And You Will Believe In (EDIT...

By AyaMoon18

2.7K 151 54

Lumaki si Asher sa relihiyosong pamilya ngunit ng dumating ang isang trahedya na nagwakas sa buhay ng pinakam... More

Prologue
Author's Note: CHARACTERS
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 1

300 15 8
By AyaMoon18

Out of my mind 


"Dugo!" Isa, dalawa, tatlo, apat. Napako siya sa kinatatayuan niya sa itaas na sanga ng punong manga nang makita ang ilang duguang katawan ng mga estudyante.


Sa likod ng mataas na pader na nakapagitan sa dalawang paaralan ay isang kaguluhan ang tumambad sa paningin niya. Napaigtad siya ng marinig ang hiyaw ng isang babae. Nawala sa isip niya ang tumitingkad na dilaw na prutas na kanina pa niya pinaglalawayan. At kahit nanginginig ang mga paa at kamay ay mahina siyang gumapang malapit sa dulo ng sanga. Mas lumalakas pa sa tenga niya ang sigaw at pagmamakaawa ng babae habang papalapit siya sa pader. Minabuti niyang magtago sa likod ng mga dahon at usisain ang nangyayari. Medyo naaaninag niya ang mga mukha ng mga estudyante (hindi niya kilala) maliban sa lalakeng nakatalikod sa kanya. Nasa harapan nito ang babaeng duguan ang mga kamay. Buong lakas nitong pinipigilan ang mga paparating na suntok ng lalake sa isa pang estudyante. Habang sa kaliwa naman nila ay nakatihaya ang isa pang lalake. Nagkalat ang mga basag at sira-sirang imahe ng mga santo sa paligid ng katawan nito.


Kakatongtong pa lamang ng buwan ng Marso kaya naghahabulan sa pagpatak ang pawis sa bawat nuo nila. Sumasabay din ang ingay ng mga insekto at paminsan minsang tilaok ng mga manok sa hapong iyun. Ang mga matang kanina pa nang-uusisa ay biglang nanlake nang maramdaman niya ang pagdapu ng isang mabigat na bagay sa ulo niya. Unti-unti niyang nararamdaman ang pagbaon ng matatalas na koko sa bunbunan niya. Ganun pa man ay nakapako pa rin ang mga mata niya sa lalakeng nakahiga sa lupa nang bigla itong napaupo at ang mapupula nitong mga mata ay parang may sariling buhay na nakipagtitigan sa kanya sa bawat puwang ng mga dahon. Dahil sa gulat ay napasinghap siya sa nakakatakot na anyo nito. Huli na para mapagtanto niyang hindi na siya nakahawak sa sanga at tinatangay na ng mabigat na pwersa ang katawan niya pababa. Ang tanging alaala niya ay ang malakas na pagpakpak ng ibong lumipad sa kanyang harapan bago humalik ang likod niya sa tuyong lupa.


 ============================================


Malakas na tunog ng kampanilya ang naghudyat sa mga estudyante ang sampung minuto na pagitan  bago magsimula ang panghapong klase. Matutunog na hakbang at ingay ng mga  nagmamadaling paa ang  pumailanlang sa hapong iyun. Bilang pangunahing prayoridad ng paaralan ang mataas na antas ng edukasyon sa bawat estudyante ay ginugugol ang oras na ito sa remedial instruction.


POV: Asher Mae Bacaltos

Kanina pa ako hikab ng hikab. Dapat ay remedial class namin ngayong oras pero wala parin kaming guro. May pinagkakalibangan man ang mga kaklase ko pero wala sa kalooban ko ang makipag-usap ni kanino. Ang ilan ay nakabukod habang nag-aaral, may natutulog, naglalaro ng kanilang mga selpon at nakita ko pa ang isa sa mga kaklase ko na tinatapos ang tanghalian niya. 


"Hey! You're so quite today. Are we missing something?" Tanong ni Sheena.


Umiling lang ako.  Umupo na rin si Clarisse sa harapan ko habang sa mesa naman si Sheena. Magkababata kami ni Sheena at naging matalik na kaibigan ko naman si Clarisse sa Junior High simula nang maging magkaklase kami. Magpinsan ang dalawa.


"May crush kana ba?" 


"Huh?"


"What kind of question is that, cuz?" Isang malutong na tawa ang lumabas sa bibig nito.


