Let's take it a shot? //KaRa

By allforkara

1.7K 74 10

KaRa (Mika Reyes & Ara Galang) ONE SHOTS! More

Where I Belong (KaRa)
From: Unknown (KaRa)
From: Unknown 2
Speak Now
I Want You

Begin Again

180 15 1
By allforkara

"Good morning, ma'am Mika! Coffee po?" Agad na bungad sa akin ng secretary ko, si Sandy. Nilagay ko ang bag ko sa table and made myself comfortable before answering her.

"Yes. The usual, Sandy."

"Okay ma'am. Coming right up." Tugon niya.

Nang maka-alis si Sandy ay binuksan ko ang email ko. Kung may importanteng business meetings ba ako or appointment today with a client. When i checked, wala naman. Naisipan kong buksan ang spam ko sa gmail and i found something out.

Emails from... Ara?

The emails are from 5 years ago pa. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nakita ito, dahil ba matagal na akong hindi nagche-check about anything that is related from her? Baka nga. I was hurt, kaya bakit kailangan ko 'pang marinig lahat ng about sa kanya. I shouldn't care, but... i know deep inside, some part of me still cares for her.

Nagda-dalawang isip ako kung babasahin ko pa ba ang mga yon o hayaan na lang. But i can't help but wonder... ano ang nilalaman ng emails na yon?

Pinigilan ko ang sarili kong basahin yon. 5 years na ang nakakalipas. Hindi ko nga alam kung naalala pa ba ako ni Ara. O kaya nakalimutan na niya ko. Baka nga may girlfriend na siya eh, or else kasal na. Teka, bakit ko pa ba siya iniisip? Anong pake ko sa life status niya ngayon? Eh, i don't even know if the thought of me still crosses her mind eh. Hay, ano ba 'to. Kailangan ko ng mag-focus sa trabaho dahil marami pa akong gagawin.

Maya maya pa ay dumating na rin si Sandy dala-dala ang coffee na pinahanda ko sa kanya. Kape, pampagising at pampagana sa umaga. Nagpa-salamat ako kay Sandy bago siya umalis. And info lang about my cafe, 4 years na ang business ko na ito, right after namin mag-break ni Ara. Right, si Ara nanaman. Nag-silbing pampalipas oras at libangan ko ito nung mga panahon na walang-wala ako. Yung ubos na ubos ako. And pangarap ko naman talaga ang cafe na'to. Or should i say pangarap namin? Yes. Pangarap namin ni Ara 'to. Na ako nalang ang nagpatupad. Pero i'm glad na kahit ako lang mag-isa ang nagtaguyod nito, it bloom. Maganda ang pagpapatakbo ko rito. And i can say that i'm happy with the outcome at nung dinulot sakin nung breakup namin ni Ara.

Maybe we're both better when we're off each other. We are growing.

After work dumaan muna ako sa condo ni Jessey to catch up with her. Since ilang weeks na rin akong busy kasi nga nagpapatayo pa ako ng isang branch ng cafe ko sa Baguio. Kaya ayon, hindi ko siya nakaka-usap dahil sobrang asikaso ako dun. And may business partner rin ako dun na gustong mag-collab sa business. Mas sikat kasi ang kapihan nung business partner ko na yon kaya pumayag na ako nung inalok ako about dun sa offer. Actually hindi ko pa nakikilala ang partner ko na yon, sabi kasi ng secretary na, yung na-meet ko, eh nasa US pa raw ang boss niya. Hindi ko naman natanong ang pangalan dahil hindi na sumagi pa sa isip ko.

"I'm glad na nakapunta ka today, bf! I miss you!" Jessey said when she opened the door and hugged me.

"Oo. Hindi naman halatang miss na miss mo ako no? It's been weeks pa lang naman, Jess."

"Hoy! Ano naman kung weeks lang? Namiss lang talaga kita no. Arte nito." Natatawa niyang sabi nang makapasok na kami at maupo sa sala. Umorder siya ng pizza at may ice cream din.

