After Her Last Straw (Dream S...

By Zanashi

388K 21.8K 19.8K

After knowing that someone aside from her is capable of securing the top spot, Aphra felt nothing but hatred... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 28

7.1K 468 482
By Zanashi

Chapter 28: Official
Zanashi

Hindi ko mapangalanan ang mga nagbago sa loob ng one week. Dati ay classroom, library, at bahay lang ang destinasyon ko pero ngayon, ang daming nadagdag. Madalas akong ayain ni Airah at Yannah na sumabay sa grupo nilang kumain. Minsan sa labas kami kumakain ng lunch pero madalas ay sa rooftop na siyang tambayan ng kanilang grupo. Hindi rin ako nahihirapang pakisamahan sila dahil priority din nila ang pag-aaral.

Napag-alaman kong dati ay umuuwi sila agad para mag-aral pero nang malaman nilang lagi akong pumupunta sa library tuwing uwian ay gumaya na rin sila. Minsan ay nagkakaroon kami ng group study. Bago sa akin iyon dahil nasanay akong nag-aaral mag-isa. Masasabi kong mas gusto ko ngang mag-aral mag-isa pero hindi rin naman masama ang group study. Minsan, may nababanggit silang nakaligtaan ko at minsan ay may binabanggit akong hindi rin nila alam.

Naging madalas din ang pag-uusap namin ni Sulivan. Noong una'y nahihirapan kaming mag-usap dahil inaasar nila kami pero nang medyo humupa ang pang-aasar nila'y lagi na kaming nag-uusap. Sanay na rin sila na lagi kaming magkatabi tuwing kumakain kami sa labas at tuwing nag-aaral sa library.

Minsan ay hindi normal ang pagtibok ng puso ko kapag inaalayan niya ako, kapag binubuksan niya ang pinto ng library para sa akin, kapag binibilhan niya ako lagi ng pagkain, kapag lagi siyang tumatabi sa akin, at kapag sumisilay ang perpektong ngiti niya sa kanyang labi. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong ganito na talaga siya.

Maalaga siya sa mga kaibigang babae. Minsan ay nakikita kong inaalayan niya si Luisa, minsan ay pinagbubuksan niya ng pinto si Caitlyn, minsan ay binibigyan niya ng pagkain si Alicias, minsan ay inaasar niya si Airah, minsan ay ngumingiti siya kay Rica Mae, at minsan ay nakikipag-biruan siya kay Yanna. Masasabi kong normal na sa kanya ang maalaga sa babaeng kaibigan kaya kung hindi ako sanay ay iisipin kong gusto niya ako dahil sa mga ginagawa niya. Kaya hindi ko maintindihan ang pang-aasar nila minsan gayong alam naman naming normal lang para sa kanya ang mga ginagawa niya.

Hindi naman ako nakakaramdam ng selos. Sa katunayan nga ay lalo pa akong humanga sa kanya nang malamang sobrang maaruga siyang tao. Magaan ang loob ko kay Sulivan at maituturing ko na siyang isang malapit na kaibigan. Mabuti siyang kaibigan kaya wala akong balak sirain ang pagkakaibigang meron kami dahil lang sa nararamdaman ko.

"Hala! Ba't tinanggal?" napatingin ako sa itinuturo ng dalawang magkaibigang nakasabay ko sa gate.

Kinabahan ako nang makitang tinatanggal nila ang picture ni Sulivan sa hanay ng mga SSG Council at ipinalit dito ang isang third year accountancy student.

Marami ang nakapansin at nakakita pero wala atang makakapantay sa kabang nararamdaman ko ngayon. Bakit siya pinalitan? Hindi ba nagbago ang isip ng President? Anong ipapataw niyang parusa kay Sulivan? Detention? Suspension? Or.. expulsion?

Alam kong malabong maexpel si Sulivan dahil sa impluwensya ng tatay niya pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan nang todo. Paano kapag bigla na lang putulin ng President ang koneksyon niya sa mga de Lopezes?

Abot-langit ang kaba ko nang pumunta ako sa classroom nila Sulivan. Una kong nakita si Dylan na inaasar si Alicias sa pinto ng classroom nila.

"Oh? Umaga pa lang, Aphra. Bakit ang mukha mo, panghapon na?" asar niya nang makita ako.

Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya. "Si de Lopezes?"

"Wala pa. 'Di pa dumating.." kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ko. "Ba't ba ganyan ang itsura mo?"

"Dylan, tinanggal na sa pagiging treasurer si de Lopezes. Nakita ko. Tinanggal ang picture niya at pinalitan ng isa pang accountancy student.." sunod-sunod kong sumbong.

Gulat siyang napatingin sa akin. "You're kidding, aren't you?"

"I am not!"

"Aphra?" napalingon ako at nakita ang kararating lang na si Oliver kasama si Luisa. Dumiretso sila sa amin at tiningnan ako nang may pagtataka. Lumipat ang tingin nila kay Dylan at Alicias. Lalo pa silang nagtaka dahil sa gulat din nilang mukha.

"Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Oliver.

