Zen's POV
Aligaga naman kaming tumungo sa tapat ng pintuan para alamin kung anong ang nangyayari. Halos madapa-dapa naman na kami sa pagmamadali para lang makalapit sa harapan.
"Nasaan ang kabigan namin?" tanong ni Alina na pilit nakikipagsiksikan makalabas lang.
Pagkalabas namin ng pinto ay nanatili lamang akong nakatayo sa gilid habang ang mga kasama ko naman ay gulat na gulat kung sino ang kausap nila.
"Anong ginagawa niyo dito?" pagmamaldita ni Alina sa ibang pokpok girls.
Mga kaibigan sila nung mga taong nambubully sa akin. Ngunit ay lima lamang sila at hindi rin nila kasama 'yung leader nila na si Franzheska.
"K-Kailangan niyong tulungan si Nuelle. Pinagtutulungan siya ngayon sa baba," sabi nung isa sa kanila.
"And what makes you think na maniniwala kami sa mga pinagsasabi niyo?" singit ni Melody.
"Edi, huwag! Wala kaming pake kung ayaw mong manila basta sinabi na namin ang ipinunta namin dito," sagot naman nung isa sa kanila.
"Ano ba, Natalia?" saway sa kaniya ng kasama niya kaso umirap lang ito sa kaniya.
"P-Please! Kailangan niyo ng puntahan ngayon 'yung kaibigan niyo sa baba baka kung ano na ang pinaggagawa sa kaniya nina Angel."
Napakunot naman ako ng noo dahil parang pamilyar ang pangalan na 'yun sa akin. Hindi ko lang matandaan pero parang narinig ko na.
"S-Sigurado ka ba talaga, Mara?" pagtatanong ni Marlene doon sa babae.
"Oo, kaya please, tara na!"
Nagkatinginan naman kami bago kami bumaba.
Pagkarating namin sa quadrangle ay halos hindi namin makita kung ano ang nangyayari sa gitna dahil sa dami ng taong nakikiusyoso. Pilit naman kaming nakipagsiksikan sa mga estudyanteng nakaharang sa namumuong komosyon.
Nang makadaan kami ay halos hindi ko matingnan si Nuelle dahil sa kalagayan niya. Ang dami niyang pasa at sugat. Ang dungis rin niya at mukhang pinaliguan ng putik. Halos makita na rin and dibdib niya dahil halos magutay-gutay na ang uniporme niya dahil sa pinaggagawa sa kaniya.
"Oh, nandito na pala ang mga kaibigan mo," wika nung babae habang sinasabunutan si Nuelle.
At doon ko nga napagtanto na siya 'yung babae na napahiya nung semifinals nung quiz bee. At siya rin 'yung tinutukoy ni Nuelle na nanduga.
Napatingin nama sa akin si Nuelle kaya tinanguan ko naman siya. Dali-dali namang lumapit sina Marlene sa kaniya para tulungan si Nuelle. Pero bago pa man sila makalapit ay hinarang na sila ng mga kalalakihan kaya napahinto sila sa paglapit. Napansin ko rin na sila 'yung kalalakihan na nanggulo sa amin nung nakaraang linggo. Napadako nalang ang tingin ko doon sa leader ng mga pokpok girls kakapasok lang sa eksena kasama palagi 'yung isang babae.
Dahan-dahan naman akong lumapit kanila Alina. Nakita ko naman na parang nag-aalinlangan pa 'yung mga kalalakihan kung aalis ba sila o hindi. Ngunit ay nagdire-diretso lamang ako sa paglalakad. Nang makalapit na ako ay hindi pa rin sila umaalis sa harapan ko at akaharang pa rin sila. Nang wala talaga silang balak na umalis ay sinadya ko namang binangga 'yung braso nung lalaki na nakaharang. Nahalata ko naman sa ekspresyon niya ang gulat sa mata niya pero nanatili lamang akong tahimik at hindi umimik.
"Oops! Hanggang diyan ka nalang." singit nung leader ng mga pokpok girls habang inimuwestra ang kamay niya na huwag akong lumapit.