"So, kamusta naman tayo, Miks?" Panimula ni Jess ng usapan.

"Hmm. Okay lang naman. And sa business naman, may client na gustong makipag-collab sa cafe ko, sikat na cafe, Jess."

"Talaga? Anong name ng cafe?" Medyo excited niyang tanong.

"V&M Cafè yata ang naalala ko na sinabi nung secretary nung business partner ko."

"Eh anong name nung business partner mo?"

"Yun nga eh. Hindi ko alam."

"Huh? Bakit hindi mo alam?"

"Eh, base sa research ko, very private and mysterious ang owner o CEO nitong café na'to. Kaya secretary niya lang siguro ang nakausap ko.

"Wow. Antaray naman nun, hahaha. Basta pag na-ayos na yung branch mo sa baguio libre mo ako dun sa opening ha?"

"Oo na. Nilulugi mo naman ako."

"Hindi naman. Grabe ka!" Natatawa niyang sabi at nagtawanan na lang kami ni gaga.

"And sana, ma-meet ko 'yang mysterious partner mo na 'yan."

"Yeah. Looking forward to that too." I said smiling.

"So move on na tayo dyan sa business keme mo na yan. Can't relate eh." Jessey said, laughing.

"Puro ka kasi kalandian, hmp." Diretsang sagot ko naman sa kanya.

"Inggit ka lang e, pwe."

"Bakit naman ako maiingit? Contented na ako 'no." Sagot ko. Totoo naman na kontento na ako sa kung anong meron ako pero i can't deny the fact that i'm longing for a partner in life or relationship thingy. Ayoko naman i-deny kasi minsan na-mimiss ko rin yung sarili ko na nagmamahal ng iba.

"Talaga lang ah? Eh kamusta naman kayo ni Jerome?" Pag-iiba niya naman ng topic.

"Wala. Friends lang talaga kami." Madiin kong sagot sa kanya. Ilang taon na rin kasi niya akong pinipilit kay Jerome. Pero ewan ko ba, hindi ko siya magustuhan. Like, mabait naman siya, charming, gwapo, matalino and all pero i can't still like him. Yung tipong siya na yung ideal man ng lahat pero here i am, throwing him away.

"Friends lang talaga? Sabagay. Fine. Hindi mo nga talaga siya gusto. Gusto ko lang naman na maging happy ka ulit, Miks."

"Happy naman ako, ah?"

"Yeah, you are. Pero yung iba naman kasi ang tinutukoy ko. Yes, happy ka nga, pero we don't even know if that happiness will last, right? Gusto ko, magkaroon ka ng taong permanente na hindi magsasawang panatilihin ang mga ngiti diyan sa labi mo. A person that will stay by your side, through thick and thin."

I appreciate Jessey's words. Siguro nga, may kulang pa talaga. I can't just fathom kung ano yun.

"Today, what happen ngayon?" Tanong niya pa.

"Busy pa rin naman."

"Get off with business matters, Mika. Bored na ako dyan sa business topic natin na yan."

"Ah... kasi... i found an email from 5 years ago..."

"And? Kanino galing?"

"Kay Ara."

Sa sinabi ko ay bigla siyang natauhan at biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Mukha siyang na-excite tapos bigla nag-seryoso. Ewan ko.

"Si Ara? As in si Ara Galang? Ria's best friend? Your ex?" Gulat niyang sabi at hininto ang pagkain ng ice cream.

"Yeah. Surprising, isn't?" Sabi ko, "After 5 long years... ngayon lang ulit ako na-associate with something that's related from her. Matagal ko na siyang kinalimutan but now... she keeps bothering me. With those emails."

"Emails? What emails?"

"Hindi ko alam, i haven't checked."

"What? Paano mo malalaman ang nilalaman nung emails na yon kung hindi mo binabasa?"

