Nahulog Ako sa Tulay
@imaballpenandiwrite_
Zach's POV~
Dear Phoebe,
Natanggap mo ba ang sulat ko kahapon? Pasensya ka
na kung makulit ako sa texts, naiistorbo ba kita?
Sorry na, mahal lang kasi kita.:)
Sige, dito muna.
P.S. I love You
-------------
Itinupi ko ang papel at bahagyang pinahiran iyon ng pabango saka
inamoy-amoy.
Ayos!
"Bridge!"
dumungaw pa ako sa labas ng room pero wala siya kaya nagdesisyon akong lumakad
sa hallway.
"Oy, kanina pa kaya kita tinatawag!" Sigaw ko nang makita ko
siya.
"Lumingon sya, kaya bigla akong natigilan.
Huminto ang tibok ng puso ko, at para akong na-glue sa kinatatayuan ko.
"A-ano kasi...Yung report! Oo, yung report natin, k-kelan natin gagawin?"
Tsk. Bat ba kasi nanjan si Phoebe? Nauutal tuloy ako.
"Uh...Phoebe, I think you should go na, nang makausap ko naman ng matino tong
si Zach...Phoebe! After school ah?"
Nakita kong tumango si phoebe, bahagyang sumulyap sakin na nagdulot ng
pagdo-double time na naman ng puso ko.
Ngumiti siya sabay tumalikod na.
Ngumiti siya...
Nginitian niya ko...
hindi kaya...
"Aray!" Hinampas kasi ako ni Bridge ng hawak niyang notebook.
Angcute ng name niya no? Siya ang tulay ko kay Phoebe. Pero
Bridgette talaga ang pangalan niya, pinaikli ko lang.
Nakakapagod kasing bigkasin eh.
"Eh pano kasi, kanina pa kita kinakausap nakatulala ka lang jan. Nakangiti
pa sa hangin. Tsk."
Ginulo ko lang ang buhok niya, mas matangkad kasi ako sa kanya ng di hamak.:)
"Uy wag.Ano ba," sabi ni Bridge habang umiiwas at pilit na hinuhuli ang kamay ko.
"Hindi ka pa kasi naiinlove. Kaya nawi-wirduhan ka sa ganun." sabi ko naman.
"At asa ka, hindi ako maiinlove no. Para sa mga baduy lang yun."
"Wag kang magsalita ng tapos Bridgette san Juanico. Malay mo...
Nanjan lang pala sa tabi-tabi ang true love mo,"
Tatawa-tawa kong sabi sabay ibinalandra ang pogi kong mukha sa kanya.
"Haha, You wish Zacarias Alejandrino!" Sabi pa niya sabay nilukot ang mukha.
"Kay Phoebe ka na lang, para si phoebe na lang ang malasin Forever. Hahaha!"-Bridge
"Grabe ka naman, bakit? Kay Lyndon ba suwerte siya forever pag yun ang sinagot niya?"
"Hahaha! Nagseselos ka nga sa lyndon na yun!"
si Lyndon yung isa pang manliligaw ni Phoebe.
Mas pogi naman ako dun eh.
Nag-poker face na lang ako at tumanaw sa malayo.
Habang si Bridge, tawa pa din ng tawa.
Napatingin ako sa kanya nung nangalumbaba siya na parang nagde-daydream.
"Hmm...Pero Zach, alam mo...Gwapo si Lyndon, crush ko nga yun eh! Hahaha!"
"Ewan, baliw ka na. Oh, bigay mo to sa kanya mamaya ah?"
Kinapa ko ang sulat sa bulsa ko at inabot sa kanya.
"Haha, sige na nga, selos ka na eh."
***
Nandito ako ngayon sa Cafeteria, kumakain mag-isa.
Absent kasi si Bridge. Ewan ko dun, anghilig umabsent, wala tuloy akong
makakulitan ngayon.
"Zach, Can I sit here?"
Yung boses na yun...
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin mula sa mesa
patungo sa magandang babaeng pinanggagalingan ng boses na yun.
"A-ah, sure."
Si Phoebe, angganda niya talaga.
Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Lyndon na masama ang tingin sa akin.
Chance ko na to, ako naman ang magmo-move para maka- points. Haha
"N-natanggap mo ba yung s-sulat ko kahapon?"
Tsk. Stop Stammering, Zach.
Kahit naiilang ako, pinilit kong tumingin sa mga mata niya.
"Oo naman, thank you pala.Uhmm...Marunong ka sa photography diba? Pwede
bang ikaw na lang ang photographer ko?"-Phoebe
"sure! Actually, yun lang naman talaga ang alam ko, bukod sa mahalin ka."
Damoves na to pre!
Ngumiti siya sakin ng matamis.
"Thanks Zach, anyway, bukas na kasi yun at next month na ang deadline ng
schoolpaper natin, pwede ka ba bukas after school?"
Nice:)
"Oo naman,saan tayo magkikita?" Tanong ko.
"Uhmm, pwede bag sunduin mo na lang ako samin?"
Malalaman ko na rin ang address niya:)
"Sige, pero.. san ba ang address niyo?"
"Ganito, hatid mo na lang ako mamayang uwian then sunduin mo na rin ako after lunch, kung...ok
lang naman sayo," She said, nakangiti pa rin.
"Ok na ok!"
Nag-ring na ang bell kaya tumayo na kami pareho.
Ibig sabihin tapos na ang break.
"See you later Zach,"
Nginitian ko lang si Phoebe. Ngiting wagi.:)