KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

808K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 21

10.6K 301 42
By Zoenia_01

Paint Cenery

NAPATABI nalang ako sa isang gilid at hindi na nakisabay sa pagtulong nung babae pati na rin ng kapatid ni Roks na lalaki dahil pakiramdam ko masasaktan ko na naman si Roks pag dumampi ang kamay ko sakaniya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil talagang ako na yata ang makakapatay dito kay Captain Bato kapag tumagal. Pakiramdam ko kahit anong oras maari na akong makulong dahil sa kamalasan kong dulot kay Roks.

"Kuya, what do you feel?" sambit nung babaeng maganda. Maingat nilang iniangat si Roks paupo sa kama.

"I'm fine. Why are you both here?" nagangat ako ng tingin kay Captain na nakatitig saakin. Sinipat ko ang kabuaan niya at umaarte na naman siyang walang masakit sakaniya kahit pa lumagapak siya kanina.

"I took her here and since I'm here visit you to check if you're still alive at mukhang buhay na buhay ka naman. You seem so busy huh." sabay na napatingin saakin 'yung babae pati na rin 'yung kapatid ni Roks kaya napaiwas ako ng tingin.

Napayuko at dinamdam ang mabilis na tibok ng puso ko. Hiyang hiya ako ngayon gusto kong magpakain sa lupa para makatakas sa pangyayaring 'to.

"Be honest. What do you feel Kuya?"hinawakan nung babae ang paa ni Roks. Umigting ang panga niya at umiling lang.

"Nothing." napanguso ako dahil nakikita ko sa mata niyang hindi siya ok at may masakit sakaniya. Ewan ko ba habahng tumatagal nakakabisado ko na ang mga kulay abong mata ni Roks kapag galit, malungkot, nagpipigil na sakit at iba pa.

"Kuya, If you keep lyin' your condition can be worsens so it's important to say the truth to properly diagnose the condition and prescribe treatment." giit nung babae. Sa totoo lang ang sungit ng itsura ng babaeng 'to, maganda siya pero laging salubong ang kilay at ang lamig n'yang tumingin. Maganda siya, maputi, matangos ilong at medyo singkit parang may kahawig siya pero 'di ko mapagtanto kung sino.

Sino kaya 'to? Girlfriend ba ng kapatid ni Roks pero kung makapagsalita parang sobrang concern niya naman kay Captain. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang puting blazer na pang doctor at nakita ko ang nakalagay na name plate.

Dra. Reeve Cathalia Grison. Ka-
apelyido niya si Doc Rare? Tama oo nga kahawig niya ng kaunti si Rare. Posibleng magkapatid sila o kaya mapinsan.

Bumuntong hininga si Roks at inilapat ang tingin niya sa babae.
"Reeve, I'm fine." mahinahong sagot ni Captain saka binalik ang tingin saakin.

"When he says that's he's ok. That's true Reeve. He's fine don't worry." napatingin naman ako sa kapatid ni Roks at ngayon kolang napansin na halos magkahawig din sila ng kuya niya, parang mas batang version siya. Parehong kulay abo rin ang mga mata niya kaya talagang nakakamangha 'yun.

Anak ng shooting star, bakit ga-ganda't gwapo ng mga 'to? Literal na nagmumukha akong basahan sakanilang tatlo.

"You should not push him Ma'am, You know his condition, Which is often worse when you try to do that again. It might need surgery if the doctor can't move his worst dislocated bones into their correct positions." mahinahon pero tuloy tuloy na nagsasalita si Reeve na parang teacher na tinuturuan ako. Hindi talaga nakakapagtaka na kapatid ni Doctor Rare.

"S-sorry nagulat lang. Pasensya na talaga." nauutal kong sambit. Hindi ko naman talaga kasi sinasadya na itulak si Roks, sadyang nagulat lang ako sa presensya nila nang makita kami ni Captain na nagtutukaan.

"Don't make a bigdeal, don't scold her. It's just an accident. You both enter my room without my permission, now tell me who's fault it is?" saad ni Roks na nakakunot ang noo.

"Ok, We admit that it's our fault but Reeve is a doctor. It's normal to reprimand or warned her for your condition." sagot naman nung kapatid ni Roks na blanko ang mukha.

Napalunok ako dahil eto na naman po tayo napagitnaan na naman ako ng mga imported na tao na mukhang nagaaway na dahil saakin.

"Tatawagin ko 'yung doctor niya. Pasensya na talaga." yumuko ako saglit at mabilis na lumabas ng kwartong 'yun kahit pa pinigilan ako ni Roks.

Bukod sa tinakasan ko ang kahihiyan at nagawang kasalanan ay tinakasan ko na rin 'yung English-an nila doon baka biglang ako naman ang rumatay sa hospital bed kapag pinagpatuloy ko ang pakikinig sakanila.

Paglabas ko ay sakto namang dumaan ang nurse na umasikaso dati kay Roks."Nasaan 'yung doctor ni Roks?" tinuro ko pa ang pintuan ni Captain. 'Di ko rin naman kasi alam ang pangalan basta ang tanda ko na ang mukha.

"Why po Ma'am?"

"Medyo malakas ang impact ng pagkahulog ni Roks sa kama baka po lumalala na naman ang kalagayan niya?" sambit ko habang nakanguso at pinagdidikit ang dalawang hintuturo ko.

Kumunot ang noo niya at napabuntong hininga pa 'to. "Ako na po bahala, dapat po ginagamit niyo ang intercom sa pagtawag kay Doc para hindi na kayo lumabas pa." akmang papasok na siya sa loob ng kwarto ni Roks pero pinigilan ko siya.

"Ah papasok ka na agad?" nagtataka kong sambit ang akala ko hahanapin niya ang doctor o 'di naman kaya ituturo niya na saakin.

"Yes ma'am, I'll just use the intercom to call Doc Medina ." napatango tango nalang ako ako dahil tama nga naman siya siguro naghihinala niyan sila sa loob na gusto ko lang talagatakasan ang kahihiyan na nadulot ko kasi maari ko nga naman tawagin ang doctor gamit ag intercom.

"Ah gano'n ba, pakisabi nalang kay Roks pupunta nalang muna ako sa tatay ko ha." sambit ko ang akala ko papasok na ang nurse pero hindi naalis ang titig niya saakin.

"Sige po. Nga pala ma'am may chocolate kayo sa gilid ng labi niyo." ngumiti 'to matamis bago pumasok sa loob ng kwarto.

