Tahimik lang kami habang nagalalakad pabalik sa mansyon. Kasi naman etong lalakeng to, psh. Nevermind.
Papasok na sana ako nang mabigla ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Sandali"
Nagulat din siya at agad inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bakit ba kapusukan ang paghawak ng mga lalake sa mga babae na walang pahintulot sa panahon na ito? Psh.
"Ano yun?" masungit na tugon ko.
"Bakit ka ba nagsusungit?"
Napahinga ako ng malalim.
"Sabi mo diba hindi naman kita kailangang igalang kung tayo lang naman ang magkasama? Nasa kasunduan kaya natin yun" sabay irap sakanya.
Pasimple lang siyang ngumiti na ipangtaka ko naman.
"Bat ka nakangiti?" taas kilay na tanong ko.
"Masama ba?" pamewang na sagot niya.
May gad! Aakalain ko nang barbie to mamaya.
"Magandang gabi Ginoong Theodore"
Nagulat ako nang marinig yun. Napalingon kaming pareho sa nagsabi nun. Isang magandang babae. Maputi siya at makinis. Nakapusod ang buhok niya at nakasuot ng malinis at magandang kulay asul na baro't saya.
"Magandang gabi rin Binibining Patricia" sambit ni Theodore at hinubad ang sumbrero niya at tinatapat sa dibdib niya para magbigay galang.
Ako rin ay nagbigay galang sa magandang babae. Para manika ang mukha niya, ano kayang pakay niya dito? Hala! Kasintahan kaya siya ni Theodore? Pero paano na si Mirasol?
"Pumasok muna kayo binibini"
"Hindi na kailangan Ginoo, may importanteng sasabihin lang sana ako sayo" nakangiting tugon nito. Tapos napunta naman ang atensyon niya sakin.
"Maari bang iwan mo muna kami?"
Ngumiti ako at tumango. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kusino kung saan naakita kong nagluluto ng hapunan si inay.
"Inay" nakangiting tugon ko at nagmano kay inay.
"Anak, tulungan mo ako dito sa niluluto ko. Para maihain na natin ito sa hapag" ngumiti ako at tumango.
Kaldereta ngayon ang iniluluto ni inay. Ang bango at nakakatakam ang itsura. Masayang hinihain ko ang pagkain sa hapag ng mga Salvador ngayon.
Tapos ay tumabi ulit ako kay inay. Maya maya pa ay nakita ko nang pumasok sa bahay si 'Ginoong' Theodore.
"Theodore, saan ka nanggaling?" tugon ni Don Edilberto.
"Sa labas ama, kinausap ko lang si Binibining Patricia" walang emosyong tugon niya.
"Bakit hindi mo inimbitahan siya papasok dito? Wala ka talagang galang sa mga babae kang bata ka"
Tumawa lang si Theodore.
"Ina, sa gwapo kong to? Isa lamang si Binibining Patricia sa nagkakagusto saakin. At sinabi ko na sa iyo inay, may napupusuan akong iba" sabay ngiti nito.
Umiling iling na lang si Donya Floribeth sa kapilyuhan nang kanyang anak. Psh. Mababaw rin pala etong si Theodore eh. Hindi ko nga naisip na pagtritripan niya ako kanina.
~Flashback~
"𝐁𝐢𝐧𝐢𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐬𝐬𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚"
𝘓𝘶𝘣. 𝘋𝘶𝘣.
𝐍𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐤𝐮𝐫𝐚𝐧 𝐤𝐨. 𝐒𝐢 𝐓𝐡𝐞𝐨𝐝𝐨𝐫𝐞, 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐡𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐤 𝐧𝐚 𝐫𝐨𝐬𝐚𝐬.
"𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚𝐲𝐨"
𝐒𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐤 𝐧𝐚 𝐫𝐨𝐬𝐚𝐬. 𝐍𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚. 𝐊𝐮𝐤𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐨𝐬𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚.
"𝐀𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚?"
"𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐚𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐦𝐨. 𝐘𝐚𝐧 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲, 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐚𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐢 𝐁𝐢𝐧𝐢𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐫𝐚𝐬𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐤𝐨 𝐬𝐚𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐥𝐚𝐤𝐥𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨" 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐠𝐨𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚.
"𝐒𝐚 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐫𝐞𝐚𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐢 𝐌𝐢𝐫𝐚𝐬𝐨𝐥?"
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢" 𝐝𝐢𝐫𝐞𝐭𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐠𝐨𝐭 𝐧𝐢𝐲𝐚. 𝐊𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐨𝐨 𝐤𝐨.
"𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨?"
"𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚, 𝐚𝐭 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢"
~End Of Flashback~
Psh. Akala ko pa naman makakatanggap an ako ng bulaklak. Kasamang palad, hindi maginoo ang magbigay sana sakin nun.
"Ama, maari ko bang makausap si Cassandra matapos kong makain ang aking pagkain"
"Kung ayos lang iyon sa binibini"
Gulat naman akong napatango. Ano na naman ang kailangan niya? Psh. Pagkatapos kumain ay agad akong hinila papunta sa balcony ng kwarto niya.
"Ano naman ang kailangan mo ngayon 'ginoo'?"
Nakita ko namang nawala akong ngiti niya kanina. Napalingon siya sakin.
"G-gusto ko sanang haranahin si Binibining Mirasol" nahihiyang tugon niya.
"Edi haranahin mo siya" sarcastic na tugon ko.
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Bakit ba nangengealam ka?" naiiritang tugon ko.
Tumalikod siya sakin.
"W-wala akonga alam na tugtugin" tugon niya.
Pinipilit ko lang na hindi matawa.
"Nahihiya ka sakin? Eh kanina pinagmamalaki mo pa nga ang itsura mo sa mga magulang mo eh" tawa tawang tugon ko. Narinig kong huminga siya ng malalim.
"Kailangan kong gawin yun para hindi ako ipagkasundo ni ama sa ibang babae. Si Mirasol lang kasi ang unang napusuan ko. Kaya hindi ko pa naranasang manligaw noon" tugon niya sabay kamot sa batok niya.
"May alam akong tugtugin" masayang tugon ko. Hindi ko alam pero simula nang mapadpad ako panahong ito, nakagisnan ko na ang ngumiti. Ang weird.
"Anong pamagat ng tugtuging iyan?" excited na tuhont niya.
"Sa Isang Sulyap Mo"
Nakita ko namang kumunot ang noo niya.
"Sa Isang Sulyap Mo? Hindi ko pa naririnig ang tugtuging iyan. Ang kanyang pamagat ay hindi ko rin alam"
Ngumiti lang ako sakanya.
"May gitara ka ba?"
"Wala, pero mayroon akong kaibigan na tumutugtog. Siguradong mayroon siyang gitara"
"Great! Hiramin mo sakanya" kumunot naman ang noo niya.
"Greyt?" takang tanong niya.
"Ah ibig sabihin ko ay ayos" pilit na ngumiti ako.
"Ah tutugtugin ko na lang ang tugtugin" masayang tugon ko.
(Now playing: Sa Isang Sulyap Mo)
"𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘯𝘢𝘸 𝘢𝘬𝘰"
Napalingon ako sa Hardin ng bahay nila. Ang presko ng hangin.
"𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘰𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰"
May maliit na puno at maraming halaman.
"𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘬𝘰"
Madilim na ang paligid, at tanging ang dalawang lampara lang ang nagbibigay ilaw ngayon.
"𝘓𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘭𝘰"
Ngayon napalingon ako sakanya. Tinitigan niya ba ako? Agad niyang iniwas ang paningin niya ng makita ko ito. Tumingin na lang ulit ako sa ibang direksyon.
