TL#1: By my side (Completed)

By rineAmore

385 53 33

Band Series 1 - Chase. The vocalist Naglayas si Meivis sa kanila, pagkatapos mapagbintangan sa kaniyang datin... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 1

20 3 2
By rineAmore

Nakapalumbaba ako at bored na bored na nakatingin sa harapan, sa teacher naming nagtuturo ng Physics. Gosh! Sabi ko i-e-ace ko ang subject na ito pero, ang hirap! Nakakabagot, at ang sakit sa ulo!

So, ganun lang ang nangyari throughout ng period na yun. Ni wala mang pumapasok sa utak ko. Para bang pumapasok sa isa kong tainga mga sinasabi ng Physics teacher namin, tapos lalabas sa isa. Hindi niyo gets? Bahala ka umintindi.

Nagpaalam na ang aming guro sa Physics. Next subject, Biology. O diba? The best! Woah!

Nag-unat naman ako ng buong katawan, habang humihikab. Hanggang sa may kumalabit sa akin.

"Miss Ocampo?"

Tumango naman ako sa lalaki na nakapang-junior high na uniform. "Ako nga. Bakit?"

"Pinapatawag ho kayo ni Mrs. Pomelo."

Sandali akong natigilan. Bakit ako pinapatawag ng principal namin? Tumayo na ako sa aking upuan, nang magkaroon ako ng ideya kung bakit. Pero huwag naman sana tama ang hinala ko.

Kasama ko ang junior high sa pagpunta ng office. Pasimple pa akong tumingin sa kaniya para sana tignan ang ID kaso wala. Sayang, pogi pa naman. Char! Hindi ako lumalandi ng mas bata sa akin noh.

"Thank you." sabi ko dito, nang makarating kami sa tapat ng office.

Nginitian naman niya ako, at bahagyang nag-bow. "Sige lang po." saka na ako iniwan.

Kumatok muna ako bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng office. "Good afternoon." magalang na pagbati ko. "Si Mrs. Pomelo po." sama-sama kasi ang principal, administrator, at iba pang faculty members.

"Ayun, ija." sagot naman sa akin ng administrator, sabay turo kay Mrs. Pomelo na as usual ay istrikto at seryoso ang mukha.

Bahagya akong yumuko sa administrator, saka na magtungo sa table ni Mrs. Pomelo. Walang sabi-sabing umupo naman ako sa isang visitor's seat.

Maraming natatakot dito. Lahat ata ng estudyante dito sa school namin pero, ako? Nope. Kaibigan kasi siya ng mama ko. Pero, yeah, may times na natatakot ako sa kaniya pero, bihira lang.

"Miss Ocampo."

"Yes po, Mrs. Pomelo?" nakangiting tugon ko dito. See? Not scared.

"Nakapag-decide ka na ba kung saan ka mag-cocollege?"

Sandali akong natigilan sa tanong pero hindi ko pinahalata. Nabigla ako dun ah. But I already expected it. Tama hinala ko.

"Hindi pa po." i remained my smile, and cool. Kahit ang totoo, kinakabahan na ako. Remember what I said na may times na natatakot ako kay Mrs. Pomelo? Well, this is it.

"Meivis.." buntong-hininga nito, sabay tanggal ng kaniyang suot na salamin. "You need to decide before the school year ends--"

"I will naman po pero... Hindi lang po muna ngayon." I know. That was rude of me. Namputol ako ng mas matanda sa akin, but I can't help it. Baka ano pa sunod na sabihin niya.

Bumuntong-hininga lang ito ulit, saka nanaman ako tinanong. Not as a principal, but as a tita. "How things going, Meivis? Nabalitaan ko kay Aster na nagkakaproblema ka raw sa finances mo?"

Napalabi ako. Aster! Yari ka sakin mamaya, babae ka!

"Tita--"

"Just tell me the truth, Meivis. Ako lang 'to."

Napahinto ako. Exactly, tita, it's you. Kaibigan ka ni mama. Baka sabihin mo sa kaniya mga nalalaman mo. Argh! Yari talaga sa akin si Aster! Tignan lang talaga niya!

"I'm okay, tita." nginitian ko siya para mapanatag siya kahit papaano. "Everything is good."

Again, bumuntong-hininga siya, saka na ako pinalayas. Yes, pinalayas. O diba, i feel loved. Pero teka, yun lang ba itatanong at sasabihin niya sa akin kaya niya ako pinatawag? Hmm.. Nevermind. As long as hindi niya sabihin kay Mom about sa mga pinagsasabi ni Aster.

Naglalakad ako sa may corridor ng may nahagip ang mga mata ko. Kumunot ang noo kong tinitigan iyon.

It's a poster.. of a band. They look familiar though...

Unti-unting nanlaki mga mata ko. They're the same band that me and Aster watched last week!

Yes, last week. Isang linggo na ang nakalipas after that night. Bakit nakalimutan ko na sila, lalo na yung creepy guy na panay sulyap at titig sa akin? Well, sabagay, mas mabuti nang makalimutan ko sila, especially that creepy guy.

Sinuri ko naman ang poster. At doon ko nakita ang nakasulat na 'The return of The Luminaries!' at ang date kung kailan sila pupunta dito. Nanlaki mga mata ko. In three weeks?!

----
Nasa room ng STEM kami ngayon ni Aster. Lunch break naman na kaya pwede siyang tumambay dito sa room namin.

And, yes, hindi kami parehas ng strand ni Aster. ABM siya. STEM ako.

