Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

29K 1.4K 104

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 57

303 18 2
By gazery

Anella's POV

Iilaw araw na ang lumipas at magaling naman na ako. Ang kaso lang, si Kuya Alrine naman ang sunod na nilagnat kaya kailangan niya munang um-absent.

Pabuntong-hininga naman akong pumahik sa may field doon sa may labas. Sa itaas non ay puro lang tambayan na damuhan at mga puno. Nasaktuhan ko ding walang tao kaya umupo na ako..

Kasabay ng pagbuntong-hininga ko ulit ay ang padaan ng sariwang hangin na tumatakip sa init ng sikat ng araw. Hindi naman tumatama pero mainit, hinubadko na lang yung suot kong blazer saka iniwan ang puti kong longsleeve na nagpapresko na sa katawan ko.

Paulit-ulit nanamang pumapasok sa isip ko yung nangyari nung nakaraan sa sandaling nawala ang pokus ko sa kapaligiran. Gusto kong magalit at sisihin ang sarili ko, pinagbigyan ko siya at mas pinili kong kampihan siya dahil bestfriend ko siya. Sinabi sa akin ng mga pinsan ko na hindi sila galit sa akin pero ako galit na galit ako sa sarili ko, lalo na't ngayon niloko ni Cj si Irene..

'Hindi ko naman 'to problema pero parang kasalanan ko.. Hindi ko alam kung bakit pero hayst!'

"Pst!" napadilat ko ang mata ko na hindi ko naman namalayan na nakapikit na pala. Pagkatingin ko sa gilid ko ay nakita ko doon si Jumrime na may suot-suot na ngiti sa labi habang umuupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang, si Meane?"

"Hindi ko alam. Magkakasama sila nila Julzia eh, pumunta ako dito."

"Gano'n ba? Hindi kasi ako makapunta sa room niyo eh, campus queen na kayong lima, naks!"

"Musta pag-aaral mo?"

"Ayos naman, marami paring chix at syempre hindi mauubusan ng girlfriends!" mayabang na sabi niya kaya napangiwi ako.

"Tss."

"Oh bakit totoo 'yon! Kung hindi kami magkakatuluyan ni Meane, ikaw na lang liligawan ko,"

"Masyado ka pang bata at isa pa.. magpinsan tayo," ngising sabi ko, inayos niya naman ang buhok na nagulo na ng dahil sa akin.

"Hindi mo naman ako totoong pinsan! Ginawa mo lang talaga akong pinsan! Kahit pa sabihin mong mas bata ako sa'yo, liligawan pa rin kita kung hindi ko maliligawan si Meane, 'di ba?"

"Sinabi ko na sa'yo, hindi ako napatol sa bata,"

"May kasabihan nga age doesn't matter!"

"Mag tigil ka nga, Jumrime. Balang araw may babaeng itatadhana sa'yo, kung saan.. mamahalin ka at mamahalin mo din. Hindi mo deserve ang isang kagaya ko," ngiting sabi ko, nakanguso namn siyang tumingin siya sa akin..

"Bakit naman hindi? Napakaganda mo! Sa twing maglalakad ka sa buong academy, mukha kang dyosa, hindi ka pagkakamalang tibo--"

"Hindi naman talaga ako tibo, 'yon lang ang tingin niyo sa akin, boyish type lang ako. Mas lamang lang ang kagustuhan ko sa paggusto sa mga bagay na kung titignan ay panlalaki."

"Eh basta, malay mo 'di ba? Ako pala ang makatuluyan mo sa huli?"

"Ang kulit mo talaga," napapailing-iling nang sabi ko.

"Oh bakit? Ayaw mo ba sa akin? Gwapo naman ako ah! Mayaman, matalino, mabango, matangkad, kahit mas matangkad ka ng onti--cute din ako," pamimilit niya pa.

"Hindi naman sa panlabas na itsura binabase ang pagmamahal, 'di ba?"

"Oo nga pero ibig sabihi--!!!"

"Oo. Hindi kita mahal," deretsong sabi ko na kaya napaatras niya ang ulo.

"Ang sakit mo naman magsalita, derektahan? Ang prangka mo talaga!"

"Sabi ko sa'yo eh,hindi mo ako deserve,"

"Bahala ka na nga dyan!" nagtatampong sabi niya.