Agad naman siyang lumapit sa akin pero tuloy-tuloy pa din ako sa paglalakad na tila ba'y walang pakialam sa kanilang lahat.
Bago pa man ako makalampas sa kaniya ay higla naman niyang hinatak 'yung braso ko. Sinadya kong tabigin ng malakas 'yung braso ko sa pagkakahawak niya kaya napaupo siya sa sahig.
Walang lingunan naman akong naglakad at lumapit na ako kay Nuelle. Lumuhod naman ako para magpantay kami.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa malumanay na paraan.
"O-Oo, te. Salamat..."
"Sinong gumawa niyan sa'yo?"
"Si K-Kenn at Angel."
Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko kilala 'yung isang tinutukoy niya.
"Sinong Kenn?" pag-uusisa ko.
"'Y-Yung nakaaway mo dati, 'yung may hawak nang b-baril."
Sinenyasan ko naman sina Marlene na pumunta dito. Nag-aalinlangan pa sila pero pumunta rin sila kaagad. Pagkarating nila dito ay tumayo na ako at humarap na doon sa mga nang-trip kay Nuelle.
Napansin ko naman na mas dumami na 'yung estudyanteng nanonood. Mula naman sa hindi kalayuan ay natanaw ko rin si Gwapota at Ron na nakatingin sa akin.
"Bakit ka ba nandito?" pagtataray nung Angel sa akin.
"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ko doon sa may Angel pero tawa lang ang isinukli niya sa akin.
"Isa pang tawa mo, susungalngalin ko 'yang bibig mo," seryosong sabi ko sa kaniya dahilan para agad naman siyang natahimik at napatigil sa pagtawa.
Hindi naman na siya umimik pa pero nandun pa rin sa mata niya 'yung inis at pagkapikon dahil sa nangyari.
"Alam mo, hindi porket napahiya ka noong araw na 'yun, gaganti ka na sa pamamaraang mananakit ka ng kapwa mo estudyante. Hindi niya kasalanan na nanduga ka. Oo, mali na napahiya ka sa paraang ganun pero ginawa lang niya 'yun kasi nanduga ka."
"Porket nasagot mo lang ng tama 'yung word na 'yun, ang yabang mo na, ha? Bakit sino ka ba?! Akala mo ang talino mo, eh, nagkamali ka nga din!"
"Minsan nga lang," pang-aasar ko sa kaniya.
"G-Gago kang bakla, ha!" Sigaw niya sa akin.
"Ano naman kung bakla ako? Alam ko rin naman 'yun. Atsaka, sa susunod mo nalang din ako kausapin kapag may laman na 'yang utak mo."
"Wow! Nahiya naman ako sa'yo. Ganda-gandahan ka ding ka bakla ka. Ikaw nga 'tong tumatahol, eh!"
"Tumatahol nga ako pero mas mukha kang aso."
Nagtawanan naman 'yung mga tao kaya mas lalong napahiya 'yung babae. Napansin ko naman na napangisi si gwapota at Ron doon sa sinabi ko. Tumingin naman muna ako doon sa babae bago ako naglakad patungo sa gawi ng mga kasama ko.
"Don't think about it," saad ng kung sino kaya napalingon naman ako.
Paglingon ko ay naman ay naglakad papalapit si gwapota sa harapan namin. Kahit hindi rin niya sabihin ang bagay na 'yun ay kaya kong depensahan ang muntikang pagsugod nung Kenn sa akin.
Pero mukhang hindi natinag 'yung Kenn at sumugod pa rin siya sa akin. Bago pa tumama 'yung kamao niya sa mukha ko ay inunahan ko na siya ng tadyak sa tiyan at dinagukan ko siya ng sapak sa mukha dahilan para bumalibag siya sa sahig. Susubukan niya pa sanang tumayo mula sa pamimilipit ngunit ay mukhang hindi na niya nagawang kumilos sa pagkakahiga sa sahig.
"Masyado kang mahina para madaplisan ako," walang-gana kong saad habang tinitingnan siya sa sahig.
Gulat naman ang namutawi sa mga mukha ng estudyante na para bang walang may gustong magsalita dahil sa nangyari.
