Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.5K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 58

300 18 0
By gazery

Anella's POV

Activities.

Reviews.

Quizes.

Long Quizes.

Graded Recitations.

Lahat ng iyan ay ginawa namin sa pang-araw-araw para sa darating na examination ng 2nd quarter kaya lahat kaming lahat ay naging busy dahil lahat ay kailangan ng magandang resulta sa quarter na tinatahak namin.

Ngayon, lahat kami ay nasa library. Ako, si Camille, Irene, Mamshe, Meane, Julzia at iyong ibang close naming classmates. Ibang-iba na ang ayus ng mga kaibigan ko, kumpara doon sa pagpasok namin kaninang umaga.

Si Mamshe ay naka-bun ang buhok gamit ang isang lapis. Si Irene naman ang messy na ang buhok pero hindi padin nawawala ang ganda na meron siya. Si Julzia naman ay nakapikit habang nakasapo ang noo. Magulo na din ang buhok niya pero katulad ni Irene ay maganda padin siya. Si Meane naman ay kagat ang dulo ng ballpen niya habang ang buhok ay naka-aayos sa loose bun na may tira-tirang hibla ng buhok. Si Camille naman ay naka-focus sa binanasa, nakatali naman ang buhok niya sa low ponytail.

Sa'min na sumama 'yang isang 'yan dahil alam ko namang ayaw na niya doon sa mga dati niyang kasama. At sino bang hindi aayaw? Mas masahol pa sa hayup ang mga ugali ng mga 'yon..

"Hays, sakit sa ulo ng Mathematics na'to!" tila umiiyak nang sabi ni Irene at napadukdok ang ulo sa lamesa kaya napatitig ako sakaniya.

"Shet, kadepress naman 'to! Grabe naman," si Julzia naman. Umiling-iling na lang ako at inilipat ang ibang page.

"Pwede bang makitabi?" napalingon kaming lahat doon sa nagsalita bigla. Nang makita na pamilyar siya ay kumunot saglit ang noo ko. 

'Ito yung naabutan kong sinasabunutan si Bading, eh..'

"Sige lang," sabi ko na lang at hinayaan na itong makaupo sa tabi ko. Sumulyap pa muna ako kila Julzia na nangibit-balikat na lang at nagpatuloy sa mga ginagawa nila.

Nararamdaman ko na napapasulyap sa akin yung katabi ko pero hinayaan ko na lang dahil baka nabibilib lang sa kung paano ako mag-aral. Usually, kapag magrereview ako tinititigan ko ang pahina ng libro o kaya ng notes ko hanghang sa ma-familiarize iyon ng isipan ko.

Pagdating kasi sa pagkakabisado, hindi naman lahat dapat. Kailangan lang talaga ng stock knowledge kasi wala ding silbi kung ikakabisado ng detailed dahil malay mo, hindi identification ang lumabas. Multiple choice. Sayang lang din sa effort pero siguro nga, hindi naman tayo pare-pareho ng way ng pagkabisado ng mga topics.

"Excuse me, please,"

Gulat akong napatingin sa gilid ko nang may biglang umusog sa akin papunta sa kanang bahagi at umupo sa kaliw ko kung saan nakaupo yung tumabi sa aking beki.

'Bading.'

Si Bading ang sumingit doon sa tabi ko at padabog niya pang inilapag ang mga gamit niya sa lamesa kaya napabaling sakaniya ang tingin ng ibang estudyante, pati na din ng librarian.

"Hoy.. anong trip mo?" agad kong kalabit sakaniya kaya tumaas ang kilay niya sa akin.

"What are you saying?"

"Anong trip mo, kako? Bakit dito ka umupo? Nandoon sila Kuya, bulag ka ba?" turo ko pa sa pwesto nila Kuya.

"Eh, bakit ba. . ?! Gusto ko dito, eh!"

"Eh, bakit nagagalit ka? Tinatanong kita ng maayos, eh."

"Bawal bang tumabi sa'yo?"

"Pwede. Pero hindi ikaw."

"Kapal mo, ah.."

Umiling-iling na lang ako at itinali ang buhok ko sa low-ponytail saka nagpatuloy sa pagbabasa. Habang nasa gitna naman ako ng pagbabasa ay nalatigil ko na iyon dahil may naramdaman nanaman akong mata na nakatuon sa akin. Pati ang pagpapaikot ko ng ballpen sa daliri ko ay natigil na din.