"Ayokong basahin yun, Jess. Natatakot ako sa nilalaman nun." I confessed. Oo, kaya ayokong buksan o basahin ang emails na yon dahil baka kung ano pa ang nilalaman nun, baka tungkol sa past namin, sa relationship, or what na basta personal. Ayokong masaktan, kaya hindi binabasa ang mga yun.

"Pero what if... importante ang nilalaman non? Like, about sa past nyo, or her side?" Jessey said. She has a point, baka nga dahil doon yung nilalaman ng emails. Pero, bakit kailangang sa emails pa? Kung pwede naman niyang sabihin ng personal?

"I'm sorry pero, i don't want to know kung ano ang nilalaman non. Its been what? 5 years? Kakailanganin ko pa ba siya?"

"Maybe yes. Maybe no. But i can only assure you one thing. Closure/explanation, maaaring malaki ang possibility na yon ang laman ng emails niya. Maybe she was giving you, both, a closure or explanation for what happen years ago."

"Pero if you don't want to read it then... fine. Hindi kita pipilitin. Basahin mo na lang once your ready."

After ng pag-uusap namin ni Jessey ay umuwi na rin ako.

Nilagay ko ang bag ko sa bedside table at ginawa ang night routine ko. Take a half bath, change to pajamas, eat, and do my skin care. Pagkatapos ng lahat ng yan ay humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. At muli... pumasok nanaman sa isipan ko si Ara at ang emails na yon.

"Hay, Ara. Bakit ngayon ka pa nagparamdam? Kung kailan okay na ko? Bakit ngayon ko pa nakita 'to? Dapat ba hindi ko na chineck yung spam emails ko? Para hindi ako namomoroblema ng ganito sayo?" Wika ko sa hangin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko as i sign na i'm frustrated.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko sa kama. Binuksan ko ang phone ko at nagbukas ng social media. And speaking of Ara... a memory from 5 years ago was here in my timeline sa facebook.

Eto yung time na University Fair at nagpakasal pa kami kunyari sa Marriage Booth. Hindi ko alam pero may mga ngiting sumilay sa labi ko. The good old days. How i miss.

12:25AM ng umaga at hindi pa rin ako makatulog. Sobrang daming bumabagabag sa isipan ko ngayon. At lahat ng yon ay about kay Ara lang.

Ilang oras pa ang lumipas ng i finally decided to read what's in the emails. Bahala na, gulong-gulo na ako at eto lang yung sagot sa mga katanungan ko.

Here it goes...

---

Ara Galang
August 22, 2015 at 3:18PM

Hi Mika. I don't know if ito parin yung email mo pero nagbabakasakali ako na mabasa mo 'to. Gusto ko sanang sabihin sayo 'to ng personal pero hindi ko na nagawa. Bigla ka na lang raw kasing umalis after the night we broke up. Nagmamadali ka raw umalis noon at nagpa-book ka ng flight to US as soon as possible. Gusto sana kitang habulin, o sundan doon. Pero alam mo naman ako, mahirap lang, walang pera. Sa paintings at kita ko lang doon ako umaasa. Hindi ako makabili ng ticket kasi sobrang mahal. Nung mga panahon na yon, hiniling ko na sana may pakpak na lang ako para pwede kitang mapuntahan... pero hindi eh. Imposible. Sinubukan kong magtrabaho pero kulang pa rin. Kapos pa rin. Gustong gusto kitang yakapin, na sana pala nung gabing nasira tayo, hindi kita hinayaang lumabas ng pintuang yon. Kung alam ko lang na aalis ka, dapat lumuhod na ako sayo at nagmaka-awa. Miss na miss kita. Sana, hindi kita pinakawalan noon, kasi mahal na mahal kita. Pero hanggang sana na lang ako eh, wala akong magawa para mapuntahan ka diyan. Ang hiling ko lang eh sana... maayos at masaya ka diyan. I miss you, Mika.

Habang binabasa ko pa lang yon ay nagsi-bagsakan na agad ang mga luha ko. Walang tigil sa pag-agos. Parang unti-unting nadudurog ang puso ko, bawat salita ay tumatagos dito, ang sakit. I feel so guilty.