Sinabi ko sa kanila ang mga nakita ko kanina at tulad ng inaasahan ko'y nagulat din sila. Napamura nang mahina si Oliver samantalang napatakip ng bibig si Luisa.

Tinipon namin ang mga kasamahan namin at nag-usap sa mga posibleng nangyayari. Walang bahid ng pang-aasar sa mukha ng mga lalaki, lahat ay seryoso at kinakabahan.

"Hindi naman siguro.. mangyayari ang iniisip ko, 'di ba?" mahinang tanong ni Rica Mae.

"Of course not. We need to trust Sulivan.." diin ni Oliver.

"Then why?!" tumaas ang boses ni Yannah. "I mean.. yes! I totally trust him but he wouldn't be expelled, would he? I thought we will make it! I thought.." pinakalma siya ni Victor John.

Hindi pa nakatulong na hanggang ngayon ay wala pa si Sulivan. Ilang minuto na lang bago ang klase at ayon sa kanila, laging maaga si Sulivan kaya kataka-takang hindi pa siya dumarating ngayon.

Pinilit kong kumalma. Alright, Aphra. Just.. trust him, okay? He will stay in this university and we will graduate together.

Huminga ako nang malalim. "There's only one way to find out if our assumption is true."

"How?" naluluhang tanong ni Caitlyn.

"Ngayon ilalabas ang resulta ng midterm exam natin. If that screen would reveal the overall ranks, that would only mean—"

"That we failed?" pagpuputol ni Airah sa sinasabi ko.

"Yes, Airah.." halos mapapikit ang lahat. "What we need to do now is to trust him. He's very firm and determined about this. Most certainly, he might already prepared his backup plan in case our first plan would fail."

Medyo kumalma sila at dahan-dahang tumango. Pagtunog ng bell ay muli naming tinapik ang balikat ng isa't isa. Wala pa rin si Sulivan pagsapit ng lunch kaya nagsimula na naman silang mabahala.

"Again, we need to trust him. If he was really expelled, he would inform us right away.." paalala ko nang magsimulang maluha ang mga kababaihan.

We proceeded at the front of the screen after we ate our lunch. Kinakabahan kaming tumingala rito. Si Airah ay nakakapit na kay Oliver sa sobrang kaba. Sina Caitlyn, Alicias, at Yannah ay nakapikit na para bang nagdarasal na sana'y hindi nga mangyari ang kinatatakutan namin. Si Francis at Anthony ay nakasandal sa pader habang tinitingnan ang mga kasamahan naming nanghihina na. Sina Rowan at Yohan ay nasa likod namin at hindi kumukurap na nakatingin sa screen. Si Dylan ay pilit pinapakalma si Luisa na konti na lang ay iiyak na.

Pero sa aming lahat, napansin kong si Rica Mae ang pinakaapektado. Mula kaninang umaga ay tulala na siya at wala rin siyang balak kumain. Kinailangan pa namin siyang pilitin. Minsan ay nakikita namin siyang tahimik na umiiyak sa gilid. Ngayon ay nakahawak siya sa kamay ko at nakasandal sa balikat ko habang umiiyak. Nasa kabilang bahagi niya naman si Victor John na hinahaplos ang likod niya para pakalmahin siya.

Nagsimula na ring magdagsaan ang mga estudyante, lahat kami ay kinakabahan pero sa ibang dahilan. May kinakabahan sa resulta ng exam at may kinakabahan sa resulta ng hinihingi naming pagbabago.

Biglang umilaw ang screen kaya lahat kami ay napatuwid ng tayo at tumingin ng diretso dito. Unti-unting lumabas ang mga nakasulat dito, kasabay nito ay ang unti-unting pagtigil ng tibok ng puso ko, at ang pagsabog ng hiyawan sa buong corridor.

Nakatulala lang akong nakatingin dito. Si Rica Mae ay tuluyan nang bumagsak sa sahig at humagulgol. Hindi ko na nasundan pa ang mga nangyayari. Nanatili lang akong nakatingin sa sulat na nasa screen, ngunit hindi tulad ng dati, hindi na pangalan ang mga nakasulat dito.

Success is not built on success. It's built on failure. It's built on frustration. Sometimes, it's built on catastrophe.

- Sumner Redstone

CONGRATULATIONS!

I felt someone shaking my shoulder and that's when I came back into reality.

"We made it! We made it!" paulit-ulit na sigaw ni Airah habang niyuyugyog ang balikat ko.

Masyadong maingay sa corridor. Ang bawat isa ay hindi makapaniwalang ang sistemang ilang taon nang namuhay sa unibersidad na ito at ilang taon nang nagpahirap sa mga estudyante ay tuluyan nang nabago ngayon.

Sa kabila ng pagtatalunan nila, pag-iyak, at pagsigaw ay nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa lalaking naglalakad na ngayon palapit sa amin. Sumilay ang pamilyar na ngiti mula sa kanyang labi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatakbo ako papunta sa kanya at sinalubong siya ng isang napakahigpit na yakap.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Labis ang kaba ko kanina dahil baka hindi kami nagtagumpay, labis ang takot ko kanina dahil baka talaga ngang naexpel si Sulivan, at labis ang saya ko ngayon lang dahil ang lahat ng mga kinatatakutan at kinababahala namin kanina ay hindi nangyari.