"Magtampo ka kung magtatampo ka, hindi kita susuyuin dahil wala sa bokabolaryo ko 'yon," ngising sabi ko habang nakapatong ang ulo sa dalawang braso habang nakapikit.

"Nyenyenye! Aalis na ako pero bago 'yon, may ibubulong muna ako," makulit niyang sabi kaya hinayaan ko na lang siya. Naramdaman kong lumapit siya sa tenga ko at..

*TSUP!*

"Nakascore din!!!!!"

Nakakunot ang noo na itiningala ko ang ulo at napabuntong-hininga na lang dahil kumaripas na siya ng takbo bago ko pa siya hablutin at sapakin. Halikan ba naman ako sa pisnge!

"Congratulations, Campus Queens," bati ni Miss Avegail nung sandaling makabalik na ako sa classroom, nagsipalakpakan namn yung iba at sumigaw-sigaw pa.

Ang nga kaibigan ko naman ay parang mga model nagpa-flying kiss at may pakaway-kaway pa na parang nanalo bilang Miss Universe..

"Kamusta ang pakiramdam mo, Miss Repzimo? Balita ko ay nagkasakit ka raw? Ang mga sugat mo, naghilom na ba?" agad na baling sa akin ng adviser namin, tumango lang naman ako bilang sagot. "Mabuti naman kung gano'n! Guys, alam niyo namang August na," ngiting sabi nito, nakinig lang kami. "August 3, kapag pumatak ang August 20 ay puro nanaman kayo practice for Linggo Ng Wika--Miss Repzimo, willing ka ba ulit na tulungan ang mga classmate mo?"

Ngumiti ako ng tipid at tumango, "Kung gusto pa nilang tumulong ako."

"Gusto ka namin magturo, Anella!!!"

"Oo nga! Turuan mo kami! Hindi namin kaya kung wala ka,"

"He's right, Anella! Ikaw na lang ulit ang magturo sa amin,"

Napatingin ako sa baba ko habang suot-suot ang tipid na ngiti, tumango-tango ako. "Sige," angat ko ng ulo at nag-thumbs up pa.

Nang matapos ang tatlong subject namin ay agad kaming nag-recess, tulala lang ako habang kumakain. Habang ang mga kaibigan ko ay nakikipagpicture sa mga estudyante.

"Hoy, ayos ka lang?" napatingin ako kay Irene nang maramdaman na ipinulupot niya ang braso sa braso ko.

"H-ha?"

"Buong araw kang tulala, kanina ka pa tahimik, Bi. May problema ba?" nag-aalalang tanong naman ni Meane, ngumiti lang ako ng tipid at umiling.

"Ayos lang ako." malumanay na sagot ko at kumain ulit, narinig ko pa ang buntong-hininga nila pero hindi na nagsalita pa.

Ewan ko kung bakit matamlay ako pero parang nawawalan ako ng gana. Nang makita si Cj na pumasok galing sa pinto habang may akbay-akbay na babae..

'Bagong babae nanaman,'

Nang malapit na siya ay agad kong iniharang ang katawan sa gilid ni Irene at tinitigan siya para abangan kung lilingon ba siya. Ilang saglit lang iyon dahil mabilis na pumwesto si Cj at yung kasama niya sa may dulo na parte.

Marahan kong inusog ang katawan at muling bumaling ng tingin kila Cj at nakitang nakatingin na siya sa akin. Binigyan ko siya ng limang segundong tingin at saka ko iniwas iyon. Lumipaspa ang iilang minuto, doon naman sumunod na dumating iyong mga barkada ni Kuya at siya. Kasabay iyong mga bakla na hindi ko na matignan sa mga mata, lalo na si Bading dahil sa kanilang lima. Siya ang may matalim na pagtaas ng kilay.

'Taray..'

Iba na din kasi ang paraan ng pagtingin nila sa akin. Ang pakikitungo nila ay nag-iiba na rin, tanging si Bading na lang ang hindi nagbabago ang pakikitungo sa akin, masungit at maldito parin siya pero sila Rj ay nagiiba, pati pakikipag-usap nila sa akin, ibang-iba dati. Alam kong may nangyayari na hindi ko alam, tanging sila lang ang nakakaalam, napakagaling nila magtago ng sikreto pero ang kilos nila ay parang gustong-gusto umamin...

