The CEO's Seduction

By j_tiara

201K 4.2K 394

(COMPLETED) (UNEDITED) Silvestre x Catallina - j_tiara Date started : May 19, 2020 Date finished : July 14, 2... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7 (R18)
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15 (R18)
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
EPILOGUE

CHAPTER 34

5K 106 36
By j_tiara


Naging maayos naman ang party ni Yllana pero yung kaba at takot na nararamdaman ko kanina ng makita si Silvestre ay andito pa din. Hindi ko masabi sabi kay Mama na andito siya dahil hindi na naman siguro importante yun.

Kanina pa ako balisa at alam kung napapansin na nila yun. Kahit si Keannu kanina pa nagtatanong kung ayos lang ba ako, galit daw ba ako sa pagbibiro niya tungkol sa amin kanina sa harap ng bisita ni Lolo.

"H-hindi naman. Bat naman ako magagalit?" sagot ko.

"I just thought"

"Magpapahangin na muna ako Keannu" paalam ko.

"Should I go with you or you want to be alone?" tanong niya.

"Matulog ka nalang, alam ko namang pagod ka"

Nagpaalam narin ako kina Lola at Lolo. Nasa parehong cabin lang kami ni Mama kaya ng pumasok ako at nagbihis ng panligo ay nagpaalam narin ako. Gabi na, pero gusto kong maligo. Matagal tagal narin kasi simula ng magtampisaw ako sa dagat.

Kahit malamig ang simoy ng hangin ay hindi ko yun inalintana at agad ng hinubad ang roba kong suot. Naka puting one piece swimsuit lang ako at tuluyan ng lumusong sa dagat. Hindi naman ganoon ka dilim dito dahil may mga ilaw naman sa malapit kahit papaano.

May dalawang yate rin sa malapit kaya ayos lang. Wala naman sigurong pating dito o ano man. May mga naliligo rin naman, kaso medyo malayo sa akin. Dito talaga ako sa pinakagilid para mapag-isa at makapag isip isip. Habang pinapalutang ang sarili ay hindi ko naiwasan na isipin ang itsura kanina ni Silvestre habang pinapalabas ni Keannu na anak namin si Yllana.

May kung anong sakit na naramdaman ako sa puso ng makita ang galit niya. Lumangoy nalang ako ulit at nilibang ang sarili sa malamig na tubig dagat.

Tumili ako ng biglang may kung anong humawak sa mga paa ko galing sa ilalim.

"Ahh! Tulong!" pero mukhang malabo ata na may makarinig saken dahil medyo nakalayo na ako sa kakalangoy.

Pilit akong kumakawala sa hawak ng kung sino pero hindi ko talaga kaya. Mas lalo lang akong kinabahan ng hindi pa siya umaahon. Tao ba'to? o baka engkanto ito ay gusto akong lunurin? Mas lalo akong nagsikap pero wala akong nagawa. Lumubog pa ako at medyo nakainom ng tubig dagat.

"Oh fuck. Are you okay?" gulat na gulat ako sa nagsalita kahit pa man nahihirapan na akong huminga.

"H-huh?" yun lang ang tanging naisagot ko sa lalaking nasa harapan ko bago dumilim ang lahat sa paligid.

Akala ko panaginip lang ang nangyari, patay na ba ako? Dinilat ko ang mga mata at nabigla ng puro puti ang nakikita ko. Patay na talaga ako? Hinawak hawakan ko pa ang katawan ko at kinapa ang puso, tumitibok naman. Nilibot ko ang tingin at napagtantong nasa maliit na kwarto ako. Napahawak ako sa ulo ng makaramdam ng kaunting pagkahilo, parang umaalon yung pakiramdam ko. Nasan kaya ako? Sinong nagdala saken dito? Na kidnap ba ako?

Mukha ni Silvestre ang agad na sumalubong sa mga tanong ko. Dala ang isang maliit na tray na may laman na mga pagkain. Niligay niya yun sa may paanang parte ng kama tsaka umambang lalapit saken.

"Diyan ka lang. Wag kang lalapit. Nasan ako? Bakit ako andito? Bakit ka andito?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Eat first" walang emosyon niyang sabi.

"Ayoko! Sagutin mo muna ako!" sigaw ko sa naiinis na tono.

"I won't answer you unless you eat your food" mahinahon parin siyang nagsasalita pero wala kang mababakas na emosyon galing sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng may marinig na hampas ng tubig sa kung saan. Agad akong tumayo at muntikan pang mahulog buti nalang ay nahawakan niya ako agad.

