Let Love Do The Magic [COMPLE...

By LoveBugCarrier

16K 531 130

[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to becom... More

Let Love Do The Magic
Unang Kabanata: The Magic Starts Here
Pangalawang Kabanata: Ngiti Sa Iyong Labi
Pangatlong Kabanata: Sa Kanyang Mga Mata
Ikaapat na Kabanata: Nahuhumaling
Kabanata Lima: Maling Desisyon
Ika-anim na Kabanata: Ngiti Sa Labi
Ikapitong Kabanata: Pipilitin Kita
Ikawalong Kabanata: Pamilya
Ika-siyam na Kabanata: Kaibigan
Ika-sampung Kabanata: Nahihiya
Ika-sampung Kabanata: Kasama Ka
Ika-labindalawang Kabanata: Recorder
Kabanata Labing-tatlo: Harana
Ikalabingapat na Kabanata: Patibong sa Patibong
Ikalabingpitong Kabanata: Nalilito
Ikalabingsiyam na Kabanata: Sa Kanyang Mga Titig
Ikadalawampung Kabanata: Magkapiling
Ikadalawampu't isang Kabanata: Jacket
Ikadalawampu't dalawang Kabanata: Ang Mangga
Ikadalawampu't tatlong Kabanata: Takipsilim
Ikadalawampu't apat na Kabanata: Silent Sanctuary
Ikadalawampu't Limang Kabanata: Sa Kanyang Mga Bisig
Ikadalawampu't Anim Na Kabanata: Yakap
Ikadalawampu't Pitong Kabanata: Haplos
Ikadalawampu't Walong Kabanata: Bangka
Ikatatlumpong Kabanata: Singsing
Ikatatlumpo't Isang Kabanata: Huling Yakap
Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata: Pikit
Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata: Liham
Ikatatlumpu't Apat Na Kabanata: Tumakas Tayo
Ikatatlumpu't Limang Kabanata: Una At Huling Sayaw
Ikatatlumpo't Anim Na Kabanata: Pamilyar Ka

Ikalabinganim na Kabanata: Tumingin Sa Aking Mata

454 21 10
By LoveBugCarrier

Paulit-ulit at malalakas na katok ang naririnig ko. Idinilat ko ang isa kong mata at tumingin sa pintuan ko. Naririnig ko si mama na kumakatok at paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko. Itinakip ko ang unan sa mukha ko at nagtalukbong para hindi marinig ang mga sigaw niya. Bumukas ang pintuan at hinila niya ang kumot na nakabalot sa akin. Hinila niya ang paa ko at paulit-ulit na ginigising.

"Ma! Bakit nanaman? Mamayang hapon pa po ang pasok ko," nakikipag-agawan ako sa kanya ng kumot ko pero mas malakas ang nanay ko kaya naagaw niya lahat at ibinato sa sahig.

"May diyosa na naghahanap sa'yo sa labas! Bumangon ka na d'yan! Kanina pa naghihintay!" biglaang akong napadilat at tumingin sa pintuan. Dahan-dahan kong kinuha ang kumot ko at ibinalot sa buong mukha ko. Dahan-dahan akong sumilip sa sala namin at laking gulat ko nang nakita ko si Kristine na nakaupo doon sa sofa namin.

Naalala ko, ngayon pala talaga nila ako papaayusin. Ngayon nila pag-iiksperimentohan ang pagkatao ko. Hindi ko pa nasasabi kay Mama. Kung sabihin ko man, alam kong hindi naman magagalit ito, tiyak matutuwa pa nga itong nanay kong ito. Paano ko haharapin si Kristin? Hindi ako pwedeng tumakas at tiyak hahabulin ako ng body guards niya.

Itinulak ako ni Mama at napaurong naman ako palabas ng kwarto. Tumingin sa akin si Kristine at napatayo siya sa kinauupuan niya. Posturang-postura siya samantala ako naandito bagong gising at mukhang bagong gahasa. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin.

Ilang minute nakapagayos na ako at nagbihis. Lumapit ako kay Kristine at tumango sa kanya. Bago kami lumabas ng bahay ay may ibinigay siya sa aking mga papel. Mga design sa buhok at kung anong kalandian sa katawan. Hindi ko alam kung ano pipiliin ko. Bawat isa naman doon sa mga choices e wala naman talaga akong gusto lalo na at sobrang laki nang babaguhin nila sa buhok ko.

