CHAPTER EIGHTY TWO
15th of August
Dialing Iyen-ie
00:00
"Hey!"
"Yang Jeongin!"
"Haha bakit?"
"I think..."
"I think?"
"Buntis ako..."
"Wha-what?"
"Buntis ako!"
"Rio kumalma ka muna..."
"Jeongin ba't ba gan----sandali nga may istorbo eh!"
*toot toot*
Call Ended
Ang ligalig nung nagdo-doorbell. Wrong timing. Pwede naman silang mambwisit nung nandito ang kapatid ko, ako pa talaga ang naabutan!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.
"Good morning."
Mula sa aking tenga ay nagkusang nalaglag ang aking kamay hawak ang phone.
Kano? Anong klaseng tao ba 'to?
May freckles siya at ang lalim ng boses. Pero mukha namang mabait.
"G-good morning?" Yumuko ako at ilang na ilang ang naibigay na ngiti.
"Bago kayo dito, 'di ba?"
"Uh? Oo..." Halos magtago na ako sa likod ng pinto.
Don't get me wrong, hindi siya mukhang negative. Sadyang ayaw ko lang ng na-eexpose ako sa mga tao, lalo na sa mga kapitbahay namin.
"I'm Felix, uhm, heto nga pala. Nautusan kasi ako ng kaibigan kong bigyan kayo ng niluto niyang tteokbeokki." Inabot niya ang lunchbox.
"Ah s-salamat." Yumuko ulit ako at walang hiya-hiyang tinanggap 'yon.
Nagthumbs up pa siya at ngumiti, "Nga pala, welcome sa Seukdong Village...so see you around?"
Nginitian ko lang siya.
Kumaripas siya ng takbo paalis. Naiwan naman akong nakatitig sa binigay niya. Tteokbeokki? Ambango nga ng amoy ah...
Mabilis kong sinara ang pintuan at nahiga na ulit.
...
Incoming Call from Iyen-ie...
Accept | Decline
00:00
"Rio?!"
"Hello? Iyen?"
"Linawin mo, baby...b-buntis ka?"
"Ata..."
"Pa...paanong mangyayari 'yon? Hindi pa naman...wala pa namang nangyari sa atin ah?"
"..."
"Hehe joke lang. I love you, Iyen~ alam mo kung buntis man ako, sa personal ko sasabihin."
"You're becoming naughty."
"Hahaha!"
"Pero seryoso, kung buntis ka man pananagutan naman kita eh."
"Ano ako? Si Virgin Mary?"
"Rio..."
"Ano?"
"I love you."
"Alam ko."
"Jeongin."
"Hm?"
"Gusto pa sana kita makausap kaso kailangan ko nang ibaba muna, andiyan na sila kuya."
"..."
"Mamaya na lang ulit mm? Byeee~"
"Sure, bye."
Call Ended
...
Third Person's
"Oy, te-teka! Antagal mong niluto 'yang tteokbeokki ipamimigay mo lang sa kapitbahay?" Inawat ni Hyunjin si Nari. Umuusok-usok pa sa init ang tteokbeokki nang ilapag iyon ni Nari sa counter.
"Hindi lang sila basta kapitbahay, Hwang, bagong lipat sila." Sagot ni Nari. Pinsan siya ni Seungmin. Paboritong kaibigan nila Han Jisung at Seo Changbin dahil mahilig at masarap itong magluto.
Tuwing may bagong lipat sa Seukdong Village ay inaabutan talaga niya ng mga pagkaing niluto niya.
"Napapalibutan ng itim na aura ang bahay nila! Sino sa palagay mo ang magbibigay niyan dun?" Sabi ni Han Jisung, panay pitas niya sa bungkos ng ubas.
"At nakita niyo bang lumabas 'yong may-ari kanina? Dalawang lalaki, mga mukhang may sama ng loob." Dugtong ulit ni Hyunjin.
Matamang nakikinig lang si Nari sa pinagsasabi ni Jisung at Hyunjin. Nasa bahay sila ni Nari, pumupunta lang sila dito kapag galing sa basketball court ng Seukdong Village. Dito sila nagpapalamig. Si Seungmin naman ay libre palagi pumunta dito dahil magpinsan naman sila, ngunit sila Han, Hyunjin, at Changbin ay mas madalas pa ang dayo kay Seungmin. Si Felix naman ay nadadamay lang.
"Sa lahat ng kapitbahay niyong lumipat, sila yung hihilingin kong bumalik na sa pinanggalingan. Hindi man lang nasisikatan ng araw, ang weird pa ng mga mukha, sila yung tipong manlalason ng alaga mong pusa!" Bulalas ni Hyunjin.
"Teka! Sinabi ko bang ako ang magbibigay nitong tteokbeokki sa kanila? Si Changbin ah!" Inilapag ni Nari ang lunchbox sa harapan ni Changbin.
"Oy ba't ako? Si Han na lang."
"Sus tinatamad lang 'yang baba mo!"
"Sige si Hwang na lang."
"Asang sadyain ko sila sa lungga nila. Ano sila, chix?"
"Wag mo na kasi ibigay, Nari. Kami na lang ang uubos niyan!" Sabi ni Changbin.
Sa huli ay napagdesisyunan nilang utuin ang nananahimik na si Felix at sa kaniya inutos magdala ng pagkain sa bagong kapitbahay.
Hinihingal si Felix nang makabalik kila Nari. Sinalubong naman agad siya ng mga kaibigan.
"A-anong itsura ng loob ng bahay? Maalikabok?" Tanong ni Han.
Umiling si Felix at naupo sa couch. Pinapalibutan naman siya ng mga kaibigan.
"Sabihin mo, may nakita ka bang kakaiba? Ano ba? Tao ba? O ano?" Niyugyog ni Hyunjin ang balikat ng kaibigan.
"Babae..." Sagot ni Felix.
"White lady?!" Si Changbin. Hindi nagulat si Changbin, likas na talaga sa kaniya ang pasigaw lagi kung magtanong.
"Hindi. Magandang babae."
"Nalintikan na! Sige Lix, idescribe mo. Baka shapeshifter lang ang nakausap mo!" Nagkatinginan sila Han at Hyunjin.
"Ano ba kayo? Nasa Seoul tayo para makawitness ng mga bagay na iniisip niyo 'no!" Sabat ni Nari.
"Uhm, mahinhin siya, mukhang mahiyain dahil nagtatago sa likod ng pinto, sa tingin ko highschooler, manguso, nakamahabang palda at thrasher na hoodie jacket." Paliwanag ni Lix.
"Maganda?" Tanong ulit ni Changbin, tumango lang si Felix.
"Oh? Eh maganda pala eh. Dayuhin natin!"
"Nakathrasher?" Natatawang tanong ni Han.
"See? May maligno bang nakathrasher?" Napairap na lamang si Nari at iniwan na ang mga kaibigan sa living room.
Dumiretso siyang kitchen, maya-maya ay dadating na ang paborito niyang pinsang si Seungmin at maghahanap iyon ng makakain. Mahilig siyang magluto, her family owns a cooking class na located malapit sa Park Jinyoung University na siyang pinapasukan nila.
Isa iyon sa dahilan kaya't maaga siyang nahilig sa mga pagkain na pinapakinabangan naman ng mga kaibigan niya.