Isang Malagim na Gabi [C.O.M...

By orlan90

7.5K 60 35

5 Kabataan ang makakatuklas sa tunay na storya sa likod ng Isang Malagim na Gabi (. . .C.O.M.P.L.E.T.E.D. . .) More

Chapter 1: Dorm mate
Chapter 2: Ang CR
Chapter 3:Black Bus (First Part)
Chapter 4: Abandoned Adventure Park
Chapter 5: Ang Lumang Bahay
Chapter 6: Taong Grasa
Ang huling Gabi (Last Chapter): Part I
Ang Huling Gabi: Isang Malagim na Gabi Last Part

Chapter 3 (Part 2): Black Bus "Ang huling Biyahe"

805 8 3
By orlan90

Tumalikod si Jake para tignan kung sino ang lalaki na nakatayo sa likod nila, dahan-dahan niyang tinignan ito, at ng nakita na niya ang mukha, nanlaki ang kanyang mga mata, sabay ngiti "walang-hiya ka! ikaw pala yan Bryan! tinakot mo ako, ano ginagawa mo jan?" sabay suntok sa may tagiliran "aray ko naman jake! eh kasi narinig ko kayo ni Rico na pinag-uusapan ang black bus at parang exciting yung gagawin niyong g~h~o~s~t h~a~u~n~t~i~n~g!! hehehe" pabirong sabi ni Bryan. "Amaw ka talaga! (ang word na "AMAW" ay karaniwang  ginagamit ng mga bisaya dito sa Bukidnon, ito ay isang expression na ang kasing kahulugan ay "Loko-loko" ) anong exciting? creepy nga eh, matagal ko na itong gustong sabihin sa inyu kaso nga lang ay baka sasabihin niyo lang na niloloko ko kayo" sagot ni Rico sa dalawa. "Okay sige, ngayong gabi 3 tayong matutunghayan ang kababalaghan ng BLACK BUS na yan" tuwang sabi ni Jake sa dalawa.

Mag-aalas 10 na ng gabi, hindi parin dumadating ang bus, marami na ang dumaan pero kahit isa dun walang black na bus na kanilang nakita. Panay ring ang cellphone ng 3, patunay na marami ng nag-alala sa kanila. Kaya naman naisipan nalang ni Jake na imbetahan ang dalawa na dun matulog sa boarding house niya. "Mga pare, baka aabutin na tayo dito ng umaga, walang pa talagan bus, tignan niyo 10 missed call na ako ng land-lady namin" pag-alalang sabi ni Jake. "Okay sige, uwi nalang siguro tayo pareng Rico, baka ayaw ng bus sa mga gwapo, katulad naming dalawa, hahaha" pabirong sagot naman ni Bryan. "Pwede bang maghintay muna tayo dito saglit? Baka dumating na yun" nagmamaka-awang sabi ni Rico. "Naku pare! talagang hindi na pwede, at tignan mo, parang uulan na din at gabing-gabi na, doon nalang kayo matulog ni pareng Bryan sa boardign house ko" sagot ni Jake kay rico. "Ah, hindi pwede pareng Jake eh, siguro si pareng Bryan nalang imbetahan mo kasi marami akong gagawin bukas ng umaga, I really need to go home" seryosong sagot naman ni Rico sa kanya. "Naku dude, ang gabi na, tawagan ko nalang mama mo at sabihing dito ka muna magpapalipas ng gabi. Tutal naman, uuwi ka bukas ng alas 4, di ba?" sagot ni Jake sa kanya. "okay sige na nga, basta bukas ng alas 4 gigisingin mo ako huh?" "okay sige pare, walang problema". At umalis na silang tatlo sa waiting shed para umuwi na sa boardign house ni Jake.

At lumipas ang 6 na oras. . .

"CRRRIIINNG! CRRIIINNG!" tunog ng alarm clock ni Rico. Agad-agad siyang bumangon at sinabihan ang dalawa na aalis na siya. "o mga pare, uwi na ako huh? maraming salamat pareng Jake, at ikaw Bryan uwi ka na agad huh? baka dito ka pa mag-aalmusal, hehehe" sabay tapon ni Rico ng unan sa mukha ni Bryan at agad na tumakbo. 

