Rule #1: Rule of Fate

By redvelvetcakes

142K 3.1K 827

Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if... More

Prologue
[1]
[2]
[3]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[38]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

[31]

2K 47 21
By redvelvetcakes

"Babe, are you really sure about this?"

I don't know kung ilang beses ko na naitanong 'yan kay Kale. I just wanted to be sure.

He looked at me and held both my shoulders.

"Babe, I told you. I'm sure. Ikaw na rin nagsabi diba? You want me to meet your friends, so I want to meet them too."

I nodded. Okay. I'm sure now. For some reason, I feel a little bit uneasy. Siguro, dahil nandun si Gray? I would remember all the times that Kale begged me to choose him, but I repeatedly chose Gray. Siguro nga, mahal na mahal ko siya noon kaya kahit magpakatanga pa ako at masaktan para sa kanya'y balewala lang sa akin.

"Okay. I'm just a little bit nervous." I honestly told him.

He raised his brow at me, and gave me a look. I quickly understood what that expression meant.

"Not because he's there...ha." agap kong sabi.

He just chuckled and pulled me closer to him. Niyakap niya ako ng mahigpit, wag nalang kaya kami umalis?

"Can we just stay here?" I asked him.

He looked down on me, while my arms are wrapped around his waist.

"We're gonna meet your friends," he told me.

I pouted. He just laughed again before kissing me. Everytime we do this, while standing, hirap na hirap ako. Ang tangkad niya kase! Tapos ako, halos 5'3 lang. Malapit na kaya siya sa 6 flat.

"Hmm. Nasira ata ang lipstick ko," sabi ko sa kanya.

He stared at my face, grazing his thumb on my lip. Mukhang may kumalat na ngang mga parte ng lipstick ko sa mukha ko, dahil nakikita kong may iilan din na nasa mukha niya.

"Sorry, I just can't get enough of you," he whispered.

I chuckled, fighting the urge to kiss him again. Kung maghahalikan na naman kami dito'y baka di na nga kami tuluyan makaalis.

"Well, let's fix that first," sabi ko.

After re-applying my lipstick and wiping some of it off of Kale's face ay tumungo na kami sa venue. Hindi naman lahat nung block namin ay nandun, pero 'yung madalas lang din namin makasama sa inuman.

"You drink a lot, during first year, huh?" Kale asked me, as he held my hand.

Tumango ako. Remembering how every month, may inom kami. Good times.

"Yep, it's also a way to alleviate stress in school, at saka masaya rin kase kasama 'yung mga 'yon, I'm sure, matutuwa ka rin sa kanila!" I told him.

Pagkapasok namin sa venue, ay halos nandoon na ang lahat. Nagtatawanan na sila at nagkwekwentuhan. Pinasara din kase nila ang restaurant para daw may inuman din pagkatapos. Mga 'to, talaga, inom pa rin.

"Liliana!" Derek shouted.

Napatingin naman sila sa akin kaya napangiti ako. Halos magsasampung taon na rin pala nung huli ko silang nakita.

Lumapit agad sa akin sina Lester, Derek at Mason. Kitang-kita ko naman kung gaano sila nagbago mula nung huli ko silang nakita.

"Liliana, tagal mong hindi nagpakita ah?" sabi ni Lester.

I smiled. Halos lahat na rin nung nasa table ay nakatingin sa amin.

"Oy! Kale diba, pre?" tanong ni Derek kay Kale. "Nagkita tayo noon! Sa mall, nung kasama mo si Lia!"

Tumango si Kale at ngumiti sa kanila. Nagkatinginan muna kami bago siya naglahad ng kamay sa kanila. Tuwang-tuwa naman sila na nakipagkamay kay Kale.

"Ikaw na 'yung fiancé ni Lia, diba? Sigurado ka na ba dyan, tol? Nanakit 'tong si Lia eh!" malokong sabi ni Lester kay Kale.

Kale looked at me, trying not to laugh while I just pouted.

"Alam mo, Lester. Hanggang ngayon, gago ka pa rin." sabi ko sa kanya at inirapan nalang siya.