"You did it.." sinsero kong bulong.

Naramdaman ko ang pagtawa niya at pagpulupot ng kanyang kamay sa bewang ko. "We did it," he corrected.

Bago ko pa man siya mabitawan ay sunod-sunod na ang pagbalot ng braso sa amin.

"Sulivan! Oh my God! You're here!"

"We made it, Sulivan! Gosh, we made it!"

"Pre! Sinasabi na nga ba't kumukuha ka lang ng dating!"

"Pinaiyak mo ang mga babae, pre! Ang hilig mo talagang magpaiyak."

Hindi ko na maintindihan pa ang mga sinasabi nila. Sa sobrang bigat nila ay sama-sama kaming natumba sa sahig. Para siguro kaming mga bowling pins na sabay-sabay natumba. Natawa kaming lahat. Matagal bago ko napagtantong nakapatong ang ulo ko sa dibdib ni Sulivan na ngayon ay tumataas-baba dahil sa ginagawa niyang pagtawa.

Mabilis akong tumayo samantalang nanatiling nakaupo ang iba. Tumingin ako sa paligid at nakita ang ibang tuwang-tuwa habang nakatingin sa amin. Ang iba nama'y masyadong abala sa ginagawa nilang pagdiriwang na hindi na napansin ang pagkatumba namin.

Tumatawang tumingin sa akin si Victor John. "Ayos ka lang?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Imposibleng hindi ako magiging ayos sa mga nangyayari ngayon. Kahit paulit-ulit pa akong matumba, ayos lang basta't kasama ko sila, dahil alam kong pagkatapos naming matumba ay sama-sama ulit kaming babangon. 

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Sulivan. Tumingin ako sa rearview mirror at nakitang nakasunod din ang sasakyan ni Anthony at sa likod nito ay ang iba pang sasakyan.

"You'll see.." nakangiti niyang sabi.

Umirap ako at tinitigan siya. Napansin niya ito kaya tumaas ang isang kilay niya.

"Bakit hindi ka pumasok kanina?" kunot-noo kong tanong. "Did you.. know?" tanong ko, tinutukoy ang ginawang pagpalit sa kanya.

"That they removed me from my position? Yes, of course."

"Then.. are you okay?"

"Oo naman. Bakit hindi?" halakhak niya.

"I mean.." hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil sa ginagawa niyang pagtawa. Nababaliw na ba siya? "Ba't ka ba tumatawa?!" inis kong sabi.

"Ba't ka ba nagagalit?"

"Kasi tawa ka nang tawa!"

Lalo siyang tumawa. "Ang ganda mo 'pag nakangiti, Pantorilla, pero bakit ang ganda mo rin 'pag galit?" nakangising tanong niya sabay pihit sa manibela.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Sandali akong tumalikod sa kanya at kunwaring nagmasid sa labas. Nakakainis! Kailan ba ako masasanay sa isang 'to?

"Kinausap ako ng President kanina kaya hindi ako nakapasok sa klase. I was excused, though."

Bigla akong napalingon sa kanya. "Why?"

"It's official."

Sumilay ang ngiti sa labi niya. Kumunot pa lalo ang noo ko, nagsisimula na sa pag-iisip na baka kung ano na namang kalokohan ang sasabihin niya. Naiinis din ako dahil mukhang gusto niyang unti-untiin ang pagbabalita sa akin.

"Naiinis na talaga ako, totoo. Please be direct to the point, can you?"

"I mean.. it's official. Student's Equity Association is an official club now in our university."

"No way.." hindi makapaniwala kong sabi.

"Yes, that's the reason why they removed me from the student council."

Napamaang ako. So.. kaya pala siya inalis? Isa sa rules ng school ay bawal kang maging council kung officer ka ng isang club. And in Sulivan's case.. he's the president of Student's Equity Association!

Wala na atang paglalagyan ang saya ko ngayon. Ngumiti ako sa kanya.

"It's really good to hear that. Ang daming pinagdaanan ng org niyo, dapat lang na maging official na ito," sinsero kong sabi.

"Org natin. When are you going to stop excluding yourself from us? You're part of our group, Pantorilla. You're part of this org."

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya.

"Am I?" mahina kong tanong.

"Always.."

Tumakas ang isang sinserong ngiti sa labi ko. Talagang wala nang mapaglalagyan ang saya sa puso ko. Umaapaw na ito.

Tumikhim si Sulivan. "And today, we're going to meet someone special. Someone.. very special."

Continue Reading

You'll Also Like

61.7K 656 42
Philip is gay and broke and in college
700 161 8
SIA MALHOTRA Meet Sia, a 23-year-old numbers enthusiast in a family full of doctors. She's on a quest for independence but finds herself in a quirky...
180K 1.8K 53
SYPNOSIS Fashie Marquez Guerrero, an only child and only girl cousins of Marquez and Guerrero's clan. Her cousins are always over protective to her...
398K 14.4K 192
(BEING RE-PROOFREAD ATM) Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, bec...