Rated SPG ka ba?

By yoolabanana

696K 8K 1K

- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso an... More

UNANG TIKIM
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
HULING LAMBING

KABANATA 25

10.2K 208 8
By yoolabanana


KABANATA 25

Alas sais ng hapon nang makarating kami sa bahay. Nagpabili ako ng Empi kay Caden at iyon ang ininom namin.

Nang mag-alas otso, napatulog ko agad si Lucas kaya pumayag ako nang magkayayaan na ituloy ang inuman namin sa Papa Doms.

Finally! Na-miss ko talaga ang Tagaytay. Ang preskong lamig ng hangin, ang makapal na hamog, at ang mga kaibigan kong siraulo!

"Cheers!!!"

Sabay-sabay naming nilagok ang mga bote namin. Nagtawanan pa nang masamid si Arah.

"Oh, tanga, hindi kasi magdahan-dahan eh." pang-aasar sa kan'ya ni Veron.

"Gustong-gusto malasing, sis? Hirap talaga kapag broken hearted eh." gatong pa ni Daisy.

"Kay Tim parin ba?" nagtatakang tanong ko.

"Iba, tinamaan na talaga si Arah for real na real! Tagos na tagos hanggang baga at bahay bata!" si Veron sabay tawa.

"At single dad, girl! Kaya seryoso sa buhay at ayaw pansinin itong si Arah." dugtong pa ni Daisy.

Si Arah ay nag-nyenye nalang sa dalawa.

Nanlaki ang mata ko. "Hala, totoo ba, Arah?"

Nagkibit-balikat lang ito sabay lagok sa bote n'yang from medyo puno ay halos maubos na. Napailing nalang ako. Ibigsabihin n'yan, totoo.

"Buti pa ako, nagdesisyon akong mamatay na birhen nalang para walang sakit sa ulo at puso. Mag-aalaga nalang ako ng pusa habang nag-aabang ng buwanang dalaw. 'Di naman masakit." ngayon naman ay si Veron ang lumagok ng alak. Natawa kami.

"Saan mo nakilala?" usisa ko pa rin dahil hindi ako makapaniwala.

"Sa school ng pamangkin n'yang si Chinchin. Classmate ng pamangkin n'ya 'yung anak ni guy. One time na nautusan s'yang sunduin sa school si Chinchin, nakita n'ya 'yung lalaki tas tumibok daw agad 'yung kips n'ya."

Tawang-tawa ako sa huling sinabi ng sira ulong si Daisy.

"Hindi mo ba nakikita mga drama nito sa FB?" si Veron na bigla namang napatango na tila narealize din agad sagot. "Oo nga pala, wala ka nang Facebook. Deleted na ba?"

"Nag-deactive ako pero hindi ko na maaalala 'yung password kaya hindi ko na tinangkang buksan." kibit-balikat ko.

"Para kang taong tabon, punyeta, gumawa ka nga ng Facebook!" supladitang sabi ni Arah na tinawanan pero sinunod ko naman. May internet din naman kasi ako sa phone ngayon.

"Oh, ayan, ano kayang magandang profile picture? Picture kaya ni Lucas?"

Sabay-sabay silang umirap.

"Ano ba naman 'to, ilalagay talaga ang bata imbes na piliin 'yung kita ang pwet ng bata." naiiritang sabi ni Veron.

"Akin na nga, ako pipili."

Hinaltak ni Daisy ang cellphone ko. Ilang sandali, binalik n'ya iyon sa akin at pinili n'ya 'yung naka-bikini na picture ko sa isang beach sa Dubai.

Natawa ako at hinayaan nalang.

In-add ko silang lahat na agad naman nilang in-accept. In-add ko rin ang Facebook ng kaibigan kong si Hope Erica sa Dubai. Matapos iyon, ilang sandali, dinagsa ako ng friend requests.

"Hala, bakit ang dami agad nakaalam ng FB ko? Kinalat n'yo ba?" nagtataka kong tanong. Nakita ko pa na maging sina Tim, Tj, at Inno ay in-add ako.