"Good morning, students. May I call the Campus Queens, please come to my office we need to meeting about.. Thank you,"

•DEAN'S OFFICE•

Nang makarating kami sa office ni Dean ay nakita ko na ang seryoso niyang mukha habang nandoon sa kabila ang mga Campus Princess, kasama ang mga magulang nila..

"Good morning, Dean," bati ng mga kaibigan ko, tumango naman si Dean.

"Pleasure to sit," utos nito at tinuro ang kabilang upuan na katapat ng mga Campus Princess.

"Pinatawag ko kayo dito dahil talagang nagagalit ako sa pinaggagagawa ng nga Campus Princess," tiim-bagang na ani ni Dean. Pinanood ko lang yung mga Campus Princess na mapayuko. "Hindi ko matanggap na ang mga pinili kong Campus Princess ay gagawin ang ganito kagrabeng trahedya."

"I-i'm really sorry, Dean sa mga ginawa ng daughter ko," paghingi ng pasensya ng Daddy ni Kira..

Bumuntong-hininga si Dean.. "I will ask you, Campus Princesses," seryosong sabi nito at tumingin sa apat. "What is your reason to kidnapped Miss Repzimo--the Leader of the Campus Queens," tanong nito, tumingin sa akin yung apat. Tinignan ko sila ng may blangko sa mukha habang nakakrus ang ang mga braso.

Napatingin agad ako kay Irene nang maramdaman na humawak siya sa dulo ng blazer ko. Binigyan ko siya ng ngiti para masiguro na maayos ang lahat.

"D-dean, i'm so sorry," utal na sabi nilang apat kaya napatikhim lang ako ng mahina.

"I don't need your apologies, I need your reasons,"

Bilib ako kay Dean dahil talagang napakagaling niya sa pagpipigil ng galit, halatang may respeto parin ito dahil nandito mismo ang mga magulang nila.

"K-kasi, Dean. L-lahat na lang nasa kaniya, ang p-posisyong.. gustong-gusto namin ay nakuha na n-niya.. nakaramdam kami ng i-inggit at galit sakaniya, kaya namin nagawa 'yon," dahilan ni Kira kaya napaangat ko ang isang kilay. Nagsimula na ding tumulo ang luha niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Hindi naman pwedeng apat kayo maging leader ng campus queen," sabat ko, napatingin naman sila sa akin..

"What do you mean?!" inis na sabi ni Laraine..

"Sinabi niyong nagalit at naiinggit kayo sa akin dahil nga nakuha ko ang posisyong "Campus Queen Leader". Hindi naman pwedeng apat kayo maging 'Campus queen leader' nag-iisip ba kayo?" malumanay na sabi ko, napatigil naman sila.. "Nag-iisa lang ako, apat kayo, isang leader lang pero apat kayong galit at iinggit sa akin, pa'no nangyari 'yon?"

"Tss.. Hindi kayo makasagot, 'di ba? Magrarason na lang kayo yung malulusutan ko pa, sinabi niyo sa akin nakakaabala ako sa mga plano niyo.. Hindi karapat-dapat na tanghaling Campus Queens ang mga ganyang kaugaliaan niyo,"

Tumingin sa akin si Caseylyn. "Grabe.. Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan, bakit? Ikaw? Mabait ka ba?"

"Oo, mabait ako," agad na sabi ko na ikinangisi niya lalo.."..sa mabait," at natanggal ang ngisi niya, blangko lang ang tingin ko sakanila.. "Pero kung demonyo ang nasa harap ko, mas demonyo ako,"

Natigilan sila. Ultimong si Dean ay hindi nakapagsalita, nakatitig lang sa akin na para bang hinihintay ang salitang isusunod ko pa.. "Kira, alam mo ba.. Yung pinaggagagawa mo sa kaibigan ko. Una, inahas mo ang syota. Pangalawa, sinaktan mo pa. Pangatlo, parang ikaw pa ang original, aba lakas ng loob mo ah? 'Di ba, kabet ka lang?" kalmadong sabi ko padin ngunit may halo na ng pang-aasar, nagtiim naman ang bagang niya. "Hindi sa lahat ng oras ay madadaan mo ako sa mga kataga mong ikaw ang mahal niya dahil una at hindi panghuli, tatandaan mo, pumangalawa ka lang. Mas nangingibabaw parin ang pang-una.. Kung sa tingin mo, madadaan mo ako sa pagtiim-bagang mo at pamlalastik mo, d'yan ka nagkakamali ."