Habang, lumalakad siya, may napansin siyang mga yapak ng mga paa na sumusunod sa kanya. Bigla siyang huminto at tinignan kung sino ang nasa likuran niya. Pero walang tao, pabilis ng pabilis at lakad niya at nariring niyang pabilis ng pabilis din ang lakad ng taong sumusunod sa kanya. Tumakbo siya habang tinitignan palingon-lingon baka makita niya kung sino ang sumusunod hanggang sa may nakabangga siya. "ouch!" sabi ng babae na nakapayong "ah, pasensiya ka na miss, akala ko kasi may sumusunod sa akin" sabi naman ni Rico sa babae. "okay lang Mr, halata nga na nagmamadali ka, saan ka ba pupunta? eh hindi pa simbang gabi ngayon" pabirong sabi naman ng babae. "ah, eh, hehehe uuwi na kasi ako ng may narinig akong mga yapak na sumusunod sa akin, okay sige na miss, sorry again, mag-ingat ka" "okay sige salamat din Mr" at naghiwalay na sila ng landas.

Alas 4:30 na nun ng umaga, habang naghihintay ng bus pauwi, may nakita si Rico na isang lalaking nakatayo sa kabilang daan. Pinilit niya itong aninagin at nalaman niya namang yung pala yung estyudanteng may dalang kutsilyo. Napa-atras si Rico at ng may dumating na Bus ay agad siyang sumakay. Pag-akyat niya, tinignan niya kung marami bang pasahero, "hay salamat! makakatulog ako ngayon, mabuti nalang maraming pasahero" at dumeretso siya sa may likuran at dun umupo. Mga ilang minuto palang ang nakalipas ay nakaidlip siya. 

Habang pumipikit ang mga mata ni Rico ay may naramdaman siyang umupo sa tabi niya kaya idinilat niya ang kanyang mga mata at umusog, pero laking gulat nalang niya ang lalaki palang tumabi sa kanya ay yung konduktor ng black bus. Nagulat siya kaya tinignan ang mga kasamahan niya, andun parin ang 4 na estyudante, ang nurse, at may kasama na silang bagong lalaking pasahero. "Maramag ang destinasyon mo diba? eto ang ticket mo" sabi ng konduktor sa kanya. Natakot si Rico at sumigaw "A~H~H~H~H!!!!" "MR!! anong bang nangyayari sayo?" tanong ng lalaking katabi ni Rico. Idinilat na ng tuluyan ni Rico ang kanynang mga mata at namalayan niyang lahat ng mga pasahero ay nakatingin sa kanya. "Panaginip lang pala" sabi ni Rico sa sarili. "Pasensiya na po kayo" sabay kamot sa ulo nito. 

Ilang sandali palang ay nakaabot na si Rico sa terminal ng bus at bumaba. Dahil alas 5 pa nun ng umaga, ay minabuti nalang ni Rico na bumili ng kape sa may food court. October na nun kaya tamang-tama sa mainit na kape. Pagkatapos niyang bumili ay dinala niya ang isang baso at umalis na, pero nabitawan niay ito ng nakit na naman niya ang black bus. 

May 3 estyudanteng bumaba, dalawang babae at isang becky. Tumakbo si Rico para tignan kung ang mga pasaherong andun sa loob ng bus pero umalis na ito kaya hindi niya masyadong natingnan kung sino ang mga pasahero ng bus. 

Nakita ni Rico na sumakay ang tatlong estyudante sa isang tricycle, at dahil papauwi na din si Rico,  sumakay na din siya sa natitirang tricyle at eskaktong dadaan din ang mga estyudante sa kalsada na dinadaanan ni Rico. 

Malapit na ang intersection, ng biglang nag rin ang phone ni Rico "hello? Ma? papauwi na po ako" ng biglang may narinig si Ricong nagsalpukan. Biglang nakumpulan ang mga tao, hindi na makatayo o maka-kilos pa si Rico sa natunghayang aksidente. Panay "Hello" ng mama niya pero hindi na niya ito nasagot, kaya pinaki-usapan niya ang driver na ihatid siya sa bahay. At sa pagdating niya, naging hysterical na ang lahat, dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jake at si Bryan. Sinabi niya ang lahat sa kanila kaya naman ay nakipag kita ito sa skwelaha kahi Sabado. 