Kung may isang bagay na hindi ko dapat asahan sa kanya ay tungkol yun sa pag-ibig. Hindi ito komportableng pag-usapan ang bagay na yun kaya parati namin siyang tinutukso ni Sheena. Nagulat ako sa tanong niya at sa kung anong rason na tanungin niya ako ng ganitong tanong. Hindi naman mapigilan ni Sheena ang sarili na tumawa pa dahil sa gulat na reaksyon ko.


"At least I got a reaction from you."


"I'm sorry pero wala pa ata si Ma'am. Punta lang ako sa faculty room." Hindi na ako naghintay ng sagot at dumiritso na ako palabas ng silid-aralan namin.


"Anong nangyari dun?" Narinig ko pang pahabol na tanong ng isa sa mga kaklase ko. Kelangan ko munang mag-isa. Napansin ko lang na wala na akong maintindihan sa mga ginagawa ko sa paaralan. Ganito ako kapag nangangailangan ang sitwasyon na maraming gawaing dapat tapusin pero hindi ko naman maintindihan ang mga kilos na dapat kong unahin at gawin. Pakiramdam ko ay parati akong may nakakalimutan o gagawin sa bawat pag-usad ng oras. Itong bagong responsibilidad ko bilang sekretarya ng student council ang mas nagbigay ng bigat sa buhay ko.


["Ano ba kasi ang nangyayari sa akin ngayon?"]


Napagdesisyonan kong mag-ikot ikot nalang ako sa kampus  imbes na magpunta sa faculty room. Nang makaramdam na ako ng pagod ay nagpasya kong makipagtitigan sa haring araw. 


"Mag-resign kaya ako. Pero..."  Sumagi man sa isipan ko yun ay hindi ko naman kontrolado ang buhay ko. Isang hamak na 15-taong gulang  lamang ako na nakadepende sa mga magulang ko. Lalo na sa scholarship ng San Sebastian Academy. Parating sinasabi ni Nanay na malaking karangalan ang maging iskolar. Halos lahat ng mga kamag-anak ko kay Nanay ay ganun din ang paniniwala. 


Pinagmasdan ko ang rebulto ng santong patron ng paaralan namin. Sa likod nito ay nakatayo ang  limang gusali na may tig-apat na palapag. Isa itong Catholic school na pinamumunuan ng mga madre nuon ngunit ng masangkot ito sa isang eskandalo ay isang pribadong kompanya ang sumagip at namahala dito hanggan ngayon. Sumasayaw ang naglalakihang puno ng mahogany sa malakas na ihip ng hangin. Nagliparan at pumadpad naman ang mga dahon nito ksama ang mga talulot ng mga samot saring bulaklak sa berdeng bermuda na nakapalibot sa poste ng bandila at sa buong paligid. Nakakapagbigay ito ng maaliwalas at mapayapang pakiramdam. Pati ang tanawin ng mga estudyanteng nagsilabasan sa kanilang mga silid-aralan at kanya-kanyang magsimulang maglalaro, magkantyawan atmnagkakantahan ay animoy nagbigay buhay sa magulo kong isipan.


"Miss, papasok kaba o hindi? Kanina ka pa kasi diyan sa may pintuan. Nakakaharang kana sa ibang tao oh!" Sabi ng student librarian na kasing taas ko lang. Tinuturo niya ang ibang estudyante sa likod ko na balot na balot ang mga mukha ng pagka-irita. Pansin ko ring may halong iritasyon ang boses niya.  


"I'm sorry!" Nauutal kong tugon. Wala na akong nasabi pang iba dahil sa sobrang kahihiyan.  Linagpasan ko nalang yung lalaki sa harapan ko at deritso akong lumakad takbo papunta sa kung saan man pwede kong maitago ang namumula kong mukha.


["Hindi ko namalayan at umabot na pala ako dito sa 3rd floor."]


Nakahilera ang sampung bookshelves na may taas na apat hanggang pitong talampakan sa gitna ng silid-aklatan. May mga built-in bookcases din sa harapan ng counter. Habang sa magkabilang sulok ng silid naman nakalagay ang mga mesa at upuan na gawa sa kahoy. Hindi kalakihan ang silid-aklatan kaya minabuti kong magtago sa may banda na kinatatambakan ng mga lumang libro at pahayagan. Halos kabisado ko na ang bawat sulok dito dahil nakagawian ko ng bumisita simula pa noong nasa Junior High ako.


"Achoo! Ang panghi naman dito" Ramdam ko ang kati sa ilong at mata ko dulot ng alikabok at baho ng mga lumang libro't dyaryo. Aalis na sana ako sa parteng yun nang makita ko ang taong dahilan kong bakit sandamakmak na schedule, emails at editing assignments ang kailangan kong tapusin ngayong linggo. Kausap niya ang head librarian at itinuturo nito ang direksyon na kinatatayuan ko.


