Fearing The Unknown

By iWonderLiah

728 203 58

Complex. Chaotic. Convoluted. Three words to describe what a group of childhood friends went through. "Hindi... More

FEARING THE UNKNOWN
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19

Chapter 18

24 7 8
By iWonderLiah




BACK TO NORMAL





NICOLE





Nasa kwarto ako. Sandali. Kwarto ko ito. Pinagmasdan ko ang sarili ko at.. Bakit--




Panaginip lang ba ang lahat?



Eh?


Nakasoot ako ngayon ng paborito kong pyjama. Sandali, ito ang suot ko noong gabing umuwi kami galing sa bar!


Napahawak ako sa kamay ko. Wala na ang mga pasa. Wala na ang mga kagat. Pero bakit gano'n? Ang sakit ng katawan ko. Parang tumakbo ako nang tumakbo sa sobrang sakit. Sandali nga, ang init. Nakasindi naman ang aircon ko dito?


Panaginip lang ba ang lahat? O ito ang panaginip, na bumalik na sa normal ang lahat? Baka ito ang epekto ng itinurok sa amin. Pero parang ito na ang totoo eh.


I gasped loudly when my door opened and I saw mom. Agad akong bumangon at niyakap siya habang naluluha-luha. "Ma.. I miss you ma.." 'Di bale nang isipin niya akong baliw. Hindi na mahalaga sa akin kung panaginip ba ito o totoo na. Akala ko kasi hindi ko na muling masisilayan pa si mama eh.


"Nicole anak! Ano bang nangyayari sayo?" Natatawa pa siya tapos bumitaw na sa yakap ko. She caressed my cheeks wiping all my tears. Mukha na siguro akong tanga dito ngayon.


"You need to eat already. Alam mo bang nag-hibernate ka? 36 hours kang tulog! Your papa and I were so worried!" Pagsasalita ni mama habang inaayos ang higaan ko. Ako naman ay nakatayo lang dito sa pintuan habang nakanganga at prinoproseso kung ano ang ipinaliwanag sa akin ni mama.


Huh? 36 hours? Isa't kalahating araw akong tulog? So totoo ngang panaginip ang lahat? Pero.. Sandali! Ano ba 'yan! Joke time ba 'to?


"Patuloy kang ginigising ni yaya pero nagrereklamo ka. Napasarap ka panigurado sa panaginip mo. That's why nagtataka ako kung bakit ka umiiyak ngayon." Umupo si mama sa bed kong inayos niya. Aba, ang sama ng tingin niya sa akin. Sino ba anamng hindi maiiyak kapag ganoon ang naging panaginip aber? Buti hindi ako namatay sa bangungot na 'yon!


"Hayyy." I sighed deeply and sat on the chair next to me. My life will never be the same again just by thinking what happened.


Huminga lang din ng malalim si mama at tumayo na. She patted my shoulders before leaving my room. Hindi pa rin maproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano nga ba ang panaginip. The apocalypse seemed so real and detailed! Pero ito, mukhang totoo rin!


"Ah.."


Napahawak ako sa sentido kong biglang sumakit. Ouch. Shit! Ang sakit. Hindi ko maiwasang maluha ulit dahil sa sakit.


Biglang huminto ang pag-iyak ko nang may marinig ako siren ng pulis sa labas. Agad akong napatayo at tumingin sa bintana. Bakit may pulis dito?


Mabilis akong bumaba papunta sa sala at nadatnan ko si mama at papa na may kausap na dalawang pulis, isang babae at isang lalaki. My forehead wrinkled when the girl looked at me and smiled. Naramdaman kong pumintig ang ulo ko at sumakit ulit, buti nalang at napahawak pa ako sa pader. Nang ibinalik ko ang tingin sa babaeng pulis ay hindi na siya nakatingin sa akin.


Sandali.. Pamilyar ang mukha ng babaeng pulis.. Parang nakita ko na siy--


"Nicole!! Nicole!!"


Bigla akong bumalik sa katinuan nang narinig ko ang pagsigaw ni Ian habang kinakalampag ang maingay naming gate. Kumunot ang noo ko at natigilan din sila mama sa pag-uusap. Agad akong tumakbo papalapit kay Ian na muhang alalang-alala.


"Anak, meron ang kaibigan m--" Nilagpasan ko si mama at agad na pinagbuksan ng gate si Ian pero nagulat nalang ako nang hinila niya ako at niyakap.


"Ian? Okay ka lang?" Tanong ko. Naaalala ko ang suot niya at ito ang suot niya pagkatapos naming mag party sa bar. Gusto kong pilitin ang sarili ko na huwag isipin kung ano ang bumabagabag sa akin ngayon lalo na't parang pareho kami ng kalagayan ni Ian. "Ian..."