"May saktan pa kayo isa sa kanila, babalian ko kayo isa-isa ng buto." seryosong banta ko habang tinitingnan 'yung mga nakaengkwentro ko.
Tumungo na ako kanila Nuelle para madala siya kaagad sa pagamutam. Mabuti naman at kusa silang umaalis sa dadaanan namin dahil wala na akong oras para makipambuno pa sa kanila isa-isa, lalo na at maraming taong nakatingin. Napansin ko naman na sumunod sa amin sina gwapota kaso hindi ko nalang inintindi 'yun.
Pagkarating namin sa klinooa ay agad na inasikaso nila si Nuelle. Kaso ay agad din muna akong lumabas para magpahangin at magpalamig ng init ng ulo.
Napasandal nalang ako sa pader dahil nababagabag na naman ako. Unti-unti na kasing nadadamay ang mga kasama ko at mukhang hindi talaga sila titigil hanggang hindi sila nakakaganti sa akin. Mukha ring alam ng mga gunggong na 'yun na wala silang magiging panama kung ako ang pagtitripan nila kaya ang mga kaibigan ko nalang ang kinakantian nila.
"E-Excuse me."
Napatigil naman ako sa pag-iisip at napalingon na lang ako doon sa nagsalita.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko doon sa limang pokpok girls na lumapit sa amin kanina para magsumbong sa pambubully ng mfa kaibigan nila kay Nuelle.
"G-Gusto lang kasi naming malaman kung ayos na 'yung kalagayan ng kaibigan mo."
"Oo."
"M-Mabuti naman kung ganun," nahihiyang saad nila pero hindi naman ako umimik.
"K-Kung ayos lang din sana, gusto rin sana naming humingi ng tawad sa'yo, sa inyo ng mga kaibigan mo. Napipilitan lang naman kasi kaming gawin 'yun dahil sa takot namin kay Franzheska at kina Kenn."
Nang wala na silang natanggap na tugon mula sa akin ay para bang wala na rin silang alam kung ano pa ang mga sasabihin nila.
"Sige, aalis na kami."
Tumalikod na sila.
"Sandali."
Napahinto naman sila matapos ko silang tawagin.
"Salamat."
Ngumiti naman sila sa akin kaya tumango na lang din ako sa kanila.
"Sige."
Nang makaalis na siya ay naisipan ko nang pumasok ulit sa loob. Pero bago pa ako makaharap sa pintuan ay nakita ko naman na nakasandal si gwapota sa kabilang pasilyo. Hindi naman siya mukhang galit ngunit nakatuon lamang ang buong atensyon niya sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
Hindi naman siya sumagot at tinasaan lang ako ng kilay.
"Hoy, ano na namang trip mo? tanong ko muli sa kaniya.
"Tch."
Tinalikuran naman niya ako at naglakad na palayo.
King-inang 'to! Akala ko naman kung ano na.
"Sungit! Akala mo naman ang guwapo mo," saad ko.
Inis naman siyang tumingin sa akin. Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil saka ko lamang napagtanto na napalakas pala ang pagkakasab ko.
Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin kaya napalunok na lang ako sa kaba. Nang makalapit siya sa mismong harapan ko ay halos hindi na ako makatingin mg diretso sa mata niya.
"What did you say?" aniya.
"S-Sungit."
"Not that."
Napalunok naman ako dahil para bang wala na akong maisip na salita pang isasagot sa kaniya.
Potek! Nilalandi niya ako!
"I'm waiting."
"A-Akala mo naman ang guwapo mo."
Ngumisi naman siya na may halong ngiti. Kasabay naman nun ang pagyuko niya ng kaunti upang magpantay ang mukha naming dalawa.
"What do you think?"
"H-Huh?"
"Hindi pa ba ako guwapo sa paningin mo?"
Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil tutok na tutok lamang ang paningin ko sa mukha niyang nakaharap sa akin.
"See? Guwapo talaga ako—"
"H-Hindi. Hindi ka guwapo. Mas guwapo pa nga sa'yo si Ron, eh."
Pinaningkitan naman niya ako ng mata habang naiwan ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Umalis ka na nga dito!"
"Sabihin mo munang gwapo ako."
