Our Song (One-Shot Stories)

By decemberbabyy

1K 18 33

These stories are the products of my imaginations. Inspired by their soundtracks. Feel free to read! Enjoy! More

Letting You Go
You Captured My Heart
At His Side
Lover's Quarrel
Crazy Love

Summer Love

52 1 0
By decemberbabyy

Kinuha ko ang picture niya na nakatago sa ilalim ng unan ko. It's already been 2 years since she left. Hanggang ngayon, 'di pa rin siya bumabalik at sa tingin ko, hindi na siya babalik.

Kinuha ko ang guitar ko at nagsimulang tumugtog.

Summer Love by One Direction

♪♫ Can't believe you're packin your bags

Tryin so hard not to cry 

Had the best time and now its the worst time 

But we have to say goodbye

Don't promise that you're gonna write 

Though promise that you'll call 

Just promise that you won't forget we had it all

Cause you were mine for the Summer 

Now we know its nearly over 

Feels like snow in September 

But I always will remember 

You were my Summer love

You always will be my Summer love ♪♫

Flasback

Yahooooo! Sa wakas, summer na rin!

"Ma, labas ho muna ako." habang bitbit ko ang guitar ko.

"Saan ka naman pupunta?"

"Kela Dan lang po."

Tumango lang ang mama ko at umalis na 'ko ng bahay.

Habang naglalakad ako papunta sa bahay ng kaibigan ko, may napansin akong babae na parang naliligaw at tingin ng tingin sa hawak niyang papel.

Naisip kong lumapit sa kanya.

"Excuse me, miss? Kailangan niyo ng tulong?"

Imbes na sumagot, nakatingin lang siya sa 'kin na parang nag-aalinlangan.

"Wag kang mag-alala, miss. Harmless ako." sabay ngiti ko sa kanya.

Ngumiti din siya sa 'kin kaya inabot ko ang kamay ko, "Gabriel."

Biglang kumunot yung noo niya pagkasabi ko ng pangalan ko.

"Bakit?"

Umiling lang siya at meydo tumawa, "Gabriela."

Ako naman yung napakunot ang noo, "Eh?"

Tumawa lang siya kaya napatawa na din ako.

Inabot niya sa 'kin yung papel na may address.

"Teka, kela Tita Maya 'to ah?"

"Kilala mo ang mama ko?" tanong niya na parang nagulat.

"Mama mo?"

Tumango lang siya. Magkatabi lang ang bahay namin ni Tita Maya. Tita na ang naging tawag ko sa kanya kasi matalik silang magkaibigan ng mama ko. 'Di ko alam na may anak pala siya.

"Tara, samahan na kita."

Tinulungan ko siyang bitbitin ang ibang mga gamit niya at nagpunta na kami sa bahay ni Tita Maya.

Nung nasa harap na kami ng bahay ni Tita Maya, nag-aalinlangan siyang pumasok. Kung hindi lang lumabas si Tita Maya ng bahay niya, baka maghapon na kaming nakatayo sa labas.

"Good afternoon, Tita."

"Oh, Gabriel? Anong ginagawa mo dito? Tsaka sino 'tong kasama mo? Girlfriend mo? Ang ganda niya ha?" sabay ngiti ni Tita ng nanunukso.

Biglang lumapit si Gabriela kay Tita at pinakita ang necklace nito na may pendant na letter G. Nagulat si Tita kaya napatakip siya ng bibig niya.

"G-Gabriela?"

Tumango lang si Gabriela at bigla siyang niyakap ni Tita.

Ayokong makaistorbo sa kanila kaya napagdesisyunan kong umalis nalang. Nilapag ko nalang ang mga gamit ni Gabriela sa may sahig at umalis na.

Habang naglalakad ako papunta kela Dan, naalala ko yung mga sinabi ni Tita.

"Oh, Gabriel? Anong ginagawa mo dito? Tsaka sino 'tong kasama mo? Girlfriend mo? Ang ganda niya ha?" sabay ngiti ni Tita ng nanunukso.

