KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

809K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 13

11.9K 348 49
By Zoenia_01

Paint Cenery

NAHANAP ko na lamang ang sarili ko na tinutugon ang bawat paggalaw ng mga labi niya. Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang init na hatid ng nito.

Masuyo, mapaghangad, mapag angkin, may lambing , maingat ang bawat paggalaw ng labi niya dahilan para malunod ako at magpapaubaya, tumutugon sa bawat maiinit na halik nito. Kapwa kaming nadadarang sa sensasyong dulot ng isa't-isa na hindi ko maipaliwanag.

Gumalaw ang kaliwang palad ko mula sa braso niya at pinagapang ko iyon paakyat sa matigas niyang braso hanggang sa pumulupot 'to sakaniyang leeg.

Dahan dahang hinapit ni Roks ang bewang ko palapit sa katawan niya. Napakainit nito. Init na nakakapaso ngunit hindi madaling iwasan. Sa halip ay para pa iyong magnet na humihigop sa akin para hawakan pa ang katawan niya.

Nakakaramdam ako ng pagkangalay sa pwesto naming kaya gumalaw ako dahilan para kumalas siya sa paghalik sa akin. Idinilat ko ang mga mata ko, tumambad saakin ang mapungay pungay niyang mata at mas lalong pumulang labi.

Naalala ko tuloy 'yung sa parking lot ng Jazzy, 'yung umuuga ang kotse at sabi ni Mamsh may ginagawa raw milagro 'yung mga tao dun na talagang pinagtakhan ko. Maliit ang kotse at may mga nakaharang na upuan, paano nila nagagawa 'yung bayu-bayuan. Eh 'tong halikan palang ng nakakangalay na, kung sabagay kapag gusto mo na may halong katigangan ay may paraan.

Hindi naalis ang tingin nang kulay abo niyang mata na saakin na animo ako ang pinaka magandang babae na nakita niya dahil sa kakaibang expresyon na hatid nito. Lumapit siya muli saakin kaya napalunok ako at muli bumaba ang tingin ko sakaniyang labi kasi ang akala ko hahalikan niya ako pero nagkamali ako dahil pinagdikit niya lang ang noo namin at hinaplos haplos ang pisnge ko.

"I don't want anything right now but your lips on mine." malambing niyang saad sa'kin kaya hindi na naman magkamayaw ang mga bulate at bacteria sa t'yan ko.

"What drugs did you put on your lips, why I'm so addicted with it?" nag angat ang tingin ko sa mata niyang mas maganda sa malapitan. Napalunok at aga ko rin iniwas ang tingin sakaniya dahil hindi ko na kaya pang titigan 'to ng matagal.

Bumuntong hininga siya at unti unti nang lumayo at bumalik sa kinauupuan niya. " I don't think you understand, exactly, how much I want your lips." mababang boses na usal nito.

'Di ko na nagawa pang sumulyap muli sakaniya dahil tulala na ako sa kawalan at 'di na ako makapag isip ng matino. Mas malala ang epekto ng naging halikan naming ngayon dahil hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'yun at 'di ko akalain na itataya ko ang labi ko para sa mga impormasyon na nag pagising sa kuryoso nang aking katawan.

"Hey, I'm sorry." tumango lang ako na para ng a hypnotize dahil tulala pa rin ako sa kawalan at hindi na nagsalita saka lumingon pa sakaniya.

Buong byahe ay naging tahimik kami, siguro naramdaman niya 'di ko na muna gusto makipagusap sakaniya at naging pabor naman saakin 'yun kasi iniiisip kong mabuti kung tama ba ang desisyon ko. Kung isisipin maaring may makuha akong benipisyo sa deal na 'to hindi dahil nararanasan kong mahalikan ng isang Captain Roks kung hindi malalaman ko rin ang tunay n'yang agenda kung talaga bang gagamitin niya ako laban sa mga criminal sa barangay namin o gusto n'yang pansamantalahan ang pagkababae ko kasi hindi malabo 'yun, lalaki siya na may pangangailangan.