Dahan-dahan akong napatingin doon kung saan ko naramdaman na may nakatingin sa akin.. saka ko lang napagtanto, na si Bading pala iyon. Ang inaasahan ko ay iiwas niya ang tingin sa akin dahil nahuli ko na siya pero hindi. Nangalumbaba pa siya at mas tinitigan ako kaya tinitigan ko din siya.

Pero ang uri ng titig ko na iyon ay parang binabasa na siya.. ibang-iba na ang mga kinikilos niya these past few dahs, at masasabi kong hindi iyon maganda dahil may kakaiba akong nararamdaman sa mga kinikilos niya.

Nung nagdaang araw, sa twing susubukan nung ibang bakla na lumapit sa akin ay inuunahan na sila ni Bading saka siya makikipag-asaran sa akin..

"Bakit ka ba nakatitig sa akin?" inis na bulong ko na, umiling lang siya saka tumitig ng mas malalim.. "Pwede ba? 'Wag mo akong titigan? Dahil hindi ako makapagreview ng maayos,"

Pero hindi niya pa din inalis iyon. Doon ko na din narinig ang panunukso ng apat sa akin kaya sa ilang ay agad na akong tumayo at kinuha ang mga libro na ginamit ko bago inilagay iyon sa pinaglalagyan non.

Napansin ko naman ang ibang estudyante na napapasulyap sa akin at magbubulungan, pero ayos lang naman sa akin iyon dahil nasanay naman na akong may maraming chismosa sa paligid ko.

"Uy, hala!"

"Uy, uy, uy!"

"Ayoko na nga mag-aral! Lagi na lang!"

"Miss, may PDA po dito oh!"

"Luh.. sakit niyo na."

Napalaki ang mga mata ko at napatingin sa may bandang t'yan ko nang may pumulupot na kung ano doon. "Tayo ka naman nang tayo.. May tagos ka, oh.."

Napatingala ako at halos mag-init ang buong mukha ko nang magtama agad ang nga mata namin ni Bading na nakita ko pa ngang napangiti.

Naiawang ko na lang ang labi nang dere-deretso siyang umatras. Ako naman, dahil sa mga panunukso ng mga estudyante na sinakyan pa ng librarian ay pumunta na agad ako sa banyo. Para na din magpalit ng pang-ibaba kong kasuotan.

"King ina.." napapayuko kong ani at napayuko pa sa lababo. "Ayoko na. Bakit ba kailangan niya akong yakapin? Ang sama talaga ng ugali."

Pagkalabas ko ng banyo ay napatigil agad ako dahil naabutan ko si Bading doon na maarteng nakakrus ang mga braso habang parang may hinihintay. Dahil hawak ko naman na din ang jacket niya ay ibinigay ko na sakaniya iyon nang magtama na ang mga paningin namin.

"Salamat," sarkastikong sabi ko at saka tumalikod sakaniya, narinig ko pa siyang tumili habang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon, bahala siya d'yan..

"Tibo!" habol niya pero binilisan ko na ang lakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria kung nasaan na sila Kuya.

Agad akong humalik sa mga pisnge ng tatlo kong kuya bago umupo sa tabi ng kambal ko na tinapik ang kamay ko. "May mens ka?"

"Mmm, I see.. Kaya naman pala namumula ka."

"Talaga?"

"Mm. Gan'yan ka kapag nireregla, eh. Sensitive ang skin mo, hehe.."

Nangibit-balikat ako at tumikhim nang makitang pumasok na si Bading sa cafeteria. Nakasalubong ko kaagad ang masamang tingin niya pero inirapan ko lang siya at kumain na.

Abala sila Julzia sa pakikipagkwentuhan kila Jp, habag sila Kuya ay abala naman sa pakikipagbiruan kila Gerald.. Habang ako ay tahimik lang dahil umatake na agad ang sakit ng puson ko.

Kumikirot siya, hindi lang yung puson ko.. Pati yata sa mismong pribadong parte ko. Ang malupit pa, yung sakit na iyon ay umaangat na sa balakang at likod, hanggang sa umabot na din sa binti.

"Sakit.." bulong ko at napabuntong-hininga. Kinagat ko pa ang labi para walang makapansin na namimilipit na ako.

