Agent Girl

By funylicious

19 3 0

More

Prologue

Chapter 1- I miss you Cristoff

7 0 0
By funylicious

CHAPTER 1

DEMONISH P.O.V


"Wake up sleepy head!" shit! na alimpungatan ako dahil sa pagsigaw ng walang hiyang babaeng yon. I know that voice. Pagsigaw palang alam kuna na kung kaninong boses.


Tumayo na ako at pumunta ng banyo para maghilamos at manipilyo, hindi ko sinara ang pintoan ng aking banyo para marinig ko ang usapan nila.


"Ohh shit! ano ba Crispiel ang aga aga para kang nakalunok ng mega phone, punyeta" rinig kung reklamo ni Bubble, napailing na lang ako dahil nagaaway nanaman sila. Kinuha kuna ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste.


"Hehehe sorry. Humayo na kayo at may pupunta pa tayo" rinig kung sabi nya napailing na lang ako at kinuha ang towel ko para maligo na.


Kung nagtataka kayo kung kaano ano ko sila mga kaibigan ko lang naman yan. Well not totally kaibigan lang parang mga kapatid ko na yan. Simula bata pa lamang kami mag kakasama na talaga kaming lima. Kasama kuna rin sila sa kalungkutan, kasiyahan, kahirapan, at higit sa lahat sa kalokohan. Hindi ko na matandaan kung saan ba kaming lima nag kakilala at kung saan nag simula ang pag kakaibigan namin.


"Hey Demonish nakita mo ba yung underware ko?" napa kunot noo na lang ako sa tanong ni Bubble.


"Wag mo sakin hanapin dahil hindi ko alam at wala akong paki alam sa gamit mo" inis na sabi ko. Sinipa nya na lang ang pintuan ng banyo ko.


Sa aming lima ako ang pinaka mainitin ang ulo, ayoko din ng pinaghihintay ako at higit sa lahat ako ang pinaka hindi showy sa feelings ko. Amazona rin akong babae ay basta lahat ng negative na personality na sasaakin na ata. Pero kapag nasa pahamak ka asahan mong darating ako ng wala sa oras para tulongan ka. Ayaw ko din na nasasaktan ang mga kaibigan ko saktan nyo na lahat-lahat wag lang mga kaibigan ko dahil paniguradong makakapatay ako ng wala sa oras.


Sana maging maayos ang misyon namin at matagumpay. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ng banyo at pumunta sa kabilang kwarto para mag bihis.


CRISPIEL P.O.V

"Goodmorning Bubble. Asan yung tatlo?" nakangiting tanong ko sakanya. Ang bruha ng irap lang "ang arte arte hindi naman maganda." bulong ko. 


"What did you say? Baka gusto mo nanaman ng away Crispiel?" tsk! War freak.


"Wala hehehe. Sorry na peace tayo. I love you" hahalikan kuna sana sya ng biglang nag ring yung cellphone ko.


"Mamaya na lang kita hahalikan" at tumawa ako. Ang epic kasi ng itsura nya. Ayaw nya pa naman sa lahat yung hinahalikan sya. Kadiri daw kasi, tanging si Hwang In Yeop lang daw ang pweng humalik sa kanya. 


"Goodmorning Boss" masayang bati ko. Lumabas naman ako sa may Garden


"Asan na kayo? Bilisan nyo na at aalis pa ako!" Hay galit nanaman sya. Kaya ang bilis nyang tumanda dahil palaging galit. Di man lang ngumiti, palaging stress akala mo pasan nya lahat ng problema sa mundo. Minsan nga asarin ko sya.


"Hehehe grabe naman Tito kakagising lang namin, hindi pa kami kumakain" 


"Bilisan nyo na tumatakbo ang oras. Ayaw ko ng pinaghihintay ako" at binaba nya na yung linya. Hay! naku nag mana talaga si Demonish sakanya di makapag hintay.


"Good morning Cherish, Good morning Miel, Good morning Kiel" masiglang bati ko sakanila at umupo na para kumain.


"You know what Crispiel mas mabuting wag kana lang mag salita ang daldal mo. Nakakasira ka ng araw alam mo ba yun?" nag salita yung pinaka tahimik saaming lima.


"Wow! Nag salita yung pinaka tahimik at pinaka mahinhin, hiyang hiya naman sayo si Roxie" sinamaan nya naman ako ng tingin.


