IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

179K 5.2K 336

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Chapter 32

3K 90 3
By Lorenzo_Dy

Bangungot. (Incubo)

"WALA AKONG KARAPATAN NA MAGMAHAL NG ISANG SEÑORITO!"

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko! Dapat noon pa man ay alam kona na wala talaga akong karapatan na mahalin ang lalaking kagaya niya.

Dahil kahit anong magarang damit ang suotin ko, kahit palamutian pa ako ng mga kumikinang na mga alahas, kahit nakahiga pa ako sa malambot na kama at nanunuluyan sa malaking mansion hinding-hindi pa rin magbabago kung saan talaga ako nanggaling.

Dahil sa mga mata nila, sa mga mata niya, isa pa rin akong mendicante, isang di-hamak na pulubi.

"When our worlds collide and when my heart decide, darling.."

Pinilit kong pumasok sa mundo mo, pero halos mawasak at madurog lang ang puso ko, gumuho rin ang mundo ko.

Kailan ba magiging patas ang mundo?! Yung akala mo ay maayos na ang lahat na akala mo ay pumapabor na lahat sa'yo.

Sino ba talaga dapat ang sisihin sa tuwing nabibigo tayo?

Ang tadhana ba dahil isinulat na nito ang mga kabiguan natin?

O tayo mismo dahil hinayaan nating mag-desisyon ang tadhana para sa'tin?

Pero isang bagay lang ang dapat nating gawin sa tuwing nabibigo tayo at 'yun ay ang magpatuloy kahit bakas pa ang delubyo ng kahapon.

Hinayaang ko lang na lumandas ang mga luha ko habang nasa likod ako ng police mobile at nananatiling naka-posas ang mga kamay. Dadalhin ako ngayon sa karsero ng munisipyo kung saan pansamantalang ikinukulong ang mga nagkasala sa batas dito sa Casa Bel Palazzo.

Masakit.

Walang katumbas na sakit ang nararamdaman ko ngayon. Walang salita o tawag sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas gugustuhin ko pang masaksak o mabaril na lang keysa maramdaman ko ang sakit na ito  kagaya ng nararamdaman ko ngayon.

Mas pipiliin ko pang masaktan pisikal dahil alam kong maghihilom iyon, hindi katulad sa sakit na naka-ukit na sa puso ko dahil alam ko na kahit maghilom iyon nandon pa rin ang marka na dadalhin ko habang nabubuhay ako.

Ang sakit ay kakambal na ng pag-ibig. Ang sakit din ay nagpapabago sa isang tao.

At minsan ang sakit ay...

Nakakamatay!

Nakakamatay ng paniniwala at pananaw.

Naramdaman ko na tumigil na ang police mobile, marahil ay nandito na kami sa munisipyo. Inalalayan ako ng mga kawal at pulis pagkababa ko ng sasakyan at hinaharangan din nila ang mga taong nagpupumilit na lapitan ako.

"Kamatayan ang dapat iparusa sa'yo!"

"Mamamatay tao!"

"Kriminal! Dapat sa'yo ay tinutorture hanggang sa mamatay!"

"Wala kang utang na loob sa mga De Lucio!"

"Marami ang namatay at nawalan ng tirahan dahil sa inyong mag-ama! Mga hayop kayo!"

"Mamatay kana!"

Mga isinisigaw ng mga taong punong-puno ng galit para sa'kin. Sana nga ay namatay na lang ako dahil wala naman ng saysay pa ang buhay ko ngayon.

"Ahh!"

Daing ko matapos kong maramdaman ang matinding pagkahilo kasunod ang pagtulo ng dugo mula sa aking noo!

"Sino ang nambato?!"

Rinig kong sigaw ni manong Mario na inalalayan agad ako dahil muntikan na akong matumba.

"Kulang pa 'yan sa kanya!"

"Hindi sapat ang magbayad lang siya sa batas! Dapat pagbayaran niya rin sa'min ang mga kasalanan niya!"

Mariin akong pumikit dahil sobrang nahihilo ako dala ng matinding pagtama ng bato sa aking noo, hindi ko na rin maintindihan ang ingay sa paligid ko basta ang alam ko lang ay inaalalayan na ako ng mga pulis at kawal habang naglalakad papasok sa loob ng munisipyo.