Pinanindigan namin na h'wag kibuin ang isa't isa hanggang sa makarating kami sa clinic. Hindi na ako pinapababa pa ni Roks at siya nalang raw ang kukuha kay Roskie pumayag naman na ako at 'di na nakipag talo pa dahil wala ako sa kondisyon.

Hindi rin nagtagal ay nakabalik na siya maingat niyang ibinigay saakin si Roksie na animo ay isang tunay na sangol. Unti unti akong nabalik sa reyalidad ko dahil kapiling ko na muli ang anaka namin—ang ibig kong sabihin ang anak ko. Muli, tahimik kaming tinatahak ang daan pauwi sa bahay dahil siya busy sa pag drive samantala ako busy sa paglalaro at pagpapakain kay Roskie na masigla ngayon.

"Roskie, your Mommy is mad at me." napaawang ang labi ko nang biglang kausapin niya si Roskie na nakatingin sakaniya habang kinakain ang biscuit nito.

"She doesn't want to talk to me anymore, do you want to have a broken family?" nag angat ang tingin saakin ni Roks at pagkatapos ay binalik nito ang tingin sa daan.

Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan at hindi ko rin inaasahan na lalabas ang mga gan'yang salita mula sa kaniyang bibig.

Huminga ako ng malalim at tumikhim pa. "Yawa ka, ano ba sinasabi mo? Broken family mo mukha mo! Hindi porket pinadoctor mo siya ay kasali ka na sa pamilya namin, hmp."

Talagang pinanindigan niya 'yang Daddy siya tapos ako Mommy, ang mais rin pala ng isang 'to? Sobrang korni nang dating, lol.

"Then, check his record in the DENR. We are his guardian, I'm his father cuz soon he will live at my house." unti unting sumilay sa labi niya ang isang ngiti kaya napakagat ako sa labi ko. Nawala bigla ang awkward na nararamdaman ko dahil napalitan agad ito ng pagkainis.

"Anak ng shooting star ka! Ang kapal nang mukha mo mong angkinin 'tong si Roskie! P-nyeta ka! Alam mo 'yun." matabas na saad ko, aba hindi ako papayag na angkinin niya si Roksie ko. Akin lang ang anak ko dahil ako ang nakakita sakaniya.

"Stop cursing infront of our son."  napakunot ang noo ko at tuluyan siyang binigyan ko nang hindi makapaniwalang tingin.

"Alam mo bagay 'yang pangalan mong Roks sa'yo, kasi ang tigas ng mukha mo na parang isang bato! Yawa ka ogag! Ang kapal kapal mo!" jusmiyo goku, anak niya raw si Roksie? Syet at umasa siya forever dahil 'di ako papayag.

"You're really bad influence, our son learn as they see their parents. Parents set examples for their children. It is correctly said that your kid’s behavior is simply a reflection of yours. If you, being the mom of a child, keeps on yelling and cursing around at people and doesn’t treat anyone with respect, your kid will consequently do the same." seruosong saad niya habang nakatingin sa daan.

Ha? Ano bang pinagsasabi niya? Ang OA niya amp, kala niya naman naiintindihan ni Roksie ang pinag uisapan namin? Kung magsalita siya parang tunay na bata 'tong unggoy ko.

Hindi ko na siya pinansin at binalik nalang ang atensyon ko kay Roksie na wala nang pakialam saamin dahil busy 'to sa pagkaim ng biscuit galing clinic.

"Papansin masyado no Roksie? Feeling masyado kala niya ata welcome siya sa family natin, kung gusto n'ya maghanap siya ng unggoy niya pero sabagay meron naman na siyang sarili, kulang gray pa nga mata eh no. Sana all ba Roksie?" pangaasar ko habang nakakatitig lang sa unggoy ko.

"Come here Roksie.." walang ano ano ay biglang tumalon si Roksie sa balikat ni Roks kaya napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan na susundin siya nito.

Taksil ang anak ko!

"Your Mommy was so rude. Do you want me to become your father forever?" biglang humiyaw si Roksie na talagang kinagulat ko kasi ang dating ay parang sumasagot siya.

