Magia University (On-going)

By Mainewelry

2.1K 1K 689

MAGIA UNIVERSITY Isang paaralang hindi nakikita sa mata ng iba Tanging may kakayahan lang ang nakakagawa Mada... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7

CHAPTER 8

109 26 16
By Mainewelry

Chapter 8
Power

Shanselle's PoV

Nagising ako sa napakalakas na ingay na nanggagaling sa labas. Mga ingay ng taong sumisigaw na para bang may tinatakasan. Nagsisigawan sila at humihingi ng tulong. Takbuhan, sigawan, at hindi pa malamang ingay.

Napabangon na lang ako sa aking kama upang tignan ang nangyayari sa labas. Alam ko naman na hindi na ako makakatulog pa dahil sa ingay. Alas singko pa lang ng umaga pero ba't ang iingay na nila?

Malakas at sunod sunod na katok sa aking pintuan ang aking naririnig. Ano bang nangyayare?

"SHANSELLE, BUKSAN MO ANG PINTO!???" hindi ko alam kung bakit biglang nagtaasan ang balahibo nang marinig ko ang sigaw na iyon sa likod ng pintuan ko. Hindi ko rin mawari kung sino ang may-ari ng tinig na iyon.

"SHANSELLE, LALABAS KA O PAPATAYIN KITA!!?" nakakapangilabot na sabi nito. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil na rin siguro sa takot. Pero may nagtutulak sa akin na alamin ko kung sino iyon.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto at dahan dahan din itong binuksan. Nanginginig ang aking kamay sa pagbukas ng pinto.

Nagulat ako nang makita ko ang taong nasa likod nito. Isang malaking tao pero sa pagkakaalam ko ay isa itong lalaki. Hindi rin kase makita ang kaniyang mukha dahil natatakpan ito ng maskara. Kulay itim na maskara na nakadagdag pa sa nakakakilabot na nararamdaman ko.

Nanlilisik ang mga mata niya. At kahit natatakpan ang kaniyang mukha ay alam kung nakangisi siya ngayon.

Nagulat ako nang bigla niyang ilabas ang isang napakalaking tabak. Hindi ko alam ang aking gagawin nang itaas na niya ito at akmang papatayin ako.

"Shanselle!!!?"

"Shan!!!"

Mga sigaw na tanging naririnig ko na lamang dahil tumigil na ang iba sa pagsigaw at siguro ay nakalabas na sila upang tumakas.

Hindi ako makatakbo. Hindi ako makagalaw. Ano bang problema bakit parang naiistatwa ako ngayon. Kailangan kong makatakas sa kaniya bago pa niya ako patayin ngunit bakit hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit ayaw tumakas ng katawan ko at ilayo sa kapahamakan na dala ng lalaking ito.

"Shanselle!!!" alam kung sila ang sumisigaw ngunit hindi ko alam kung nasaan sila. Kailangan ko ng tulong nila. Ayoko pang mamatay.

Dahan dahang inilalapit ng lalaki ang kaniyang tabak. Hindi ako makakilos na para bang hinihintay ko iyon na bumaon sa akin.

Ilang pulgada na lang ang layo nito sa akin nang bigla siyang tumigil at akmang tatanggalin ang kaniyang maskara. Habang tinatanggal niya ang kaniyang maskara ay kasabay ng pagsabi nito ng huling mga salita bago nito ibaon ang nakakamatay na bagay na hawak niya.

"Goodbye,Shanselle," mahinahong sabi nito. Pero hindi ko alam kung bakit biglang nanikip ang dibdib ko nang sabihin niya iyon. Para bang kutsilyong unti unting sumasaksak sa akin. Hindi ko rin namalayan na bigla nalang pumatak ang mga luha ko sa sahig. Bakit parang familiar sa akin ang kaniyang boses? Kilala ko siya...

Bago pa niya tuluyang matanggal ang kaniyang maskara ay bumagsak na ako sa sahig. Nandidilim na rin ang aking paningin. Mamamatay na ata ako...












"Shanselle, ano ba! Gumising kana please!!!"

"Shan naman ano ba!!!"

"Hoy!! Walang ganyanan"

Bigla akong nagising sa sigawan sa paligid ko. May yumuyugyug na rin sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga mukha nilang nag-aalala. Anong nangyare?

