Rule #1: Rule of Fate

Por redvelvetcakes

128K 3.1K 797

Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if... Más

Prologue
[1]
[2]
[3]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

[38]

2K 50 12
Por redvelvetcakes

"Anak, okay ka na ba?"

Hindi ko sinagot si Mama at patuloy pa ring umiyak. Hinagod niya ang likod ko para patahinin ako. Halos ilang tissue na ang naibigay niya sa akin, pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

"Anak, tahan na. Yung baby..." sabi ni Mama.

Halos makalimutan kong may baby nga pala sa sinapupunan ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.

Nagawa ni Kale na makapaghiwalay sa akin. Nagawa niyang sabihin ang mga salitang 'yon sa akin kahit alam niyang may anak kami.

"Mama, ang sakit..." sabi ko, sabay hampas sa dibdib ko. "Ang sakit, Ma."

Mama gave me a hug as I sobbed on her chest. Nakita ko naman si Theo na nasa may bandang pintuan ng kwarto ko, na nakatitig.

Unti-unti siyang lumapit. Napansin ko naman na may dala siyang laruan na parang train. Sabay kami napatingin ni Mama sa kanya.

"Ate... sa'yo nalang." sabi niya sabay abot nung laruan. "This is my favorite toy. You can have it, don't cry na please?"

Umayos ako nang upo at kinuha ang laruan na binigay sa akin ni Theo. Dati ay hindi naging maayos ang relasyon namin, pero ngayon nagawa pa niyang ibigay sa akin ang paborito niyang laruan para lang tumahan ako sa pag-iyak.

Bigla naman nagtubig ang mga mata ni Theo. Binaba ko ang laruan sa tabi ko at niyakap siya.

"Ate, don't cry na please." he cried.

I rubbed his back to stop him from crying.

"Okay, I'll stop na. Don't cry na rin," sabi ko at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mata ng kapatid ko.

"Theo, let ate rest first, okay?" Mama said.

Tumango nalang si Theo at iniwan ang laruan na binigay niya sa akin. Bumaling naman ako kay Mama.

"Lia, magpahinga ka na. Wag mo na munang isipin ang nangyari ha, makakasama 'yun sa baby." paalala sa akin ni Mama.

Tumigil na ako sa pag-iyak dahil kay Theo. Pero 'yung sakit na nararamdaman ko ay ayaw pa rin mawala.

"Mama—"

"Itulog mo nalang 'yan. Wag mo na muna silang isipin." sabi ni Mama.

Tumango ako. Ginawa ko nalang ang sinabi sa akin ni Mama at tumulog nalang ng mahimbing. Halos mamukto na rin naman ang mata ko sa dalawang araw na pag-iyak. Nakakapagod.

Pag-gising ko naman ay napansin kong umaga na pala.

Dumiretso agad ako sa banyo at sumuka, sabi ni Dra. Montereal, normal lang daw ang pagsusuka dahil nasa first trimester palang ako ng pagbubuntis. Hindi ko nga alam at bakit ngayon ko lang nararamdaman ang symptoms at hindi nung mga nakaraang linggo.

Nakaramdam naman ako bigla ng gutom kaya napagdesisyunan kong bumaba, pero bago pa man ako makakaba ay may narinig na akong pamilyar na boses.

"Soledad, I don't think this is the right time—"

"Oh, I think it certainly is. Where is she?"

I gulped as I took a step down the stairs. Agad naman bumaling silang lahat sa akin. Nakita ko ang pag-aalala ni Mama.

"Tita," sabi ko. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya ng beso o ano.

She looked at me with raised brows. Siguro'y nabalitaan niya na wala ng kasal na mangyayari.

"Liliana." she said. "I need to talk to you,"

Unti-unti akong lumapit hanggang nasa harap ko na si Tita. Nakaramdam naman ako ng konting takot sa paraan ng pagtitig niya sa akin, napunta naman ang tingin niya sa tiyan ko.

"Okay po," sagot ko. "Upo po kayo."

She moved gracefully as she sat on our couch. Bumaling naman ako kina Mama at Tito Remy na sumenyas sa akin na hindi nila ako iiwan.

