Sadist Lover (Editing)

By aril_daine

16M 74.7K 9.6K

Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Pu... More

CHAPTER 1: A JOKE
Chapter 2: OMG!
Chapter 3: Bossy
CHAPTER 4: HIS FAMILY
CHAPTER 5: He's a what?
CHAPTER 6: He called me, what?
Chapter 7: Rooftop
CHAPTER 8: TREAT
CHAPTER 9: BIRTHDAY DATE?
Chapter 11: QUALITY TIME
Chapter 12: Playing Cupid
CHAPTER 13: Facts about Lance Mariano
Chapter 14: night with...
Chapter 15: Love Spell
Chapter 16: You Meanie!
Chapter 17: Game
Chapter 18: Fieldtrip
Chapter 19: Fieldtrip part 2
CHAPTER 20: He's asking me to...what?
CHAPTER 21: Master-Slave day

CHAPTER 10: HE BOUGHT THIS FOR ME

248K 3.3K 209
By aril_daine

Hi guys! try niyo muna basahin ang Hello, Neighbor ko. Though, next gen na siya ng SL. lol

CHAPTER 10: HE BOUGHT THIS FOR ME

"Hanapin na natin siya." Napatitig ako sa likuran ni Lance nang mag-umpisa na itong maglakad. Sinundan ko naman siya kaagad dahil baka maski siya ay mawala. Nakapamulsa ito habang naglalakad. Hindi niya sinasabi kung saan kami pupunta pero alam ko na kung saan. Patungo kami sa CR!

"Tingin mo nandoon siya?" Medyo binagalan na niya ang paglalakad para na rin siguro masagot niya ang tanong ko.

"Kaya nga hahanapin." He told me. "Baka makasalubong din natin siya." Sabi pa nito.

Muli na namang bumilis ang paglalakad nito kaya naman maski ako ay binilisan na rin ang paglalalakad.

Pumasok kaagad sa CR si Lance at ako naman ay naghintay sa labas. Sana naman ay nandoon si Jake. Imposibleng lumayo pa siya para mag-CR! Ito ang pinakamalapit sa shop na kinaroroonan namin kanina.

"Wala siya sa loob." Walang kagana-ganang sabi ni Lance.

"Imposible 'yun. Nasaan siya?"

"I don't know and I don't really care." Matapos niyang sagutin ang tanong ko ay nauna na naman itong maglakad. Wala naman akong choice kung hindi sumunod sa kanya. Parehas pa naman kaming naka-uniform ngayon. Bawal pa namang pumunta ng mall kapag class hour pa.

"Lance, sandali lang!"

"What?"

"Pwede bang sa'yo na muna ako sumama? Malay mo makita ko si Jake habang---"

"Let's eat, then."

"Pero kakatapos ko lang kumain kanina saka---"

"I said let's eat."

"Jerk." I murmured. Hindi man lang ako pinapatapos magsalita? Bossy! Gusto laging siya ang nasusunod. "Hoy Lance," Medyo binagalan naman nito ang paglalakad. Napansin ko naman na tuwing kinakausap ko siya ay medyo bumabagal siya sa paglalakad para na rin siguro marinig ko ang magiging sagot nya kapag nagtanong na naman ako.

"Saan mo nakuha ang peklat mo?"

"Sa siko, tuhod o sa mukha?" Sa sinabi niyang iyon ay napatingin tuloy ako sa siko niya. May marka nga ito ng tahi... pero marahil sa kakalaro nito ng soccer kaya niya nakuha yun.

"Yung sa mukha."

Nagkibit balikat lang ito at patuloy sa paglalakad. Akala ko nga wala na siyang balak sagutin ang tanong ko pero mga ilang sandali pa ay sumagot din siya.

"Paglaki ko nandyan na 'yan."

"Hindi ba sinabi ni Tita ni Lian o ni Tito Jun?"

"Are we close enough for you to ask that?" Sabi ko nga tatahimik na ako. Hindi na ko magsasalita. Bahala ka sa buhay mo. Mapanis sana ang laway mo. Napakasungit talaga! Tapos mas binilisan pa niya ang paglalakad. Anong akala niya sa mall? Venue ng isang marathon?

"Hoy sadistang rabbit."

"What?" Napakunot talaga ang noo ko dahil sa itinawag niya sa akin.

"Sadistang rabbit." Napansin ko ang pagngisi nito kaya alam kong nang-aasar na sita.

"At talagang inulit?" Humalukipkip ako at huminto sa paglalakad.

"Sabi mmo what. Akala ko tuloy hindi mo naintindihan." Napairap talaga ako ng todo dahil ginawa pa akong bingi. Loko-loko talaga! Akala ko pa naman magkaibigan na kami tapos ginaganito niya ako?