"Wag mokong hawakan" matigas kong sabi at agad na lumapit sa maliit na bintana para sumilip sa labas.

Bakit nasa gitna ng dagat ako? Ano ba 'to? Dali dali akong pumunta sa pinto kung saan pumasok si Silvestre kanina. Hindi na niya ako napigilan kahit pa man tawag siya ng tawag saken. Agad akong tumakbo at dumungaw sa paligid. Nasa isang yate ako! Bakit ako andito? Tirik na tirik na yung araw at paniguradong nag aalala na sina Mama saken.

"Bakit ako andito? Ibalik mo na ako sa amin!" salubong ko sa kanya pagkapasok ko ulit sa kwarto.

"I said eat your food" ma awtoridad niyang sabi.

Pero hindi ako natatakot sa kanya, bakit naman ako matatakot? Sino ba siya sa tingin niya? At hindi ko rin kakainin ang pagkain na yan. Malay ko ba kung may lason yan?

"Iuwi muna ako!"

"I'll send you home once you eat"

"Ayoko nga kumain! Gusto ko ng umuwi!"

"Then hindi rin kita iuuwi" sabi niya at tinalikuran na ako.

Pumasok siya sa isang maliit na pintoan at kung hindi ako nagkakamali ay banyo iyon. Napatingin ako agad sa damit ko ng mapansing iba na ang suot ko. Sinong nagpalit saken? Halos umusok ang tenga ko ng maisip na baka si Silvestre tong nagpalit saken at pinagsamantalahan ako habang walay malay. Pero wala namang masakit sa katawan ko, ayos lang naman ako pero nahihilo parin ako.

Umupo ako sa kama at halos ibaon na ang sarili ng marinig kong kumakalam ang sikmura ko. Anong oras na ba at bakit parang gutom na gutom na ako.

"Gusto ko ng umuwi" saad ko ng maramdamang lumabas na siya galing banyo.

Agad akong napatalikod ng makitang tuwalya lang ang nakapulupot sa bewang niya.

"Kung hindi ka kakain, hindi ka uuwi" yun lang ang narinig ko sa kanya.

Hindi ko na siya hinarap pa at tinitigan nalang ang pagkain sa gilid. Natatakam narin ako, bahala siya. Basta pagkatapos nito uuwi na ako. Agad kong pinulot yung isang slice ng bacon at kinain. Pake ko sa kanya kung makita niya akong mukha akong patay gutom.

Sarap na sarap na ako sa pagkain ng biglang mabulunan, aabutin ko na sana yung tubig ng maunahan ako ni Silvestre.

"Take it easy. Marami pa namang pagkain sa baba" natigil ako sa pag inom dahil sa sinabi niya.

"Iniinsulto mo ba ako?" inis kong tanong.

"Nope. I'm just saying that you should eat slowly" sagot niya at hinaplos pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hinila ko pababa ang suot kong night dress dahil nakikita na yung mga legs ko.

"Sinong nagpalit saken?"

"Ako" mahinahon niyang sagot sabay kuha ng upoan sa harap ng tukador at nilagay sa harap ko para makaupo siya.

"A-ano bang kailangan mo saken?" halos hindi na ako makapagsalita dahil sa hiya at inis sa kanya.

Parang natural lang sa kanya na siya yung nagbihis sa akin. Parang wala siyang ginawang mali.

"Finish your food first" hindi na ako nagsalita pa at kumain nalang.

Kahit pa man anong tanong ko alam kong hindi niya sasagutin. Nakakainis siya. Ang sarap niyang sapakin.

Natapos ako sa pagkain at agad ng naligo, hindi ko alam kung bakit may mga damit siyang pambabae dito at halos kasya pa lahat saken. May mga undergarments din siyang naka handa dito. Kanino kaya 'to? Sa mga babae niya? Pero mukhang mga bago pa naman dahil may mga presyo pa.

Isang tie dye bodysuit ang pinili kong suotin at isang cotton na short. Halos mapangiwi pa ako ng makita ang sarili sa salamin, gusto kong magpalit dahil baka isipin pa ng isa diyan inaakit ko siya.

Natigil ako sa pagpipili ng iba pang susuotin ng biglang bumukas ang pinto.

"You done?" tanong niya sabay silip sa loob ng walk in closet.