"Mukhang you're having a hard time to look for your style. Uhm, try this oh," iniabot sa akin ni Kristine ang dalawang papel na  sa tingin daw niya e babagay sa akin. Ang ganda nga! Pero hindi ko alam kung babagay naman sa akin ito. May mga bagay kasi na maganda sa iba pero pagdating sa'yo ang pangit na. Sobrang nahirapan ako sa pagpili, panahon na ata para tanungin ko itong si Mama kung ano ang  mas gusto niya para sa akin.

Iniharap ko sa kanya ang dalawang coupon bond at namili siya. Laging gulat niya nang biglang  na-realize niya ata na magpapagupit na ako.

"Anak, kukulutin na buhok mo? Mag-aayos ka na? Sigurado ka? Anong naisipan mo?!" nahihiya ako sa reaksyon ng nanay ko. Lumapit sa akin si Kristine at kinuha ang dalawang coupon. Pinunit niya ang isa at kinuha ang napili na design ni Mama. Lumapit siya kay Mama at nag-mano tsaka ako hinila palabas ng bahay.

"Tita, we have to go. Ako po bahala sa anak niyo, believe me," ngumiti si Kristine atsaka diretso na ako pinasakay sa sasakyan niya. Sa gilid ng bakod namin, naandoon 'yung mga manyak na lalaki na kanina pa ata hinihintay lumabas si Kristine ng bahay. Mga lalaking ito talaga, malaglag sana kayo sa bakod nang matauhan kayong mga leche kayo!

"So here it is, the time has come, Lourdes! Omg! This is so exciting," napapakamot ako ng ulo ko kahit iniisip ko pa lang nab aka pangit ang kalabasan nito. Oh baka ako lang? Dahil sa ayaw ko lang itong gagawin sa akin e kaya sa tingin ko pangit ang kakalabasan? Kanina pa ako napapabuntong hininga simula pagkagising ko.

                                                                                                                                               

"Lourdes, remember, we will only make your physical appearance more appealing, okay? The Lourdes that we met before will remain the same. No matter what will be the outcome of this experiment,  always remember you'll be the subject of beauty in our eyes, okay?" ngumiti siya sa akin at hinawi ang buhok na nasa harapan niya.  Hinawakan niya ang kamay ko tsaka sinagot ang phone niya na kanina pa nag-riring. Si Carmen, tumawag at tinatanong kung tuloy ba ang plano. Ngumiti na sumagot si Kristine atsaka ibinaba ang telepono.

"Kristine, saan nga pala ulet 'yong salon?" sumilip si Justin na nasa tabi ng driver's seat. Nagulat si Kristine at biglang napatingin sa kinauupuan niya. Mukhang hindi talaga ine-eexpect ni Kristine na makasama dito si Justine, ah.

"Justine?! Why are you here?! How did you find us?!" galit na tanong ni Kristine na halos mahampas na niya ng bag niya si Justin. Ngumiti lang si Justin atsaka sabay kumindat kay Kristine. Mas lalong nagalburuto itong katabi ko nang mapansin niyang iniinis lang siya ni Justin. Itong dalawang ito talaga, kahit anong gawin mo, hindi mo mapagkasundo.

"As your boyfriend, I have to be supportive with your plan. Ays 'di ba?" at sinundan nanaman niya ng isang kindat. Bawat kindat na binibitawan niya e sukang-suka si Kristine sa ginagawa niya.

"Kailan kita sinagot?! Wala akong matandaan na sinasagot kita kutonglupa ka!" tinignan lang siya ni Justin at kinindatan nanaman siya. Halos madurog na ang bag ni Kristine kakahampas sa likod ng upuan ni Justin. Natatawa ako sa gilid dahil sobrang nakakatuwa sila tignan sa pag-aaway nila. Biglang seryoso ang mukha ko nang tumingin sa akin si Kristine. Ngumiti lang ako at tinanong siya,"Tin, alam mo bagay kayo ni Justin. Ayaw mo pa ba siyang sagutin?" pabiro kong tanong. Tumingin sa akin si Kristine at yukot na yukot ang buong mukha niya.