Agad akong napapunas sa gilid ng labi ko at napasapo nalang ako nang makitang may bahid nga nga tsokolate. Anak ng shooting star naman, may ebidensya pa sa ginagawa naming tukaan na may kasamang tsokolate.

Napabuntong hininga nalang ako at
tulala nalang ako nagtungo sa ikalawang palapag ng building kung saan nakalokasyon ang kwarto ni  Tatay.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako nang hindi ko napapansin dahil masyadong lutang ang isip ko sa nangyari kanina sa Private room ni Roks. "Tay!" pinilit kong ibalik ang dating sigla ko ang nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto.

Nginitian naman ako ni Tatay at umakmang yayakap kaya napalapit nalang ako sakaniya para yakapin 'to ngunit narinig ko na naman ang iritadong boses ni Nanay.

"Oh ano ginagawa mo rito? Iniwanan mo si Roks?" napalingon ako kay Nanay at salubong ang kilay niya ngayon. Mukhang galit na galit na naman saakin.

"Nandoon po 'yung kapatid niya." ayokong sabihin na nasaktan ko na naman si Roks dahil natatakot akong sa-saktan niya na naman ako at babatuhin ng mga masasakit na salita. Ayoko nang umiyak pa muli, ayoko na.

"Sinong kapatid? Anong pangalan? Babae o lalaki?" nag iba ang expresyon ni Nanay, mula sa pagkairita ay biglang naging huminahon na may halong pagkainteresado.

"Lalaki po nay, 'di ko po alam kung anong pangalan umalis po kasi ako." tumingin ako kay Tatay na nakikiramdam sa mangyayari dahil tahimik 'to habang nakatingin kay Nanay.

"Bakit ka umalis! 'Di ka man lang makipagkilala? Napakabastos talaga ng ugali mo!" napaawang ang labi ko nang sigawan na naman ako ni Nanay. Wala na akong nagawa kung hindi yumuko. Pilit long iniiwasan na magalit saakin si Nanay pero pakiramdam ko gumagawa talaga 'to ng paraan para pagalitan ako.

Ang akala ko hindi niya ako papagalitan dahil 'di ko naman nabangit sakaniya na nasaktan na naman si Roks. Hindi ko inaasahan na papagalitan niya ako nang dahil sa iniwanan ko si Roks kasama ang kapatid niya.

"Alice! Tumigil ka na sabi! Alam mo ba kung ano ang kabastusan? 'Yun ay ang magstay siya roon at makinig sa paguusaan nila ng kapatid niya! Privacy ang kailangan. Sigaw ng sigaw hindi mo naman alam kung ano ang dahilan bakit narito ang anak mo!" agad ko namang pinigilan si Tatay pero hindi niya ako pinansin, ang nanlilisik niyang mga mata ay nakatuon  lang kay Nanay.

"Tss, ang aga aga h'wag n'yo kong iniinis." hinagod hagod ko ang likod ni Tatay para pakalmahin ngunit hindi siya nagpapapigil.

" 'Yun na nga ang aga aga sinisigawan mo ang anak ko! Napagusapan nanatin 'to Alice. Wala kang karapatang saktan, sigawan at pagalitan ang mga anak natin sa walang kwenta mong dahilan!" kagagaling ko lang sa lugar kung saan nagkakasagutan na ang mga tao kaya agad akong umalis pero hanggang dito din pala ako ang magiging dahilan ng away. Kahit saan nalang talaga ako magtungo wala akong mabuting dulot.

"T-ay tama na po.." nahihirapan kong saad dahil parang nanunuyot ang lalamunan ko at nagiinit ang gilid ng mata ko, pakiramdam kong maiiyak na naman ako.

"Magsama nga kayo d'yan! Tse! Hoy ikaw h'wag mong kakainin 'yan akin 'yan!" tinuro niya pa ang pagkain na nakapatong sa lamesa bago tuluyang lumabas at binagsak ang pintuan.

"Tay kumalma po kayo, hayaan na natin si Nanay." bumibilis ang paghinga ni Tatay at yumuyukom naman ang kamao niya sa galit.

Napapikit pa 'to ng mariin bago bumuntong hininga at dinalat ang mata. "Patawarin mo kami anak.." napatingin ako sa luhang nagsituluan niya sa pisnge kaya nataranta akong pinunasan 'to.

"Para saan Tay? Bakit ka po umiiyak?" puno ng pagtatakang saad ako. Napasinghap ako sapagkat nakakadala ang iyak ni Tatay kaya hindi nagtagal ang kanina kong nagiinit na mata ay may lumabas na rin na luha.

"Aminado ako na hindi kami naging mabuting magulang sa 'yo, patawarin mo 'ko dahil hindi kita nagagawang ipagtanggol minsan kapag sinasaktan at inaaway ka ng Nanay mo pero sana kahit gano'n patawarin mo ang Nanay mo. H'wag ka sana magtanim ng galit sakaniya kahit anong mangyari.." pilit akong ngumit kay Tatay at umiling.

"Tay, kulang ang salitang salamat para mabayaran ko ang lahat ng naging sakripisyo mo para saakin at sa pamilya. Gano'n din kay Nanay, hindi sapat ang salamat at pagbibigay ko ng pera sakaniya dahil nang ipinanganak niya ako ay buhay niya ang nakataya, siyam na buwan niya akong dinala sa sinapupunan niya. Siyam na buwan din sang naghirap saakin. Walang kahit anong galit akong nararamdaman sa puso ko sa kaniya dahil hinding hindo mangyayari 'yun at sa halip lahat ng mga masasakit na salita niya saakin ay ginagamit kong motivation at inspiration para maging matapang sa buhay na gan'to, Mahal na mahal ko kayo ni Nanay kahit anong mangyari." naiiyak kong saad. Buong puso ko sinasabi 'to na walang kahit anong pagtatampo at galit dahil hinding hindi ko gagawin 'yun sa mga magulang kong talagang nirerespeto ko.

"Salamat anak, salamat." niyakap ko ng mahigpit si Tatay kaya unti unti na muling gumaan ang pakiramdam ko.

"Hindi mo kailangan magpasalamat Tay, hindi kabayaran 'tong ginagawa ko, kung hindi obligasyon ko na maging isang mabuting anak na gagawin ang lahat para sa magulang at higit sa lahat isang anak na kailangan walang itatanim na galit sa kanilang magulang, kahit pa na sinisigawan ka, sinasaktan ka dahil tinatak ko lang po sa isipan ko na kayo ang nagbigay ng buhay saakin." kumalas ako sa yakapan namin at pinusan ang luha ko gano'n din ang ginawa ko sakaniya.