Kinakabahan akong umupo habang hindi makatingin kay Tita. Nakakatakot talaga kase siya.

"I needed to talk to you, because I heard from my son that you two broke the engagement?" she asked.

Yumuko ako. Naalala ang mga nangyari kahapon. Masakit pa rin.

"Opo." tipid kong sagot.

"At nalaman ko rin na buntis ka, pero hindi nga lang tayo sigurado kung sa anak ko nga 'yan." sabi niya sabay tingin sa tiyan ko.

Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya.

"I mean, Kale didn't have to tell me. I just heard from someone that—"

"Kay Kale po ito!" sabi ko. "He's the father of my child, Tita. Wala na pong iba."

She raised her brows even more.

"We are not sure with that. I heard some stories that you have a thing with the Castellano guy? Isn't that the reason why you and my son broke up?"

Umiling ako. "No, hindi po, Tita. He's just my friend. Not once did I ever have a thing with him!" mariin kong sabi. "I only loved Kale, kaya sigurado po akong sa kanya ang baby na 'to!"

She sighed. "Look, I didn't come here to listen to you explain what happened. I came here to assure that you will not ask anything from my son. Mahirap na, baka maghabol ka pa sa kanya. Lalo pa't may kaugnayan ka sa mga Castellano na 'yun."

My fists balled as I looked down. Nararamdaman ko na naman ang pagbabadya ng mga luha ko. Napatayo naman si Mama.

"At ano ang sinasabi mo, Soledad? Na gold digger ang anak ko? Ganoon ba?" sabi ni Mama.

Tita Soledad laughed. "Ikaw ang nagsabi niyan, Lauren. Hindi ako."

Mas lalo naman nagumapaw ang galit ni Emma at akmang lalapitan si Tita Soledad para sabunutan ito. Tita Soledad, remained poised. Hindi man lang natakot sa inaasta ni Mama.

"Unang-una, hindi kami maghahabol ng pera sainyo dahil mayaman naman kami. Pangalawa, apo mo ang nasa loob ng tiyan ng anak ko!" sabi ni Mama na parang susugurin na si Tita Soledad, kung hindi lang siya hawak ni Tito Remy.

Tumayo lang naman si Tita Soledad sa mga sinabi ni Mama. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin o gawin. Masyado akong nanghihina. Halos hindi na ako makapagisip ng mabuti.

"C'mon, Lauren! Nagkapera ka lang naman ngayon, dahil pinakasalan mo si Jeremy. Hindi na ako magugulat kung parehas kayo ng anak mo." sabi ni Tita Soledad.

Lalo naman nag-init ang ulo ni Mama at sasampalin na sana si Tita Soledad pero pinigilan siya ni Tito Remy.

"Lumayas ka dito! Sinasabi ko sa'yo, Soledad. Itatago ko ang apo mo! Hindi ko hahayaan na makita niyo pa ang anak ko at ang anak niya!" galit na sabi ni Mama.

Tumaas lang naman ang gilid ng labi ni Tita Soledad sabay kuha nang bag niya. Kahit ganoon pa man ay ang classy pa rin niyang tingnan.

"Sure, I'm not threatened, Lauren. Do whatever you want." she said, glancing at me before leaving our house.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo nito. I felt so insulted, alam kong may mali rin ako sa nangyari sa amin ni Kale pero kinakailangan bang maranasan ko pa ang lahat ng ito, ngayon pang pinagbubuntis ko ang anak namin.

Agad dumalo si Mama sa akin.

"Anak, tama na. Wag ka na umiyak. Forget them, okay? Kung ayaw ni Kale sa bata, wag mo na pilitin. Kaya natin 'yan. Nandito lang kami para sa'yo..." sabi ni Mama.

"Pero... Ma. Mahal ko po si Kale. Hindi ko naman po ata kaya na palakihin 'tong anak namin na wala siya. I need him, Mama. I need him!" mangiyak na sabi ko kay Mama.

Mama sighed and pulled me in an embrace.