"Gosh! Stop it Lourdes! Kadiri! There's no way I'll answer that guy! Hindi nga nanliligaw, e!" napatingin sa amin si Justin at tuwang-tuwa na nakatingin kay Kristine.

"Matagal na akong nanliligaw sa'yo hindi mo lang alam! Pero kung gusto mo, mag-baback to zero ulet ako sa panliligaw ko sa'yo para masabi mong seryoso ako! Ano deal?" pinaulanan niya ng flying kiss at kindat si Kristine. Binato niya ng unan sa mukha si Justin at natamaan ito.

 

 

 

 

"Lahat na lang nang mahawakan mo binabato mo sa akin. E 'yang puso mo? Kailan mo naman 'yan ibabato papunta sa akin?" bumalik agad si Justin sa upuan niya atsaka nag-tago sa pinakasulok ng pintuan. Alam niya kasing susuntukin nanaman siya ni Kristine sa mukha. Tumigin sa akin si Kristine na nakasimangot at bigla na lang akong tumingin sa bintana ng kotse atsaka nagtingin kunwari sa mga building. Kinuha niya ang salamin niya at tinignan kung okay pa rin ba ang mukha niya.

Huminto ang sasakyan atsaka binuksan ang pintuan na nasa kanan ni Kristine. Tinignan ko kung nasaan kami at akala ko kay Vicky Belo kami magpapaayos pero hindi pala. Niyaya na ako ni Kristine bumaba at tuluyan na kaming pumasok doon sa loob. Lahat ng tao doon ay isa-isa kaming binabati ng Good Morning. Ngumingiti lang si Kristine, hawak-hawak ang kanang kamay ko habang tuloy-tuloy siyang naglalakad.

"Good Morning, Miss Kristine. Is she the one that you're referring to?" tinignan ako from head to foot ng parang doctor na nasa harap ko. Umikot siya sa akin at itinaas ang buhok ko atsaka huminto ulet sa aking harapan.

"Can you do it for three hours? We have a class this one o'clock. Kaya?" tumingin ang doctor sa kanya at nag-thumbs up,"Come miss, let's start now. Are you ready?" Umupo ako sa isang upuan habang nag-aayos sila ng gamit. Lahat kami napatingin sa pintuan nang biglang pumasok si Justin na may suot-suot na shades. Huminto siya sa harapan ko atsaka dahan-dahan na tinanggal ang nasa mata niya.

"Si Kristine?" tumingin sa kanya lahat ng tao na nasa loob ng silid na 'yon. Nagpipigil ako ng tawa. Titignan mo pa lang siya, mararamdaman mo na 'yung overflowing confidence sa katawan niya.

"Justin?! What the h*ll are you doing here?!" sigaw ni Kristine. Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Justin at pilit na hinihila palabas ng pintuan.

"Who is he?" tanong ng doctor sa akin habang dahan-dahan na sinusuklay ang buhok ko,"I'm Kristine's boyfriend," sagot niya habang nakangiti. Napahinto si Kristine sa pag-hila sa kanya at gayundin 'yung mga tao na sobrang busy na nag-aayos ng mga gamit.

"No. Omg! No. That's not true! He's just my friend! What are you saying?!" hinihila pa rin niya si Justin palabas ng pintuan. Nakahawak lang 'yong lalaking 'yon sa pintuan kaya kahit anong gawin na panghihila ni Kristine e hindi siya makagalaw-galaw.

 

 

 

"Ano bang tawag sa kaibigang lalaki? 'Di ba boyfriend? Haha! Kristine, 'wag mo nang i-deny. Mahal naman kita at alam mo naman 'yon 'di ba?" kinilig lahat ng tao na nasa loob ng silid. Napapahagikgik na lang ako sa upuan ko atsaka napapahawak sa ulo ko dahil sa pinagsasabi nitong dalawang ito.