"Yes.. You're right." Sabi niya dahilan para matigilan ako.


Pareho ba kami ng nasa isip?


"Ian, hindi.. Imposible.." Patuloy lang ako sa pag-iling. Damn it! Gusto ko ulit maiyak! Kasi naman!

"May kailangan akong ipakita sa iyo." Hinawakan niya ang pulso ko pero pinigilan ko siya. Tinignan ko sila mama. Mas lalo akong nabahala nang ang babaeng pulis lang ang hindi nakatingin sa amin.


"Ma, may pupuntahan lang kami." Mahinhin kong paalam at tumango sila.


Hinila ako ni Ian papunta sa loob ng kotse niya. Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita ko si Xzannie na naka-upo sa harap, umiiyak at nanginginig. "Xzan--"


"Nics, hayaan muna natin siya. Kanina ko pa siya gustong kausapin pero.." Umiling si Ian at tumango nalang ako.


Ian started the engine at dahan-dahan na kaming lumayo. Sa huling pagkakataon, tumingin ako sa gawi ng mga pulis na kausap nila mama at parang gumuho ang mundo ko nang nakita ang babaeng pulis; nakatingin sa akin habang pinapatulo ang likido sa hawak niyang syringe..





Oh, for fuck's sake.


-


Nakatingin lang ako sa bintana habang malalim ang iniisip. Mga tatlong minuto pa lang nagdri-drive si Ian at walang nagsasalita ni isa. Sobrang normal na ng paligid, hindi ako sanay. Napakasigasig na ng mga tao dito sa lugar namin. Parang wala lang nangyari.





Hindi pa rin nagproproseso sa utak ko ang mga nangyari. Sandali, ibig sabihin ba nito ay pare-pareho kami ng panaginip? Coincidence ba ang lahat? Posible ba 'yon? Ang gulo, sasabog na ang utak ko.


"Ian, sila Alec. Sila Alec! Nasaan sila?" Nagpapanic kong tanong.


Huminga ng malalim si Ian. "Hindi ko sila mahanap. Napansin ko na tayong lima na huling magkakasama, tayong lima lang din ang meron ngayon. Si Sam, nabalitaan kong pina-ospital ng kanyang parents sa Qatar dahil hindi daw mapakali at hindi maka-usap ng maayos. Si Edmar naman, ayaw sumama at hindi rin maka-usap ng maayos."


Napasabunot ako sa ulo ko. "Seryoso.."


Diyos ko, ano bang nangyayari sa amin ngayon?


"P-pero sila Izele. Sila Alec! Sila Marga, wala? Paanong.. Bakit wala sila?" Naluluha kong tanong. Ang gulo talaga. Wala na akong maintindihan!


"Hindi ko alam! Naguguluhan din ako, okay?!" Natigilan nalang ako nang sumigaw siya. Hay, ang harsh ha.


I heard him sigh. "Look, there is something much more important that you need to know."


Ngumuso nalang ako nang huminto siya sa isang masikip na lugar. Ito ang lugar malapit sa chapel, ah?


Sinenyasan kami ni Ian na bumaba. Naunang bumaba si Xzannie. Nang bumaba ako ay dumapo agad ang tingin ko sa tatlong poster na nasa harapan namin.


MISSING:
Miranda Perez
(picture)
19 Y/O
LAST SEEN: 7/11, Rimson St.
Santa Luna
Reward: 300,000PhP


MISSING:
Rizel Acuña
(picture)
18 Y/O
LAST SEEN: 7/11, Rimson St.
Santa Luna
Reward: 300,000PhP


MISSING:
Joudee Pasion
(picture)
18 Y/O
LAST SEEN: 7/11, Rimson St.
Santa Luna
Reward: 300,000PhP


Bigla akong sinampal ng katotohanan.


Totoong nangyari ang lahat. Hindi lang iyon panaginip. Pinaglalaruan kami ng tadhana. Gusto kaming paikutin. 


Nagdudugtong-dugtong ang mga ideya na naiisip ko. Si Miranda, patay na. Si Rizel din na siyang dahilan kung bakit nangyari sa aming lima ito. Bigla akong naiyak nang marealize na pati si Joudee, ay wala na din. Wala na ang pinaka-close kong kaibigan. Wala na ang pinsan ko. Wala na si Joudee.


Tumalikod na lamang ako at sumandal sa kotse habang umiiyak. Bwisit naman kasi. Bakit ba nagkakaganito ang sitwasyon namin? Wala naman kaming ginagawang masama! Bakit kami pa? Bakit kailangan pang madamay ang mga pamilya namin? Ang mga mamamayan ng Santa Luna? Bakit?