Tama si Tita. Ang ganda niya talaga. Nakaponytail lang yung buhok niya at sobrang messy pa pero ang cute niyang tingnan. Maputi din siya kaya namumula ang mga pisngi niya habang nasilawan ng init kanina. Naalala ko pa ang hazelnut eyes niya na sobrang gandang titigan.

Ano ba 'tong sinasabi ko sa isipan ko?

Tinamaan ba ako?

---

      3:07 PM

1 msg. received

        Dan

[ Tol, punta ka na dito sa bahay. Andito na ang barkada. Dalhin mo guitar mo. ]

[ Ok. Papunta na. ]

Sent. 

Paglabas ko ng bahay,

"Gabriel!"

"Oy, Gabriela." sabay ngiti ko sa kanya. "Kumusta?"

"Okay na okay." sabay thumbs up niya. "Salamat nga pala ha."

"Wala yun."

"Yun lang. Sige, bye!"

"Ay, Gabriela! Teka sandali!" 

"Bakit?" 

Bigla akong tumakbo papasok ng bahay at iniwan dun ang guitar.

Paglabas ko, bigla kong hinablot ang kamay niya, "Tara."

"Teka, saan tayo pupunta?"

"Bago ka palang dito, di ba?" tumango siya at inayos ko ang hawak ko sa pulsuhan niya. "Ipapasyal kita."

Habang naglalakad kami papuntang peryahan, napansin niya siguro na kanina pa ako nakahawak sa pulsuhan niya kaya dahan-dahan niya itong tinanggal.

"Ay sorry, 'di ko napansin." 

Yumuko lang siya na parang nahiya.

"Andito na tayo!" 

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang ang lapad ng ngiti.

"Nagustuhan mo ba?" 

Tumango siya, "Pag may fiesta sa 'min, sa peryahan agad kami nagpupunta. Ang saya kaya dito!"

Napatawa nalang ako. Ang cute niya talaga! Kitang-kita sa mukha niya na tuwang-tuwa talaga siya.

"Sino naman ang kasama mo? Boyfriend mo?"

Nabigla siya sa tinanong ko. Kahit ako, nabigla din. Bigla nalang yun ang lumabas sa bibig ko. Baka na offend ko siya. Isipin niya pa, ang usisero kong tao.

"Sorry. 'Di na ako ulit magtatanong ng ganon."

"Okay lang. Lika na nga!"

Nagsimula na siyang maglakad pero bigla akong may naisip kaya hinawakan ko siya sa braso, "Isang tanong lang."

"Ano yun?"

"O-okay lang ba sa boyfriend mo na kasama mo 'ko ngayon?" Umiling siya. "Ano?!"

"Wala namang magagalit eh."

"Eh?"

"Wala akong boyfriend!"

"Eh?!" Tumango lang siya. "Break na kayo? Ex?"

"Wala din ako nun."

"EH?! Anong ibig mong sabihin?"

"Ano bang ibig sabihin ng walang boyfriend at walang ex? Eh di, single, never double, since birth! Taas-noo." sabay ngiti niya sa 'kin.

"Weh? 'Di nga!"

"Oo nga!" Biglang naningkit ang mga mata niya.

"Oy, teka. Galit ka? Nagtatanong lang ako."

"Bakit ba kayo ganyan? Ayaw niyo agad maniwala sa 'kin pag sinasabi kong 'di pa 'ko nagkaka boyfriend. Mukha ba 'kong pala-boyfriend?!" Galit siya. Patay ka ngayon, Gabriel.

'"Hindi! Hindi!" sabay wagayway ko ng mga kamay ko. "Don't get me wrong! 'Di ganon ang ibig 'kong sabihin. 'Di lang kasi ako makapaniwala na sa ganda mong 'yan, 'di ka pa nagkaka boyfriend."

