El Destino desde 1870

By Im_Vena

32.9K 2.1K 377

Completed In modern-day Philippines, Ten, a reclusive mystery writer, release the book "Arrow Pen". As he pen... More

Disclaimer
Logline
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!
El Destino desde 1870
Sequel of El Destino desde 1870

Kabanata 53

342 25 11
By Im_Vena

Kabanata 53

Sa loob ng tatlong buwang lumipas ay marami ng nangyari, Leonardo. Kamusta ka naman mahal ko? Magpasahanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin ako sa iyong paglisan. Alam kong hindi na rin magtatagal at tayo ay muling magkikita. Asahan mo iyan.

"Tila pursigido kang mahasa ang iyong galing sa pamamana." Natigil ang aking marubdob na pag-e-ensayo habang pinatatamaan ang mga latang umabot ng ilang kilometro mula sa kalaparang aking kinalulugaran. Ilang daang palaso ang aking kinayas para lamang sa pag-e-ensayo. Nginitian ko lang ang Ginang bilang sagot. "May pinaghahandaan ka ba?" Bakas ang kaba sa mukha ng Ginang. Mula sa dating sopistikadang kasuotan at kolorete sa mukha, ngayon ang ginang na nasa aking harapan ay isa na lamang simpleng Ina na inaalagaan ang may matigas na ulo niyang anak. Suot ang sayang hindi na mawari kung puti ba o itim na sa sobrang kadumihan. Dala ang isang bilao na may lamang bigas na galing pa sa kaniyang paninilbihan sa pamilihan. Lubos kong kinaaawaan ang kaniyang kinasadlakan subalit mas binabalot ng pagtataka ang aking isipan.

"Bakit mo ito ginagawa Ina?" Simula nang kami ay tumira sa iisang bubong ninais na niyang tawagin ko siyang ganoon. "Bakit lubos ang iyong pagsasakripisyo para sa akin? Maaari mo naman na akong iwan kung iyong gugustuhin. Sabihin mo lamang ang iyong kailangan upang hindi na ako magulat pa sa dahilan ng iyong kabaitan." Malamig ang aking tinig. Hindi ko na rin alam kung kailan ito nagsimulang maging ganito. Ang akin na lamang nalalaman ay isang araw ganito na ang aking tono. Wala ng init ni pagtangi sa kahit sino o ano mang nilalang.

Matapos kong sabihin iyon ay muli akong bumalik sa pamamana. Subalit sa pagkakataong ito ay pinatamaan ko na ang paru-paro na lumilipad. Agad naman itong tinamaan ng matulis kong palaso at sumama roon hanggang sa tuluyang dumikit sa butas nang lata.

"Olivia anak, ilang ulit ko na bang sinabi sa iyo na ginagawa ko ito dahil ikaw ay aking anak na." Kung noon ko siguro ito narinig ay natitiyak kong lubos akong mananabik. Mapupuno ng kasiyahan ang aking dibdib at talagang magtatatalon sa kagalakan. Subalit hindi na iyon mangyayari pa. Hindi kailanman.

Hindi ko na kaya pang magtiwala. Hindi na ako magtitiwala sa kahit na sino. Nagpapatuloy lamang akong mabuhay dahil sa iisang dahilan. At ilang araw na lamang ang itatagal ng aking paghihintay bago ko ito isakatuparan. Matapos iyon ay tatapusin ko na ang lahat. Ang lahat-lahat.

"Batid kong hindi ka pa rin naniniwala." Nanahimik lamang ako roon. Bagama't hati ang aking paniniwala ay ayaw ko pa rin siyang masaktan. Ako man ay nagbago, may bagay sa aking hindi mababago kailanman. Iyon ay ang aking paggalang.

Sa paglipas ng panahon. Tumigil din ako sa pagtatanong. Napagtanto ko na lamang isang araw na hindi lahat ng taong nagpapakita sa iyo ng kabutihan ay tunay. Kalimitan ay huwad. Nangangahulugang hindi lahat ng kumikinang ay ginto, kalimitan ay tanso.

Nang maramdaman niyang wala na akong balak na makipaghuntangan sa kaniya ay nilisan na rin niya ako. Muli lang akong nagpatuloy hanggang sa sumapit ang gabi at lamunin ang liwanag ng dilim. Dilim na sa aking buhay ngayon ay naghahari. Dilim na hindi na kailanman sisikatan ng araw.