---

Ara Galang
November 15, 2016 at 10:19PM

Kamusta ka naman dyan? Nakakain ka ba ng maayos diyan? Ano ng trabaho mo? Kamusta na si Tres? Malusog ba siya? Sana naman wala siyang sakit ano? Ikaw? Healthy ka naman ba? Baka masyado ka ng napapagod diyan. Pwede ka naman umuwi rito, tatanggapin pa rin naman kita. Palagi. Basta umuwi ka lang. Hindi naman ako magsasawa sayo eh, kasi worth it ka, deserve mong ipaglaban. Eh ako? Hindi ko alam kung deserve ba akong ipaglaban... kasi eto lang ako, si Ara Galang, hindi naman mayaman, hindi ako nakatapos ng college, paintings ko lang ang puhunan ko, wala namang tumatangkilik sa mga gawa ko. Tanging ikaw lang, kaya nga kita minahal eh. Kasi ikaw lang yung nakakita ng ganda sa mga artworks ko. Pinagkatiwalaan mo yung kakayahan ko. And sa lahat ng mga paintings ko, ikaw ang pinaka-magandang real-life painting na nakita ko. You're a masterpiece, Mika. You are the art i would never get tired of looking at. Gusto kitang ipinta, kaso wala ka sa tabi ko... kaya sana, umuwi kana. At pangako, pag nakauwi ka na, ipipinta kita. I miss you palagi, mahal.

---

God. I am sobbing so hard right now. I'm so sorry, Ara. I'm sorry i caused you so much pain. Parang gusto kong bawain ang mga nangyari noon, para hindi ka sana nasasaktan ngayon. This is all my fault. I didn't trust you enough Ara. Because i'm afraid of being hurt, yes i got hurt when i thought you were seeing someone else, i'm sorry for thinking that you cheated. I'm afraid of getting hurt, but instead you're the one who got hurt. You don't deserve me, Ara. I'm such a mess.

---

Ara Galang
January 4 at 11:11PM

Mahal, birthday ko na ngayon. Nagbabaka-sakali akong babatiin mo ako. Kahit wala akong matanggap na regalo, kahit bati mo lang, sapat na yun sakin. Miss na miss na kita. Its been 6 months since we separated and Inside the six months of not having you here, it felt like hell. Alam mo ba, nakadungaw ako ngayon sa bintana ko, nakatingin sa mga bituin sa itaas. Sa tuwing nakatingin kasi ako rito, naaalala kita, hinihinuha ko ang itsura ng mukha mo sa bituin-kalangitan. Sana, sa tuwing nakatingin ka rin sa mga bituin, ako ang naaalala mo. Hay, i wish you were here. I'm sorry if you think I've cheated on you, sorry for making you feel that way, pero hindi... i will never do that to you, Mika. And i know alam mo yan, kung gaano kita ka-mahal. I was so busy seeing someone kasi balak nila ilagay sa art gallery yung paintings ko... tuwang-tuwa ako non. Pero nung
pinaghinalaan mo ako, labis akong nasaktan dun. Sinabi mo na wag na akong makipagkita sa kanya, kaya ginawa ko kahit masakit saakin. Hindi nalagay yung paintings ko sa art gallery dahil hindi na ako nakipagkita sa manager. Ayoko kasing mawala ka, kaya kahit pangarap ko yun, tinigil ko para hindi ka mawala sakin. Pero... still i
lose you. The moment na umalis ka, that's when i realized na mas mahalaga ka kesa sa pangarap ko. I love you, Mika. Happy birthday to me.

---

Marami pang emails si Ara roon pero hindi ko na kayang basahin pa ang iba dahil sa tuloy tuloy na pag-agos ng luha ko. Ayaw nilang tumigil. Sobrang sakit pala, pinakawalan ko siya without knowing her side. I'm such an idiot.