"Anong ibig mong sabihin, Miss Repzimo? Kabet? Pumangalawa? What are you saying??" nagtatakang sabi ni Dean, bumaling ako ng tingin sakaniya para sagutin ang tanong niya.

"Ang leader ng mga Campus Princess ay isang linta na napakadikit. Yung tipong sinipsipsip ka, gusto mong alisin pero hindi mo magawa kasi masyado siyang makapit.."

"Ano bang pakielam mo, ha?! Nakakainis ka na! Masyado kang mayabang kung magsalita! Who do you think you are?!"

"Your worst nightmare.."

Napatigil siya at napalitan ng ilang lunok ang kaninang tila nagliliyab na mata at pagbuka ng bibig.. "Konti na lang ang pasensya ko, 'wag mo nang simutin dahil kapag nasimot 'to, pagsisisisihan mo," matapos kong sabihin iyon ay dahan-dahan kong ibinaling ang ulo sa mga magulang nila na aligagang napaayos ng postura. "Anong klase kayong mga magulang? Hindi niyo naturuan ng magandang asal ang mga anak niyo, ang totoong prinsesa ay may mabuting kalooban. Alam kong wala akong karapatan na sabihin 'to pero para kayong walang pakielam sa mga anak ninyo... Nagkamali ba ako sa desisyon kong paasensohin ang mga business niyo?"

"Miss Repzimo," tawag ni Dean, hindi ko siya tinignan..

"Concern lang ako kasi nakakaawa sila, nabubuhay sila sa marangya at punong-puno ng ginto't kayamanan pero ang magulang nila ay hindi nila makasama kahit isang araw lamang dahil abala sa business nila.."

Naptahimik ang lahat matapos kong sabihin iyon. Isa-isa kong tinignan yung mga Campus Princess at napabuntong-hininga.

"Walang saysay ang usapan na 'to, Dean kahit sermonan at ipahiya mo pa ang apat na 'yan ay hinding-hindi sila magbabago. Buti na lang ay bumait ang isang Campus Princess, tsk tsk tsk.."

"Okay, pwede na kayong umalis, pag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko sa inyong mga Campus Princesses, thank you parents,"

"T-thank you too, Dean,we're going," ngiting sabi ng mommy ni Loraine at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilah. "Miss Repzimo,"

Hindi ko na siya pinansin pa at hinayaan na silang makaalis. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin, doon naman kinuha ni Dean ang atensyon naming lima. "Campus Queens,"

"Dean."

"Since, kayo na ang official 2020 campus queens.. On December, pupunta tayo sa resort na pag-aari namin.. Doon tayo magpo-photo shoot and music video shooting,"

"Wow, that's exciting, Dean!" tuwang-tuwa na sabi ni Mamshe at Meane.

"Yeah!"

"Pero Dean, akala ko ay sa garden gagawin ang music video shooting?"

"How did you know that?"

"Sinabi ho kasi ng apo niyo sa akin na dati ay nagshoot na kayo sa garden niyo mismo pero bakit iniba mo 'ata ang location, Dean?"

"Para maiba ang theme, kasi kung gagamitin natin ang garden namin, mahahalata nilang same location ang ginawa. Mas maganda sa resort dahil ang mga sunsets at ang tubig ay our nature," paliwanag nito, napatango-tango naman ang mga kaibigan ko. "Tatanongin ko kayo, gusto niyo bang gumawa ng activies outdoor? Like giving kids a needs?"

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na napaisip. "How about visiting sa mga bahay ampunan, Dean?" suggest ni Julzia.

"That's a good idea, second time na mangyayari 'yan dito."

"Dagdag na rin natin, Dean ang mga batang may cancers. Naisip ko lang na bisitahin sila at bigyan ng kaunting saya, bigyan sila ng motivation para lumaban sa buhay,"

"That's good, too. Balik tayo sa shootings, pwede kayong magsama ng ilang friends. Mga 5 lang, para kahit papaano ay hindi kayo mabored. Isasama ko din ang apo ko at kaibigan nito para hindi din sila mabored, madalas nakikita ko kayong magkakasama, nakakatuwang makita," ngiting sabi ni Dean, napatikhim naman sila Julzia. "No problem with your ourtfits, sagot na ng mga stockholder and staffs ang lahat. May make-up artist na rin, siguro ikaw, Miss Repzimo ay hindi na kailangan ang make-up para ka na kasing nakamake-up,"

Julzia's POV

"Sinabi mo pa, Dean saka ayaw din niya ng nagmemake-up," tatawa-tawang sabi ko.