"Salamat Anak kahit gan'to lang buhay natin nagawa mong maging isang mabuting anak at kapatid. Hanga ako sa'yo. Mabuti nalang at 'di ka nagrebelde." pilit lang akong ngumiti dahil hindi totoong mabuti ako. Bagamat sa harap ng pamilya ko ay inosente ako pero kapag nakatilikod sobrang dami ko ng kasalanan.

Bukod sa kasalan na tungkol illegal kung gawain noon ay kasama rin ang pagsisinungaling ko at 'di ipinapaalam ang tunay kong kulay kay Tatay.

"Ano ba 'yan si Tatay. Tama na iyakan, pag chikahan natin 'yang buhok mong lalagas na." napatingin ako sa buhok niyang sobrang numinipis na.

Nginitian ako ni Tatay at inayos ang gulo gulo kong buhok. "Oo, ito ang epekto ng chemotherapy anak. Hindi naman porket may cancer ay nalalagasan na ng buhok, ang dahilan bakit nalalagasan ay ang gamutan na ginagawa." seryoso at mahinahon na explensyon ni Tatay kaya napa palakpak ako.

"Wow doctor na doctor ang datingan mo mag explain. Naalala ko tuloy na dati gusto mo nag doctor." kinukwento lagi ni Tatay ang tungkol sa pangarap niya saamin na hindi nya natupad dahil sa kahirapan kaya gusto niya talagang mapagtapos kaming lahat na huling pangarap niya sa buhay ang kaso lang nagkasakit siya dahilan para 'di ko na natuloy ang kolehiyo dahil sinusustensuhan ko ang mga kapatid ko.

"Wala eh, mahirap ang buhay anak at isa pa masaya na ako kahit 'di ko naabot ang pangarap ko kaya nga ang gusto ko mangyari na kayong mga anak ko ang makaabot sa pangarap n'yo, magiging masaya ako dahil 'yun ang huling pangarap ko sa buhay." ngumiti lang ako ng pagkatamis tamis dahil mas lalo akong magpupursige kapag nagsimula na ang pagaaral namin.

"Gusto mo pa ba magaral tay? Kung gusto mo kapag nagkaroon na akong work susuntentuhan ko pag d-doctor mo o 'di naman kaya kapag gumaling na kayo iaapply kita ng scholar sa AKG!" natawa lang si Tatay at inilingan ako.

"Hindi na anak. Masyado na akong matanda at isa pa ang pag d-doctor ay inaabot ng mahigit sampung taon. Idagdag mo pang junior high school graduate lang ako at 'di pa nakapag Senior high baka mamatay na ako pag katapos kong mag aral." napabusangot lang ako kaya mas natawa siya.

Hinalikan ako ni Tatay sa noo at niyakap." Biro lang, mahal ka ni Tatay anak. Mahal na mahal ko kayong lahat na magkakapatid. Kayo ang dahilan bakit ako lumaban."

"Fighting Tatay! Mahal ko rin kayo nina Nanay at mga kapatid ko." hinplos haplos ni Tatay ang buhok ko kaya napangiti ako.

"Siya nga pala, nagpunta si Roi Gin dito kasama ang alagaq mo kanina ang kaso wala raw kayo ni Roks. Saan kayo nagpunta?"

"Ah sa mall Tay, pinayagan siya ng doctor niya na lumabas. Bumili po kasi kami ng susuotin kong dress para sa birthday ni Atarah tapos, bumili rin kami ng damit para kay Roksie pang araw araw po kasi titira na ang alaga ko sa bahay ni Roks." napatango tango nalang siya. Natahimik siya ng bahagya bago bumili nagsalita.

"Sa totoo lang, ayaw kitang makipagsalamuha sa mga mayayaman Anak dahil alam ko ang ugali nila. Bagong mukha ka sakanila at tiyak kasama kasama mo sina Atarah, Rare at Roks kaya mapupunta sa'yo ang atensyon at kapag nangyari 'yun, alam mo kung paano ka nila tatanungin sa background ng pamilya mo." puno ng pagaalala ang mukha ni Tatay kaya siniglahan ko ang boses ko para maibsan ang nararamdaman niya.

"Opo alam ko 'yung mga ganyanan ng mayayaman. Nabasa ko 'to sa mga libro. Kapag tinanong nila kung ano ang background ko edi sabihin ko kung ano. Ayoko ikahiya kung anong meron tayo Tay at sa kung anong pinagmulan ko. Alam mo namang hindi ko hahayang apihin ako ng gani'n gano'n lang. Ako yata si Pintura Senarya na barumbado." ipinakita ko pa kunwari ang muscle ko kaya napangiti nalang ulit siya.

"Alam ko kaya hindi naka angal pa nang sinabi nang Nanay mo kay Atarah na pupunta ka dahil malaki rin ang tiwala ko sa kakayahan mo at paniguradong hindi hahayan nina Roks na maliitin kayo dun."

"Kilala mo 'ko Tay, alam mo namang ayokong nababastos, sexually man o emotionally." napangisi ako nang maalaa ang mga ginagawa ko sa tang nambabastos saakin. Na miss ko tuloy ang gano'ng gawain. Sarap ulitin sa mga taong magmamaliit saakin sa party ni Atarah.

"Siya nga pala, bibisita ang mga kapatid mo mamayang gabi rito. Pagkatapos ng klase nila kasama sina Roi at Gracielle pati na rin apo ko sainyo niyo ni Roks." pangaasar ni Tatay kaya napabusangot nalang ako.

"Tay naman eh.." pang babawal ko pero patuloy lang ang pangaasar ng tatay ko.

Lumipas ang oras at nakikipag usap lang ako kay Tatay, bumalik na rin si Nanay kanina pero hindi niya kami iniimikan patuloy lang siya sa panonood ng TV.

Napatingin ako sa orasan at 2 pm na pala. Siguro wala na ang kapatid ni Roks at Rare? Ilang oras na rin akong nandito mahigit 2 hrs na ang kaso tatawagin naman nila ako kapag tapos na? Nandoon pa ba sila o sadyang ayaw ni Roks na makasama ako dahil sakit lang ang dulot ko sakaniya?

"Tay baba lang po ako sisilipin ko lang si Roks ." dahil hindi na ako makatiis ay gagawa na akong aksyon para mlaman ang sagot sa bumabagabag sa isipan ko.