"Umuwi ka na kaya, Twinny? Masakit yata, eh.." pero napansin padin. Gano'n ka-observative ang mga kapatid ko, lalo na ang kambal ko. "Twinny, huy.."

"I'm fine."

"Are you sure? Konti na lang magcocollapse ka na d'yan.. Kuya," kalabit niya kila Kuya Albir na napatingin na sa akin.

"Is it hurt?"

"A bit."

"Then, go home.."

"No. Marami pa akong aasikasuhin dito.. saka kaya ko naman.."

Bumuntong-hininga na lang sila dahil wala na silang magagawa. Makulit ako, hindi na nila ako makokontrol kapag sobrang tigas na ng ulo ko sa mga magdadaang oras.

Tumayo si Kuya Albir kaya napatingala kami sakaniya.  "I'm going, baka malate na ako.. Imuwi ka na kung masakit talaga," baling niya sa akin bago ako hinalikan sa sentido, pati si Kuya Alrine na ngumiti sakaniya at kumaway pa.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay agad akong lumingon kay Kuya Aldrin na tumaas ang kilay sa akin. "Kamusta ang date mo nung nakaraan? Nakalimutan kong tanongin," ngising tanong ko.

*Poink*

Napataas ang kilay ko nangbato sa akin ng nakarolyo na tissue. Kumunot na lang ang noo ko dahil si Bading iyon.

"Its's fine,maayos naman kaming nagkakausap."

"Oh? Anong sabi ni Ellagrace?" painosenteng tanong ko, dahan-dahan siyang tumingin sa akin at umiwas din.

"Mamaya na tayo mag-usap, Anella Maene," matamlay na sabi niya.

"Nag-away kayo?"

Umiling siya.

"Bro, alis na kami, sunod ka na lang," paalam nila Kevin.

Tumango si Kuya at nakipag-fist bump sakaiya. Tumingin naman sa akin si Kevin at binigyan ako ng halik sa noo, na ginawa din ni Lucas. Nang akma pa siyang hahalik sa pisnge ko nang ambahan ko siya gamit ang mata ko kaya no choice na siyang sumunod kila Kevin.

Nagpaalam naman sa akin sila Julzia at pati iyong bakla kaya ang ending, kaming tatlong magkakapatid na lang ang natira dito sa cafeteria.

"Hindi ako pinapansin ni Ellagrace, ilang linggo na, sa twing magkakasalubong kami sa kitchen, iniiwasan niya ako," nakatungong sabi na ni Kuya Aldrin, nagkatinginan naman kami ni Kuya Alrine..

"Bakit mukhang matamlay ka?"

"Matamlay ka d'yan? Hindi, ah.. B-bakit naman ako.. magiging matamlay?"

"Alam mo, Kuya.. Try mong kausapin si Ellagrace, 'di ba? Tutal mukhang ano ka naman. . ." panunukso ni Kuya Alrine kaya napapigil ko ang ngisi.

"B-bakit ko siya kakausapin? T-tsaka,a-anong sasabihin ko sakaniya--- e hindi naman kami close.."

"Sus!" ngising sabi ko, sinamaan niya naman ako ng tingin..

"Wala akong s-sasabihin sakaniya, anong s-sasabihin ko sakaniya? Bakit ko siya kakausapin? At isa pa,ang i-isang Aldrin Repzimo, dapat ang hindi nagpe-first move 'no!? Matapos kong makita siyang kasama ang b-bestfriend niya kuno, ako pa ang unang kakausap s-sakaniya--"

"--may gusto ka kay Ellagrace?" biglang tanong ko na nagpatigil sakaniya, tinignan niya ako mismo sa mata.. "May gusto ka kay Ellagrace?" pag-uulit ko pa, nanahimik siya, napapabuka ng bibig niya pero walang lumalabas na salita.. ". . may gusto ka kay Ellagrace."

Lumunok siya bago napabugha ng hininga at mapayuko sa mga braso niya. "O-oo na.. Oo na.. Gusto ko na siya.. Oo na!"

"Kung gusto mo si Ellagrace, ligawan mo, umamin ka.. Malay mo, gusto ka rin niya, 'di ba?"

"P-papaano kung magalit siya? 'P-pag umamin ako?"