"Baka nakita nila sa news feed no'ng in-add mo kami. Hayaan mo na, i-accept mo nalang! Napaka arte naman nito, sarap sapakin. Artista ka, girl?"

Inirapan ko si Arah at binalik nalang ang atensyon ko sa cellphone. Sige na nga, accept ko na. Pati si Olly, na-add agad ako eh. Katakot 'tong FB ah! Bilis umaksyon.

Dahil busy naman sila sa chikahan, palihim kong tinignan ang profile ni Inno. Ganoon pa rin tulad ng dati, bihira s'yang magpost. But this time, iba na ang picture n'ya sa Facebook. Anino iyon ng isang babae. Girlfriend n'ya siguro? Baka si Charm. Baka nagkatuluyan na sila.

Nakaramdam ako ng inis pero binalewala ko nalang iyon at binaba na ulit ang cellphone ko.

Lumalim ang gabi at mas dumami ang tao sa Papa Doms. Nakakita pa kami ng ilang mga kakilala na inalok din kami ng mga tagay. Kaya halu-halo na ngayon ang mga nainom namin.

"Nakakainis, 'no? Si Daisy na walang paki sa lalaki pa ang unang nakahanap ng forever?" si Arah na ngayon ay mukhang lasing na. Problemado nga talaga ang isang ito. Sabi n'ya di s'ya papakalasing kasi s'ya ang may sasakyan sa amin eh. Pero mukhang magtatawag nalang 'to ng driver mamaya.

"Pa'no kapag hindi nagising ang driver nina Arah? Paano tayo uuwi?" alalang tanong ko kay Veron pero wala na yata ito sa sarili dahil naabutan kong kinakausap na nito ang bote ng San Mig.

"...kaya mahal kong mingming, tayong dalawa lang ang magsasama pureber and eber! 'Wag na mag-asawa! Gago naman 'yang mga lalaking 'yan!"

Napailing nalang ako at napairap. Pucha, ginawa nang pusa 'yung bote!

Mabuti nalang talaga ako, dinukot ko 'yung lalamunan ko kaya naisuka ko 'yung ibang alak na nainom ko. Natutunan ko 'yun sa kaibigan ko sa Dubai na si Erica. Effective nga talaga kasi hindi ka malalasing agad.

"Basta, 'yung cake ko sa bridal shower ko, hugis etits ah. Ahlia, ikaw ang bahala du'n ah. Dapat malaki para kapag sinubo ko, swak na swak."

Pucha, pati si Daisy lasing na. Ano na? Punyeta. Ako mag-aalaga sa kanila?

Kaya naman lumaklak nalang ako habang tinatawanan ang mga kaibigan kong kan'ya-kan'ya na ngayon ang sapak. Kaya pati tuloy ako, tinamaan na.

"Ahlia."

Nilingon ko sa gilid ko ang isang lalaki na biglaang sumulpot. Si Pert.

"Uy, k-kamusta?" sabi ko na medyo awkward dahil natatandaan kong hindi nga pala maganda ang huling alaala namin dito sa Papa Doms. Pero pinilit ko nalang 'yong iwaksi.

"Ayos naman, Ahlia. Masaya akong nakabalik ka na." mapungay ang mga mata ni Pert na nakatingin sa'kin. Bakas ang saya sa mga ngiti n'ya.

"Okay lang ba na umupo ako saglit sa tabi mo?"

"No."

Hindi ako ang sumagot na 'yon kun'di boses ng isang lalaki. Kumunot ang noo ko at hinanap kung saan iyon galing at nakita ko si Inno na nasa likod ni Pert. Kasama nito sina Tj at Tim.

"Oh, away na 'yan oh! Suntukan! Suntukan!"

Sinaway ko agad si Arah at dumila lang ito sa akin. Nakita ko si Inno na mabilis na umupo sa tabi ko at tinitigan ng masama si Pert. Nagkibit-balikat naman si Pert umalis nalang.