"Mabuti pa nga dahil naiirata ako sa presensya mo." biglang sambit ni Nanay habang nasa TV pa rin ang kaniyang atensyon.

Napabuntong hininga at mapait akong ngumiti. "Hayaan mo na ang Nanay mo, nag memenopouse lang 'yan."  mahinang bulong ni Tatay kaya natawa nalang ako.

"Balik ako mamaya kapag nandito na po sina Roi." nginitian at tinanguan lang ako ni Tatay bilang tugon kaya tinalikuran ko na sila't tuluyan na akong lumabas.

Naglakad ako at sumakay sa elavator. Nang makalabas na ako ay nagtungo na ako sa kwarto ni Roks. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan nang makarating ako para pakiramdam kung may tao.

At mukhang hindi lang dalawa ang tao sa loob dahil mas dumami ang boses na naririnig ko mula sa loob.

"What are you doing?" napabalikwas ako nang may marinig akong pamilyar na boses na nagsalita

"Ay anak ka ng shooting star, mamatay ka ng potakteng p-nyeta ka!" napahawak ako sa bibig ko nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko.

"So mad?" nakangising sambit ng kapatid ni Roks. Oo tama kapatid niya, ewan ko kung bakit siya nandito ang akala ko nasa loob siya pero teka sino ang mga nasa loob kung nandito ang kapatid ng pasyente.

"Oh, ikaw pala. Sorry nagulat ako Hehe, pinapakinggan ko lang kung nasa loob pa kayo."

"Hahaha, Kuya and Atarah's friend are there." napakunot nalang ako nang noo dahil bigla siyang tumawa na hindi ko inaasahan. Ang akala ko napakaseryoso niya, walang kahit anong black aura na bumabalot sakaniya katulad ng sabi saakin ni Atarah tungkol sa pamilyang Montego.

"Ah sige, Hahaha." nakitawa nalang ako tutal ngayon ko lang naranasan na makitawa sa isang Montego na kilala bilang seryoso bukod kay Roks

Ang akala ko magagalit 'to saakin dahil sa nangyari sa Kuya niya, posible kayang hindi sinabi ni Captain Bato ang tungkol doon sa allergy na muntik ng ikamatay nito.

"Why don't you go inside? I'm sure his friend will surely be happy when they meet you." napangiwi ako at sumulyap sa nakasaradong pinto.

"Ah hindi na, nahihiya ako saka ayoko naman makadistorbo, mukhang ngayon palang kasi sila bibisita simula nang maaksidente ang Kuya mo." napatango nalang siya at ngumisi.

"I see, let's talk in the Garden. Kaya lumabas din ako dahil hindi ako sanay na makihalubilo sakanila." nagisip pa ako ng saglit bago sumagot at sinabayan ang lakad niya papunta ng Garden ng hospital. Ewan ko rin bakit ako sumunod sa kaniya pero mukhang marami naman akong impormasyon na makukuha sakaniya tungkol sa pamilya niya at kay Roks dahil hindi naman 'to gano'n kasungit.

"Eh bakit 'di ka nalang umuwi ang akala ko ba d-daan kalang dito para silipin ang Kuya mo." mapanukso kong tanong naalala ko na naman ang sinasabi ni Atarah na ang pamilya nila ay walang pakialam sa isa't isa kapag may nasaktan, hindi ka nila dadamayan dahil ang gusto nilang bumangon ang mga 'to sa sariling paa. Hindi sila ni-train kung palampa lampa lang at 'di kayanin ang mga sakit na tinamo ng katawan mo. Gano'n daw katigas ang puso ng mga Montego dahil alam at pinag
kakatiwalaan nila ang kakayahan ng bawat isa kaya hindi sila nagaalala.

"I'm waiting for Reeve may pupuntahan pa kami." mapangasar ko siyang tinignan kaya kinunotan niya ako ng noo.

"Nililigawan mo ba? Hatid sundo mo eh, Mukhang bagay kayo. " feeling ko kapag nagkanak sila gwapo at maganda katulad nilang dalawa. Grabe kasi 'yung kagandahang lalaki niya gano'n din si Reeve bagamat ang suplada ng aura mukha pa ring anghel parang ang kuya niyang si Rare suplado pero gwapo.

"It's for our work purposes and beside she's not yet ready with that kind of commitment. I respect her." napangisi ako pero siya biglang sumeryoso ang itsura niya.

"Pero gusto mo siya?" tanong ko pa. Sakto namang nakadating na kami sa Garden ng hospital at nagtungo kami sa mga upuan.

Hindi niya ako sinagot at halip napansin ko lang ang pag igting ng panga niya senyales na  maaring hindi niya ang tanong ko.

"Joke lang, nga pala kamusta si Roks, lumala ba raw ang kalagayan niya kanina kasi natulak ko siya?" napatingin ako sa paligid ng Garden at napangiwi ako na maalala ang senaryo dito kung saan nasabunutan ang katrabaho ni Captain hanggang sa nagkanda gulong gulong si Lola pati na rin si Roks sa lapag dahil sa kasinunglingan ko.

"He's fine, you should not left him. He's worried about you. Sinabi niya sisihin mo na naman ang sarili mo. I don't why he told us that na parang ang lalim ng pinaghuhugutan. Malakas ang pakiramdam ko na bukod sa ginawa mong pagtulak sakaniya ay may ginawa kapang ikinapahamak niya, am I right?" napakagat ako saaking labi dahil mukhang eto na ang oras na pagsasabihan ako ng kamaganak ni Roks at pag planuhan na ikulong nalang ako.

"Huh? Ano ba pinagsasabi mo? Bakit wala bang nabangit ng kahit ano ang Kuya mo tungkol saakin?" pinilit kong ayusin ng boses ko, 'yung normal at walang halong kaba.

"Nothing and He'll not tell that but based on your reaction a while ago, I saw the fear and now I sensed that you're uneasy." unti unting sumilay ang ngisi niya. 'Di ko malaman kung nangaasar o natutuwa  na ang ibig sabihin nun.

"It's your fault why Kuya Roks is here, right?" hindi nakakunot ang noo niya, hindi rin nanlilisik ang mga at mas lalong hindi umiigting ang panga niya dahil sa halip ay hindi niya pa rin inaalis ang ngiti sa labi.

"Patawarin 'di ko naman sinasadya, aksidente ang lahat. Promise, totoo sinsabi ko h'wag mo 'kong pakulong." napalunok ako at ang mga mata ko ay nagma-makaawa sa kulay abo niya ring mata.

