-
-
KEN'S POV
-
Sobrang Excited si Tristan makita ang daddy nya hindi na nga sya umalis sa tabi ko eh kasi baka iwan ko daw sya.
"Mommy sa tingin mo po ba, Magugustahan yan to ni daddy?"
May inabot sakin si Tristan na papel at may nakadrawing na tatlong tatlo, Ako, si tristan at si Terrence. Hindi maganda yung drawing pero kita mo naman yung effort sa paggawa.
"Yes baby, your daddy will be happy for this"
Tumatalon talon sa tuwa si tristan at niyakap ako, Papunta na kami sa daddy nya. Sana lang talaga hindi din sya itaboy ni Terrence katulad ng nangyari sakin.
*
Nang makarating kami sa room ni Terrence ay tumakbo agad si Tristan nang makita yung daddy nya.
"Daddy!"
Niyakap ni Tristan si Terrence, Nagulat si Terrence at tumingin sakin na parang tinatanong kung sino yung yumayakap sa kanya. Nilapitan ko si tristan at inilayo kay Terrence.
"Mommy why? i want to hug daddy, because i miss him so much"
Diba englishero sya? hahaha ewan ko ba sa bata nato kung saan nagmana sa pagi english.
"Tristan? your daddy is sick and he need some rest, So let's go home?"
Nakita ko yung paiyak na itsura ni Tristan, ito na nga ba yung sinasabi ko eh dapat pala hindi ko nalang sya dinala dito.
"No! i want daddy! i dont want to go home!"
"Baby? listen to me, Your daddy needs to be alone but i promise we will go back here tomorrow"
Binuhat ko nalang si Tristan, alam kong ayaw oa nyang sumama sakin pero napilitan nalang sya sumama. Palabas na sana kami pero biglang nagsalita si Terrence.
"Sandali, dito na muna yung bata"
"Really daddy?"
Sa sobrang tuwa ni Tristan ay bumama sya at tumakbo pabalik sa daddy nya. Natuwa din ako kasi kahit walang maalala si Terrence hindi paden nawala ang kabutihan ng puso nya. Naupo muna ako sa gilid at pinagmasdan ang mag ama na habang naglalaro, at sarap nila tingnan yung feeling na parang wala lang nangyari.
"Mommy tara, Join us"
Nagulat kami pareho ni Terrence sa sinabi ni Tristan, Lumapit sakin yung bata at hinila ako palapit kay Terrence.
"Tristan? okay nako dito, kayo nalang ng daddy mo ang maglaro"
"Oo nga naman baby, tayo nalang maglaro para mas masaya" -tristan
OUCH! sakit non ha? so masmasaya pala kung dalawa lang sila nandito? dapat pala umalis nalang muna ako, baka kasi naaabala kolang sila.
"No! i want the two of you"
Sinanay kasi ni Terrence si Tristan na lagi kaming tatlo ang naglalaro ayan tuloy nakasanayan na ng bata. Paiyak na sana si Tristan pero nagsalita si Terrence.
"Okay fine, Dont cry baby." -terrence
Biglang umaliwalas ang mukha ni Tristan, Umusog nang kaunti si Terrence para makahiga din ako. Bale ang pwesto namin si Terrence-Tristan-Ako. Alam kong napilitan lang si Terrence na gawin yon dahil kay Tristan, Pero ayos nayon kontento nako na makita mona si Terrence at makasama sya saka kona iisipin yong susunod na mangyayari.
Napansin kong nakatulog na pala si Tristan, nakatulog sya sa sobrang tuwa dahil nakasama nya yung daddy nya.
"Tulog na yung bata, pwede na nating itigil ang pagpapanggap na kilala natin ang isat-isa" -Terrence
Parang unti unting dinudurog yung puso ko sa narinig ko, Sana hindi nalang totoo sana panaginip lang lahat para hindi ako nasasaktan ng ganito.
"Terrence hindi moba ako naalala?"
"Sa tingin moba magiging ganito ako sayo kung naalala kita?" -terrence
"Pero Terrence isipin mo nang maigi, baka sakali na maalala mo kung sino ako sa buhay mo"
"Hindi ko alam kung bingi ka lang o sadyang nagtatanga tangahan kalang? sabi ko umalis kana dahil hindi kita maalala at wala akong balak na maalala ang kung anong meron tayo" -terrence
"Ganon ba ako kadumi sa paningin mo? at ayaw mong maalala kung anong meron tayo dati?"