"Tatawag lang ako ng doktor, Lady Bella."

Aniya ni manong Mario na puno ng pag-alala ang boses, mabilis ko namang kinapitan ang braso niya para pigilan ito.

"H-h'wag na ho. P-pasabi na lang  po sa m-mga Sebastian na s-salamat sa l-lahat."

Nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko magawang tumingin ng diretso kay manong Mario at bukod pa dun ay nararamdaman ko rin ang mainit na dugo na umaagaos sa gilid ng mukha ko  galing sa sugat na natamo ko kanina lang.

"Pero--"

"Pakiusap po. H'wag niyo na akong alalahanin."

Mabilis na pagputol ko sa sasabihin ni manong Mario bago ito nagpakawala ng malalim na paghinga.

"Ipasok na 'yan! Mamaya na lang kunan ng statement."

Utos ng isang pulis kaya mabilis naman nila akong ipinasok sa isang rehas bago nila kalagan ang posas sa aking mga kamay.

"B-bella..?"

Nangangapa ako sa paligid ko dahil sobrang labo na ng paningin ko.

"Dios ko!"

"Nana Lina?"

Halos hindi ko mamukhaan ang bulto ng tao na nasa harapan ko ngayon pero nakilala ko naman ito sa boses niya.

"Nana Lina.."

Tumulo na namang muli ang mga luha ko dahil sa mahigpit na pagyakap sa akin ni Nana Lina.

"Buhay po kayo!" Umiiyak na sambit ko.

"Nabuhay ako para sa'yo, Bella. May kailangan pa akong gawin at itama dahil sa mga paninira at mga kasinungalingan ni Karding!"

"Nana Lina, hindi ko na po kaya.. huhuhuhuhuhuhuhu!"

Hagulgol ko sa mga balikat ni Nana Lina dahil hindi ko na kaya pang kontrolin ang napakabigat na emosiyon at sakit na nararamdaman ko ngayon!

"Nandito ako, nandito na ako.."

Ang paghagod ni Nana Lina sa likod ko ay malaking tulong na para maibsan ang matinding sakit na nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay may karamay na ako ngayon.

"Habang tinatakasan ko sina Karding, ikaw ang iniisip ko. S-sinabi ko sa s-sarili ko na hindi ko hahayaang s-sirain niya ang pangalan at b-buhay mo, Bella.."

Mas lalong humigpit ang mga yakap ko kay Nana Lina dahil nakahanap ako ng taong kakampi ko na naka-handa rin para ipagtanggol ako. Hindi kagaya ng iba na agad akong hinusgahan at tinalikuran.

Hindi kagaya niya.

"Plinano rin ni Karding na baliktarin ang kuwento! Kaya sumuko ako sa mga pulis kaninang madaling araw dahil alam kong mangyayari ito! Walang kasing sama ang demonyong 'yun! Marami siyang sinirang pamilya!"

Ramdam na ramdam ko ang galit at pagsisisi ni Nana Lina habang nakayakap ito sa'kin at hinahagod ang likod ko.

"Bagay na bagay pala kayong dalawa diyan sa loob ng kulungan."

Humiwalay ako mula sa mahigpit na pagkakayakap kay Nana Lina dahil sa boses na narinig ko!

"Kamusta ka naman huwad na De Lucio?! Kamusta ang paghimas ng rehas?"

Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay nakilala ko pa rin kung sino ang nasa labas nitong kulungan.

Si Mrs. Torres!

"Mas nababagay sana dito ang asawa mo!"

Sigaw ni Nana Lina na mabilis na lumapit sa bakal na rehas para sana abutin ang buhok ni Mrs. Torres na mabilis namang umatras.

"Ang kapal ng mukha mo! Alam mo ang buong katotohanan sa pagkatao ng asawa mo pero ang galing-galing mong magpanggap!"

Sigaw ni Nana Lina na pilit na kinakalampag ang bakal na rehas.

"Hindi ko alam ang sinasabe mo."