"Wala si Inah sa listahan.." 


Nanginginig na bulong ni Xzannie dahilan para mapatingin ako sa gawi ng mga poster. 


"Parang may mali eh." Napakamot sa ulo si Ian.


"Matagal nang may mali."  Umayos ako ng tayo sa gulat nang may nagsalitang matandang babae na sumulpot sa kawalan.


"Ah, lola.. S-saan po ba ang punta niyo?" Ramdam ko ang mali sa boses ni Ian.


Kinilabutan ako nang tinignan kami ng matandang babae isa-isa. Puti ang buhok nito at mahaba. Nakasuot siya ng isang mahabang pang-matandang bestida at kayumanggi ito. 


"Lola?" Ulit na tawag ni Ian pero hindi sumasagot ang matanda. 


Uhm, okay! This is getting weird as hell. 


Walang nagsasalita sa aming apat.


Napalunok ako nang tumalikod sa amin ang matanda at..


"Holy fuck!!" Napasinghap ako sa sobrang gulat nang makitang dumudugo ang ulo nito mula sa likuran at tumutulo ito dahilan para magmantsa ang damit niya. Parang.. Parang tama ng baril..


Hinawakan kami ni Ian upang protektahan. Narinig ko ang paghagulgol ni Xzannie at hindi ko naman maiwasan na mapapikit sa pandidiri. Parang bumalik sa akin ang mga ala-ala ko sa mga nangyari dito sa Santa Luna..


Napasigaw kaming tatlo nang mayroon humablot sa amin. Tinakpan ang mga bunganga at mga bibig namin kaya hindi kami makasigaw. Nakaramdam ako ng hapdi sa bewang ko. Parang may tumusok sa akin..


Tulong..


Hindi ako makahinga..



-




Nagising ako sa isang madilim at pamilyar na kwarto. Hindi ako nagkakamali, ito ang kwarto kung saan kami tinurukan ng limang zombies. Oh my god, I think i'm already crazy! Hindi ako makatigil sa pagsisisigaw at ganoon din si Xzannie. Si Ian na nasa tabi ko ay nakatingin lang sa kawalan. Nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakaupo ulit sa bakal na upuan.


Biglang namatay ang ilaw at wala akong makita. Walang-wala. Papatayin na talaga kami? Kasi kung oo, ayos lang! Ayaw ko nang maranasan kung ano pa ang mga susunod na mangyayari, parang awa na nila! Patayin nalang nila kami!


Napasinghap ako nang bumukas ang ilaw at..


"Miranda? R-Rizel? Joudee?!" Sigaw ni Ian habang nakatingin sa tatlong kaibigan namin na walang-wala sa tamang pag-iisip.



No..


No..


This can't be real. Hindi ko kayang makapag-isip. Hindi pwede..


Nasa cage silang tatlo. Duguan, naglalaway at sabik na sabik na atakihin kami. "Joudee.."


Hindi ko maiwasang maiyak ulit. "Tangina naman, tangina naman!!" Napasigaw ako sa inis. 


May pumalakpak sa gilid at bumaling ang tingin namin sa demonyong iyon. Hindi namin makita ang pagmumukha niya dahil nakasuot siya ng isang ulo ng teddy bear, 'yung parang sinusuot ng mga mascot. Pero sigurado akong babae siya dahil sa hubog ng kanyang katawan. Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. 


Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa ingay nila Miranda. Hindi ko sila kayang tignan. Ang damit ni Miranda ay punit-punit na kaya kitang-kita ang dibdib niyang kagat-kagat at duguan. Si Rizel naman ay punit ang bunganga at si Joudee ay wala nang pisngi. 


Kinabahan ako nang naglakas-loob si Ian na durahan ang babaeng nakasuot ng bear mask. "Ian, ano ba.."


"Utang na loob, ano bang gusto niyo? Mga demonyo ba kayo? Anak ka ba ni satanas! Alam mo, tangina mo sagad! Ikaw nalang ang mamatay!" Madami pang pinagsasasabi si Ian pero hindi ko na marinig dahil sumakit na naman ang ulo ko. Ugh.


"Ian, tigil na please.." Iyak ni Xzannie. 


Hindi umimik ang babae. Nabahala ako nang bumukas ang bakal na pintuan at may ipinasok na lalaking walang malay at naka-wheel chair. Parang tumigil ang ikot ng mundo nang nakita ko kung sino ito..


"Sam? Shit. Sam!!" Nagpupumiglas si Ian habang sinisigaw ang pangalan ng pinsan niya. Akala ko ba nasa Qatar si Sam?


"Sam.." Naluha ako nang nakita siyang duguan. May saksak sa sikmura niya at tumutulo ang dugo nito mula sa bibig. 


