Teka Lang

By ransey-

279 31 111

Vales, a senior high school student, looks forward to have a peaceful last school year. But, it looks like it... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5

Chapter 4

34 5 9
By ransey-

Nang hindi ko talaga matandaan kung bakit ba napaka-pamilyar ng pangalan na 'to sa'kin, sinukuan ko ito at sinundan nalang sila Ed.

Nagdadaldan na naman sila, psh. Ang saya niyo 'no? Edi wow.

Dahil iisa lang ang elevator ng building na 'to, at hindi kakayanin ng matabang katawan ni Ed ang pagbaba gamit ang hagdan, nakipagsiksikan kaming tatlo sa mga estudyanteng nagtatawanan. Buti na lamang ay pitong tao lang ang nasa loob at kakayanin pa naman ng 12-person limit ng elevator kahit ba dalawang tao ang katumbas ni Ed.

Sa aming pagbaba, may ilang kababaihan ang nag angat ng tingin at boses para kausapin si Roni, na kung kamusta na ba siya at ano ang dahilan ng pagbalik niya. Habang tinatanong siyang parang artista, kami naman ni Ed ay napaatras sa sulok, nakaka-op, out of place.

"Lagi ka pa naman namin no'n pinapanood sa gym, ang galing-galing mo kasi mag-basketball," pagpapatuloy ng isa sa mga babaeng kinukwento ko.

"Oo nga, at no'ng nawala ka, nabawasan talaga 'yong mga nagtatambay sa gym."

"Do you have plans to play basketball again?"

Nakangiti lang si Roni sa mga pinagdadaldal ng mga tao rito sa elevator, hindi man lang sumagot. Feeling artista talaga, hays.

"Girls, awat na. Mukang 'di kumportable si Roni, oh."

Nagugulat akong napalingon sa katabi ko nang siya'y magsalita. Si Ed pa ba 'to? Saan niya nakukuha 'yong ganitong lakas ng loob para pumagitna sa mga tsismosang estudyante? Bida-bida talaga.

"It's okay, Ed. I understand them," ang showbiz na sagot ng ating Roni.

Sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung may sinseridad ba siya sa pag-aalok ng pagkakaibigan. At mas lalong hindi ako sure kung kakayanin ko ba ang ganoong titulo -- be someone's friend.

Pero may isa pang tanong na nagtatago sa likod ng wisdom tooth ko. Tama ba 'to? Hindi ba talaga siya masamang tao? Ayos lang ba makipagkaibigan sa babaeng napaka-weird ng entrance sa buhay ko? O hindi lang ako sanay sa gan'to?

Oo na, ang daming katanungan kahit ba sabi ko ay isa lang, pero sana naman masagot 'diba.

Dahil sumama na nga si Ed sa usapan, at tila napakabagal ng pag-andar pababa ng elevator na 'to, nabaling ang atensyon ko sa repleksyon ng aking kinatatayuan mula sa makintab na pintuan ng elevator. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Roni roon, deretso lamang ang tingin sa'kin, pinapanood ako. Kaya naman yuko ang aking nagawa, at hinawi nalang kunwari ang buhok pababa. Hindi ko alam ano magiging reaksyon sa mga gan'tong bagay. Ang weird niya.

Hindi naman sa pagiging asumero pero, m-may gusto ba siya sa'kin? Kanina pa 'yang mga titig na 'yan ah.

"Hello, Dorothy."

'Di ko namalayang nagbukas pala ng pinto ang elevator nang huminto ito sa ika-anim na palapag.

"Hi Tricia, kasya pa ba 'ko?"

Nag angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa labas, naghihintay ng pahintulot kung pwede pa bang makisiksik. Nakasuot siya ng basketball shorts at shoes, mukang player.

Katulad ng sinabi ko noon, kilala ang school na 'to sa larangan ng basketball, mapa-lalaki man o babae. Base sa mga nababasa kong dyaryo na ini-issue ng News Club, every season ng laro nila ay nananalo sila palagi, champions.

"Yeah, just squeeze in," si Roni ang sumagot.

Mukang hindi naman 'yon nagustuhan ni Dorothy at umismid muna bago pumasok.

"How are you? I haven't been hearing from you for a while," nagsimula si Roni makipag-usap sa kaniya.