Napakasakit din ng aking ulo. Patay na ba ako? Imposible. Bakit naman ako makakaramdam ng sakit kung patay na ako.

"Shan!!!" agad akong niyakap ng babaeng naging kaibigan ko sa paaralang ito. Si Clarisha na tinatawag naming clare. "Buti naman at gumising kana." naiiyak na wika niya. Ramdam ko rin sa tono ng pananalita niya ang pag aalala.

Agad rin namang yumakap sa akin ang isa ko pang kaibigan. Flerida Pero tinatawag kong... Naming flei. "Pinag alala mo kami, ansama mo!" naiiyak ding sambit niya.

Napatingin naman ako sa dalawa pang lalaki na nakatayo ngayon. Kita ko rin ang pag-aalala ni Cloford. Napatingin din ako kay Marky at nakatingin din siya sa akin ng napaka seryoso. Hindi naman siguro ako namamalikmata na nakita ko siyang nag aalala kahit pa seryoso ang kaniyang itsura. Nagkatitigan din kami ng limang segundo ngunit siya ang unang nag iwas ng tingin.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa dalawang babae ngayon. "Anong nangyare?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganito at kung bakit buhay pa ako.

"Nababangungot ka" maikling sagot ni Flerida. Bangungot? Teka isa lang ba iyong masamang panaginip? Pero bakit parang totoo?

"Anong oras na kase kaya napagdesisyonan namin na puntahan ka rito," paliwanag naman ni Clarisha. Teka... Anong oras na ba? Agad naman akong napatingin sa wall clock ng kwarto ko at laking gulat ko nang makita ang oras. Ala una na ng tanghali. Ganoon ba ako katagal na natulog?...

"Akala kase namin hindi ka na pupunta sa pag eensayo. Kaya kami na mismo ang pumunta sa iyo rito. Mabuti nalang at pinapasok kami ni Marky dito sa dormitoryo niyo," sambit naman ni Cloford habang nakasandal sa pader. Ensayo? Oo nga pala. May practice kaming grupo ngayon at ngayon din nila ako tutulungan na palabasin ang abilidad ko.

Sa pagkakaalam ko ay nag alarm ako pero mukhang hindi ko iyon narinig.

Biglang pumasok sa isipan ko ang aking napanaginipan. Bakit parang totoo ang nangyaring iyon? Bakit parang kilala ko ang lalaking nakamaskara? Hindi ko man nakita ang mukha niya pero sobrang bigat ng pakiramdam ko nang magsalita ito na para bang gusto kong isipin na nagkakamali lang ako at hindi siya iyon.

Ang kaniyang boses... Nakakatakot ito na sobrang nagpabilis ng kalbog ng dibdib ko pero may dulot din itong kirot. It's like crushing my heart into pieces.

"Shan, sino ang lalaking iyon?" malungkot na wika ni Clarisha na may halo ring pag aalala. Dahil sa sobrang kakaisip nang bagay na iyon ay nakalimutan ko na rin na nakakabasa pala siya ng isipan.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam... Hindi ko nakita ang mukha niya dahil agad na akong nawalan ng malay." I answered.

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong alamin kung sino iyon. Parang gusto ko na lang kalimutan. Hindi naman siguro iyon mangyayare sa totoong buhay dahil isa lamang iyong panaginip... Isang masamang panaginip.










"Isa pa Shan, kaya mo 'yan... Just focus, okay?" sigaw ni Clarisha. Nandito kami ngayon sa field hindi ko alam kung saang banda. Ang alam ko lang ay naglakad kami ng ilang minuto at nandito na kami. Hindi ko rin maalala ang dinaanan namin dahil na rin sa lumutang ang aking isipan. Parang wala ako sa sarili.

Hindi ako makapagfucos pero pinipilit ko. Ilang buwan na rin ako rito simula noong pumasok ako sa unibersidad na ito. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kapangyarihan tulad nila. Minsan nawawalan na rin ako ng pag asa pero kailangan eh. Sabi nga sa kasabihan 'Try and try until you succeed' ... I need to be strong. I will find it soon sabi nga ni Clarisha. Tiwala lang.

