Love in a Game

By BriellethItGo

624 65 55

It's a Game. You're the Player and She's the subject. Will you play for her heart or for the fame? Not your t... More

,
Meet our Stars
Prologue_ Just a Peek
Chapter 02_Warm Welcome
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 01_ First Sight

143 14 26
By BriellethItGo

01
-

Nandito na ako ngayon sa harap ng Mall namin. Ang tanging dala ko lang ay ang skateboard ko, pera pati narin ang list ng bibilhin ko.

Iniwan ko sa Belongings Area ng mall namin ang board ko at babalikan ko na lang. Naglakad na ako para pumasok. Nilalaro ko pa ang no. card na hawak ko sa daliri ko.

Napa-ubo ako ng wala sa oras nang biglang may bumuga mismo sa mukha ko ng usok ng sigarilyo.

Tiningnan ko ang taong 'to na grabe kung bugahan ako sa mismo kong mukha. Umuubo-ubo parin ako habang inaalis ang usok sa paligid.

Napasinghal ako ng makita ko na ang mukha nito. Hindi man lang sya natinag sa masama kong tingin at parang wala pake sa binubuga niyang usok.

'Hindi ba niya alam na may tamang lugar para manigarilyo?' Tiningnan ko lang sya ng may salubong na kilay habang masama ang tingin. 'Hindi man lang natitinag o nakakaramdam.' Matapos maglaro ng mga salita sa isip ko ay tiningnan ko lang sya mula ulo hanggang paa.

Parang natutuwa pa syang naiinis ako sa kanya. Nakakainis.

Tumalikod na ako sa kanya ng naiinis. Naglakad na ako at nakalayo na ngunit huminto ako at tinapunan sya ng masasamang tingin.

" 'Tong gurang na 'to." Hindi ko napigilang isatinig at batid kong rinig niya dahil natigilan sya at nahinto sa pagbuga ng usok.

Naka-simangot lang akong dumiretsong supermarket. Kahit binabati nila ako, nakasimangot parin ako.

Binili ko na ang lahat ng ingridients para sa lulutuing cupcakes ni Mom. Tulak ko na ang push-cart na puno ng mga gagamitin ni Mommy mamaya.

Napa-ungol ako sa sakit dahil tumama ang hawakan ng push cart sa tiyan ko at malakas iyon.

"Move."

Agad akong napa-angat ng tingin nang may marinig akong boses lalake. Napatango ako ng makumpirmang sya pala ang dahilan ng pagbunggo ng push -cart ko.

Nagpapasensyang sinalubong ang tingin niya dahil naiirita na ako sa paligid ko ngunit nang magsalubong ang mga mata namin ay tila napako na lang iyon sa isa't-isa. Ang kaninang pag-usbong na sana ng inis ko ay biglang naglaho sa biglaang pagtatagpo ng mga mata namin.

'Bakit ba ganyan siya kung makatingin?' Salubong pa rin ang kilay ko, nilalabanan ang mga titig niya.

Palapit sya ng palapit sa akin, marahan lamang habang hindi napuputol ang tinginan sa isa't-isa  hangga't sa magpantay kami at nang magtama ang aming braso ay nahigit ko ang hininga ko at do'n lamang naputol ang tingin ko sa kaniya. Huminto pa siya at kita ko sa gilid ng mata ko na bumaba ang tingin niya at ngayo'y ramdam ko ang hininga niya. Kung kanina ay nalabanan ko pa ang titig niya ngayong sobrang lapit niya ay naging bahag ang buntot ko.

'Ang tangkad niya pala.'

Napalunok ako at sinalubong muli ang tingin niya sandali pa syang tumingin sa akin habang ako ay parang maduduling na, hindi sa sobrang lapit kundi dahil pilit kong inaaninag ang kaniyang mukha. Gano'n na lang ang pagka-mangha ko nang matitigan ko ito pero hindi ito nagtagal ng bawiin niya na ito at nauna ng maglakad tulak ang push cart niya.

Noon lang ako nakahinga ng maluwag. Sinundan ko pa sya ng tingin at doon muling humugot ng malalim na hininga, napangiti ako ng tipid. Ang tangkad niya, payat pero ang gwapo kung maglakad. Ang lakas ng dating. Napa-iling na lang ako at tinigilan ng tingnan siya.

Nang tulak ko na ang cart ko ay napatingin ako sa mga itlog at gano'n na lang ang pagbuga ko ng hininga sa inis dahil nabasag ang iilan dito. 'Kasalanan niya 'to eh.' Muli akong lumingon sa gawi niya na may iritasyon sa mukha kung saan huli ko syang nakita pero wala na siya.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa parte ng mga itlog at kumuha na naman ng panibago.

Matapos kung makuha ito ay pumunta na ako sa cashier. Nginitian ako nito at ginantihan ko ito ng tipid na ngiti. Panay ang tingin nito sa akin ng may magandang ngiti nang mahuli ko sya ay tinaasan ko ito ng kilay.

"What?" 