Halatang-halata sa boses ni Mrs. Torres ang pilit na pagmamaang-maangan nito sa mga sinasabe ni Nana Lina.

"Hindi ko makita sa'yo ang mukha ng isang namatayan na asawa dahil siguro ay mas nagpapakasasa kayo ngayon ng anak mo sa mga kayamanang ninakaw ng asawa at biyenan mo sa mansion ng mga De Lucio! Magpakasaya lang kayo ngayon dahil sinisigurado ko sa inyo na lalabas din ang buong katotohanan!"

Seryosong sambit ni Nana Lina kay Mrs. Torres na nakangisi lang, bumalik si Nana Lina sa may gawi ko at yinakap ulit ako nito.

"Hayaan mo Bella dahil lilinisin ko ang pangalan mo at sinisigurado ko na sila ang magbabayad hindi tayo." Aniya ni Nana Lina.

"Nana Lina.." nanghihinang usal ko.

"B-bella! Dios ko, namumutla ka! Bella! Bella..."

Naramdaman ko pa ang paulit-ulit na pagtapik ni Nana Lina sa pisngi ko bago ako lamunin ng kadiliman.

Madilim.

Kanina pa ako naglalakad sa gitna ng kadiliman. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni Nana Lina ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko!

Hindi ako maka-hinga!

Hinihila rin ng matinding pagod ang katawan ko!

Muli akong tumakbo sa daan na hindi ko naman alam kung saan patungo.

Bakit nga ba ako tumatakbo gayung wala naman akong nakikita?

Ang gusto ko lang ay ang makalabas sa nakakabulag na kadiliman na 'to!

Hanggang sa may makita akong mumunting liwanag at may narinig akong tinig.

Tinatawag nila ang pangalan ko..

Paulit-ulit.

Nahihimigan ko ang tinig nila..

"Bella! Bella, gumising ka!"

"Malamig na ang mga kamay niya!"

"H'wag kang magsalita ng ganiyan, Dario!"

"Buhatin mo na siya Kuya!"

Muling nawala ang mumunting liwanag at tinig sa paligid ko hanggang sa maramdaman ko na lang na may bumuhat sa'kin.

Malamig.

Malamig na simoy ng hangin ang nagpa-gising sa diwa ko! Ang bawat pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko ay nagpapabalik sa huwisyo ko.

Hanggang sa tuluyan ko nang imulat ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang mga bituin sa kalangitan maging ang maliwanag na bilog na buwan.

"May malay na siya!"

Nahimigan ko ang tuwa sa boses ni Arnold habang buhat-buhat ako nito.

"Low down your voice kuya! Baka mahuli tayo!"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabe ni Zendy.

"Malapit na tayo sa karwahe!"

Karwahe?! Tama ba ang narinig ko mula kay Dario.

"S-saan niyo ako dadalhin?"

Mahinang usal ko na sapat na para marinig nila.

"Mamaya na kami magpapaliwanag, ang mahalaga ngayon ay ang maitakas ka namin sa mga taong balak na patayin ka!"

Aniya ni Zendy na nauna nang sumakay sa karwahe para alalayan ang kuya niya sa pagpasok sa'kin sa loob ng karwahe. Doon ko lang napansin na lahat sila ay nakabihis na pang-pulis!

"Uminom ka muna at kainin mo 'to."

Hindi ko pinansin ang tinapay na iniaabot sa'kin ni Zendy dahil mas pinili ko ang bote ng tubig na agad kong tinungga at inubos dahil sa matinding pagka-uhaw na nararamdaman ko.

"S-si Nana Lina? Asan s-siya?"

Tanong ko matapos kong maubos ang tubig.

"Nagpaiwan siya sa karsero."

Aniya ni Zendy habang si Dario at Arnold naman ay abala sa pagtatali ng dalawang kabayo  sa karwahe.

"Balikan natin siya!"

Pagpupumilit ko pero mabilis naman akong pinigilan ni Zendy sa tangka kong pagbaba mula sa karwahe.