"Sadistang rabbit, anong masarap kainin?"

"Carrots." Rabbit siya nang rabbit. Kumain siya ng carrot kung gusto niya!

"Birthday girl."

"Anon a naman?"

"Anong gusto mo?"

"Bakit? Ililibre mo ako?"

"Oo kawawa ka naman kasi." Napahinto tuloy ako at tumingin sa paligid. Halos puno pa rin yung ibang restaurant. Ayaw ko naman magturo sa mahal kasi nakakahiya naman sa kanya. Saka isa pa, busog pa ako. Hahayaan ko lang din naman siya na siya lang ang kumain.

"Reyna ng rabbit." Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabing iyon ni Lance. "Sadistang rabbit, may sungay na rabbit, may dugo na rabbit, sadistang rabbit kaya may dugo yung rabbit."

"What the hell? Lance!" Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil nakakahiya sa mga napatingin sa direksyon namin.

"Hindi kita kilala. Lumayo ka sa akin." Sabi pa nito saka siya muling naglakad. Siraulo talaga siya! Mas lalo lang tuloy akong dumikit sa kanya para ikahiya pa niya ako ng lubusan! Grabe siya, e.

Tumigil lang naman ito sa pang-aasar nang pumasok na kami sa isang restaurant. Mukhang mamahalin dahil sa totoo lang wala naman kumakain masyado rito, unlike sa ibang restaurant. Ambiance pa lang din kasi, iba na!

Umorder siya ng isnag buong pizza. Tapos pasta rin. Natatakam ako pero hindi ko na kayang kumain.

"Kain." Utos nito sa akin.

"No, thanks."

"Edi huwag." Sabi lang nito saka nag-umpisa na siyang kumain. Sa totoo lang naiinggit ako kasi mukhang sarap na sarap siya. Napansin ko rin ang biglang pagtama ng mga mata namin tapos ngumiti na naman ito ng nakakaloko!

"Naiinggit ka ba?"

"H-hah?"

"Here." Siya na mismo ang naglagay ng pasta sa plato sa harapan ko at pizza. "Eat para hindi ka naman mukhang kawawa dyan." Ngumiwi na lang ako kasi naman magbibigay na lang ng pagkain lalaitin pa ako!

Inubos ko naman ang bigay niya pero grabe siya! Sa dami ng nasa table namin kanina, naubos niya pa lahay yun!

"What? Why are you staring at me?" ang takaw mo kasi! Ang gusto kong sbaihin pero hindi ko masabi.

"Kasi hindi mo pa sinagot yung tanong ko kanina about sa scar mo."

"I was kidnapped." Chill lang nitong sabi samantalang ako hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Kidnap? Sure ka?" Medyo napalakas pa ang boses ko kaya napatingin sa amin ang nasa kabilang table.

"Your voice, sadist rabbit."

"Hey! Stop calling me that. Saka hindi naman ako sadista. Wala kang katibayan." Naiinis kong sabi.

"You pinched me."

"Yun lang?"

"Nung binugbog ako ng boyfriend mo. Mas masakit pa yung panggagamot mo sa mga pasa ko." Pero kasi ang cute niya nung nasasaktan siya. Once in a lifetime yun!

After naming kumain ay nagyaya na muna itong magpunta sa arcade. Tutal naman daw ay siya ang masusunod. Kapal talaga ng mukha. Pero agad ding nagbago ang isip niya kasi pumasok ito sa isang shop.

"Bibilhan mo ang nililigawan mo ng damit?" Tanong ko rito. Nag-assume lang akong may nililigawan siya. "Or yung sister mo? O yung mom mo?"

"No," Sabi niya saka kumuha ng dress na blue at iniabot sa akin

"Anong gagawin ko dyan?"

"Isukat mo."

"Ayoko nga."

"Gusto mo bang mahuli tayo na nandito sa mall habang naka-uniform?" Umirap na lang ako at kinuha ang dress sa kamay niya. Pumunta na rin ako kaagad sa fitting room at isinukat ang dress. Actually, comfy ito at medyo presko.

Maganda sana kaso naka black shoes pa ako.

"Ayan na." Sandali lang akong tinitigan ni Lance nang lumabas ako.

"Good. I'll buy that one."

"Wait, are you for real?" Tinignan ko yung presyo kanina! Mahal yun! Wala akong pangbayad sa kanya! Agad akong nagbihis ulit ng uniform ko par asana ibalik ang dress pero nahuli na ako. Nakabayad na siya.

"Try this one." Sabi pa niya sa isang wedge.

"Lance naman."