"Ayos lang naman ho sa akin ang make-up-an ako."

"You're unbelievable, Miss Repzimo pero okay lang ba sa inyong ibahin ang mga hairstyles niyo?"

"Okay na okay, Dean! Jusme naman!" bigla namang natawa si Dean sa inasal namin.

"Thank you, Campus Queens. You may now go, thank you for your time! Study well! And pwede ko ba kayong maimbita na mag-dinner sa mansion ng mga Balmaceda?"

Binigyan namin siya ng ngiti at tango bago na kami sabay-sabay na lumabas dahil tapos na ang meeting namin.

"Ano kayang itsura ng resort nila Jonathan, 'no?" nakangiting iniimagine ni Mami ang resort nila Dean.

Nailing na lang si Anella bago kami dumeretso sa cafeteria dahil sakto din namang nag-recess na. Nung makarating kami ay nakita na namin yung magbabarkada na inaabangan talaga kami.

"Anong pinag-usapan niyo ni Dean?" tanong agad ni Kuya Albir nung makaupo kaming lima. Nag-angat ng tingin sakaniya si Anella para siya ang sumagot.

"Bibisita kami sa isang ospital o 'di kaya sa bahay ampunan para bigyan sila ng tulong, agree ako do'n. Gusto ko rin makatulong sa mga bata."

Ganyan siya, masama man siya sa paningin ng iba pero sa mga mata namin ay hindi namin malilimutan kung ga'no siya kabait. Tutulong siya kahit sino ka pa, basta sa ikabubuti mo.

Napangiti ako habang nakatingin sakaniya na inosenteng inosente ang mukha..

"Kakagaling mo lang sa sakit, Anella Maene,"

"Tss.. Hindi naman ngayon. Vakit parang ikaw pa ang excited?"

"Hindi naman sa gano'n, Anella Maene pero baka biglain mo 'yang katawan mo? "

"Hindi ko gagawin 'yon at isa pa, nagawa ko na dati 'to hindi ba? Kasama pa nga kita at sila Imperial."

"Tch!---" naputol ang dapat singhal ni Kuya Aldrin nang mapatingin sa pintuan, nagulat kami nang mapaupo siya sa sahig at parang pusa na nagtatago..

"Bakit nagtatago ka, Kuya Aldrin?" nagtataka kong tanong.

"Shhh! 'Wag kang maingay, and'yan nanaman yung nakakairitang babae na 'yon!" gigil na bulong niya kaya napangiwi ako.

Napatingin ako doon sa babaeng pumasok at hindi maiwasan ang mapaayos ng upo dahil Sa ganda ng postura nito. Napakakinis at puti ng balat nito at nagmumukha pa siyang isang Greek Goddess dahil sa gandang hulma ng mukha niya. Maliit ngunit matangos ang ilong niya, sinabayan pa ng mga mahahaba at kulot niyang mga pilik-mata.

'Ang ganda, shet..'

"Hi, nakita niyo ba si Aldrin?" napaatras ko ang ulo at napasapo sa bibig sa hinhin at lambing ng boses niya. Nakakahiya tuloy magsalita.

"Anong kailangan mo sa Kuya ko, Miss? Anong pangalan mo?" ngising sabi ni Anella, nagsisimulang maging pilya.

"I'm Eunica Azzidin Quinton, ano kase,ahm.. Y-yayayain ko sana siyang makipagdate,"

Napatingin kami kay Jonathan nang idabog niya ang tinidor. Napapigil ako ng tawa at napatikhim dahil alam ko namang may crush 'to si Jonathan kay Kuya Aldrin. Sila Kuya Albir naman ay napaglapat ang mga labi na tila pinipigilan din ang matawa.

"Excuse me, Miss. Can you please, get out? We're eating here, wala si Aldrin dito at pwede ba mahiya ka naman sa fezlak mo, chaka ka,hindi ka idedate ni---uhmp!" hindi niya natuloy ang sasabihin nang agad siyang akbayan ni Anella at tinakpan ang bibig..