"Tss.. Isa kang Repzimo, may dugo kang Montegemery, kilala bilang matapang ang Repzimo at Montegemery pero sa isang babae, nagkakagan'yan ka? Iba nga talaga ang isang Ellagrace. Bilib ako dahil paano niya nagagawang pakabahin ang isang Repzimo?"

"E anong magagawa ko?? Kinakabahan ako, alam mo naman 'yon, makita lang ako, kumukulo na ang dugo.. dumagdag pa 'tong si Eunica," nakatungong sabi niya, bumuntong-hininga naman kami ni Kuya Alrine...

"Gusto mo bang maunahan ng bestfriend ni Ellagrace?"

Tumingin siya sa akin at parang bata na umiling-iling..

"Edi umamin ka hangga't maaga pa dahil malay mo.. maging kayo sa dulo,"

Ngumiti siya at pinisil ang pisnge ko, tumingin ako kay Kuya Alrine na nakangiti..

"Ikaw ba? Anong plano mo, Kuya Alrine???" gulat siyang tumingin sa akin. Hindi siya sumagot, hindi ko na lang siya tinanong at ako ang unang lumabas..

Sakto namang nakasalubong ko yung Eunica.. "Let's talk." hindi iyon patanong, utos iyon. Agad kong hinawakan ang pulsuhan niya at marahan siyang hinatak papunta sa may bakuran ng school bago ko siya harapin. 

"Ikaw si Eunica, hindi ba?" tanong ko. Tumango-tango siya.

"Why, sissy?"

"May gusto ka ba sa.. Kuya Aldrin ko? O kay Kuya Albir?" seryosong tanong ko, natigilan siya.

"O-of course, your K-kuya Aldrin," utal na sabi na niya kaya pinanliitan ko siya ng mata..

Alam kong wala siyang gusto kay Kuya Aldrin pero sigurado akong may gusto siya kay Kuya Albir, iba ang paraan ng pagtingin niya sa dalawa kong kuya.

"Nagsisinungaling ka," seryoso pa ring sabi ko doon naman niya naiiwas ang tingin at napatungo. "Anong pinag-usapan niyo ni Kuya Aldrin??? Imposibleng kay Kuya Aldrin ka may gusto.. Nakita mo ba ang sarili mo nwng mapatingin ka sa panganay kong Kuya?? Ibang-iba kung pa'no ka tumingin sa pangalawa kong Kuya," umupo ako sa tabing bench at inalok siyang umupo na agad niyang ikinasunod.

Hindi siya umimik habang ako naghihintay lang sa sagot niya, nakatitig at sinisigurado kung tama ba talaga..

"Hindi ako nangingielam ng buhay ng ibang tao, maliban na lang kung kadamay ang mga malapit sa buhay ko.. Ngayon, sabihin mo sa akin, totoo ba ang nararamdaman mo kay Kuya Aldrin?"

Bumuntong-hininga siya at nilaro ang daliri.. "Okay fine, Hindi siya yung gusto ko,"

"Pero bakit..niyaya mo siyang mag-date at may pa baby ka pa?"

'Lakas ng loob mong magbaby samantalang hindi pala siya ang gusto mo...'

"I'm sorry, okay? I j-just wanted to make your Kuya A-albir.. jealous,"

"Tss.. Wala sa ugali naming magselos, lalo na kung hindi naman namin mga syota,"

"Simula nung lumipat si Albir dito, nakuha niya agad ang atensyon ko. I've been stalking him everyday, everytime.. But ni hindi niya man lang ako napansin, I did everything to make him notice me but no response.." tumingin siya mismo sa mata ko. "Ginawa ko 'yon dahil gusto ko sanang magpatulong kay Aldrin para mapansin man lang ako ni Albir but nagwalk-out siya bago pa ako magsalita and 'bout that, he saw a girl. Standing, outside of the reastaurant, watching me and Aldrin.."

Marahil ang sinasabi niyang babae ay si Ellagrace. Umuwi si Ellagrace na hindi maipinta ang mukha, tinanong ko siya pero hindi siya sumagot, tanging ngiti lang ang binigay niya sa akin..

"Anong gagawin mo ngayon?" tanong ko, ngumuso siya.

"I don't know.. your Kuya Albir is busy on his studies.. Ayaw ko siyang gambaliin dahil lang gusto kong mapansin niya ako,"

"How old are you, Eunica?"