" So now you're afraid to be put in jail, huh?" may halong pangasar at  sarkastiko ang tono ng pananalita natigilan ako saglit dahil parang may mali sa sinabi niya. Ewan ko kung nagkamali lang siya ng pagconstruct ng sentence o sinasadya niya. Alam niya ba ang past ko? Nakwento ba sakaniya ni Captain Bato?

"Ha? Anong ibig sabihin?" nagtaka kong sambit pero nginitian niya lang ako

"I'll not sue you, Infact I want to congratulate you cuz you're the first person who put him in the hospital with so many injury. Simula pa nang mga bata kami hindi siya nadadala sa hospital hanggang sa umabot sa puntong naging isang ganap na sundalo na siya." napakagat ako sa labi sa nalaman kong 'yun. Ewan ko ba kung matutuwa ako at ituring na achievement 'yun o maawa saka maguguilty.

"As in hindi siya nasusugutan o nasasaktan? Kapag sinumpong siya ng allergy niya?" puno nang kuryoso kong tanong. Naalala kong ayaw niyang magstay kasi mas nakakapaghina raw dahil buong araw nakahiga at inaasikaso ng mga doctor at nurse maya't maya. Ayaw niya raw ng gano'n mas gusto n'yang nakikipag habulan sa mga rebelde kahit may sakit.

"He can treat himself. He always do the self medication.  We are train to be our strength grows out of our weaknesses or some of our greatest pains become our greatest strengts. Lahat naman kami kailangan matutong gawin ang bagay na 'yun, Part of being Montego is that you need to be strong physically, emotionally and mentally." napakunot nalang ako ng noo dahil masyadong malupit ang pamilya nila, kasi naman paano kung hindi na nila kaya? Hindi rin naman kasing mali na sumuko. Kaya pala si Roks hindi niya pinapakitang nasasaktan siya pilit niyang pinapakitang malakas siya.

"Ahh edi ikaw rin? Kahit nabaril ka na self medication pa rin? Hindi ba dumadating sa puntong susuko kayo? Required pa rin bang pilitin maging malakas kahit nasa bingit ka na ng kamatayan?" sunod sunod na tanong ko, sobrang kuryoso ko na sa pamilya nila at eto ang pagkakataon na libre kong malalaman ang impormasyon tungkol sakanila.

"Our parents taught us that anyone can give up, it's the easiest thing in the world to do. But to hold it together when everyone else would understand if you fell apart, that's true strength. You know, when written in Chinese the word 'crisis' is composed of two characters – one represents danger and the other represents opportunity." napanganga nalang ako sa sinabi niya dahil para siyang Kuya niya kung magsalita, makabuluhan, may aral at parang nag papalakas ng loob.

Tumikhim siya at ngumiti. "Dumating ako sa puntong sumuko ang katawan ko at 'di ko na kaya magpanggap na hindi ako nahihirapan, cuz I admit that I'm not that strong as Kuya. Let's just say namana niya lahat ng katangian sa Lolo at Daddy namin."natahimik ako dahil nakita ko na isang beses na sobrang nanghihina at parang susuko si Roks sa kagagawan ko. Partida, sobrang tatag at lakas niya ayon sa kapatid niya pero nagawa kong palabasin ang kahinaan ni Captain.

"We are talking like this without knowing my name, Hahaha. I'm Sizer Riffles Montego and you?" napabuga ako sa hangin bago ngumiti at inabot ang inilahad niyang kamay para makapagshake hands kami.

"Paint Cenery Ordencial." sagot ko kaya tumango tango lang siya.

"Nice meeting you, Paint. What's your relationship with Kuya?" diretsong tanong nito kaya napalunok ako. Ewan ko bakit lumunok ako ng gan'to, ang dating tuloy parang kinakabahan ako.

"Boss ko siya."

"Oh, boss." ngumisi siya saka tumango  na para bang hindi kumbisado na 'yun lang ng relasyon namin ng Kuya niya dahil nahuli nila kaming naghahalikan.

Bago pa siya magtanong tanong tungkol saamin ni Captain  ay iniba ko na ang usapan. "Sizer parang katunog ng scissor pangalan mo no?" natatawa kong sambit nang mapansin ko 'yun.

"Exactly, it's really a scissor." Potakte, si Roks ay Rocks tapos si Sizer ay Scissor. Ang astig naman ng pangalan nila, sabagay astig din naman ang ang akin kasi Paint, lol.

"H'wag mong sabihin meron pang paper para kumpleto na 'yung Roks, Paper, Sizer." pangaasar ko pero nalaglag ang panga ko nang tumango at tumawa siya.

"Yeah right, our Ate's name is Paper. You find it so funny but our second name is cool it was named after the types of firearm. Musket, Riffles and Howitzer." napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga pinagmulan ng pangalan nila.

"Anak ng shooting star ang cool kaya no! Hindi naman nakakatawa ma Roks, Paper, Sizer tapos isama mo pang klase ng baril ang pangalan n'yo. Mas nakakatawa nga pangalan ko e, Pintura amp." natatawa kong sambit pero sumeryoso lang ang mukha niya at umigting ang panga nito.

"Your name is beautiful like you." unti unting sumilay sa labi niya ang matamis na ngiti. May napapansin ako, masyado siyang palangiti at magaan ang aura niya taliwas sa sinabi ni Atarah noon saakin tungkol sa pamilya ni Roks.

"Alam mo sabi ni Atarah nakakatakot daw kayo bakit parang hindi naman? Ang bait nga ng aura mo. Hindi ka mahirap makavibes, bakit niya kaya sinabi 'yun?" puno nang pagtatakang tanong ko. Baka nagkamali lang si Atarah? O sadyang sinisiraan niya lang saakin ang pamukya ni Roks? Pero bakit niya naman gagawin 'yun?

"I'm different, I'll show my black and serious aura when I'm working." napa 'ahh' nalang ako. Siguro nameet ni Atarah si Sizer nung mga oras na nagt-trabaho 'to? O 'di naman kaya talaga si Sizer lang ang hindi nakakatakot.

"Ano ba trabaho mo?" kuryuso kong tanong habang pinaglalaruan ko ang mga bato gamit ang paa ko.

"I'm a Detective." natigilan naman ako sa sinabi niya, kaya pala parang nababasa niya ako nang gano'n kabilis. 'Yung tipong kung tumingin siya parang laging mapanuri.