Una kaming sumakay sa roller coaster. Akala ko nga matatakutin siya pero mas excited pa nga siyang sumakay kaysa sa 'kin. Parang sanay na sanay siyang sumakay ng mga ganito pero kung titingnan mo siya habang nag-e-enjoy, para ring eto ang unang beses na sumakay siya ng rides.

"AAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!! ANG SAYAAAAAA!!!!!"

Basag na eardrums ko dahil kanina pa siya sigaw ng sigaw.

"Sabayan mo 'ko para mas masaya! AAAAAAHHHHHH!"

Ang bading naman tingnan kung sisigaw ako pero ewan ko, bigla nalang akong sumunod sa sinabi niya.

"WOOOOOOOOOOHHHHH!"

"AAAAAHHHHHHH!!!!!"

Ang ingay namin! Pero sobrang nag-e-enjoy ako. Ang sarap pala ng feeling na sumisigaw ka lalo na yung biglang lumakas ang ikot ng ferris wheel.

Pagkatapos namin sa ferris wheel, dun naman kami sa roller coaster.

"Manong, dalawa po."

"Oy, Gabriela! Ako na magbabayad!"

"Eeh! Ako na! Ikaw na kaya nagbayad sa 'kin dun sa ferris wheel. Nakakahiya naman sa'yo."

"Ano ka ba. Wala sa 'kin 'to noh. Ako ang lalake. Tsaka ako nagyaya sa'yo dito kaya sagot kita." Inabot ko na ang bayad, "Manong, dalawa."

"Sabi mo eh. Dun tayo sa unahan!"

"H-ha? Dito nalang tayo sa likod."

Sa lahat ng ayaw ko, etong roller coaster. Pakiramdam ko pag sumasakay ako dyan lalo na pag sa unahan, matatanggal ang kaluluwa ko. Isang beses pa lang akong nakasakay dyan at ayoko na sanang umulit pero nagpupumilit si Gabriela kaya pinagbigyan ko nalang.

"Ang boring dito sa likod! Dun tayo sa unahan!"

"Eh..."

"Bakit? Ayaw mo dun sa unahan?"

"Gabriela, may sasabihin sana ako sa'yo." Binigyan niya lang ako ng ano-yun look. "Takot ako sa roller coaster." sabay pikit ko ng mga mata ko.

Hinihintay kong makarinig ako ng tawa galing sa kanya gaya ng tawa ng ibang tao sa tuwing nalalaman nilang takot ako sa roller coaster pero wala akong narinig kaya dumilat ako at nakita kong nakatingin lang siya sa 'kin. "Di ka tumawa?"

Umiling lang siya, "Ba't naman kita pagtatawanan? Lahat naman tayo may weakness eh. Pero kailangan mong ma overcome yang fear mo. Lika," bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko, "Akong bahala sa'yo."

Nakakataba naman sa puso. Akala ko talaga, pagtatawanan niya 'ko. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to :)

Dun nga kami sumakay sa unahan. Nung sumakay na kami, biglang nanlambot ang tuhod ko. Parang gusto ko na ulit bumaba, 'di pa man umaandar.

Sinuot na namin ang mga seatbelts namin at humawak na kami dun sa handrail.

Nung naramdaman kong aandar na ang roller coaster, bigla kong napausog papalit kay Gabriela.

"Okay lang yan. Kaya mo yan, Gabriel. Andito naman ako eh."

Biglang lumakas ang loob ko dahil sa sinabi niya.

Kaya mo yan, Gabriel.

Habang lumalakas ang takbo ng roller coaster, lalong humihigpit ang hawak ko sa handrail.

Biglang bumagsak ang roller coaster at sa gulat ko, bigla kong nahawakan sa kamay si Gabriela at humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Bigla kong naalala na ayaw niyang hinawakan ang kamay niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay lang." sabay ngiti niya.

Nung medyo nasasanay na 'ko sa takbo ng roller coaster, bigla niyang tinaas ang kamay namin. Tinaas din niya ang free hand niya.

"WAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!" Lumingon siya sa 'kin, "Sabayan mo 'ko para mailabas mo yung nararamdaman mo!"

Tinaas ko din ang free hand ko at ginawa ko ang sinabi niya, "WOOOOOHHHHHH!!!!!"

"AAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!! This is life!!!!!!"

"WOOOOOOOOHHHH!!!!! GUSTO KITA, GABRIELA! GUSTONG-GUSTO KITA!"

Naramdaman kong tumigil siya pagsigaw at sigurado akong nagulat siya sa narinig niya. Sabi niya, ilabas ko daw ang nararamdaman ko eh. Dalawang araw palang kaming magkakilala pero nahuhulog na ako sa kanya.

Pumunta din kami ng horror house. Ayaw nga niyang pumayag dahil takot siya.

"Fake naman yung mga multo eh."

"Kahit na, nakakatakot pa din sila."

Bigla kong hinawakan ang kamay niya, "Just hold my hand and squeeze it kung natatakot ka na. 'Di kita bibitawan."

"Promise?"

"Promise."

Tinulungan niya 'kong ma overcome ang fear ko kaya tutulungan ko din siya. 'Di niya alam kung gaano kalaking bagay sa 'kin yun.

Nararamdaman kong nakasubsob lang ang mukha niya sa balikat ko habang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"AAAAAAH!!!! Multo! Multo! Multo!"

Ang cute niya talaga!

"AAAAAHH!!! Wag mo 'kong hawakan!" sabay talon-talon niya nang bigla siyang hawakan ng multo sa may taas ng ankle niya. "Manyak na multo! Wag mo 'kong hawakan!!!!"

Bastos na multo 'to ah! Bigla kong sinipa ang kamay ng multo at tumakbo na kami palabas.

Bigla kaming hinabol nung isang guard dahil nagreklamo yung multo kaya tumakbo kami ng tumakbo.

Nung nakalabas na kami ng peryahan,

"Okay ka lang?"

Tumango lang siya. "Ang sarap sapakin nung multong yun! Pero nakakatawa talaga yung bigla mo siyang sinipa. Narinig kong nag 'aray' siya. Laughtrip yung reaction niya eh!"

Tawa lang kami ng tawa.

"Andami ko ng utang sa'yo ah. Salamat." sabay ngiti niya.

Kinurot ko lang ang ilong niya, "Salamat din."

"Para saan?"

"Sa pagpilit sa 'kin na sumakay dun sa roller coaster. Alam mo bang pangalawang beses ko palang yung kanina? Kung 'di dahil sa'yo, malamang takot pa rin ako ngayon sumakay dun. Tsaka, salamat din dahil pumayag kang sumama sa 'kin ngayon. Ang saya mo palang kasama. Sobrang nag-enjoy ako."

"Nag enjoy din ako. Sobra."

Dumiretso na kami sa bahay nila at naghanda ng dinner si Tita Maya kaya dun na kami kumain pati si Mama. Sinabihan nga ako ni Tita na kung sakaling maging kami daw ni Gabriela, pasado na daw ako sa kanya.

Simula nun, palagi ko ng nakakasama si Gabriela. Halos araw-araw na nga kaming magkasama. Minsan tumatambay kami sa bahay nila at nagbe bake lang siya ng cakes at cookies tapos pinapatikim niya sa 'min nina Mama at Tita Maya.

Ang galing niya palang mag bake. Marunong din siyang magluto. Minsan nga, dinalhan niya si Mama sa bahay ng paborito ni Mama na afritada.

Tinuruan din niya 'kong mag bake. Tinuturuan ko din siyang mag guitar. Madalas kaming nagpupupunta sa playground malapit sa 'min.

Ang saya ko palagi kapag kasama ko siya. 'Pag 'di ko siya nakakasama, nami-miss ko siya kaagad. Parang gusto ko ulit siyang makasama. Kapag kasama ko siya, gusto kong tumigil ang oras. Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa buong buhay ko. Mahal ko na ata siya.