Lumingon saglit saakin si Roks at nginitian bago binalik amg tingin sa daan. "You can't do anything Mommy doggy, our son decision is final."  malamyos na usal nito.

"Wow, nagkakaintindihan kayo ha? Palibahasa parehong unggoy!" iritado kong wika saka humalikipkip at tumingin sa labas ng bintana.

"Oh maybe we should find another Mommy? The monkey like us, not dog." painosenteng sagot niya kaya mas llaong kumulo ang dugo ko sakaniya.

"Subukan mo! Papatayin kita, magiging criminal ulit ako!" umakto pa akong sasaksakin siya gamit ang imaginary knife ko.

"What's your word, be good example to our son." kunot noong usal nito kaya napairap nalang ako. Masyado talagang OA 'to.

"Kala mo naman naiintindihan n'yan. Tss." napatingin ako kay Roksie na ngayon ay na busy pa rin sa pagkain habang nakasampa sa balikat ni Roks.

"Naintindihan man 'yan ng anak mo hindi kung alam mong mali don't do say or do that infront of her." natawa nalang ako ng sarkastiko dahil wagas kung magsalita 'to kala mo talaga totoong may anak na.

"Awitize, Tatay na tatay ka talaga no? Sanay na sanay ang galing! Panindigan mo 'yan kapag talaga. Hindi kita pinipiliit na akuin ang responsibilidad pero mapilit ka edi go! Kapag naman talaga nabigo ka bilang ama niya yari ka sakin. Tanggaling ko lahat ng buhok mo sa katawan!" syempre kasama 'yung sa ilong at gitna niya. T-tyaniin ko 'yun isa isa nyeta siya.

"C'mon go to Mommy, I'm driving. Calm her down." parang naintindihan na naman siya ni Roksie dahil biglang tumalon ang maliit na unggoy papunta sa mga hita ko at naupo doon. Bakit ba parang gets gets nila ang isa't isa? Para tuloy tunay silang mag ama, pareho kasing unggoy. Tss.

"Anak anakan mo rin si Dawina at Ramch 'diba?" biglang saad ko habang nakanguso kay Roksie. Hindi ko rin alam.bakit ko sinasabi 'to at kung anong gusto kong ipunto.

"Yeah."

"Ang galing no, anak anakan mo kay Atarah si Ranch tapos anak anakan mo naman dun sa fren n'yong babae ay si Dawina tapos saakin si Roksie na isang unggoy hanep.." ewan ko ba sinabi 'yun at parang ang tunog ng boses ko ay sobrang bitter 'yung may halong pagkainggit.

"What's wrong with that? I love them all." puno nang pagtataka tanong niya na talagang hindi makuha ang ibig sabihin ko.

"Wala lang, ang gwapo saka ganda nila at mas lalong tao sila tapos sakin hayop?" ano ba 'tong pinagsasabi ko? Bakit 'di ko makontrol nag mga lumalabas sa bibig ko.

"So what's your point? Gusto mo bang anakan kita?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya pinagsusuntok ko ang braso niya.

"Anak ng shooting star ka! Kadiri ka manyak! Ang baboy mo! Boset ka!" pinigilan niya ako gamit ang isang kamay niya at kinunotan niya ako ng noo.

"Wait, stop. Mababanga tayo! Roksie is here!" natauhan naman ako sa sinabi niya kaya agad ko nang tinigilan ang pananakit sakaniya.

"You're weird you know that, I'm just asking a question if that's what you mean kasi ang dating sakin gano'n." salubong na kilay na saad nito dahil kahit sino naman gano'n ang iisipin sa sinabi ko. Hayz, lasalan ko rin naman kasi kung ano ano pinagsasabi ko.

"Tumahimik ka na baka gawin kong kulay itim 'yang mata mo! " inis kong sigaw sakaniya.