"Pakyu! Anong akala mo sa akin, uto-uto?"
Humagalpak naman ako sa tawa dahil hindi maipinta 'yung mukha niya sa pagkapikon. Ngunit ay napatigil nalang ako sa pagtawa nang bigla naman niyang hinatak 'yung braso ko papalapit sa kaniya. Gustuhin ko mang magpumiglas ngunit masyado akong nawalan ng lakas nang magdikit ang katawan namin dahil sa pagkakahatak. Dagdag pa roon ang pabango niyang tumatama sa ilong ko dahilan para mas lalo akong matameme dahil sa nangyari.
"Iniinis mo ba ako?" saad niya ngunit nakangiti na.
Hindi ko naman nagawang sumagot dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at maling galaw lang ay malilintikan talaga ako.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Are you scared by my presence?"
Agad ko naman siyang tinulak palayo sa akin. Gusto ko sanang magsisigaw sa inis ngunit pinilit ko nalang na isigaw 'yun sa utak ko habang panay mura.
"Hindi ako takot. Naiilang lang ako dahil pangit mo."
"What?"
"What-what mo mukha mo."
Hindi naman niya 'yun pinansin at naglakad na lang muli papalapit sa akin.
"King-ina! A-Ano ba? Puwede bang lumayo-layo ka sa akin?"
"You started this."
"A-Anong sinimulan ko diyan? Baliw ka ba?"
Tinaasan naman niya ako ng kilay. Hindi ko naman malaman kung natutuwa, matatawa o sadyang trip lang talaga ako ng lalaking 'to.
"Ano? May sasabihin ka pa?" tanong ko pero hindi naman siya sumagot.
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na lang sa loob ng klinika. Naabutan ko naman sila Rhea na tinutulungan gamutin 'yung mga sugat at pasa ni Nuelle.
"Ayos ka na ba?"
"Oo, te. Thank you, ha?"
Tinanguan ko naman siya bilang tugon ko.
"Ano bang ginawa sa'yo ng mga pangit na 'yun?!" inis na sambit ni Shane.
"Hindi ba at nagchat ako sa gc na malilate ako? May ipapaxeroxpa kasi ako nun. Tapos saktong pagpasok ko, nasalubong ko sina Kenn at ibang mga spicy girls sa quadrangle."
Mukhang natiyempuhan nga siya ng mga kupal na 'yun.
"At saka nga pala, paano niyo nalaman 'yung nangyari sa akin?"
Lumingon naman sina Alina sa akin ngunit nanatili lamang akong tahimik.
"Pumunta sa silid natin 'yung mga ibang kasapi ng demonyong 'yun para sabihin na binubully ka sa quadrangle. Muntik na nga kaming hindi maniwala baka kasi may trip na naman nila o patibong lang 'yun," pagpapaliwanag ni Alina.
"Hay, naku! Namumuro na talaga sila. Hindi na ako natutuwa sa mga paandar nilang ganito. Masyado na silang sumusobra," inis na wika ni Melody.
Nang hindi na sila nagsalita pa ay saka pa lamang ako umimik.
"Gusto pa lang humingi ng tawad sa'yo 'yung ibang mga spicy girls," singit ko habang nakatingin kay Nuelle.
"Sino?" nagtataka niyang tanong sa akin.
"Sina Mara?" pagsisingit ni Marlene kaya tumango naman ako.
Napairap naman sila na para bang hindi sila naniniwala na totoo 'yung paghingi nila ng tawad.
"Huwag kayong maniwala, baka patibong lang 'yan!"
"Napipilitan lang daw silang gawin 'yun sa atin dahil natatakot sila doon sa leader nilang si Franzheska at doon sa Kenn."
Natahimik naman sila at nakakunot na tumingin sa akin.
"Kailan nila sinabi 'yan?"
"Ngayon-ngayon lang bago ako pumasok."
"Ikaw, Zen? Anong masasabi mo sa paghingi nila ng tawad? Katanggap-tanggap ba? Maayos ba ang pagkakasabi nila?"
"Oo."
Hindi naman na sila umimik.