"Totoo nga? As in? Lahat ba talaga kayo sa pamilya, public servant? Mga pulis, sundalo at iba pa?"  paninigurado ko, mukhang hindi ko nga talaga makakasundo ang pamilya niya kapag nagkataon, mahirap pagkatiwalaan dahil hindi ako sigurado kung totoo bang hindi sila Tuta ng mga politiko at iba pang mayayaman.

"Yes, My brother didn't mention that?" hindi pa nabangit mismo ni Roks pero Atarah, Amirah at Roi ay nasabi n saakin.

"Alam mo bang pahirapan kasi kumuha ng impormasyon dun. Masungit tapos madamot. Lagi niyang sasabihin na it's not your bussines, mind your own business." ginaya ko pa ang postura, expresyon at ang maotoridad na boses ni Captain kaya tawang tawa naman si Sizer.

"Really?"

"Oo basta nakakainis siya, gano'n ba talaga siya? Syempre alam kong matic na nasa dugo niyo n'yo 'yung serious aura pero kasi sabi nung kaibigan niya hindi naman daw masungit si Roks, palangiti raw 'to, gentleman gano'n." minsan gentleman at nginingitian niya naman ako pero madalas namang sinusungitan.

"He's not gentleman at you? Hindi ka ba niya ngingitian?" nagtatakang tanong nito. Umiling nalang ako at inilibot ang mata ko sa buong garden para pagmasdan ag magandang tanawin.

"Minsan kaso madalas tinotoyo siya. Basta pabago bago mood. Bipolar yata 'yun no?" ako rin naman kasi hindi ko maintindihan ang si Captain dahil minsan sweet tapos biglang magsusungit. Ngingitian niya ako sa iglap biglang malamig na naman siyang tumingin.

"He's gentleman but he's so strict and cold but it changed when he met his first love. Do you know about that?" napaawang ang labi ko at gusto ko nalang na matawa dahil pang pocket book lang ang peg 'yung story na masungit at cold ang lalaki biglang nagbago dahil nakilala niya ang mahal niya and kaso sad ending ang story nila kasi hindi sila nagkatuluyan sa hulu. Hahaha. Awitize

"Oo naman, Si Atarah 'di ba?" sinipat niya ang magiging reaksyon ko at ngumti na naman siya. Jusko, bakit ang gwapo nitong si Sizer.

"Yeah, sa pagkaalalam ko he show that kind of personality only in his friend, love ones and ofcourse for the people who deserve that kind of treatment." gusto kong maiparap dahil mukhang wala naman ako sa tatlong 'yun dahil hamak na trabahador niya lang ako.

"Kung sabagay, trabahador niya lang ako. Walang special dun HAHAHA." pinilit kong tumawa para hindi bumigat ang atmosphere. Ewan ko ba bakit ko na feel na bumibigat ag dibdib ko. Yawa, ang weird.

Nagpatuloy kami sa paguusap  sa mga bagay bagay.  Halos kinukwento niya tungkol sa pag d-detective nito na talagang nagustuhan ko dahil ang astig lang. Sa sarap ng pagkukwentuhan namin hindi na naming namalayan na isang oras na pala kami naguusap kung hindi lang tumawag si Reeve.

"I think I need to go. Reeve is calling." saad niya habang nakatitig 'to sa telepono niya.

"Sige bye!" sambit ko dahil hindi pa rin ako umaalis sa pagkaupo samantalang siya ay handa nang umalis.

"Hindi ka sasabay? I'm sure uuwi na rin sila." umiling lang ako at sinenyasan siya na umalis na.

"Hindi, sige mauna ka na."

"You sure?" mapanuri niyang tanong kaya ngumiti ako at nag thumbs up lang ako.

"Oo. Ingat!" bumuntong hininga siya at tumango bago tuluyan siyang tumalikod saka naglakad palayo saakin.

Nang makaalis siya at medyo nakalayo layo na ay sumunod na rin ako kaso medyo patago. Nahihiya kasi akong magsabay kami dahil paniguradong makikita ako nang mga kaibigan nina Roks, at talagang nahihiya ako.

Lakad lang ako nag lakad hanggang sa malapit na ako sa kwarto ni Roks kung saan lumabas sina Dawina, Ranch, Reeve, Amirah, Atarah, Rare, Mikee na founder nung foundation para sa hayop pati na rin 'yung mukhang hapon na Kenji ang pangalan tapos may isa pang babae at dalawang lalaki na hindi ko na kilala.

Tuluyan na silang naglakad palayo mula sa kwarto ni Roks kaya ako naman ay akmang papunta na ng kwarto ni Captain Bato nang makasalubong ko si Nurse Jacques.

"Oh nandito ka pala Paint. Pinapatawag ka ni Captain Roks. Nasaan pala ang chocolate ko?" inilahad niya ang kamay niya habang nakabusangot. Hinampas ko lang 'to at inirapan.

"Eh kita mo ngang may bisita siya kaya 'di ako nakapasok sa looh. Mamaya na hahatiran kita marami." umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko at napapalakpak pa. Parang bata 'tong duwag na 'to.

"Sabi mo 'yan ha. H'wag lang talkshit halimaw, Sige na pasok ka na." inirapan ko nalang muli siya at pumasok na ako sa loob ng kuwarto. Naabutan ko naman si Roks na nakahiga at nakapikit habang minamasahe ang sintido.

"Hoy!" pagtawag ko sakaniya nun ay binuksan niya ang mga niya at pinilit niyang umupo sa kama.

"How are you? Are you not feeling well? Did you cry again?" sunod sunod natanong niya at bakas sa mukha niya ang matinding pagaalala.

"Wow, dami tanong. Ilang oras lang tayo nagkahiwalay miss mo na aki agad. Oo naman saka bakit hindi ako magiging ok at iiyak?" tanong ko saka naupo sa kama ko. Napatingin ako sa mga gamit na pinamili namin kanina, maayos na 'tong nakalagay sa gilid mukhang inayos mismo nung mga bisita.

" I thought--I mean urgh, nevermind." hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin kaya inis na napabuntong hininga siya. Oh ayan naang sinasabi ko eh, matoyo siyang lalaki. Kanina concern siya ngayon nag start na naman magsungit.

"Ah 'yung kanina? Syempre kinabahan ako no pero sinabi naman ni Sizer na ok kalang kaya nakahinga ako ng maluwag." kumunot ang noo niya at nagtiim ang bagang niya habang diretso ang tingin saakin.