"Ready ka na for Baguio, bf?"

"Mika, you're spacing out." Jessey snapped.

"H-ha? What are you saying ba?" Tugon ko rito. Hindi ko napansin na kinakausap niya pala ako dahil ang daming bumabagabag sa isipan ko ngayon.

"Sabi ko ready ka na ba for Baguio? Kanina pa kita kinakausap anong nangyayari sayo, ha?"

"Wala, sorry. Oo, wala nakong naiwan. Okay na."

"May sakit ka ba? Kanina ka pa kasi wala sa sarili mo eh." Sabi ni Jessey at tiningnan kung may sakit o lagnat ba ako. " Wala ka namang sakit. Okay ka naman siguro. Eh, may problema ka ba?"

I sigh, "I've read Ara's emails."

"What? You what?"

"You heard me, okay?"

"Then what does it says?" Pinabasa ko naman kay Jz ang mga email na binasa ko from Ara. Pagkatapos niyang basahin yun ay parang halos maiiyak siya.

"Poor Ara..." I heard her whispered.

"Ang tanga tanga ko, Jessey." Sabi ko at napahilamos sa aking mukha dala ng frustration.

"Oo nga, eh."

"Jessey naman eh!" Saway ko dito. Nagawa pa akong asarin nitong bruha.

"Mika, admit it. Totoo naman. Pero wala na tayong magagawa okay? Nangyari na eh. Accept it."

"Na-accept ko nanaman eh. Na wala na kami. Pero ewan ko ba, biglang nagkaroon ako ng hope na baka pwede pa. The emails, Jessey. Sa tingin mo ba, tatanggapin niya pa rin ako katulad nung sinabi niya doon?" I look into her eyes desperately, looking for answers.

"Hindi ko alam, Miks. Pero si Ara yun eh.. mahal na mahal ka. Kaso, dati yun. Matagal na ang nakalilipas, marami nang nagbago. Hindi ko alam kung tatanggapin ka parin niya." Jessey said, sadness evident on her eyes.

I deeply sigh, looking at the window. "Ara, i'm so sorry. Fuck. Mahal pa rin yata kita."

Simula nang mabasa ko ang mga emails ni Ara ay nagbago na lahat. Palagi ko na lang siyang iniisip. Hindi na siya nawawala sa utak ko. Dahil sa mga emails na yun eh, nagulo ako. Yung sarili ko, yung damdamin ko towards Ara. Bumalik eh, mas lumalim lalo na when i knew what i really meant to her at kung ano talaga ang nangyari sa past. Ganun na lang ang naging reaksyon ko kasi ayokong matulad ako kay Mommy. Na niloko ng Dad ko at iniwan kami. Tinulad ko siya sa ama kong iniwan kami, but i was wrong, so wrong na pinagtulad ko sila.  Because Ara, is nothing alike my father. Iba si Ara, she can't do that to me and i knew it. Nagpadala lang ako sa instinct ko at sa nangyari sa family ko noon, that i didn't even bother to think who she really was and why i fell in love with her. I fell in love with her because of her loyalty and honesty.

I was so wrong about Ara.

---

Nakarating na kami ng Baguio at nagtungo na sa hotel na pagsta-stay-in namin.

"Hay, the cold breeze of Baguio is so calming!" Jessey muttered while laying on the comfy bed. Habang ako ay patuloy lang sa pag-aayos ng mga gamit ko.

"Huy. Kanina ka pa busy dyan. Come lay with me." Said Jessey, na nakabangon na.

"Mamaya na lang. Ill fix our things muna." Plain kong sagot dito.

"Kanina ka pa sabaw bf. Lagi ka na lang ganyan. Simula kanina, madalas ka rin nagspa-space-out eh. Okay ka lang ba? May problema ba? Or is this all about Ara?"

I faced her, "Jessey, can we not talk about Ara right now? Please." I pleaded.

"Okay okay. I'm sorry."