Humagulgol lang naman ako at patuloy na umiyak.

"Lia? What are you doing here?"

Napagdesisyunan kong magduty muna para maalis ang lahat ng iniisip ko. Pakiramdam ko kase wala na akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. I need to do something else just so I can distract myself.

"I'm working." sagot ko lang kay Emma.

Sinandal niya ang braso niya sa counter habang pinapanood ako.

"Lia, you look terrible." sabi ni Emma. "Have you been crying?"

Tinaas ko lang ang kamay ko, kung saan wala na ang singsing doon. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Emma ang tungkol doon.

"Oh my god, what happened? Nasabi mo ba ang tungkol sa baby?" she asked.

Tumango ako. "He doubted if it's his. Tapos pumunta pa si Tita Soledad sa bahay, para siguraduhin na wala na akong hahabulin sa anak niya."

"What? She said that?" medyo galit na sabi ni Emma. "Oh, I'm gonna tell Mommy about this!"

Umiling ako. "Wag na. Emma. What's done is done. Tapos na rin kami ni Kale, kaya ano pa nga ba gagawin ko."

Emma looked at me with pity. Pakiramdam ko'y kitang-kita niya kung gaano ako kalungkot ngayon.

"Hey, you don't have to force yourself to work. Baka makasama sa baby." she said and pouted.

"I think I can manage." I said, giving her a small smile.

She gave me a small hug. "Kung ayaw ni Kale dyan sa baby, akin nalang! I'll help you raise the baby!"

I laughed. "You have your own to raise, Ems."

"Well, hindi ba pwedeng dalawa?" she said.

I just laughed. Si Emma talaga. She never really changed.

"You're here?"

Napalingon ako nung marinig ang boses ni Lacey. She ordered something to the Nurse before returning her gaze to us.

Hindi ko pa rin alam kung paano ako dapat makitungo sa kanya. She was nice yesterday, but I'm not sure if she should be trusted.

"Yeah, I have to work." sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Wouldn't that be bad for the baby?" she said, while staring at my face. "You look terrible,"

I touched my face, I didn't really bother to fix myself because I'm too tired. Ang daming tumatakbo sa isip ko, kaya wala na rin akong gana na kumilos pa.

Emma looked at us weirdly, as if something is happening.

"Woah, since when were the two of you friends?" Emma said, looking at the both of us.

Lacey looked at me before returning her gaze to Emma. "We're not friends," she said before getting something from the nurse and leaving us there.

I just did my duty as usual. I also tried so hard not to move too much, because of the baby. Hindi rin naman gaano karami ang binigay sa akin dahil nalaman ni Dr. Co na buntis ako.

Papunta na sana ako sa isang pasyente nung makasalubong si Kale. My feet instantly stopped. Nung makita naman niya ako'y nakakunot agad ang noo niya.

"What are you doing here?" he asked. His gaze went down to my tummy. "You're pregnant and you're working?"

"I can do it, Kale." sagot ko. Hindi ko nalang inintindi ang sakit sa dibdib ko. Lalagpasan ko na sana siya, pero nahuli niya agad ang mga kamay ko.

Agad akong napalingon sa kanya. Hindi naman siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Umuwi ka na, baka makasama pa sa baby." he said.

Sa simpleng sabi palang niya na 'yon ay parang lalo akong nabuhayan ng pag-asa na baka magkabalikan pa kami. I needed him to raise this child. I needed him more than ever, to stick with me. To help me with my pregnancy.

"I-I t-think I can work." mahina kong sambit.

Tumingin naman siya sa mga mata ko. He sighed and started pulling me lightly. Hindi naman na ako pumalag pa hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.

"Dito ka nalang, just rest. I don't think I can handle it, if ever something happens to you and your baby." he said, without looking at me.

'Your baby'. Mas lalo naman akong nakaramdam ng sakit sa sinabi niya. Your baby? So, hindi pa rin siya naniniwala sa akin?

"Our baby, Kale." I corrected. "Anak natin 'to."