Hindi pa pala tapos ang daldalan sa loob ng elevator na 'to. Kung kanina ay kami lang ni Ed ang napaatras para magsulok ay ngayon pati naman ang lahat. Iba kasi ang awra ng mga babaeng 'to, 'yong bang anytime, magkakasagutan sila. Sigurado naman akong hindi lang ako nakakaramdam no'n.

Hindi umiimik ang bagong kasama kaya naman mas lalong naging mabigat ang ambience. Ba't parang ako ang kinakabahan para sa kanila?

"Dorothy, are you ignoring me again?"

Yumuko ako dahil sa mga nangyayari, nakakaramdam ako ng gulo. Paano ako tatakas rito kung mangyayari man 'yon?

"Hindi ngayon, Veron."

Mas lalong naging malamig ang maliit na espasyong ito, chills.

"I'm going to gym later -- let's play one on one."

Tao ba talaga 'tong si Roni? Hindi ba siya nakakaramdam na ayaw nga ng babae sa kaniya? Tsismoso na kung tsismoso pero naiinis na rin ako sa ganitong aktibidad. Bakit mo pipilitin ang isang taong walang balak kang kausapin?

"I'll be there sooner, please wait for me--"

"Nakakarindi ka na." 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Tuluyan ng bumigay si Dorothy sa nakakairitang pagpipilit ni Roni. "Pwede ba? Tigilan mo na ang team namin. Hindi ako papayag na makakasali ka pa. You left, remember?"

"Sorry na nga 'diba?"

"Sorry? Sorry kasi pinaiyak mo si coach dahil nawalan siya ng paboritong player? Sorry dahil nakulangan ng team power ang koponan dahil nawala ang team captain namin? Sorry?"

Ang mga taong kasama namin ay tuluyan ng natahimik, binibigay talaga ang moment sa nag-aaway, sinisigurado talagang makakakinig sila nang maayos. Kung galing sila sa News Club, panigurado akong pumapalakpak ang mga tenga ng mga 'to. Ganitong oportunidad ba naman ang lalapit sa'yo, 'di mo sasaluhin?

Teka--teka. Vales ang layo mo na sa topic, may nag aaway sa harapan mo pero nalipad ang iyong utak.

Buti na lamang ay nagbukas na ang elevator. Sa wakas, nakaabot rin kami sa first floor.

Nang nagpauna na si Dorothy sa paglabas, sumunod naman si Roni para makahabol sa kaniya. Gano'n rin ang ginawa namin ni Ed.

"Girl, I'm really sorry. You know what happened three years ago. You can't do this to me," malalamig na salita ang lumabas galing kay Roni.

Ang unang palapag ng building na 'to ay mayroong open corridors na pinapalimutian ng malinis at maputing kisame, disenyado ito sa maliliit na dilaw na chandelier.

Hindi man ito ang pinakamagarang building, ito pa rin ang may pinakamaraming tao. Kaya naman 'wag kayo magtataka kung bakit inaaligidan na ang pwesto namin rito. Maliban sa kadalihanang nasa likuran lamang ang elevator, marami talagang mga tsismosa, katulad ko.

Scene na ba ito?

"P'wede ba? Tigilan mo nga 'ko," ani Dorothy at saka tuluyang lumayas. Pumunta siya sa direksyon kung nasaan ang basketball's gym. Dalawa kasi ang gym rito, ang kabila ay para sa volleyball's.

Bumalik naman sa normal ang lahat matapos nitong mag-walk out. Inakala siguro nila na may gulong nangyayari, akala ko rin e.

Nakatayo lang kaming dalawa ni Ed at hinihintay ang sunod ng galaw ng bagong kaibigan -- Roni.

Nang pumihit siya paharap sa amin, nagpakawala muna siya ng isang pagod na hininga, "Tara?"

Nababasa ko na naman na malungkot ang mga mata niya, kasama ang pilit na ngiting nakamaskara sa pagmumuka nito.
Hindi naman na tama 'yon.

"Sa Food Park pa rin ba ang deretso mo? Pwede ka rin naman namin samahan ni Vales sa gym. Manonood kami ng laro mo."

Huh? Hoy, Ed, kahit kailan hindi tayo nagpunta ng gym para tumambay at magmukang tagahanga ng mga pawisang tao. Kahit kelan ay hindi kami naging interesado sa mga sports, never, halata naman sigurado sa katawan ni Ed na hindi kami marunong sa mga ganyan 'diba?

"Ayos lang, namiss ko rin naman ang Food Park talaga."