Inismiran ko siya at agad na tumayo, hindi na ako magpapalit. Pake ko ba sa kanya? Isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko ng maramdamang nakasunod siya saken habang naglalakad ako papuntang front deck.

"Nope"

Marahas akong lumingon sa kanya bago nagsalita.

"Akala ko ba pag kumain ako uuwi na tayo?"

"Yep. Pero hindi ko sinabing ngayon kita iuuwi"

Halos magpapadyak ako sa galit dahil sa narinig. Ano bang pinaplano nitong lalaking 'to?

"Kailangan ako sa amin! Hinahanap na ako ngayon ni Mama panigurado kaya iuwi muna ako" sabi ko.

Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko at prenteng umupo lang sa isang sun lounger sa gilid.

"Naririnig mo ba ako? Iuwi mo na ako dahil hinahanap na ako ni Mama!" sigaw ko ulit at pumunta sa harap niya.

Sinuyod niya lang ako ng tingin habang naka upo siya at ako naman ay nakatayo.

"Your Lolo knows about this don't worry"

"Ano? Anong kinalaman ni Lolo dito?" taka kong tanong.

"I asked permission that we'll be gone for days"

"Nasisiraan kana ba? Pati Lolo ko dinadamay mo sa mga kalokohan mo. Iuwi mo na ako ngayon din, kung hindi tatalon talaga ako diyan sa tubig" banta ko at lumapit pa sa railings.

Hindi pa rin siya natinag at binigyan lang ako ng matamang tingin.

"Go. But no one will rescue you, malamig na masyado ang tubig diyan at kung tatalon ka, ewan ko nalang kung makakauwi ka pa bang buhay sa pamilya mo"

Tumingin ako sa tubig dagat at naisip na baka nga totoo ang sinasabi niya. Sobrang lamig ng paligid kahit pa tirik na tirik ang araw. Nasan kaya kami? Nagpa lingon lingon ako sa paligid pero puro kulay asul na tubig lang ang nakikita ko.

"Ede tatalon ako, mas mabuti ngang mamatay nalang ako kesa makasama ka dito" sigaw ko.

"Go" wala sa sarili niyang sabi.

Huh! Talagang ayos lang sa kanya kung tatalon ako ngayon dito? Hindi siya mag aalala? Hindi siya takot na talagang tumalon ako ngayon dito? Ganon ba talaga siya ka walang puso para hayaang mamatay lang ako dito pa sa puder niya? Pero ano nga ba ang dahilan niya at dinala ako? Baka naman dahil gusto niya talaga akong patayin. Pero bakit? Wala naman akong ginawa sa kanya. At si Lolo? Bakit niya dinadamay si Lolo dito? Hindi niya naman siguro hahayaan na mangyari ito diba? Hindi niya naman siguro hahayaan ang apo niya sa lalaking ito.

"Tatalon talaga ako" banta ko ulit.

Nagkibit balikat lang siya at pinikit ang mga mata, kunwareng nagpapahinga. Hindi naman siguro to nakakamatay, marunong naman akong lumangoy. Nilingon ko ulit siya pero nakapikit parin, umakyat na ako sa railings dahil desidido na talaga akong makauwi.

Hindi pa man ako nakakatalon ay agad na akong kinarga ni Silvestre at binagsak sa sun lounger. A-ang sakit ng pwet ko.

"Fuck! Are you crazy, huh?" galit na galit niyang singhal saken.

"Sabi ko sayo gusto ko ng umuwi!" singhal ko pabalik.

"I said no" matigas niyang sabi.

"Uuwi ako sa ayaw at sa gusto mo"

"You're not going anywhere. This time you can't escape me anymore. I won't let you go"

Napatitig ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga salita na yun. Ano bang nangyayari sa kanya?

" So do not provoke me " yun ang huli niyang sinabi bago ako iniwan.

Pagka alis niya ay siyang pagdating ng tatlong guwardya sa harapan ko, nagbabantay sa akin. May tumulong luha galing sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako sa tuwing inaalala ang mga sinasabi niya kanina.

Mabigat parin ang loob ko ng kumain kami pagdating ng gabi. Nasa gitna parin kami ng dagat at hindi ko alam kung saan kami patungo. Kanina pa kami dito pero hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. Wala akong gana at gusto ko ng matulog.

"Patapos na ako, hindi ka pa kumakain" hindi ko siya tinignan at nagkunware lang na walang narinig.

Nakatitig lang ako sa plato ko na puno ng pagkain. Gustong gusto ko ng umuwi. Natatakot ako baka ano ang mangyari kay mama dahil sa sobrang pag aalala saken.