Natahimik muli kami ng ilang saglit pero agad ko rin naman binasag 'yun.
"Oo nga pala, 'Di pa talaga ako prepare kaya wala pa akong rules,  pagiisipan ko muna ng malupet pero hanggang wala pang rules wala munang halikan ha?" nilingon niya ako at tinanguan.

"Ok, I'll give you time to think until saturday. Hindi kita mapupuntahan bukas at sa mga susunod na araw, I'll become busy. Pagisipan mo rin ang trabaho, legal at malaki ang kikitain mo dun.." gusto niya ako maging cook, 'di naman sa pagmamayabang pero masarap ako magluto ang kaso ang alam ko lang lutuin 'yung mga panghampas lupang pagkain. 'Di ko keri 'yung pang world class na hinahain niya sa harap ko.

"Bakit gano'n? Bakit kasi ang laki ng sweldo? Eh paglulutuan kita?" 30-50k ang ipapasweldo niya saakin ka da buwan, halos kalevel nang mga sweldong taong nakapagtapos ng pagaaral, ni hindi niya pa nga natitikman luto ko at wala akong karanasan sa pagluluto ng pangmayaman.

"So you do you want me to lower your salary?" nakataas kilay na tanong nito kaya umiling ako. Syempre gusto ko malaki ang sweldo pero masyado lang atang OA mabuti sana kung magiging all around maid ako sa bahay niya kaso paglulutuan ko lang siya. Gano'n na ba talaga si kagalante?

"Hindi sa gano'n no!" napakamot ako sa pisnge ko dahil 'di ko mapaliwanag nang ayos sakaniya ang punto ko.

"We'll just talk everything on saturday, that day is very important to us." makahulugan niyang saad kaya napalunok na naman ako at nagiwas ng tingin.

Buong oras ng byahe pauwi ay naguusap na kami tungkol kay Roksie, sa kung anong sinabi ng doctor, 'yung mga check, bawal at pwedeng kainin at kung ano ano pa hanggang sa makauwi na kami gano'n pa rin ang topic namin.

"Can I borrow a kiss? I promise I'll give it back." hindi na ao nakaangal pa nang bigla niya akong halikan ng mabilis, "And as I promise I'll give it back." hinalikan niya ako muli ng mabilis na lumayo saakin saka bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan.

°°°

NAPAPUNAS ako sa pawis ko dahil kasalukuyan ako naglalaba ngayon sa labas ng bahay. Kami nalang ang naiiwan ni Coco at Roksie dito kasi ang iba naming kapatid nasa school na gano'n din si Gracielle.

Samantalang si Roi ay pinapapunta sa office nang AKG Charity Foundation. May nagtext kasi kay Gracielle kahapon na mula sa AKG, binigay niya pala ang number niya kay Ma'am Atarah. Paguusapan siguro nila 'yung scholar para kay Roi.

"Paint!" nag angat ang tingin ko nang marinig ko ang pabebeng boses ni Mamsh Jorgie.

"Oh? Kung kapokpokan 'yan Mamsh hindi na ako interesado pa at kung krimen na may konting halong kapokpokan mas lalong hindi na ako interesado." tumawa naman 'to ng sarkastiko habang pinanliliitan ako ng mata.

"Aba't ang sama talaga ng ugali nito, bawal bang nandito ako para kamustahin ko ang pinaka paborito kong babae sa balat ng lupa. Nyare sa'yo? Haggard ka ghorl? Puyat ka ba?"  lumapit siya saakin at humalikipkip sa harapan ko na may halong ngiwi sa mukha.

Nag iwas ako nang tingin rito at ipinirmi 'to sa mga kinukusot kong labahin. Totoong puyat ako, ni hindi makatulog dahil bukod sa iniisip ko ang rules ng pagiging kiss slave ko ay paulit ulit na lumilitaw sa isipan ko kung paano kami naghahalikan ni Captain Bato kaya ang ending wala rin akong naisip na mga rules.

"Lagi naman ako hagardo versosa, ngayon mo lang napansin? Tss. Alam ko na pakay ko, maki-
-kichismis ka no?" ngayon lang nagpakita si Mamsh saakin pagkatapos naming mahanap si Coco 'di ko alam bakit baka busy sa kakakayod.