"I didn't know Kristine already has a boyfriend. That's nice! You're a lucky guy! By the way, we have to start mr. and ms.," kinurot ni Kristine sa tagiliran si Justin atsaka tuluyan nang hinila palabas ng pinto. Ipinahiga na ako sa isang puting kama atsaka sila unti-unting gumalaw papunta sa akin. Unang pagkakataon na makaranas ang mukha at katawan ko ng mga cream atsaka ng mga mask. Halos mangiyak-ngiya ako nang dahan-dahan at paunti-unti nilang pinuputol ang buhok ko. Sa bawat hibla at haba nang pinuputol nila e napapadaing ako. Tinanggal nila ang salamin na suot-suot ko at may inilagay na contact lens na may grado sa aking mga mata. Hindi ako sanay at naluha-luha ako dahil sa sobrang paninibago ng mata ko.

"Don't worry, we've made new eyeglasses for you. Temporary lang 'yang contact lens. And this time, these eyeglasses are more modern than your previous one. Try to wear them oftenly, okay?" napatango na lang ako habang pinipigilan kong tumulo mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na ata kaya! 'Yung buhok ko hindi ko na kilala!

"Have you prepared the curling iron already? Please tell Doc. Rolina to prepare the clothes already," Tinignan ko 'yung curling iron at 'yon 'yong kadalasan na ginagamit ni Kristine. Oh my gosh! They are starting to curl my here too! Nakasahod ang mukha ko sa mga palad ko at ayaw kong makita ang itsura ko sa salamin.

Huminto na sila sa pag-aayos sa buhok ko at dahan-dahan na nilang sinusuklay ito.

"Miss Lourdes, open your eyes now," parang ayaw ko pa. Ayaw kong tignan 'yong kinalabasan ng mukha. Baka kainisan ko lang 'yong bagong ayos ko. Tinapik ni doktora ang likod ko at iniharap ako sa salamin. Dahan-dahan kong tinanggal ang palad ko at tumingin sa harapan ko. Nanlaki ang dalawang mata ko at halos malaglag na ang panga ko sa nakita ko. Gusto kong takipin nang paulit-ulit ang buong mukha ko at tignan kung nananaginip lang ba talaga ako.

Sobrang iba na 'yung Lourdes na palaging bumubungad sa akin sa tuwing tumitingin ako sa salamn. Ang kilay ko, buhok ko, ang labi ko, parang hinulma ulet at ginawang bago. Paulit-ulit kong hinahawakan ang mukha ko at buhok ko dahil akala ko guni-guni ko lang ang lahat ng ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at mas inilapit ko pa ang mukha ko sa salamin na nasa harapan ko.

 

 

 

"Ah-huh. We still have to change one thing in you. Come Miss Lourdes," nilalasap ko pa 'yung unang oras na maganda ako at confident akong sabihing maganda ako. Hinila nila ako sa isang room kung saan may malaking salamin nanaman. Itinapat nila ako doon at may ipinakita sila sa aking napakaraming damit na nakasampay sa isang gilid.

"Here Miss Lourdes, feel free to choose your outfit for today. Most of these clothes are part of Kristine's endorsements," ngumiti sa akin ang mga designer na nasa loob. Dahan-dahan akong lumapit doon sa mga damit at isa-isa ko silang tinignan. Napapakamot ako ng ulo ko. Nakakastress! Hindi ko alam kung ano ang babagay sa akin dito!

"Lahat po ba sa akin dito babagay? Hindi ko po alam, e. Sorry," natawa ang ilan sa kanila. Lumapit sa akin ang isang designer at dahan-dahan akong itinapat sa salamin na nasa kanan namin,"Look at you now. The best way to become beautiful in the eyes of many people is to make yourself believe first that you're beautiful. Say to yourself,"I am beautiful,". The problem with girls nowadays is that, they lack in confidence but there beauty is something that they should be proud of. You see, there are many pretty women out there. In order for you to stand out, you shouldn't let your own insecurity kill your own beauty. Here try this," ibinigay niya sa akin ang isang piraso ng damit atsaka ipinapasok sa fitting room. Unang labas ko pa lang sa fitting room e nag-tinginan na silang lahat sa akin.

"Doc, are you already done? 'Cause we're gonna be late in our first class," tumingin sa akin si Justin habang nakikipagusap si Kristine kay doktora. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

 

 

 

 

"Justin! Okay lang ba? Hindi ba pangit itong suot ko?" umiling siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Inilapit niya ang mata niya sa mukha ko at tinignan ulet ako mul ulo hanggang paa.

