Pathways of Forever (SERIES 3...

By PecheaL

16.8K 667 172

[BX5 SERIES 3] In this Endless Reality world, you don't know where or when it will lead yourself to a certai... More

Author's Note:
Prologue
Pathway~[01]
Pathway~[02]
Pathway~[03]
Pathway~[04]
Pathway~[05]
Pathway~[06]
Pathway~[08]
Pathway~[09]
Pathway~[10]
Pathway~[11]
Pathway~[12]
Pathway~[13]
Pathway~[14]
Pathway~[15]
Pathway~[16]
Pathway~[17]
Pathway~[18]
Pathway~[19]
Pathway~[20]
Pathway~[21]
Pathway~[22]
Pathway~[23]
Pathway~[24]
Pathway~[25]
Pathway~[26]
Pathway~[27]
Pathway~[28]
Pathway~[29]
Pathway~[30]
Epilogue
Authors Note:
Series 4

Pathway~[07]

390 19 3
By PecheaL


TUBIG LIRYO

Dahlia's (Lia) POV,

"Hayst bakit hindi ako sinasagot ng lalaking 'yon? Galit pa ba siya sa prank ko sakanya kanina?" Sabi ko sa sarili ko habang naghuhugas ng plato. Nagtataka din ako kung bakit palaging gabi na siya umuuwi, palagi niyang sinasabi na nag o-overtime daw siya sa trabaho.

Hindi naman niya kailangan magtrabaho ng husto dahil alam kong sapat naman yung kinikita niya pambili ng mga pangangailangan namin. Dahil sa nag aalala ako ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang opisina niya.

"Uhm Goodevening this is Mrs. Mendoza Dahlia..." Hindi ako assumera sadyang yan ang gusto ni Evan na sabihin ko kapag tatawag daw ako sa opisina, kung hindi daw hindi sasagutin ng sekretarya niya ang tanong ko.

"Mrs. Mendoza, Good evening din po bakit po kayo napatawag?" Tanong ng sekretarya.

"Nandyan pa ba si Evan? Palagi kasi siyang nag o-overtime this past few days, pakisabi naman na umuwi na siya" Sabi ko.

"Nako Maam wala na po si Sir ngayon dito, and this past few days palagi po siyang maaga umaalis ng opisina, he'll just remind me some proposals to past tapos po aalis na agad siya. Maybe he's busy with different agenda po" Sagot niya na ikinagulat ko.

"Ganun ba? Sige, pasensya na sa abala. Thank you" Paalam ko at binaba na ang tawag.

Busy with different agenda? Interesado ako malaman ang kung anong klaseng agenda ang pinag kaka abalahan mo Mr. Mendoza.

Tinignan ko naman ang singsing na nasa daliri ko, kahit kailan ay hindi ko 'to hinuhubad. Napangiti ako ng maalala ko kung paano siya nag propose sakin nung 2nd Year Anniversary namin, its so simple yet so memorable.

He proposed already, but its been awhile since he bring up the topic of our marriage. We've been engage for more than five years, hanggang ngayon wala pa kaming plano sa kasal namin. When will I get married to you, Evan?

Napa upo nalang ako sa dining chair, is hesitating to marry me? Nagsasawa na ba siya sakin? Sa ugali ko? Sa itsura ko? Sa pagkatao ko? Am I being paranoid, maybe I'm crazy paranoid.

Kahit paulit ulit niya sinasabi sakin na hindi niya ko pagsasawaan, hindi ko parin maiwasan maisip na posible... posible na magsawa siya sakin.

Ever since I got the apartment, we've lived together... we already shared a lot of memories here. Dapat ba hindi muna kami nagsama sa iisang bahay?

Stop thinking this much Dahlia Doringuez! Pakakasalan ka niya! I don't need an extravagant wedding, kahit sa tabi lang kami ng kalsada ikasal ay ayos na sakin, I just want him to be with my name.

Nagulat naman ako ng biglang nag ring ang telepono ko.

Its a text that has a ticket to Bohol. It came from an unknown number. Sino naman ang magpadadala sakin ng ticket papuntang Bohol? Do I need to go there?

Tumunog ulit ang telepono ko at text naman ni Hazelle ang nakita ko.

FROM: HAZELLE

Dahlia, Best wishes to you, I hope you'll enjoy your future with my brother. You maybe wondering why the hell am I telling you this right now, but I know and I'm deeply sure that Kuya Evan will marry you soon or even better tomorrow. I'm sorry if I'm not telling you this personally but I know you will understand. Kuya Evan's past is full of darkness and pain, he suffered a lot... But throughout his suffering and pains, your the only one who never leaves his side. That's why he loves you more than anything in this world, I know that he will never leave you nor hurt your heart. Don't worry if he ever leaves, cheat, or hurt you, I will be the one to shoot him in the head. Anyways I will be here for you my precious Sister, I love you and goodluck on your honeymoon.

Napangiti naman ako sa mensahe ni Hazelle.

TO: HAZELLE

Thank you so much Sister. I know how much your brother loves me. Don't worry, simula noong nag propose siya sakin, handa na ko sa honeymoon namin. I love you too, best wishes din sa inyo ni Dylan, your wedding is on the line.

Bigla naman nagbukas ang front door at pagkita ko ay si Evan na ang pumasok sa loob, nakauwi na pala siya.

Sinamaan ko agad siya ng tingin at pinagkrus ang braso ko habang sumandal ako sa dining chair. Nabaling naman ang tingin niya sakin at seryoso akong tinignan.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya habang hinuhubad ang leather shoes niya at nilagay ito sa shoe cabinet.