"Bakit mo ginawa 'yon?" naiiritang sabi ko sa ngayon ay nakatingin sa aking si Inno. Seryoso ang mga mata at parang naiinis. Wow? S'ya pa ang naiinis?

"Why? You want to be with him?"

Mabilis akong umiling. "Pero ayaw ko din kita katabi." sabi ko at tinalikuran nalang s'ya. Epal eh.

Ngayon ay katabi na ni Daisy si Tj. Si Tim naman ay tumabi kay Veron. Kaya pala. Kaya nagtataka ako kanina kung bakit malaking mesa ang pinili nila. Siguro talagang susunod 'tong mga 'to.

Nag-order ng drinks ang mga kadarating lang na lalaki. Umorder din ulit si Arah kaya ang dami na naman naming inumin.

Habang umiinom, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ang pangalan ni mama sa screen. Pagsagot ko ng tawag, malakas na iyak ni Lucas ang sumalubong sa'kin. Napatayo ako at agad tumakbo malayo sa ingay.

"Ma, nagising?!" problemadong tanong ko kahit obvious naman na ang sagot.

"Ayaw ko sana abalahin ka, 'nak, pero isang oras nang umiiyak."

Nasapo ko ang noo ko. Tumango ako. "Sige po ma, uwi na ako."

Agad kong pinatay ang tawag. Tumalikod ako para bumalik sa mesa pero bumangga ako sa isang matigas na dibdib ng lalaki. Medyo na-out balance tuloy ako pero agad ako nitong hinapit sa bewang.

"Ano ba, Inno." inis akong lumayo sa kan'ya. Lintik, biglang nasulpot eh!

Iniwan ko s'ya at tumakbo ulit sa mesa namin.

"Mga 'te, si Lucas kasi nagising. Need ko na umuwi. Sorry, babawi ako."

Nagtanguan sila. Kinuha ko agad ang bag ko.

"Mag-commute ka n'yan? Good luck kung may dadaan pa na jeep or bus! Kapag wala, lumipad ka nalang!"

Napailing nalang ako sa lasing na si Arah. Wala na talaga akong aasahan sa mga wasalak na 'to. Kaya naman tumulak na ako papuntang sakayan.

Isang minuto lang habang nag-aantay ako ng jeep, may humintong kotse sa harap ko. Bumukas ang bintana at nakita ko si Inno.

"Let's go, Ahlia. I'll take you home."

Napapikit ako at nagbuntong-hininga. Shit! Bihira na talaga ang jeep or bus kapag ganitong madaling araw na. Kaya mukhang wala akong choice kung hindi sumabay nalang kay Inno.

Ilang segundo pa akong nag-isip pero sa huli ay sumakay na ako.

Bago ang kotse ni Inno. Hindi na ito 'yong gamit n'ya dati. Mas maganda itong ngayon. Halatang mamahalin. Kulay itim ang interior ng loob at mabango. Hay.

"How old is Lucas?" basag nito sa katahimikan.

"22 months. Medyo late bloomer lang s'ya dahil busy ang magulang, hindi masyadong natutukan, at madalas nakaharap lang sa tablet 'yung bata. Kaya kung tinatawag ka man n'yang papa, pasensya ka na. Kahit sino namang matangkad, papa ang tinatawag no'n. Kahit si Caden." guilty kong paliwanag.

Nagkibit-balikat naman ito. "It's okay. Though, I prefer daddy because he calls you mommy."

Umirap ako at hindi nalang sumagot kaya nakita kong parang natawa s'ya.

"Kayo ba ni Charm, wala pa kayong anak?"

Kumunot ang noo n'ya sa tanong ko. Nilingon ako nito ng mabilis. "Why the fuck would you think I would have a child with her?" pagalit n'ya ngayong sabi.

Aba, malay ko ba? Ilang beses kayong nagchuchukchakan eh. Baka lang may nabuo diba?