Bakit si Sam pa?


Tumawa ang babae pero may effects ang tawa nito. Parang robot pa. Wala ba siyang lakas ng loob para iparinig sa amin ang totoo niyang boses? Takot ba siya? Kilala ba namin siya kaya ayaw niyang malaman namin kung sino ba talaga siya? Siya ba ang nagpasimuno ng lahat ng ito? Siya ba ang may pakana? Siya ba?


Kumulo ang dugo ko nang tumingin siya sa gawi ko. May hawak siyang kutsilyo at nakatutok ito kay Sam. Gusto kong umiyak at gusto kong magalit. Naiinis ako kasi wala akong magawa!


"Stop it! Tumigil ka na!!" Nabasag pa ang boses ko sa lakas ng aking pagsigaw at mas lalo lang akong nabwisit nang tumawa pa ito lalo.


"Ni-Ni-Ni, Nicolanie! Ni-Ni-Ni, Nicolanie!!" Pagkanta nito sa nakakaasar na paraan. Bakit parang pamilyar ang way ng pagkanta niya?


"Diba may gusto ka kay Sam? Hmm, sad to say, nauna ko na siyang pinatay." Tumawa ito at kunwari pang napahawak sa tyan.


Paano ba magalit?


Seryoso, nasisira na ang utak ko at hindi ko na alam kung ano pang magiging reaksyon. 


"Eto ba gusto mong makita?" Malandi niyang tono at isinaksak ang matalim na kutsilyo sa leeg ni Sam. Rinig na rinig ko ang tunog ng pagsaksak nito at tumalsik pa ang dugo niya sa mask ng demonyong babae.


No.


"SAM!!" 


Hindi ko na natiis, nagwala na ako sa kinauupuan ko. Sigaw nang sigaw si Ian pati si Xzannie. Napuno na ng iyakan ang kwarto. Naghalo-halo na ang ingay namin, ang ingay nila Miranda at ang tawa ng babae.


"Bakit si Sam pa? For fuck's sake, wala siyang kasalanan! Matagal na siyang nasa ibang bansa at wala siyang ginagawang masama!" Garagal na pagsabi ko. 


"Hmm," Pinaikot-ikot pa niya ang kutsilyo. "Wala lang, ang saya lang kasing makita kayong nagsisi-iyakan."


Hindi ko mapigilang sumigaw ng malakas sa sobrang inis. Gusto kong makapatay! 


Mas lalo akong napasigaw nang sinaksak ulit niya si Sam ng isa pang beses.


Dalawang beses..


Tatlong beses..


"Patayin mo nalang kaming lahat!!" 


Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga sinabi ko. Pero tumigil ang babae sa pagsaksak kay Sam. Narinig kong tumawa ito.


"Patayin niyo na kami. Pagod na kami! Just please, let's fucking end this shit already, please!" Patuloy ako sa pag-iyak habang nagmamakaawa.


"Please.."


"Nicole, bakit.." Naiiyak na tanong ni Xzan. I'm sorry, Xzannie. I'm sorry, Ian. Pagod na ako. Ayaw ko na.


"Makakapagpahinga na tayo pagkatapos, I promise." Ngumiti ako ng matamis sa kanilang dalawa.


"Amg drama, tsk." Napapikit ako nang nagsalita ulit ang babae. Humanda ka, kung sino ka man. Hindi kita papatahimikin. Mumultuhin talaga kita pag ako namatay na. Magpapakita ako sayo tuwing gabi at hindi ako matatahimik. Hihilain ko ang kumot mo pag matutulog ka at magpapakita ako sa salamin tuwing magsasalamin ka! 


Nang narinig ko ang pagpindot ng babae ng remote upang mabuksan ang mga cage, pumikit na lamang ako.


Kung ito na ang huli, pasenya at paalam.


Hanggang sa huli..


Naramdaman ko ang pagbaon ng ngipin ni Joudee sa leeg ko. Hindi na ako nanlaban pa. Bahala na ang tadhana, ito ang ginusto niya eh. Naramdaman ko ang pagpunit ng balat ko sa leeg at ngumiti na lamang. Makakapagpahinga na rin ako, sa wakas. 


Bago ko ipikit ang mga mata ko, tinanggal ng babae ang suot niyang teddy bear mask, nakangiti sa akin dahilan para napasinghap ako sa gulat at dismaya..



Sa lahat ng tao sa mundo, bakit siya pa?



Bakit siya pa..




END OF CHAPTER 18


A/N

Guess who is who ;)

Continue Reading

You'll Also Like

584K 24.8K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
14.1K 468 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
2.7M 53.6K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...
1.2M 30.2K 56
Malaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon nang unti-unti ring nabago ang buhay ko...