Kailangan kong magfocus at iwaksi muna ang mga gumugulo sa isipan ko. Kailangan ko nang malaman kung anong kaya ko para naman hindi ako nagmumukhang kawawa rito sa paaralan na ito. I'm so pathetic.

"One more!!!" sigaw naman ni Flerida. Pano ba naman kase eh hindi ako makapaglabas ng apoy. Ginawa ko na lahat ng kailangang gawin, kahit magsisigaw pa ako ng sobrang lakas pero wala pa rin. Malapit na siguro akong mapaos sa pinaggagawa ko.

Siguro hindi talaga ang magpalabas ng apoy ang kaya kong gawin. Mga tatlong oras na kami rito pero wala pa rin talaga. Pinagawa na rin ata nila sa akin lahat ng kaya ng mga estudyante rito pero wala ni isa ang napagtagumpayan ko. 'Yung totoo may kapangyarihan ba talaga ako? 'Wag mo naman akong pahirapan self.

"Siguro kailangan mo munang magpahinga Shan, ituloy nalang mamaya. Tsaka isa pa gutom na rin kami. For sure gutom ka na rin," yah! I'm hungry na. Kayo nga nagugutom kahit nakaupo lang at nanonood sakin, ako pa kaya? Go get some food. I'm already tired dahil sa mga pinagagawa niyo eh nagmumukha na akong baliw na kung ano ano ang ginagawa sa sarili magawa lang ang mga sinasabi niyo!!! Oh  Shanselle Crivisha Monteverde, kalma okay? Masyado kang high blood self eh.

Paano ba naman kase eh sa pagod na ako!!

Gutom lang iyan self, just calm down.

Wow nagmumukha na tuloy akong baliw dahil pati sarili ko ay inaaway ko na.

"Kaya Shan, pahinga ka muna. Bibili nalang sina Cloford ng pagkain para sa atin para naman lumakas ka. At saka mag iisip pa kami ng mga kapangyarihan dahil lahat ng kakayahan ng mga estudyante rito eh nasabi na  namin pero ni isa wala kang nagawa." wow mukhang nagrereklamo pa sila na wala akong nagawa huh. Eh sa hindi ko kayang gawin! Kainis 'tong mga ito. Pasalamat sila eh sinusunod ko pa ang nga sasabihin nila kahit nagmumukha akong tanga. Buti na lang kami lang nandito ngayon.

Napatawa naman ng mahina si Clarisha. Ah siguro nabasa nanaman niya ang iniisip ko tungkol sa sinabi ni Flerida. "Oo nga Cloford at Marky, bumili nga kayo ng makakain natin." utos naman niya sa dalawang lalaki na kanina pa nakaupo at walang ginagawa.

"Bakit kailangang kami pa?" reklamo naman ni Cloford dahil talagang inutusan pa sila ng dalawa.

"Ikaw naman nakaisip na kumain muna tayo diba? Sabi mo gutom kana?" sambit naman ni Flerida habang nakataas ang kilay nito.

"Wha---" hindi na natuloy ni Cloford ang kaniyang sasabihin nang bigla naman sumingit si Marky sa kanila. "Let's just go, Lou" biglang sambit nito na ikinakunoot naman ng noo ni Cloford. Lou kase ang second name niya pero ayaw niya na tinatawag siya sa pangalan na iyon dahil nakakatanda raw. Para daw kase siyang tinatawag na lolo.

Hindi nalang siya nagsalita, sumunod na lamang siya para hindi na mapahaba pa ang usapan. At saka isa pa ayaw niya ring makipag away kay Marky na parang nasa menopausal age. Bakit ba kase kailangan pa nilang mag away. Nagugutom na ako ha...Antagal nila. Parang anlayo masyado ng binilhan nila ha. Saang lupalop ba kase kami naroroon at bakit parang sumakay pa ng eraplano ang dalawang iyon. Seryoso, gutom na ako.

Kakahintay ay hindi ko na namamalayan na nakatitig na pala ako sa malaking bato sa harapan ko. Kasabay nito ay ang pagpasok ng isang alaala na matagal ko nang kinalimutan...