May narinig akong mga yapak galing sa kung saan. Agad tumayo si Silvestre at iniwan ako dito sa mesa. Tumayo rin ako at agad na naalerto ang mga guwardya sa paligid dahil palapit ako sa railings.

"Hindi ako tatalon" sabi ko.

Humawak ako sa railings at tiningala ang langit. Ang daming bituin, kumikininang ang bawat isa kahit pa man sobrang dilim. Napangiti ako ng matanaw ang malaki at sobrang maliwanang na bituin. Naalala ko ang sinasabi saken ni Papa noon, lage kaming nag s-star gazing sa labas ng bahay at sinasabi niya na para sa kanya ako daw yung pinakamalaking star na nakikita namin. Miss na miss na kita Pa.

Napansin kong nagsialisan ang mga guwardya kaya agad akong lumingon. Sinalubong ako ng masamang tingin ni Silvestre na hindi ko naman inatrasan. Anong akala niya saken? Matatakot nalang ulit? Tatahimik? Iiyak sa gilid?

“I was talking with Captain Eugenio, we’ll be back tomorrow evening at Batangas”

“Bakit bukas ng gabi pa? Asan naba tayo?”

Hindi niya ako sinagot pero pilit niya akong hinihila pabalik sa mesa naming kanina.

“Ano ba bitawan mo’ko! Nasasaktan ako” reklamo ko at agad  niya naming binawi ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko.

Umupo ako pero hindi ko parin binibigyang pansin ang pagkain. Alam kong masama yung ganon pero hindi ko lang talaga mapigilan dahil hindi pa naman ako gutom.

“Finish your dinner so we can rest”

“Hindi ako gutom. Magpahinga ka kung gusto mo, kung ayos nga lang sayo pwedeng habang buhay ka na magpahinga” wala sa sarili kong sagot.

Natahimik siya habang ako parang nagsisisi sa sinabi, sobra ba yun? Pero wala lang naman yun kung ikukumpara sa mga ginawa niya saken dati. Nasaan kaya si Genevive at bakit parang wala siyang pakealam kung ano ang pinanggagawa nitong boyfriend niyang hilaw.

“Eat” matigas niyang utos at kinuha ang kutsara at tinidor para suboan ako.

“Ano ba’ng ginagawa mo? Akin na nga!” bawi ko sa kanya at nagsimula ng kumain.

Padabog kong binaba ang kutsara’t tinidor dahil naiinis ako sa kanya. Kanina pa siya nakatitig at naiilang ako. Natapos ako sa pagkain na puro bangayan ang ginagawa namin.

“H-hoy teka, bakit ka andito?” gulat kong tanong sa kanya.

Nakahiga na ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto, nakalimutan ko palang i-lock.

“I’m already sleepy so I’ll sleep”

“Wala bang ibang kwarto dito? W-wag ka ditto sa kama, k-kung gusto mo don ka sa sofa” sagot ko.

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti bago sumagot. Umupo siya sa kama kaya agad akong tumayo, kahit pa man malaki ‘tong kama ay bigla nalang lumiit pagka upo niya.

“As far as I know this is my yacht, this is my room and my bed” hinaplos haplos niya pa ang kama habang sinasabi yun.

So anong gusto niyang iparating? Na dapat ako ang mag adjust at doon ako matutulog sa sofa? Tiningnan ko ang sofa, hindi narin masama malaki naman at paniguradong kasya ako kesa sa kanya. Hinablot ko yung kumot at tinalikuran siya.

“Where are you going?”

“Sa sofa ako matutulog. Iyo na yang kama mo! Isaksak mo sa baga mo.” sagot ko at naglakad papuntang sofa.

Habang nag aayos sa kumot ay bigla siyang lumapit at pinausog ako sa sofa.

"Bakit ba?” inis kong tanong at tumayo ulit.

Hinigit niya yung kamay ko dahilan ng pagkakaupo ko sa kanya. Para akong naestatwa sa kinauupoan, hindi ako makagalaw, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Naramdaman kong pumulupot ang mga kamay niya sa tiyan ko bago siniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat.

“I miss you” bulong niya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin, gustong gusto kong kumawala sa kanya pero ayaw ng katawan ko.

Unti unting niyang pinihit ang ulo ko paharap sa kanya, amoy na amoy ko ang hininga niya na mas lalong nagpahina sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para ipikit ang mga mata habang ninanamnam ang mga halik niya sa labi ko.