Tumawa naman siya. "Hindi mo na ba ako hahampasin? Dati, halos araw-araw mo na akong hampasin ah,"

"Iniinis mo kase ako, kung hindi mo naman ako iinisin hindi naman kita hahampasin," sabi ko at akmang hahampasin na naman siya kaya umilag siya sa akin.

Tumingin naman si Lester kay Kale na parang humihingi ng tulong.

"Bro, 'yung mapapangasawa mo oh, kung ako sa'yo, mag-isip ka na kung papakasalan mo 'to, napaka-violent." sabi niya na nakayakap sa sarili.

Tumawa naman si Kale at umakbay sa akin. I just made a face at him. Tawa naman nang tawa sina Mason at Derek sa kanya. Walang pinagbago.

"Mason nga pala, pre." pakilala ni Mason kay Kale. "Nagkakilala na tayo nung sinundo mo si Lia, dati."

Oo nga pala nagkakilala na rin sila nung minsan na sinundo ako ni Kale.

"Oh, nice to see you again," Kale said, smiling.

Tumawa naman si Lester, nagkatinginan naman sila ni Derek na parang may kalokohan na naman na naisip.

"Nako, Kale. Bantayan mo 'yang si Mason. Crush na crush kaya niyan si Lia nung first year," sabi ni Lester.

Sinamaan naman namin nang tingin si Lester. Tumawa lang naman ito. Si Derek naman, umiling-iling lang.

"Gago," mura ni Mason sabay batok dito. Napahawak nalang naman si Lester sa ulo niya. "Ano ngayon? May asawa't anak na ako, tsk."

Umawang ang labi ko. Grabe, halos lahat na sila may mga asawa't anak. I could see some unfamiliar faces on the table too. Wow, time really went fast for us.

"Sus, dati nga diba, lagi mo pinagseselosan si Gray dahil—"

Tinakpan ni Derek ang bibig ni Lester para hindi na ito magsalita. Hindi ko alam kung nalaman din ba nila na gusto ko si Gray noon. Siguro? Barkada nila si Gray eh, at saka pakiramdam ko nga'y halata ako.

Tumingin lang naman sa akin si Kale. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya, pero inaasahan naman namin 'to.

Pagtingin ko naman sa likod ay wala pa nga sina Gray at sina Sheryl. Baka sabay-sabay sila.

Mason and Derek awkwardly glanced at us, while Lester is trying to remove Derek's hold on his mouth.

"Nikka! Asawa mo oh, napakakulit na naman!" sigaw ni Mason.

My eyes widened. Si Nikka at si Lester ang nagkatuluyan?

Alam ko naman na sila nung college... pero hindi ko aakalain na sila talaga ang magkakatuluyan... wow.

"Lester! Tumigil ka nga dyan!" rinig kong sigaw ni Nikka habang papalapit. Binatukan niya ito at napa-aray naman si Lester.

"Love, naman." he said. Inirapan siya ni Nikka at bumaling nalang sa akin.

Agad naman siyang ngumiti at niyakap ako. Isa rin si Nikka sa mga mababait na nakilala ko. Sobrang mabait, at matutulungin. Kaya crush na crush ni Lester 'to, noon eh.

"Lia! Na-miss kita!" she exclaimed. Napunta naman ang tingin niya kay Kale.

"Uh, si Kale. Fiancé ko." pakilala ko sa kanya.

Ngumiti si Kale at naglahad ng kamay kay Nikka, parang natulala naman si Nikka sa kanya. She looked at me and mouthed something. 'Gwapo'

I chuckled, as she accepted his hand with all smiles.

"Hi! I'm Nikka. Sorry sa ugali nitong asawa ko, ha? Gago talaga 'to eh." Nikka said.

Tumawa naman si Kale. "It's okay,"

Ngumiti naman ulit si Nikka, sabay bitaw sa kamay ni Kale, nakita ko naman ang matalim na tingin ni Lester sa asawa.

"Makangiti ah, tsk. Porket gwapo," rinig kong bulong ni Lester.

Sinamaan lang naman siya nang tingin ni Nikka at ngumiti sa amin.