Hindi nakaimik si Terrence sa sinabi ko, This time hindi kona napigilan ang tumulo ang mga luha ko, ang sakit kasi! sobrang sakit! yung sa sobrang sakit para na akong mamatay.
"Umalis kana" -Terrence
Biglang nagising si Tristan at napansin ata nya naumiiyak ako.
"Mommy why are you crying?"
Hindi ako sumagot kay Tristan binuhat kona lang sya at umuwe nalang kami. Pinilit kong tatagan yung loob ko para kay Tristan.
*
Ilang araw mula ng pumunta kami ni tristan sa hospital ay nalaman kona lang na nakalabas na pala si Terrence at nandon sya ngayon sa bahay ng mommy. Gusto ko sana syang dalawan pero hindi ko kaya dahil natatakot ako sa mga sasabihin nya, natatakot ako na baka itaboy na naman nya ako at natatakot ako na baka ipamukha nya sakin na hindi nya ako mahal.
Sinabi sakin ni Ate Cindy na wag ko muna daw lapitan si Terrence para sa ikakatahimik ng mga kalooban namin, masakit pero kailangan kong tanggapin.
Umalis nadin ako sa bahay namin ni Terrence at bumalik kala mama. Napakahirap sakin na umalis sa bahay kung saan kami nagsimula ni Terrence bilang magasawa, dito namin binuo yung mga masasayang memories namin na magkasama lahat yon nawala dahil sa isang malagim na aksidente.
"Anak ayos lang ba kayo sa kwarto nyo?"
"Syempre po, salamat po pala ha? pansamantala lang naman po kami dito"
"Ano kaba ken? ikaw ang nagpatayo ng bahay nato kaya kahit kailan mo gusto ayos lang" -mama
Nakapagpatayo ako ng hindi kalakihang bahay dahil narin sa sikap at tyaga ko. Bata palang kasi ako pinangarap ko na ito kaya sobrang saya ko ng matupad ko yon.
"Sige na anak magluluto pa ako ng makakain natin, Yung anak mo nandon sa kuya mo"
Lumabas na si mama, ako naman inayos yung mga gamit namin ni Tristan, dinamihan kona din yung dalakong damit dahil alam kong matatagalan kami dito.
.
.
.
.
CYRUZ POV
-
Pagdating na pagdating nila ken dito, lumapit agad sakin si tristan at niyaya akong makipaglaro, Kinuha ko nadin si Tristan para makapag ayos si ken ng mga gamit nila.
"Tito? what kind of game do you want to play?"
Wo! ito yung ayaw ko sa batong to eh english speaking hindi naman amerikano, Mauubusan ako ng dugo dito kaya minsan humihingi ako ng rescue kay Queenie kaso wala naman sya ngayon huhu pano nato?
"Ah baby? tagalog please"
Tumango naman yung bata, Yes! hahaha akala ko hihindi sya eh.
"Tito ano pong laro ang gusto nyong laruin?"
Bilib talaga ako sa batang ito, 4 years old palang pero ang galing na magsalita manang mana sakin MATALINONG bata.
"Kahit ano nalang tristan"
"Okay"
Kinuha ni Tristan yung phone ko at naghanap ng games don, actually hindi naman talaga ako mahilig sa games napilitan lang ako magdown load para sa kanya. Hinayaan ko nalang sya na maglaro para malibang sya.
"Baby? kamusta pala yung mommy?"
Mommy kasi talaga yung tawag nya kay ken, Hindi sya tumingin sakin dahil busy sya kakalaro.
"She's not okay, i saw her yesterday fighting with daddy and she look so sad"
Hindi ko alam na ganon na pala kasakit yung nararamdaman ni ken, Hanga ako sa kanya dahil sa kabila ng pagsubok na kinakaharap nya nakukuha paden nyang ngumiti at patuloy na lumaban. Wag lang talaga sya saktan ni Terrence physicaly dahil ako mismo ang makakabangga nya! at ako mismo ang maglalayo kay ken para hindi na sya masaktan.
Napansin kong tahimik na si Tristan pagtingin ko tulog na pala, hahaha ang cute talaga ng bata nato mana sakin. Kinuha ko yung phone ko at inayos ko yung higa nya. Lumabas muna ako para kumuha ng maiinom nang makasalubong ko si ken.