I just can't handle things like this right now. I think i need some sleep before i meet this client tomorrow for the opening of the coffee shop.

---

"Good morning ma'am Mika! Congratulations po pala." Bati sakin ng isang staff. Hindi pa nagsisimula ang ribbon cutting dahil hindi pa dumadating yung business partner ko na galing ibang bansa at ngayon ang uwi niya. Ngayon pa lang eh, binabati na ako ng mga staff.

"Thank you." Nakangiti kong tugon rito. I should start this day with a smile.

Hindi na rin nagtanong pa si Jessey tungkol kay Ara pero alam ko nag-aalala siya. Ina-assure ko naman siya, para hindi siya mag-worry. Okay naman ako? I guess.

3:00PM

Ready na ang lahat for the opening of Aces and V&M Café. Sobrang special ng araw na to para sakin. Finally, natutupad ko na ang mga pangarap ko.

Still, wish you were here.

Nagtipon-tipon na ang lahat para sa ganap na ribbon cutting.

"Teka? Start na? Nasaan yung isang business partner pa?" I asked.

"Ma'am, na-traffic raw 'ho eh." Sagot naman ng isang staff. Ganun ba? Tinanguhan ko na lang ito.

Nagpalakpakan ang lahat ng matapos na ang ribbon cutting. Bakas sa kanilang mga mukha ang saya. What a beautiful view. Binati ako ng lahat at nagsimula na ring dumayo ang ilang customers. Ang iba ay mga namamasyal lang at ang iba naman ay tiga-rito. Very simple lang ng café ko na ito.


Si Jessey ang nag-design ng café na ito kasama na rin ang tables and chairs pati interior. Yung business partner ko naman, okay lang naman raw at maganda. Medyo less cooperation ang partner ko dito dahil secretary nito ang halos sumasalo ng lahat sa café na ito.

I wonder, magkano kaya ang bayad nito dito?

"Ma'am, gusto nyo po bang kayo na lang ang magtimpla ng coffee para sa partner nyo?" Pag-interrupt ni Sandy sakin.

"Okay sure. Darating na ba siya?"

"Actually ma'am, nandito na 'ho siya. Right after po ng ribbon cutting ay dumating na po siya. Gusto niya raw po ng coffee na gawa po ninyo."

Gawa ko? Bakit kailangan ako pa gumawa? Weird.

"Sige. Ako ng bahala. Thank you."

Umalis na rin si Sandy at tsaka ako nagsimulang magtimpla ng coffee para sa partner ko na bagong dating. Bakit kaya ako pa? Hmm, kung may staff naman na pwedeng gumawa nun? Misteryoso pala siya.

Sinigurado ko naman na maganda ang timpla nito dahil ayoko naman na hindi magustuhan yung gawa ko ano. Kaya i made sure na magugustuhan niya to.

Sinabi naman sakin ni Sandy na nasa opisina raw ito at naghihintay. Pumunta naman ako roon at marahang pinihit ang doorknob.

Nang makapasok ako ay nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod. Hindi ko alam ngunit parang pamilyar ito.

Marahan kong nilapat ang kape niya sa lamesa. "Eto na po yung kape niyo. By the way i'm Mika." Sabi ko at naglahad ng kamay.

"I know." Sabi ng isang pamilyar na boses. Humarap ito sa akin ng may matamis na mga ngiti sa labi nito.







"Ara?"

___________________________

Namiss nyo ba ko? Charot!

Vote and comment! Stay safe, readers! :)

AT DAHIL NAGKA-GANAP ANG KARA MAG-UUPDATE AKO NGAYON! HAHAHAHA KAHIT DI PA TAPOS. SANA NAGUSTUHAN NYO HAHAHA!❤️

Continue Reading

You'll Also Like

130K 4.8K 87
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
932K 35.3K 83
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
368K 13.2K 59
After Pein's invasion, Naruto is betrayed by his comrades and left to die. When he wakes up, he somehow travelled back in time to when he was genin a...
573K 35K 99
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...