ang tingin sa bintana. Papalapit nang papalapit itong spaceship na sinasakyan namin sa ISS!

Ramdam kong tumingin sa akin si Keigo. "Ewan," sabi niya.

Napatingin ako sa kaniya, nakatingin na siya ngayon sa labas ng bintana. "Parang imposible na makapunta tayo sa loob no'n," medyo malungkot kong sabi. "'Di ba kada araw daw yata may seven international crews na nandoon sa ISS, na naninirahan dun at nagtatrabaho. E 'di kapag pumasok tayo sa loob, mahuhuli tayo."

Tumango siya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa bintana.

Ibinalik ko na lang ulit ang tingin sa bintana. Tango? 'Yun na 'yon? Ang haba ng sinabi ko, ah? Mas malala pa yata 'to sa seen at like zone. Ni hindi ko nga alam kung para saan 'yung tango niyang 'yon. Na tango-zone yata ako ro'n, ah? Pero hindi ko rin naman siya masisisi.

Tutok na tutok ang mga mata ko nang sobrang lapit na nitong spaceship namin sa ISS, rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. May color white, metallic (silver), gold, black na colors sa ISS. Gusto kong i-record ang moment na 'to.  Na ako—si Rhae ay nakapunta sa space at nakita nang personal at live ang International Space Station! Kaso lowbatt na ang phone ko.

May mga spaceship din na naka-connect sa ISS. For sure 'yun ang mga spaceship ng mga astronaut na nasa loob ng ISS ngayon. Napangiti ako.

"Iikot 'tong spaceship natin sa ISS," sabi ni Keigo.

Tumango ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa ISS mula sa bintana. Isip isip ko, na-tango-zone ko rin siya.

Malakas ang tibok ng puso ko, nakanganga na yata ako rito. Sobrang lapit na talaga namin sa ISS na sobrang kita ko na ang hitsura—katapat na namin. At ang cool  . . . ang ganda. Feeling ko naka hugis 'o' na ang bibig ko. Sobrang robotics talaga, mapapaisip ka na lang kung totoo ba 'to.

Napalingon ako kay Keigo, nakatingin siya sa bintana, ang mga mata'y namamangha. Saka ko lang napansin na may nakasabit na camera sa leeg niya, color black.

"Keigo, pwede picture-an mo ako?"

Napalingon naman sa akin si Keigo pagkasabi ko no'n. Tumango siya't hinawakan ang camera na nasa leeg niya. Lumayo siya sa akin para picture-an ako.

"Picture-an mo ako kasama 'yung ISS, p-picturan din kita," sabi ko, saka nag-peace sign sa camera, at ngumiti. Kaagad akong lumapit kay Keigo para tingnan ang picture, ang galing ng camera niya dahil pagka-picture niya sa akin, na-print at na-develop na kaagad 'yung picture. Lumabas mula sa camera! Ito yata 'yung tinatawag nilang instant camera.

Tinitigan ko ang picture, at napangiti. Ang ganda ng kuha niya. Sa picture, nandoon ako sa kaliwa, at sa kanan ko ang bintana, at nandoon ang ISS.

"Ikaw naman," sabi ko't kinuha ang camera mula sa leeg niya. Napatitig siya sa akin saglit, pero pumwesto rin doon sa bintana.

Pipindutin ko na sana ang shutter button, kaso hindi siya nakangiti, naka-poker face lang siya, expressionless. Innocent face pa naman ang mukha niya kaya mukha siyang inosenteng tahimik.

"Ngiti ka naman d'yan," tukso ko kaso hindi pa rin siya ngumiti. Poker face pa rin na nakatingin sa camera, kaya pinicture-an ko na siya. Paglabas nung picture sa camera, inilahad ko 'yon sa kaniya. "Remembrance," sabi ko. "Para maalala mo na ikaw—si Keigo, ay nakita ang ISS mula sa space."

Ngumiti ako sa kaniya, pero nakatingin lang siya sa picture na inilalahad ko, saka kinuha 'yon. Para akong kumakausap sa pipi—pero ayos na rin. At least may kausap.

"Pwede pahiram muna nitong camera?" tanong ko kay Keigo't ipinakita sa kaniya ang camera niya na hawak ko.

Tumango naman siya't tumalikod sa akin para ibalik ang tingin sa bintana. Tumabi ako sa kaliwa niya't sumilip din sa bintana, pinicture-an ko ang ISS mula roon, iba-ibang anggulo dahil kasalukuyang umiikot itong spaceship namin sa ISS. Kada picture ko, ginagawa kong dalawa ang ma-develop para may kopya rin siya.

Matapos kong picture-an ang ISS mula sa bintana. Niyaya ko si Keigo, "Picture tayo."

Humarap naman siya sa camera, sa likod namin ay ang bintana—kumbaga, ang ISS na nasa labas ng bintana ang magiging background picture namin. Pagkahila ko ng selfie stick sa camera, (ang galing, 'di ba? Camera na may sariling selfie stick) ngumiti ako't nag peace-sign.

Paglabas ng picture, kaagad kong tiningnan 'yon. Ako nasa kaliwa, nakangiti na naka-peace sign—at 'yung mga mata ko ang singkit, sinadya ko talaga gawing singkit 'yon, iyong tipong halos nakapikit na. Si Keigo na naka-poker face lagi ay nasa tabi ko. At sa tabi naming dalawa sa bandang kanan ay ang bintana, kung saan nandoon ang ISS. Napangiti na lang ako.

Noong gabing 'yon, bago matulog, dinikit ko ang mga picture sa notebook ko. At nagsulat doon.


Dear Diary,

Nakikita mo ba 'yang mga picture na dinikit ko? Malamang nakikita mo! (kahit wala kang mata) ALAM MO BA. Nasa space ako ngayon! Ang ganda ng ISS, 'no? Sayang lang kasi bawal kami pumasok doon dahil baka mahuli kami. Tapos mabalita pa 'yon sa news sa Earth, paano na ang adventure namin 'pag gano'n.

Ang cool dito sa space, Diary! Naisip ko tuloy, buti ikaw naniniwala na nandito ako sa space. Kasi totoo 'to, e, ilang beses ko na ring kinurot sarili ko para ma-prove na hindi 'to panaginip. Siguro kapag ibang tao ang sinabihan ko, hindi sila maniniwala. Pero ikaw naniniwala. At masaya ako na naniniwala ka . . . na may naniniwala sa akin.

Nakikita mo rin ba 'yung picture na may kasama akong lalaki tapos katabi namin 'yung ISS??!! Si Keigo 'yun! Living anime character na siguro sya. At naniniwala rin siya sa akin, Diary. Kasi parehas kami.

P.S. Alam mo ba, Diary. Space pen ang gamit ko ngayong panulat sa 'yo. Hiniram ko kay Keigo, hindi kasi nakakapagsulat 'pag normal na lapis at ballpen. Ang galing, 'di ba? Tingnan mo na lang din dyaan ang picture, pinicturan ko 'yung itsura ng space ballpen :D

Can't wait maging bukas na! Siguradong may madadagdag na naman ako ritong pictures ng adventures namin at experiences.

Dahil ngayong araw, pumunta akong space . . . kasama ang lalaking sabihin na nating sobrang tahimik, pero mabait.

At ngayong araw, nag-decide rin akong simula ngayon, ididikit ko na rito sa mahiwaga kong notebook ang mga picture ko rito sa space, at magkuwento rin nang konti tungkol sa journey ko rito.

Para pagbalik ko sa Earth, maalala ko, na minsan, sa space, may isang Rhae at Keigo na naglakbay.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...