"Tara, upo na kayo! Sigurado, gutom na kayo 'no?" she said.

We both nodded. Hindi rin naman kase kami nagdinner dahil nga pupunta kami dito. She guided us to the table. My blockmates greeted me and told me how much they missed me. They also congratulated me for being a doctor and for my engagement to Kale. Ipinakilala ko rin siya sa kanila and so far, he's vibing with them. Napakasociable kase ni Kale eh, kahit saan mo ata 'to ilagay magkakaroon pa rin siya ng kaibigan.

Dumating na rin sina Allie at Yasmin na sabay. Wala akong naging balita sa kanila kaya naman tuwang-tuwa sila na makita ako.

"Lia, balita ko, engaged ka na daw? Congrats!" she said, tumingin din siya kay Kale. "Hello! Naalala mo pa ba ako?"

Tumango si Kale at ngumiti. "Allie, right?"

Tangong-tango si Allie na para bang kinikilig. Lumapit siya sa tenga ko para may ibulong.

"Lia, ang gwapo talaga sobra nung magiging asawa mo! Boses palang, shet." bulong niya sa akin.

Tumawa ako. Dati pa siyang gwapong-gwapo kay Kale. Sobrang gwapo naman talaga nitong si Kale. Siya 'yung tipo na pagkasama mo sa mall, mapapalingon ang mga babae. Kahit pa kasama ang mga boyfriend nila. Ganon siya ka-gwapo.

"Nako, may mga late." sabi ni Derek sabay tingin sa likod.

"Guys!"

I froze in spot when I realized it's Sheryl's voice. Ibig sabihin... sabay-sabay silang pumunta dito.

I glanced at Kale who's chatting with Blue. Napatingin din naman silang dalawa sa dumating, This is the thing I fear the most.

"She! Gray! Kuya Greg, uy!" bati ni Lester sabay tayo, para salubungin sila.

Tumingin lang naman sa akin si Kale. This is the first time that I'm in the same room with the two of them. Alam ko naman na wala akong dapat ipagalala, pero ewan ko. Kinakabahan ako.

"Shet, okay lang ba?" bulong ni Allie sa akin, na may pag-aalala.

Siya lang rin pala ang tunay na nakakaalam sa nangyari sa amin ni Gray. Sa kanya ko rin kase nasabi na umamin ako.

"Ayos lang siguro," sabi ko. "Matagal na 'yun."

She nodded. I held onto Kale's hand and smiled at him. Tumingin lang naman siya sa kamay namin bago ngumiti ng tipid.

"Lia! Buti talaga nakarating ka!" Sheryl said and kissed me on the cheek. Ngumiti naman ako pabalik. She looked at Kale with a smile. "Hi, Kale! Buti nakarating ka din!"

Kale smiled at Sheryl, giving her a small nod.

Napatingin naman ako sa likod at nakita ang matalim na tingin ni Gray at nung kuya niya. I don't know if it's directed at Kale or at the two of us.

Tumayo si Kale at ngumiti kina Greg at Gray.

"Kuya Greg, Gray." he greeted.

Gray's gaze went from me to Kale, down to our fingers. Hindi ko maiwasan ang mailang sa mga tingin niya.

"Kale," Gray greeted and took a step towards us. His eyes are fixated on me, as he did that. "Congratulations on your engagement," he told Kale.

Kale smirked. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa ngayon. Why is this so awkward?

"Thank you, ikaw?" tanong ni Kale sa kanya.

Gray had a sarcastic smile on his face, while Greg is just observing the two. There's something about Gray's brother that's bothering me. Parang may galit kase siya kay Kale.

"I don't have a wife or a girlfriend, if that's what's you're trying to ask." Gray said, as his eyes went to me.

Kale must've noticed that Gray's eyes kept on coming back to me, so he grabbed my hand and played with it. Greg looked like he tried not to laugh, while Gray is just staring at our hands.

"H-Hello," bati ko.

Gray continued to stare at me as Kale played with my hands. Pakiramdam ko'y sinasadya niyang gawin 'yun para makita ni Gray.