Parang nanumbalik sa akin lahat, lahat ng naramdaman ko sa kanya simula palang. May kung anong kiliti akong nararamdaman sa may tiyan ko lalo na ng medyo lumalim na ang paghahalikan naming. Kahit itanggi ko man, alam ko sa sarili ko na nagugustohan ko ang ginagawa namin ngayon.

Nagsimula ng bumaba ang mga halik niya patungo sa leeg ko. Hindi niya inalintana ang nag iingay na cellphone sa gilid ng sofa, inabot ko yun at tiningnan kong sino. Agad akong tumayo at nilayo ang sarili sa kanya. Masyado akong nagpadala sa katawan ko at muntikan ng magkamali.

Pinatay niya ang cellphone at tiningnan ulit ako. Napangiti ako ng mapakla ng may maalala, ganoon rin kaya ang ginawa niya saken dati habang nasa business trip siya?

“Ganyan mo ba talaga tinatrato ang girlfriend mo?” tanong ko sa kanya ng hindi na mapigilan.

“What?”

“Nag-mamaangmaangan ka pa. Ganyan rin ba ang ginawa mo saken dati?”

“What are you talking about?”

“What are you talking about ka diyan. Nakalimutan mo naba kaya tayo naghiwalay dati dahil niloko mo’ko?”

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito sa mga sinasabi ko.

“Ah oo nga pala, hindi mo alam na may nalaman ako dati kaya ako nakipaghiwalay. Ang laki ko rin kasing tanga at nagpaloko ako sayo”

“Niloko? I didn’t fool you, what are you talking about? Akala ko ba hiniwalayan mo’ko dahil may iba ka na? sino? Yung Keannu ba? Tsk.”

“Bakit mo dinadamay si Keannu dito?”

“So siya nga?” tumayo siya at umambang lalapit saken.

“Wala akong alam sa pinagsasabi mo!”

“Why don’t you just come back to me? Ano bang meron sa kanya na wala saken? Tell me Catallina!” nabigla ako sa biglaan niyang pagsigaw.

“Do you really love him?” ulit niya pa.
Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Ako itong galit at maraming gusting itanong sa kanya pero bakit parang naging siya?

“Bitiwan mo’ko!” sigaw ko at pilit na binabawi ang dalawang kamay na hawak niya.

“No! not until you answer me. You like that guy don’t you?”

“Hindi ko siya gusto! Kaibigan ko lang si Keannu kaya ilabas mo siya sa usapan natin! At ano naman sayo kung may gusto ako sa kanya? Wala naman sigurong masama don diba? Wala naman akong boyfriend, wala akong niloloko at tinatapakang tao. Wag mo’kong itulad sayo!”

Hinila ko ng pagkalakas lakas ang kamay ko kaya muntikan ko ng masagi ang flower vase na nasa center table.

“You know what? Kung hindi ka nakokonsensya sa girlfriend mo, pwede ba tantanan mo’ko? May girlfriend kang tao pero iba yung kasama mo sa yate na’to? Wag ako Silvestre, babae rin ako. Alam ko ang pakiramdam ng lokohin at saktan ng taong mahal ko. Naranasan ko na yan sa’yo dati”

“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo”

“I loved you so much and I won’t make anything that can hurt you” dagdag niya pa.

Natawa ako sa sinabi niya, siguro kong may amnesia ako paniniwalaan ko siya. Masyadong makatotohanan ang pananalita, masyadong mabulaklak ang dila pero isang malaking manloloko pala.

“Tandang tanda ko pa kong pano mo’ko niloko dati Silvestre! Akala mo ba hindi ko malalaman? Akala mo ba habang buhay akong magiging tanga? Buti na nga lang at yung babae mo ang sumagot ng tawag ko, kung hindi dahil don hindi ko malalaman na niloloko mo lang pala ako”

Natahimik siya sa sinabi ko at hindi na kumibo.

“Natahimik ka ata? Naalala mo na? Gaano ba kami kadami na niloko mo at mukhang inaalala mo pa kung pang ilan ako?”

Tunog matapang kung pakinggan, pero ang totoo nasasaktan ako. Pati yung lalamunan ko ay sumasakit narin badya na maiiyak na.

“I was trying to process everything that you said. Wala akong maalalang niloko kita o ano man.” seryoso niyang saad habang nakakunot ang noo.

Napairap ako sa kawalan at muli siyang tiningnan.