"Wala lang, masama ka ba tignan?" Pabalang kong sagot at pasimple pang umirap.

"Meron ka? Is it your first day?" Tanong niya at ngumisi pa, naglalakad na siya palapit sakin ngayon habang tinatanggal ang neck tie niya.

"Katatapos ko lang last week. Bakit ngayon ka lang, kanina pa kita hinihintay?" Tanong ko at tumayo na at sumandal sa dulo ng dining table.

"Bakit? Na miss ba ko ng misis ko? Alam mo namang overtime ako lagi sa opisina diba?" Sagot niya, gaya ng inaasahan kong dahilan niya.

"Tsk, miss mo mukha mo. Misis ko? Kasal na ba tayo? Nakikita mo 'tong daliri ko, engagement ring pa lang ang nakasuot... wala pang wedding ring" Sagot ko at tinaas pa ang kamay ko na may singsing.

Tumawa naman siya at tinungkod ang dalawang kamay sa lamesa, dahilan para makulong ako sakanya.

"You don't need a wedding ring to prove to everyone that your my wife. Marriage is just a piece of paper, a wedding ring is just a show of silver lining, infinity of marriage. Is myself showing my love for you isn't enough to call you my wife?" Aniya na ikinabilis naman ng tibok ng puso ko.

"I want a sanctifying marriage Evan, hindi lang sa mata ng lahat pati din sa mata ng Diyos. I want us to engraved our love infront of Him, because I know that He will be the one to tighten the grip of our love forever. It doesn't need to be granded, I just want a simple faithful ceremony, with all the people that we love witnessing our cherishable moment. I also don't need a Marriage paper nor a wedding ring just to prove that your my husband, your a part of me, and that's enough" Sagot ko ng nakangiti.

He also smiled at me and hugged me tight. Sa yakap na 'yon, pakiramdam ko ayaw na niya kong bitiwan pa. Naramdaman ko naman na inaamoy niya ang leeg ko kaya nakikiliti ako.

"Ang bango mo talaga Lia Babes, pwede bang ikaw nalang pabango ko?" Aniya na ikinatawa ko at sinabunutan ang buhok niya.

"Ano ka ba hindi pa nga ko naliligo kakahintay sayo" Sagot ko.

"Talaga? Gusto mo sabay na tayo maligo?" Alok niya na ikinagulat ko.

"Sa honeymoon na Evan Babes" Sagot ko at humiwalay na sa yakap.

"Pwede bang unahin nanatin ang honeymoon? Malapit naman na ang kasal natin diba?" Pangungulit niya at bigla naman ako napamewang sa sinabi niya.

"Malapit na? Hindi pa nga tayo nagpa plano kung kailan at saan tapos sasabihin mong malapit na?" Sagot ko.

"Magtiwala ka sakin Lia Babes malapit na malapit na... kaya mag honeymoon na tayo ngayon"

Dali dali niya kong binuhat at tumakbo papasok ng kwarto.

"Evan!"

***

Pagkagising ko ay wala na si Evan sa tabi ko, hindi natuloy yung 'honeymoon na iniisip niyo, pagkahiga niya kasi sa kama ay nakatulog agad. Bigla nanaman pumasok sa isip ko kung bakit palagi siyang inuumaga ng uwi, masyado na siyang napapagod.

Nagulat naman ako ng may isang water lily na bulaklak ang nakalagay sa side table na may nakaipit na sulat. Sulat ito galing kay Evan.

Dahlia,

Good morning My Wife, pasensya na iniwan na kita agad diyan ng tulog ka pa... your too beautiful para gisingin pa kita para mag paalam. Pasensya na din kung hindi ko agad nasabi sayo kagabi na mawawala muna ko ng ilang araw, I had different agenda sa ibang lugar and its urgent... I had to settle this as soon as possible. Anyways wait for me okay? As soon as I came back, baka ikakasal na tayo. I love you

-Evan

Bwiset na lalaking 'yon! Aalis pala ngayon lang sinabi sakin! Yun pala ang different agenda niya ha, pwes may different agenda den ako! Tinignan ko ang ticket na natanggap ko kagabi at valid siya hanggang ngayon nalang.

Ano namang gagawin ko sa Bohol kung pupunta ako? Bisitahin ko muna ang Lola at Lolo ni Hazelle, sabihin ko gusto ko lang muna mag bakasyon... na stress din kaya ako sa trabaho ko.

Pumunta na ko sa walk-in closet ko at kumuha ng damit at mga personal kong gamit. Mga ilang araw lang naman ako doon, parang siya. Hindi ko alam kung kailan siya babalik, hindi ko rin sasabihin na umalis ako... mag pa search and rescue siya worldwide.

Sinara ko na ang maleta ko at dumaretso narin ako sa banyo para maligo. Pagtapos ko maligo ay agad ako nag ayos at hila ang aking maleta ay lumabas na ng apartment.

Dahil mag ba-barko ako ay hindi ko na dinala ang sasakyan ko, nag commute nalang ako papuntang sakayan ng barko. Na miss ko rin sumakay ng barko, naalala ko tuloy noong pumunta kami nila Hazelle sa Bohol... sobrang saya namin non lalo na nung pumunta kami sa may ilog, at naalala ko pa nga kung gaano ako katanga at umamin ako kay Evan na mahal ko siya.

Napailing nalang ako habang nakangiti sa sarili... Ano ba yan galit nga pala ako sakanya.