"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung aayawan ka pa ni Forbe ngayong ganyan na ang itsura mo," hindi ako nakasalita at napangiti na lang ako. Medyo nahihirapan ako isuot itong heels na ibinigay sa akin dahil matagal na simula noong huli akong nagsuot nito para sa theater  production namin. Pero sabi, kailangan ito daw ang isusuot ko buong araw dahil ito lang 'yong babagay sa suot ko. Nawa'y hindi ako matapilok mamaya sa pagpasok.

 

"Oh my gosh. Oh my gosh! Lourdes! Is that you?! Oh my gosh! Oh my gosh! Shocks! You look gorgeous! Wait, are you sure you can comfortably wear your heels the whole day?" gulat na gulat siyang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti ako sa kanya atsaka nag-thumbs up.

 

"Don't worry, I can handle this. Remember? Theater artist ako?" pabiro kong sabi sa kanya. Tumawa kaming dalawa atsaka nag-yakapan at nag-beso-beso.

"Wait Lourdes, practice tayo! Of course now that you are new, I mean a better new identity, let's try to make your attitude more fierce and appealing! Kaya?" ngumiti ako sa kanya at itinaas nang paulit-ulit ang aking kanang kilay,"Sample ba? Sure!" pumasok ako sa isang pintuan at sila ni Justin ay nasa labas nito,"The only thing that you'll do is t walk out of that room, with confidence, glamour and introduce to me! Let's assume Justin is just one of the jerks in our class," sumigaw ako at nag-handa. Okay Lourdes, you have to be in character now! Simula ngayon, let's assume na maganda ka, mayaman at chick ng bayan. Here we go!

Binuksan ko ang pintuan at naglakad papunta sa kanila. Hindi ko inaalis 'yong ngiti sa labi ko na abot tenga at ang mga mata ko na punong-puno ng sigla. Huminto ako sa harapan ni Justin at ngumiti nang ilang segundo.

 

 

 

"Oh Hi! Remember that old-fashioned, ugly and witch-like girl that you used to bully before? Here she is, luckily, she survived the methamorphosis stage successfully. Now, drool over me," tumalikod ako at winasiwas ang buhok ko na siyang tumama naman sa mukha ni Justin.

"Oh my gosh! That's so hot, girl! Oh my gosh! This would be perfect! Now, maintain that kind of character and I'm sure of it that our plan will go perfectly. Let's go?" hinila ako ni Kristine paalis ng room na iyon. Napahinto kaming dalawa nang hindi nakagalaw si Justin mula sa kinatatayuan niya.

 

"Lourdes, you just gave me a hard on. Joking! Sh*t! You're hot!" ngumiti ako sa kanya at napakamot sa ulo. Lumapit si Kristine sa kanya at ngumiti sabay pingot sa kanyang tenga.

"Lalaki ka! Kahit kailan talaga sinungaling ka! Get in the car and move your ass out of this room! Now!" itinulak niyang palayo si Justin atsaka niya ako ulet hinila at niyaya na umalis na,

"Lourdes, this is just the first day. Never ever fail our plans. It's time for a revenge, okay? Let's go!" sumakay kami ng kotse atsaka tuluyan nang umandar ito papunta sa school. Hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan nitong planong ito pero kahit ako e hindi na makapaghintay na makita ng reaksyon nung mga taong minaliit ako noong panahong hiyang-hiya ako sa sarili ko. Now let's see who's the boss now.

Let Love Do The Magic

Ikalabinganim na Kabanata

Tumingin Sa Aking Mata

5:28 P.M.

Continue Reading

You'll Also Like

648 290 65
The Second Book of Fall Series. [COMPLETED] Will trying to fight against the current of life and trying to pull yourself from the drowning waves of e...
686 90 12
Gwenyth Guerrero is not your typical teenage girl because she's someone that you would want to know more about. She loves unusual things that interes...
WWBU By Gia

Short Story

27 1 5
There are so many reasons. What, when, where, why and how. What happened, when it all started, where did we stopped, why did we let it, and how it en...
5.1K 780 35
Who will you choose? The man you love or your family? Can you abandon your family for the man you love, or can you abandon and forget the man you lov...
Wattpad App - Unlock exclusive features