Pero 'di ko pa siya nililigawan. Gusto kong makilala niya muna ako at gusto ko ding makilala muna siya. Gusto kong magsimula muna kami sa pagkakaibigan. Gusto kong ipakita sa kanya na kung sakaling humingi ako ng chance sa kanya, seryoso ako, na hindi niya pagsisisihan ang magiging desisyon niya. Ayoko siyang madaliin.

"Pwede ba 'kong magtanong?"

"Ano yun?"

"Bakit ngayon lang kayo nagkita ng mama mo?" Napansin kong bigla siyang natahimik. "Sorry. Ang tsismoso ko talaga." sabay kamot ko sa batok ko.

"Okay lang." Tumahimik muna siya ng ilang segundo bago nagsalita ulit, "Bata palang ako nung naghiwalay ang mga magulang ko. Dinala ako ng daddy ko at wala ng nagawa si mama lalo na nung sinabi ni daddy na lalayo daw kami. Iyak ng iyak si mama nun. Humiling lang siya kay daddy na 'wag lang daw niyang alisin 'to." sabay hawak niya sa necklace niya na may pendant na letter G. "Sinuot ni mama sa 'kin 'to nung sanggol pa lang ako. Dati nga, sobrang galit ako sa mama ko kasi akala ko, iniwan niya lang kami ni daddy. Akala ko, balewala lang ako sa kanya."

"Hindi totoo yan." Napalingon siya sa 'kin at binigyan niya ako ng anong-ibig-mong-sabihin look. "Alam mo ba kung bakit Gabriel ang pangalan ko? Si Tita Maya daw ang nagpangalan sa 'kin sabi ng mama ko. Gabriela daw kasi ang ipapangalan niya sa anak niya. Sinabi niya sa 'kin dati na gusto niya daw magkaparehas ng pangalan ang inaanak at anak niya. Dati, 'di ko naintindihan yun kasi akala ko, wala siyang anak. Ngayon, naiintindihan ko na."

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti lang din siya sa 'kin.

"Ayaw nga sanang ipagtapat sa 'kin ni daddy yun eh. Kung hindi lang ako---"

"Ano?"

"A-ah. Wala. Basta simula nun, nagpumilit ako kay daddy na payagan akong makasama si mama bago man lang ako umalis."

"Aalis ka?"

Tumango lang siya, "Pagkatapos nitong summer, pupunta na kami ni daddy sa Canada. 'Di ko pa nga nasasabi kay mama eh."

Bigla akong nanghina. Aalis siya? Iiwan na niya ako? Malapit ng matapos ang summer. Isang linggo nalang, aalis na siya. Mawawala na siya sa tabi ko.

Sobrang nalungkot at nagtampo ako sa sinabi niya. Simula nun, 'di na 'ko nagpakita sa kanya.

"Gabriel, bukas na daw ang alis ni Gabriela. Wala ka bang balak magpakita man lang sa kanya bago siya umalis?"

"Bakit pa, Ma?"

Tumabi sa 'kin si mama at hinawakan ako sa balikat. "Ayaw mong mawala siya sa tabi mo pero ikaw naman 'tong wala sa tabi niya." Napalingon ako sa sinabi ni mama. "Nasabi mo na ba?"

"Ang alin po?"

Bigla niyang tinuro ang kaliwang dibdib ko, "Kung ano ang tunay na nararamdaman niyan."

"Bakit pa, Ma? Aalis na din naman siya."

Bigla akong niyakap ni mama sa beywang ko, "Gabriel, alam kong natatakot ka na baka pag umalis siya, 'di na siya bumalik. Pero 'di ka ba natatakot na baka isang araw, magsisi ka nalang dahil 'di mo man lang nasabi sa kanya kung ano ang tunay mong nararamdaman?"

Natauhan ako sa sinabi ni mama. Bigla akong naghinayang dun sa mga panahong natira para makasama ko pa sana siya. Imbes na samahan siya, nilayuan ko pa.