Nakarating na ko sa pierre at agad pumunta sa barko na sasakyan ko at binigay sa manong na nagtatawag ng pasahero ang ticket ko.

"Oh ikaw pala yung nag iisang pasahero namin, sumakay na kayo Maam. Have a safe and loving trip with us po" Nakangiting sabi sakin ni manong, medyo bulol yung pag kaka ingles niya pero naintindihan ko naman.

"Ako lang po ang pasahero niyo? Bakit ho? Hindi ho ba kayo malulugi dahil isang tao lang ang isasakay niyo sa malaking barko?" Nagtataka kong tanong.

"Nako Maam hindi po, doble pa nga po ang katumbas ng bayad niyo ngayon. Tsaka natanggap po talaga kami ng special service... sakay na po kayo Maam para hindi po tayo gabihin sa byahe" Dahilan niya at kinuha na ang maleta ko.

Hindi na ko nagtanong at sumakay nalang sa barko. Ang ganda ng disenyo ng barko, mukhang pina customize pa ang loob nito. May mga rose petals pa nga sa sahig ng gitna ng barko, humahalimuyak tuloy ang amoy nito.

"Maam para po sa inyo" Biglang may inabot na water lily na bulaklak ang driver ng barko sakin.

"S..Salamat ho manong, para saan po ito?" Tanong ko.

"Binibigyan po talaga namin ng ganyang bulaklak ang spesyal naming mga pasahero, alam niyo po ba ang ibig sabihin ng bulaklak na ito?" Aniya at umiling naman ako.

"Ang bulaklak na yan ay tinatawag na Tubig Liryo ( Water Lily) marami itong klase pero ang pinaka sinisimbolo nito ay kadalisayan at pagkamayabong. Nadiskubri ito ng isang lalaki sa isang dagat-dagatan sa gubat ng South America. Nababagay sa iyo ang bulaklak na ito dahil nakikita kong isa kang babaeng may puridad at kagalang galang na personalidad. Nasisiguro ko sayo na ang lalaking iyong maka iisang dibdib ay bibigyan ka ng kadalisayang pagmamahal" Paliwanag niya ng nakangiti.

Napangiti din naman ako sa explanasyon niya ng water lily. Hindi ko alam na napaka espesyal pala ng kahulugan ng bulaklak na ito.

"Salamat ho sa bulaklak na ito manong" Pagpapasalamat ko.

"Sige na maupo ka na, huwag ka mag alala hindi naman maalon ngayon ang dagat... mukha kasing hindi ka sanay sa byahe" Paalala niya.

"Nako manong sanay na sanay po ako, bata palang po ako nasakay na ko ng barko tsaka may tiwala po ako sa inyo" Sagot ko. Ngumiti naman siya at tumango. Dumaretso na siya sa upuan ng driver at ako naman ay naupo sa pangalawang row ng upuan.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan tawagan si Evan pero hindi niya ko sinagot. Aba, hindi mo pa ko sinasagot ngayon? Bahala talaga siya pag ako nagdalawang isip na pakasalan siya!

"Mukhang mainit po ang ulo niyo Maam? May problema po ba kayo?" Tanong sakin ni manong na binigyan ko ng ticket kanina.

"Manong kasi, yung Fiancee ko po hindi nagpaalam na mawawala siya ng ilang araw tapos ngayon hindi pa sinasagot ang tawag ko... nakakainis ho diba?" Kwento ko at pinagkrus ang braso ko habang nakanguso.

Tumawa naman si manong kaya napatingin ako sakanya.

"Nako mga kabataan talaga ngayon. Huwag ka na magtampo sa kasintahan mo, baka naman para sa trabaho ang pupuntahan niya. Magtiwala ka lang sakanya, sa ganda mong yan mag iisip ka pa siya na ipagpalit ka sa iba? Panghawakan mo ang pangako niya sayo" Komento niya.

Napaisip naman ako, may punto naman si manong masyado lang talaga siguro akong nag aalala at nag iisip ng kung ano ano. Malaki ang tiwala ko kay Evan, sa ilang taon naming pagsasama wala akong gaanong pinagselosan na babae... kadalasan mga ka trabaho niya ang pinagseselosan ko kaya isang araw ay ina nunsyo na niya sa buong opisina na kasal siya sakin na kahit totoo ay hindi pa.

Napangisi nalang ako habang iniisip.

"Ayan dapat palagi kang nakangiti, iyan din siguro ang nagustuhan sayo ng mapapangasawa mo, ang ganda mo kasi pag nakangiti... nakakagaan ng loob" Puna naman sakin ulit ni manong.

"Salamat ho manong, pasensya na po kung nag init ulo ko kanina. Ganito lang po talaga ako nababaliw kakaisip kapag malalayo siya sakin" Sagot ko.

***

"Maam gising na po nandito na po tayo" Paggising sakin ni manong. Pagmulat ko ay nakita kong nasa daungan na nga kami ng barko.

"Maam ayos lang po ba kung ihatid nanamin kayo sa tutuluyan niyo? Kasama po 'yon sa ticket na pinadala sa inyo" Pagtatanong sakin ni Manong.

Ngumiti naman ako at tinanggap ang alok niya. Syempre libre yon tatanggi pa ba ko?

Bumaba na kami ng barko at may tricycle syang nilapitan tsaka lang niya ko binalikan kung saan ako nakatayo at tinulungan ako sa mga dala kong gamit. Sumakay na kami sa tricycle at pinaandar na niya ito.

***

"Nasaan ho tayo manong?" Tanong ko.