"Anong oras na ba? Baka mahuli na tayo nito," pagbabasag ni Shane sa katahimikan.
"Kalma, te. Wala tayong Propesor ngayon hanggang break time. Inaayos daw nila 'yung finals para sa quiz bee."
Umakyat naman muna sila Alina at Shane para kuhain 'yung mga gamit namin sa taas. Sina Marlene at Rhea naman ay may binili sa kapiterya upang bumili ng makakain. Kaya ay kami nalang ang naiwan ni Nuelle dito sa klinika. Habang naghihintay ay naupo muna ako sa katapat na sofa.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Nuelle kaya napatingin naman ako sa kaniya.
"Oo naman."
"Kanina ka pa kasi tahimik, eh."
"Wala 'yun. Ayos lang ako."
"Hindi ka ayos."
Bumuntong-hininga naman ako.
"May bumabagabag lang sa akin pero ayos lang talaga ako."
Ngumiti naman siya sa akin m.
"Thank you talaga, Zen. Alam mo, isa ka sa maituturing ko na napakabait na kaibigan. At higit sa lahat, maganda."
Natawa naman tuloy ako dahil mukhang maayos naman na ang lagay ni Nuelle dahil nakapagbibiro na siya.
"Zen, puwede akong magtanong ng personal?"
"Oo naman."
"Ang hirap mong basahin. Parang hindi kita kilala kahit na magkaibigan naman na tayo. Pakiramdam ko, ibang-iba ang bawat pagkatao mo sa ipinapakita mo. S-Sino ka ba talaga?"
Natahimik naman ako ng ilang minuto. Hindi ko naman ipinahalata na nabigla ako dahil ayokong magtanong pa siya sa mga bagay na kahit ako ay hindi ko pa kayang ipagsabi sa iba. Naging marahan naman ang paghinga ko dahil hindi ko inaasahan na ganun ang napapansin niya sa akin.
Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan nang may narinig m naman kaming katok na nagmumula sa pinto, senyales na nakatakas ako sa mainit na tanong na 'yun ni Nuelle.
Tumayo naman ako para buksan ng pintuan. Napangiti naman ako nang sila Khen Rose pala ito.
"Tuloy kayo."
"Salamat."
Bago ko pa man maisarado 'yung pinto ay may nahagip naman akong nakasilip sa kabilang daan. Hindi ko nalang 'yun pinansin pa at sinarado ko na ang pintuan. Napabalik na lang ang atensyon ko nang magsalita na sila.
"Ayos ka na ba Nuelle?" Tanong nila.
"Oo. Medyo kumikirot pa ang mga sugat ko sa braso pero, ayos naman na. Thank you."
"Salamat naman. Naloloka na rin kasi ako sa pambubully nila Franzheska, eh," saad ni Jennier.
"Isumbong niyo na kaya kay Dean."
Tumingin naman sa akin si Nuelle bago siya umiling.
"B-Bakit naman ayaw niyo? Para nga matigil na ito at maprotektahan kayo. Tapos paniguradong matitigil na talaga ang pambubully nila sa inyo."
"Alam mo Jennier, bukod sa chismosa ka, pakielamera ka rin," buwelta sa kaniya ni Vanessa kaya nagtawanan naman sila.
"Walang ganun, mars. Concern lang ako."
"Hahaha!"
"Pero, bakit nga ayaw niyong magsumbong?"
"Wala kaming gana, te. Masyado kaming maganda," pagpapalusot ni Nuelle.
Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong pa at baka maikuwento na ni Nuelle ang ilan sa mga ibinahagi ko sa kanila. Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis na sila Khen sapagkat may aasikasuhin pa raw sila. Maya-maya lang ay dumating na rin sina Alina. At tito na lang din namin naisipang tumambay hanggang sa mag-break time.
"Tara na," yaya ni Nuelle sa amin.
"Anong tara na?" nagtatakang tanong nila kay Nuelle.
"Sa kapiterya para kumain."
"Hindi puwede, te. Kami nalang bibili at dito nalang natin kakainin. Masyadong mainit ang nangyaring alitan kanina at malaki ang posibilidad na maulit 'yun. Kaya hangga't maaari ay umiwas muna tayo sa gulo."