["Huh? Ano bang ginagawa niya dito?" ]


Mabilis kong hinablot ang isang kumpol ng pahayagan at itinakip sa mukha ko bago paman niya ako makita. Huli na para makalabas ako dahil sa taas ng biyas niya ay ilang hakbang lang at nasa harapan ko na siya.


"Ahem!" 


Sa pagkakaalam ko ay nasa 5'9  ang taas niya samantalang kakatungtong ko lang ng 5'0 ft. Kung may makakakita man samin ay mapagkakamalan ata akong binu-bully niya dahil sa agwat ng tangkad naming dalawa. Hindi lingid sa nakararami na seryoso at malamig itong tao. Halos walang gaanong positibong ekspresyon ang mukha niya at blanko ang mga mata sa anumang emosyon na kaya kong ilawaran sa isang litrato. 


"Move."


["Oh My Gulay! Kahit ang salita niya ay kalkulado."]


Sinubukan kong kumilos at bigyan siya ng  daan papunta sa likod ngunit ganun din ang pagsabay niya gayak ko. Ilang subok pa ang ginawa ko pero sumusunod naman siya sa galaw ko.


["Sinasadya mo ba to! Tumagilid ka diyan ng makalabas din ako!"]


Pero kung susubukan kong magsalita ay siguradong makikilala niya ko. Kaya sininsayan ko siya na umatras  muna.


"What are you trying to play at?"


["Patay! Galit na siya."]


"Excuse me, Jairose! Yung hinahanap mo palang publication ng mga nakaraang events dito sa school ay nakalagay sa orange box doon sa pinakadulo." 


"Okay!"


["Ah, kaya pala." ] 


Pinagmasdan ko nalang ang mga paa niya. Nakatayo lang siya sa harapan ko.  Kahit ang sikip ay mabilis akong umusog at nilagpasan siya. Bahagyang napadagan ang katawan ko sa kanya kaya parang may kuryenteng dumaloy sa likod ng liig ko hanggang sa dulo ng mga paa at kamay ko nang hawakan niya nga mga braso ko upang hindi ako tuluyang matumba. Para akong sumuong sa isang higanteng kahoy. Mabuti nalang at mabilis akong nakatayo at kumaripas ng takbo. 


============================================


"Hey! Sorry na.  Are you mad?" Nakangusong bungad ni Sheena at sabay hinila ang braso ko.  


"Ikain mo nalang yan, Ash. Libre ko." 


"Really? Sabi ni Nanay wag ko daw sasayangin ang grasya." 


Kanina pa pala nila ako hinahanap. Nakasalubong ko sila pagkalabas ko ng sili-aklatan kanina. Kaya't nandito kami ngayon sa kantin nagpapalipas ng oras.


"Teka, ano nga palang nangyari sa remedial class natin?" 


"You remember? No class daw sabi ng class rep. There's an emergency meeting so until further notice we're still free." ani Sheena.


"Ganun ba."


"Kaya mo bang kainin lahat yan?" Napatingin naman ako kay Clarisse na hindi parin sanay sa gawi ko.


"Softdrink, please. Isipin mo nalang magkano babayaran mo mamaya." Tatawa-tawa kong tukso sa kanya.


"Kase naman ang dami-dami na niyan. Kulang pa ba yan?"


"Tanong mo kay Mrs. Bacaltos."


"ASHY!" sabat naman ni Sheena. 


Mapayapa kaming kumakain at nag-uusap nang may biglang nagsigawan sa may pintuan ng kantin. Tilian ng mga estudyanteng nakatambay ang pumaloob sa silid. Karamihan sa kanila ay mga babae at bakla.


"OH MY GOD! ANG KING OF HEARTS!" Halos nakatuon ang pansin ng mga tao sa harapan ng silid kung saan nagmumula ang ingay. 


                                                       END OF CHAPTER 1


Continue Reading

You'll Also Like

53.2K 953 31
BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pang...
811 121 42
" Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, ang mga puso'y kusang kumibo, hindi inaasahan pero hindi mo rin kayang pigilan. " Ang dalawang taong ayaw sa...
945 43 12
Mula sa isang aksidente na sumira sa pamilya ni Kauri at naging dahilan ng pagkamatay ng Mama n'ya, may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang nakalimu...
2.5M 55.2K 50
He killed himself. He died after he choose to live in hell , after his wife died in the car accident kasama ang anak nilang hindi pa man nito naiisil...
Wattpad App - Unlock exclusive features