"Baby, I'll leave you na ha. I need to go to work na. Be kind, okay? Bye baby. I'll just fetch you later after your class," sambit ni Mommy at naglakad na papunta sa sasakyan namin. Ngumiti siya bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya saka tuluyan na ring naglakad papasok sa school namin.

I'm still a grade 1 student but my mother is already leaving me, but I understand. May trabaho siyang kailangang puntahan. Hindi rin niya ako binibigyan ng yaya kase kailangan ko raw masanay mag isa sa lahat ng bagay. Baby pa lang ako nang iwan kami ni daddy. Hindi ko nga maalala ang mukha niya. Pati pangalan ay hindi ko alam dahil ayaw ni Mommy na pag usapan namin siya.

"Hoy Shanselle, asan na 'yong baon mo!?" maangas na sambit ng kaklase ko na nakatambay sa hallway kasama ang mga kaibigan niya.

"Andito bakit?" mahinahong sagot ko sa kaniya. Tinuruan kase ako ni Mommy na maging mabait at hindi raw dapat ako nakikipag away.

"Amin na!" matapang na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kaniya pinipigilan ko lang na magalit dahil baka magalit si Mommy sa akin.

"Bakit? Hindi ba kayo binibigyan ng mga magulang niyo ng baon?" mahinahong sambit ko sa kanila. Kailangan talaga maiwasan kong magalit pero parang hindi ko ata kakayanin ngayon ang pag uugali ng mga ito.

"Alam mo 'wag kana lang magreklamo diyan at ibigay mo na lang sa amin para walang away, engkanto," sambit naman ng kasama niya saka sila nagtawanan ng malakas.

Lagi nila akong tinatawag na engkanto dahil sa naiiba ang aking mga mata. Kulay azul kase ito hindi tulad ng sa kanila na kulay itim at kulay kape.

Lumapit naman silang lahat sa akin ng nakangisi. Teka! "A-anong binabalak niyong gawin ha?" nanginginig na sabi ko. Mukhang may masama nanaman silang gagawin at ako pa ang biktima ngayong araw.

Bigla naman nilang inagaw ang bagpack ko at hindi ako makaangal dahil hinawakan ako ng mga kasamahan niya. Nang makuha na niya ang aking baon ay ipinakita pa nito sa akin na nagtagumpay siya sa pagkuha nito.

Bago sila umalis ay itinulak pa nila ako nang napakalakas na sanhi ng pagka upo ko sa sahig. "Lampang engkanto ka pala eh!" sigaw ng isa sa kanila at nagtatawanan na umalis sa kinaroroonan ko.

Napatingin naman ako ng masama sa kinaroroonan nila nang puno ng galit at poot. Hindi nila ako maaaring apihin lang ng ganoon. Mag babayad sila.

Hindi ko namalayan na bigla na palang tumaas ang paso sa tabi ko at lumutang ito sa ere. Nagulat na lang ako nang bigla itong lumipad at tumama sa ulo ng kumuha sa baon ko. Natauhan naman ako sa nangyare. Paano nangyare iyon?

Bigla siyang bumangsak at dumaloy ang dugo sa sahig. Nanginig naman sa gulat ang mga kasama niya. Napatingin silang lahat sa akin ng may takot at sabay sabay na nagsisigaw at nagtakbuhan na para bang takot na takot silang makita ako.

Hindi ko namalayan na nagsidatingan na ang napakaraming tao. Binuhat at dinala na rin siya sa ambulansya. Nakatitig lang ako sa dugo na dumaloy na galing sa kaniyang ulo kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatayo sa inuupuan kong sahig. Gulat na gulat at hindi malamang pakiramdam.

Simula nang pangyayaring iyon ay wala nang nagtangkang kaibiganin ako. Lahat sila ay iniiwasan ako. Sa tuwing may makakasalubong ako ay tinitignan nila ako taas baba at saka tatakbo.

Patuloy naman ako sa pagsasabi sa kanila na wala akong kinalaman sa nangyare kay Tina. Hindi ko alam kung bakit walang naniniwala sa akin. Ayaw nilang makinig sa akin.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay inilipat na rin ako nang paaralan. Lumipat na rin kami ng tirahan, malayo sa lugar na iyon. Kung saan walang nakakaalam ng mga nangyare.




