Charm Academy School of Magic

By april_avery

61.7M 1.7M 521K

She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang... More

Charm Academy: Prologue
Chapter 1: What's Your Charm?
Chapter 2: The Fire Ball
Chapter 3: Deadly Deal
Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest
Chapter 5: The Rebel's Punishment
Chapter 6: The Four of Us?
Chapter 7: The Quest for Evergreen
Chapter 8: Caught in the Trap
Chapter 9: The Modifying Charm
Chapter 10: Training Mishaps
Chapter 11: The Thing with Trust
Chapter 12: The Puzzle Game
Chapter 13: The Academy Secret
Chapter 14: The Bow and Arrow
Chapter 15: Training Arrow
Chapter 16: Fire Against Light
Chapter 17: The Escape
Chapter 18: The Full Moon
Chapter 19: Ariela Against Hades
Chapter 20: The Deal with Augury
Chapter 21: Mystic Gifts
Chapter 22: The Mystic Ball
Chapter 23: The Head Masters
Chapter 24: The Society of Mirandi
Chapter 25: Leon Lancaster
Chapter 26: For Those Who Remain
Chapter 27: Love Him or Hate Him
Chapter 28: The Harvest Festival
Chapter 29: Finally Captured
Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi
Chapter 31: The Real Traitor
Chapter 32: The Augury's Revenge
Chapter 33: The Charm Stealer
Chapter 34: All In Battle
Chapter 35: Charm Diffused
Chapter 36: The Final Chapter
Charm Academy: Epilogue
Academy Series: Self Published Books

Charm Academy: Special Chapter

1.6M 47.1K 31.2K
By april_avery

Author's Note:

Namiss ko kayo charmers. Kamusta naman? So this is my late Christmas gift at dahil birthday ni Jett Forester today (Dec. 29) I decided to have a special chapter. I told a lot of you na hindi na ako maglalagay ng kahit anong additional dito sa Charm Academy. Pero namiss ko ang story and syempre kayo (ahem) at natuwa talaga ako sa mga one shot entry sa contest ng mga admins. So here it is!

Ano bang nangyari noong umalis si Ariela Davis sa Charm Academy? Anong naging reaction ni Jett? Anong nangyari kay Ariela sa six months na nawala siya? I hope masagot ang mga tanong na galing sa inyo this special chapter. Enjoy charmers! #JettRiela

@april_avery
 

***

S P E C I A L C H A P T E R

 

Dalawang lingo na mula nang nangyari ang laban sa Augury. Dalawang lingo ng wala si Ariela Davis sa buong Magic World. Dalawang lingo at nanatili ang lahat na hindi parin maka move on sa nangyari.

Lingo ng umaga noong pumunta si Collin at Snow sa Hospital kung saan nakaconfine si Jett. Hangang ngayon hindi parin siya gumigising. Kaya naman nagtaka ang dalawa nang pumasok sila sa loob at nadatnan na nagtatakbuhan ang ilang nurse na naka-assign sa kanya. Nagkatinginan si Snow at Collin at nagmadaling sundan ang mga ito. Nang buksan nila ang pinto ng kwarto ni Jett, nakita nilang nandoon din si Sir Chase at Miss Serena. At si Jett. Gising na si Jett.

Tila may ini-inda pa itong sakit nang magising. Napatingin ito sa kanila. “Nasaan ako?” ang bungad niya sa monotone na boses. Dalawang lingo din itong walang malay.

“Nasa Hospital ka ng Academy, Jett.” sagot ng kalmadong boses ni Sir Chase.

Pinagmasdan ni Jett ang paligid. Agad sumama ang timpla ng mukha niya. Napahawak sa ulo niya na tila ba may ini-inda pang sakit doon.

“Tagal ng bakasyon natin, ah.” pabirong sabi ni Collin to lighten up the mood.

“Mabuti gising ka na.” sabi naman ni Snow na sinabayan ni Collin.

Pero alam nilang sa biglang pagtahimik ni Jett, unti unti na nitong binabalikan kung ano ang mga nangyari. Magaling na siya. Maliban sa ilang galos at pasa sa katawan niya halos hindi mo na mahahalata na nangaling siya sa isang matinding laban.