"Olivia, tayo ay maghahapunan na, saan ka pa pupunta?" Natigil ako sa paglalakad palabas ng aming bahay nang kaniya akong pigilan. Nangunot ang kaniyang noo at tiningnan ako simula sa ulo hanggang paa. "S-Saan ang iyong tungo?" Bakas ang kaba sa kaniyang mukha. Sinalubong ko lamang ang kaniyang mapanuring tingin. Suot ko ang aking kasuotang pangmadre habang nakataklob sa aking ulo ang itim na tela. Pangkaraniwang aking sinusuot sa tuwing ako ay sumusugod sa digmaan. "M-Maghapunan muna tayo. Huwag ka nang tumuloy, Olivia." Nakikiusap ang kaniyang tinig. Sa aking hinuha ay nalalaman na niya kung saan ako tutungo. "Ina, darating si Arturo Ricarte bukas ng umaga dahil akin siyang pinaunlakan sa ating bahay. Maghanda ka sapagkat hindi ko na siya maaaring salubungin pa." Naglakad na ako palabas matapos kong bitawan ang katagang iyon na tanging bitbit lamang ay ang nakasakbit na mga palaso at panang nasa kamay ko.

Arrow Pen.

Subalit hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ay agad na niya akong pinigilan. Pumalibot ang dalawa niyang kamay sa kaliwa kong kamay. Umiiyak, nagsusumamo at nagdaramdam. Hindi ko man siya lingunin ay naririnig ko naman ang marahan niyang mga hikbi.

"Olivia anak, huwag mong gawin ito sa iyong ina. Anak huwag mo nang ituloy ang iyong binabalak. Nagbago na sila anak. Hindi ka nila kaaawaan kung mahuli ka nila. Papatayin ka nila anak ko. Huwag mo naman akong iwan. Nakikiusap ako, pangako anak, mabubuhay tayo ng masaya. Huwag mo lamang akong iwan." Nakikiusap siya sa akin subalit sa lahat ng bagay ay iyon ang hindi ko kayang pagbigyan.

Marahan kong inalis ang kaniyang kamay sa pagkakahawak sa akin. "Racelita, hindi mo ako anak. Isa lamang ang aking ina at mananatiling nag-i-isa." Hindi ko gustong saktan siya sa katotohanan. Subalit kung ito ang tanging paraan para kaniya akong pakawalan ay gagawin ko. Hindi ko siya paaasahin, ako ay kaniyang makakasama habang buhay. Gayunpaman, gumawa ako ng paraan upang siya ay may makasama bago man lang ako lumisan.

Umalis na ako ng balay bago pa man magbago ang aking isipan. Kay tagal ko nang pinlano ang aking mga hakbang. Hindi ko na maaari pa itong urungan.

Una akong nagtungo sa Bayan ng San Ignacio. Dumiretso sa kapitolyo upang puntahan ang Gwardya Sibil na aking pinangakuan. Kasalukuyan siyang naitalaga bilang Heneral ng bayan kung kaya naman nais ko siyang dalawin at batiin sa kaniyang bagong posisyon.

Dumaan ako sa likod ng kapitolyo upang walang makakita sa akin. Itinago ko rin ang aking pana at palaso sa aking kasuotan. Pormal na naglakad na tila may bibisitahin lamang. Sinasadya kong umiwas sa mga tao sapagkat hindi ko gugustuhing may makapansin sa akin. Mabilis ang aking galaw kung kaya't hindi rin nagtagal ay naabot ko na ang kaniyang silid. Hindi na ako nag-abalang kumatok at hantaran ko iyong binuksan.

Nakatalikod lamang ito at prenteng lumalaklak ng kaniyang alak habang nakaupo sa kaniyang upuan. Subalit nang maramdaman ang biglaang pagbukas ng pinto ay agad niyang itinago ang kaniyang nilalaklak na alak at tumayo upang ako ay harapin. Subalit nang masilayan niya ang aking hitsura ay pagtataka ang bumalatay sa kaniyang mukha.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Punong Madre?" Inasahan ko nang iyon ang kaniyang sasabihin sapagkat hindi naman niya nakikita ang aking mukha. Kung kaya naman marahas kong inalis ang itim na telang nakasalukbong sa akin. Doon na bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha.

"Narito ako Heneral Alamid upang tuparin ang aking pangako," direktang saad ko na talagang ikinaputla niya. Nginisian ko siya at bago pa man siya makakilos na hugutin ang kaniyang baril ay mabilis ko nang napaglaro ang aking palaso at pana sa aking mga kamay at daliri. Isang mabilis na pagsasaayos ang aking ginawa bago ko bitawan ang palasong mabilis na tumarak sa kaniyang dibdib. Ang aking palaso ay may kasamang lason na papatay sa kaniya sa pinakamabagal na paraan. Ngunit ano man ang gawin niya, walang gamot sa lasong papatay sa kaniya. Kagaya nang walang gamot sa kamangmangan at kaitiman ng budhi ng taong nasilaw na ang mata sa posisyon at karangyaan. Na ultimo pagiging makatao ay kaniya nang nakalikdaan. Ilang kababayan na ba natin ang ganiyan? Nagagawang ipagkanulo ang kaniyang bayan para sa karangyaan. "Sa ngalan ng Cagabong." Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na ito. Bago ko lisanin ang Kapitolyo ay sinilaban ko ito. Ang mga demonyo ay nararapat masunog sa impyerno.