"Ano ba mag sisimula nanaman kayong dalawa. Nasa harap tayo ng hapag kaininan manahimik muna kayo. Please ngayon araw lang" saway ni Bubble saamin pero binelatan ko lang sya. 


"By the way Crispiel" napahinto naman ako sa pagkuha ko ng bacon ng tawagin ako ni Roxi."


"Yes bakit?" takang tanong ko sakanya. 


"Sino yung kausap mo sa phone?" napa ngiwi naman ako sa tanong nya. Mabilis kung kinuha yung bacon dahil isa na lang ang natitira baka kunin pa ng patay gutom na si Crieket.


"Si boss" ani ko at mabilis na kumain na. Para makapag handa.


"Bakit daw?" takang tanong ni Bubble. Napa kibit balikat naman ako at saka ngumiwi.


"Bilisan nyo na kumain. Dahil kanina pa nya tayo dun hinihintay at inis na inis na dahil wala pa tayo dun, may pupuntahan daw kasi sya na importante kaya bilisan nyo na kumain para makapunta na agad tayo dun" ani ko at kumain na ulit. 


"If im not mistaken. Tungkol nanaman yan sa Misyon natin" aniya Roxi. Napatingin naman kaming apat kay Demonish.


"Don't look at me like that I'm fine" ani ni Demonish. Bigla naman akong naawa sakanya, alam kung masakit parin sa kanya hanggan ngayon ang ngyari kay Cristoff.


"Bilisan nyo na. Alam nyo naman na ayaw nun ng pinag hihintay" sabi nya tumayo na sya at mabilis na umakyat sa taas.


"Bilisan nyo na. Wag na lang natin pansinin" Ani ni Roxi. 


"Ikaw ayos ka lang?" tanong ko, bigla naman nangunot yung noo nya.


"What kind of question is that. Of course I'm fine" saad nya. Kahit mag sinungaling pa sya kitang kita naman sa mga mata nya ang katotohanan.


"Kahit hindi mo sabihin samin Roxi nakikita naman namin sa mga mata mo" saad ko. Umiwas naman sya ng tingin at tinalikuran kami.


"Hay kailan kaya nila matatanggap na wala na si Cristoff." ani ni Bubble. Uminom naman ako ng tubig at tumayo na.


"Maybe someday" ani ni Crieket at umakyat na rin.


"Umakyat kana Bubble at mag bihis tatawagin ko lang si manang linda" sabi ko at tumango naman sya.


"Eh ikaw, ayos ka lang?" tanong nya. Tumango na lang ako sakanya at tumalikod na.


Napabuntong hininga na lang ako at napa upo ulit. It's been a year since nawala saamin si Kuya Cristoff. Hanggang ngayon masakit parin sobrang sakit. Hindi ko inaakala na mawawala sya sa amin. Hindi ko inaakala na mawawalan ako ng kapatid. Ang sakit sobrang sakit, alam ko na ayaw na ayaw nya na nakikita kaming malungkot o umiiyak, pero hindi namin kaya na sa tuwing maaalala namin sya hindi namin maiwasan na hindi malungkot.


DEMONISH P.O.V


"Hey aalis na tayo" ani ni Bubble, tumango na lang ako sakanya. Dahil na wala ako sa mood ngayon at badtrip. 


Nakakainis ilang taon na syang wala pero heto parin ako umiiyak. Alam kung ayaw na ayaw nya na nakikita akong ganito. Kung andito sya ngayon sigurado ako na aasarin nanaman nya ako. Pero hindi ko maiwasan na malungkot, hindi ko maiwasan di sya alalahanin, hindi ko maiwasan hindi umiyak. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba ang hirap mong kalimutan.


"I miss you so much Cristoff. Alam kung masaya kana kung nasaan ka man ngayon. Sana ayos ka lang dyan sa langit" para akong tanga na kinakausap ang picute nya. Ito yung picture namin na mag kasama sa mall. 


"Demonish aalis na tayo anong oras na baka mapagalitan tayo" ani ni Bubble, napatalikod naman ako dahil ayokong makita nya na umiiyak nanaman ako.