"Aba't, hoy 'di ako chismosa! Ang ganda kong chismosa?" natawa ako ng bahagya dahil masyado 'tong defensive.

"Kung sabagay ikaw nga pala laging topic sa chismis." tumawa siya ng maarte at kinagat niya pa ang kaniyang ibabang labi.

"Eh anong magagawa mo? Famous ako, maraming inggit saakin dahil sa taglay kong kagandahan. Tignan mo naman ang mukhan at katawang 'to." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa par ahanapin ang pinagyayabang niya.

"Ows? Sabihin mo muna salamat sa pera ng kano, salamat sa retoke, salamat sa pills at salamat sa kolorete." nakangiwi kong sambit dahil lahat nang nakikita ko kay Mamsh peke lang. Maganda nga siya kaso hindi na siya natural. Lol.

"Napaka yabang mo talagang bata ka." sinamaam niya ako ng tingin at akmang hahampasin pa kaya natawa nalang ako. Sarap asarin ni Mamsh sa totoo lang.

"Sinasabi ko lang naman ang katotohanang, walang totoo d'yan sa katawan at mukha lalo na 'yan hinaharap mo." tinuro ko ang dibdib niya kaya hinawaka niya 'to.

"Hoy, hindi ko 'to pinaretoke! Mano mano lang 'tong pinalaki. Gawang kamay lang." tumirik ang mga mata niya saka nilabas ang kaniyang dila at pagkatapos umakto siyang may nilalamas sa hangin.

"Kadiri ka Mamsh! Ang baboy!" binasa ko siya kaya tumili siya at inis saka niya ako sinamaan ng tingin

"Painosente kang Pintura ka! Kala mo naman hindi ka mag papalamas! Baka nagmakaawa ka pa sa asawa mong lamasin 'yan o 'di naman kaya lalamasin mo na mag isa para umalsa na kasi ayaw nang asawa mo sa pader." nag init ang pisnge ko dahil nakakahiya siya, napatingin alo sa paligid at wala namang nakatingin saamin.

"Mamsh kapag 'di ka tumigil, lalamasin ko 'yang dila mo at pagkatapos puputulin ko. Gawin kong lengwa!" piningot ako ni Mamsh kaya mabilis ko namang napalo ang kamay niya.

"Tado ka, makikinom nga ako.
May malamig ba kayong tubig at mineral ba siya?" nakataas kilay na tanong niya saakin.

"Awit ang arte ha? Demanding amputs Ikaw nalang makikiinom arte arte ka pa d'yan."

"May karapatan naman akong maginarte kasi maganda ako. Pasok na ako ha? Uhaw na ako eh." napailing iling nalang ako nang biglang pumasok si Mamsh kasi hindi naman na 'to magpapapigil saakin.

Ngayon nalang ulit siya papasok dito sa bahay, last pasok niya nung mga bata pa yata ako nun, nililigawan n'ya ako para kapag laki ko mag t-trabaho akong kopkop sakaniya. Lol, kaso pinagtabuyan lang siya ni Tatay kasi alam niya ang tunay na pakay nito pero si Nanay gora lang kasi alam niyang may perang makukuha.

"Ganda ng loob, linis ha. Ikaw nag pinta nito?" rinig kong sambit niya mula sa loob.

"Oo. H'wag kang maingay natutulog si Coco d'yan." nakatulog kasi si Coco napagod ka kalaro kay Roksie pati na rin sa mga laruan na binili ni Roks.

Sobrang saya nang kapatid ko nang malaman nilang may mga pasalubong kami ni Roks sakanila pero nung araw
na hinatid ako nito 'di na siya bumaba at umalis na rin siya agad.

"Minsan nga, drawingan mo 'ko kwarto ko. Gusto ko ipinta mo mukha ko sa pader namin para na mas lalong gumanda." napangiwi ako nang ma imagine ko na punong puno nang mukha ni Mamsh ang kwarto nito, nakakaumay siguro 'yun.