“Nasaan siya?” tanong ni Jett. Pinilit niyang umupo mula sa kama pero pinigilan siya ng dalawang nurse.

Nagkatinginan ang iba pang nasa kwarto. Kahit walang nabangit si Jett na pangalan ay alam nila kung sino ang tinutukoy niya. Nag alangan na napatingin si Collin kay Sir Chase at Miss Serena. Ilang beses nilang pinagusapan ang tungkol dito. Alam na dapat nila kung ano ang isasagot kay Jett.

Si Miss Serena ang nagsalita. “Wala na si Ariela sa Charm Academy.”

It was expected. Halos kabisado na nila kung ano ang magiging reaction niya. Bigla niyang gustong umalis sa kama kahit pa ilang medical contraption ang nakakabit sa kanya.

“Puta, hwag niyo akong pinaglololoko. Nasaan si Ariela?!” he demanded.

Napa-atras si Snow sa takot dahil sa pinapakita ni Jett. Alam nilang hindi pa ito masyadong magaling at delikado ang ginagawa niya.

“Huminahon ka, Jett.” utos ni Sir Chase. “Hindi makakatulong sa sitwasyon ang ginagawa mo.”

Pumasok sa kwarto ang ilan pang nurse but Sir Chase motioned for them na hindi na kailangan.

“Ilabas niyo siya!” Jett continue to struggle with the contraption’s grip. “Hindi siya pwedeng umalis ng ganun nalang. Ginawa ko ang lahat para manatili siya dito.”

Snow wanted to cry. Halos ganyan ang naramdaman niya a few weeks ago. Hindi parin siya makapaniwala na wala na si Ariela. Sa umaga gigising siya at mapapatingin sa kabilang bed sa kwarto na para bang nag expect na makikitang mahimbing na natutulog doon si Ariela. Kapag lunch o uwian naman mapapatingin siya sa upuan ni Ariela na para bang magyaya ng lumabas, para lang marealize na iba na ang nakaupo doon. It was extremely painful.

Hindi parin humihinahon si Jett kaya naman napilitan si Sir Chase na gamitin ang restraining charm sa kanya. Napamura si Jett nang maramdaman ang sakit ng kuryenteng dulot ng pagcontrol sa galaw niya. Nag alangan ang mga nurse nang makita ang ginawa ni Sir Chase. Pero hindi nagsalita ang mga ito.

“Alam naming hindi madaling tangapin ang nangyari.” It was Miss Serena who spoke. “Pero choice ni Ariela ang ginawa niya. Nasa kanya kung gusto niyang isuko ang special charm at maging normal na tao. Wala tayong magagawa tungkol doon.”

Maaaninag ang matinding pagpipigil ni Jett. “Tigilan niyo ito.” He said in a threatening voice. “Gusto niyong maniwala ako sa sinabi niyo?”

Natigilan ang lahat ng nasa kwarto.

“Jett, totoo ang sinasabi ni Miss Serena.” Snow offered. “I-I would be the first to know if—“

Biglang nagliyab ang puting kurtina na nakasabit sa bintana. Tiningnan lamang sila ni Jett gamit ang isang blankong expression. Bumuntong hininga si Sir Chase and this time tuluyan ng nagsalita ang dalawang nurse.

“Kung maaari lang po sana kailangan na pong magpahinga ng pasyente.” Napatingin ang isa sa kanila kay Sir Chase at Miss Serena. “Wala pa siyang isang oras na nagigising.” The nurse said. “Kailangan niyo munang umalis. We will still have some reports to do.”

Napatingin si Miss Serena kay Jett na tuluyan nang tumahimik. “Babalik kami.” sabi niya. “Magpahinga ka na muna.”

Humarap siya kay Collin at Snow. “Let’s go.” Wala ng nagawa ang dalawa kundi sumunod at lumabas ng kwarto.

Nang makaabas sila at maisara na ng tuluyan ang pinto muling nagsalita si Miss Serena.

“I know this would be the biggest problem.” she said almost in a defeated tone. “Knowing Jett. Alam kong hindi siya papayag na mawala nalang ng ganun si Ariela Davis sa Charm Academy. We have to keep watch.”