Marky Brendson's POV

"Bakit ka ba kase pumayag ka na tayo pa ang bumili?" reklamo ng kasama ko ngayon. Naglalakad kami papunta sa cafeteria para bumili ng makakain namin.

Kanina ay naaawa na ako kay Shanselle dahil halata sa kaniyang mukha na pagod na pagod na siya. Hindi ko alam kung bakit ako tinamaan ng awa sa babaeng iyon. At hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan ay parang nahihirapan din ako at ayaw kong nangyayare iyon. Ano ba kase itong nararamdaman ko? Nakakainis na ha.

"Marky, saan ka pupunta?" natauhan ako nang biglang magsalita si Cloford. Napatingin naman ako sa kaniya. Papasok na siya sa pintuan ng cafeteria samantalang ako? Heto hindi alam kung saan ang pupuntahan. Siguro dahil sa lumilipad ang isip ko hindi ko na alam na nandito na pala kami at patuloy pa rin ako sa paglalakad

"Ah eh sinipa ko lang 'yong bato. Nakakalat kase," pagrarason ko. Wow ang galing mo Marky. Ano bang klaseng palusot ang naisip mo.

Naglakad na lang ako papunta sa kaniya at sinundan na lang siya. "Ang weird mo, pre," bulong niya. Wews, ang weird ko nga ata. Ano ba kase itong nararamdaman na ito. Weird.













"Ano kayang kakayahan ni Shanselle, Marky?" tanong niya sakin habang naglalakad kami papunta sa kung saan kami nag eensayo.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Lou. Ano nga ba? Pero sa tingin ko may malakas siyang kapangyarihan. Hindi pa man namin ito alam, pero nararamdaman ko malakas ito. Kaya kailangan na naming malaman para naman matulungan namin siya na palakasin pa ito para na rin matalo namin ang mga kalaban. We need to complete our group before we can fight to the other group.

Balibalita nga na naghahasik nanaman ng kasamaan ang mga Scorpion group. Pero wala ni isa sa mga grupo ang nakakatalo sa kanila. Dahil na siguro nandoon ang highest rank na si Yumi. Pero walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon.

Inagaw ni Yumi ang highest rank na kay Shane dati. Nang mawala si Shane, biglang nagbago ang Magia. Marami na ang naghahasik ng kasamaan dahil na rin siguro sa impluwensya ng bagong rank one. The powerful rank.

Simula rin nang mawala si Shane sa grupo namin ay bumagsak na rin kami as the Powerful group. Hindi na kami ang dati na tinitingala ng ibang estudyante rito. Nag iba ang lahat nang mawala siya. Asan na nga ba siya? Bakit bigla siyang naglaho na parang bula?

"Hoy, anlalim nanaman ng iniisip mo, Marky," natauhan ako nang marinig kong nagsalita si Lou. Bakit ba lagi na lang lumulutang ang isipan ko. "May problema ba?" tanong niya. Umiling na lang ako at naglakad.

Kailangan na naming madala ang mga pagkaing binili namin. Baka nagugutom na si Shanselle. Isa pa 'to. Bakit ba ako nag aalala sa kaniya. Eh ano namang pake ko kung magutom siya? Nakakainis naman oh. Buti wala rito si Clarisha, baka kung mabasa niya pa ang iniisip ko at kung ano nanamang sabihin niya. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok.

"Ang weird mo talaga ngayon, kie." ano ba kaseng nangyayare sa akin?

"Oh andito na pala sila!" sigaw ni Flerida. Ngumiti naman ako, hindi ko alam pero parang nagugustuhan ko na rin itong si Flerida. Dati pa itong nararamdaman ko pero walang nakakaalam sa kanila kahit siya. Pinipigilan ko kaseng mag-isip mas lalo na pag nandiyan si Clarisha. Baka kung ano nanaman ang sabihin no'n.

"Andito na kami!!!" sigaw naman ni Cloford kase parang hindi iyon narinig ni Shanselle.

"Oh mga pagkain niyong patay gutom!" sigaw ko para marinig naman niya. May problema ba siya sa pandinig? "Ubusin niyo iya----... WHAT THE---" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang tamaan ako ng malaking bato sa ulo. Biglang nanlabo ang paningin ko. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyare...











Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

933K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...