"Wait, kain na nga tayo! Gutom na ako!" sabi ni Sheryl, breaking the tension.

Kung sinusuwerte ka nga naman, at talagang sa harap pa namin ni Kale umupo silang tatlo!

My blockmates asked me a lot of questions, like kailan ang kasal, kailangan balak mag-anak, how's life as a doctor and all that. Me and Kale just answered everything they asked. Medyo awkward nga lang dahil tingin nang tingin si Gray sa akin.

Nung matapos naman ang dinner ay nilabas na nila ang mga inumin. Kale would sometimes whisper to my ear, and I would just reply back like that. Hindi ko alam kung paraan niya 'yun para ipakita kay Gray, oh sadyang gusto niya lang gawin.

Pero bakit niya naman gagawin 'yun para ipakita kay Gray? Hindi naman ako nagustuhan ni Gray. I'm sure of that because he told me that Sheryl is the one he likes.

"Sayang, hindi ako makakainom." Sheryl pouted.

"Okay lang 'yan, She. May bagong baby naman," sabi ni Nikki.

"Oh, tara! Cheers tayo! Para sa bagong baby ni Sheryl at sa engagement ni Lia!" malakas na sabi ni Derek.

My blockmates cheered, maliban nalang kay Gray. He already started drinking, at parang pang-ilang baso niya na 'yun. Iniwas ko nalang din ang tingin ko sa kanya at baka may kung ano pang isipin si Kale.

I drank a few shots, except for Kale who said that he won't drink, because he's the one who'll drive. Chinichika naman na siya nung mga babae.

"Alam niyo, hindi ko talaga inaasahan na magkakatuluyan 'tong si Lester at Nikka. Kala ko puro tukso lang dati. Pero tingnan niyo! May tatlo na silang anak!" Si Yasmin.

Halos lahat nung mga nangyari sa first year ay napagkwentuhan namin. Nagkwentuhan din sila kung ilan na ang mga anak nung iba. Nainggit naman ako. Gusto ko na rin kase nang anak. Pero, hangga't hindi pa kami kasal ni Kale ay ayaw ko pa.

"Siyempre, nadala ko 'to sa kagwapuhan ko!" mayabang na sabi ni Lester, habang nagfleflex nang muscles niya.

Umirap naman si Nikka at nagtawanan kaming lahat. Kale looks like he's genuinely enjoying as well. Nasa likod ko lang ang braso niya habang nakikinig sa mga kwento nitong mga blockmates ko. Masaya naman talaga silang kasama. Kaya nga nahirapan din ako iwan sila noon.

Nakikita ko naman ang pagsulyap ni Gray sa amin. Hindi ko nalang siya pinapansin, dahil ayaw ko rin naman na magkaissue pa.

"Pero si Lia talaga ang pinakaligawin noon diba? Grabe, pati nga mga higher batches, nagbibigay ng bulaklak dyan. Basted naman!" sabi ni Rina.

Napatingin naman si Kale sa akin. Nag-init naman ang pisngi ko. Totoo naman nga na maraming nagyaya na manligaw, pero wala akong gusto dahil nga... si Gray gusto ko noon.

"Hindi ba kayo na noon ni Kale? Ikaw yung pinaghihinalaan naming lahat na boyfriend niya eh! Kaya nga rin sumuko na 'yung iba!" Alice said. "Pati na rin 'tong si Mason!"

"Hoy! Bakit napunta na naman ako dyan! Nananahimik ako dito eh," sabi ni Mason sabay kamot sa ulo, habang nakatingin lang naman sa kanya ang asawa niya.

Nagtawanan 'yung iba. Umiling lang naman ako. "Friends lang kami ni Kale, noon." sambit ko, sabay tingin kay Kale na nasa akin lang naman ang tingin.

"Ah oo! Kase diba may may crush ka sa block noon? Hindi mo na nasabi sa amin kung sino 'yon!" sabi ni Diane.

Suddenly, I'm on the hot seat. Everyone leaned to hear what I would say. Napatingin si Allie sa akin na parang kinabahan din na baka malaman nila na si Gray 'yung gusto ko noon. I looked at Kale, who is only staring at the glass. Shit, bakit ba kase ako lasing 'non?

