High School Boy's Baby

By bangtanlex

7.1K 72 15

Isang 18-year-old troublemaker named Zeke Fernandez ang makakasaksi ng pag-aalaga sa isang baby na natagpuan... More

Introduction
Prologue
BEYBE 1
BEYBE 2
BEYBE 3
BEYBE 4
BEYBE 5
BEYBE 6
BEYBE 7
BEYBE 8
BEYBE 9
BEYBE 10
BEYBE 11
BEYBE 12
BEYBE 14
BEYBE 15
BEYBE 16
BEYBE 17 - The Truth
BEYBE 18
BEYBE 19 - Goodbye
BEYBE 20 - FINALE

BEYBE 13

187 2 0
By bangtanlex

A/N:I'm back!!

===

Pauwi na ng bahay si Zeke kasama si Baby mac. Kaso napahinto siya ng makita niya si Shaira na naghihintay sa labas ng gate ng kanyang bahay.

Alam niyang nandito si Shaira para tulungan siyang mag alaga kay baby. Kaso marami ng naitulong si Shaira kay Zeke kaya nahihiya na rin siya at wala siyang maibayad kay Shaira.

Tumalikod na lang siya pero mas lalo siyang nagulat sa nakita niya.

ANG TATAY NI SHAIRA.

"Pwede ba tayong mag usap?" -Tatay

Tumango na lang si Zeke at sumama sa tatay ni Shaira.

---

"Gusto mo ng beer?" -Tatay

"Uh..thank you po." -Zeke

"Thank you din." -Tatay

Biglang napatingin si Zeke sa kausap. "Para saan po?"

"Salamat dahil napabalik mo sa pag-aaral si Shaira at salamat rin sa pagiging mabait mo sakanya." -Tatay

"Nah. I always give her such a hard time."

"Yan ang hindi maintindihan ng ibang tao, yung mga naiiba sakanila. May ikekwento ako sayo tungkol kay Shaira..."

Flashback

-Grade 3-

"Teacher! I have a question!!" sigaw ng isang babaeng estudyante. Si Shaira.

"Yes, what is it?"

Tumayo si Shaira at maayos na nagsalita sa harap ng klase. "I know a little bit about the Pythagorean Theorem. So I looked through some books, but I couldn't really prove it. How can I prove the logarithm between x=mm-nn, y=2mn and z=mm+nn?"

Napanganga naman ang kanyang teacher. Masyadong mahirap ang tanong ni Shaira para sagutin ng isang Elementary Teacher. Nag isip ang teacher pero wala siyang nasagot. Actually, napakabilis magsalita ni Shaira kaya hindi masyadong maintindihan ng Teacher.

Natameme na lang ang teacher na ito.

-Grade 6-

Tumakbo si Shaira para habulin ang Teacher niya dahil may itatanong siya na hindi niya maintindihan.

"Teacher!"

Hindi nagpatinag ang teacher niya at naglakad pa ng mabilis para maiwasan ang mga tanong ni Shaira na nakakabobo ng utak.

"Teacher! May itatanong lang po ako tungkol dito sa proof theorem--"

"Ikaw! Shaira, hindi mo na kailangan alamin yan in middle school. Okay?" nagtitimpi na sabi ng Teacher at tumakbo na paalis.

Dadaan sana yung Science teacher niya pero nung nakita siya nito, bigla itong tumalikod at naglakad ng mabilis. Lahat gagawin makaiwas lang sa mga tanong ni Shaira.

Naiwan naman si Shaira na naluluha. Bakit kaya lahat ng teacher ayaw sakanya?

-1st Year High School-

Nagbigay ng mathematical problem ang teacher sa board at itinaas ni Shaira ang kanang kamay para sumagot sa pisara.

Nagsimula na siyang sumagot at magsulat ng solution. Nganga ang kanyang teacher noong natapos siyang sumagot.

Dahil, buong blackboard ay napuno niya ng solution dahil lang sa isang mathematical problem.

Bumalik na si Shaira sa upuan niya at nagsireklamo naman ang kanyang mga kaklase.

"Ano ba yan! Palagi niya na lang sinisteal ang spotlight!"

"Nakakainis! Wala tuloy tayong recitation!"

"Sarap niyang sabunutan! Oo na! Siya na ang matalino!"

May nagsipa naman sa upuan ni Shaira kaya nagulat siya pero hindi niya na lang iyon napansin. Naiiyak nanaman siya sa pagtatrato sakanya ng mga kaklase niya.

End of Flashback

"Kaya ganun! Nag drop out siya sa school. Si Shaira mismo ang nagpasa ng voluntary resignation letter para idrop out ang sarili niya kahit hindi naman bagsak ang mga grades niya. Tapos isang araw, kinulit niya kami na gusto niya ulit pumasok sa school. Hindi ko magets kung anong pumasok sa isip niya nun... IKAW!...hehe dahil yun sayo. Napakagwapo mo kasing binata. Hahahahahaha." -Tatay

Ngumiti naman ng hilaw si Zeke at nag bow.

"Magpakabait ka sa anak ko ha?" -Tatay

"O-Opo.." -Zeke

"Hahaha osiya, kailangan ko ng umuwi. Baka ilatigo ako ng asawa ko kapag late na akong umuwi. Hahaha Salamat, Zeke." tinap ng Tatay ang shoulder ni Zeke at naglakad na ito paalis.

Ngumiti si Zeke at naglakad na pauwi. Nadismaya siya ng wala na si Shaira sa labas ng gate. Siguro umuwi na rin 'yon. Gabi na rin kasi eh.

May nakita naman siyang sticky note na nakadikit sa gate ng kanyang bahay.

'Zeke, cheer up! Nandito lang ako palagi sa tabi niyo ni baby :">

-Shaira'

Napangiti naman si Zeke at kiniss niya ang noo ni baby Mac na mahimbing na natutulog sa baby carrier.

====

A/N: Ayan, nareveal na kung bakit hindi na noon pumapasok si Shaira sa school :)

Continue Reading

You'll Also Like

566K 20.4K 38
STATUS: COMPLETED The Billionaire Bachelor Series: WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Ang akala niya ay isang sakit ang kakaibang kalagaya...
1.7M 70K 45
ONE NIGHT STAND [MPREG] Nagising na lamang isang araw si Chris na may kumakatok sa kanyang private office. Masakit pa ang kanyang ulo mula sa magdama...
114K 3.6K 36
Naniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Ma...
2.5K 76 19
bata palang si kim ay puno ng galit at hinanakit ang nararamdaman niya sa pamilya niya. simula kasi ng isilang siya sa mundo ay ni minsan ay hindi ni...
Wattpad App - Unlock exclusive features