Kinabukasan, muling bumalik si Snow at Collin sa Hospital. Pero nagulat nalang sila nang makitang nagpapanic ang mga tao doon. Nang tingnan nila ang nangyayari, nakita nilang nasusunog ang loob ng kwarto ni Jett. Holy shit. Napamura si Collin. Nang pilit niyang tingnan ang loob ng kwarto, alam niyang wala na ang taong bibisitahin nila doon.

“Let’s go.” Hinila niya si Snow pabalik sa labas.

Nagtatakang napatingin ito sa kanya habang tumatakbo sila. “Where the hell are we going?”

“Wala si Jett sa Hospital.” sagot ni Collin. “He made the fire as a destruction para hindi agad siya sundan.”

Hinihingal na nakarating sila sa tapat ng bintana sa labas ng kwarto ni Jett. Pinagmasdan nila ang paligid. Walang tao. Naiinis na ginulo ni Collin ang buhok niya. Hindi pwedeng umalis si Jett. Lalo na at hindi pa ito masyadong magaling.

Pero ang isa pang kinaiinis niya, maaaring alam niya kung saan ito papunta. Hindi siya pwedeng magkamali. Alam niya ang takbo ng utak ng kaibigan niya. Hindi pwede ang gusto nito.

“Sa tingin mo nasaan kaya siya?” nag aalalang tanong ni Snow.

Bumuntong hininga si Collin. “Nakalabas na siya ng Academy.”

“What?” Snow exclaimed. “Ano namang gagawin niya sa labas—“ Natigilan ito nang mag sink in sa kanya ang nangyayari. “Don’t tell me—“

“Kailangan natin siyang sundan.” Collin said. “Kailangan nating ipa-alam ito kina Sir Chase.”

                      














Ariela’s POV

 

Nagising ako at napaupo sa kama. Pawis na pawis ako at para bang hindi makahinga. Nagpalinga linga ako sa loob ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako. Panaginip. Panaginip lang pala.

I tried to calm myself habang nakatitig sa labas ng bintana. Ano mang oras tutunog na ang alarm clock ko para mangising. Huminga ako ng maluwag para alisin ang ano mang kakaibang nararamdaman ko.

Ano bang nangyayari sayo, Ariela? Panaginip lang yun. Calm yourself down. Paulit ulit kong utos sa sarili ko. Pero kahit anong gawin ko hindi maalis ang kabang nasa dibdib ko. Mas lumalala ata ang mga panaginip ko habang tumatagal.

Pinilit kong tumayo sa kama at nag prepare para sa pagpasok. Pero habang ginagawa ko yun natigilan ako at napatingin sa sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko may kulang. Nagising nalang ako isang umaga na laging nakakaramdam na may kulang. Wala namang nagbago sa akin pero pakiramdam ko may nawawala. At habang tumatagal mas lalo akong ginugulo ng pakiramdam na yun.

Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba sa kusina. Gaya ng dati nandoon na si Grandma at nagluluto ng almusal. Umupo ako sa isa sa mga silya at napabuntong hininga.

“Okay ka lang ba, apo?” tanong ni Grandma.

“Hindi ko alam, Grandma. Ang sama ng gising ko.” I mumbled.

Napahinto siya sa pagluluto at napatingin sa akin. “Yung panaginip nanaman ba na yun?”

Natigilan ako. Minsan ko ng nasabi kay Grandma ang napapanaginipan ko. But I doubt she believes it’s something strange.

“It’s nothing, Grandma. Don’t mind me.” Nagsimula akong kumain kahit wala talaga akong gana.

“What is it this time?” malumanay ang ngiti na tanong niya. Pinagmasdan ko siya. Can I tell her? Baka isipin ni Grandma nababaliw na ako.

“Forget it, Grandma.” I mumbled. “Panaginip lang naman yun.”

She was about to say more pero mukhang mas pinili ni Grandma na hayaan nalang ako. Nakahinga ako ng maluwag. Pero maya maya lang bigla siyang nagsalita.

“Noong isang araw lumuluha ka habang natutulog and last week naman binabangungot ka. Are you really sure na wala lang yan, apo?”