"Malaki singil ko sa mga art ko kaya kumayod ka na ng mabuti." pangaasar na saad ko pero wala na akong sagot na nakuha sa kaniya. Lumipas ang ilang minuto ay hindi ko na naririnig nag boses ni Mamsh kaya lubha na akong nagtaka.

Ipinunas ko ang basang kamay ko sa likod ng damit ko saka tumayo at pumasok sa loob. Nalaglag ang panga ko nang makita ko si Mamsh na hawak hawak ang notebook at ballpen ko na pang gagamitan ko sa pagsulat ng rules kaso hindi ko nagawa dahil sa pesteng Roks na yan, masyado niyang ginugulo ang isipan ko kaya na drawing ko tuloy siya.

"Anak ng gurang ka Mamsh, pakilamera ka!" mabigat ang hakbang ko palapit sakaniya. Sinubukan kong agawin ang notebook pero iniwas niya 'to.

Painosenteng tinignan ni Mamsh ang notebook at base sa expresyon niya tiyak ako na nakita nito ang drawing ko.

"Binayaran ka ni Captain sa drawing na 'to, gayang gaya ha. Ang galing mo." nakangisi at may halong pagkamangha na saad nito

Inis kong inagaw sakaniya ang notebook. "Oo, akin na nga." pinagtaasan niya ako nang kilay kaya napalunok ako.

"Bayad pero d'yan sa notebook lang naka drawing? Cheap naman saka ano 'yung sa taas niya Rules of Kiss Slave? 'Yun ba 'yung title ng sketch na mukha niya?" halatang hinuhuli na ako ni Mamsh kaya inirapan ko 'to at hindi nagpahalatang medyo kinakabahan ako sa mga isasagot ko.

"Nag d-draft lang ako para kapag nidrawing ko na ang peslak niya  sa canvas, patok ma patok na saka 'yung Kiss Slave para sa story ko 'yun. May ginagawa kasi akong story, lingid sa kaalaman mo mahilig akong gunawa ng storya." salubong na kilay na pagtatangol ko sa sarili ko pero siya nagawa niya pa ako ngitian ng matamis.

"Halatang halata nga, napakagaling mong gumawa ng storya. Story maker ka." makahulugan niyang sambit kaya kinunutan ko 'to nang noo dahilan para humalakhak siya.

"Alam mo bang nirarayuma ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi na ako nakapunta dito para makibalita. 'Yan ha, MAKIBALITA, hindi MAKICHISMIS!" binigyan ko siya ng 'ows talaga' look kasi para saakin wala naman pinagkaiba 'yun.

"Alam mo bakit ka nirarayuma?" pinaliitan ko 'to ng mata samantalang siya ay inirapan lang ako.

"Matanda na? Nako, Pintura alam ko na ang sasabihin mo. Tigil tigilan mo 'yang pangaasar mo saakin at umagang umaga sinisira mo mood ko." sambit niya saka maarteng inayos ang sarili niyang buhok.

"Bukod sa matanda ka na, sa kabuka mo 'yan at pasundot ng pasundot sa kung sino sino." kinurot niya ang tagiliran ko kaya napadaing ako at sinamaan siya ng tingin.

"T-rantado ka talaga bata ka, kung alam mo lang. Ilang araw na akong hindi napapasukan ng sawa." nagtungo ako lamesa para makainom na rin ako. Sobrang nakakauhaw ang pakikipag talakan sa gurang na 'to.

"Siguro marami nang sapot 'yang kweba mo no? Amag na amag na ba?" nandidiri kong sambit habang nagsasalin ako nang tubig mula sa pitsel.

"Alam mo ikaw bata ka, lahat nang mura para sa'yo. P-yeta ka eh, alam mo ba 'yun?" nilagok ko muna ang baso ng tubig bago magsalita.

"Ingay mo naman umalis ka na kaya ginigising mo lang kapatid ko." saad ko saka habang papunta ako sa kusina para tignan ang sinaing kung ok na.