Nahihiya itong nag-angat ng tingin pero pinanliitan ko ito ng mga mata."Ang cute po kasi ninyo nung guy kanina." Hindi na nito napigilang kiligin.

"What?" Gulat kong sabi.

"Ahh i mean po, bagay po kayo nung guy kanina. Para kaming nanunuod ng fairy tale. Parang huminto ang lahat ng bagay at kayo lang ang pinapanuod namin." Yakap nito ang isang malaking balot ng flour at nakatingin pa sa itaas. Parang binabalikan ang nangyari kanina, sumang-ayon ang ibang costumer sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kanya ng sarkastiko at kunwaring sinasabayan siya.

Wala akong makapang salita dahil sa sinabi nito. "What?" Muli kong sabi nang hindi ito matigil sa kilig na nadama kanina.

"Ma'am naman eh puro what." Nakanguso nitong sabi.

Hindi ko napigilang mainis dahil sa kahihiyan. "Pwede bang pakibilisan na lang iyan." Sa isang sabi ko ay bigla itong nagpa-umanhin at minadaling asikasuhin ang mga pinamili ko.

Habang pabalik sa village namin ay hindi ko maiwasang makita ang mga mata ng lalakeng iyon at ikumpara sa mga butuing natatanaw ko ngayon sa kalangitan. Ang lamig ng hangin na yumayakap sa akin ngayon ay parang naglalaho dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mainit na hininga ng lalakeng iyon.

Isiwinalang-bahala ko na lang ito at dahil panigurado hindi na muling magtatagpo ang landas namin.

Iniwan ko na ang skateboard ko sa harap ng pinto namin at padabog na binuksan ang pintuan. Doon nakita ko sa kusina si Mom na may ka-video call, siguro yung best friend na naman ni Mom na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita.

"Hi, anak." bati sakin ni Mom at niyakap ako. Hindi ko magawang ngumiti ngayon dahil aburido pa rin ako sa nangyare. "How are you? How was going out alone?"

"Fine." Pagod kong sagot.

Marahan na inilipag ko ang isang paper bag at tinalikuran na si Mommy.

"Wait anak." nilingon ko ito ng may aburidong mukha parin. "Go check your school online, may kailangan ka pang sagutan doon. And log in using your facebook account" sabi nito habang ang paningin ay nasa tablet.

Ngumiti ako kay Mom at tuluyan ng umakyat. Dahan-dahan ko pang sinarado ang pinto.

"Ahhh that guy." sigaw ko sa unan ko.

Sinasabunutan ko na ang sarili ko dahil sa inis at biglang napabangon ng maalala ko kung bakit nga pala akong nagmamadaling umuwi.

Dali-dali akong tumayo at sinuklayan ang buhok gamit lamang ang daliri ko. Binuksan ko agad ang laptop ko at ni-power on ito at pumunta sa nais kong website.

Agad akong nanlumo ng wala na akong naabutan. Kukurap kurap ko itong tinitigan at parang maiiyak na.

'Thanks for joining :)'

Yan na ang huling nakalagay sa picture. Hindi ko man lang naabutan ang online quiz, it's about the data economy of Philippine 2017. Sayang na lahat ang pinagpaguran kong pag-aaral tungkol doon. Sayang talaga.

Buntong hininga akong sumandal sa upuan ko at tumingala sa kisame. Kamot ang noo kong aburidong tinitigan ang kisame at natigil na lang nang muling maglaro ang larawan ng lalakeng iyon sa isipan ko.

Imbes na ang isipin ko ay ang bigong pag-attend ko sa patimpalak ay iyon pang lalakeng iyon ang naiisip ko ngayon at nakikita ko ang kaniyang mata.

"Letcheng 'yan." Hindi ko na napigilang mainis. Pasok sya ng pasok sa isipan ko at hindi maiwasang hindi makita ang mata at muling manabik na makita ito.

"Kaya siguro hindi ko mapigilang isipin siya kasi hindi sya nag-sorry." Pagsang-ayon ko sa sariling sinabi.

Tama naman, nabangga niya ako nabangga ko siya. Mali ko iyon at mali rin niya dahil parehas kaming hindi tumitingin sa daan. Hindi ako nag-sorry at gano'n din siya.

"Pero nabasag niya ang itlog ko." Tumango ako ulit bilang sang-ayon.

Lamang ang kasalanan niya sa akin. Pero walang mangyayare kung iisipin ko lang siya ng iisipin. 'Hindi na rin naman kami magkikita pa.'

Buntong hiningang hinarap ang laptop ko at walang nagawa kundi isara ang website na iyon. Naalala ko ang sinabi ni Mommy kanina kaya nag-log-in ako sa website ng school na papasukan ko ulit. I logged in using my facebook account, ngayon ko lang 'to magagamit dahil si Mommy ang may hawak nito.

Natapos akong magsagot sa madaliang oras lang. Wala pang tatlumpung minutong natapos ako sa pagsagot.

Isasara ko na sana ang laptop ko nang bigla akong na-curious na subukan ang facebook.

Pinindot ko ang facebook at nagsign in na. Tiningnan ko ang profile ko, mga friends ko ay mga relatives ko lang din. Mga nasa 30 friends lang meron.