Napasimangot na lamang si Nuelle dahil sa sagot ni Rhea. Napalingon naman ulit kami dahil may kumakatok ulit sa pinto. Si Marlene na 'yung nagbukas ng pinto dahil malapit na rin naman siya pintuan.
Hindi ko naman makita kung sino ang kausap niya sa labas dahil hindi niya binuksan ng todo 'yung pintuan. Pagbukas ni Marlene nang pinto ay halos lumuwa naman 'yung mata ko sa gulat dahilan para muntik na akong mahulog sa pagkakaupo.
Anong ginagawa dito ni Paolo?!
At doon ko pa nga lang napagtanto na niyaya niya pala ako kanina na kumain sa labas. Hindi ko na kasi naalala pa ang bagay na 'yun dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko tapos, sinabayan pa ng nangyari gulo kanina. Napangiwi nalang ako sa kahihiyan dahil masyado tuloy akong paimportante. Siya na nga 'tong nagyaya tapos ako pa 'tong nakalimot.
Taka namang tumingin sa akin sina Rhea sa kung anong meron kaya umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko rin alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanila.
"Hello," bati ni Paolo sa amin.
"Hello po. Sino po kayo? Bakit po kayo nandito?"
Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil paniguradong tutuksuhin na naman nila ako. Awit na 'yan.
"Anyways, I'm Paolo. I am Zen's friend."
Sabay-sabay naman na nagsipaglingunan silang sa gawi ko kaya nanlaki nalang 'yung mata ko sa gulat.
"Siya ba 'yung tinutukoy mo kanina?" tanong nila.
Tumingin naman muna ako kay Paolo na nakangiti sa akin bago ako marahang tumango sa kanila. Nagulat na lamang ako nang bigla silang nagsitilian.
"Ahhh!"
Napangiwi naman ako dahil kilig na kilig na naman sila.
"Ang ingay niyo," saway ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.
Sa halip ay dumiretso sila kaagad kay Paolo para magpakilala.
"Ang gwapo mo naman, Kuya Paolo!"
"Hindi naman," wika ni Paolo habang tumatawa ng mahina at naoapakamot sa batok nito.
Napailing nalang ako dahil ang guwapo niya sa ekspresyong iyon na para bang nahihiya siya na nakagiti.
"Bakit po pala nandito, Kuya Paolo?"
Lumingon naman si Paolo sa akin bago siya nagsalita.
"Yayayain ko sanang kumain si Zen sa labas, ayos lang ba?"
"Oo naman!"
"Puwedeng-puwede!"
"Hahaha!"
"Kahit huwag mo na siyang ibalik!"
"Hahaha!"
"Ano na, te? Tumayo ka na diyan!"
Hinatak naman ni Shane at Melody 'yung kamay ko palapit sa pintuan.
Kaya ayokong magkuwento, eh!
"Tara na?" tanong ni Paolo sa akin kaya tumango naman ako.
"Sige."
Humarap muna ako sa mga kasama ko.
"Alis muna kami."
"Okie! Mag-enjoy kayo!"
"Bye po, Kuya Paolo! Ingatan mo ang prinsesa namin."
Pinandilatan ko naman ng mata si Nuelle pero tinawanan lang nila ako.
"I will."
"Ingat kayo."
"Thanks."
"Ehem! Baka naman diyan. Pasalubong lang."
"Sure hahaha!"
"Hoy! Patay-gutom ka?"
"Bakit? Manghihingi rin naman kayo!"
"Hahaha."
Umalis naman na kami ni Paolo papalabas ng klinika. Hiyang-hiya na kasi ako at baka kung ano pa ang isipin ni Paolo. Kasaluluyan na kaming naglalakad ngayon sa kampus. Sa kabilang pasilyo naman kami dumaan kaya napalayo kami. Kung sa quadrangle kami dadaan ay malapit nga ngunit masyadong tirik ang araw.
Habang naglalakad kami ay napapatingin naman sa amin 'yung ibang estudyante kaya nakaramdam naman ako ng pagkailang.
Napansin ko naman na hanggang balikat lang pala ako ni Paolo.