Natuloy ako sa aking lakad at nagdire-diretso ako patungong Hacienda Ignacio. Hindi binibigyang pansin ang mga taong nagkakagulo at pilit sinasalba ang Kapitolyong gawa lamang sa kahoy at ilang adobeng bato. Bagay na pinonduhan ng pamahalaan gamit ang mga salapi ng mamamayan. Tinipid para sa pansariling kasakiman.

Muli kong itinago ang aking palaso at pana. Sa pagkakataong ito ay akin nang tinanggal ang pang-ipit na nakatusok sa aking buhok upang iyon ay mapuyos. Lumadlad ang aking mahabang buhok at piniling takluban na lamang iyon ng itim na tela. Hawak ang aking pang-ipit na minana ay pumuslit ako sa Hacienda. Gabi na at nasisigurado kong tulog na ang mga tao rito kung kaya naman nagdiretso na ako sa kaniyang silid nang makapasok sa mansyon.

Hindi na ako nagulat nang madatnang hubot hubad ang Gobernadorcillo. Naroon ay may dalawang babae rin itong katabi. Kanina ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang kaniyang asawa na umiiyak sa hagdan. Mabilis lamang talaga ang aking galaw at hinasa ko ang aking sarili sa ganoon. Kung kaya't hindi ako ninuman natunugan.

Sa pagkakataong iyon ay walang ano-ano kong pinalipad ang dalawa kong palaso patungo sa dibdib ng dalawang babaeng nakayakap sa Governadorcillo. Ang malakas na daing ng mga ito ang nagpamulat kay Don Miguel. "De puta! Sino ka?" Napabalikwas ito ng higa at iniwan ang dalawang babaeng bangkay na sa kaniyang kama.

"Magandang gabi Don Miguel," magalang kong wika. Doon na nanlaki ang kaniyang mata, nakita ko pa ang kaniyang mabilis na paglunok. "Narito lamang ako para tuparin ang ating napagkasunduan tatlong buwan ang nakalilipas." Doon na naalerto ang Don. Mabilis siyang sumigaw nang sumigaw at tila humihingi ng tulong sa kaniyang mga Gwardya Sibil na ang karamihan ay sumugod na sa Kapitolyo nang dahil sa sunog kung kaya't ako ay nadaliang makapasok. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang dahan-dahan niyang pag-urong patungo sa kaniyang aparador. Binabalak pa nitong ako ay bunutan ng baril. Subalit kung may mauuna man sa aming susunugin ay titiyakin kong siya iyon.

Sa pagkakataong ito ay ginamit ko na ang pang-ipit ni Ina bilang palaso ng aking pana at walang pakundangan ko iyong pinatama sa kaniyang mata. Hindi pumipikit at hindi natitinag. Nagsisigaw ito at tuluyang napaupo sa sahig subalit hindi ako nakuntento. May kulang, hindi sapat.

Kaya naman humugot ako ng tatlong palaso at pinatama iyon sa kaniyang dibdib. Puno ng galit at poot. Tatlong palaso para sa tatlong taong pinakamamahal ko na winakasan niya ng buhay. Para sa aking Ina na kaniyang hinalay, sa aking marangal na Ama na kaniyang pinatay, at sa aking pinakamamahal na kaniyang ipinahiya, binaboy at inalipusta. Ito ang kabayaran, kamatayan.

"Naaayon sa unang artikulo ni Mariano Ilagan. Kabayaran sa pagpaslang sa buhay ng aming pinuno ay kamatayan. Sa ngalan ng Cagabong, kitil na ang buhay ng lapastangan." Hindi ko iniwang patay lang ang kaniyang katawan. Sinigurado kong masusunog din ang pisikal niyang katawan hindi pa man siya nakararating sa impyerno. Nagliliyab kong iniwan ang kaniyang mansyon kagaya nang kung paano niya sinunog ng buhay ang aking mga magulang.

Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Buhay ang ninakaw, buhay rin ang kabayaran. Kung hindi madadala ng hustisya ng batas, ako ang gagawa ng paraan para sa hustisyang pinagkait sa mga namayapa.

I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

139K 4.5K 66
How can I hate it? When all of my family are having fun and love it? First Publish: March 20, 2016 End: July 8, 2016
52.2K 2.4K 31
[Wasteland Series #1] An adventurous teenager discovered a literary piece owned by a fortunate survivor from the breakthrough of the undead five yea...
76.6K 3.2K 62
Zaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magna...
245K 8.5K 46
Let's witness the journey of Angelina Theresse Maxwell as Maria Titania Marquez in Musical Academy! Enjoy reading. Highest Rank Achieved: #1 in Music...