Mga lumalabas sa feed ko puro tungkol kay God at mga videos and post about parenting and Business videos din.

Aalis na sana ako sa facebook dahil naburyo ako at napagod kaka-scroll ay biglang may notification.

Julia Auxillio posted a new photo.

Pinsan ko lang pala. Pinindot ko ito at nakita ang profile picture niyang nasa may garden at may kasamang lalake. Lalake? kailan pa to nanlalake?

Na-intriga ako sa maraming react at maraming comments sa post nitong pinsan ko. Binasa ko ang unang comments.

"Omg is that Papa P?!?!"

"Oo sya ngaaa si Papa P!!!"

"Arceo my loves!!"

"Waaaa ang swerte mo girl nakita mo si Papa P!!!"

Iilan sa mga comments. Sino ba si Papa P? Piolo Pascual? Imposible, hindi naman ganun ang itsura eh. Pero Arceo? sino kaya yun?

Nakita ko ang isang profile ng babae na ang picture ay school namin. Pwede kasi nag-comment din sya dito so may possibility na kilala niya ang nasa picture na lalaki.

Pinindot ko ito at hindi nga ako nagkamali ang latest post nito ay tungkol sa school na papasukan ko at isa pang post ay-

"What the fudge" sigaw ko pero bigla kong tinakpan ang bibig ko at ni-lock ang pinto.

Nanlalaki ang mata kong nakatitig sa litratong nasa harap ko ngayon. Hindi ako makapaniwala.

Yung nabangga ko sa mall kanina na nakabasag ng itlog ko at ang litratong nasa harap ko na nakita ko sa profile ng pinsan ko ay IISA lang.

"Paano nangyare yun?" mahina kong tanong. Naguguluhan parin ako.

May posibilidad rin ba na magkaparehas kami ng papasukan na school?

At sya si Papa P? Arceo? Ang kinababaliwan nila?

Napangiwi na lang ako sa nalaman ko. Grabe kaya rin naman pala pinagkakaguluhan. Pwedeng pogi rin naman ang papa p nila.

Nag-scroll pa ako at nakita ko ang bio about kay Papa P Arceo nila.

"He is Paul Kayvan Spineli Arceo" basa ko ng mahina at tatango-tangong binabasa ito. Maganda rin ang pangalan.

'Hindi ko sya kilala.' "Eh so what Alana?" Bigla kong kinontra ang sinabi ng isip ko.

"What?!" Muli akong napasigaw at agad na tinakpang muli ang bibig ko.

Si Paul Kayvan Spineli Arceo aka Papa P nila ay ang may-ari ng University na papasukan ko? Wow. Pero teka, pamilya nila. Pamilya ang may-ari, hindi si Papa P nila.

"Fudge."

Natulala na lang ako sa nabasa ko.

Si Papa P kuno nila ang leader ng 'The Red Flag'  for three years. Pero ang sabi-sabi hindi lang daw sya ang nagtayo ng grupong ito kundi may kasama pa sya pero hindi nagpapakita.

'Hindi ko rin kilala ang grupo nila.' "So, what again Alana?" Aish naiinis na ako sa sarili ko.

Pero di ko mapigilang usisain ang lalakeng nakatagpo ko sa Mall. No more informations about the group. Private daw.

"Once you meet Paul Kayvan, be ready to play with him." Mahina kong pagbasa.

Huling nakasulat tungkol doon. At maraming comments.

"Ay sigurado hulog panty mo girl dahil sa kilig."

Sabi ng isa na ang nasa profile ay halos kumawala na ang dibdib. Napangiwi ako at muling nagbasa ng iba pang comments.

"I'll sacrifice my heart. Sana isa ako sa mga makikipaglaro kay Papa P." Comment ng isa. May nag-reply sa message ng babae.

Reply: "Play with me, Fia." Manyak na abno.

Nandidiring sinara ko ang laptop ko at sumandal na lang ulit sa upuan ko.

Nakakasawa, Panay ang post ng babae ay puro tungkol sa lalakeng nakatagpo ko sa Mall.

Sila pala ang may-ari ng eskwelahang papasukan ko. Sa dami namang estudyante do'n ay paniguradong hindi kami magkikita. At paniguradong hindi naman ako papansinin no'n.

'Sana hindi kami magkita.' Ako mismo ay kinabahan sa naisip. Hindi na nakawala sa akin ang kung ano-anong pag-iisip.

Paano kung mapag-tripan ako?

Paano kung kawawain ako?

Paano kung ako ang maging tampulan ng tukso?

Paano kung pangunahan pa ni Paul kuno yun?

Paano kung makilala niya ako?

Paano kung magkita kami?

Paano ako aakto o anong gagawin ko kapag nakaharap ko siya?

Paano kung balikan niya ako at hingin ang sorry ko?

Hays. Ewan. Isang tanong lang talaga ang gumugulo sa akin.

"Paano na ako pagpasok ko?"

'''
Kung naka-abot ka dito, THANK YOU!!

Stay tuned. . .

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...