"Delikado kapag nahuli tayo ng officers ng school. Ayaw kong maglinis ng CR ng ilang araw at lalong ayaw kong mapagalitan ng coach dahil hindi ako makakasipot sa mga practice." Sinubukan ko ang ibinigay niya sa akin wedge. Ang dami naman kasing shop pero sa iisang shop lang kami nag stay! Grabe talaga siya!

After niyang bilhin ang wedge para sa akin ay pumasok ulit kami sa isang shop pero this time ay panlalaki na ang shop. Kumuha lang siya doon ng damit at pants tapos walang sabi-sabi ay nagbayad na siya. Hindi na siya nagsukat pa!

After that ay muli kaming pumunta sa CR para makapagbihis. Medyo mahaba nga lang ang pila sa CR ngayon. Hindi ko alam kung bakit blockbuster lagi ang CR ng mga babae. Nung turn ko na ay kaagad akong nagbihis. Ako na nga ang sinamahan, binigyan ng damit tapos ako pa ang mabagal. Ipinusod ko rin pataas ang buhok ko matapos akong magbihis. Sinuot ko na rin ang wedge ko.

Pansin ko nga na habang nasa harap pa ako ng salamin ay may ilang babae na nagbubulungan at biglang nagtawanan. Pareho pa silang nakatingin sa akin. Mga epal!

Sa inis ko tuloy ay lumabas na lang ako sa CR. Sakto naman si Lance ay nakatayo na doon ay may kasamang lalaki.

"Great, ang tagal mo." Medyo may pagkasarkastiko nitong sabi sa salitang great,

"Sorry." Hinging paumanhin ko sabay tingin sa lalaking kasama nito.

"Girlfriend mo?" Nakangiting tanong ng lalaki kay Lance.

"Nope. Classmate. Pasabi na lang sa iba na late ako mamaya."

"Sige, iwan ko na kayo. Bye miss. Ingat-ingat ka rito kay Lance, matinik 'yan." Habang sinasabi niya iyon ay na-divert ang atensyon ko sa dalawang babaeng dumaan sa harap namin. May sinabi sila pero hindi ko nakuha kung ano. Basta mas natatawa kasi sila.

"You should have told her that kung kanina niyo pa pala nakita." Muli ay nalipat ang atensyon ko kay Lance na ngayon ay pumunta sa likuran ko. Para akong nakiliti nang may hawakan ito. Not quite sure kung ano.

"Sungit." Sabi lang ng isa sa dalawang babae saka umalis na.

"A-ano ba yan?" Tanong ko kay Lance ng parang may sinisira na siya.

"Tagprice and siopao... okay lang ba kung kagatin ko na lang? Hindi ko matanggal." Bago pa ako makasagot ay kinagat at hinila na niya na rin ito. Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa atensyon na nakuha namin dahil sa gesture. "Let's go."

Nakayuko akong sumunod kay Lance dahil nahihiya pa rin ako sa kanya. And dahil nahihiya ako sa mga taong nakatingin pa rin sa amin. Medyo bumalik lang naman ang pagkahyper ko nang magpunta na kami ni Lance sa arcade na agad ding nawala nang makita namin si Jake kasama ang isang babae. Na ngayon ay tumawatawa pa.

Hindi man lang ba niya ako hinanap? Hindi ba niya naisip na kasama niya ako? Na iniwan niya ako kasama sina Lance?

Humigpit ang hawak ko sa mga paperbag, Ang isa doon ay bigay pa niya kaninang umaga. Para talaga akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino ang babae.

"Jade Louise." Lance murmured. Pati pala siya ay kilala si JL. Kilala siya sa school kasi maganta at matalini ito. Maraming nanliligaw pero wala siyang ini-entertain.

"Woah. Nandito pala sila, oh."

"H-hon? Mabuti nandito ka na. Kanina pa kita hinahanap. Pagbalik ko kanina sa shop wala na kayo." Hinanap? Nasa arcade siya tapos sasabihin niyang hinanap niya ako? "Nagpalit ka na pala. You look... stunning. Sinuot mo rin pala ang regalo ko sa'yo" Doon ay talagang natigilan na ako. Regalo? Suot ko ang regalo niya?

Agad akong napatingin kay Lance and then kay Jake ulit.

"Sakto pala sa paa mo, e." Nakangiting sabi ni JL sa akin. "And oh, happy birthday."

Yung wedge?

"Maganda. Bagay sa'yo and sa dress." Nakangiti pa ring sabi ni JL.

"But..." Muli akong napatingin kay Lance. "He bought this for me." Mahina kong sabi sa sarili. What a great present! Bakit kasi hindi ko binuksan ang binigay ni Jake kanina?

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 768K 44
TIL Series #1 (Book 1 of 2) Chelsea Vellarde is trapped from a hopeless affection for Blaze Abelard. She wants to move on but whenever she tries, sh...
654K 14.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
71.4K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...