Natigilan ako. “I’m okay.” sagot ko. “I promised.”

Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na siya nagsalita pa. Pero habang kumakain nahuli ko si Grandma na napapatingin sa akin. There’s something in her expression that I can’t quite recognize.

Matapos kong kumain, nagpaalam ako kay Grandma na pupunta na ng school. Naglakad ako ng tahimik habang hawak ng mahigpit ang straps ng bagpack ko.

“Davis.”

Natigilan ako at tuluyang huminto sa paglalakad. May tumatawag ba sa akin? Nagpalinga linga ako sa kalye. Wala akong nakitang tao.  Bumuntong hininga ako. Baka nagkamali lang ako ng rinig.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Isinuot ko sa tenga ko ang headset at nakinig na lamang doon. This is not good. Pakiramdam ko hindi na tama ang nararamdaman ko. Hindi na din ako nakakapag concentrate sa school dahil dito.

Halos malapit na ako sa school nang matigilan ako. Someone is staring at me. Lumingon ako sa isang bahagi ng kalye at nakita siyang nakatingin sa akin. A guy wearing a gray hoddie and faded pants is standing in the street. He has raven black hair, nakapamulsa siya, at nakatitig sa akin.

“Davis.”

Unti unti kong inalis ang headset na nasa tenga ko. Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Sa kanya galing ang boses na yun. Paano niya nalaman kung sino ako? Kilala ko ba siya? Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ngayon ko lang siya nakita.

Bigla akong napalingon sa kabilang dulo ng kalye nang marinig ang isang sasakyan na paparating. Tumabi ako at ibinalik ang tingin sa lalakeng nasa kalye. Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya. What is wrong with him? Hindi niya ba nakikitang masasagasahan na siya?

Napahakbang ako sa tangkang pagligtas sa lalake. Pero masyado siyang malayo at masyadong mabilis ang sasakyan. Linampasan ako ng sasakyan at dumerecho sa kalyeng nasa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko nang marealized na wala itong balak huminto. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Hindi ba niya nakikita na may masasagasahan siya?

Halos mapapikit ako dahil hindi ko kayang makita ang susunod na mangyayari. Pero bago yun napansin ko ang expression ng lalake. He is still staring at me as if he knows me. And I saw pain in there. And longing.

Dumerecho ang sasakyan sa kanya na tila ba hindi siya nakikita. I nearly gasped in shock. Halos mapatakbo ako papunta sa kanya. Pero noong lumampas ang sasakyan wala akong nakitang katawan na sugatan sa daan. Not even a trace that someone is stranding there earlier. Nawala na ang lalake.






Lumipas ang araw at isang bagay lang ang nasa isip ko. Ang lalakeng nakita ko sa kalye kaninang umaga. Halos hindi ko na namalayan na nagka quiz kami at ilang beses akong pinagalitan dahil hindi ako nakikinig. Nitong nakaraang mga araw para bang nawalan na ako ng gana sa pagpasok. It’s as if something is not right. Sa mga taong nasa paligid ko. Sa lugar na inaapakan ko.

Dumating ang lunch at wala sa sarili na lumabas ako ng classroom. Naglakad ako sa hallway at nakipagsiksikan sa madaming tao. Ilang tao ang nabanga ako. Ang ilan naitulak ako. Hindi ko alam kung sinasadya nila. Wala din akong pakialam. I’m not necessarily that important for them to take noticed.

Hindi ako sa cafeteria kumain gaya ng dati. Lumabas ako sa school building at pumunta sa side ng school kung saan halos walang tao. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong ganang kumain. Para akong maiiyak pero hindi ko maintindihan kung bakit. It’s as if I lose something important but I don’t know what it is. Like I’m missing someone I don’t even met. Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang maaliwalas na paligid. Why am I even here?

Dumating ang hapon at walang pinagbago ang nararamdaman ko. Ni hindi ko namalayan na uwian na pala. Tumayo ako mula sa upuan nang mapansin na halos ako nalang ang natira sa classroom. Kinuha ko ang librong nasa mesa na hiniram ko sa library kanina at wala sa sarili na pumunta sa third floor para ibalik ito.