"Ayoko nga, nandito nga ako para makipag usap. Eh paano ba naman, inoffer-an kami ng trabaho nung kasamahan ni Captain, si Deam? Kagwapong bata nun kung wala lang girlfriend sinunggaban ko na." sambit nito at inalala ko ang mukha nng morenong si Deam. Hindi klaro at medyo malabo na sa isipan ko basta alam ko gwapo talaga 'yun.

"Kala mo naman, hindi sanay maging kabit." paangaasar ko, aba kalat na kalat kaya sa mga baranggay na kabit 'tong si Mamsh nang kung sino sino kaya lagi siyang napapaaway.

"Eh mahirap sunggaban masyadong seryoso at nakakatakot kahit nga kamandag nina Danice, Sam at 'yung ibang recruit ko walang talab sa lalaking 'yun." kung sabagay parang seryoso rin 'yung Deam na 'yun mala Roks siya ang kaso mas nkakaatakot ang aura mi Roks sobrang maotoridad.

"Ayaw sa mga pokpok, solidize takot makakuha ng sakit sainyo." naramdaman ko ang presensya ni Mamsh na nasa tabi ko na, nagliliyab ang mata at umuusok ang ilong.

"Joke lang naman Mamsh, anong trabaho inoffer?" tanong ko sakaniya habang onaayos ang panggatong at nilalagay 'to sa lutuan namin.

" Sa AKG foundation, magbagong buhay na raw kami. Malaki sweldo, 20k+ per month. Office siya dai." malaki na rin sweldo pero sa office sila samantalang ako lulutuan lang si Roks sasahod na agad ako ng 30-50k.

"Kayo nina Danice? Pumayag sila?" nakakatuwa lang kasi, hindi lang kami ang tinulungan nina Roks pati na rin 'yung mga naging kasabwat ko nun.

"Syempre pumayag kami, andaming inexplain na batas at kung ano ano na kesyo ilegal daw 'yung prostituition dito sa bansa, sumagot nun si Danice sabi niya entertainer lang naman sila kaso alam daw nila kung anong tunay naming trabaho kasi naimbes-
-tigahan na kami. Natakot naman kami na makulong. Binantaan kasi kami na kapag daw inulit namin 'yung pagnanakaw eh kulungan na bagsak." malungkot na sambit niya pero maganda na rin offer sakanila. 20k+ na ang maaring sweldo at sa foundation pa talaga si mag t-trabaho para sure na nagbagong buhay na sila.

"Edi hindi na talaga kayo mag trabaho sa bar?" paniniguro ko. 'Di ko ma imagine na ka formal suit sina Mamsh, Danice at Sam parang  ang korni lang hahaha.

"Hindi na dun na nga sa AKG Charity Foundation."

"Paano 'yung mga lalaking kinakabitan n'yo?" nagtataka kong tanong. Aba, ilang years na silang kopkop sa bar tapos ngayon uumpisahan na nilang mag bagong buhay katulad ko medyo mahirap din kasi mag adjust.

"Hoy hindi kami kabit no, kung hindi balo eh hiwalay naman ang nagiging shota namin. Wala namang pinagbabawal sa batas na hindi pwedeng mag boyfriend na diba kaya wala silang pake." nagkibit balikat nalang ako bilang tugon sakaniya.

"Alam mo, kung hindi dahil sa'yo nasa kulungan na tayo ngayon pero ikaw rin naman kasi may kasalanan kung bakit tayo nahuli, masyadong na palang kinalawang ang pagnanakaw skill mo." iba lang talaga si Roks, kakaiba siyang sundalo na parang lahat kaya niyang gawin at alamin.

Ako rin naman kasi hindi ko inaasahan na mahuhuli niya ako. Ako na Reyna ng mga magna, mapapatumba lang ng isa sa mga kinaiinisan kong propesyon.

"Mamsh, ikaw talaga puno't dulo nito. Kung hindi mo naman ako nirecruit edi sana hindi ko ninakawan 'yang si Roks." giit ko pa saka  pinaikutan 'to ng mata.