Pinili ko nalang na huwag na magsalita. Parang lalo s'yang nainis.

"Did you leave me because you thought I'm cheating on you with her?"

Tuluyan na nga n'yang binagsak ang tanong na kahit kailan ay hindi ko napaghandaan ang sagot. Ayaw ko na ulit balikan 'yon. 'Yung nakakaawa kong pag-iyak habang lumalabas ng building, sa taxi, sa bus. 'Yung pakiramdam na para akong dinudurog.

"Hindi kita niloko kahit kailan. Alam mong ikaw lang, Ahlia." sabi n'ya na ngayon ay medyo malumanay na.

Hindi ako sumagot. Ayaw ko na pag-usapan iyon. Ayaw ko na madala ulit!

"Ahlia, pag-usapan naman natin. Dalawang taon, inantay kita." sabi nito sa ngayon ay nagmamakaawa nang tono.

Gago. Huwag ako! Inantay daw ng dalawang taon? Eh, nandito pa nga lang ako dati, may iba ka nang kinakalantari?

Napalunok ako at napapikit. "Please, Inno, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makarating kay Lucas ng maayos."

Nagbuntong-hinga s'ya at saka tumango.

Nakarating nga kami sa bahay agad. Sa gate ay nakita ko na agad si mama na karga ang inaalong si Lucas na umiiyak pa rin. Pulang-pula ito. Awang-awa ako. Agad ko s'yang kinuha kay mama at mahigpit ang yakap nito sa akin.

"Mimi." sabi nito habang humihikbi.

"I'm so sorry, baby. Mimi will never leave you anymore." sabi ko habang sinasayaw-sayaw ito.

"Huy, may kasama ka yata." sabi ni mama na nakatingin sa gate namin. Paglingon ko ay naroon pa si Inno, nakatayo.

Lumapit ako sa gate at nakita ni Lucas si Inno.

"Papa?" sabi ni Lucas na ngayon ay tumahan na. Sabi ko na nga ba eh. Papa na naman.

Natawa si Inno. "No, Lucas, this is daddy."

"Dada!" sabi naman ni Lucas sabay tawa.

Napairap nalang ako.

"Umuwi ka na or bumalik ka na du'n kung gusto mo." pagtataboy ko kay Inno.

"I will not go back there anymore. Wala ka naman na doon. Uuwi nalang ako." sabi nito as if may paki naman ako.

"Okay." sabi ko ay sinara nalang ang gate.

Dahil nalalapit na ang kasal nina Daisy at Tj, pinagplanuhan na namin nina Veron at Arah ang magaganap na bridal shower ni Daisy. Sinikreto namin iyon kay Daisy dahil balak namin itong isorpresa. Kumuha pa kami ng mga macho dancer at sinunod ko ang sinabi n'ya sa akin noong lasing s'ya na gusto daw n'ya ng cake na hugis keme.

Nagdesisyon si Arah na kumuha daw kami ng isang villa at naisip ko bigla ang villa na madalas naming puntahan ni Inno dati. Maganda kasi iyon at malaki. Heated pa ang pool. Binanggit ko iyon kay Arah at agad nitong tinawagan si Tj at pinasuyong itanong kay Inno ang numero ng may ari ng villa.

"Binili na daw pala 'yun ni Inno." sabi ni Arah sa akin matapos ang tawag kay Tj.

Nanlaki ang mata ko. "B-binili?"

"Oo, doon na daw nakatira ngayon."

Napanganga nalang ako sa sobrang gulat. Agad nagwala ang taksil kong puso.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 112 12
Alam ni Monica na ayaw ni Aldrich sa mga babae. Ngunit kahit alam na niya iyon ay patuloy pa rin siyang umiibig sa binatang may pusong pambabae. Mada...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
84.5K 201 4
We cannot control our hormones, we cannot dictate our seduction, we cannot easily reject the passion. Specially we cannot prevent the Temptation #...
66.5K 1.1K 45
Masaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa i...