"𝘚𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘭𝘺𝘢𝘱 𝘮𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘩𝘢𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘮𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰
𝘚𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘭𝘺𝘢𝘱 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘨𝘩𝘢𝘯𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰
𝘚𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘭𝘺𝘢𝘱 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘱𝘶𝘯𝘶𝘯𝘨-𝘱𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘢𝘺
𝘚𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘭𝘺𝘢𝘱 𝘮𝘰 𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘭𝘺𝘢𝘱 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘱𝘢-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘢𝘬𝘰"
Nang matapos ko ang kanta ay nilingon ko siya.
"Saan mo nalaman ang tugtuging iyan?"
"Secret" nakangiting tugon ko.
"Sikret?" Kunot noong tugon niya.
Napabuntong hinga na lang ako.
"Malalim na ang gabi kaya magpahinga ka na 'Ginoong' Theodore. Sweet Dreams"
Tapos nun ay pumasok na ako. Iniwan ko siyang nakakunot ang noo dahil sa sinabi kong 'sweet dreams'.
Kinabukasan ay sumama ako kay inay sa palengke ulit. Mamamalengke daw si inay para sa pamilay Salvador. Alas singko kami gumising ni inay at naghanda. Mga 30 minutes rin bago kami umalis at sumakay sa kalesa.
Alas sais na nang narating namin ang palengke. Umaga pa lang pero madami na ang mamamalengke. Miyerkules palang kase ngayon.
Namili si inay ng karne, isda, gulay at kung ano ano pang kilangan para magluto. Ako naman eh taga bitbit lang at tagatitig sa mga bibilhin.
Ang saya palang mamalengke! Hindi kasi ako masyadong lumalabas nang bata pa ako. Nang tumanda ako eh nag wild nama ako at naging spoiled. Kaya hindi ko nararanasana ng mabuhay ng normal.
Titig na titg ako sa mga bilihin at si inay naman ay tinatawanan lang ko. So ano ang character ko dito, clown? Psh.
Nang bumibili si inay ng isda ay nahagip ko ulit ang tindahan ng mga libro, pluma mga ganun. Nagpaalam ulit ako kay inay at pumunta doon. May sapat na pera na ako para mabili ang librong gusto ko.
Swerte ko naman dahil sold out na sana ang libro pero may isa pang natira pagkakuha ko nun ay papunta na ako sana sa may ari para mgabayad pero may humarang sakin.
"Binibini, bibilhan mo ba ang librong iyan?" nakangiting tugon niya.
"Obvious ba?" iritadong tugon ko at nagbayad na.
Nagbabayad ako nang lumapit na naman ulit ang lalakeng yun sakin.
"Binibini, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
"Hindi"
Nakita ko namang tumawa siya ng kaunti.
"Wag mong masamain pero gusto ko lamang makipag kaibigan. Pero kung napupusuan mo ang higit pa doon, pwede naman" nakangising tugon niya.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang gwapo siya eh. Feeling ko, may lahi siyang kastila. 6'0 yung height niya, matangos ang ilong maputi rin siya.
"Paumanhin mo señor, pero kailangan ko na pong umalis"
"Ano ang iyong pangalan binibini?" pagharang niya ulit sakin. Napahinga ba lang ako ng malalim.
"Cassandra"
Tapos nilayasan ko na siya. Pagbalik ko kay inay eh hinid naman siya nabigla nang makitang may hawak akong libro. Baka mahilig ring mangbasa ang totoong Cassandra diba?
Sinabi ko kay inay na maglalakad lang ako kasi gusto kong pumunta ulit sa lupain ng bulaklak at para excerise rin. Pumayag naman si inay.
Habang naglalakad ako eh nabigla ulit ako nang mayroong humarang sa dinadaanan ko. Bakit ba hilig ng mga tao sa panahong ito ang mangharang? Psh.
"Cassandra diba?" tanong ng babaeng humarang sakin. Hindi ko pa actually nakikita to. Maganda rin siya. Tumango na lang ako. Nabigla ako nang sampalin niya ako.
"Layuan mo ang kasintahan ko"
Tapos naglakad na palayo sakin.
Really bitch? Paki ko ba sa kasintahan mo? Psh.
Itutuloy.......