Nagsimula kaming magmartsa habang nag uusap sila. Oo gano'n na nga. Bale ako 'yong tinanong no'ng una kung pwede bang magkaibigan, at si Ed ang pangalawa pero na nasa kaniya lamang ang spotlight.

Hinawi ko ang buhok pababa sa noo.

Ang daming nakatingin sa amin, may mga ilang nagbubulungan pa. Totoo ba? Seryoso? Charming ako at gwapo, oo, kahit ba na ako lang ang nakakaalam no'n, hindi ako magnet sa mga girls. Kaya naman sige, inaamin ko ng medyo sikat si Roni.

"How about you, Vales? Do you usually go to Food Park?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang aking pangalan mula kay Roni. Nag-angat ako rito ng tingin, "Hmm, sige lang."

"Ang tahimik mo 'no?"

"Hehe, medyo."

Sorry, Roni. Wala akong makapal na muka para maging maingay at bida-bida katulad ni Ed. Tamang kwento lamang ako sa utak ko, kahit na nakakabaliw na.

"Gan'to ba talaga siya, Ed?"

Napalingon ako kay Ed na nangingiti, "Oo, gan'yan talaga 'yan, haha! Lalo na sa mga magagandang babae katulad mo."

Hindi ako tinamaan sa sinabi niya kaya naman pinandilatan ko lang siya ng mata. Umayos ka, Ed, sasapukin talaga kita kahit nakakahiya.

Awkward man, binalingan ko pa rin si Roni, "H-Hindi man, maloko lang 'yan t-talaga."

"Hoy, hindi ah! Totoo ang sinasabi ko, Nica. Sa katunayan, no'ng grade 8 kami, mayroong bagong transferee no'n na--"

"Siguro daan nalang tayo sa Food Park para bumili ng gusto niyong bilin at dumeretso nalang sa gym. Tutal nabanggit mo naman kanina na may plano kang pumunta ro'n, 'diba?"

Pinutol ko si Ed dahil sumosobra na talaga 'yang kalbong mataba na 'yan. Oo, kalbo siya.

Imbis makiramdam ang baboy ay humalakhak pa ito. Mamaya ka talaga sa'kin, lulutuin kitang crispy pata.

"Hehe, oo, 'yon talaga ang plano ko actually. It's just I missed a specific food there. Tara? Libre ko kayo."

"Sure!"

Ang Food Park ay mayroong labindalawang stalls, na may iba't ibang miryendeng hinahain. Katulad ng fishball, shawarma, fries, corndog, at kung anu-ano pang trip ng mga kabataan ngayon. Sa totoo lang ay hindi pag mamay -ari ng school ang mga business stalls dito, pero nagbabayad sila ng renta kay Tita bilang siya ang may-ari ng lupa. Hindi man sakop ng school, benta pa rin naman sa mga studyante.

Nang makarating rito ay dumeretso si Roni sa stall kung saan ginagawa at hinahanda ang shawarma.

Masarap 'yong mga hinahain nila, medyo pricey nga lang. Katulad ng inoorder ngayon ni Roni na Chicken Barbeque Cheese shawarma, ang normal nitong presyo sa labas ay halos triple ng presyo rito. Pero dahil nga lahat ng mag-aaral rito ay mayayaman, hindi 'yon problema sa nagtitinda at sa bulsa ng mga mamimili.

Nang iabot kay Roni ang mainit na plastic bag na naglalaman ng tatlong gintong shawarma ay napagdesisyunan naming magmartsa na papunta sa basketball gym, dahil ilang metro lang rin naman ang layo nito sa Food Park.

"Hindi ba kayo dalawa naglalaro? Kahit man lang ibang sports?" ani Roni habang dinudukot ang pagkain mula sa plastic bag na hawak niya.

"Hmm, wala talaga e, ikaw ba? Paano ka natuto magbasketball?" Inabot ni Roni ang mainit na shawarmang nakabalot sa papel. "Magkano 'to? Magbabayad kami ni Vales. Nakakahiya namang nilibre kami ng isang babae," awit ni Ed nang abutin niya ang pagkain.

Tumango naman ako sa kaniya, for the first time, nagkaroon rin siya ng ideya na buong loob ko sasang-ayunan. Nakakahiya kaya malibre ng babae, ka-lalaki pa naman naming tao.

"Please don't mind it, masaya talaga ako na pumayag kayo maging kaibigan ko."