"19.." nakanguso paring sabi niya

"21 palang ang kuya ko, dalawang taon ang tanda niya sa'yo.."

"Your kuya is handsome. Siya lang ang lalaking kilala ko na blank ang mukha pero napakagwapo.. Ni hindi ko nga alam kung bakit ba bakit sobra siyang pinagpala. Hindi ba uso sa pamilya niyo ang sharing?"

Napangisi ako ng tipid sa biro niya..

"Kilala din si Albir bilang magaling na transferred student.. Kaya na-iintimidate din ako. Baka kasi isipin niya na.. hindi ako nababagay na mapansin niya."

Kumunot ang noo ko dahil doon.. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya natatakot na umamin kay Kuya Albir. Well, naiintindihan ko siya.. May aura si Kuya Albir na talagang magbibigay ng kilabot sa kahit na sino, lalo na ang mga mata niya.. Kalmado, ngunit matalim.

Ilang oras ang lumipas.. Natapos na ang lahat ng klase namin, kaya sobrang nakakaginhawa na. Sinasabi na din ng katawan ko na umuwi na daw kami dahil gusto na niyang magpahinga..

"KYAAAAAH!" napalingon ako kay Camille at nakangiting sinalubong ang yakap niya.. "Anella! Nasagutan ko lahat!!! PERFECT AKOOO!!"

"Good job.."

Matapos niyang yumakap sa akin ay yumakap din siya kila Julzia na nagform ng bilog habang tumatalon-talon sila. Ako naman ay pinagmasdan lang sila at napailing-iling..

Habang nagmamasid sa paligid ay napukaw ng isang babae ang atensyon ko. Si Eunica iyon, kasabay niya si Kuya Albir na kinalabit niya pa kaya napatigil ang panganay kong kapatid. Pinanood ko kung paano bumuka ang bibig ni Eunica at inabot pa ang palad pero tinitigan lang siya ni Kuya at tinalukuran.

'Ito ang dahilan kung bakit hindi ka nagkaka-girlfriend, Kuya Albir.. Swerte ka na nga kay Eunica, bibitawan mo pa.. Hayst..'

Lumapit sa akin si Kuya Albir at binigyan ako ng halik sa noo. Kita ko sa mga mata niya ang pgod at parang gusto na niyang matulog pero sabi niya ay may isa pa siyang klase kaya hindi na siya makakasabay sa amin.

•Parking Lot•

"Si Kuya Albir?" tanong ni Kuya Aldrin sa akin..

"May klase pa daw siya.."

"Ah, talaga? Edi, hindi na natin siya makakasabay?"

"Mm.. Baka sunduin ko na lang siya mamaya o kaya ipasundo ko siya kila Manong."

"Ah, sige.."

Inihubad ko ang suot na bag saka ibinigay kay Meane na sumakay na sa kotse ni Kuya Aldrin. Ako naman ay nilabas ang susi ng motor ko sa bulsa ko at sumakay doon.

"Anella.." napalingon ako kay Alline na tinawag ako, kasama si Rc. May hawak silang paper bag. "Ito, oh. Hot milk."

"Para saan 'yan?"

"Sabi kasi ni Aldrin, gusto mo daw ng mga ganito sa twing masakit ang puson mo."

"Ahhh.. salamat!"

Ngumiti siya sa akin at medyo umatras dahil iniaatras ko na din ang motor ko. Narinig kong pinapainit na nila Kuya Aldrin ang mga kotse nila kaya pinainit ko na din ang akin at iniangat ang tingin sakanila.

Tumango sila Gerald bago nagmaneho na. Ako naman ay tumingin sa limang bakla bago tumango at inikot ang motor ko bago sinundan sila Kuya.


Rj's POV

Sabay-sabay kaming napatitig kay Tomboy nang simulan niyang painitin ang motor niya. Malakas ang pagkakatunog non, para bang bumobombet at nang makaalis yung mga fafa ay tumingin muna siya sa amin at biglang pumaharurot, tumitig lang kami sakaniya hanggang sa mawala siya sa paningin namin..

Nagkatinginan kaming mga bakla at sinamaan ng tingin ang dalawang baklang dumadamoves na.. Kahit hindi nila isuflak ay nagsisimula na silang dumamoves kay Tomboy.