"Kuya si Tristan?"
"Nandon sa kwarto ko tulog na"
"Talaga? nako kuya pasensya na ha? siguro kinulit kana naman non" -ken
"Ayos lang, natutuwa din naman ako sa bata"
Pupuntahan na sana nya yung bata pero hinawakan ko sya sa kamay.
"Kuya bakit?" -ken
"Ken ayos kalang ba?"
"Ha? syempre naman"
Kahit sabihin ni ken maayos sya, kita ko sa mga mata nya yung sakit at hirap na nararamdaman nya. Ayaw nya lang ipakita samin dahil ayaw nyang magalala kami.
"Ken yung totoo? wag kanang magsinungaling sakin, Kuya mo ako alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi"
Bigla akong niyakap ni Ken ng mahigpit at umiyak sya.
"Kuya, bakit ganon? bakit ko kailangan masasaktan ng ganito? naging mabuti naman ako diba? wala naman akong tinapakan na tao, pero bakit ako nasasaktan ng ganito?"
Ngayon ramdam kona yung sakit ni ken, kahit anong tago nya hindi nya ito mapipigilan. Kailangan nya ngayon ay suporta namin.
"Ken, iiyak molang yan para mabawasan yung sakit na nararamdaman at wag mong isipin na nagiisa ka nandito kami ni mama at yung anak mo hindi ka namin papabayaan nandito lang kami sa tabi mo"
"Salamat kuya, alam ko naman yon eh. Sorry kasi naging mahina ako"
"Wag kang magsorry dahil naging mahina ka, Isipin mo kung paano ka ulit magsisimula ngayon, O ipaglalaban mopa si Terrence"
"Sa totoo lang kuya hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung kaya kopa paba magpatuloy"
Hindi yan ang kilala kong ken, yung kilala kong ken hindi marunong sumuko sa laban at kahit nasasaktan sya ay patuloy paden sya lumaban"
Pinilit kong palakasin yung loob nya ayon nalang kasi ang magagawa ko para sa kapatid ko.
"Kuya salamat"
"Walang ano man, pero sabihin mo sakin pag sinaktan ka ulit ni Terrence ako mismo ang bubogbog don"
Natawa si ken sa sinabi ko, Niyakap nya ako mahigpit, alam kong kahit papaano nakatulong yung mga sinabi ko sa kanya.
.
.
.
KEN'S POV
-
Nakalimutan man ako ni Terrence pero yung pamilya ko nandyan paden. Masakit man yung mga nangyayari sakin pero lahat yon kakayanin ko dahil alam kong hindi ako nagiisa dahil nandyan ang mga kaibigan at pamilya ko.
Pagkatapos ng paguusap namin nayon ni Kuya. napaisip ako sa kung ano ang dapat kong gawin, Dapat ipaglaban ang pagibig ko kay Terrence at ipapaalala ko sa kanya na ako ang mahal nya at nagmamahalan kami.
Hindi man ako maalala ng isip nya pwes ipapaalala ng puso nya kung sino talaga ako sa buhay nya.
Binuhat kona si Tristan papunta sa kwarto namin para makatulog nadin sya ng maayos.
"Baby? sorry kung nadadamay ka dito ha?, hayaan mo gagawin ko ang lahat para maalala ako ng daddy mo at kahit ilang beses nya akong ipagtabuyan hindi paden ako lalayo sa kanya. Dahil na nga ako kamo sa isat isa nung kinasal kami na magsasama kami hanggang kamatayan"
Naiyak na naman ako at biglang nagising si Tristan.
"Mommy are you crying?"
"No baby, go back to sleep dont mind me"
Naaawa talaga ako sa kanya kasi alam kong matalinong bata si Tristan at nagtataka na sya sa mga nangyayari, pero paano ko sasabihin sa kanya yung nangyayari? masyado pa syang bata.
.
.
.
SOMEONE'S POV
-
"Kamusta na si ken? ayos lang ba sya?"
Nabalitan ko yung nangyari kay ken, at nasasaktan ako kasi nasasaktan na naman sya. Sayang wala ako sa tabi nya para damayan sya.
Sa tamang panahon babalik ako at pag nakabalik ako hindi kona hahayaang masaktan si Ken at ipapamukha ko sa nanakit sa kanya na hindi dapat sya sinasaktan, dahil ang mga kagaya ni ken dapat minamahal.
5