Kahit ba totoo ang lintanya niyang 'yon, hindi ako papayag. Kaya naman dinukot ko mula sa bulsa ang 300 pesos na saktong naroon. "Hindi kakayanin 'yon ng kunsensya namin, Roni."

Mabilis niya naman 'yon tinanggihan, na winagayway pa ang mga kamay sa muka ko. "I'm not receiving any bill from you guys. Gan'to nalang, next time libre niyo 'ko, hehe."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, ba't ba ang extra-extra nitong babae na 'to?

"Gano'n ba? Magbibilang na pala ako ng barya, hehe."

Matapos ang biro ni Ed, narating namin sa wakas ang dapat puntahan -- basketball gym.

Ang covered gym na ito ay may dalawang whole court, may ilang pila ng upuan ang naghahati sa mga 'to. Ang kanang whole court ay para sa mga babae, at ang kabila naman ay para sa mga lalaki.

Nadadaanan ko ito rati pero hindi-hindi ko pinasok, kahit ba may mga interesting na players na bukambibig ng diyaryo at mga studyante.

"First time namin ni Vales rito, nakakahiya pala."

Oo, sobra. Paano ba naman? Pagkarating na pagkarating namin ay nahinto ang mga tao sa mga ginagawa nila saka kami tinitigan ng masama. Lalo na ang mga lalaki.

Hindi ko na kinakaya.

"Hindi 'yan, kung gusto niyo, pwede kayo magstay sa taas para manood habang kumakain."

"Hehe, mabuti pa nga. Mukang ishu-shoot 'yong makintab kong ulo sa ring sa mga tingin nilang gan'yan e. Uy, ikaw bahala sa'min, ah," ani Ed na nagpatawa kay Roni.

"Dude, I didn't know you're this funny. Sige na sige na, akyat na kayo sa taas," binalingan niya naman ako, "Vales, sorry, 'di rin naman 'to magtatagal. Kapag nakipagbati na 'ko sa kanila at nakalaro ng isang laro, uuwi na rin tayo."

Hinawi ko ang buhok pababa sa noo, "Don't mind us, manonood lang kami sa'yo."

Napatitig ako sa kaniya nang humalakhak siya. Wala naman akong sinabing nakakatawa pero ba't gano'n? Ang weird niya na sobra ha.

"Ang cute mo talaga, sige na." Ngumiti siya kay Ed bago kami talikuran, at tumakbo sa grupo niya.

"Tara, par."

Hiya-hiya kaming umakyat sa audience floor ng gym na 'to, kung saan may nangingilan ring tao.

"Uupo ba tayo, par? O standing ovation nalang?"

Hinarap ko si Ed, "Sira ka talaga, aba malay ko sa'yo. Bakit sa'kin mo tinatanong 'yan? Ikaw ang may kasalanan ba't tayo narito."

Lagot ka sa'kin ngayon, ang taras ng bibig mo kanina kay Roni ha.

"Wow, pare, sino bang nagdesisyon na dumeretso sa court pagtapos ng Food Park? Ako ba? Ikaw 'yon."

"Tsk, tsk. Hindi naman talaga natin hilig pumunta rito e, tignan mo ngayon, napipilitan tayong manood sa laro laro niya."

Pinatong niya naman ang mataba niyang braso sa kanang balikat ko para mag-akbay na naman. Sabing mabigat, e.

"Hindi mo ba talaga nare-realize kung ano ang nangyayari?"

"Huh?"

"Tignan mo par, si Nica, sikat 'yan sa campus dati. Pero kahit kababalik niya lang ngayon, nadoble pa 'yong kasikatan niya. 'Di mo ba talaga nakikitaan ng potensyal si Nica?"

Napahilamos ako sa muka, anak ng tinapay, oo. Kurakot talaga 'tong si Ed. Ang buong akala ko ay may balak talaga siyang makipagkaiban nang totoo kay Roni, kaso hindi pala.

Ganunpaman, 'di pa rin ako makasagot.

"'Diba ito ang matagal na nating inaasam? Popularity." Binulong niya sa'king nang swabe ang huling salita. 'Yong bang parang sine-sales talk ka ng demonyo.

"Ed naman--"

Awtimatiko kaming napadungaw sa ibaba nang isang boses ng babae ang sumigaw.

"Screw you and your excuses!"

Pinanood naman ni Ed kung pa'no dinuro at tinulak ng matangkad na babae si Roni, at ang pagsalubsob nito sa sahig.




















































































Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.3K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
373K 25.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
27.6K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...