Habang naglalakad napansin ko na halos wala ng tao sa hallway. Mukhang hindi ko namalayan ang oras. Nakabukas pa kaya ang library? Isang lalake ang bumanga sa akin nang paakyat ako ng third floor dahilan para mahulog ko ang mga hawak ko. Tumigil ako sa paglalakad at bumuntong hininga. Ni hindi man lang ito nag sorry o kahit lumingon man lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang marating ko ang library. Halos wala ng tao doon. Pumunta ako sa counter at nakita nandoon parin ang librarian.

“Ariela Davis.” bati niya sa akin. Madalas ako sa library. “Mabuti naman nandito ka. Kanina pa ako nagpapatawag ng estudyante.”

Ngumiti siya sa akin bago may kinuha sa ibaba ng counter. “Pwede bang pakidaan naman ito sa art room sa second floor pagbaba mo? Baka kasi i-lock na ng guard ang room at walang magamit ang mga estudyanteng maaga ang pasok doon bukas.”

Iniabot niya sa akin ang isang makapal na illustration book na puno ng nakaipit na sketches at drawings. Tumango ako. Libro nanaman. Nagpaalam ako matapos isauli ang kinuha kong libro at dalhin ang ibinigay niya.

Dumaan ako sa room na sinabi niya. Nasa dulo ito ng hallway at wala talaga sa daraanan ko pero wala na akong nagawa noong ibigay niya ang libro. Nakapatay na ang ilaw ng halos lahat ng room na nadaanan ko maliban sa isa kung saan naglilinis ang isang janitor. Binuksan ko ang ilaw ng art room at nakita ang sandamakmak na paintings at hindi natapos na canvas na nandoon.

Matagal na akong hindi nakapasok doon kaya halos hindi na ako familiar sa mga nakikita. Ibinaba ko ang makapal na librong nasa mesa at pinagmasdan ang mga paintings na nandoon. Ang iba malalake na halos takpan ang ibang parte at sulok ng kwarto. Pero isang painting ang nakakuha ng attention ko. Linampasan ko ang isang halos kasing laki ko na canvas at pinagmasdan ang painting na sumisilip mula sa likod nito.

FIRE. A FIRE BALL.

Isang fire ball ang nasa painting, a combination of red, blue and orange flame. Naglalagablab ito at para bang papunta sa direction ng taong tumitingin. Napahawak ako sa canvas nito. I traced the texture of the sheet and the shape of the fire ball with my pale fingers. Hangang sa nakaramdam ako ng biglaang sakit sa ulo ko. Inalis ko ang kamay mula sa painting at nahawak sa ulo ko. Pakiramdam ko bigla akong nahilo. I shake my head to clear the uneasy feeling. Mabuti pa umuwi na ako. Kung ano ano na itong nararamdaman ko.

Akmang paalis na ako sa harap ng painting nang biglang namatay ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko. What happened? Mabilis kong pinuntahan ang pinto. Hinawakan ko ang knob at pinihit ito. Walang nangyari. Nanlaki ang mga mata ko at muli itong pinihit. Wala talagang nangyari. Nagsimula akong magpanic. SHIT.

Inulit ulit ko ang pagpihit sa knob ng pinto. Pero nakalock na ito. Hindi kaya nilock ito ng janitor na nasa kabilang kwarto habang nasa loob ako? Kumatok ako ng malakas. “HELLO! MAY TAO BA DYAN!”

Walang sumasagot. Damn. Sinubukan kong isindi ang ilaw pero maging ito hindi masindi. May central switch ba ito o something? Nakulong ba talaga ako dito? Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang hawak parin ang knob habang ang isa ay walang tigil sa pagkatok sa pinto.

“HELLO! PALABASIN NIYO AKO DITO!”

Nothing. I can’t hear any sound at all. Tarangtang binuksan ko ang bag ko. Hinanap ko ang cellphone ko. Nang makita ko ito mabilis kong nagdial ng number ng bahay namin. Halos makagat ko ang mga labi ko sa paghihintay na may sumagot ng tawag. Pero walang sumasagot. Wala na akong ibang alam tawagan. Wala akong kaibigan sa school na ito. Napaupo ako sa sahig. Bakit ba kailangang mangyari sa akin ang lahat ng ito?

“You’re still a cry baby.”

I froze. Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ang isang boses sa loob ng kwarto. Unti unti akong napatingin sa bintana na tila ba hindi gustong makita kung sino man ang nandoon. Napatayo ako nang makita ang isang familiar na lalake na nakaupo sa railings nito at pinagmamasdan ako. Siya yun. Yung lalakeng nakita ko kaninang umaga.

“W-What are you doing here?” nagawa kong itanong.

“Davis.”

He is doing it again. Tinatawag niya nanaman ako na para bang kilala niya ako. Umalis siya sa pagkakaupo at unti unting naglakad papunta sa akin. Napa-atras ako.

“D-Don’t go any nearer. I’m warning you.” Kinuha ko ang bag ko bilang pananga mula sa kanya. Sino ba siya? Ano ba siya?

“Ariela Davis.” he said while he is just inches from me.

I can feel his breath fanning my face. Napalunok ako. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa dilim but I can clearly see how his black hair falls a few centimeter above his eyelids. At ang mga mata niya. They are piercing black and they flicker beneat the dim surroundings.

“I miss you.” he almost whispered in my bare ear.

“I don’t know you.” sagot ko. But I’m lying. I know I’m lying. Ang mga mata niya. Familiar ang mga mata niya. Nakita ko na siya dati. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero saan? Hindi ko matandaan.

Tila ba nasaktan siya sa sinabi ko. Hindi na siya lumapit pa. Kinuha ko yun na pagkakataon para tumalikod mula sa kanya. Muli kong hinawakan ang knob ng pinto. Please bumukas ka. Tahimik na dasal ko. Pinihit ko ito ng ilang beses pero makalipas lamang ng ilang segundo bigla ko itong nabitawan— Hindi ako nakagalaw— Dalawang kamay ang naramdaman ko na bumalot sa beywang ko. Bigla akong nanghina. He is hugging me. He is hugging me from behind.

Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya. He rests his chin in my shoulders while his arms are still embracing me. Tightly. Like he doesn’t want to lose me. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang init ng katawan niya. He is like a child in some way. Ayaw maiwanan.

And the strange is— Hinayaan ko siya. Hinayaan ko lang siyang yakapin niya ako. Nanatili kami sa ganung position sa loob ng ilang minuto. It’s weird. I don’t even know this person but being in his arms seems the only thing that makes sense to me. Sa dami ng nangyari. Sa dami ng gulo at hindi maipaliwanag na pakiramdam nitong mga nakaraang araw. For the first time I feel calm and safe.

“I will wait for you to come back.” bulong niya sa akin. “Hihintayin kita. Kahit gaano katagal. Hindi mo man ako makilala ngayon. Darating ang araw na maaalala mo din ang lahat.”

I can feel his arms lossening its grip. Hindi— Hwag kang umalis. Halos bulong ko sa sarili. Nawala ang chin niya mula sa pagkakarest sa balikat ko. At ang kamay niya mula sa beywang ko. Bigla akong humarap sa kanya dahil hindi ko pa gustong umalis siya.

That’s when he slowly planted a soft kiss in my forehead. A lingering kiss that is almost unreal. Napapikit ako. “Babantayan kita hangang sa dumating ang araw na yun.” he whispered just a few inches from my face. “I love you.”

Naramdaman ko ang unti unting paglaho niya sa harap ko. The warmth of his body is slowly fading and every trace of his existence was soon gone. Binuksan ko ang mga mata ko at nakitang muli ang familiar na kadiliman ng kwarto. Kung saan tanging ako nalang ang nakatayo.

Nanghihina akong napasandal sa pinto. Nang hawakan kong muli ang knob nito at pinihit— isang mahinang clicked ang narinig ko. Bumukas ito. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Napangiti ako and at the same time I feel like crying. Lumingon ako sa huling pagkakataon kung saan siya nakatayo kanina.

Jett Forester.

***

T H E E N D

#HappyJettForesterDay

Continue Reading

You'll Also Like

67.4K 4.6K 78
(On-Going)
185K 5.5K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
654K 21.3K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...