"Pare! natatakot na talaga ako sa mga pangyayari, parang hindi ko na ito makakayanan pa" nanginginig na sabi ni Rico. "Ahmm siguro pare, pahinga lang ang kailangan mo?" sagot naman ni Jake sa kanyang matalik na kaibigan "Dude! baka nasubrahan kalang sa kape?" pabirong sabi ni Bryan kay Rico. "Eh mga pare, hindi naman ako magkakaganito kung wala talaga akong nakita. come on! I see them, doon sila bumaba sa black bus na yun at alam kung dahil dun kaya sila namatay!" panginginig na sabi ni Rico sa kanila. "Okay sige, ngayong gabi, hihintayin natin ang bus kahit mag-uumaga na tutal Sunday bukas, oh ano game? Para naman matapos na'to" suggestion na sabi ni Bryan.  At dahil gusto na din nilang malaman ang katotohanan, minabuti ng tatlo na hintayin ang gabi at hintaying ang black bus.

Dumating na nga ang gabi, mag-aalas 12 na, kinakabahan na ang tatlong magbabarkada, at dumating na nga ang bus na hinihintay nila. "Oh diba? tama ako? meron talagang black bus" sabi ni Rico sa dalawa. Nandilat ang kanilang mga mata kaya naman ay nakumbinsi na sila at sinamahan si Rico na umakyat sa bus. 

Habang andun na sila, napansin ni Rico na marami na ang pasahero ng bus, may nadagdag na 3, maliban sa kanila. Kaya naman sinabihan ni Rico and dalawa niyang kaibigan na mag-ingat sila. Lumipas ang mga oras, at hindi parin makuha ni Rico ang tingin sa mga bagong pasahero kaya naman ay minabuti na niya na tignan kung sino. 

"Pare! saan ka pupunta? wag mo kaming iwan dito!" sabi ni Bryan kay Rico. "Teka mga pare, titignan ko kung sino yung mga bagong pasahero, for sure, yun yung mga estyudanteng na aksidente kahapon" matapang na sagot ni Rico sa mga kaibigan. "Ano ba pare?! na-iihi na nga ako dito sa pants ko! tinatakot mo pa kami dito!" pag-alalang sabi ni Bryan sa kaibigan. "Okay sige, kung gusto mo, tatlo nalang tayong pumunta sa unahan, tingnan natin! sige na! hali na kayo!" pa-ayayang sabi ni Rico. Kaya naman ay tumayo silang 3 at dahan-dahang tinignan ang tatlong bagon pasahero. Sa bawat lagpas nila sa mga taong nakaupo ay nararamdaman din nila na parang may kakaiba talaga sa kanila. 

At habang papalapit na si Rico sa nurse student, bigla siyang nanghina dahil yun si Charry, ang nakasama niya sa unang gabing nakasakay siya sa black bus. "Mga pare, tignan niyo, siya si Charry yung sinasabi ko sa inyu", nagsusuntukan sila ng palihim. Habang papalapit na si Rico sa lalaking pasahero, dun nakompirma niya na yun yung lalaking nakasabay niya sa pangalawang gabi nia sa bus. "pare ito naman yung lalaking nakasabay ko nung Huwebes" sabay sabi ni Jake sa kanya "pare, bumaba nalang kaya tayo? hindi ko na talaga kaya 'to!". pero hinarang siya ni Rico "diba nga pare, andito tayo para malaman ang katotohanan, tignan lang natin kung sino ang tatlong nasa unahan pa tapos bababa na tayo". Kaya nagpatuloy silang 3, sa takot ni Bryan at Jake ay hinihila nila si Rico at dahil pursigido si Rico kaya nagputuloy sila. 

At ng nakarating na sila sa unahan ng bus. . .

Nanlaki ang kanilang mga mata dahil, SILA din ang tatlong nakaupo. Napasigaw silang tatlo, "MANONG!!!! IHINTO MO BABAB NA KAMI!!!!" Huminto ang bus at ng bumukas ang pintuan nito, dali-dali silang bumaba pero ng last hagdan nalang ay biglang napahinto si Rico. "PARE!! BILISAN MO NA! ANO PANG HINIHINTAY MO!!!" sabi ni Bryan sa kanya. "Pare! wag nalang kaya tayong bumaba?" "Bakit naman pare?!!!!" "Eh kasi, andito yung estyudanteng may dalang kutsilyo at papalapit na siya!!!"

AT SILANG TATLO AY BIGLANG NAPASIGAW NALANG NG. . . .

"NANAY KO PPOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!"

+++++++++++++

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 344K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
82.2M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
6.9M 254K 30
The day Molly's attackers were set free was the day Mallary decided to take justice into her own hands. And Mallary knew that in order to do that, sh...
25.8M 641K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...