Tumakbo agad ako kela Tita Maya.

"Tita, si Gabriela po?"

Napansin kong parang namamaga ang mga mata ni Tita Maya. Malamang nalulungkot siya dahil bago pa lang sila magkasama ng anak niya, mawawalay na naman ulit ito sa piling niya.

"Sabi ni Gabriela, alam mo na daw kung saan mo siya hahanapin."

Bigla akong tumakbo papuntang playground at 'di nga ako nagkakamali. Nasa may swing siya, kung saan sinabi niya sa 'kin na aalis siya. Nadudurog ang puso ko sa tuwing naiisip ko na aalis na siya. Pero bahala na.

"Gabriela!" sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya.

"Gabriel?"

Bigla ko siyang niyakap pagkalapit ko sa kanya at bumulong, "Mahal kita, Gabriela."

Bigla siyang kumalas sa yakap ko. "Wag."

"Gabriela,"

"Wag. Gabriel, masasaktan ka lang."

"Handa akong masaktan para sa'yo!"

"Di mo alam ang sinasabi mo! Aalis na ako bukas! Ano ba!"

Bigla akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya, "Hihintayin kita."

Umiling lang siya. "Paano kung 'di na 'ko bumalik?"

Bigla akong naubusan ng salita. Paano kung 'di na nga siya bumalik? Makakaya ko kaya 'yun?

Bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa mukha niya at tumalikod na.

Hinawakan ko siya sa braso, "Sabihin mo lang sa 'kin na wala kang nararamdaman para sa 'kin, titigilan na kita."

Kumalas siya sa pagkakahawak ko at tumakbo. Nararamdaman kong nababasa ang pisngi ko. Napatingala ako sa ulap pero hindi naman umuulan.

 Pagkatapos nun, umuwi na agad ako ng bahay.

Halos 'di na ako dinalaw ng antok kakaisip sa kanya.

Ano bang dapat kong gawin?

---

"Mag ingat ka, Gabriela. Mamimiss ka ng tita mo." sabay yakap ni mama kay Gabriela.

Niyakap niya ulit ang mama niya na parang ayaw ng tumigil sa pag-iyak.

Lumapit sa 'kin si Gabriela. Napapansin kong medyo namumutla siya.

"Gabriel." 

Pinipigilan kong 'wag tumulo ang luha ko. Niyakap ko siya.

Bumulong siya sa 'kin, "Mamimiss kita, Gabriel." sabay kalas niya sa yakap ko.

Niyakap niya ulit ang mama niya at pumasok na sa taxi.

Nararamdaman kong biglang naninikip ang dibdib ko. Minsan lang ako nakaramdam ng ganong klaseng kasiyahan pero binawi naman kaagad sa 'kin. 

Lumipas ang ilang linggo, 'di na nagparamdam si Gabriela.

Sobrang namimiss ko na siya. Yung mga ngiti niya, pati yung mga ngiti ko sa tuwing kasama ko siya, namimiss ko na. 

"Nak, si Gabriela."

"Bakit po? May balita na po ba sa kanya?"

Nakita kong ang lungkot ng mukha ni mama. May inabot siya sa 'king letter.

Bigla akong naubusan ng lakas matapos ko basahin yung letter. Durog na durog na ang puso ko. Bakit kailangan ko pang maramdaman 'tong ganito? 

Wala na ang babaeng mahal ko. Wala na ang babaeng minsan nagbigay ng kulay sa mundo ko. Wala na siya. 'Di na niya ako babalikan.