"Ito po ang tutuluyan niyo na kubo Maam, nirerentahan po talaga ito at yung kasama po sa ticket niyo ang pambayad dito. Dito muna kayo manunuluyan ng ilang oras... nasa loob ang aking asawa siya muna ang makakasama mo sa loob. Mamaya ay may karwaheng susundo sa inyo dito para dalhin kayo sa isang ilog" Paliwanag niya.

Muli ko pinag masdan ang kubo. Nanlaki ang mata ko ng naalala ko na kela Lolo at Lola pala ako maninirihan.

"Teka ho manong, pasensiya na po pero ipag papaliban ko na lang ho itong libreng kubo na ito, mas gusto ko po kasi na kasama yung Lolo at Lola ko po dito" Sabi ko at ngumiti naman siya sakin.

"Kilala kami ng Lolo at Lola ng kaibigan mo, sabi nila ay dito ka muna manuluyan. Bumaba na tayo at nagluto ng tanghalian ang aking asawa" Anyaya niya sakin. Tumango nalang ako at bumaba na ng tricycle. Maganda ang labas ng bahay kubo, maliit lamang ito pero puno ng kakaibang mga materyales ang pagkakagawa.

Bumungad samin ang isang magandang babaeng matanda ng pumasok kami sa loob.

"Irog ko, nandito na siya, ikaw na ang bahala sakanya ha... ipinagkatiwala sayo ng iyong kumare ang kanyang apo-apohan" Tawag ni manong sa matandang babae, ngumiti naman ang babaeng matanda at niyakap ang kanyang asawa.

"Oo naman aking Irog hindi ko siya pababayaan. Magandang tanghali binibini totoo nga ang sabi ng aking kumare na kay ganda ng iyong mukha, kagalang galang na babae" Pagpuri sakin ng matandang babae.

"Magandang tanghali rin ho sainyo, kilala niyo ho pala ang aking Lola-Lolahan. Maraming salamat rin ho sa inyong papuri, nasisiyahan po ako marinig ito galing sa isang magandang binibini rin ho na katulad niyo" Pagbigay pasalamat ko. Ngumiti naman siya at hinawakan ang aking kamay.

"Halina at umupo na kayo ng makakain na kayo ng pagkain, sigurado akong nagutom kayo sa byahe" Anyaya niya sakin at pina upo ako sa gawa sa kawayan na upuan. Umupo narin sila manong.

Kami ay nagdasal muna bago nagsimula kumain. Masarap ang lutong ni manang na Chorizo de Bohol at Calamay. Gumawa din siya ng minatamis na Ube Kinampay Polvoron. Binalutan pa nga niya ko ng isang kahon para daw iuwi ko sa Maynila.

"Oh siya kami ay mamamasada muna ng tricycle, maiwan nanamin kayo dito Maam" Pagpapaalam samin ni manong.

"Huwag niyo na ho akong tawagin Maam, Lia nalang po... mag ingat ho kayo sa pagpasada" Sabi ko.

"Sige Lia, Irog ko mauna na ko. Maya maya ay babalik ako dito para sunduin kayo ng karwahe papuntang ilog, napaka ganda ng ilog na yon at talagang dinadayuhan ng mga turista. Bilin kasi ng iyong Lolo at Lola na ipasasyal ka dito sa aming bayan ng malibang ka" Aniya.

"Nako ganoon ho ba, sige ho wala pong problema. Hindi ko rin ho masyado nalibot ang inyong bayan ng bumisita ako dito" Sagot ko.

"Sige na mauna ka na Irog ko, ako ng bahala sakanya. Mag ingat ka ha" Paalala sakanya ni manang.

Lumabas na ng kubo si manong at nagligpit na ng pinagkainan si manang, nag alok naman ako sakanya na tulungan siya.

"Maam Lia pagtapos po natin dito ay maligo po kayo duon sa paliguan na hinanda ko para sainyo, maligamgam na tubig po ang nilagay ko don at puno ito ng Tubig Liryo na bulaklak, hindi niyo na kailangan na magpabango dahil didikit ang amoy nito sa balat ninyo" Paalala niya sakin.

"Maraming salamat ho manang, tsaka Lia nalang po ang itawag niyo sakin" Sagot ko.

"Sige Lia. Tsaka may nakahanda ding damit doon sa iyong silid at isang sandalyas. Yoon ang isuot mo" Aniya. Tumango nalang ako at tinapos na ang pagpupunas ng mga plato.

Grabe naman ang pag aalaga sakin nila Lola at Lolo pati ang isusuot ko nag abala pa sila. Nagtataka na tuloy ako, may okasyon ba... wala naman may kaarawan sakanila. Masaya lang siguro sila na bumisita ako dito, matagal narin ng huli ako nadayo dito sa Bohol.

Dumaretso na ko sa banyo at ginamit na ang paliguan na ginawa sakin ni manang, hindi pa ko lumuloblob sa tubig ay naamoy ko na ang tubig liryo... sobrang bango pero hindi ito matapang. Halos isang oras ako nagbabad at pagtapos ay umahon na ko at nagpatuyo.

Umupo ako sa kama habang pinapatuyo ng twalya ang buhok ko. Kumatok naman bigla si manang at may dala siyang korona na gawa sa tubig liryo, may nakasabit itong hindi gaanong mahahaba na beads, parang isang belo pangkasal.

"Isuot mo rin ito mamaya, sigurado akong napakaganda mo mamaya Lia magmumukha isang diwata" Aniya at pinatong sa tabi ko ang belo.