Nagtama naman ang paningin namin ni Gray. Hindi ko alam kung nakailang inom na siya pero mukhang marami na rin, dahil humingi pa siya ng isa pang bote. Yung kuya niya naman nakatingin din sa akin. Alam ba niya? Alam ba niya na umamin ako sa kapatid niya noon?

"Guys! Matagal na 'yun! Naalala niyo pa 'yun? Masaya naman na si Lia ngayon, panigurado wala na siyang nararamdaman doon. Crush lang naman eh, lahat naman ata tayo, ganoon!" agap na sabi ni Allie.

I saw Gray's sarcastic smile while drinking from his glass.

"Tol, inom ka na ng inom dyan, ah?" sabi ni Derek. "Hinay-hinay lang. Nagsosolo ka dyan eh,"

Tumango lang si Gray bago binalik ulit ang tingin sa akin. I looked away, not wanting to meet those eyes again.

"Eh, curious talaga kami! At saka, wala na naman 'yon ngayon, kaya okay lang na sabihin. Wala naman meaning na. Halos si Lia kase 'yung first crush nung block dati. Siyempre, curious lang naman kami kung sino gusto niya noon." si Amanda.

Pakiramdam ko'y hindi nila ako titigilan  hangga't hindi ko sinasagot ang tanong. Pero, paano ko sasagutin kung nandito si Kale at Gray? Parang ang hirap naman. Mukhang stressed na rin si Allie, sinusubukan pigilan na tanungin pa nila ang tungkol doon.

"Hindi ba si Gray? Nung tinanong ka namin kung sino ang bet mo sa classroom, siya 'yung sinagot mo eh," sabi ni Vivian.

Gulat na tumingin sa akin si Lester at Derek. Madalas nga nila akong tuksuhin kay Gray, dati. Pero hindi ko naman talaga sinasabi o pinaparamdam sa kanilang gusto ko siya. Ayoko rin kase na malaman niya pa. I looked at Gray and saw him smirking while looking at me, he looks a little bit drunk too.

"Uh..." I gulped. I looked at Kale who only had a neutral expression. Hindi naman siya mukhang affected pero nakatitig lang siya sa plato. Sasagutin ko ba?

"Oo...noon." sagot ko nalang. "Pero nung una lang naman..."

Gray scoffed. He poured another drink on his glass, and drank it straight. Mason sighed. Napunta naman sa aming dalawa ang tingin nung mga kasama namin. Kale looked at Gray with his forehead creased. This is... awkward.

"Talaga? Shet! Sabi na eh!" sabi ni Amanda. "May hinala ako pero ayoko namang pangunahan ka! Halos lahat din kase si Gray ang naging crush nung first year! Gwapo naman kase talaga siya!"

I feel like something was lifted off my chest, admitting that. Nakabuka pa rin ang bibig ni Lester at Derek habang nakatingin sa akin. Madalas nila kaming tuksuhin noon, pero hindi nilang inakala na nagkaroon nga ako ng feelings kay Gray. I had a feeling Mason knew when I left that night. Kaya di na siya nagulat.

"Uy, pero naalala ko lang talaga ha, nung mga panahon na madalas nating tuksuhin si Gray at Sheryl. Bakit nga ba hindi naging kayo? Gulat nga kami, at sa kuya ka pala niya napunta!" sabi ni Blue.

Napatingin naman si Sheryl kay Blue. "Luh, pinagsasabi niyo? Never naging kami ni Gray!" sabi ni Sheryl. "Magkakilala lang kami noong Junior High, at crush ko na kuya niya noon,"

Kumunot naman ang noo ko sa narinig. Anong hindi naging sila? Gray clearly told me that she is his girlfriend. Ibig sabihin nagsinungaling siya sa akin? Pero, bakit naman? Just so he can stop me from loving him? Or to prove to me that he'll never love me?

"Hindi naging kayo?" tanong ko. "Akala ko..."