"Pero kung hindi kita nirecruit mamoroblema ka na naman sa pambayad ng hospital ng tatay mo at 'di kayo makakakuha ng scholar. Tigilan na nga natin sumbatan parang bata ih," iniwan ko siya muli at nagtungo naman sa CR para tignan kung may natirang mga damit at para jumingle na rin.

"Paano mo nalaman mga 'yan? Wala akong nabanggit sa'yo ha? Nachismis na ba?" nagtataka kong tanong mula dito sa CR.

"Syempre nga sinabi nung Deam, eh kanang kamay ata ni Captain Roks 'yun. May kakaibang swerte ka eh, siguro talaga dahil 'yan sa paghalik mo kay Roks no?"  napabusangot nalang ako sa sinabi niya lalo pa't umiihi na ako ngayon.

"Tigilan mo 'ko Mamsh, hindi dahil sa halik 'yun sadyang naawa lang sa kalagayan ko. Kung alam mo lang pinagdaanan ko para lang mapakitang kaawa awa ako." sagot ko, masyado akong defensive at t'yak may mamumuo na sa utak ni Mamsh na isang teorya.

"Tao po." rinig kong saad ng isang boses lalaki na medyo malakas ang pagka katok.

"Mamsh tignan mo nga kung sino 'yun. Nasa CR lang ako bilis na." mabilis kong tinapos ang dapat kong tapusin sa CR.

"Opo siya nga po, nasa loob siya eh. Ako nalang mag claim." rinig kong malambing na saad ni Mamsh.

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang salitang 'claim' anong ibig sabihin ni Mamsh? Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at nagtungo na sa sala ulit.

"Sino 'yun Mamsh?" nagtataka kong sambit at nakita kong may mga paper bag na nakalagay ngayon sa lamesa namin at nakaamoy ako ng kakaibang aroma mula doon kaya lumapit ako doon para kumpirmahin kung pagkain ba 'yun.

At nang macheck ko na ay nilingon ko na si, "Mamsh?" nagtataka kong tanong habang nakatingin sa isang papel pero dahan dahan 'yun lumipat saakin.

"Sabi na eh, Tama ako eh!" napitlag ako nang bigla siyang sumigaw at pinanlakihan ako ng mata.

"Shh, h'wag kang maingay natutulog si Coco at Roksie." bawal ko sakaiya dahil sobrang lakas at tinisng boses niya.

"Ikaw 'yung Kiss slave!" sa pagkakataong 'to ako naman ang nanlaki ang mga mata nang iniharap niya saakin ang sticky note.

'Good morning Cenery, I know you'll be mad at me if I send you food everyday. But as I said I don't want weak Kiss slave. Enjoy eating Cenery, there's food for Roksie too.'

Roks,

"Oh my god! Tama nga ako!" tuwang tuwa niyang saad kaya inagaw ko ang papel sakaniya at nilukot 'yun.

"Mamsh tumahimik ka nga, niloloko n'ya lang ako. Inaasar niya ako." kinakabahan kong sambit dahil mukhang mabubuking na ako nito.

"Bakit ka nag papanic, alam ko naman kasi kung anong totoo kanina halatang halata na eh. Sige ganto, hindi naman kita aasarin base sa mga pagsusuri ko ay mukhang gumagawa ka ng rules para Kiss Slave kaso wala kang nagawa kaya ma drawing mo ang mukha ni Captain." nakangiti niyang sambit kaya sobra akong namangha sa sinabi niyang 'yun dahil tumpok na tumpok.

______________________________________
Nyang note: Don't forget to vote and leave a comments.

Continue Reading

You'll Also Like

34.9K 795 8
Just because the past is painful doesn't mean the future will be. Sequel of Prince Of The Womanizers
546K 1.4K 4
Series #2: BLAKE LAWRENCE SARATOGA Lawrence is one of the 7 founders of Recuerdo de Amor Island. He's the happy-go-lucky guy & the youngest in the g...
9.7M 173K 60
College student Christie unwillingly returns to her hometown because of her parents. As the shy new girl of Osmium University, all she wants is a nor...
600K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...