"So, you two talked?" pinanliitan ko siya nang mata dahil ang tigas at diin ng pagbato ng salita niya.

"Oo, sarap nga niya kakwentuhan. Ang astig niya pa, Detective pala siya no! Ang gwapo rin." ngumingiti kong saad at nagningning ang mata ko nang makitang dumidilim ang paningin niya at pinapagalaw na naman ang panga.

"He's younger than you and you're not his type." diretsong saad nito kaya naginit na naman ang ulo ko sakaniya.

"Ano ba pinagsasabi mo? Epal ka ghorl? 'Di ko naman siya jojowain saka paano mo nasabing hindi niya ako type aber! Wala kang alam sa nararamdaman niya! Paano kapag sinasabi kong pinagusapan namin ay tungkol sa pagpupuri niya saakin? Sinabi niya na hindi malabong magustuhan niya ako? At alam mo bang hinalikan niya ako!" inis na sambit ko dahil lagi nalang siyang gan'to pinapamukha niya na hindi ako gusto ng isang tao kala mo naman kontrolado niya ang nararamdam ng kapatid niya.

"You're lying." madiin niyang usal.
Totoo naman na nagsisinungaling ako sadyang ayoko ng maapakan ang ego ko kaya nasabi ko ang bagay na 'yun.

"Nagsasabi ako ng totoo! Nasa sa'yo kung ayaw mong maniwala, Tss!" umirap ako at sakto naman na biglang nag ring ang telepono ko kaya agad ko 'tong nilabas at lumaki ang ngiti ko sa labi nang mapagtanto kung sino ang tumatawag.

"Who's that? Why are you smiling like an idiot?" nagpipigil na tanong ni Roks kaya pinaikutan ko lang siya ng mata at sinagot ang tawag

"Hello Direk Atlas, kamusta shooting?" malutong kong saad para naman si Captain ang mapikon ngayon at mukhang nagtatagumpay naman ako dahil naririnig ko ang mabigat na paghininga nito at walang tigil na pag igting ang panga habang matalim na nakatingin saakin.

[ We're doing good we're almost done. How about you? Hindi mo sinasagot ko ang mga message ko. Are you busy? ]

Ang ganda ng timbre ng boses niya kapag nagsasalita, paano pa kaya kung kumanta siya. Maganda kaya boses ni Atlas? "Pasensya na, busy kasi ako kanina kasi 'diba. Inalalayan ko 'yung boss kong may TOYO." diniinan ko ang salitang toyo dahilan para mapasinghap sa inis si Roks samantalang ako enjoy na enjoy lang na nakikitang napipikon siya dahil nagsasalita ako ng kung ano anong masama tungkol sakaniya sa  hindi niya kavibes na si Atlas sa mismong harap niya pa.

[ Hahaha, so kailan tayo lalabas? ]

"Uhm, siguro next week na. Ok lang sa'yo?" sambit ko dahil mukhang matatagalan ang gagawin kong instant Yaya nitong si Manok.

[ Sure, I'll wait for you.. ]

Sasagot pa sana ako nang may magsalitang ibang babae sa kabilang linya.

[ Direk! May naghahanap po sainyo. ]

Napabuntong hininga si Atlas sa kabilang linya bago nagsalita.
[ I'll call you later, ok? Tell me if you're busy or not. ]

Ngumiti ako nang matamis kahit pa 'di naman niya makikita ang reaksyon ko. "Sigeee!" masigla kong sagot saka ko binaba ang phone.

"Oh ano tinitingin tingin mo d'yan?" tanong ko kay Roks na nakatitig lang saakin ng malalam.

Bumuntong hininga siya at may kung anong pinindot sa telepono niya saka itinapat sa tenga niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin saakin.

"Did you Kiss Paint?" saad niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil mukhang si Sizer ang tinatawagan niya.

"Hoy!" pagpipigil ko pero naestatwa sa kinauupuan ko. Gusto ko siyang batuhin o itulak dahil nakakahiyang icomfronta niya ang kapatid niya sa kasinungaling ko ang kaso ayoko na siyang saktan. Anak ng shoiting naman mapapahiya na naman ako.

"D-mn you! Don't you ever show your f-cking face here." napakagat ako sa labi at napapikit ng mariin ng umalingaw ngaw ang maotoridad na boses ni Roks.

"Hoy anong sabi niya? May inamin ba?" kinakabahan tanong ko dahil ngayon parang sobra sobra ang pagkabadtrip niya.

"Do you think, I'll curse hard and be mad like this if he didn't?" napakamot  ako sa pisnge ko dahil 'di ko maintindihan. Inamin ni Sizer na nag kiss kahit hindi totoo? Bakit?

"Come here." mababang boses na saad ni Captain pero umiling lang ako ay ayaw lumapit sakaniya.

"Ano gagawin mo?"

Pinaglaw niya ang panga niya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya. "Let's make a new rule, an agreement." mahinahon na saad niya kaya wala na akong nagawa kung hindi lumapit sa kama niya at naupo sa tabi nito.

"Ha?"

"Closer." utos niya kaya nag indian seat ako sa harap niya at lumapit pa sakaniya habang palunok lunok at tinitigan ang nag a-apoy niyang abong mata.

"I don't want anyone else to kiss you here." hinalikan niya ako sa noo kaya ako napabilis ang pagkurap ko habang nakatingin sakaniya.

"Here." hinalikan niya ako sa pisnge habang iinipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

"Here." sunod naman na dimampi ay sa tungki ng ilong ko at kinutuban na ako kung saan muli 'to susunod na dadampi.

"Especially here, your lips were made for me, Cenery.  This beautiful lips of yours belong to pressed up againts mine." mabilis na dumampi ang mainit niyang labi saakin kaya napikit ako at mapungay pungay ng idinalat nang linayo niya ang labi niya.

"Oh sige pero dapat ako lang muna ang hahalik d'yan hanggat ako pa ang Kiss slave mo, naiintindihan mo?" bigla ko nalang sambit habang hindi inaalis ang tingin ko sa mapula pula niyang labi na sobrang nakaka adik.

Hinawakan niya ang baba ko para mag angat ang tingin ko sakaniya at pagkatapos ay hinaplos haplos niya ang pisnge ko "Easy, I'm faithful to your lips because you're my first kiss. Ang beside I'll never kiss anyone else cuz when your lips touch mine, I feel the ground below me melt away and time stops for that moment." napangiti nalang ako at sinalubong ang mapungay pungay niyag mata.

"Alam mo bang ikaw rin ang first kiss ko? First kiss natin ang isa't isa sa maling lugar at maling oras." natatawa kong saad nang maalala ko ang unang halik namin sa bar kung saan ko siya nanakawan. Hindi ko rin expect na first kiss niya ako.

"I don't care about that the important here is that I taste the sweet lips of your, I saw your sparkling eyes, beautiful smile and your entire being just hypnotize me with feelings I adore." natahimik ako dahil biglang bumilis ang tibok nang puso ko sa sinabi niya at nagagawala ang mga bacteria sa tiyan ko lalo pa nang halikan niya muli ako ng masuyi.

"I kissed you every minute and I obey your lips but please could my lips touch yours just one more time? Then another, and another." bulong niya sa pagitan naming labi. Napangisi ako at bahagyang lumayo sakaniya.

"Tse, alam mo kung cha-chansing ka nalang ituloy nalang natin ang challenge pero dapat ilock na natin ang pinto ok?" gusto kong maglapat muli ang labi namin na hindi ko nilalabag ang sarili kong rules  sa pamamagitan ng pagtuloy sa Candy Kissing Challenge namin.

"Saglit kamusta nga pala bumisita kaibigan mo happy ka naman?" tanong ko at bumaba sa kama niya para ilock ang pinto mahirap na biglang may pumasok na naman.

"Yes, Ranch and Dawina are here too they are looking for you." sagot niya at ako naman ay kinuha muli ang mga chocolate na nakalagay sa lamesa saka tuluyan ng bumalik sa pwesto ko kanina na nakaindian seat sa harap ni Captain.

"Oo nga nakita ko kanina kaso 'di ako makalapit. Nahihiya ako sakanila."

"You met them already right? And besides makakasalamuha natin sila sa party ni Atarah." napanguso ako dahil tama naman siya ang kaso nahihiya talaga ako kanina. Ang gaganda't gwapo tapos ang yayaman pa.

"Kaya nga, e." bumuntong hinga nalang ako at nakalimutan at pilit na iniabot ang pang piring na nakalagay sa table na pagitan ng hospital bed n'ya pati ang kama ko. "Game na. Roks, Paper, Sizer tayo." pinagtaasan niya lang ako ng kilay at pinagtawan ko lang siya dahil napansin niya ang ginamit kong salita.

Nag Rock, Papers, Scissor na kami at siya ang nanalo dahil gumamit siya ng bato at ako naman ay gunting. "Oh panalo ka, ang cool ng name n'yong magkakapatid. HAHAHA. Sige sabihin mong hindi Bato ang pangalan mo ngayon eh dun naman kinuha." pinaliitan niya ako nang mata habang pinapagalaw ang panga nito.

"Sounds like Rock but not Rock ok? It's Roks." madiin niyang wika pero nginitian ko lang siya ng matamis.

"Bato." malutong kong wika habang pinipiringan ang mata ko kaya 'di ko nakita ang pikon niyang reaksyon.

"Game na?"

"Yeah." sagot niya kaya lumapit na ako sakaniya at dinampi ang labi ko sakaniya, sa pagkakataong 'to ay hindi  ko mapagtanto kung ano 'yun kaya natagalan ang pagstay ng labi ko sa labi niya. Hindi niya naman ako binawalan dahil mukhang gustong gusto pa ng manok na 'to na walang tigil ang ginagawa kong paghalik sakaniya pero hindi rin nagtagal ay nahulaan ko.

"Reese." saad ko saka inalis ang piring ko at napahiyaw ako sa tuwa dahil tama ako.

"Ikaw na." saad ko at siya naman ang piniriningan. Pinili ko ang ang chulilops na candy na flavor apple.

"Game." saad ko. Inalalayan ko ang mukha niya na lumapit saakin. Dinampi niya ang labi niya saakin bago lumayo at nagisip ng saglit.

"I don't know what it is. Binili ba talaga natin 'to?" iritado niyang saad.

"Oo tanga." nakangisi kong sambit. Pinapagpatuloy niya ang pagpapak sa labi ko at nakakahalata na ako dahil ang tagal tagal niya bago mahulaan.

Nagulat ako ng kagatin niya ang labi ko kaya napaawang 'to dahilan para pumasok ang dila niya sa loob at kinuha ang candy sa bibig ko.

"Lollipop candy." proud na sagot niya saka inalis ang piring habang hindi lnaalis ang ngisi sa labi niya.

"Mali!" sambit ko. Patuloy lang kami sa paglalaro at sobrag nag enjoy kami sa simpleng laro na 'yun. At sa kalagitnaan ng laro namin kung saan si Roks ang nakapiring at hinahalikan ako nito ng masuyo at puno ng init nang biglang may kumatok na naman pero hindi pinansin 'yun ni Captain.

Parang hindi na kami naglalaro, literal na naghahalikan na kami ang kamay ko ay gumagapang sa dibdib  niya dahil sa kakaibang sensasyon na hatid niya na isa sa mga mga bawal sa rules ko.

"Ma'am, Sir papalitan na po 'ying Dextrose ni Sir Roks." rinig ko mula sa labas kaya kahit ayaw ko pa ayaw ko pang putulin ang nangyayari ay humiwalay na ako dahil napansin kong paubos na nga ang  dextrose niya.

"F-ck." iniwas na wika ni Roks laya binigyan ko 'to ng mabilis na halik sa labi.

"Stop, Hinay hinay lang kakatuka, Manok. Marami pang oras mamaya." saad ko sala hinaplos haplos ang pisnge niya.

______________________________________
Nyang note: Three UD for today! Natambak dahil sira si Watty at hirap akong ipub, but anyway Enjoy reading!

Don't forget to vote and leave a comments.

Continue Reading

You'll Also Like

BROKEN LUST By Y A N A

General Fiction

6.2K 198 11
❌ WARNING | SUPER SPG! ❌ Please do not read if ypu are sensitive Started: May 30, 2022 What would you do if one day, you just found yourself as the s...
3.4M 45.5K 26
SAVED BY SEX GOD FIRST SEQUEL :) Sabrina Williams stop believing in happy ending after the fatal accident that killed the man she loved happened .. p...
18M 146K 64
"Marunong ako mag-seryoso ng babae....... At yun ay pag nasa kama kami." -Bryan Cortez
546K 1.4K 4
Series #2: BLAKE LAWRENCE SARATOGA Lawrence is one of the 7 founders of Recuerdo de Amor Island. He's the happy-go-lucky guy & the youngest in the g...