“Hindi mo maalala? Nong business trip niyo? Yung araw na dinala akong hospital at nawala saken ang anak ko!?”  gulat na gulat siya sa sinabi ko.

Tsaka ko lang napagtanto kung ano ang nasabi ko, hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa nagbabadya.

“What did you say?” mahina niyang tanong .

Tinalikuran ko siya at hindi sinagot, bigla niya akong hinila pabalik.

“Answer me!” hindi ako makatingin sa kanya at patuloy lang na pumapatak ang mga luha.

“Fuck Catallina why are you crying?”

“A-ang sama mo” pinaghahampas ko ang dibdib niya habang umiiyak pa din.

Muling nanumbalik saken ang lahat. Ang lahat ng ginawa niya, ang lahat ng ginawa nila saken.

"S-san ba ako nagkulang at kailangan mong gawin saken yun?" iyak ko.

Inabot niya agad ako at niyakap ng pagka higpit higpit. Wala akong magawa dahil sobrang nanghihina ako. Patuloy ko lang siyang pinaghahampas kahit pa alam ko naman na hindi siya nasasaktan.

"Stop crying.. please stop that" bulong niya.

"Kung hindi dahil sa'yo.. s-sana sana buhay pa yung anak ko"

Wala na akong pakealam sa kung ano man ang magiging reaksyon niya sa malalaman. Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang itago ang lahat lalo na at andito siya, kaming dalawa lang. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat, lahat lahat. Kung sana ay hindi niya ako niloko, sana ....

"Can you calm down? I don't want to ask you anything while you're like that. Shhhh" alo niya saken at mas lalong hinigpitan ang yakap nito.

How ironic love is. Kung sino pa yung dahilan ng sakit, sila pa ang gusto nating umalo sa atin. Bakit nga ba ganon? Bakit nga ba ganito?

Nang humupa ang pag iyak ko ay tsaka niya ako pinaharap sa kanya at pilit na pinapahid ang mga luha. Ang sakit sakit sa puso, ang sakit na parang kahit anong oras pwede na akong himatayin.

"Now tell me, what are you talking about?" mahinahon ngunit may bakas ng lungkot sa boses niya.

"Niloko mo'ko" simula ko.

Hindi na muna siya nagsalita ang nakinig lang sa mga sinasabi ko.

"H-hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Binigay ko naman lahat sa'yo, hindi nga lang ako mayaman ... pero totoo naman ako ah. H-hindi naman kita ginagamit ah. B-bakit kailangan lokohin mo 'ko? Bakit hindi mo nalang ako hiniwalayan diba? K-kung ayaw mo na sa akin dapat sinabi mo. Hindi yung lolokohin mo'ko, ang sakit kasi e ... ang sakit sakit"  muling tumulo ang mga luha ko pero hindi ako nagpapigil, nagsalita ulit ako.

"Kung hindi pa siya ang nakasagot sa tawag ko, siguro ... hanggang ngayon niloloko mo parin ako ... A-ayos lang naman saken kung ayaw mo na. Pero hindi naman kailangan na ganoon. Sobrang sakit ang sakit sakit, at dahil don ... d-dahil sa nalaman ko ng gabing yun ... nawala yung anak ko" mas lalo akong humagulhol sa huling sinabi.

Akmang lalapit na naman siya ng nilayo ko ang katawan ko.

"You ... were pregnant? Why you didn't tell me? " kitang kita ko ang pamumula ng mata niya na may halong galit.

"You were pregnant but I just left you alone? Fuck! If I only knew" sigaw niya at hinampas ang vase sa gilid.

Napatalon pa ako dahil sa ginawa niya at mas lalong naiyak. Bakit siya galit? Para saan yung galit niya? Nakokonsensya ba siya? Ano?

"I ... " turo niya sa sarili habang pumapatak ang mga luha . " I a-almost had a child"

Lumapit siya saken at kitang kita ko ang dugo sa kamay niya. Hindi niya yun ininda at mahinahon na lumapit saken.

"And please baby ... wag mong sabihing niloko kita. Hinding hindi ko yun magagawa" paki usap niya.

"Hindi ako tanga Silvestre. Y-yung babae na mismo ang nagsabi saken" sagot ko, inaalala ang gabing tumawag ako sa kanya.

"Fuck. Its probably Genevive. Fuck I can't forgive her this time. The hell with that women!" sigaw niya ulit.

Napatingin ako sa kanya ng banggitin si Genevive. Bakit niya alam na si Genevive? Wala naman akong binabanggit na pangalan ah? O talaga bang magkasama sila doon?

"Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Tell me , what did she say to you? Huh? Tell me" bakas bakas sa kanya ang galit at mukhang seryoso nga siya sa sinasabi.

"Bakit ka nagagalit sa girlfriend mo? Tama lang yung sinabi niya sa akin ang totoo na niloloko mo lang ako" sagot ko.

Napasabunot siya sa buhok niya at sinipa pa ang paanan ng center table.

"Bullshit! She's not my girlfriend, she was my ex. Hindi ko yun magagawa sayo! That night she entered my room and I didn't know kung saan siya kumuha ng susi. I was in the shower at paglabas ko andon na siya ... so please baby, d-dont think that way ... you can ask Calvin about it. He knew"

Tahimik akong nagmamasid sa kanya kahit na humihikbi parin. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ano pa nga ba ang magagawa ng lahat ng 'to? Wala naman diba? Hindi na mababalik saken ang anak ko.

"Trust me. I will never cheat on you, I-I've been in that kind of situation ... so please trust me"

Naalala ko ang sinabi saken ni Jil tungkol sa kanila ni Genevive noon. Kung totoo nga ang sinasabi ni Silvestre ngayon, bakit andon si Genevive? Bakit hanggang ngayon magkasama paren sila?

"B-bakit siya andon?"

"I didn't know. She was following me because she can't catch me in the office. I was about to tell you about her, p-pero huli na ... "

"Tinago mo siya saken. Ang dami mong nilihim"

"I know, I know. I'm sorry"

May magagawa ba ang sorry niya? Tsaka pano ako maniniwala? Eh ng makita ko sila sa hospital naghahalikan pa sila?

"Kung hindi moko niloloko, para saan yung halikan niyo sa hospital?"

Nakita kong nabigla siya sa tanong ko.

"You saw that?"

"Hindi ako tanga at hindi rin ako bulag"

"I - I thought you really didn't care for me ... y-you were there? Are you already okay that time?"

"Hindi. Sa araw ring yun nawala saken si Papa" muli na namang nanumbalik ang pagtutubig ng mata ko.

"A-alam mo yun? Sobrang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, nawalan ako ng anak, pagdating ng ilang araw yung Papa ko naman ang nawala. T-tapos ganito pa? W-wag mo na akong paglaruan Silvestre! Pagod na pagod na ako sa mga ganito"

" I am so sorry baby ... please I'm sorry ... I'm really sorry"

Hinawakan niya ang kamay ko kahit pa pilit ko yung binabawi.

"I'll make it up to you ... tomorrow morning we can go home. I'll tell captain Eugenio about it, I ... I will talk  to your mom, I will explain to her everything... just please listen to me, for now"

Umiling iling ako sa mga sinabi niya. Bakit naman ako magtitiwala ulit sa kanya? Ganon ba kadali ang lahat para sa kanya?

"Please please please. I love you so much Catallina, I love you" sabay halik niya sa magkabila kong kamay na hawak niya.

Kung siguro nasa ibang pagkakataon kami, masisiyahan at kikiligin ako sa ginagawa niya pero hindi e.

"If you don't believe me ... we'll see Genevive. She needs to pay for everything ... I assure you that"

Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Lalagnatin ba ako o dahil 'to sa pag iyak ko kagabi? Matagal kaming nakatulog ni Silvestre kagabi dahil sa maraming rebelasyon na naganap. Kung totoo man ang lahat ng pinagsasabi niya, humanda saken yang Genevive na yan.

Hindi siya tumabi saken at sa sofa natulog, pero pagtingin ko don wala na siya. Baka maagang nagising?

Mabilis akong naligo at nagbihis ng ibalita saken ni Silvestre na dadaong na kami sa resort. Malayo paman ay may natatanaw na akong mga taong parang nag aantay sa amin. Hindi ko masyadong maaninag kung sino pero sa  tingin ko si Mama yung isa, base sa damit na suot niya.

Excited na excited akong bumaba ng yate at agad sinalubong ng yakap si Mama at Lola na halos mangiyak ngiyak pa ng makita ako. Si Lolo naman tahimik lang sa gilid at pinagmamasdan kami. Ibig bang sabihin, totoo yung sinabi ni Silvestre noong isang araw na alam to ni Lolo. Siguro nga, dahil hindi naman sila mag aantay dito kung hindi nila alam diba?