"Makinig ka ng mabuti Bella. Inutusan ni Mrs. Torres ang mga pulis na iharap ka sa maraming tao ngayon gabi para parusuhan ka! Kaya lahat ng tao dito sa Casa Bel Palazzo ay binabalak na magsagawa ng matinding pagpapahirap sa'yo sa tapat ng munisipyo na maaari mong ikamatay!"

Hinawakan ni Zendy ang mag kabilang braso ko at nangungusap ang mga mata niya.

"We're doing this just to save you! Ayaw kong mawala ka Bella dahil kapatid na ang turing ko sa'yo."

Pumatak ang mga luha ni Zendy kaya hindi ko na rin napigilan ang lumuha.

"Si manong Mario ang nag-isip kung paano ka namin maitatakas, pinagpanggap niya kami bilang mga pulis para makapasok kami sa karsero at maitakas ka. Kailangan mo ring matingnan sa doktor dahil malalim ang sugat mo sa noo."

Hinawakan ko ang mga kamay ni Zendy at niyakap ito.

"Salamat, salamat sa inyo.."

Sinsero kong sambit sa kanila. Si Arnold at Dario ang nasa unahan ng karwahe bilang kutsero.

Habang papalayo ang karwaheng sinasakyan namin ay naririnig ko naman ang ingay ng mga tao sa tapat ng munisipyo at nang lumingon ako ay doon ko na nakita si Nana Lina habang nasa ibabaw ito ng entablado at binabato ng mga tao!

"Sandali! Si Nana Lina! Kailangan natin siyang balikan!"

Namamaos kong pakiusap.

"Bella!"

Pilit kong inaalis ang mga kamay ni Zendy na halos yakapin na ako dahil sa pagwawala ko sa loob ng umaandar na karwahe.

"Zendy ano ba! Kailangan nating balikan si Nana Lina!" Sigaw ko.

"Bella! Inako ni Nana Lina mo lahat ng mga paratang sa'yo! Inako niya na siya at si mang Karding lang ang totoong pinuno ng mga rebelde na wala kang kinalaman sa kanilang dalawa!"

Natigilan ako. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa mga sinabe ni Zendy.

"Hayaan mo Bella dahil lilinisin ko ang pangalan mo."

Bigla kong naalala ang sinabe sa'kin ni Nana Lina kanina. Iyon ba ang plano niya? Ang akuin lahat na mga paratang laban sa'kin!

Bakit?!

Hindi ko maintindihan!

"P-pero hindi naniwala ang mga tao, gusto p-parin nila ang pagbayarin ka! Kaya ka namin itinatakas ngayon, sana maintindihan mo ang mga ginagawa namin. Ito rin ang pakiusap sa amin ni Nana Lina mo, ang itakas at ilayo ka sa lugar na 'to!"

Humikhikbing saad ni Zendy kaya lalo lang akong humagulgol.

"Kung parurusahan man nila ako gusto kong iparusa nila sa akin ay kamatayan! Dahil ayaw ko nang mabuhay pa Zendy!"

"Tumigil ka! H'wag mong sabihin 'yan! Marami pa kaming nagmamahal sa'yo. Sina mommy at daddy ay naghihintay sa'tin sa labas ng Casa Bel Palazzo, sama-sama tayong magbabagong buhay sa Cebu kaya h'wag mong sabihin 'yan."

Umiiyak na saad ni Zendy at humigpit ang yakap nito sa'kin, tumigil naman bigla sa pagtakbo ang karwahe.

"Bakit tayo tumigil?!"

Aniya ni Zendy na sumilip na sa labas ng karwahe.

"May pasalubong sa'tin at may mga nakasunod din!"

Natatarantang sagot ni Arnold kaya sumilip na rin ako sa labas ng karwahe at nakita ko sa likod namin ang mga ilaw ng flashlight at liwanag ng sulo sa malayo gano'n din sa unahan ng karwahe!

"Tangina! Saan tayo dadaan?!"

Natataranta at naiinis na saad ni Dario.

"Iwan niyo na ako dito! Susuko na ako sa kanila." Sambit ko.

"Nababaliw ka na ba Bella?!" Inis na saad ni Zendy.

"Ayaw kong madamay pa kayo!"