"Ang saya kasama ng mga kaibigan mo," nakangiti niyang wika.
"Oo, masaya tala silang kasama."
"Halata naman sa'yo dahil mukhang komportable kang kasama sila."
Lumiko naman kami ng daan papuntang parking lot. Doon ata nakaparada ang kotse niya. Nang marating namin ay kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Nabigla naman ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumama ako sa ganito.
"Salamat."
Ngumiti naman ako at ganun din siya. Pagpasok niya sa kabila ay binuhay na niya ang makina ng kotse niya.
"Saan tayo pupunta?"
"Where do you like?"
"Kahit saan nalang."
"Vikings? You want?"
"Akala ko naman sa buhay mo ang punta ko," mahinang sabi ko.
Hala! Ang gago ko!
"H-Huh?" nagtatakang tanong niya kaya nanlaki naman 'yung mata ko.
"Sabi ko, ikaw nalang ang bahala kung saan mo gustong kumain."
"Oh, okay."
Muntikan ka na, girl! Sogo pa ang nais!
Akala ko kasi sa isip ko lang. Nasabi ko pala. Mabuti nalang at mahina lang 'yun at hindi niya narinig kasi kung narinig niya ang ibinulong ko ay hinding-hindi na talaga ako magpapakita sa kaniya. Wala na kasi akong mukhang maihaharap kung sakali man.
Dahan-dahan lang! Sumusobra na ang kalandian!
Umalis naman na kami ng kampus. Medyo may kalayuan naman ang biyahe namin kaya tumingin muna ako sa labas ng bintana.
"Zen?"
Napalingon naman ako sa kaniya.
"Bakit?"
"Are you okay?"
"Oo. Bakit mo naman naitanong."
"You look so uneasy."
"May iniisip lang ako."
"Alam mo, huwag ka ng mahiya sa akin, Zen."
"Pasensya na. Ito kasi ang unang beses na may nag-aya sa akin na lalaki, maliban doon sa pinsan ko."
"S-Seryoso?"
"Hmm."
"So, wala ka ring? You know? Something in a relationship."
"Wala. Wala sa trip ko ang ganung bagay."
"W-Wow."
"Ano namang kina-wow doon?"
natatawang tanong ko.
"Nothing, naaangasan lang ako sa'yo."
"Baliw."
"Promise! Naaangasan talaga ako sa'yo. Kahit na hindi pa kita ganung kakilala, pakiramdam ko ay ibang-iba ka. Kahit sa paraan mo ng pagsasalita, sa kilos, lalo na sa paraan ng tingin mo, nakakatakot na ang angas. Parang ang misteryoso ng datingan mo."
"Hindi, ah," wika ko.
"At saka, akala ko kasi, ako ang dahilan ng pagiging tahimik mo hahaha," natatawang dagdag niya habang nakatingin sa daan.
"Paano mo pala nalaman kung nasaan ako?"
"Wala ka kasi roon sa puno kanina kaya nagtanong-tanong nalang ako sa mga estudyante."
"Pasensya na rin pala patungkol doon. Nagkaroon kasi ng problema kaya nakalimutan kong bumalik."
"Ayos lang 'yun. Not a big deal."
"Napahintay naman kita dun."
"Wala 'yun. Medyo na-late rin kasi ako ng dating kaya inakala ko na umalis ka na."
Nang makarating sa pupuntahan namin ay agad kaming pumasok. Agad naman muna kaming dumiretso sa kahera para magbayad. Habang abala sa pakikipag-usap si Paolo ay ibala ko rin ang sarili ko sa pagtingin sa paligid.
Hindi naman ganung kadami ang mga tao kaya nakahanap kaagad kami ng mauupuan.
"Tara na, kain na tayo," paanyaya niya sa akin.
"Sige."
Tumayo naman na kami at namili ng mga kakainin naman. Nang makita ko kaagad 'yung mga pagkaing nakahain ay agad kong kumuha ng plato at agad ding nagsandok. Buffet 'to kaya kailangan sulitin lalo na at libre pa. Pagkatapos kong mapuno 'yung dalawa plato ay nilagay ko muna 'yun sa lamesa namin namin at kumuha ulit ng panibagong mga plato ay mga platito. Tapos ay agad naman akong tumungo sa mga dessert.