"Miss.. Pagpasensyahan mo na 'tong boyfriend ko, hehehehe! Hinahanap mo ba si Kuya Aldrin?? Nandito sa ilalim ng lamesa, hehehe," ngising sabi niya at pilit paring tinatakpan ang bibig ni Jonathan..

"Really? Thank you, Queen," tuwang-tuwa na sabi nito kaya kumindat lang si Anella. Sinipa niya ang ilalim ng lamesa na alam kong pinatamaan si Kuya Aldrin na dumaing nga.

Doon siya tinulungan nung Eunica na ilabas at hatakin papunta sa labas. Doon ko na din hindi napigilan ang matawa.

"A-ano-ng boyfriend?! Ha?!!!!! Sabunutan kaya kita! Nakakaimbyerna kaaaaaaaa! Nakatakas tuloy yung kiti-kiting 'yon! Naagaw tuloy sa akin si Babecakes ko!" sigaw ni Jonathan at himpas ang balikat ni Anella na tinignan lang siya at nagpatuloy sa pagnguya. "Tapos isnob-in mo ako?! Matapos mong sabihin na BOYFRIEND MO AKO?!!!!!!!!!!!!! DOON! DOON TALAGA SA BABAENG 'YON! BOYFRIEND!" sigaw niya pa ulit, napatakip naman sa tenga si Anella at magkasalubong ang kilay na tumingin kay Jonathan.

"Ano bang ikinagagalit mo? Binibiro ko lang 'yon, galit na galit? Gusto manakit?"pang-aasar pa ni Anella, tinignan siya ng masama ni Jonathan!

"EWAN KO SA'YO!" gigil na tili ng Bakla. "OKAY NA SANA! MAAYOS KA NG KAUSAP! TAPOS SASABIHIN MONG BOYFRIEND MO AKO!HINDI KA BA NANDIDIRI SA SINABI MO?! AT TALAGANG INAKBAYAN MO PA AKO!!!!!!!! NAKAKAINIS KA TALAGA!"

"Bakit ba paulit-ulit ka sa boyfriend? Tsk tsk tsk 'wag kang gan'yan, Bading, baka bigla akong mahulog," banat ni Anella at nangalumbabang tumingin kay Jonathan..

"A-aba! Talaga namang---nakooo Tiboooo!!!!! Nakakapikon kaaaaaaaaa! May gana ka pa talagang bumanat at mang-asar ditech! Samantalang akes ditey, jumajakit na ang ulo sa mga kalokohan mo! Tatandaan mo, Tibo! Hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo! Hinding-hindi kita mamimiss! Hinding-hindi kita mamahalin! Hinding-hindi kita jojowabele, ano?! Neknek mo na lang be! Mas maganda pa ako sa'yo, 'no? At saka Hoy! Hindi ako nagsasayang ng make-up para lang maging boyfriend mo! Ayaw kitang maging girlfriend at ayaw ko ding maging boyfriend mo ako," sigaw ni Jonathan, natawa naman kami. Ang mga bakla ay hindi tumitingin sakanila at patuloy lang sa pagkain..

'Selos much?'

"Bakit? Ano ba gusto mo? Asawa ko?" malokong sabi ni Anella at hinawakan ang necktie ni Jonathan na ikinapula ng pisnge nito, mas lalo naman kaming natawa...

"Biro lang," ngiting sabi ni Anella, tinulak naman siya ni Jonathan kaya muntikan na siyang matumba at agad agad namang umalalay sakaniya yung apat.

Para kaming nanonood ng telegrama, sa pangayayaring 'to, nakaalalay sila kay Anella na muntikan ng matumba. Gulat at punong-puno ng taranta.. Napangisi ako nang maisip 'yon...

Tumikhim kami na ikinaayos nila at pare-parehong namumula ang pisnge, maliban kay Anella na parang walang nangyari at nagpatuloy lang sa pagkain na nakalagay sa plato niya.

...

Hii :))

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 659 32
➪UNDER EDITING✍︎ Tyrone Jeist Villalus the cold hearted man at the same time a billionaire he didn't expect that he will fall inlove with a girl tha...
15.9K 290 7
Flame Villamor has been enjoying her life as an agent for almost seven years already but her life turned upside down when she met these idiot men cal...
696K 1K 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
846K 1.2K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