Pilit na sambit ko habang bumababa sa karwahe.

"Hubarin mo ang bestidang suot mo!"

Aniya ni Zendy na bumaba na rin sa karwahe katulad nina Arnold at Dario.

"A-ano? Bakit?"

Naguguluhan kong tanong kay Zendy.

"Basta! Sumunod ka na lang! Dario, Kuya, pakawalan niyo ang mga kabayo!"

Hindi ko maintindihan kung ano ang binabalak ni Zendy pero sumunod pa rin ako sa gusto niya.

"Magbihis ka at sa'kin na 'yang bestida mo."

Kinuha ko ang puting bestida na iniabot ni Zendy at ibinigay ko naman sa kanya ang asul na bestida ko na suot ko pa mula ng umatake ang mga rebelde.

"Anong pinaplano mo?"

Pagtatanong na rin ni Arnold sa kapatid niya.

"Wala na tayong choice, kuya. Ang gusto nila ay mamatay si Bella kaya ibibigay natin 'yun sa kanila!"

"Ano?!"

Sabay-sabay naming sambit ni Arnold at Dario kay Zendy na ipinasok sa loob ng karwahe ang bestida ko.

"Ihulog niyo sa bangin ang karwahe at patakbuhin niyo palayo ang isang kabayo!"

Aniya ni Zendy at natataranta namang itinulak nina Arnold at Dario ang karwahe sa bangin.

"Bella, gamitin mo itong kabayo papunta kila mommy na naghihintay sa'tin sa labas ng Casa Bel Palazzo at h'wag kang magpapakita sa kahit kaninong taga-rito sa Casa Bel Palazzo."

Sunod-sunod ang naging pagtango ko kay Zendy bago ko hinawakan ang tali ng naiwan na kabayo.

"Magkita-kita na lang tayo sa Cebu! Susunod na lang kami sainyo ni kuya Arnold at pasabi kay mommy at daddy na tatawag na lang kami sa kanila mamaya."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kay Zendy ganun din kay Arnold at Dario.

"M-maraming salamat sa inyo."

Sinserong saad ko bago ako sumampa sa likod ng kabayo, natanaw ko na malapit na sa'min ang mga tao na may dalang mga flashlight at sulo.

"Mag-iingat ka Bella. Kami na ang bahala dito!"

Aniya ni Arnold bago ko patakbuhin papasok sa madilim na kakahoyan ang kabayo.

"Nasaan na ang anak ng kriminal?!"

"Hindi niya kami matatakasan!"

"Sigurado akong nandito pa iyon!"

Naririnig ko ang boses ng mga tao na nasa kalsada dahil saglit kong pinatigil ang kabayo sa likod ng puno para magmasid sa mga nangyayari.

"Wala na ang kaibigan ko! Patay na siya!"

Umiiyak na sigaw ni Zendy.

"Hindi totoo 'yan!"

"Tama! Itinakas niyo siya sa karsero!"

"Tinakas namin siya pero sa kagustuhan niyang balikan si Nana Lina ay aksidenteng nahulog ang sinasakyan niyang karwahe sa bangin! Wala na ang kaibigan ko..patay na siya!huhuhuhuhu!"

Nakita ko pa ang pag-yakap ni Dario kay Zendy na halos lumuhod na sa kalsada. Marami rin ang dumungaw sa bangin at kalaunan ay naniwala sa mga sinabe ni Zendy pero may iilan pa ring hindi naniwala at nagpatuloy sa paghahanap sa'kin gamit ang ilaw ng sulo at flashlight.

Marahas kong pinahid ang mga luha ko bago ko ulit patakbuhin palayo ang kabayo. Dahil sa sinag ng bilog na buwan ay malinaw kong nakikita ang daan sa loob ng kagubutan.

Oo, gusto ko nang mamatay pero bakit tila mas lamang pa rin ang kagustuhan ko na makatakas at mabuhay?

Masukal ang daan kaya may mga pagkakataon na nasusugatan ng mga sanga ng puno ang braso ko hanggang biglang nagtatalon ang kabayo kaya nahulog ako sa damuhan, nabitawan ko rin ang lubid nito kaya tumakbo ang kabayo papalayo hanggang sa hindi ko na ito makita.