"Manang may okasyon ho ba? Bakit parang kailangan ho natin masyado maghanda ng ganito? Kaarawan niyo ho ba? Anibersaryo nyo ho ba ng asawa ninyo?" Nagtataka ko ng tanong.

"May okasyon nga Lia, pero pagdating nanatin mo malalaman, sigurado akong hindi mo makakalimutan ang pagdiriwang na ito, ito ay magiging espesyal sayo habang buhay. Isang beses lang sa buong buhay mo ito mararanasan kaya ang masasabi ko lang sayo... damahin mo lang ang bawat segundo, minuto, at oras ng araw na ito dahil puno ito ng kaligayahan at pagmamahal, gayundim ang gawin mo sa mga ibang araw pa na darating sa buhay mo. Maging masaya ka lang kasama siya, ang iyong Irog na habang buhay ka pasasayahin at mamahalin, at nangangakong ikaw lang ang mamahalin niya" Napangiti naman ako sa sinabi niya at tinulungan ako na patuyuin ang buhok ko.

"Pwede ka muna magpahinga ng ilang oras dahil alam kong napagod ka sa byahe. Mamayang alas sinko pa tayo susunduin ng aking Irog. Kailangan mo ng maraming lakas lalo na pag dumilim na ang langit... maghanda ka ha" Paalala niya kaya biglang kumunot ang noo.

"Bakit ho? May palaro ho ba?" Tanong ko.

Ngumiti naman si manang at hinawakan ang kamay ko.

"Kakaibang laro 'yon anak, pang mga matatanda lamang ang larong 'yon, pero masisiyahan ka kapag naabot niyo na ang dulo. May gagabay naman sayo huwag ka mag alala" Paliwanag niya at kumindat pa siya sakin. Bakit parang kinabahan ako sa sinasabi niya? Anong klaseng laro kaya 'yon? Nalaro ko na ba yun dati?

Pagtapos namin mag usap ay humiga na ko sa kama para magpahinga. Tinignan ko naman ang kamay ko na may singsing, hinawakan ko ang maliit na bato nito... Saang lugar ka ba pumunta Evan? Nasaan ka, sino ang kasama mo, trabaho ba talaga ang pinunta mo doon?
Hindi ka naman siguro mag sisinungaling sakin, kahit kailan hindi ako nagsinungaling sakanya, oh baka naman may nililihim siya sakin? Sinasabi ba talaga niya lahat?

Bumangon na ko at kinuha na anh damit na susuotin ko. Para siyang beach dress na hanggang tuhod ang haba na medyo see through, nagsuot ako ng two piece sa loob mukhang mag si-swimming kami sa ilog. Sinuot ko narin ang sandalyas. Mabuti at may dala akong kaunting alahas. Medyo naglagay din ako ng make up para presentable ako tignan. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok at kinulot ito, dinala ko rin ang aking pang plantsa.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nilagay ko narin ang belo sa ulo ko. Para akong ikakasal sa itsura ko, yoon ba ang theme ng okasyon nila?

"Napakaganda mo talaga Lia, tunay talagang maswerte ang iyong Irog sayo. Hindi ka lang mabait at mapagmahal, sumisimbolo din ang iyong sarili ng kagandahan" Pagpuri sakin ni manang.

"Salamat ho manang, ang ganda niyo rin ho ngayon bagay na bagay sainyo ang inyong bestida" Pagpuri ko rin sakanya.

"Andyan na ang karwahe, halika na at baka mahuli tayo" Anyaya niya sakin.

Lumabas na kami ng bahay at binati kami ni manong, sumakay na kami sa karwahe at pinatakbo na ang kabayo.

Nakakatuwa dahil Libith ang pangalan ng kabayo, yoon ang gusto ko ipangalan sa kabayo ko kung sakaling magkakaroon ako. Kaso hindi naman pwede mag alaga ng kabayo sa manila. May kasintahan din daw si Libith at Boboth ang pangalan nito... naalala ko tuloy na yoon ang gusto ipangalan ni Evan sa kabayo niya kung mag aalaga siya.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa ilog, ito yung ilog na pinuntahan namin nila Hazelle dati. Mukhang paborito ito nila Lolo at Lola puntahan. Bumaba na kami sa karwahe at nagulat ako ng may mga batang babae ang nagbigay sakin ng bulaklak na tubig liryo. Nginitian ko sila at agad sila tumakbo ulit palayo.

"Maiwan na kita dito... ang iyong Ina at Ama na ang maghahatid sayo. Binabati kita Lia, aking pamangkin" Nagulat ako sa sinabi niya.

Nagulat ako ng makita sila Mama at Papa at nakangiti sila sakin habang lumalapit.

"Ano po ginagawa niyo dito? Alam niyo po kung nasaan ako?" Tanong ko.

"Kami ang nagpadala ng ticket mo papunta dito anak, pasensya na at hindi namin pinaalam sayo. Natakot pa nga kami na baka hindi mo gamitin, sayang naman" Paliwanag ni Papa.

"Bakit nga po ba tayo nandito? Ano po ba okasyon? Kanina pa po ako naguguluhan sa mga nangyayari. Kilala niyo rin po ba si manang? Plano niyo po ba ang lahat ng ito kasama ang Lolo at Lola ni Hazelle?"

"Plano namin lahat mula pagpunta dito hanggang ngayon na ihahatid ka nanamin sa habang buhay mong kaligayahan. Anak sobrang saya namin ng Papa mo, nahanap mo na ang totoo mong kaligayahan. Huwag niyo sana pababayaan ang pagmamahalan ninyo, kung may suliranin man na dumating, magkasama niyo itong ayusin. Mahal na mahal ka namin anak, huwag mo yan kakalimutan" Ani ni Mama at tumulo na ang luha niya, pati si Papa. Niyakap ko sila pareho at tumulo narin ang aking luha.

"Mahal na mahal ko din po kayo Mama at Papa. Maraming salamat po sa lahat, sa sakripisyo, pag aalaga, at pagmamahal. Habang buhay ko po ito dadalhin" Ani ko.

"Bigyan mo kami agad ng apo ah, alam mo namang hindi na kami bumabata ng Nanay mo" Paalala sakin ni Papa kaya natawa ako.

"Halika ka na anak, kanina pa siya naghihintay at galak na galak na makita ka" Sabi sakin ni Mama at hinawakan na ang aking kamay, si Papa naman ay linahad ang kanyang braso.

Naglakad na kami sa gitna ng lugar, ang linalakaran namin ay may nakakalat na mga petal ng bulaklak... habang palapit ay natatanaw namin ang ilog na may tubig talon na dumadaloy sa matatas na batohan, ang dahilan kung bakit ako nadapa nuon.

Nang tuluyan na kami nakalapit sa ilog ay may nakita akong isang pari sa gitna at isang lalaking nakatalikod, nakasuot siya ng puting polo at shorts at naka sandalyas din. Nakita ko sa gilid sila manang at manong na nakangiti habang pinagmamasdan kami, kasama ang mga batang nagbigay sakin ng bulaklak kanina.

"Anak binabati kita, ikakasal ka na sa lalaking matagal mo ng pinapangarap" Bati sakin ni Mama at tumulo nanaman ang luha niya.

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anak sa wakas maipagkakatiwala na kita sa isang lalaking tapat at alam kong hindi ka pababayaan. Gustuhin ko man na ako lang ang lalaki sa buhay mo pero alam kong mas karapat dapat may isang lalaki ang makakasandigan mo sa hirap at ginhawa" Sabi naman ni Papa habang tumutulo ang kanyang luha.

Tuloy tuloy ng umagos ang luha ko ng humarap na ang lalaking nakatalikod kanina. Siya... ang lalaking kanina ko pa hinahanap, ang lalaking nag pakulo ng dugo ko na hindi nag paalam na iiwan niya ko.

Nakangiti siya sakin ngayon at pinipigilan ang pag iyak niya. Binitawan ko ang tubig liryo at agad tumakbo papunta sakanya, at gaya ng nangyari sakin noon ay nadulas ako sa batohan... hanggang sa araw ba naman ng kasal ko? Ngayon pa ata ako mamatay.

Pero nagulat ako ng may isang bisig ang sumalo sa bewang ko... gaya ng inaasahan ko ang Irog ko ang sumalo sakin at handa na ko angkinin habang buhay. Ang lapit ng mukha niya sakin, nakangisi siya sakin ng nakakaloko ngayon dahilan para lalo akong maiyak at sinampal ng mahina ang mukha niya.

"Lia babes naman hindi ka nag iingat, masyado ka atang atat na pakasalan ako. Alam mo naman ang nangyari sayo dito dati diba? Mabuti nasalo parin kita ngayon, hindi ko hahayaan na mahulog ka" Natatawa niyang paalala sakin.

"Nakakainis ka! Dito ka pala pupunta para pakasalan ako, kung ano ano pa iniisip ko tapos ito pala ang dahilan. Tsaka ako atat na pakasalan ka? Oo kaya nga tumakbo ako at nakalimutan kong mabato dito sa ilog na to kaya ito ako, nadulas... nahulog sayo" Sagot ko ng patuloy parin ang pag agos ng luha ko.

"Mukhang hulog na hulog ka nga, huwag ka mag alala paulit ulit ka man madulas, sakin ka parin babagsak. Ano dito nalang ba tayo oh magpapakasal na tayo?" Tanong niya kaya natawa ako at tinulungan niya ko tumayo, pagtayo niya sakin ay agad ko siya hinalikan sa pisnge... mamaya na sa labi pagkasal na kami.

"Ikaw Lia Babes ah atat ka rin ata mahalikan ako, hindi pa tayo kinakasal" Aniya.

"Kung ako atat ikaw kanina pa natatakam na mahalikan, alam ko yun Evan Babes" Bulong ko sakanya, napakagat naman siya sa labi sa binulong.

Dumaan naman ang kamay niya sa bewang ko at hinigit ito palapit sa katawan niya at linapit pa ang bibig sa tenga ko.

"Maghanda ka mamayang gabi Mrs.Mendoza, hindi tipikal larong mag asawa ang gagawin natin" Bulong niya kaya biglang nagtaasan ang balahibo sa balat ko.

"Awat na mga iho at iha, huwag ang honeymoon ang unahin niyo nakakahiya kay Father kanina pa naghihintay" Awat samin nila Mama kaya tumawa kami, hinalikan din ako ni Evan sa pisnge at hawak kamay na kami lumapit sa pari.

Pagkatapos ng seremonya ay oras na para magbigay kami ng salita sa isa't isa, ang panghahawakan namin habang buhay.

"Evan Mendoza, alam ko na isa kang babaero, mapaglaro, malokong lalaki nuon dahil sa madilim mong nakaraan sa isang babaeng minahal mo ng lubos. Nakita ko kung paano ka nasaktan sa nagawa niyang pag iwan sayo at pagbitaw sa pagmamahal mo. Sinubukan ko hiluman ang sugat na iniwan niya sa puso mo, akala ko hindi ko makakaya pero isang araw... sinabi mong mahal mo ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan kita non dahil nga nagbago ka simula ng iwan ka niya, pero pinatunayan mo sakin ang buong puso mo, na ako lang ang babaeng mamahalin mo. Hindi man natin naiwasan ang mga pagsubok, pero naayos natin ito ng magkasama. Nangangako ako sayo ngayon, sa harap ng Diyos na habang buhay kita mamahalin, aalagaan, at poprotektahan ng buong buhay ko. I will be the best wife to you every minute, second, and hours of our life. I will be the best mother to our children, I'll make sure that I can give all there needs whether its material, care, and emotional things. I will love you in our Endless Pathways of Forever. Mahal na mahal kita Evan... Evan Babes" Pinunasan niya ang luha sa mata ko habang patuloy din ang pag iyak niya.

"Dahlia Doringuez, you know me as a badass, gangster, playboy brother of your friend Hazelle. Many people sees me like that, nut they don't know how do I become like that. They guess I'm heartbroken? Got cheated by a different guy? Or just really a f*cking badboy that has a hobby to play around girls. Its just my way of forgetting about her, to move on... but it doesn't work. Until you came and healed my wounded heart. At first I thought your just being friendly, I don't have much girl-friends at that time so I treated you as my BestFriend. But times past by, I started to be attracted to you, I also forget about her because of you... your a lot different and better than her. That's why I didn't waste the time, I confess that I love you, I know that you wouldn't believe me at first... I tried my best to prove to you that my love for you is real. I was so happy when you said to me that you also tell me that you feel the same, that you love ever since you met me. I'm sorry if I'm too numb to feel that you love me since the start. Nangangako ako sayo ngayon sa harap mo at ng Diyos, sa harap ng magulang mo at ng mga Lola at Lolo natin na habang buhay kita mamahalin ng buong buhay ko, poprotektahan, aalagaan, at paliligayahin sa iba't ibang paraan ng pagmamahal ko. Magiging pinaka mabuti, matapat, at masipag akong asawa para sayo sa bawat oras, segundo, at minuto ng buhay natin. Magiging mabuti akong ama sa mga anak natin, aalagaan, poprotektahan, at mamahalin ko sila n buong puso ko. Hinding hindi ko kayo pababayaan na mag-ina ko. Alam ko na hindi natin maiiwasan na magkaroon ng problema, pero ipinapangako na sabay natin yon sosolusyonan at agad kakalimutan, dadalhin natin ang aral na maidudulot nito sa pagsasama natin. Mahal na mahal kita Dahlia, mamahalin kita sa walang hanggang daanan natin. I love you Lia Babes"

Sinuot nanamin sa isa't isa ang singsing. Ang sumisimbolo ng habang buhay ng pagsasama sa hirap at ginhawa.

"Sa araw na ito, ina anunsyo ko sa inyong lahat na si Evan Mendoza at Dahlia Doringuez-Mendoza ay habang buhay na magsasama at magmamahalan. Kayo ay tinatanghal ng mag asawa sa mata ng Diyos. Maaari mo ng halikan ang iyong asawa" Anunsyo ni Father.

Agad ko ng hinigit ang kwelyo ni Evan at agad siyang hinagkan. Hinawakan naman niya ang pisnge ko para mas diinan ang halik. Naririnig namin ang hiyawan at palakpakan nila Mama. Nagsasaboy din ng tubig liryo ang mga bata samin.

Pinutol ko na ang halik, parang ayaw pa bumitaw ni Evan pero tinatampal ko na ang braso niya.

"Maraming salamat po sa pagkasal samin Father" Pagpapasalamat namin ni Evan.

"Walang anuman, karapat dapat lang na kayo'y ikasal dahil alam kong tapat at lubos ang pagmamahalan niyo sa isa't isa" Pagpuri samin ni Father.

Bigla naman bumuhos ang ulan at walang masisilungan.

"Anak pumunta na kayo sa pagtutuluyan niyo, goodluck ah napayuhan na kita kung paano ang gagawin" Paalala sakin ni Mama at kumindat pa kaya natawa si Papa. Nag init naman bigla ang pisnge ko.

Napatingin naman ako kay Evan na ngayon ay nakangisi na habang nakataas ang kilay.

Napasigaw ako ng buhatin na niya ko at tumakbo palayo sa ilog. Agad agad ba talaga dapat? Wala bang reception na plinano ang lalaking to?

"Duon ba talaga dapat agad tayo dederetso? Wala bang reception muna?" Tanong ko habang patuloy siya sa pagtakbo, natatanaw nanamin ang karwahe na iba na ang kabayo.

"Bukas na ang reception Lia babes, pupunta din ang iba pa nating kamag anak. Sa ngayon yung larong mag asawa ang importante" Aniya kaya nanlaki ang mata ko.

Iba ka talaga Evan Mendoza.

Binaba na niya ko sa loob ng karwahe. Siya naman sa harap dahil siya ang magpapatakbo ng kabayo.

"Kaninong kabayo yan?" Tanong ko.

"Akin, siya si Boboth" Aniya kaya napangiti ako.

Pinatakbo na niya ang kabayo. Saan kaya kami manunuluyan? Kinakabahan ako, pinayuhan naman ako ni Mama at nila Ate Drianne pero baka makalimutan ko yon pag ginagawa nanamin.

Tumigil kami sa isang bahay kubo, gawa ito sa kawayan. Simple lang din ang disenyo nito, ang mga ilaw sa loob at labas ang mas nakapag pa ganda dito. Inalalayan ako ni Evan pababa. Pumasok na kami agad sa loob dahil naulan pa rin.