Lumabas na ako ng kwarto at nilagpasan silang apat at sumakay na sa Van. Nakakainis makikita ko nanaman ang pag mumukha ng tito ko. Nakaka bwisit dahil may mission nanaman, kung may choice lang ako hindi ako sasama sa mission na to. It's sucks. Dahil sa mission na to namatay sya. Dahil sa misyon na to nawala yung kaisang isang taong importante saamin, saakin. Sana magtagumpay kami sa mission na to. Sana walang mamatay isa saamin dahil hindi kuna kakayanin. Hindi na ako papayag na may mawala pang isang taong importante saakin. 


"Hey! Demonish" napalingon naman ako kay Crieket.


"Hmm. Nothing" hindi ko na lang sya pinansin at ipinikit kuna lang ang mga mata ko.


Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hindi ko alam kung paano i handle ang misyon na ito. Wala pa akong naiisip na plano, kahit alam kuna kung ano ang ipapagawa saamin hindi ko parin alam kung paano i handle. Naiinis ako hindi naman ako ganito noon. Kahit bigyan kami ng ilang misyon noon nakakaisip ako agad ng plano. Ngayon hindi kuna alam ang gagawin. Nakaka frustrate.


"Demonish" napa mulat naman ako at tiningnan si Bubble. Matagal sya bago mag salita, alam kuna ang sasabihin nila.


"Wal---" kaya pinutol kuna sya at iritang tiningnan.


"I'm totally fine. Wag kayong mag alala dahil ayos lang ako" walang gana kung sagot sakanila.


"Nag aalala lang naman kami sayo, dahil alam namin na masakit parin hanggang ngayon at hindi mo parin tanggap na wala na sya. Demonish please move on." ani ni Bubble.


"I'm trying." walang emosyon kung sagot sakanya.


"It's been a year Demonish. Alam namin masakit, pero sana naman bumalik kana sa dating ikaw. Sana naman ibalik muna yung  ikaw hindi yung palaging ganito, hindi lang ikaw ang nahihirapan, hindi lang ikaw yung nasasaktan. Nasasaktan naman din kami kapag nakikita ka namin ganyan." seryosong saad ni Criespiel. Pero hindi ko sya kinibo.


"Hayaan muna Cris." rinig kung sabi ni Bubble.


Hindi naman talaga ako ganito. Noon palagi akong naka ngiti, noon mas maingay pa ako kila Crieket at Crispiel pero ng nawala sya. Never na ako ngumiti, never na akong nag ingay. habang tunatagal napapansin kuna rin na nagbabago na ako. Hindi na ako kumikibo, hindi na ako nag sasalita, palagi na lang mainit ang ulo ko. Ayaw kuna na kinakusap ako, na akala mo palagi akong dinadalawan. Na tatandaan ko pa nun kung paano ko nasigawan at napag salitaan ng masama sila Bubble, Crieket, at Crispiel


FLASHBACK


Andito ako ngayon sa garden naka upo. Ilang buwan na ang nakakalipas ng mamatay si Cristoff. Narinig kung papalapit saakin  yung apat. Galing sila sa kwarto ni Bubble.


"Pst bhie. Tara alis tayo punta tayo sa Mall libre daw ni Bubble" pag yaya saakin ni Cris.


"No thanks. Kayo na lang, wala akong ganang lumabas" ani ko pero pinilit parin ako ni Cris.


"Dali na, please" nag puppy eyes naman saakin si Bubble. Hindi bagay sakanya.


"Kayo na lang wala akong gana lumabas. Next time na lang" naiinis na ako. Pero mapilit pa din sya.


"Ehh, ngayon na lang nga tayong lima may time na umalis at mag gala. Tapos hindi kapa sasama. Para naman makapag move on na tayo." aniya ni Crieket. 


Nakulitan na talaga ako sakanila at hindi kuna na pigilan yung sarili ko kaya tumayo na ako at tiningnan sila na masama. Nakita ko naman yung pagkabigla nila, dahil ngayon ko lang sila tiningnan ng ganon.


"Pwede ba kung gusto nyo na umalis kayo na lang. Hindi nyo ba naiintindihan na ayaw ko, na ayaw nung tao sumama. Matuto kayong umintindi, kapag sinabi ng tao na ayaw nya wag kayong mapilit. Bakit hindi na ba kayo makapag Mall na wala ako. Matatanda na kayo kaya nyo na ang sarili nyo, bakit pa kayo mag papasama" sigaw ko sakanila. Bakas sa mga mukha nila ang gulat.


"Demonish" ani ni Bubble.


"Isa ka pa, dyan ka naman mahilig sa pagpapaganda, sa pag bibili ng  kung ano anong damit. Ang dami mong damit aanhin mo yan? Ang iba nga dyan hindi muna man sinusuot. Ni hindi ka nga marunong maglinis ng sarili mong kwarto. Ke babae mong tao pero ganyan ka. Minsan bago ka bumuli ng kung ano anong damit matuto ka munang mag linis ng sarili mung kwarto. Makuntento kana sa kung anong meron ka, matuto ka rin mag tipid hindi yung gastos ka lang ng gastos." sigaw ko sakanya.


"Demonish, tama na" pag awat saakin ni  Crispiel,


"Isa kapa akala mo kung sinong matured saating lima. Hindi mo ba ala na ikaw ang pinaka immature at isip bata saatin. Hindi lang masunod gusto mo, umiiyak at mag tatampo kana. Alam mo ba na nakapa babaw ng mga rason mo. Ang lakas din ng boses mo ano nakalunok ka ba palagi ng megaphone?" saad ko. At nakita ko nanaman na umiiyak sya. Napaka isip bata talaga. "Yan umiiyak ka nanaman tsk!" ani ko.


"Ano ba Demonish tumigil kana" sigaw saakin ni Crieket.


"Ikaw din. Ang lakas lakas mong tumawa, para kang hindi babae. Napaka landi mo rin sa ating lima ikaw ang pinaka hindi maubusan ng lalaki. Hindi kaba marunong makuntento sa isa? Kapag tayo nasa bar o party palagi kang nawawala, makikita na lang namin na may kahalikan kana. Yung totoo baka sa isa mung mga naging Ex may naka galaw na say---" naputol yung sasabihin ko ng sinampal ako ni Roxi. 


"Cherish Demonish Monterial. Na sosobra kana, ano ba ng yayari sayo. Nakakasakit kana mga kaibigan mo kami. Bakit mo sinasabihan ng ganyan si Crieket sa lahat ng tao ikaw ang nakakakilala sakanya dahil mag kaibigan kayo. Bakit ikaw pa unang humuhusga, at anong sabi mo isip bata si Crispiel. Tang ina mo, ikaw yung pinaka matanda saatin pero alam mo ikaw yung pinaka immature. Oo may pag kaisip bata si Crispiel. Pero sa pinapakita mo ngayon parang mas malala ka pa. Alam mo lumayas ka muna sa bahay na to. Ayaw kung makita ang pag mumukha mo at baka mapatay kita, baka makalimutan kung kaibigan kita" ramdam na ramdam ko yung galit ni Roxi ngayon ko lang sya nakitang ganito. Ngayon ko na lang uit sya nakitang umiyak.


Tiningnan ko muna silang apat. Ngayon ko lang narealize yung mga sinabi ko, nadala ako ng emosyon ko. Ngayon pinagsisihan ko yung mga binitawan kung salita. Umalis na ako ng bahay at pumunta sa sementeryo. Gusto ko lang lumabas ng sama ng loob alam kung sya lang makakaintindi saakin.


"Hi. Kung andito ka lang alam kung hindi ako magiging ganito. Alam mo ba nasaktan ko ng sobra yung mga kaibigan ko. Alam mo ba galit na galit saakin si Roxi, ngayon kuna lang ulit sya nakitang ganon. Naiintindihan ko naman kung bakit, napagsalitaan ko ng masama sila Bubble, Cris at Crieket" kung andito sana si Cristoff alam kung papagalitan nya ako. Para akong tanga na kinakausap ang puntod nya.


"Para akong tanga hahaha. Alam kung kahit anong iyak ang gawin ko sa harap mo hindi kuna mababawi yung binitawan kung salita sa mga kapatid ko. Nakapagsalita na ako. Bakit ba kasi ang bobo ko. Bakit ba kasi nag padala ako sa emosyon ko?" hindi kuna mapigilan ang mga luha ko kaya hinayaan kuna lang ang sarili ko na umiyak wala na akong pakialam kung may makakita pa saakin.


"I really miss you Cristoff" bulong ko.


END OF FLASHBACK



____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


Enjoy Reading!














"




"































Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...