"May pa milk pa kayong dalawa e, 'no." mataray na sabi ko, ngumisi silang dalawa.

"Masakit ang pusoners ng aking lovelove, negrita! Kaya dapat binibigyan ng mainit at fresh na fresh na milk, hindi ba?"nakangiting sabi niya, inismiran namin siya ni Jp.

"Ang sabihin mo, nagsisimula na kayong dumamoves niyang si Alline, talaga namang nag-uunahan??" pagpoprotesta naman ni Baklang Jp.

"Damoves na ba 'yon bakla? Itsosera 'to," maarteng sabi ni Rc at nilagay ang siko sa car niya at nangalumbabang tumingin sa malayo habang nakangiti.. "Ang ganda ganda ng lovelove ko,"

"Let's go home na." aya ng Jona at walang lingon-lingon na umalis na siya. Nagkatinginan naman kaming mga beki at nag-shrug na lang.

Kinabukasan ay agad akong pumunta sa school para bilhan si Tomboy ng bread and milk niya, nakangiti kong binitbit 'yon at naglakad paalis..

After that, dinial ko ang number ni Tomboy na nakuha ko kay Rc.  "Hello!"

"[Oh?]"

'Kala mo 'to naghahamon ng away lagi eh,'

"Asa'n ka?"

"[Nasa field.. Bakit?]"

"Nag-almusal ka na?"

"[Hindi pa, bakit?]"

"May ibibigay ako sa'yo," ngiting-ngiti na sabi ko..

"[Sige lang. .]" lalo akong napangiti nang sabihin niya 'yon..

"Sige, wait me there,"

'Asan na kaya 'yon?'

"Nandito ako," halos mapatalon ako nang may magsalita bigla sa may bandang likuran. Napatagilid ko ang ulo nang makita si Tomboy na prenteng nakaupo sa damuhan at nakasandal sa puno habang may hawak na notebook, nagrereview yata.

Umupo ako sa tabi niya at binigay sakaniya ang paper bag..

"Here, eat.." abot ko sakaniya nung paper bag na marahan niyang kinuha.

"Salamat, nagsayang ka pa ng pera,"

"Hindi ahh, para sa'yo talaga 'yan. Bakit kasi hindi ka kumain ng breakfast?" binuksan niya ang paper bag at nagsimula nang kumain.

"Ang tagal kasi nila Kuya, eh.. Ihahatid ko na yung mga bata, nauna na kami kaya hindi ako nakapag-almusal.." ngumunguyang sabi niya, binuksan niya yung milk at uminom ng onti..

"Ewan ko sa'yo! Dapat kumain ka pa rin, mas makakapagfocus ka sa review mo kung kumain ka," panenermon ko sakaniya. Binigyan niya lang ako ng isang tingin bago siya kumuha ulit ng tinapay doon.

And akala ko, kakainin niyaulit pero nagulat ako nang kuhanin niya ang kamay ko at ilapag doon ang tinapay. "Wag kang puro daldal, kumain ka."

"Binili ko nga sa'yo 'to, Tomboy tapos ipapakain mo sa akin.."

"Hindi ko kayang ubusin lahat ng binili mo, kaya kumain ka din.."

Wala na akong choice kung hindi kainin yung ibinigay niya. Habang ngumunguya naman ako ay tinititigan ko lang siya dahil para siyang bata na nakatutok nga sa binabasa, abala naman ang bibig sa pagnguya.

'Cute naman.. kagigil.'

"Anong pabango mo, Tomboy?" bigla kong tanong dahil napukaw ng pang-amoy ko ang kakaibang amoy niya. Parang candy na baby powder.

"Wala. Hindi ako nakapaglagay ng pabango.."

"Eh. . ?!"

"Kakamadali ko, nakalimutan ko na yun. Bakit? Nagustuhan mo?"

"Mm.. Ang bango.."

"Mabango ka din."

'weh? Luh..'

...

👁️👄👁️

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
HIGHEST TEN By ATLAS

Mystery / Thriller

6.7K 404 32
Isang paaralan na kung saan mayayaman lang may alam. Kung saan bawal ang social media, gadgets are not allowed. Isang ordinaryong paaralan pero may n...
131K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
27.5K 1.3K 65
Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga buhay natin. Naiisip mo ba ang sarili mo...