End of flasback

♪♫ Wish that we could be alone now 

If we could find some place to hide 

Make the last time just like the first time 

Push a button and rewind

Don't say the word that's on your lips 

Don't look at me that way 

Just promise you'll remember 

When the sky is grey

Cause you were mine for the Summer 

Now we know its nearly over 

Feels like snow in September 

But I always will remember 

You were my Summer love 

You always will be my Summer love

So please don't make this any harder 

We can't take this any farther 

And I know there's nothin that I wanna change, change

Cause you were mine for the Summer 

Now we know its nearly over 

Feels like snow in September 

But I always will remember 

You were my Summer love 

You always will be my Summer love ♪♫

Nararamdaman ko na namang tumutulo ang luha ko.

Napagdesisyunan kong puntahan siya. Bumili muna ako ng bouquet malapit sa 'min. Dinala ko din ang guitar ko.

"Hi, Gabriela. Kumusta ka na?" sabay lapag ko ng bouquet. "Ako, okay lang ako. Gagraduate na nga pala ako ngayong March. Sana nga makahanap na ako agad ng trabaho eh."

Tahimik akong pinagmasdan siya.

"Alam mo dati, naiisip ko, bakit ka pa Niya binigay sa 'kin kung babawiin ka lang din naman? Mas masaya sana kung kasama kita ngayon. Marami pa akong pangarap na gustong tuparin at gusto ko sanang kasama kita habang tinutupad ko yung mga yun. Pero di bale, magkikita pa rin naman tayo balang araw eh. Hintayin mo lang ako."

Kinuha ko sa bulsa ko ang letter na natanggap ko 2 years ago.

Dear Gabriel,

              Siguro ngayong nababasa mo 'to, malamang wala na ako. Gusto kong magpasalamat sa'yo. Sa lahat ng kabutihang pinakita mo sa 'kin. Gusto ko lang malaman na mo na sobrang saya ko sa tuwing kasama kita. Hinihiling ko nga na kung, pwede bang ikaw nalang ang makasama ko habang buhay? Sa sandaling magkasama tayo, nahuhulog na ang loob ko sa'yo. Kaya nung sinabi mo sa 'king mahal mo 'ko, lalo akong natakot. Natatakot akong saktan ka dahil 'di ko na kaya pang manatili pa sa tabi mo. Ayaw kitang iwan pero wala na ata akong magawa. Hindi lang talaga siguro tayo ang para sa isa't-isa. Gusto kong makahanap ka ng babaeng mamahalin mo habang buhay. Yung babaeng kaya kang alagaan at hindi ka sasaktan. Yung babaeng hinding-hindi ka iiwan, at hindi ako yun. Salamat dahil naging parte ako ng buhay mo. At sana, maging parte pa rin ako ng puso mo. 

                  Sorry kung 'di ko agad sinabi sa'yo. 'Di ko kasi alam kung paano ko sasabihin eh. Hindi ako pumuntang Canada. Mas malayo pa dun ang pupuntahan ko. May leukemia ako, Gabriel. Malala na 'ko. Ang daya nga eh. Bakit sa lahat-lahat ng pwedeng madapuan ng sakit na 'to? Ako pa? Pero alam ko namang may dahilan ang Diyos.

                Dalawang hiling lang, please? 'Wag mo 'kong kakalimutan. 'Wag mong kakalimutan na ni minsan sa buhay mo, may dumating na Gabriela. At ang huling hiling ko, please be happy, Gabriel. Be happy. I love you. 

                                                                                                                              - Gabriela

Nababasa na ang papel dahil sa mga luha kong ayaw tumigil. 

"Hindi ako nagsisi na nakilala kita, Gabriela. Kahit nasaktan man ako, I'm glad I took the risk. Kahit sa sandaling yun, alam kong naging masaya ako. Isang kasiyahang alam kong minsan ko lang mararamdaman sa buong buhay ko. Alam kong safe na diyan kasama Siya. I will never forget you, Gabriela. Mananatili ka lagi dito sa puso ko. At pangako ko sa'yo, pipilitin ko, pipilitin kong maging masaya ulit. Mahal na mahal kita, Gabriela."

--------------------------------------------------------------------

*the end

Continue Reading

You'll Also Like

393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
17.3K 381 46
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
7.3M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes