When I Fell In Love

By warriorMulan16

661 27 0

This work is compilation of Spoken Poetry. The topic in this piece is all about love and heart breaks. More

Kailan Man ay hindi Magiging Tayo
The Wattpader is In Love. With Whom?
Friends Turn in to Strangers
Panandaliang Kasiyahan
Torpe
Suko na ako!
Walang Kamatayang Pagmamamahal
Pagmamahal nga ba?
Pangako
PANGUNGULILA
Hadlang sa Pag-iibigan
Isang Maling Akala
Dating Tagpuan

Walang Katugon ang Aking Nararamdaman

20 2 0
By warriorMulan16

Walang Katugon ang Aking Nararamdaman
By: warriorMulan16

Magkasama tayo at masayang naglalakad sa dalampasigan.

Hampas ng alon ay malayang dumadampi sa ating mga talampakan

Sariwang hangin ating ninanamnam

Bughaw na dagat ang naglalaro sa ating balintataw.

Isang napakagandang tanawin lalo't ika'y aking kapiling

Ngiti at tawa mo'y lungkot ko'y kayang pawiin.

Tila lahat ng pangamba ko ay kayang burahin.

Takot at paghihinagpis nagawa kong limutin.

Malamyos mong tinig kay sarap pakinggan, tila isang musikang nakapagpapanatag ng puso ko't isipan.

Musikang pumapawi ng aking kalungkutan;

Musikang nagpapakalma nang nagwawala kong kalooban;

Musikang nagbibigay ngiti sa aking mga labi;

Musikang nag-aalis ng lahat ng pighati,

Hiling kong ang musikang iyon ay hindi  mapawi.

Minahal ko ang buo mong pagkatao

Tanggap lahat ng kahinaan at kapintasan mo

Pero ang hindi ko matanggap ay yong hindi ka totoo;

'Yong hindi ka nag-eexist dito sa mundo;

'Yong katotohanang bunga ka lang ng imahinasyon ko.

Hindi ko matanggap na 'yong kagaya mo ay matatagpuan lang sa libro

Mas lalong hindi ko matanggap na'yong taong mahal ko ay bunga lang ng ilusyon ko.

'Yong minahal mo pero hindi ka minahal pabalik

Ito 'yong katotohanang na sobrang sakit

Katotohanang sasampalin ka ng paulit-ulit

Sadya yatang tadhana'y minsa'y kay lupit

Dahil nagmahal lang ako ngunit pagdurusa ang aking sinapit

Nagmahal lang ako pero luha ang naging kapalit.

Minahal kita kahit  alam kong karakter ka lang sa isang istorya

Protagonista sa librong aking binabasa

Bakit ganyan ka?

Papel ka lang at tinta pero tila hinaluan ka ng mahika

Mahikang nagbigay daan upang ibigin ka.

Tila ba'y nasa loob ako ng salamangka

Ikaw ay naroon at kapiling Kita

Ako'y iyong inaalo dahil lumuluha sa sobrang saya.

Mahigpit Ang iyong pagkakayakap upang mawala ang aking pangamba

At patuloy mong inuusal "Tahan na! Wala akong balak iwan ka dahil mahal din kita"

Tila musika sa aking pandinig ang mga inusal Niya

Kumalabog ng husto ang a aking dibdib dahil sa tinuran ng aking sinisinta.

Nagpatuloy sa pagpatak ang aking mga luha

Sunod- sunod na hikbi ang kumawala

Dibdib ko'y tila pinipiga

Tila ninanais ng puso kong sumabog sa pagwawala

Ang senaryong iyon ay isa na namang katha.

Walang katotohanan at isa lang kahangalan

Nag- aambag lang iyon ng labis na kalungkutan

Nagising akong mata ko'y namumugto

Kay bigat ng aking pakiramdam tila gusto kong maglaho

Nang imulat ko ang mata, nabungaran Ang mukha mong kay amo.

Makailang ulit kong ipinikit at iminulat ang aking mga mata

Hindi makapaniwala nasa harapn kita king sinta

Nais sana kitang 'akapin ng Kay higpit, pero naisip ko baka ilusyon lang kita.

Ayaw kong umasa! Ayaw ko ng masaktan pa!

Hindi pa ako handang muling lumuha.

Bago palang nauulian ang puso kong nagkasira-sira

Pero isang hagalpak ng tawa mula sayo ang aking narinig

Tila totoo at hindi panaginip

Dibdib ko'y muling nanikip

Ang nakaraang nais kalimutan ay muling nanumbalik

Sakit, lungkot at poot ay muling nagbalik

Tadhana nga ba talaga'y sadyang kay lupit?

Upang bangungot ng nakaraa'y isampal ng paulit-ulit.

Unti- unti ko ng natanggapna wala na siya

Pero bakit? Bakit ang mukha niya'y nanumbalik?

Bakit? Bakit nararamdaman ko muli ang pait?

Ulo ko'y iniling ng paulit-ulit

Tanda ng ayaw ko ng maranasang muling malugmok sa sakit

Sawa na ako sa ganung pasakit.

"Ayos ka lang?" Malamyos niyang tinig sa aki'y muling pumukaw

Mababakas ang pag-aalala sa kanyang tinuran

Masayahin niyang ekspresyon ay napalitan

Pag-aalala sa kanya'y nangibabaw

Labis ko ba siyang minahal kaya hindi ko siya makalimutan?

'Yan ang tanong sa aking isipan

Kahit anong pagpipigil ko sa aking sarili hindi ko maiwasan na siya'y aking 'akapin

Noong una ay tila siya'y nag-aalangan din

Pero makailang saglit pa ay narinig ko na ang kanyang tinig upang ako'y pakalmahin

Pero walang patid  sa pagbuhos ang mga luha kong taksil.

Nanatili kami sa ganun pwesto hanggang sa luha ko'y tumigil

Iginala ko ang aking paningin

Nasa loob kami ng bus 'yon agad ang aking napansin

Atensyon ng ibang pasahero ay nasa akin din.

Bigla akong natigalgal sa aking nakita

Wala ako sa loob ng pantasya

Nasa reyalidad ako at totoo siya

Ganun ba talaga maglaro ang tadhana?

May kawangis ang mahal ko

At nasisiguro kong kami'y nasa iisang mundo

Sa mundong ang katotohanan ay kay sakit at ubod ng pait.

Luha ko'y muling rumagasa;

Tila pagdaloy ng tubig sa ilog na di kayang masawata.

Animo'y libo - libong palaso ang sa puso ko'y tumama.

Ang sakit ay nanumbalik at muling nanariwa.

Akala ko tapos na... Akala ko wala na!

Akala ko paglipas ng panahon ay makakalimutan na kita

Pero isa lang pala itong malking akala

Nagpanggap lang pala ako na tanggap ko na...

Na tanggap ko na nawala ng pag-asa para sa ating dalawa

Subalit ng makita ko siya

Muling nagkapuwang sa isip ko ang salitang pag-asa

Sumagi sa isip ko na naisakatuparan na

Ang dalangin ko sa t'wina

Na ika'y bigyang buhay, dito sa mundong ibabaw

Upang magkasama tayo panghabang buhay hanggangbsa pagpanaw

Muli kong binaling qng aking atensyon sa taong nasa harap ko

Patuloy kung kinukumbinse ang sarili ko na ikaw ito

Mula sa piraso ng papel at tinta ay nagkatotoo

Na ang isang pantasya ngayo'y nasa harapan ko

Pangalan niya'y makailang ulit kong sinambit

Na may pagsusumamo at pananabik

Ngunit ang taong nasa harap ko'y nanatiling walang imik

Tila ba'y walang naririnig

Mapungay niyang mata'y matamang nagmamasid

Maamo niyang mukha ay nagdudulot ng pasakit

Pasakit na aking daranasin ng paulit-ulit.

Wala ng sasakit pa sa katotohanang sa libro ka lang matatagpuan

Sa katotohang ating pag- iibigan ay ilusyon lang

Sapagkat ako lang ang nagmamahal at ako rin lang ang nakakaalam.

Kaya't lahat ng pasakit ay ako lang ang makakaramdam

Ikaw ay kinatha upang maghatid ng kasiyahan

Magbigay tuwa sa mga pusong nalulumbay

Ngunit ang kasiyahang iyo'y bakit naging kalungkutan?

Bakit paghihinagpis ang nararamdam?

Ang tuwa'y nauwi sa puso kong sugatan

Ang galak na dulot mo'y panandalian

Ngunit pang habang buhay ang kalungkutan mong iiwan


This poem is dedicated to those wattpader who fell in love to the person who doesn't exist in
this world.


Written last October 2019
Written by: warriorMulan16

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 777 15
Virat: mahi... Please Mahi: cheeku
1.6K 14 27
May these poems serve as companions on your own journey, offering glimpses of light in the darkest of nights, and reminding you that even in the dept...
9.4K 371 35
Highest ranks #1 Poetry (Feb, May 2024) #1 sadpoems (Feb2024) #2 darkpoems (May2024) #2 sonnet (June2024) Welcome to my world~ You are about to dive...
12.7K 346 19
رواية تتكلم عن قصة خمس بنات وكيف كانت حياتهم مع اهلهم ف الديره وكيف بتكون حياتهم بعدين وكيف شخص حب وحده لكن الحياه تمنعهم عن بعض، و.....