"Buti magpeperform sila dito?" tanong ko kay Aster, habang nakanguso dahil may sinosolve akong problem. Homework namin sa Physics pero, ginagawa ko na ngayon para mamaya onti na lang.

Hindi ko sinabi sa kaniya ang nakita kong poster. Siya ang bigla na lang pumasok sa room namin at nagsisigaw-sigaw about dun sa band. Kaya nagtanong na ako.

"My ghad! Hindi mo alam?" she asked in disbelief.

Tinignan ko naman siya. "Malamang! Kaya nga nagtatanong, diba?" sarkastikong tugon ko.

Ngumuso naman ito sa sinabi ko at humalukipkip. "Dati sila nag-aral dito. Mula first year high school, hanggang sa makapagtapos sila ng senior high. Lumipat lang sila nung, you know.. College na." kibit-balikat na sabi niya sa hulihan.

So, college na pala sila... Anong year na kaya?

Hindi na lang ako nagtanong pa, at nagpatuloy sa pagsosolve. Baka isipin nito na interesado ako sa banda na yun. Nga pala....

"Aster." tawag ko dito, nakatutok parin ang mga mata sa notebook kung saan ako nagsosolve.

"Yes, couz?"

"Informer ka na pala ngayon?"

"Ha?"

Doon ko na siya inangatan ng tingin. Matalim ang mga matang tinignan ko siya, na kinaatras niya ng onti.

"Informer ni Mrs. Pomelo." nakita ko ang kaba sa mukha niya. "Bakit mo sinabi sa kaniya ang financial problem ko?!" hindi ko na napigilang sigawan siya.

Kaagad naman itong tumayo at lumayo sa akin habang nakataas ang dalawang kamay. "L-Let me e-explain, M-Meivs."

"Go on. Explain." ani ko habang tumatayo.

"Ano, uh... Ano.."

Umiling ako sa kaniya, hindi natutuwa sa ginagawa niya.

"Ehehe..he." kinakabahan na tawa nito, sabay karipas ng takbo kaya mabilis ko itong hinabol.

Noong una ay loob lang kami ng room naghahabulan, paiko-ikot lang. Hanggang sa lumabas na kami ng room at sa may corridor na kami nagtatatakbo. Pinagtitinginan pa nga kami ng iba kong kaklase pero bahala sila. Ang importante mahabol ko itong gagang 'to.

"Maria Aster Mendez! Patay ka sakin!"

"Kyaah! Sorry na kasi! Meivis, sorry naa!"

"Hindi! Yayariin talaga kita!"

At nakalabas na kami ng building ng senior high. Pumasok naman ito ng building ng junior high, habang ako malapit na sa entrance, nang biglang..

"Aray!" napa-upo ako sa lapag. Badtrip naman o! May nakabangga pa ako!

"Sorry, miss. Bigla ka kasing sumulpot." rinig sambit nito. Lalaki? Pero teka, ako? Biglang sumulpot? Siya kaya!

Tinignan ko ng masama yung nakabangga, at natigilan ako nang makita ko ang mukha niya. Siya.. Siya yung...

Tinaasan niya ako ng kilay, sabay lahad ng isa nitong kamay sa akin. "You good?"

Umawang ang mga labi kong pinabalik-balik ang tingin sa kamay at mukha niya. Mga apat na beses ko rin ata ginawa yun, bago ko tinanggap ang kamay niya. Hinila naman niya ako patayo, habang ako binuhat ko ang sarili ko para makatayo.

"T-Thanks." ang guwapo pala niya sa malapitan!

Ngumiti naman siya sa akin. "Hindi ka naman nasaktan? Walang sugat, or anything?" sinuri naman niya ang aking katawan, bago binalik sa mata ko ang tingin niya.

Umiling ako. "W-Wala. I-I'm good." luh, bakit ako nauutal?

Napatango naman siya. "Okay. See you around." kaway nito sa akin, saka na ako nilagpasan. Sinundan ko naman siya ng tingin.

Palabas siya ng back gate. Dalawa kasi ang gate dito sa school namin. Isa sa harapan, isa sa likuran.

Nakapamulsa naman siya at may suot na crossbody bag. At nakasuot ng kulay itim na baseball cap.

So, bumisita lang siya sa dati niyang alma mater? Pero grabe talaga, kahit nakatalikod ang gwapo.

Umiling naman ako sa mga pinagsasabi-sabi ko. Hinahanap ko dapat si Aster e. Badtrip! Nasaan na ba yun?

Naglakad na ako papasok ng building ng junior high. Yes, lakad muna, napagod ako kakatakbo dahil kay Aster. Inikot ata namin ang buong senior high building!

Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang masagi sa isip ko yung lalaking nakabunggo ko kanina.

I just met the guitarist of The Luminaries. Deisel.

Continue Reading

You'll Also Like

990 61 51
[ EDITING ] Love is like a flower. Not all the time it will bloom perfectly. Sometimes, you need to wait for it to grow perfectly. Like love. Love is...
1.5K 203 43
"You will always be my star, Zari." Despite her fear of taking risks, Zari Alferez conquered it for Gin Castres. However, as time passed, fate became...
86.3K 927 21
For the love of Matteo G. And Sarah G. Fast forward to 2017
815 60 49
Kylie Itzel May "Kim" Zamora | Keifer Gutierrez ---- Date started: May 28, 2020 Date completed: June 23, 2021 Cover background not mine. Credits to t...