Tumingin siya sa akin muli. Parang tutulo na naman ang luha ko. Paano ba kami nakarating sa ganito? Ang sakit. Ang sakit na pakiramdam ko'y sinasaksak ako ng paulit-ulit.

"Is it really mine?" he asked.

Tumango ako at ngumiti. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya. Nakatitig lang naman siya sa mga mata ko.

"Yes, it's yours, Kale. I'm sure of that." sabi ko.

I missed hugging him, kissing him, doing all things with him. Ngayon na hiwalay na kami ay mas lalo kong na-realize kung gaano kalaki ang parte niya sa buhay ko. It's like he's my oxygen, and I can't live my life without him.

Parang biniyak muli ang puso ko nung tanggalin niya ang mga kamay ko sa mukha niya. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin.

"Then, should we talk about the custody, some other time?" mahina niyang sabi.

"W-What?"

He sighed heavily. "Wala na tayo, Lia. Since may baby na nabuo, we have to cooperate with each other to raise it. Hindi ko naman tatakbuhan ang responsibilidad ko sainyo, dahil lang hiwalay na tayo."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kaya niyang paniwalaan ang sinasabi ko na siya ang ama nung anak ko, pero hindi niya pa rin ako babalikan? Mananatili pa rin kaming ganito?

"Kale, hindi mo na ba talaga ako babalikan?" sabi ko. "Hindi ka na ba talaga babalik sa akin?"

He looked at me with those pain in his eyes.

"Gustuhin ko man na balikan ka, Lia. Alam kong hindi na pwede."

Kununot ang noo ko. Paanong hindi na pwede?

"Anong hindi na pwede? Kale, I love you. I wouldn't say yes to you, if I didn't." I told him.

Hindi pa rin siya makatingin sa mga mata ko at nakatitig lang sa sahig.

"Lia, nasasabi mo lang 'yan dahil matagal mo na akong kasama. Nasanay ka na nandyan ako para sa'yo. Hindi mo lang napapansin na—"

"Bullshit, Kale! Hindi totoo 'yan. Alam ko ang nararamdaman ko! Alam kong ikaw ang mahal ko! Ilang beses ko pa bang kailangan ulit-ulitin sayo 'yon?" mangiyak kong sabi. "Ilang beses ko pa ba kailangan patunayan 'yon sayo?"

He just continued looking down. Nakita ko ang pagtutubig ng mga mata niya.

"Wag na tayo magtalo tungkol dito, baka makasama sa baby—"

"Ang sabihin mo, ikaw ang hindi makatanggap nung katotohanan!" sagot ko. "Ayaw mong tanggapin ang sinasabi ko sa'yo. Pinagdududahan mo, dahil natatakot kang masaktan."

Tumingin siya sa mga mata ko. Nakita kong tumulo ang luha niya.

"Oo! Minahal ko si Gray, pero ang tagal na 'non eh! Kahit pa nga nung bumalik siya, wala na ang lahat nung nararamdaman ko sa kanya. And yes, I made a stupid mistake of kissing him back, maybe because I wanted to know if I still felt the same way. And I didn't. I feel like a rock when I'm with him. Pero pagdating sa'yo, alam kong gagawin ko ang lahat. Kahit ako pa ang masaktan." dire-diretso kong sabi.

Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya.

"Pinagsisihan ko naman eh. Alam ko naman na may mali ako. Pero, bakit mo naman ako ginaganito? Bakit mo ginagawa sa akin 'to? Sa amin nang anak mo?"

His jaw clenched. Lalo ko naman nakita ang tuloy-tuloy na tulo ng mga luha niya.

"You think this is easy for me?" he said. "Lia, alam mo kung gaano kita kamahal. I would buy the world for you if I can. Pero, ang sakit na eh. I can't look at you the same way, I used to. I don't want to live my whole life with you, wondering when you'll leave me. When you'll realize that I'm not the one you love. I can't do that to myself. Mahal kita, pero hindi ko kayang gawin 'yon sa sarili ko."

Pumikit siya ng mariin bago muling humarap sa akin.

"And the truth is, I loved you more than I love myself." dagdag niya.

Siguro nga, masyado ko na siyang nasaktan. He did a lot of things for me. He made me feel the love that I desire.

Pero sinaktan ko siya.

Hindi ko na kayang harapin pa siya ng hindi umiiyak. Agad akong lumabas ng kwarto.

"Lia," he called, before I closed the door.

Sinubukan kong hindi tumakbo at binilisan nalang ang lakad papunta sa parking lot. Buti nalang din at malapit nalang 'yon dito.

I kept crying while walking, hindi ko na inintindi ang tingin nung mga tao sa paligid ko. I just wanted to get away from here.

Nung makarating ako sa parking ay sinubukan kong hanapin ang kotse ko habang umiiyak. Halos hindi na rin ako tumingin sa dinadaanan ko, hanggang sa makabangga ako ng lalaki.

"Sorry," sabi ko at aalis na sana pero nahawakan niya ang braso ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Gray. I don't have time to deal with him. Galit pa rin ako sa ginawa niya sa akin.

"That's none of your business," sabi ko at binawi ang braso ko sa kanya.

"Lia," I heard Kale's voice from behind.

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Napatingin naman si Gray sa kanya na nakakunot ang noo.

"Pinaiyak mo siya?" galit niyang asik kay Kale.

Kale's jaw clenched even more. He glanced at me for awhile. Pagod na akong magsalita o gumalaw pa.

"This is none of your business, bro." Kale told him, pupunta na sana siya sa akin pero hinarangan siya ni Gray.

"Bakit mo siya pinaiyak? Akala ko ba iingatan mo siya?" sabi niya kay Kale.

Kale looked at him with fury in his eyes. Oo nga pala at galit pa rin siya dito.

"Wag ka na mangialam, Gray. Please... lang." nanghihina kong sabi.

Napatingin silang dalawa sa akin. Agad rin naman silang nagkatingnan ulit. Gray held Kale by the collar, which brought panic to my system. Agad akong lumapit sa kanila.

"Ano ba?! Sabi kong wag ka na nga lang mangialam diba?!" galit kong asik sa kanya.

Pakiramdam ko'y nahihilo na ako. Ang daming nangyayari. Siguro nga, dapat hindi nalang ako pumasok.

"Let go of him!" sabi ko kay Gray at pilit na tinatanggal ang hawak kay Kale.

"Is this the guy you're choosing over me, Lia? Siya pa talaga?" sabi ni Gray.

Napatingin sa akin si Kale. Bumalik rin naman ang tingin niya kay Gray.

"She chose me over you?" he asked.

"Oo! Dahil ang sabi niya, mahal ka niya!" sagot ni Gray. "Pero anong ginawa mo? Bakit mo siya pinaiyak?"

Umaawang ang labi ni Kale sa narinig kay Gray. He looked at me, while I just cried.

"Kahit anong gawin ko, ayaw niya na bumalik sa akin ng dahil sa'yo! You asshole! Parehas kayo nung Kuya mo!"

Kale just looked at him with a mocking face. Mas lalo naman nagumapaw ang galit ni Gray sa kanya at sinuntok ito sa mukha.

"Oh my god!" sabi ko at agad na dumalo kay Kale.

Kita ko ang galit sa mga mata ni Gray. Agad rin naman tumayo si Kale at sinuntok rin si Gray. Tumumba ito sa sahig at sinubukan pang tumayo para gumanti ng suntok kay Kale.

"Fuck! Stop this!" sabi ko na nanghihina na.

Napahawak naman ako sa isang sasakyan. Naramdaman ko bigla ang pagkahilo at panghihina.

"Stop it..." huling sabi ko bago nagdilim ang lahat.

Seguir leyendo

También te gustarán

3.1K 87 39
SPSeries #3: That Sunset Along Roxas Boulevard (Cedric's Story) 3 of 5. Haunted by her past, Kasha Marina, an architecture student from PUP Manila, c...
222K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
143K 3.8K 35
ISLA SERIES #1 Esme, an island girl who wants nothing but to be successful. Her life was as peaceful as she wanted it to be. Not until Echo, her bes...