Napalingon ako sa likod ng may marinig na malakas na sampal. Namilog ang mata ko ng makitang si Mama yun at tinuro turo pa si Silvestre.

"How dare you Silver! I trusted you before! I trusted you! Pero anong ginawa mo sa anak ko? Tapos ngayon? Nilayo mo pa siya ng dalawang araw sa amin!" sigaw ni mama sa kanya.

Hawak hawak ni Silvestre ang pisngi niya na sinampal ni Mama. Agad naming inawat si Mama dahil nag aamba na.naman siyang mananampal.

"T-tama na Ma"

"Anong tama na? Nakalimutan mo na ba ang ginawa sayo ng lalaking yan Catallina? Ha? Ano?" huminga ako ng malalim bago siya sinagot.

"Ma ... pag usapan po nating mabuti yan. Nakakahiya po, a-andami ng nakatingin saten"

"I'm sorry for what I did Ma'am. But I assure you that we'll talk about it today." singit ni Silvestre.

Walang naging imik si Lola habang nakatingin samen. Si Lolo naman tinapik lang ang balikat ni Silvestre. Nang makarating sa opisina ni Lolo sa loob nitong beach resort ay agad silang nagsimula sa pag-uusap.

Para akong bata na nasa gilid lang ni Mama at nakikinig sa kanila.

"Again, I am very sorry for this ... for all of these " simula ni Silvestre.

"You should be" matigas na sabi ni Mama.

"I was just so desperate to talk with Catallina that's why I asked Mr. Martinez about it ... "

Tiningnan ko si Lolo na tahimik lang din na nakikinig sa mga sinasabi ni Silvestre.

"The very first time Catallina went to my company to apply as a secretary. I know that there is something about her that I can't resist ... months passed by and I fell for her, really bad"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Siya naman ay nakatingin lang sa lamesa, naiwas ko bigla ang tingin ng lumingon siya saken.

"We had a relationship, we were happy. But one day, she broke up with me at the hospital. I didnt know why she's there because the doctor won't give me any information. I- I was afraid but then I couldn't do anything" hindi niya parin winawala sa akin ang tingin.

"Siya na mismo ang umayaw saken at hindi ko alam kung bakit. I tried to talk to her when we saw each other at Vegas ... but she refused me, so I stopped" tahimik parin kaming lahat na nakikinig sa kanya.

"And there she told me the reason yesterday ... I couldn't believe it" naiiyak siya habang nagsasalita.

Napatingin ako kay Mama na nagsisimula ng humikbi, kitang kita ko ang mukha ni Lola na parang nalilito sa mga nangyayari.

"She suffered from miscarriage ... and I didn't even know that she's pregnant that time" mapait na sabi niya.

"What!?" halos sabay pa si Lola at Lolo sa pagtatanong.

"You didn't know about that? But you let our granddaughter to be with him!?" bulyaw ni Lola kay Lolo.

"I- I didn't know. I only know that they had a relationship back then"

"You had a miscarriage Catallina?" baling saken ni Lola at binalewala ang sinabi ni Lolo.

Unti unti akong tumango sa kanya.

"And you didn't tell us!?"

Hindi ako nakasagot kay Lola dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot.

"And how dare you come here and face us kung ganon naman pala ang ginawa mo sa apo ko!" sigaw ni Lola kay Silvestre.

"That's why Im here madam. I want to apologize personally for what happened back then. Kahit ako walang alam .... she thought I cheated on her kahit wala naman talaga"

"Saan ka pa ba magmamana? Ede sa tatay mo!" singit ni Mama.

"Right! Your father was my daughter's fiancé but he cheated on her. Hindi na kami magtataka kung ganon nga"

"Ma, La please makinig na muna kayo" sabi ko sa kanilang dalawa para matahimik na.

"H-hiniwalayan ko po siya k-kasi akala ko niloko niya 'ko. Hindi niya alam na buntis at nakunan ako" saad ko.

"Whatever you say, I won't let you near my granddaughter again"

Yun ang huling sinabi ni Lola bago pinaalis si Silvestre. Kahit pa man ilang ulit siyang humihingi ng tawad sa nangyari noon ay sirado talaga si Mama at Lola para doon. Nakauwi kami ng Makati na mabibigat ang loob dahil sa mga nangyari. Hindi mawala wala sa isip ko ang mga sinabi ni Silvestre sa yate. Gusto ko siyang paniwalaan at mag bulag bulagan ulit, pero ayoko ng masaktan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...