All eyes went to me. Naramdaman ko rin ang titig ni Kale sa akin. Gray looked at me as well. I suddenly realized I seemed too interested with that topic. Tumikhim nalang ako at tumingin sa baba.

"Yeah, hindi naging kami." sagot ni Sheryl. "Close lang talaga kami nito, kaya nga hindi ko alam kung saan niyo nakukuha 'yung panunukso niyo eh. Tsk. Gentleman lang talaga 'to!" she said, putting her arm around Gray.

I looked at Gray with a confused expression. Ang sabi niya sa akin sila ni Sheryl? Bakit naman siya magsisinungaling nang ganon?

"Talaga?!" gulat na sabi ni Lester. "Akala ko talaga nililigawan ka nitong, kumpare namin!"

"Kami rin! Akala talaga namin may something sa inyo!" sabi ni Vivian.

Sheryl rolled her eyes. "Oo nga," medyo nakukulitan na sabi ni Sheryl, bago tumingin kay Gray. "Diba, Gray?"

Tumango si Gray bago sumagot. "Oo. Hindi naging kami." sagot niya habang matalim na nakatitig sa akin.

Umaawang ang labi ko sa narinig. So... totoo ngang nagsinungaling siya sa akin. Pabalik-balik ang tingin ni Mason sa aming dalawa. Si Kale naman hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. He lied to me, and I don't know what's worse. Yung nagsinungaling pa siya para lang ipamukha sa akin na walang magiging kami o yung sinabi nalang niya sa akin ng diretso na hindi niya ako gusto.

"Kale, restroom lang ako." sabi ko sa kanya.

He looked at me with a concerned expression. "Are you okay?" he asked.

Tumango ako at ngumiti. "Yeah, re-touch lang." sabi ko at tumayo na.

Mabilis akong pumunta sa restroom. Sinandal ko lang ang dalawa kong kamay sa may sink at tiningnan ang sarili sa salamin. I took deep breaths, trying to process everything.

Akala ko noon ay hindi na ako babalikan nito, pero mali. Ngayong nalaman kong kasinungalingan lang pala 'yon, ay hindi ko alam ang mararamdaman.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit niya gagawin sa akin 'yon? I poured out my feelings to him. I came clean with my feelings. Kaya bakit niya nagawang magsinungaling sa akin? Sana sinabi niya nalang na hindi niya ako gusto. Matatanggap ko pa 'yun.

I re-touched my make up and left the restroom. Pagbukas ko naman nung pinto ay bumungad sa akin si Gray na nakapamulsa at nakasandal sa may pader.

"Lia," his voice echoed in my head.

He stared at me deeply, as if I'm the only one he sees.

"Gray," sabi ko na may ngiti at lalagpasan na sana siya nung hinarang niya ang kamay sa harap ko at sinandal 'yun sa pader. Sa tangkad niya'y naharangan niya na ako nang buo.

Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Kanina pa kase siya umiinom at tinutungga ang bote. I tried to act calm. Siguro'y lasing na 'to.

"Gray, dadaan ako." sabi ko at aatras sana, pero naharangan niya na rin 'yun.

Tumingin ako sa kanya na nakatitig lang sa akin.

"Hindi naging kami ni Sheryl..." sambit niya, habang nakatitig sa mga mata ko.

I looked down, trying to not look at him in the eyes. I'm scared... na baka pag tumingin uli ako doon ay mahuhulog na naman ako sa patibong niya at ayaw ko 'yun. I'm committed to Kale.

"Alam ko, sinabi mo na kanina," sabi ko at sinusubukang itulak siya palayo pero hindi siya nagpatinag.

"Alam mo kung bakit?" he asked. "Gusto mo malaman kung bakit?"

Kumunot naman ang noo ko sa mga sinasabi niya. Halata mo ngang lasing na siya.

"Gray, you're drunk—"

"Kase, mahal kita. Mahal kita, Lia." sambit niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. He... loves me?

"W-What?" naguguluhan kong sabi.

Ilalapit pa sana niya ang mukha niya sa akin nung mailayo siya sa akin sabay bagsak sa sahig.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
98.3K 2.4K 33
Luna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...