Basang basa na ang suot namin.

"Sige ikaw na mauna maligo, maghihintay muna ko dito" Aniya at tumango ako.

"Bakit hindi ka na sumabay sakin?" Alok ko. Nakita ko naman na nanlaki ang mata niya, napakagat labi siya. Kahit ako nahihiya sa sinabi ko.

"Mas gusto ko sa kama Lia babes, sa ibang oras na yung sa banyo" Aniya at kumindat pa kaya binato ko siya ng unan na nasa kawayan na sofa.

Kumuha na ko ng twalya at pumasok na sa banyo. Talagang kiniskis ko ng mabuti ng panghilod ang buong katawan ko at mabuti ay nakapag shave ako. Unscented na sabon ang ginamit ko, mas gusto daw kasi nila na mismong amoy mo talaga ang maamoy nila. Nag toothbrush and mouthwash na rin ako pati breath spray para sure. Nag lip balm din ako para malambot ang labi ko. Sinuot ko na ang bathrobe ko, hindi na ko nagdamit... huhubarin din naman niya.

Dahan dahan ako lumabas ng banyo at nakita kong nakaupo siya sa sofa, naka topless na siya kasi basa nga ang polo niya baka magkasakit pa siya. Napalingon siya agad ng isara ko ang pinto.

"T..Tapos na ko, may twalya na sa loob" Nauutal kong sabi. Tumango naman siya at pumasok na sa loob.

Naghintay naman ako sa loob ng kwarto habang naka upo sa kama at pinapatuyo ang buhok ko. Inamoy ko pa ang buhok ko kung mabango, mabango pa naman siya.

Nang mapatuyo na ang buhok ko ay tinignan ko ang kamay ko na ngayon ay dalawa na ang singsing na nakasuot. Napangiti ako habang hinahawakan ito. Hindi ako makapaniwala na Mrs. Mendoza na ko ngayon. Ang pinapangarap kong kasal ay natupad na. Mga anak nalang ang kulang.

Napatingin ako ng lumabas na si Evan sa banyo, nakatapis lang siya ng twalya sa bewang. Nagpapatuyo din siya ng buhok gamit ang isang twalya.

"T..tulungan na kita" Alok ko, tinititigan naman niya ko at ngumiti at tumango. Tumabi siya sakin ng nakaharap at kinuha ko sa kamay niya ang twalya. Dahan dahan ko pinapatuyo ang buhok niya habang tinititigan niya ko.

Shet ang bango niya. Nakabalandra pa ang maganda niyang katawan, ang lamig lamig pero nag iinit tuloy ako. Tanging ang asawa ko lang ang magpaparamdam sakin ng ganito.

"Dahlia..." Tawag niya sakin kaya napatigil ako sa pagtuyo ng buhok niya.

"Ang ganda mo" Aniya kaya napangiti ako.

"Ang gwapo mo rin naman" Sagot ko at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok niya. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinigit ako palapit sakanya at agad inangkin ang labi ko. Agad ko din sinagot ang halik niya at nilagay ang kamay ko sa leeg niya.

Habang tumatagal ay mas dumidiin ang halikan namin, naramdaman ko ang kamay niya na tinatanggal na ang tali sa bathrobe ko.

"Mahal na mahal kita asawa ko..." Bulong niya habang hinahalikan ako.

"Mahal na mahal rin kita asawa ko..." Sagot ko. Dahan dahan na pumasok sa bathrobe ko ang kamay niya, dumaloy ito sa tiyan ko pataas sa dibdib ko. Nakagat ko tuloy ang labi niya. Bumaba narin ang kamay ko sa dibdib niya.

Pumunta na sa leeg ko ang mga halik niya dahilan para mapaliyad ako, dahan dahan niya ko hiniga sa kama at pumaibabaw sakin.
Hinalikan niya ulit ang labi ko habang hawak ang kamay ko. Hindi ko na napigilan umungol ng maramdaman ko ang kamay niya sa gitna ng hita ko.

"T*ngina Dahlia" Bulong niya kaya mas lalo akong nag init. Halos bumaon na ang kuko ko sa likod niya. Tinanggal ko na ang twalya sa bewang niya... at alam ko yoon na ang tamang oras para maging isa kami.

Isang gabing hindi ko makakalimutan at habang buhay magiging espesyal sa akin.

***

Sana po nagustuhan niyo ang kabanata na ito na espesyal kong nilahad para kela Evan at Dahlia. Nabitin po ba kayo? Alam ko po kasi na may mga batang nagbabasa kaya hanggang diyan ko lang pina abot. Abangan niyo po ang kanilang libro. Pasensya na po ulit kung bihira ako mag update.

Maraming salamat po sa walang suporta:)

-PecheaL

***

Reminder:

Sa mga previous readers ko po na na kompleto na ang pagbabasa nito ay remind ko lang po na medyo may binago po akong parts dito, sa part po ng pagpunta ni Lia sa Bohol. Hindi po pala possible na mag take ng bus to transport sa Bohol and recently ko lang po na confirm pasensya na po.

Its okay po if ayaw niyo na po siya ire-read dahil yon lang naman po ang medyo binago ko. Bale po Barko na ang sinakyan ni Lia instead of bus.

Thank you for reading :)

Continue Reading

You'll Also Like

92.1K 5.3K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
761K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
257K 7.7K 68
[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of u...
15.1K 797 32
She only want a commitment not a serious relationship. She is the woman who just want to play. A Woman who didn't know what love is. But what if one...