Binalot ako ng matinding takot at kaba dahil muling rumehistro sa utak ko ang eksina kung saan hinahabol ako ng mga rebelde sa loob din ng gubat!

"Ahhhhhh! Ahhhhhh!"

Nangilid ang mga luha ko habang tinatakpan ko ang aking tainga gamit ang mga palad ko dahil tila naririnig ko ang sigawan ng mga tao na sinasabayan pa ng pagputok ng baril!

Para ring tinutupok ng nagaalab na apoy ang mga puno sa paningin ko!

Binabangungot ako habang gising!

Pakiramdam ko ay nangyayari ulit sa paligid ko ang panggugulo ng mga rebelde!

Pakiramdam ko ay nandito sila at pinagmamasdan lang ako!

Papatayin nila ako!

"Ahhhh!! Ahhhhh!!"

Sigaw lang ako ng sigaw habang patuloy sa paglandas ang mga luha ko!

Patayan. Putok ng baril. Dugo. Nagaalab na apoy! Ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko!

Wala akong ginawa kundi ang tumakbo sa gitna ng kakahoyan, gusto kong makatakas sa mga rebelde! Wala na akong pakialam kahit nasusugatan na ang mga paa ko!

Hindi rin maawat sa pagpatak ang mga masasagana kong luha!

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa may matanaw ako sa dulo ng kakahoyan na maliliwanag na ilaw mula sa poste at mga sasakyan!

Habol hinga akong napahawak sa isang poste ng ilaw matapos kong makalabas sa madilim na gubat. Agad akong pumara ng dyip at sobrang pasalamat ako dahil may tumigil naman sa tapat ko.

Sasakay na sana ako sa dyip nang may humawak sa palapulsuhan ko at kaladkarin ako nito palayo sa dyip.

Natatakot at natataranta kong binabawi ang mga kamay ko sa lalaking naka-itim na jacket at itim na sumbrelo!

"B-bitawan mo 'ko!"

Nagpupumiglas ako dahil umandar na ang dyip na pinara ko kanina.

"Tama na! Pakawalan niyo na ako!"

Humikhikbing pakiusap ko sa lalaking 'to na pilit hinuhuli ang isa ko pang kamay! Sinipa ko ang maselang parte ng katawan niya kaya nabitawan ako nito.

Umatras ako habang nanginginig at nangingilid ang mga luha ko!

Pakiramdam ko ay ang amahin ko naman ngayon ang humahabol sa'kin!

Matinding takot ang nararamdaman ko ngayon!

Mabibilis na sumusulpot ang mga sasakyan kaya nahihirapan akong tumawid!

Tila ang eksinang nangyayari ngayon ay walang pinagkaiba noong gabi na tinatakasan ko ang amahin ko sa lansangan ng Quiapo!

Halos mapasabunot ako sa buhok ko dahil naghahalu-halo sa utak ko ang panggugulo ng mga rebelde at ang paghabol sa'kin ng amahin ko!

"Bitawan niyo ako!"

Nababaliw na sigaw ko matapos  may humuli sa mga kamay ko na hindi lang isang tao kundi tatlo sila bukod pa 'yung lalaki kaninang sinipa ko.

Hindi ko na nagawang sumigaw pa nang takpan nila ng panyo ang bibig at ilong ko. Isang nakakasulasok at nakakahilong amoy mula sa panyo ang unti-unting nagpahina sa katawan ko at nagpapabigat sa mga talukap ko.

Gusto ko pang manlaban sa kung sinuman sila pero binabalot na ako ng matinding antok at pagod!

"Don Alejandro, hawak na po namin si Ysabella."

Huling salitang narinig ko mula sa lalaki bago ako tuluyan na mawalan ng ulirat.

Bella Carina.
~My Sweet Lover~

Continue Reading

You'll Also Like

336K 7.1K 26
Bridget Clemenza is the only child of the Mayor of Pasig, Was a College student when her life changed because of the one night stand. She bear a chil...
595K 14K 42
-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dah...
317K 9.1K 36
REIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak h...