Tiba-tiba tayo ngayon.
Halos mapuno na 'yung laman ng plato at platitong dala ko dahil sa dami ng nakuha ko. Pagkarating ko sa lamesa namin ay halos lumuwa na 'yung mata ni Paolo sa dami ng nakuha ko.
"K-Kaya mong ubusin 'yan?"
"Oo naman. Baka nga, may round 2 pa 'to."
Natawa naman tuloy siya dahil sa sinabi ko. Nagsimula naman na kaming kumain. Medyo nangalahati na kaagad 'yung kaniya dahil ang konti lang ng kinuha niyang pagkain. Napapansin ko naman ang
"May joke ako," pagbabahagi ko sa kaniya.
"Ano 'yun?" tanong niyang sabi.
Agad naman siyang kumuha ng tisyu at pinunas sa gilid ng labi ko. Napahinto naman ako dahil masyadong biglaan ang mabilis ang pangyayaring 'yun.
"S-Salamat," nahihiyang sambit ko.
Kinuha ko nalang 'yung tissue sa kaniya at ako nalang ang nagpunas sa labi ko.
"Ano na 'yung joke mo."
"Wait lang, kalma."
"Hahaha."
"Ang love parang kape. Kasi kung walang susi ang motor, mawawala ang dagat."
"H-Huh? Sorry, hindi ko gets hahaha. Ang gulo," naguguluhan niyang saad habang iniintindi ang sinabi ko.
"Hindi mo alam?"
Umiling naman siya.
"Eto nalang."
"Sige, ano 'yun?"
"Ikaw ba ang star sa star margarine?"
"Ang gulo talaga hahaha. But wait, it looks familiar. Katulad din ba 'yan ng 'ikaw ba 'yung star sa starbucks?', right?" natatawang tanong niya kaya tumango nalang ako.
"Hahaha."
"Zen, can I ask you something?"
"Ano 'yun?"
"Hindi ba't sabi mo na unang beses mo palang ito na kasama ang ibang lalaki, maliban doon sa pinsan mo?"
"Hmm."
"Mabuti at sumama ka sa akin?"
"Bakit naman hindi?"
"Malay mo, may balak pala akong masaya sa'yo? Malay mo pala ay magnanakaw ako o mamamatay tao."
"Marunong naman akong kumilatis ng isang tao."
"How come?"
"Hindi ko alam. Nararamdaman ko lang. Hindi naman ako takot sa ganung bagay."
"Malay mo kung saktan ka nila."
"Hindi 'yan. At kung masamang tao ka man, sisiguraduhin ko naman na tatatak sa kokote mo kung sino ako bago mo pa magawa ang balak mo."
Medyo nagtagal pa kami rito sa pinagkakainan namin dahil panay kwentuhan. Marami naman akong nalaman tungkol sa kaniya dahil siya lang naman ang panay kuwento at ako naman 'tong si tagapakinig. Dalawapu't lima na pala siya. Iyong bunsong kapatid niya si ay Nini tapos mayroon pa siyang isang kapatid na lalaki ngunit hindi naman niya nabanggit ang pangalan nito
Pagkatapos naming kumain ay dumaan muna kami sa J.CO para bumili ng donut para raw sa mga kaibigan ko. Nagsabi naman ako na huwag pero ayos lang daw.
"Salamat ulit Paolo para rito?"
"Wala 'yun. Next time ulit?"
"Talaga?"
"Oo naman."
"Sige."
Nang makarating kami sa kampus ay sa labas nalang ng gate niya ako binaba. Aalis na rin kasi siya at hinatid lang niya ako pabalik dito.
"Salamat ulit, Zen. Bye." Sabi niya.
"Sige. Ingat ka rin."
"Thanks. Likewise."
Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob. Pasado alas onse pa lang kasi ng umaga at may oras pa ako magbihis para sa P.E namin.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Thank you so much guys ♥️♥️♥️
God bless us all
AUTHORS NOTE:
VOTES AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED ❤
-M a d a m W i t t y